Pages

Saturday, June 13, 2020

Tambayan One (Part 3)

By: Moose

Authors Note:
Hello everyone! It’s been a while. 7years ago isinulat ko ang part 1 at 2 ng TAMBAYAN. Pero ang napost na pamagat dito sa KM ay TAMBAYAN ONE. Bago niyo ito basahin, please make sure to read Part 1 & 2 para maintindihan ninyo yung kwento.
-m00se

“Happy Birthday!” – ang sigaw ni Sai sabay abot ng isang maliit na kahon. Nababalutan ito ng kraft paper at royal blue na ribbon. Simpleng balot pero napakaganda at napakaayos ng pagkagawa. Napakislot pa ako ng bahagya dahil sa gulat habang nakaupo isang hapon sa aming tambayan kaya magkahalong tuwa at inis ang aking naramdaman. Kunot noo ko itong inabot
“Ano to?” – ang aking tanong habang sinusuri ang kabuuan ng kahon.
“Buksan mo dali” – sabay upo sa tabi ko. “Akin na nga!” – sabay hablot ng hawak ko at parang batang aliw na aliw sa pagbubukas ng munting regalo
“Ayos ka rin eh no?, ikaw may birthday? Sariling sikap ha? ha? ha? – inis kong wika sa kanya sabay tusok sa kanang tagiliran neto at akmang aagawin ang kanina lamang ay ibinigay nyang regalo.
Napakislot naman ito paiwas sa kamay ko. “Wag kang magulo” – sabay tawa at layo ng kahon sa akin gamit ang kaliwang kamay neto. At dahil mas malaking tao si Sai kesa sa akin hindi ko magawang maagaw ang kahon.
----

Napangiti ako habang patuloy ang paglalaro at pagpapaikot ikot ko ng aking mga daliri sa singsing na noo’y bigay sa akin ni Sai habang ginugunita ang tagpong iyon. Nakaukit sa loob na parte ng singsing ang  mga katagang “Deo Favente Perennis” at isang maliit na cross. Sa labas na parte naman ay nakalagay ang maliit na batong Aquamarine at nakaukit din ang isang krus. Dinig ko ang bawat tunog ng kamay ng orasan habang patuloy na nagyayabang ang sikat ng araw na tumatagos mula sa bintana ng aking kwarto. Kanina pa ako gising subalit sa kadahilanang Linggo naman at walang pasok ay minabuti ko na lamang na tumihaya na lamang muna. Mamayang hapon pa naman ang gaganaping misa para sa ikalawang taon ng pagkamatay ni Sai. Nasa ganoon akong pagmumuni nang biglang tumunog ang aking telepono.
“Nak, good morning”.--
“Hindi ko na isasama ang mga kapatid mo ha, baka magkukulit lang sila doon. Iiwan ko na lamang sila sa lola mo total Linggo naman at wala silang pasok” –-
“Isa pa parang masama ang panahon, baka mahirapan kami pabalik ng bahay kapag kasama ko sila” – ang sunod sunod sa magkakahiwalay na mensahe ng aking ina. Napangiti na lamang ako at tumugon sa kanya.
“Okay Ma, ingat” – ang tipid kong sagot. Inihanda ko na rin ang aking susuotin para sa misa mamaya. Inilatag ko sa aking higaan ang isang puting polo at blue jeans. Napabuntong hininga ako habang pinagmamasdan iyon. Kinapa kong muli ang singsing sa aking dibdib. “Good morning Sai” – ang mahina kong wika sabay halik sa aking singsing.

Katatapos ko lamang maligo alas dose ng tanghali ng sunod sunod na katok ang aking narinig.
“Sandali lang!” – habang dali dali kong isinuot ang aking boxer at nagtapis ng tuwalya. Iniluwa ng pintuan ang hapong hapong hitsura ng aking ina. Nakasuot ito ng puting bestida at medyo may kataasang takong.
“Oh Ma! Bakit parang nakipagkarera ka ata sa labas? – ang pabiro kong tanong sa aking ina. Alam ko na ang dahilan niyon. Nasa ikaapat na palapag ang aking bagong tinutuluyan at tanging hagdanan lamang ang paraan para makapanhik doon. Noong una ay medyo nagdalawang isip din akong kunin ang unit dahil nga sa taas nito kalaunay napapayag ko na din ang aking sarili.
Napasimangot ito. “Nak, ikaw e lumipat na nga ng tutuluyan. Pagkataas taas naman nitong dormitoryo mo. Sayang yung make up ko” – ang hingal na sabi ng aking ina habang napakapit sa aking braso. Inakay ko ito papasok at binigyan ng malamig na maiinom.
“Ma, ito lang ang kaya ng budget ko. Tsaka isa pa pakiramdam ko mas ligtas ako dito. Hindi ka din naman laging nagpupunta dito” – ang sagot ko
“Oh sya, magbihis ka na at nang makaalis na tayo. Ala una yung misa di ba?” – ang tugon ng aking ina.
Nakahanda na lahat ng aking gagamitin kaya’t mabilis akong nakapagbihis. “Opo Ma”.
Paglabas ko ng aking kwarto halos masamid pa ang aking ina “Ang gwapo naman ng anak ko” – ang sabi nito sabay ayos ang kwelyo ng aking polo. Hinawi pa nito ang mangilan ngilang buhok na bumabagsak sa aking noo. Hindi ko alam kung pinagtritripan na naman ako nito.

Mabilis kaming nakarating sa sementeryo kung saan gaganapin ang misa. Malayo pa man ay tanaw ko na ang puting tolda. May mangilan ngilang lobo ang nakatali doon habang ang mga bakal na pundasyon nito ay natatakpan ng mga puting tela. Napangiti ako ng mahagilap ng aking mga mata si tita na kasalukuyang nakikipag usap sa isa sa kanyang mga bisita. Napalingon ito sa akin, saglit na nagpaalam sa kausap at lakad takbo tumungo sa aming kinaroroonan.
“Mico!!!! Anak!!!! – ang patakbong papalapit sa akin habang nakabukas ang mga bisig. Ang kaninang tipid kong mga ngiti ay napalitan ng konting tawa habang patakbo din akong sumalubong sa kanya. Nang magtagpo ang aming mga katawan ay para akong batang sabik na sabik sa yakap ng isang ina. Sinubsob naman ni tita ang kanyang mukha sa kaliwang parte ng aking dibdib at panay ang singhot nito, halatang sabik na sabik sa aming muling pagkikita. Walang humpay naman ang paghaplos ng aking ina sa aking likod, nakangiti habang pinagmamasdan kaming magtita.
“Balae” – ang baling ni tita kay Mama, sabay akap din nito. Tumugon din ang aking ina, “Balae” – sabay haplos sa likod nito.
Itinuon ulit ni tita ang kanyang atensyon sa akin sabay pisil ng aking mga pisngi
“Mas lalo atang pumupogi tong binata natin” – ang sabi ni tita sabay ayos ng mangilan ngilang buhok na tumatakip sa aking nuo. Lumipat ito sa aking tabi. Ipinulupot nito ang kanyang mga kamay sa aking braso. “Come! I want you to meet someone” ang akay nito sa akin. Hinagip ko naman ang kamay ng aking ina, at nakangiting sumulyap sa kanya sabay hawak dito ng mahigpit at sabay sabay kaming naglakad papunta sa puntod ni Sai.
“Gab” – ang tawag ni tita sa isang makisig na lalaki ng makarating kami sa puntod na ikinalingon nito. Nakasuot ito ng puting polo shirt at nakatucked in sa jeans. Maputi, matangkad ngunit kapansin pansin na din ang mga linya sa balat nito tanda na medyo may edad na rin.
“Mico!” – ang bati nito habang bukas ang bisig na lumapit sa akin. Niyakap nya ako. Nagtataka man ay tinugon ko ang yakap na iyon. Lumingon ako kay tita na may pagtatanong. “He’s Cyrus’ father” – ang sabi ni tita.
“Nice to meet you po, tito?. –
“Gabriel, Gab na lang” –
“Tito Gab” –
Napalingon naman si tito sa aking ina. “Ah tito, Mama ko po pala. Cecile” – ang aking pakilala sa aking ina.
“Hello! Cecile” – ang bati ni Mama kay tito sabay abot ang kamay nito. “Gabriel, Gab na lang” – ang tugon naman ni tito. Ibinaling ulit ni tito ang atensyon sa akin.
“Wow, look at you! Finally we meet! Dati sa mga photos lang na pinapadala ni Cyrus kita nakikita” – ang sunod sunod na sabi nito sabay alok nito sa upuan na nakahilera sa harapan. Sumunod naman akong umupo. Naiwan naming nakatayong magkausap ang aking ina at tita., Mahina lamang ang kanilang pag uusap ngunit dinig ko ang mayat mayang tawanan nilang dalawa.  “Lagi kang nakwekwento ni Sai kapag tumawatag iyon sa akin, madalas ka nyang ibida sa akin” – ang patuloy ni tito sa aming usapan. Sa ilang minuto naming pag-uusap ay marami ng bagay ang aming napag-usapan. Ngayon alam ko na kung saan nagmana sa pagkamadaldal si Sai.

Natapos ang pagtitipong iyon halos mag aalas tres na ng hapon. May mangilan ngilang bisita na ang nagpaalam kila tito at tita para umuwi. Ang ilan naman ay nagpasya nang mauna sa bahay nila tita para naman sa konting salu salo. Di parin mapaghiwalay ang aking ina at tita at walang humpay parin ang kanilang kwentuhan. Para silang magkababata na ngaun lamang ulit nagkita, habang nasa tabi lamang din naman nila si tito na maya’t maya ding sumisingit sa usapan. “Mico, tara na sa bahay may konting salo-salo doon” – ang tawag ni tita sa akin habang nasa harapan pa din ako ng puntod ni Sai.
“Sunod na lang ako tita” – dito muna ako saglit.
“Ma, sumabay ka na lang kila tita” – ang baling ko sa aking ina. Tumango naman ito tanda ng pagsang ayon. "Sumunod ka kaagad, wag kang magtatagal. Makapal ang mga ulap, mukhang uulan" - ang sabi nito sa akin. Sinundan ko pa sila ng tingin habang pinagbuksan ni tito ng pinto ng puting kotse sina mama at tita bago ito nagtungo sa driver seat. Kumaway pa si tito sa akin bago sumakay. Tinaas ko ang aking kamay at ngumiti.

