Pages

Sunday, June 14, 2020

Flicker (Part 56)

By: Loverboynicks

Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinapit ni Gino. Patay na siya nang madaluhan ng mga tao. Kabilang na sa mga sumaklolo sa kanya si Kuya Kiel pero wala rin siyang nagawa.

Kumalat din sa buong hotel ang bulung-bulungan na may kinalaman daw si Tita Ruth sa nangyaring krimen kaugnay ng nangyaring matinding pagtatalo nila sa lobby kanina.

Base kasi sa imbestigasyon ay dumanas muna ng matinding pagpapahirap si Gino bago siya nahulog mula sa veranda sa ikatlong palapag na naging sanhi ng pagkamatay niya.

May mga nakita kasi silang bakas ng mga pasa sa iba't ibang parte ng katawan niya. Bali ang mga braso niya at ayon sa autopsy ay hindi dahil sa pagkalaglag niya ang mga iyon.

Sinadya daw na balian siya ng mga buto sa braso ng kung sino mang kriminal na pumatay sa kanya saka siya sinakal ng napakahigpit base na rin sa mga bakas ng lubid na nakita sa leeg niya.

Sabi ng mga pulis. Kung sino man daw ang gumawa ng krimen na iyon sa hotel ay may napakatinding galit kay Gino dahil sa tindi ng paraan ng pagpaslang sa kanya.

Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakasaksi ng ganito kalala na krimen. Kaya halos mawala ako sa sarili ko nang makita ko ang kaawa-awang anyo ni Gino habang nakahandusay siya sa garden kanina.

Kung totoo man na si Tita Ruth ang may kagagawan ng nakakagimbal na krimen na iyon ay siguradong dahil iyon sa video na inupload ko sa internet.

Kapag nagkataon na totoo nga ang bintang sa kanya ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil kasalanan ko ang lahat.

Kahit gaano pa katindi ang naging galit ko kay Gino ay hindi ko kailanman pinangarap na mamatay siya lalo na sa ganitong klase ng kamatayan.

Hindi ko naman kasi lubos na inakala na aabot pa ang lahat sa ganito.

Napakasama kong tao dahil sa ginawa ko. Kahit hindi ako ang pumatay kay Gino pakiramdam ko ay parang ako na rin ang may kagagawan ng lahat.

Muli na naman tumulo ang mga luha ko habang nakaupo ako sa buhangin sa tabi ng dagat. Kanina pa kami tahimik na nakaupo doon ni Kuya Kiel.

Nakasandal ang ulo ko sa dibdib niya habang nakayakap sa akin ang isang braso niya.

Napansin niya ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Umayos siya ng upo saka niya pinahid iyon gamit ang mga palad niya.

"Bakit ka ba umiiyak nang ganyan? Oo alam ko na kaibigan mo si Gino pero kung iyakan mo siya ay parang daig mo pa ang asawang naiwanan." biro niya sa akin.

Hindi ko siya sinagot. Niyakap niya ako nang napakahigpit. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa mga sandaling iyon at nahiling ko na sana ay wag nang gumalaw pa ang oras.

Ilang sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Kapwa lamang kami nakatanaw sa papalubog na araw. Sa malawak na karagatan.

"Renz?" pagkuwa'y malumanay na tawag niya sa akin.

"Hmm?" sagot ko naman nang hindi tumitingin sa kanya.

"Kapag ako kaya ang namatay ay iiyakan mo ako nang ganyan?" bigla ay tinanong niya.

Kumunot ang noo ko at napalingon ako sa kanya. Ang malungkot na anyo ni Kuya Kiel ang sumalubong sa akin.

Seryoso siya at matiyaga niyang hinihintay ang kung ano mang isasagot ko habang magkahinang ang mga mata namin.

Nililipad ng panghapong hangin ang buhok niya. Sa pagkakataong iyon ay naappreciate ko na kung gaano talaga kagwapo ang lalaking ito.

"Bakit mo ba tinatanong yan? Syempre iiyakan kita kaya wag na wag kang mamatay Kiel."

Napayuko ako sa buhangin saka ako nagpatuloy sa pagsasalita kasabay ng pagpatak ng luha ko.

"Kaya kong malayo sayo ng matagal na panahon. Pero hindi ko kakayanin kapag ikaw ang namatay. Mahal na mahal kita higit pa sa pagmamahal ko sa sarili ko."

Hinawakan niya ang baba ko saka niya ako iniharap sa kanya. Muli ay nagtama ang mga mata namin.