Halos kalahating oras pa akong namalagi sa lugar na iyon. Habang patuloy ang paglalaro ko sa singsing sa aking dibdib. Nang magpasya na akong umalis walang anu ano’y dumilim ang kalangitan, lumamig ang simoy ng hangin at biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sinubukan ko pang suungin ito subalit wala din akong nagawa kundi bumalik sa puntod. Mabuti na lang at covered ang puntod at nadoon din sa harap ang tolda na ginamit kanina sa misa. Dahil sa lamig ng hangin at pagkabasa ko sa ulan ay di ko mapigilang manginig.
“Antayin ko na lang na tumila” – wika ko sa aking sarili habang dinudukot ang panyo na nasa aking likurang bulsa. Nagpunas muna ako sa aking kamay upang kahit papaano ay maibsan ang lamig na aking nararamdaman. Kasalukuyan akong nagpupunas ng aking mukha ng makarinig ako ng paparating na sasakyan. Kunot noo kong sinundan kung saan iyon patungo. Nagliwanag ang aking hitsura nang huminto ito sa tapat ng puntod. May kalayuan pa ang puntod sa daan kung saan huminto ang sasakyan.
“Please please please” – ang sunod sunod kong bulong habang di mapakali ang aking katawan dahil sa lamig, nagbabakasali na sana si Tito Gab ang taong ito. Nakalipas pa ang ilang minuto na walang taong lumabas mula sa kotse. Nanatili lamang ang sasakyan na iyon habang patuloy sa pag ilaw ang mga blinker nito. Nanamlay ang aking itsura nang mapagtantong hindi ito ang sasakyang ginamit nila tito Gab kanina pauwi. Tinungo ko ang pasilyo ng puntod ni Sai at doon pasalampak akong umupo.
Nakarinig ako ng pagsara ng pintuan ng kotse kaya’t napabaling ang aking atensyon sa direksyon ng kotse. Kita ko ang isang lalaking nasa likurang bahagi ng kotse. Nakasuot ito ng hoodie habang abala at pakiwari ko ay may hinahanap. Binuksan nito ang isang malaking asul na payong bago isara ang likurang pintuan ng kotse. “Hindi si tito” – ang sabi ng isip ko dahil mas lean ang body structure nito kumpara kay tito.
Naglakad ang lalaki patungo sa aking kinaroroonan. Hindi ko maipaliwanag ang aking pakiramdam. Para akong nakaramdam ng kilabot, tuwa at pagkalito habang sinusundan ko ng tingin ang papalapit na lalaki. Nangilid ang mangilan ngilang butil ng luha sa aking mga mata. Parang pakiramdam ko kilala ko ang mga kilos na iyon maging ang paglalakad nito. At tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata ng makarating sya sa harapan ng puntod nakatayo ilang metro sa akin. “Sai!’ – ang sambit ko. Nanginginig pa ang aking mga kamay habang mabilis akong nakalapit sa kanya at walang pakundangan akong yumakap ng mahigpit. Walang humpay ang buhos ng luha sa aking mga mata kasabay ng sunod sunod na hagulgol. "Sshh". Naramdaman ko pa ang pagtugon nito sa yakap ko at haplos sa aking likuran na para bang nagpapatahan ng isang batang nawalan ng laruan.

-m00se

πŸ”₯πŸ”₯Ito ay isang napaka-tanyag na nobela kamakailan
πŸ‘‰πŸ“–<The Cold Billionaire>

PAWISAN at hinihingal pa siya nang tumayo mula sa pagkakadagan sa akin. Hindi niya man lang ako tinapunan ng tingin kung kaya maingat kong hinatak  ang kumot upang ibalot sa aking pagod na katawan. Pinilit kong bumangon. Gusto ko mang humiga at magpahinga dahil hinahatak ako ng antok ay hindi ko magawa. Bawat araw, bawat oras, bawat minuto ay mahalaga sa'kin. Dahil isang buhay ang nakasalaylay.

Nang umupo ako ay  napangiwi ako. I felt a sudden pain in between my legs. Masakit pala talaga pag first time. I bit my lip.

Wala na. I've lost it. Twenty five years kong inalagaan ang pagkababae ko. Ang pangako ko pa ibibigay ko lang ang sarili ko sa lalaking mahal ko at mahal ako. Nangingilid na ang luha sa aking mata. Pinilit kong 'wag ipakita sa lalaking ito na mahina ako. I flinched when he threw me a piece of paper. I glanced to it.

"I doubled the amount.” He said, while he was still zipping his pants. Alam kong nakatingin siya sa akin. Gustuhin ko man ang tingnan siyang pabalik ay hindi ko pa kaya. Nahihiya ako sa kanya dahil ako mismo ang naglubog sa aking sarili. I blinked back my tears. Kasabay nito ang pagkirot ng puso ko. He smirked “Surprisingly, you were virgin! How come a gold-digger slut, was still a virgin until now? Well, a few minutes ago..” Ramdam na ramdam ko ang galit at pandidiri sa kanyang boses. Nanatili akong nakayuko upang iwasan ang mapanuri niyang mga mata.

Hindi ako makagalaw. I felt a pang of pain in my chest. Never in my wildest dreams he would said that right in front of me. He had changed. Hindi na sya ang Johann na kilala ko. Ang bawat salitang namumutawi sa kanya ay tila mga matatalim na sanga na bumabaon sa aking puso.

Ang sakit. Sobrang sakit. Pakiramdam ko napakababa kong babae. Pero ano mang sabihin nya ay pikit mata ko pa ring tatanggapin iyon. I need his money.

Lumakad sya para kunin at suotin ang baro n'yang nakalatag sa couch. Hindi ako nagsalita at nanatiling tahimik na lamang.Magbibihis na lamang ako kapag wala na siya. Matapos n'yang suotin ang kanyang sapatos ay narinig kong bumuntong hininga siya. Nakayuko ako kaya't kitang-kita ko ang mga paa niyang unti- unting lumalapit sa'kin. He stopped in front of me. He slid his finger to my chin at tinaas ang mukha ko para maharap sa kanya.

He smirked, “Kung alam ko lang na sa ganitong paraan pala kita matitikman sana noon pa lang sinabi ko na sa'yong mayaman ako.” Bulong niya. Nanliit ang mga mata niya. He tilted his head. “I wasted my time with you. You're just nothing, but an ambitious gold-digger filthy slut. Atleast, you're beautiful. Sulit pa rin ang binayad ko.” At pabalang n'yang binagsak ang mukha ko.

I bit my lip. Kumuyom ang mga kamay ko. Nilulunok ko na lang ang sarili kong laway para hindi makagawa ng hikbi. Baka madagdagan pa ang kutya niya sa'kin pag nakita niyang umiiyak ako.

Kinuha at sinuot nya ang suit niya. Dumeretso sa pinto ngunit huminto at nilingon ako. Naramdaman ko ang pagkibo ng mga balahibo ko sa katawan. I felt..humiliated. “I hate you Aaliyah. I hate you so much. Thanks for fucking you.” I felt the pain in his tone. Napaigtad ako ng malakas niyang sinarado ang pintuan.

Bumuhos ang naipong luha mula sa aking mata. Niyakap ko ang aking sarili. Pakiramdam ko ay napakarumi ko ng babae, nanginig ang aking mga kamay. Tiningnan ko ang tseke sa harapan ko at mas lalong bumuhos ang luha ko.

Bakit? Bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko? Sobrang sama ko bang tao? Nasaktan ko siya. Oo nasaktan ko siya, pero hindi ko naman 'yon ginusto. Umaasa akong patawarin niya. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako. Tanga na kung tanga. Nawala siya sakin kung kailan mahal ko na siya. I love him.

I still love him.

INIS NA winagwag ko ang kumot at halos baliktarin ko na pati ang mga unan sa kama. Midterm examination na namin ngayon, tapos ngayon pa talaga ako male-late! Naku naman! Kanina ko pa hinahanap 'yung foot sock ko! hindi ko na naman makita. “'La! Nakita nyo ba yung foot sock ko?!” Naiinis na ko dahil pinagpapawisan na ko kakahalungkat pati sa drawer ko. B'wisit! Kapag 'di kailangan nakakalat, pagkailangan hindi mahagilap! B'wisit talaga o!

Maya-maya pa'y sumilip sa pinto si Lola, “Aaliyah, katutupi ko lang n'ung medyas mo kagabi at naitabi ko na rin.” Sabi ni Lola Mercy ko na may hawak pang sandok.

I rolled my eyes. “Kasi Lola kanina pa ko nagkakalkal dito hindi ko pa rin makita. Malelate na po ko sa exam ko e!” Unti-unti na kong nabuburyong. Bumuntong hininga ako para man lang mabawasan ang pagkainis ko. Hahanapin ko pa ba o aalis na ko?

Then Lola walked a few strides to my cabinet, sinubukan niya ring hanapin ang foot socks ko. “Kasi naman sabi ko sa'yo, tiklupin mo nang maayos ang mga damit mo. Para madaling hanapin ang mga kagamitan mo. Ang kalat-kalat nitong kwarto, itong damitan mo ang gulo gulo, parang binagyo. Kadalaga mong tao Pero pangmacho ang ayos ng kwarto mo. Noong panahon namin, pinaparusahan kami ng Nanay kapag magulo ang kwarto. Paluluhurin pa kami sa munggo kapag hindi kami sumunod..” Tuloy-tuloy na sabi ni Lola.

I heaved out a sigh. Nagsimula na naman si lola mangaral, At 'pag nasimulan na, tiyak hanggang mamaya pa iyan matatapos.

I roamed my eyes at my room. Yes, it was a bit messy. Just...a little bit. Masisi ba niya ko kung busy ako sa pag-aaral kaysa ang humawak ng walis? Third year college na ko, isang taon na lang at gagraduate na ko. Maghahanap ako ng magandang trabaho sa Makati, tapos kukuha ako ng condo at may manliligaw sa'king mayaman. Tapos magpapakasal kami at titira sa America. That's the life I've been dreaming of. A fairytale story at sinisiguro kong makakaahon kami sa hirap! Napangisi ako nang mahagilap ko na ang hinahanap, “'La, nakita ko na!” Agad ko itong sinuot, sa pagmamadali ko pa ay halos hindi ko maisuksok sa paa ko nang maayos. Humarap sa'kin si Lola at pinameywangan. Paniguradong uulanin ako ng sermon ni lola..

“Iyan na nga ba ang sinasabi ko e, siguro hinagis-hagis mo lang 'yan n'ung inabot ko sayo 'no? Itong batang na ito talaga ang hirap pagsabihan. Itatabi mo na lang 'yan sa aparador mo hindi mo pa magawa ng maayos. Kita mo na, nasa ilalim lang pala ng kama mo nakita.” Ramdam ko ang inis sa kanyang boses pero naroon pa rin ang kanyang pagmamalasakit.

Pagkasuot ko at agad kong kinuha ang bag ko at hinalikan si Lola sa kanyang pisngi. “Pasok na po ako, 'la. love you!” At dali dali na kong lumabas ng kwarto.

“Hindi ka ba kakain muna?” Pahabol na sabi ni Lola. If I know, nalusaw ko na ang panenermon niya. She loves me.

“Hindi na po 'la, baka ma-late pa po ako. Alis na po ako!” I waved my hand at her. At saka nagmamadaling lumabas ng bahay. I'm just so thankful I have my Lola in my life. Alam kong super haba na ng pasensya nya sa'kin. Pero pangako ko sa sarili ko makakabawi rin ako sa lahat ng hirap sa'kin ni Lola.

Naglalakad na ko sa kanto namin ng makita ako ng isa sa mga construction worker na madalas kong makita, may tinatayo kasing building doon. Balak 'ata gawing condominium. Nang makita nya ko ay agad siyang ngumiti at tumingin sa taas ng building. Napaismid ako. Alam ko na gagawin nito e, halos araw-araw naman.

“Johann! Johann! 'yung bebe labs mo 'andito na!” Sigaw niya.

A familiar voice came out, “Si Aaliyah? Nasa'n?” Lumitaw siya mula sa 2nd floor. Lumabas mula sa terrace ng tinatapos na building. Matangkad siya. Katamtaman ang laki ng katawan. Hindi ko ring maitatangging gwapo si Johann. Baka nga ito ang pinakagwapong construction worker na nakita ko e. Isang buwan ko pa lang siya nakikilala dahil bagong salta lang siya sa barangay namin. Pero mula nang makita niya ko ay halos araw-araw na niya kong kinakausap. Kung minsan lang ay nakakabwisit na nga. Hindi siya ang tipo ko.

Nang makita ko siya, ay agad akong napangiwi. Suot ang puting T-shirt pero puro dumi naman 'yon. Duming galing sa semento, buhangin at halata ang pawis sa mukha niya.

Sa madaling salita, ang dungis niya!

Nang makita niya ko ay agad siyang ngumiti. He showed me his perfect set of teeth. In fairness , mapuputi naman pero hindi ko pa rin siya type. Bakit kaya 'di na lang siya mag-aral at maghanap ng ibang trabaho. Alam ko ay halos magkaedad lang kami.

“Aaliyah! Papasok ka na ba?” Masayang sabi niya. Nagpagpag pa siya ng mga kamay habang nakadungaw sa'kin.

“Obvious ba?” Painis na sagot ko. Minadali ko na lang ang lakad ko. Ayokong makipagplastikan.

He laughed. “Ang aga-aga ang sungit mo. Meron ka ba?”Uminit ang magkabila kong pisngi. Talagang pinagsigawan pa niya 'yon? Puro lalaki pa naman ang mga tao doon.

Nilingon ko siya at binigyan ng matalim na tingin. “May exam ako at nagmamadali dahil male-late na ko. Kung pwede lang 'wag mo kong b'wisitin!” I almost gritted my teeth in anger. Pinipigilan ko rin ang sumigaw. Dahil ayokong ipakita sa kanya na naaapektuhan ako sa banat niya at baka banatan ko rin siya.

He raised his hands like he was surrending. “O, easy, relax, kalma. Joke lang naman 'yon Aaliyah. Alam mo naman ayokong nagagalit ka sa'kin e. Gusto mo ihatid kita?” Mag halong tudyo pa sa kanyang boses.

“H'wag na. Hindi ako lumpo.” Masungit kong sabi at nilakihan pa ang bawat hakbang.

He laughed again, “Sunduin na lang kita?” He shouted.

Ewan ko sa'yo! Hindi na ko sumagot dahil alam kong kahit sabihin kong ayaw ko e makikita ko na naman siya sa campus. At sa loob pa ng campus mismo naghihintay. Magaling siguro mangbola 'to. Babae kasi guard namin paghapon.

He shouted again, “Aaliyah baby loves! Sunduin kita ah! Wait for me!” Halos mapapikit na ako sa niya sa  pagsigaw niya. Bahala ka sa buhay mo! At saka ko mas binilisan ang hakbang ko papunta sa sakayan ng jeep.

Matapos ang huling klase, ay agad kong niligpit ang gamit ko. Deretso uwi na ko sa bahay at marami pa kong assignment na gagawin.

I am taking a Bachelor of Science in Business Management. Sa isang private school ako nag-aaral dahil sinagot ng Tita ko ang tuition fee makatapos lang ako. Nakatira na siya sa America kaya medyo nakakaluwag.

“Uy! Aaliyah! Ano, sama ka samin kina Ai nood tayo ng DVD! Tara! Minsanan lang 'to oh! Para makapag-unwind naman tayo pagkatapos ng midterm!” Paanyaya ng kaklase kong si May. Napatingin agad ako sa bagong rebonded n'yang buhok. Kapansin-pansin din ang pamumuti ng mukha niya dahil sa pulbos. Ganito kasi ang routine nila, pagkatapos ng klase retouch na ng makeup. Napapailing na lang ako kung minsan. Sinukbit ko ang bag ko at niyakap ang mga libro ko.

“Hindi na. Pass na muna ako. Pagod na ko saka marami pa kong mga nakabinbin na research. Kayo na lang muna.” Tanggi ko. Mas kailangan ko talagang gamitin ang oras ko para sa  pag-aaral. Ayokong bumagsak dahil nakakahiya kina Tita. Ang mahal pa naman ang bayad dito.

Napanguso si May. “Ay sayang , minsanan lang naman 'to e. Sumama ka na. Malayo pa naman ang deadline 'yan!” Pagpipilit pa niya sa'kin. Nginitian ko siya. Alam ko naman iyon kaya lang walang makakasama sa bahay si Lola.

“Baliw! Kayo na lang. Sige na alis na ko.” Paalam ko. Para hindi na humaba pa ang usapan. Lumabas na ko ng classroom. Hindi ko na narinig pa si May.

Nang malapit na ko sa gate, ay agad kong natanaw si Johann na nakatayo sa tabi ng ladyguard namin. Nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa kanyang maong jeans. He was wearing a blue faded shirt. Kaunting araw na lang pwede ng gawing basahan yung damit niya e. Napailing ako.

Nang makita niya ko, ay agad niya kong nginitian at kinawayan. I sighed. Ang kulit talaga! Tumakbo pa siya para salubungin ako. “Baby loves, musta? Okay ba mga exam mo?” Ngiting sabi niya sabay kuha sa bag at libro ko. Sinukbit niya ang bag ko sa balikat niya. Kung sa ibang lalaki siguro yon, aayawan nila ang pagbitbit sa bag na pangbabae. Pero kay Johann, gustong gusto niya at tila walang kaso sa kanya.

“Okay lang. Nakapag-review naman ako kahit papa'no.” Walang buhay na sabi ko, sabay kaming lumabas ng campus. Paglabas namin ay hinawakan niya ako sa aking siko at hinila sa mga nakahilerang nagbebenta ng fish ball, tokneneng isaw at gulaman.

“Sus, malamang napasa mo na yon. 'Kaw pa!” He winked at me. Kumalabog ang dibdib ko. Sa totoo lang gwapo itong si Johann e, kulang lang sa porma.

“Ewan ko sa'yo..” Sabay kuha ko ng plastic cup at tumusok ng fishball mula sa Kawali. “Libre mo 'to ah!” Tudyo ko habang nagtutusok at namimili ng luto na. Sa gilid ko ay ramdam kong ngumiti siya at nakatingin sa akin.

“Oo ba, basta para sa baby loves ko!” Masiglang sabi niya. Napailing na lang ako sa kanya.

Habang naglalakad ay kumakain din kami ng tokneneng. Nakaipit naman ang mga libro ko sa kilikili niya. Nahabag naman ako sa kanya at baka nahihirapan siyang kumain. Iniabot ko ang mga libro. “Akin na nga 'yang mga libro. Ako na magbibitbit.” Inabot ko iyon pero iniwas niya ang lang.

“H'wag na. Kayo ko 'to baby loves.” Sabi n”ya habang ngumunguya.

“Para hindi ka mahirapang kamain...” Dagdag ko pa.

Napatigil siya sa pag nguya at parang baliw na tumingin sa'kin. “Baby loves concern ka na sa'kin?” Manghang-manghang sabi niya. Napanganga pa siya.

Umirap ako, “Akin na nga kasi baka isipin mo inaalila kita.” Masungit na sabi ko.

Nilunok niya ang kinain. “Sige alilain mo ko, okay lang sakin. Iyong-iyo ako baby loves! Poreber! Gamitin mo pa kaluluwa at katawan ko, okay lang! Basta para sa'yo baby loves! Malakas ka sa'kin e! Nanginginig pa!”

Nangiti ako sa sinabi niya. “Parang timang 'to. Aanhin ko naman kaluluwa at katawan mo? Yayaman ba ko d'yan?”

Tumikhim siya. “Ikaw, nasasaiyo 'yan kung ano'ng balak mo. Taas-kamay lang ako.” Sabay kindat pa sakin.

“Bahala ka sa buhay mo! Timang!”

“Gwapo naman!” Nagtaas-baba ang mga kilay niya. Sabay kaming napatawa.

Sumakay kami ng jeep pauwi. Siya na rin nagbayad ng pamasahe ko. Gusto nya e. Maya-maya pa'y unti-unting napuno ng pasahero jeep kaya naman dikit na dikit na ko sa kanya. Nasa dulong likuran ako kaya't tanging si Johann lang ang katabi ko. Binabalingan niya ko minsan kung okay lang ako o kung nasisikipan ako. Palagi ko na lang siyang sinasagot na okay lang. Sanay naman ako sa ganito e. Nang bumiyahe na ang jeep ay naagaw ng pansin ko ang dalawang estudyanteng magkasintahan. Kasi naman, todo sweet sila. May himas sa kamay, nakahilig si Girlfriend sa balikat ni Boyfriend at nagbubulungan pa. E'di wow! Kayo na ang sweet. Nakita kong doon din nakatingin si Johann. Naiinggit kaya siya? Ano namang paki ko! Ganoon na lang ang gulat ko nang mag-kiss ang dalawa sa harapan pa namin!

'Tong mga batang 'to! Mga nakauniform pa tapos todo-todo ang PDA!

Napatingin naman ako kay Johann na medyo nakanganga pa ang bibig! Nashock din 'ata siya.  Binunggo ko naman siya sa balikat at tinaasan ng kilay. Tumingin siya sa'kin at bumaba ang mga mata sa labi ko. Napasinghap ako. Lumunok siya. Parang alam ko na tumatakbo sa isip nito! Lumunok pa siyang muli kaya naman binatukan ko na nang matauhan. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. “Umayos ka, Johann!'' Pabulong at mariin kong sabi sa kanya. Bahagya siyang yumuko at inilapit pa ang mukha sa'kin. Nanlaki ang mata ko at umurong. Halos tumigil ang pagdaloy ng hangin sa'king ilong.

“Maayos naman ako ah..” Nangingiting tudyo niya sa'kin. Inirapan ko siya.

“Mukha mo! Hindi mo ko maloloko..” Sabi ko. Ngunit tila may kung ano'ng nagliliparan sa aking tiyan na hindi ko matukoy.

Nanliit ang mga malalalim niyang mata. Ngumisi pa siya. “Hinding hindi kita lolokohin Aaliyah. Dalhin mo 'yan sa puso mo.” Sabi niya. Napatitig ako sa kanya. Sa ilang sandali ay hindi ko mapigtas ang tingin ko sa kanya. Parang bang humahatak sa'king tingnan lamang siya. Weird.

HALOS ARAW-ARAW akong sinusundo ni Johann. Kung minsan naman ay hinahatid niya rin ako. Pero minsan din ay hindi siya nagpapakita. Hindi ko naman siya tinatanong kung anong pinagkakaabalahan niya kapag wala siya sa construction. E ano naman ngayon kung minsan wala siya. Tulad ngayon walang Johann na nagpakita sa campus. Inaamin kong umaasa akong makikita ko siya sa gate pero nabigo lang ako. I pouted. “Nasaan kaya iyon?

Baka nagsawa na sa'kin? May nakitang ibang babae? Napuno na sa kasusungit ko? Bigla na lang akong nainis.

Nakasimangot akong naglakad palabas ng campus habang yakap ng mahigpit ang libro ko. Naiinis ako. Baka maniwala na kong madali lang talaga magsawa ang mga lalaki. Wala talagang nakakatagal sa mahabang ligawan. Kasi ang uso ngayon, isang kindat lang kayo na! Nakatinginan lang, kayo na! O kaya isang linggong ligawan, pakipot ng kaunti, sasagutin na! Kaya maraming maagang nabubuntis kasi nagpapadala sa init ng katawan!

Pagnagpakita siya sa'kin, ha who you ka! Ha!

“Miss tabiii!”

Ganoon na lang ang gulat ko ng may sumigaw sa kaliwa ko. Mabilis ang mga pangyayari. May mga sumisigaw ding iba pero 'di ko na sila matingnan pa dahil ang mga mata ko ay nakafocus sa motor na mabilis ang harurot at papalapit sa akin! Am I going to die! Ayoko pa, mag-aasawa pa ko! A familiar face flashed in my head. A man that I was anticipating to see. Ang kabaliktaran ng pangarap ko.