Ang kulay tsokolate niyang mga mata na kapag tumitig sayo ay para kang matutunaw. Bakit ba napakaperpekto ng lalaking ito?

Nagsisisi talaga ako na hindi ako naging tapat sa kanya noon kahit na ilang beses na niyang pinatunayan sa akin na mahal niya ako.

Totoong minahal dahil ramdam na ramdam ko iyon hindi lamang sa tuwing nagtatalik kami kundi sa lahat ng pagkakataon na magkasama kami.

Kuntento na siya sa mga simpleng bagay sa tuwing magkasama kami. Katulad na lamang ng mas gusto niya na magkayakap kaming natutulog magdamag kaysa sa magtalik kami ng paulit-ulit.

Hindi siya katulad ni Addy na sa tuwing masosolo niya ako sa isang pribadong lugar ay puro pagtatalik ang gustong gawin.

Lumunok si Kiel at nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya sa leeg. Parang natutukso tuloy ako na dilaan iyon paakyat sa masasarap niyang labi.

Shit! Nahahawa na yata ako kay Addy na puro kalibugan ang nasa isip.

Lihim akong napailing at pinilit kong alisin sa isip ko ang kalokohang pumasok doon. Hinintay ko na si Kiel ang unang magsasalita.

Hindi naman ako nabigo dahil ilang segundo lang ang lumipas ay nagsalita na siya. Ngunit hindi ko inasahan ang mga katagang lumabas mula sa bibig niya.

"Kung pakasalan mo na lang kaya ako?"

Nanlaki ang mga mata ko. Anong sinabi niya? Pakasalan? Pero hindi pwede iyon. Binibiro lang ba ako ng lalaking ito?

Natawa ako dahil inisip ko na biro lang ang sinabi niyang iyon. Si Kiel talaga napakaseryoso na namin nagawa pa niyang magbiro.

Ngunit nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makita kong seryoso pa rin siyang nakatitig sa akin at mababakas ang disappointment dahil sa naging reaksyon ko.

Mabilis siyang tumayo at humakbang palayo sa akin. Napatayo din ako upang habulin sana siya ngunit hindi pa ako nakakahakbang ay huminto na siya sa paglalakad.

Marahas siyang humarap sa akin at natakot ako sa nakita kong anyo niya. Magkakahalong galit, pait at pagkainis ang mababakas sa gwapo niyang mukha.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Bumundol ang matinding kaba dahil sa nakita kong reaksyon niya.

Bakit ba napakabilis mag-init ng ulo ng lalaking ito? Yung tipong napakagentle pa lang niya tapos maya maya lang bigla na lamang siyang nagagalit.

"Anong nakakatawa sa sinabi ko? Kailangan bang pagtawanan yun? Seryoso akong nagsasabi sayo ng mga nais kong mangyari para sa ating dalawa pagkatapos tatawanan mo lang ako."

Hindi ako kaagad na nakasagot dahil sa pagkabigla. Nalilito pa rin ako sa mga nangyayari.

Natawa lang naman ako bakit ba galit na galit siya? Nakakadama na rin ako ng pagkainis ngunit pinakalma ko ang sarili ko.

Magsosorry na sana ako sa kanya ngunit naunahan na niya ako sa pagsasalita.

"Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa kong ito o talagang niloloko ko na lang ang sarili ko. Siguro kailangan ko na lang tanggapin na kahit kailan ay hindi mo ako magagawang seryosohin. Magsama kayong dalawa ng magaling na Addy mo."

Pagkasabi niya sa mga salitang iyon ay mabilis na siyang naglakad papalayo sa akin. Parang piniga ng todo ang dibdib ko dahil sa mga narinig ko.

Hindi ako makahakbang. Ano bang nangyari? Bakit bigla na lang siyang nagalit nang ganun?

Nagsimula nang pumatak ang mga luha ko saka ako muling napaupo sa buhangin. Doon ay iniyak ko nang iniyak ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Ilang minuto akong nakatanga at lumuluha sa dalampasigan. Mabuti na lamang at wala nang tao sa paligid dahil papalubog na rin ang araw.

Mabilis akong napatayo nang makarinig ako ng mga yabag ng kabayo. Nakita ko si Kiel na nakasakay sa stallion at patungo siya ngayon sa gubat.

Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan niya. Nagbabakasakali na mahabol ko siya ngunit napagod lang ako.

Pumasok siya sa madilim na kagubatan at hindi ko na siya nakita pa dahil nagsisimula nang dumilim.

Naglakad na lamang ako pabalik sa hotel. Pinunasan ko ang mga luha ko saka ako mabagal na lumakad.