Si Johann.

“Aaaah!” Biglang may yumakap sa'kin at tinulak ako sa sementong sahig. Unang sumadlak ang balakang ko sa matigas na sahig. Dumilat ako, mainit na semento ang bumungad sa akin. Dumagundong ang dibdib ko. Hingal na hingal ako. Buhay pa ba ko?

“Okay ka lang Miss?” Halos hindi pa ko makahinga sa mga pangyayari. Hindi ko nga iniintidi ang taong sumagip sa'kin.Bumangon ako at isang kamay ang naglahad sa harapan ako kaya kinuha ko na rin.

Tiningnan ko ang motor na muntik na kong sagasaan. Hinahabol na siya ng isang traffic enforcer na saksi rin sa nangyari.

“Okay ka lang ba miss?” Isang baritonong boses ang nagsalita sa gilid ko. I looked at him. He was giving me my bag and books.

“T-Thank you..” Dahil sa sobrang kaba at takot ko tanging iyon lang ang nasagot ko.

“Gusto mo bang dalhin kita sa ospital? Baka may pilay ka?” Bakas sa boses niya ang pag aalala. Ospital? Gastos lang 'yon. Wala sa budget ko ang magpaospital. Hindi naman ito siguro malala.

Umiling ako. “Hindi na. Okay lang ako. Salamat na lang.” Dahan-dahan akong tumayo at  humakbang, napangiwi ako ng kumirot ang binti ko. Inangat ko ng kaunti ang palda ko, at laking gulat ko ng makita kong namumula at puro gasgas ito. May mga dugo na rin akong nakikita. “Ang malas naman oh..”

“Tara miss, hatid na kita sa ospital. Dapat nating ipatingnan 'yang binti mo. Malakas ang impact ng pagkakabagsak natin baka may nadislocate sa mga buto mo. Mas mainam na ipacheck na natin 'yan” Then he started walking habang hawak niya ko sa siko.

“No! okay lang. Maliit na sugat lang 'to--”

“I insist. At ako na ang bahala.” He said. Talagang wala siyang balak na bitawan ako. Ano'ng gagawin ko, wala akong pera pambayad?

Naglakad kami patungo sa isang matingkad na kulay asul na kotse. Bahagya akong napanganga. I looked at him again. He was about to open the passenger's door. Noon ko lang siya napangmasdan. Matangkad, gwapo at matipuno siya. Pailalim kong sinuri ang taong nagmagandang loob na tulungan ako. Signature shirt, nice pants, expensive watch na nakita ko na suot ng isa sa mga classmate ko. Aaminin ko, sa materyal na bagay ay munting paghanga ang naramdaman ko.

Hinatid pa ko hanggang sa bahay ni Tyler Fellez. He was the one who saved me from that incident. He even paid my hospital bills. Ilang tests din at gamot ang binigay sa'kin kaya malamang libuhin din ang inabot no'n. Lalo pa at sa private hospital pa niya ko dinala. Nahihiya tuloy ako sa kanya. Nagtratrabaho na naman daw kasi siya kaya wala lang daw 'yon sa kanya. He's twenty-four. Five years ang tanda niya sa akin.

“Salamat ha, Tyler. Nakakahiya na sa'yo. Pero babayaran naman kita. Hmm, easy ka lang.” Nahihiya kong sabi sa kanya.

He chuckled. “It's alright. Magpagaling ka lang, bayad ka na. At mag-iingat ka na sa susunod. Baka 'di na kita maligtas pa.” We both laughed.

“Ate Aaliyah!”

Sabay kaming lumingon ni Tyler sa pinanggalingan ng boses. Napangiti ako ng makita ko ang pinsan kong si Alee na nakatayo sa pinto ng bahay namin. Pero nawala ang ngiti ko ng makita ko kung sino ang katabi niya na may madilim na mukha. Matiim siyang nakatingin sa braso ko.

Na hawak ni Tyler.

Biglang kumalabog ang puso ko. Sa uri ng paninitig ay tila aakayin ako nito sa sobrang tiim at bigat. Nakapamulsa siya at walang kangitingiti ang mukha.

“Ate Aaliyah bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay ni kuya Johann e!” Lumapit si Alee sa amin ni Tyler. Ngiting-ngiti at parang nagniningning ang mga mata niya kay Tyler nang malapitan itong nakita.

“May nangyari lang kasi kanina. By the way Tyler this is Alee, pinsan ko. Alee si Tyler Fellez, niligtas niya ko kanina, pinagamot pa.”

“Nice to meet you, Alee.” Naglahad ng kamay si Tyler. Na agad namang tinanggap ni Alee.

“Nice to meet you too, Tyler. Pero wait! Niligtas ka niya at pinagamot? Bakit ano'ng nangyari?” Pag- aalalang tanong ni Alee. Sinuri pa niya ko.

“Naku, mahabang kwento. Sa loob na natin pag-usapan. Tyler dito ka na kumain.” Nahihiya akong lumingon sa kanya. Umaasang kahit sa ganitong paraan ay makabawi ako at malamang na nasira ko ang oras nito.

He smiled, “Hindi ako tatanggi d'yan. Pagkain 'yan e!”

Papasok na kami ng bahay ng humarang sa daanan ko si Johann. Kung kanina ay madilim ang mukha niya ngayon ay malambot na ito. May pag-aalala pa kong nakikita sa kanya. I sighed. “Mauna na muna kayo sa loob Alee...”

“Sure! Tara Tyler!” She immediately grabbed Tyler's arm.

I looked at Johann again. I crossed my arms on my chest. “Ano'ng sa atin Johann? Alam mo, para kang kabute. Bigla kang sumusulpot at bigla ka ring nawawala.” Kainis! Nasamyo ko ang pait sa tono ko sa pagkakasabi n'on.

He furrowed his brows. “Nasaktan ka ba? May masakit ba sa'yo? Ano'ng nangyari? Namukhaan mo ba yung gumawa n'yan? Baka kailangan mong ma-confine? Shit! Dapat pala sinundo kita! B'wisit!” Humugot siya ng malalim na hininga. I was stunned at his reaction. Nataas-baba ang dibdib niya. Kitang-kita ko sa itsura ang disappoinment at pagsisisi. Nawala tuloy ang tapang na nilabas ko dahil d'on.

“O-Okay na naman ako. Hindi naman kalakihan ang sugat ko e, Saka wala naman daw akong bali...” Pinakita ko pa sa kanya ang sugat ko sa binti.

Ngunit tila mali ang ginawa ko at lalong dumilim ang mukha niya. “Fuck!” He cursed when he saw my scratches, parang gusto pang magwala sa itsura niya. Nagulat ako sa nakikita ko sa kanya. Kung makamura siya at magalit ay bago sa akin. This is the first time I saw him like this. Na parang 'di na makakausap ng matino.

“Ano ka ba hindi naman 'to seryoso, saka nagpacheck-up na ko kanina. Maswerte nga raw ako at ganito lang ang natamo ko. Kung hindi nga dahil kay Tyler--”

“Niligtas ka niya? Kasama mo ba siyang nagpagamot?” Salubong ang mga kilay niya at tila paputok na sasabog!

“Malaki ang utang na loob ko sa taong 'yon. Kung hindi dahil sa kanya malamang na-ospital pa ko. Sinagot pa nga niya 'yung bayad sa hospital.”

“Parang tinulungan ka lang hangang-hanga ka na? Natural sa tao ang tumulong kaya hindi ka dapat humanga ng ganyan. Dinala mo pa dito. Baka mamaya n'yan masamang tao 'yan.” Hindi pa rin nawawala ang salubong n'yang kilay. Tila naiinis pa rin.

“Pwede ba Johann tumigil ka na nga. Saka, ngayon ka lang nagpakita uli tapos kung makaasta parang boyfriend kita a!” Napameywang na ko sa kanya para kahit papaano ay malusaw ang parte ng dibdib kong kinakabahan sa kanya.

He grinned. “E'di sagutin mo na ko! Para valid na kong magselos sa mga lalaking lalapit sa'yo at patutumbahin ko sila 'pag dumikit sila sa mahal ko!” Anas nito. Napanganga ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Tama ba iyong narinig ko, na mahal ako? Alam kong palagi siyang nagpapakita ng interest sa akin pero ngayon lang niya nabanggit ang mahal.

I was shocked. Speechless to be exact.

“Namiss kita. Ako ba 'di mo namiss?” He asked with a tender voice.

I swallowed. Naguguluhan na ko! I took a very deep breath. “Ewan ko sa'yo timang!” At nagmartsa na ko papasok sa loob ng bahay. Bago pa ko mawala sa sarili ko.

Ilang oras din pumirmi sa bahay si Johann. Actually parang wala siyang balak umuwi hangga't nandoon pa rin si Tyler. All the time, ay masama talaga ang tingin niya dito lalo na 'pag nag-uusap kami. Kung minsan ay pinanlalakihan ko siya ng mga mata kapag binabara o sinusungitan niya ito. Tinanong din niya kung ano ang plate number ng muntik nang sumagasa sa'kin. Alangan naman itong sinagot ni Tyler. Pag-alis ng dalawa ay saka kami nakapagbonding ni Alee.

Alee is my closest cousin. We both have the same interests, mapa-showbiz, musics, movies at kahit sa pananamit. Nagkikita lang kami 'pag dumadalaw siya samin ni lola at ng pitong taong gulang  kong kapatid na si Adrian. Ang mama ni Alee na nakatira na ngayon sa america ang nagpapaaral sa amin. Madali kaming magkasundo ni Alee dahil para na kaming kambal. Magkamukha daw kasi kami. Pati pangangatawan at haba ng buhok.

“Grabe Ate Aaliyah ang cute ni Tyler! Though, twenty-four na siya. Pero type ko talaga!” Kinikilig na litanya niya. Nakahiga na kami sa kama ko nang sinimulan n'yang ikwento ang tungkol kay Tyler.

“Okay lang magkacrush pero dapat unahin muna ang pag-aaral bago ang lovelife.”

“Ano ka ba, kailangan mo ng inpirasyon para makapag-aral ka. Ako nga nakakailang boyfriend na ko!”

“Ang bata-bata mo pa Alee! Tantanan mo muna 'yang boyfriend-boyfriend na 'yan! Darating ka rin diyan 'pag nagtatrabaho ka na.”

“Ate hindi masamang magkaboyfriend 'no! Saka eww! Kapag nagkatrabaho na saka lang pwede magboyfriend? Are you out of your mind? Masarap kayang magkaboyfriend!” She looked at the ceiling while biting his lips. Kinabahan ako.

“Don't tell me--you already..” Huwag naman sana..Tumingin siya sa'kin at mapaglarong tinaas-baba ang mga kilay niya.

“Had sex?”

Napaupo ako. “Oh no! Alee!”

Natawa pa siya, “What Ate? Is that a big deal? Hello? Modern era na tayo. Hindi na 'yun issue 'no! Saka..masarap kaya.”

Hindi ako makapaniwala sa sagot niya. Hindi ko akalaing magagawa niya 'yon. “Paano kung mabuntis ka?”

“'Te, may tinatawag na condom. Safe 'yon.” Tila normal lang ang lumalabas sa bibig niya. Hindi yata magandang mag-dorm 'tong si Alee. She's exposed with people in a place when lust is pouring. I was scared for her. Kinabukasan na umuwi si Alee. Pilit ko pa rin siyang pinapaalalahan sa mga ginagawa niya at ang palagi niyang sagot ay 'Ok! Ok!' Napabuntong hininga na lang ako.

Napaaga ang uwi ko galing school dahil absent ang last professor ko. Wala akong naging sundo kasi ang aga ko. Itetext ko na lang si Johann pagkauwi ko. Mula kasi ng insidenteng 'yon ay palagi na niya kong sinusundo at kung minsan hinahatid rin. He made me feel so special. Kaya minsan hindi na ko sanay na hindi nakikita si Johann.

Agad akong nagmanong kay lola pagkarating sa bahay, “O ang aga mo yata ngayon?” Tanong niya habang nanonood ng TV.

“Wala pong professor, 'la.” Sabi ko bago nagpunta sa kusina para uminom. Habang nagsasalin ng tubig ay napansin kong may laman ang puting Tupperware namin  sa mesa. Kitang-kita ko ang laman n'yon, Binatog! Paborito ko 'yon! “'La! Kanino 'tong binatog?” Excited kong sigaw at walang pagpipigil na binuksan ko ang takip.

“Dala 'yan ni Johann kanina. Dumaan daw 'yung naglalako niyan, ikaw daw ang naalala niya kaya binilan ka. Nakakatuwa talaga 'yang batang 'yon. Masipag na mabait pa. Naku, swerte magiging asawa n'un.” Narinig kong sabi ni Lola. I instantly smiled na para sakin pala 'to. Pinapakilig na naman ako nitong taong 'to. But I felt sad sa huling sinabi ni Lola. I can't imagine Johann with other women, parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko.Kumuha ako ng dalawang kutsara, kinuha ko ang binatog at tumabi kay lola. “'La, kain po tayo.”

“Tapos na. Binilhan din ako ni Johann ng pansit bihon.”

Lalo naman ako nakaramdam ng tuwa kay Johann. Hindi lang ako ang inaalala niya. Hindi ko na tuloy maintindihan ang sarili ko. Kinikilig ako. Kinikilig ako!

Sumubo ako at dali-dali kong kinuha ang phone ko para maitext si Johann. Si Lola naman at tutok pa rin sa TV.

Ako: “Timang! Na-cut class ko. Nasa bahay na ko!”

Habang kumakain at nonood ng TV ay nag-beep ang message alert tone ng phone ko.

Johann: ”Safe ka bang nakauwi? Sino'ng kasabay mo?”

I replied. “Oo naman. Mag-isa lang ako timang! Nas'an ka?”

He replied in a split seconds,

“Dapat tinext mo ko na maaga ka uuwi. Nami-miss na kita, baby loves.”

Napangiti ako,

“Ewan ko sa'yo timang! Salamat sa binatog. Love it!”

He replied. Ang bilis sumagot nito. “Love you too!”

I gasped. Kung nasa harapan ko lang 'to mababatukan ko 'to e! Pero tila tumalon ang puso ko! Ako:”Ang sabi ko gusto ko iyong binigay mo,hindi ikaw! Timang!”

Johann:”Sus, nag-deny pa. Magtapat ka na kasi gusto mo na ko 'no?”

Kumabog ang dibdib ko. Gusto ko na ba siya? O nadadala lang ako sa trato niya sa'kin. Nalilito ako kaya 'di na ko na-reply. Ngunit maya-maya lang ay tumunog ang phone ko. Si Johann ulit,

Johann: “Silence means YES, Aaliyah.”

Agad akong nagtipa ng sagot para kontrahin ang tinext niya pero nang i-send ko na ay biglang message not sent! “Ay putik!”

Nag-expired na load ko! Nalintikan na.Baka ano'ng isipin nu’n! Tumunog ulit ang phone ko.

Johann:”So tayo na baby loves?!”

Nataranta ako. Teka--kailangan kong magpa-load. Mababaliw ako sa lalaking 'to. Kinuha ko ang wallet ko at lumabas ng bahay.“Aling Tess paload po.” Bungad sa may-ari ng kalapit na tindahan.

“Naku Aaliyah, nasira 'yung cellphone kaya wala akong pangload ngayon..” Sabay kamot nito sa kanyang batok. Nanlaki ang butas ng ilong ko. Naramdaman ko bigla ang panlalamig ng mga palad ko.

Paktay! Sa palengke na loadan nito pagkawala rito at kailangan ko pang sumakay ng jeep. Ilang sandali pa, tumunog na naman ang phone ko.

YESSS! Sa wakas akin kana, baby loves! I love you too! I'm the happiest sexy man alive!”

I bit my lip at dali- dali akong pumara ng jeep.

aKO: ”Magtigil ka timang!”

Halos panggigilan ko ang pagpindot sa 'send' ng phone ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pinagpawisan pa ako ng malagkit dahil sa sumabog na yata ang dibdib ko sa kaba. Hindi pa ako nakakasakay pabalik sa bahay ay tinext ko na agad si Johann. Hindi ko maikakaila pero dumagundong ang puso ko matapos mabasa ang huling text niya. Kung dahil ba sa wala akong load o dahil sa akala niya ay sinasagot ko na siya. Ni hindi pa nga siya pormal na nagpapaalam kung manliligaw siya e. Puro pahangin lang.

At isa pa, hindi ko rin siya magugustuhan dahil wala siyang normal na trabaho! Baka kapag sinagot ko siya at mapangasawa pa ay ano ang ipagmamalaki niya sa akin? Ano'ng ipangbubuhay niya sa akin? Ngayon pa lang sa nakikita ko sa kanya baka maging miserable lang ang buhay ko. Hindi pwedeng paextra-extra lang siya at hindi permanente ang pinagkakakitaan. Aanhin ko ang kagwapuhan niya kung kumakalam na ang sikmura namin.

Pagpasok ko sa bahay ay nicheck ko ang phone ko kung may reply siya. Aba wala. Siguro natauhan bigla. Paupo ako sa munti naming sofa ng may biglang may umalingawngaw na boses.

“Welcome home, baby labs!” Napaigtad ako sa sigaw na 'yon ni Johann.

Napahawak pa ako sa dibdib ko. “Anak ka ng palaka oh! Ano ka ba, Johann! Halos mawasak ang puso ko sa'yo!” Sigaw ko sa kanya.

Nagbago ang mukha niya at naging mapag-alala. Lumapit pa siya sa akin, “Naku labs kahit kailan hindi mawawasak yang puso mo kung ako mamahalin mo,” sabay kindat pa sa'kin. Hindi ko napigilan ay sinabunutan ko siya na ikinangiwi niya. “Aray baby labs ah! Sinasaktan mo ang baby labs mo!”

“Ano'ng baby loves ko? Hoy! Johann De Silva for your information, Walang tayo! Kaya magtigil ka! Naubusan ako ng load kaya hindi ko nakarepaly sa'yo! 'Yun 'yon!”

Imbes na mainis ay ngumisi pa siya, “Oo na, sige na ililihim na muna natin.”

“Lihim na sapak gusto mo?” Iniumang ko pa ang kamao ko sa kanya.

Napakamot naman siya sa ulo niya. “E'to naman hindi na mabiro. Oo na gets ko na. Nagbabakasakali lang naman..”

“Ano bang ginagawa mo dito? Nasa'n si Lola?” Nagulat na lang ako nang bigla niya akong hawakan sa wrist ko at saka hinatak. Kinabahan ako. Ang bilis para akong nakuryenteng bigla! Hindi ko lang alam kung naramdaman niya iyon dahil hinatak na niya ako papunta sa kusina namin.

“Nand'on si Lola sa kusina. Nagluluto na. Tulungan natin!”Hindi na ko nakapagsalita dahil sa naramdaman ko. Para akong napapaso sa kanya.

Ang weird.

“'La! Nandito na po si baby labs ko!” Pagmamalaking sigaw niya. Nang makapasok kami sa kusina ay agad kong hinatak ang kamay ko. Napatingin siya sa akin, kumunot pa ang noo niya pero inirapan ko na lang siya para mawala ang tensyon sa akin. Hindi niya inaalis ang titig niya sa akin kaya tumabi na lang ako kay Lola at tiningnan kung anong niluluto niya.

“'La, manong po,” Magalang na bati sa aking Lola.

“O bakit ngayon ka lang, Aaliyah? Ang tagal mo namang nagpaload..” Busy pa si Lola sa harap ng kalan at may niluluto.

Sinilip ko ang ginagawa niya. “Walang pong load kay aling Tess kaya dumeretso na kong sa bayan.” Nilingon ko si Johann. Napaawang ang labi ko at tinitigan siya.

He was just wearing a normal shirt and a faded pants pero..nasaan ang hustisya? Naghihiwa siya ng karne ng seryoso? Iyong muscle niya nagpe-flex sa bawat hiwa niya rito. Lalaking-lalaki at bakit ganon ang hot n'yang tingnan? Pinilig ko ang ulo ko para mabura ang mga bumubulong sa utak ko. Anong hot do'n? B'wisit!

Ngunit tila magnet na bumalik ang tingin ko sa kanya.

Hot Chef. Iyong pointed nose niya, malalantik na pilik mata, ang perfect curve ng jaw niya, ang malapad niyang balikat, ang matipuno n'yang mga braso, malalaki ang kamay niya, ang buhok n'yang parang sinabunutan pero bakit mas bumagay sa kanya? At kahit ang mukhang basahan na n'yang damit ay bagay na bagay sa kanya. Para siyang modelo. Binagayan niya lang ang damit n'yang luma ng walang ka-effort-effort. Gosh, ang unfair!

“Uy! Aaliyah baka matunaw n'yan si Johann sa titig mo.” Literal na napaigtad ako sa biglang pagsalita ni Lola. Bumalik ang ulirat ko at parang namutok sa init ang pisngi ko sa munting tuksong iyon. Napalunok pa ko dahil sa nahuli ako ni Lola.

“Staring is rude, baby labs..” Untag ni Johann. Napatingin ako sa kanya. Binigyan niya ako ng pamatay niyang ngisi. At anong sabi niya? Madiin ang English accent niya na parang sanay ang dila niya sa lengwangheng iyon.

“E-Excuse me?”

Matapos ngumisi ay tumawa siya. Iyung tawang nakakaasar. “Baby labs, alam kong hot ako at type mo ko pero please lang, huwag sa harap ni Lola. Nakakahiya, mamaya na lang,” sabay kindat pa niya. Dahil huli ako sa akto kaya wala akong maipangbanat sa kanya.

Binayo ko na lang siya ng irap ko. “Ewan ko sa'yo timang ka!”

Pagkadating ng kapatid ko galing eskwela ay nagsimula na akong maghain para sa hapunan. At dahil narito na rin si Johann ay pinasabay na rin siya ni Lola sa amin. Sakto pang may dala siya sa aming hinog na mangga, saging at pakwan. Ako ang naghugas ng pinggan kaya naiwan ako sa kusina samantalang nasa sala na sina Lola. Pero ang hinayupak na si Johann ay nagpaiwan din dito tutulungan niya raw ako. Pinupunasan niya ang mesa habang nagsasabon ako ng plato.

“Salamat sa prutas, Mukhang sumeweldo ka ah!” Tudyo ko sa kanya.

Tumikhim ito bago sumagot, “Wala 'yon. Maliit na bagay, labs,”

“Sira ka. Baka maubos ang sweldo mo sa amin. Magtira ka ng sa'yo.” Baka mamaya n'yan kung kani-kanino pa siya umutang para lang may maibigay sa amin.