May nakasalubong pa ako na isang grupo ng mga teenagers na patungo sa beach at may dalang mga gamit.

Nagtatawanan at masayang masaya na para bang wala silang kaproble-problema sa buhay.

Umiwas na lamang ako ng tingin at sinikap na wag maiyak habang pabalik ako sa hotel.

Pagpasok ko pa lang sa lobby ay nakita ko si Addy na may kausap na magandang babae. Nagtama ang paningin namin ngunit ako na ang unang umiwas.

Dumiretso na ako sa elevator upang makabalik ako kaagad sa silid ko. Naiiyak na naman kasi ako at ayoko na may makakita sa paghihirap ng kalooban ko.

Pagkapasok ko sa silid ko ay sumandal ako sa likod ng pintuan saka ko muling iniyakan ang mga huling kataga na sinabi ni Kiel sa akin kanina sa dalampasigan.

Sa kalagitnaan ng paghikbi ko sa madilim na sulok ng silid na iyon ay narealize ko kung ano ba talaga ang ikinagalit ni Kiel sa akin.

Hindi lang iyon basta dahil lang sa pinagtawanan ko ang pagpopropose niya kung yun man ang akmang tawag sa ginawa niya.

Hindi ko siya dapat pinagtawanan dahil seryoso siya sa pagsasabi niya ng bagay na iyon sa akin.

Mula pa noon ay sincere na siya sa feelings niya para sa akin at walang duda iyon.

Pero ano nga ba ang ginagawa ko? Hindi ko iyon binibigyan ng halaga. Ilang beses ko na siyang pinagtaksilan.

Sa ilang beses na iyon ay paulit-ulit niya akong pinatawad at paulit-ulit ko rin naman siyang binibigo.

At sa pagkakataong ito ay alam ko na mali talaga ang ginawa ko kanina.

Siguro ay inisip niya na hindi naman talaga ako seryoso sa kung ano man ang namamagitan sa aming dalawa. Baka iniisip niya na katulad ni Addy ay sex lang din ang habol ko sa kanya kaya ko siya patuloy na pinapatulan.

Hindi ko kaagad narealize iyon at ngayon nga na napagtanto ko na ang lahat at plano ko na siyang seryosohin ay saka naman siya tuluyan nang nawalan ng tiwala sa akin.

Napangiwi ako sa naisip ko.

Napakatanga ko talaga. Bakit ba kasi hindi ko sineryoso ang sinasabi niya kanina? Bakit ba kasi natawa ako sa kabila ng patung-patong na problema na iniisip ko sa mga sandaling iyon.

Dapat ay sinagot ko na lamang siya ng oo pumapayag ako na pakasalan siya. Pero hindi. Hindi iyon ang ginawa ko.

Kailangan ay makausap ko si Kiel. Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat. Sasabihin ko sa kanya na seryoso na talaga ako sa kanya at totoo ang nararamdaman kong pagmamahal sa kanya.

Pero saan ko siya hahagilapin? Baka maligaw na naman ako sa madilim na kagubatan na iyon.

Nag-ayos ako ng sarili ko pagkatapos ay lumabas ako at bumaba sa lobby. Doon ko siya balak na hintayin kahit anong oras man siya babalik ay maghihintay ako.

Nakahanda akong maghintay. Dahil sa pagkakataon na ito ay parang hindi ko na kakayanin kapag nagkalayo pa kaming muli.

Halos inabot na ako ng madaling araw ngunit walang Kiel na dumating sa hotel. Hanggang sa hindi ko namamalayan na nakatulog pala ako sa couch.

Nagising na lamang ako kinabukasan na nasa silid na ako ni Addy.

Nakangiting anyo ng talipandas na lalaki ang bumungad sa akin.

"Good morning!" bati niya. "Bakit sa labas ka natulog kagabi?"

Napabalikwas ako ng bangon saka ko siya seryosong tinitigan.

"Paano ako napunta dito? Hinihintay ko si Kuya Kiel sa lobby kagabi at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako." sabi ko sa kanya.

Naging seryoso naman ang anyo ni Addy saka siya napailing.

"Kagabi pa umalis si Kuya dito sa isla. Nagpahatid siya sa kay Rave. Babalik na raw siya ng amerika ngayon."

Dahil sa narinig ko ay napahikbi na ako kasabay ng parang gripo na pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ko.

Hindi maaaring mangyari ito. Hindi sa pagkakataong ito.

Kieeeeeeel! sigaw ng puso ko na ngayon ay parang pinipiga at dinudurog sa sobrang sakit.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This