Hindi agad ito nagsalita at maya maya pa'y nilapag niya ang basahan sa gilid ko. He's behind me. Biglang ginapangan ako ng kaba. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Napahinto ako ng maramdaman ko ang pagdantay ng hininga niya sa aking batok. Ang lapit niya sa'kin..sobrang lapit.

“Masaya akong napapasaya kita, Aaliyah..kaya 'wag mong alalahanin iyon.” Bulong niya. Pero imbes na mairita ay parang nagustuhan ko pa ang banayad n'yang boses. Nakatapat ang bibig niya sa tainga ko. What is happening to me?

I cleared my throat and tried to compose myself. Gosh, nanlamig ako doon at nanginig ang mga kamay ko. Muntik ko pang mabitiwan ang basong hawak ko. Kung nagkataon ay basag 'to. “E k-kasi b-baka maubos ang savings mo. Masyado pa namang marami 'yon..” Nagkakabuhol-buhol ang dila ko!

“Wala akong pakielam kahit maubos pa ang pera ko kung para sa'yo naman Aaliyah. Magtatrabaho ako ng magtatrabaho mabigay ko lang gusto mo, tandaan mo 'yan.” Sabi niya sa mababa pero buo ang boses. Kikilibutan ba ako o kikiligin?

“E kasi naman--” Muntik pa akong mapaatras ng bigla niyang hawakan ang kamay kong hawak ang baso at spongha.

“Ako na d'yan at baka tuluyan mo na 'yang nahulog. Kawawa naman yung baso.”

“H'wag na, ako na--” Idinikit niya ang kanyang daliri sa aking bibig na siyang kinagulat ko. Napahinto ako sa pagsasalita at napalaki ang mga mata ko. Inikot niya ako paharap sa kanya. Hinawakan ang kamay kong walang bahid ng sabon. Deretso ang tingin ko sa mukha niya na para akong tinamaan ng mahika at hindi ko ito maibaba.

“Kapag naging akin ka, itong malambot mong kamay ay walang ibang hahawakan kundi ito lang..” Inilagay niya ang kamay ko kaliwang pisngi niya. “Saka ito..” Iniusod naman niya sa kanyang manipis at mapulang labi. Sa harap niya ay napalunok ako. Yung puso ko humahampas na. Ano bang nangyayari? Habang si Johann ay nakakatitig lang sa akin. Ilang segundo pa ay iniusod niya uli ang kamay ko pababa sa kanyang dibdib.

Mas lalong naghumerentado ang puso ko.

“At lalo na 'to..” Kusa ko ng inihinto ang kamay ko at baka kung saan pa mapunta.

“Hoy! Johann ah! Loko ka na!”

Ngumisi siya pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. “Alam ko ang iniisip mo, pero hindi iyon. Saka ko na ipapahawak 'pag ready ka na labs,”

Nanlaki ang mga mata ko. “Johann  ah!---”

“Ito. Ito ang ibibigay ko at papahawakan ko sa'yo.”

I was stuck for a moment. Ibinaba ko ang tingin ko sa kamay kong nakahinto sa dibdib niya. Sa tapat ng puso niya.

Napasinghap ako. Tiningnan ko siya at seryoso ang mukha niya. May kakaiba ring kinang ang mga asul n'yang mata. Lumamlam ang mga ito. He was looking at me straight into my eyes like he was seducing me, at para bang ipinapakita n'yang sa'yo ito. Sa'yo lang.

Ilang segundo kami sa ganoong pwesto. Nagtitigan kaming dalawa, pero ako ang naunang bumitaw. Nakakapaso kahit nakakaakit siya. Ngunit agad n'yang hinuli ang kamay ko. Hindi ko inaasahan ang ginawa n'yang iyon.

“Aaliyah...” Mahina n'yang tawag sa akin.

Tiningnan ko siya. Nilingon ko siya at hindi ako nakahuma at sinalubong niya ako ng halik. Nanlaki ang mga mata ko pero siya ay nakapikit. Dapat ay itulak ko siya pero parang paralyzed ang kamay ko at 'di ko maigalaw. Hinawakan n'ya ako sa aking baywang. Ang gulat ko ay napalitan ng kakaibang sensasyon. Nilukob ako ng kakaibang pakiramdam at para akong inantok at kusang pumikit ang mga mata ko.

Nang marelax ako ay unti-unting gumalaw ang labi niya. He started brushes his lips to my lips. Gently. Massaging. Mainit, matamis at..at..masarap! Hindi ko alam kung paano sumagot kaya ginaya ko ang ginagawa n'ya. I brushes my lips too.

Maya-maya pa'y nauubusan na ako ng hangin at palalim ng palalim ang halik niya sa'kin, I'm literally running out of air!

“Ate! May bisita ka! Si Kuya Tyler!”

PARA akong nagising sa mahimbing na tulog at agad akong dumilat at itinulak palayo si Johann. Pero ang itsura niya, langya relax na relax at parang hindi nag-panic nang marinig ang boses ng kapatid ko. Tiningnan ko ang bukana ng kusina kung nakita kami ni Adrian, at nahinga ako nang maluwag ng wala siya. Ligtas pa ko. Nalipat ang tingin ko kay Johann. Nakatitig siya sa'kin na parang binabasa ang mukha ko. Sa totoo lang ay medyo naghahabol pa ako ng aking hininga at kumakabog pa ang puso ko sa nangyari sa'min.

He's my first kiss! Gusto kong kaltukan ang sarili ko dahil nadala ako, naakit ako, In short, nagustuhan ko!

Inilagay niya ang dalawang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon habang nananatili ang mata sa'kin. What the? Malalim siyang bumuntong hininga. Sa panandaliang segundo parang kakaibang Johann ang nakita ko. Iba ang aura niya sa itsura niya. Parang may mali.. “Aaliyah...” He whispered.

Nang marinig ko ang malalim n'yang boses ay agad akong tumuwid sa pagtayo, “N-nasa labas si T-tyler! Sige!” Umiwas na ko ng tingin sa kanya at nagmamadaling lumabas papunta sa sala. Kinakalampag pa rin ang puso ko. Bakit ko ba 'yon ginawa? Nasisiraan na ba ako? Nasa'n na ang isinaksak ko sa utak ko?

Hindi pwede si Johann! Hindi pwede!

Wala sa sarili ay narating ko ang sala namin. Nag-angat lang ako ng paningin nang marinig kong may tumawag sa'kin.

“Goodevening, Aaliyah.”

Napatingin ako kay Tyler na ngayon ay nakatayo. Nakangiti nang ubod ng tamis at may hawak na..bulaklak? Kumunot ang noo ko at binalik ko ang tingin ko sa mukha niya. Bahagya akong ngumiti. Ayokong mag-assume. Masakit. ”Tyler, napadaan ka? Upo ka,” Lumapit ako sa kabilang upuan, pagkalapit ko ay iniabot sa'kin ni Tyler ang hawak n'yang isang bouquet ng bulaklak.

“P-Para sa'yo nga pala, Aaliyah..”

Naestatwa ako. Tinignan ko ang nakalahad na bulaklak. Tiningnan ko ulit siya, at parang nahihiya ang itsura niya. Napakamot pa sa kanyang batok. “S-Sakin? B-Bakit? Ano'ng meron?” Bahagya pa akong tumawa para pagaanin ang tensyon. Bakit ba parang ang daming pangyayari ngayong araw.

Baka pasalubong niya lang 'to.

Red roses pasalubong? Bakit hindi dunkin donuts?

”Salamat na rin dito..” Nakita ko naman sina Lola at Adrian na tahimik lang na nakaupo. Bukas ang TV kaya hindi ako sigurado kung tutok ba sila doon o nakikinig din sa'min.

Umupo ako. Saka rin sumunod sa pag-upo si Tyler.

Binalingan ko ang bukana ng kusina. Hindi pa rin lumalabas si Johann. O baka tinatapos niya ang hugasin ko kasi nahinto ako nang...shit! Tumigil, magtigil! Napikit ako at pinilig ko ang ulo ko para mabura ang nangyari kanina. Pero..ramdam ko pa rin ang mainit n'yang labi..

“Aaliyah..”

Gulat naman akong napatingin kay Tyler. “Oh?” Ngumiti ako sa kanya.

Tumikhim siya at parang may gustong sabihin pero nahihiya. “Ano kasi..may gusto akong sabihin..sa'yo..”

Tumango ako at tiningnan ko ang kusina nang hindi lumilingon, “Ano 'yon?” Kumalabog na naman ang dibdib ko nang mamataan ko si Johann, palabas ng kusina. Paglipat nito ng mga mata'y sa akin siya kaagad nakatingin habang naglalakad papunta sa kinaroroonan namin, seryoso ang mukha niya? Napalunok ako.

“Gusto sana kitang ligawan.”

Nilingon ko kaagad si Tyler. At kitang-kita ko ang titig niya sa'kin. “A-Ano?” Bahagya kong nilingon ang Lola ko, lumingon din siya sa'min. Ngunit bago ko pa tingnan muli si Tyler ay  awtomatikong lumingon ako kay Johann. Sinusuri ko siya kung ano'ng reaksyon niya. It's not that I'm interested or worried, okay.

I just want to know his reaction.

Humilig siya sa dingding, ang mga matitipunong braso ay nakaekis sa dibdib niya at.. madilim ang mukha? Nasisiguro kong narinig niya ang sinabi ni Tyler. Ngunit nang tingnan ko ang mga mata ni Johann, Hindi siya sa'kin nakatingin, kundi kay Tyler!

“A-Aaliyah, alam kong nagulat ka sa sinabi ko. Na baka masyado bang mabilis or baka napepreskohan ka sa'kin.. Pero gusto kong malaman mo na..seryoso ako..sa'yo.” Malumanay at tuwid na sabi ni Tyler. Kinakabahan ako. Hindi dahil sa sinabi ni Tyler kundi sa sitwasyon ko ngayon.

Parang ang crowded! At wala akong malanghap na hangin! At Parang may tensyon na ako lang nakakaramdam.

I looked back at Tyler na may nangungusap na mga mata. “Si-sigurado ka ba? A-Ako? Liligawan mo?”

Kinagat niya ang ibabang labi at ngumiti. Aminado naman ako sa sarili ko na may angking kagwapuhan si Tyler. Matangkad din siya at maganda ang pangangatawan. Plus factor pa na may kaya sa buhay at angat sa nakararami ang kabuhayan.

Ito na nga yung dream guy ko 'di ba? Hindi naman ako nagmamadali pero heto na siya, abot kamay ko na! Ngunit itong lintek na puso ko na 'to, hindi ko ma-gets! Hindi tugma sa sinasabi ng utak ko! Naguguluhan tuloy ako o ayaw ko lang. Ayaw sumirit nung tumatalon ang puso sa saya. May problema ba?

“Bakit naman hindi ikaw? Saka, hindi naman natin mapipili ang taong magugustuhan natin, kusa na lang 'yon mararamdaman.”

Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. May point siya. Kaya lang..

“Kuya Johann! Pwede po bang magpaturo sa'yo sa homework ko? Nahihirapan po ako e,” Nalipat ang atensyon ko kay Adrian. Hindi ko namalayang nakatayo na pala siya at lumapit kay Johann. Nagkakamot pa sa ulo si Adrian.

“O sige, tara. Gawin na natin 'yang homework mo. Mukhang busy pa ate mo e,”. Malalim at tila may laman ang pagkakasabi no'n ni Johann. Tiningnan ko siya at nakita ko ang matalim n'yang tingin sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay. Problema ne'to?

Pumasok sila sa kwarto namin ni Adrian. Tumayo naman si Lola habang bitbit niya ang abanikong pamaypay, “Maiwan ko muna kayo apo. Ikukuha ko kayo ng maiinom,” Dagling tumayo si Tyler at inalalayan ang Lola ko. “Ay naku, salamat, hijo,” At saka bumitaw at bumalik na pagkakaupo siya.

Bumuntong hininga ako. Kami na lang ang naiwan.

Ano'ng sasabihin ko?

“Aaliyah..”

“Okay.”

Natigilan siya. “H-Ha?”

Bahala na. Ligaw pa lang naman. “Pumapayag na ko.”

“You mean, pwede na kitang ligawan?”

I slowly nodded. Chance lang naman.

“Yes!” Tila tuwang-tuwa siya. Iyung itsura niya kulang na lang mapatalon siya sa tuwa. I smiled.

Who knows, baka siya na sagot sa dasal ko.

Unconsciously, napatingin ako sa nakasarang pintuan ng kwarto namin ni Adrian. Nalusaw ang ngiti ko at parang gusto kong tumayo at pumasok sa loob. Pero nanatili ako rito sa sala para sa bisita ko.

Hinatid ko sa labas si Tyler. Habang nag-uusap kami ay palagi lang siyang nakangiti. Paminsan-minsan pang bumibira ng Jokes na mabili naman kay Lola. Pero paminsan-minsan din ay napapalingon ako sa pintuan ng kwarto namin. Naghihintay. Syempre baka mauhaw sina Adrian. Pero hanggang sa makauwi si Tyler ay walang lumalabas sa kwarto.

Nang nasarado ko na ang gate ay saka ko kinuha ang mga roses na bigay ni Tyler. Maganda at mukhang mamahalin. Ito na ata ang unang beses na binigyan ako ng ganitong kaganda na bulaklak. Bouquet pa. Si Johann pa isa-isang piraso kung bigyan ako. Nang pumasok na si Lola sa kwarto niya ay saka ako pumunta kusina para maghanap ng mapaglalagyan ng mga bulaklak. Nahagip ng mga mata ko ang walang laman na boteng plastic ng coke. Pwede na 'to. Kumuha ako ng kutsilyo at hiniwa ang bandang nguso ng bote para lumaki ang butas. Nilagyan ko ng tubig at saka ko nilagay yung mga bulaklak. Hanggang sa ma-satisfy ko ang sarili ko sa pag-aayos at porma ng bulaklak. Inayos ko pa iyon sa gitna ng hapag kainan namin. Napangiti pa ko nang makita ang naging outcome ng ginawa ko. Matutuwa si Lola nito. I almost giggled.

“Effort kung effort ah, tss!”

May kaunting impit na tili ang lumabas sa'kin at napaigtad pa ako sa gulat nang marinig ko ang biglang malalim na boses na iyon. “Johann naman!” Napahawak ako sa dibdib ko. I stared at him.

Nakasandal na naman siya, pero ngayon ay sa hamba ng kusina. At nakaekis ang mga braso sa kanyang dibdib niya. Ang mukha? Seryoso at madilim. Saka parang kanina pa niya ako pinapanood.

Isang salita ang makakapagdescribe sa kanya ngayon. Intimidating. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa misteryoso n'yang tingin. Ba't ba ganyan ang itsura niya?

He tilted his head. Na parang na-amuse siya sa'kin o sa reaksyon ko. “Kailangan bang diyan mo pa 'yan ilagay? Para ano? Makita mo palagi? Tss, malalanta rin 'yan. Porke't bouquet, espesyal na? Samantalang 'yung isang pirasong rosas na binibigay ko sa'yo tinatago mo lang.”

Bahagya akong nataranta pero nagawa ko pa ring irapan siya. “Si Adrian?” Imbes na patulan siya ay inilihis ko na lang ang sentimyento niya. Sinimulan ko nang ligpitin ang mga ginamit ko. Ewan ko, bakit ganito? Kinakabahan ako. Nakatalalikod ako sa kanya pero ang lakas ng pakiramdam kong lumalapit siya sa'kin. Kaya bahagya ko siyang tiningnan. I knew it. Unti-unti siyang lumalakad papunta sa direksyon ko. Lalong naghumerantado ang puso ko. Nanumbalik kung gaano kami kalapit kanina, ka-intimate. Shit!

Nagconcentrate na lang ako sa ginagawa ko kahit na medyo shaky na ang kamay ko.

“Nagliligpit na siya ng gamit niya. Matutulog na rin 'yon, maaga pa ang pasok bukas.” Huminto siya sa tapat ng lamesa at tinitingnan ang mga bulaklak. “Ikaw?”

Tinapon ko yung excess sa bote at tinabi ang gunting sa ibabaw ng refrigerator. Nagulat pa ko sa tanong niya. “A-Ano..ma-matutulog na rin! Kaya ikaw umuwi ka na, ilalock ko na ang pinto.” I composed myself at pinatatag ang boses ko.

He heaved out a deep sigh. “Pumayag ka ba?” Mahina ngunit ramdam ko ang tampo sa boses niya.

“Saan?”

“Magpaligaw sa kanya?”

Ngumuso ako. “Oo.”

Ngumisi siya. Pero yong ngising parang dismayado. “Tss, ni hindi mo man lang pinag-isipan a. Oo agad,”

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. “Tao siyang nagpaalam sa'kin at sa Lola ko. Sino ba naman ako para magdamot ng chance sa kanya. Desente siyang tao at may respeto kaya pumayag na ko,”

Tiningnan niya ko at seryoso talaga ang mukha niya? May ano ba sa kanya, kinakabahan ako sa itsura n'yang iyon e. “Kailan mo lang 'yon nakilala tapos manliligaw na agad! Instant manliligaw. Samantalang ako..”

Napalunok ako pero naiinis din. Napasuklay ako sa aking buhok. “Okay, nagegets na kita. Salamat sa concern pero sa tingin ko, mapagkakatiwalaang tao si Tyler. Binigyan ko pa lang siya ng pagkakataon, hindi ko pa sinasagot. Tawag don 'getting to know each other', d'on ko pa lang malalaman kung may chance rin na magustuhan ko rin siya--” Napahinto ako sa gulat ng bigla niyang hampasin ang upuan sa mesa. Kahoy iyon at sapat na makalikha ng ingay. “Johann! Baka marinig ka nina Lola! Problema mo?”

Ngunit nasorpresa ako nang may tumahip na kaba sa dibdib ko. Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Nakakatunaw. Nakakanginig ng mga tuhod. Tinitigan niya ko at parang mag-net ay 'di ko maalis ang tingin ko sa kanya.

Para akong na- hypnotize.

Huminto ang paghinga ko at ang ikot ng mundo ko sa titig na 'yon. Ang nagma-matter lang ay ang pamatay n'yang titig sa'kin.

Ilang segundo pa, ay siya na ang naunang nagsalita. At doon lang din ako nagising, “Aalis na ko. I-lock mo na ang pinto.” Sabay talikod sa akin. Napabuga ako ng hangin.

Tiningnan kong muli ang tinahak niyang dereksyon at hinawakan ang kumakabog kong dibdib.  “Ano'ng pauso 'yon?” Naitanong ko sa sarili.

KINABUKASAN ay maaga akong naghanda sa pagpasok sa eskwela. Tapos na ang midterm kanya pagkatapos ng finals ay sembreak na. Nagmamadali ang hakbang ko dahil natatanaw ko na iyung ginagawang building. May nakikita na rin akong mga trabahador na busy sa kanya-kanyang gawain. Nakakalula siguro kung do'n sa taas sila nakapwesto. Kinabahan ako, sana galamay na ni Johann ang galawan doon.

Humigpit ang kapit ko sa sling bag ko habang palapit nang palapit sa construction. Pinapasadahan ko rin ng tingin ang bawat tao doon. Siguro 'pag nakita na ko ng kaibigan dito ni Johann ay saka yon lalabas para ihatid ako sa eskwela.

Ngunit nadismaya ako. Nakalagpas na ko at lahat, walang Johann na lumabas. Tiningnan ko ang cellphone ko, walang text. Lumingon ako nang pasimple sa construction, abala pa rin ang mga tao. Napanguso ako at halos bagsak ang balikat ko. Bumuntong hininga ako. “Hindi niya man lang ako sinabihan na 'di niya ako mahahatid!”

Hanggang sa klase ko ay si Johann pa rin ang nasa utak ko. Tinatago ko pa sa ilalim ng mesa ng upuan ko ang cellphone at nag-aabang sa text niya. Sigurado akong susunduin niya ako mamaya. Ayaw n'yang umuuwi ako nang mag-isa. Pati sa lunch break, vacant at panghuling klase ko ngayong araw ay cellphone ko lang pinagtutuunnan ko ng pansin. Muntik na nga kong mahuli ng Professor ko sa kaka-check sa cellphone ko, pero wala. Ni isang text o missed call galing sa kanya, Wala.

Palabas na ko ng campus kasabay ang mga kaklase ko. Maingay silang nag-uusap pero ako, walang gana.

“Hoy bakla! Lutang ka! Anyare sa'yo?!” Untag sa'kin ng classmate kong si May. Huminto kami sa tapat ng nagtitinda ng tokneneng malapit sa main gate ng campus namin. Nakasunod lang ako sa kanila pero alam ko para akong tuod. Hindi ako nakikisali sa pinag-uusapan nila.

“Wala..pagod lang.” Mahina at walang gana kong sabi. Lumingon-lingon pa ko at nagbabakasakali na baka masorpresa ako kapag dumating siya. Pero lalo lang akong nanlumo.

Paasa pa ako sa sarili ko.

Kumain ang mga classmate ko pero abala lang ako sa cellphone ko. I-text ko kaya? Baka busy naman. Missed call ko kaya? E, baka iba na naman ang isipin n'on! Timang 'yon e!

Busy ako sa pagkalikot sa cellphone at busy naman sa kainan at chikahan ang mga classmate nang biglang may pumaradang asul na kotse sa harapan ko. Napalingon ako pero saglit lang at agad ko ring binalik ang atensyon ko hawak kong cellphone.

“Aaliyah..”

Nag-angat ako muli ng tingin sa harap ko at nakita ko nga si Tyler na nakatayo sa 'di pa nasasarang pintuan ng kotse niya. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya. “Tyler!” Alam kong napansin iyon ng mga classmates ko dahil tumahimik sila. Nilingon ko sila at halos mga nakanganga at parang mga tuod. Binalingan kong ulit si Tyler na ngayon ay papalapit na sa'kin.

Everyone was looking at him. Drooling. Lalo na ang mga babae at ilang mga estudyante. Sino ba naman ang hindi lilingon kay Tyler. Naka-gray shirt, faded blue jeans na obvious namang mga branded at matipunong katawan. Isama mo pa na may dala siyang kuminkintab na sasakyan. Good catch, ika nga.

Nakangiti siya sa'kin at lumantad ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. “Hi, pauwi ka na ba?” Magiliw n'yang tanong.

Medyo nagulat pa ako kaya 'di agad ako nakasagot sa kanya, “Ahh..oo. Pauwi na rin. Tumatambay lang kami saglit. Ikaw? Ano'ng ginagawa mo dito?” Ngumiti ako sa kanya.

Napahawak siya sa batok niya at ang isang kamay ay nakapamulsa at tila nahihiya, lihim akong napangiti. “Sinadya kita dito. Gusto sana kitang ihatid..kung..Okay lang sa'yo?”

Na-surprise ako. He's into something. Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko. Nahihiya rin ako though hindi naman ito ang first time na may susundo sa'kin mula school pero knowing that it was Tyler and he's my suitor, there were a bit different. Unlike kay Johann na constant kong tagasundo na sanay-sanay na ko. Kahit na pahangin siya at hindi opisyal na manliligaw, mas panatag ako sa kanya.

Nagulat ako nang bigla akong sikuhin ng katabi ko at binulungan pa ako. “Huy! Sino yan? Gwapo ah!” May kasama pang bungisngis.

“Tyler, siya nga pala, mga kaibigan ko, Si May, Ai, Cath at Gian. Guys, si Tyler..ah..” Nawalan ako ng idudugtong. Pa'no ba? Kaibigan din ba? Ngayon pa ko nawalan ng sasabihin.

“Manliligaw niya ako. Nice to meet you.”

My lips parted a bit, at parang nakaramdam pa ako ng hiya. Nag-init ang mga pisngi ko. Ofcourse, hindi naman ako sanay. Narinig ko pang napasinghap ang mga kaklase ko pero kalaunan ay binati rin nila si Tyler. When I looked at them, nakita kong nagsisitaasan ang mga kilay nila at may mga ngisi sa mukha. Bobombahin ako ng mga tanong bukas n'yan.

“Sige na Aaliyah, uwi na kami. Ba-bye! At nice to meet you Kuya Tyler! Ingatan mo si Aaliyah ah! Deretso sa bahay.” Pabirong paalam ni May. Kaya pasimple ko siyang kinurot sa tagiliran. Ngumiti lang si Tyler at tumingin sa'kin.

“If you want guys, sabay na rin kayo sa'min?” Biglang alok ni Tyler.

Agad umiling ang mga kaibigan ko. “Naku hindi na. Keribels na namin 'to. Baka hindi ka pa makada-moves e! Sige na! Ba-bye!” Eksakto namang may humintong jeep na maluwag kaya agad pinara nina May samantalang dumeretso naman sa nakaparadang motor niya si Gian. Kumaway na lang ako sa papalayong jeep.

“Let's go?”

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. Hinawakan niya ako sa siko at iginaya sa tabi ng driver seat. Medyo kinakabahan pa ko at nahihiya. I know, isa ito sa mga pangarap ko. Inaamin ko nakakaramdam ako ng saya pero, meron pa ring pero. Nang umikot na siya pasakay at lumingon pa ako sa labas. Baka kasi dumating si Johann at magkasalisi kami. Itext ko kaya? O h'wag na? Magte-text naman 'yon pag susunduin ako e. Bahala nga siya.

Matiwasay akong naihatid ni Tyler sa bahay at sa loob ng apat na araw, ni anino ng kuko ni Johann ay 'di ko nakita. Akala ko siya ang hindi makakatiis na hindi ako kulitin pero muntik ko na siyang i-text. Hindi ko siya namimiss, ok. Nahihiya lang ako kay Tyler dahil palagi niya na lang akong sinusundo at baka abala na ko sa trabaho niya sa opisina. Though sinabi ko sa kanya na h'wag na niya akong sunduin at kaya ko naman na pero palagi n'yang sagot, “Kasama ito sa pagsuyo ko sa'yo Aaliyah.”

Kaya naman hindi ko maiwasang humanga sa kanya. Masigasig siya. At sa tulad kong pobreng nagustahan niya aba, ang swerte ko na, 'di ba? Another valid reason para bigyan ko siya ng puntos.

Araw ng sabado, gumawa kami ng mga classmate ko ng project sa bahay nina Ai. Madilim na at inabutan na ako ng gabi sa daan pauwi. Pero sa malayo pa lang sa kanto namin at tanaw ko na ang isang mahabang lamensa sa ibaba ng building na ginagawa nina Johann. Doon, nagkukumpulan ang sa tingin ko'y mga trabahador at nag-iinuman. Habang palapit ako nang palapit ay naririnig ko ang maingay nilang tawanan at tagayan. Mayroon pang isang naggigitara pero wala namang kumakanta. Pero napahinto nang mahagip ng mata ko ang ang lalaking may malapad na likuran, malinis na gupit ng buhok, nakasuot ng puting T-shirt at nakikipagtawanan sa kainuman niya.

Likod niya lang ang nakikita ko kung kaya't hindi niya ako nakikitang nakatitig sa kanya. Dumaloy ang kaba sa dibdib ko. Parang nagkaroon ng karera ang pintig ng puso ko. At nang makita ko ang malaki niyang kamay na may hawak na baso at tinungga ito, alam ko nang siya iyon. Iyong kamay na 'yon na may soot na itim na relo,

It's him.

Binilisan ko ang lakad ko at deretso lang tingin sa dinaraan ko. Alam ko at sigurado naman akong makikita at makikita niya ko. Isa lang sa mga katropa na makita ako, tiyak na malalaman niya. Gan'on ako kakompyansa. Pero habang padaan na ko sa kabilang side ng kalsada ay pabilis din nang pabilis ang pintig ng puso. Ang hirap na tuloy makapagfocus sa paglalakad at baka mapatingin ako sa kanya.

Focus. Relax. Poise. Lakad.

In my peripheral vision, nag-angat ang isang lalaki na nakaupo sa tapat ni Johann. Nakita n'ya ako at alam kong tinuro niya ako sa kanya.  Pero nakadaan na ko at lahat ay hindi niya ako nilingon. Nanghina ako pagkalampas ko sa gawi nila. Binibilang ko ang bawat hakbang at naniniwala pa akong susundan niya. Sampung hakbang na pero wala pa ring 'baby labs' na umalingawngaw sa pandinig ko.

“Ay bulate!” Muntik pa kong masubsob sa semento dahil hindi ko nakita yung lubak sa daan. Luminga ko kung may nakakita sa'kin buti na lang walang tao sa tindahan. Binilisan ko nalang ang lakad ko pauwi sa bahay.

Pagkapasok ko sa kwarto ay binalibag ko ang bag ko sa kama ko, “'Yan ba ang lalaking magsasabi na gusto ako?! Dumaan na ko sa harap niya hindi man lang ako pinansin?! Ha!” Naiinis ako. Sa sobrang inis ko pati bitbit kong clearbook ay naihagis ko rin sa gilid ng kama ko. “Akala niya kung sino siya. Makikita niya hindi na siya makakapasok dito sa bahay! Magtangka lang siyang kausapin ako, sasabunutan ko siya!” Binuksan ko ang aparador ko at naghanap ng maisusuot na pambahay. Pero kahit mga damit nakatikim sa dabog ko. “Ilang araw hindi nagparamdam tapos ginawa lang akong hangin sa harapan niya! O pwes, hangin ka rin sa'kin! Isa kang kontiminadong hangin!!”

Pagkakuha ko damit ay pumunta ako sa kusina para maghilamos. Nasa sala sina Lola at Adrian kaya 'di nila narinig ang rant ko at wala akong balak na iparinig. Pagpatay ko ng gripo, kinuha ko ang bimpo sa balikat ko at nagpunas. Pero napahinto ng may marinig akong kung anong tunog. Videoke? Pero parang gitara. E, baka, acoustic yung kanta. Pero bakit parang walang microphone? Ahh, baka jamming lang sa kabit-bahay.

“Ate!”

Pumunta ako sa sala dahil sa tawag ni Adrian. Nakita ko siya sa nakatayo sa nakabukas naming pinto, pati si Lola 'andon din. “Ano'ng meron?”

Lumapit sa'kin si Adrian at hinatak ang braso ko palapit sa pinto. Bakas sa mukha niya ang mangha at saya. Kumunot ang noo ko at bahagyang nawaglit ang inis ko sa lalaking....nasa labas ng bahay namin na ngayon ay may nakasukbit na gitara at..

Kumakanta!

Nanigas ako sa kinatatayuan at napaawang ang labi ko at pumintig na naman ang puso ko. “J-Johann...” I whispered his name. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at saka kumindat sa'kin. Nag-init ang mga pisngi ko. Ang tagal kong hindi nakita 'yon ah. Sinumulan niya ang pagtugtog ng gitara, at kumanta! Sinimulan n'yang kantahin ang True ni Ryan Cabrera.

Hindi ko alam kung mahihiya ba ko o sasabihin kong tumigil na siya pero, all I see is him and how his voice suited the strings of guitar, blended with its rythm. Medyo bumalik ang ulirat ko nang bahagya akong binunggo ng kapatid ko. Hindi ko siya tiningnan pero narinig ko ang tukso niya. “Uyy si ate, tulala na! In love ka na 'no? Ayi!” Gusto ko siyang batukan pero feeling ko,mamaya na lang.

Nagpalakpakan pa sina Lola at Adrian nang matapos ang kanta niya. Lumabas ako para lapitan siya at kausapin. Tinanggal niya ang gitara sa balikat niya. Nasa labas ako ng gate at doon ko lang napansin na may kasama pala siya. May hawak itong bilao. Pareho silang lumapit sa'kin.

Napansin kong parang nahihiya itong lalaking 'to. Kinagat ko ang labi ko para walang umalpas na ngiti sa'kin. Humalikipkip ako.

“Magandang gabi baby labs ni Johann!” Bati ng kasama niya. Natatawa pa ito. Makapal ang buhok niya at may bigote pa.

Nilipat ko ang tingin ko kay Johann. Hawak sa isang kamay ang gitara at saka may inilabas mula sa likuran niya ang isang pirasong pulang rosas. Nakayuko pa n'yang iniabot sa'kin iyon.

“Ano yan?” Masungit kong tanong.

Nag-angat siya ng tingin, “bulaklak..”

Ngumisi ako, “Peace offering?”

Napatitig siya sa'kin na parang sinisipat ang mukha ko. Tumayo ako nang deretso at hinablot ang bulaklak na 'yon. Gusto ko siyang pagsungitan all the way dahil ilang araw siyang wala pero bakit parang unti-unting nawawala 'yung plano na 'yon. At ayokong makita niya iyon.

“Ah, ito rin Aaliyah para raw sa'yo. Pasalubong ni Johann, Kakanin. Malagkit 'to, kasing lagkit ng pagsinta niya para sa'yo.”

Narinig kong tumawa sina Lola at Adrian. Gusto ko na ring tumawa pero kinagat ko nang mariin ang labi ko. Tumikhim ako, “Salamat..p-pumasok muna kayo,” Dahil sa nagbubuhol kong pintig na puso ay nahihirapan akong magsalita sa harap ni Johann. I felt like, I am officially accepting him as my suitor too. And I'm giving him a chance.

Tumingin ako kay Johann at nahuli ko siyang nakatitig sa'kin. Wala ba siyang ibang gagawin kundi ang tumitig? Pero bago pa kami makahakbang ay may asul na kotseng pumarada sa harap mismo ng gate namin. Bumaba ang sakay no'n at buong ngiti ring tumingin sa'kin. Another surprise? “Tyler?” Sabi ko. Napansin ko agad ang dalang niyang malaki at magandang bouquet ng bulaklak at kahon ng tsokolate.

“Good evening, Aaliyah..”

Nang maramdaman ko ang pakay niya ay agad kong nilingon ang lalaki sa tabi ko, at n'on ay natagpuan ko ang matiim n'yang tingin kay Tyler.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This