Pages

Friday, June 12, 2020

Flicker (Part 55)

By: Loverboynicks

Season Finale

Nagising ako sa higpit ng pagkakayakap ni Kuya Kiel sa akin.

Napakahimbing ng pagkakatulog niya at mababakas sa gwapong anyo niya ang saya dahil kahit na tulog siya ay nakangiti pa rin siya.

Hindi ako gumalaw dahil ayokong istorbohin ang pagpapahinga niya. Inangat ko lang ang ulo ko upang pagmasdan ang payapa niyang pagtulog.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya hinaplos ng kanang kamay ko ang pisngi niya pagkatapos ay hinaplos ko gamit ang thumb finger ko ang ibabang labi niya.

Noon na biglang bumukas ang mga mata niya kaya mabilis kong inalis ang kamay ko pero hinawakan niya ito saka niya dinampian ng halik.

Muli akong napatingin sa gwapong mukha niya habang nakatitig din siya sa akin.

"Kung ako lamang ang masusunod ay hindi na ako papayag na magkalayo pa tayong muli Renz." he whispers. "Hindi sa pagkakataong ito."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Naiimagine ko na na may maganda nang naidulot ang nangyaring ito sa amin para magkasundo na kami ng tuluyan.

"Pero natanggap ko na rin sa sarili ko na hindi talaga tayo magiging masaya kung maraming taong humahadlang sa ating dalawa."

Nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang sumunod na mga katagang lumabas mula sa bibig niya.

"Hindi naman lingid sa kaalaman ko na naging masaya ka sa piling ni Addy sa nakalipas na mga taon. Siguro ay napakaselfish ko lang talaga dahil pinilit ko pa ring isingit ang sarili ko sa pagitan ninyong dalawa."

Tuluyan na siyang kumalas sa pagkakayakap niya sa akin saka niya hinagilap ang mga damit niya.

Nauna na niyang pinulot sa sahig ang brief niya at mabilis niya iyong naisuot. Muli siyang tumingin sa akin saka siya tumitig ng diretso sa mga mata ko.

"Isa lang ang ipapakiusap ko sayo Renz. Sana sa mga natitirang sandali na magkasama pa tayo ay iparamdam mo naman sa akin na mahalaga ako sayo."

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Mahalaga siya sa akin. Sa katunayan sa mga sandaling ito, bukod kay Mama ay si Kuya Kiel ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Ngunit syempre hindi ko mapapatunayan iyon sa salita lang kaya wala akong alam na isasagot sa sinabi niya.

Nang hindi na ako sumagot ay padabog siyang lumabas ng silid niya hawak lamang ang sando na kinuha niya sa closet.

Nanlaki pa ang mga mata ko nang marealize ko na tanging boxer brief lang ang suot niya nang lumabas siya ng silid.

"Kuya Kiel naman eh!" naiinis kong reklamo sa sarili ko.

Sa sobrang laki ng pagkalalaki niya ay siguradong bakat na bakat iyon sa suot niya kahit na hindi pa iyon matigas.

Bakit kailangan pa niyang lumabas nang ganun lang ang suot? Baka pagnasahan pa siya ng ibang mga babae dito sa hotel at-

Napasinghap ako sa naiisip ko. Naalala ko yung sinabi ni Gino nang makita niya ang hubad na katawan ni Kuya Kiel.

Gosh Renz ang gwapo niya. Saka nakita mo yung katawan niya? Ganung klase ng lalaki ang pinapangarap kong maikama!

Tumigas ang anyo ko nang maalala ko kung paano pagnasahan ni Gino ang katawan ni Kuya Kiel.

Hindi ako makapapayag na pati si Kiel ko ay magalaw niya.

Mabilis akong bumangon mula sa kama saka ko nagmamadaling isinuot ang mga damit ko. Hinabol ko si Kuya Kiel ngunit kahit anino niya sa buong hotel ay hindi ko na nahagilap pa.

Napakalakas pa naman ng ulan sa labas. Imposibleng umalis siya. Inikot ko na ang buong hotel pero hindi ko talaga siya mahanap.

Kahit si Addy ay hindi ko mahagilap sa buong hotel.

Patungo na ako sa may lobby ng hotel nang maagaw ang pansin ko ng malalakas na sigaw ng babae at ang umpukan ng mga tao doon.

Mabilis akong tumakbo patungo sa kaguluhan na nangyayari at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

Kasalukuyang kinakaladkad ni Tita Ruth si Gino habang hawak niya ito sa buhok. Kasabay ng pagkaladkad niya ay minumura niya ito.

"Hayop kang bakla ka ang lakas ng loob mo na ipakalat ang video ko. Sisiguraduhin ko na mabubulok ka sa bilangguan!" sigaw niya saka niya tinulak ng malakas si Gino kaya napasubsob ito sa sahig.

Umikot ang tingin ko sa lahat ng tao na naroon. Karamihan sa kanila ay busy sa pagrerecord ng nasasaksihan nilang kaguluhan.

Para siguro sa kanila ay isa iyong napakagandang palabas na hindi nila dapat na palampasin at kailangan ay mairecord nila iyon upang mayroon silang maipaklat at may mapagchismisan.

Ganyan na ang karamihan sa mga tao sa panahon ngayon.

Mas interesado pa sila sa mga negatibong nangyayari sa buhay ng mga tao sa paligid nila kaysa sa pagresolba ng sarili nilang mga problema sa buhay.

Muli akong napatingin sa gitna. Hindi pa nakuntento ang galit na galit na si Tita Ruth sa mga ginawa niya kanina kay Gino.

Lumapit pa siyang muli dito saka niya ito tinadyakan sa tagiliran.

Napatanga na lamang ako sa eksenang nakikita ko. Tila nagbalik ako sa nakaraan four years ago kung saan ako ang nasa kalagayan ni Gino dahil nahuli kaming nagtatalik ni Tito Benjie sa mismong silid niya.

Nakadama ako ng awa para kay Gino. Alam ko kung ano ang pakiramdam nang sinasaktan sa harapan ng maraming tao habang pinapahiya.

Ang kaibahan lamang namin ay nangyari sa akin iyon sa harapan lamang ng pamilya Velasco.

Naaawa man ako kay Gino ay alam kong deserve naman niya ang sinasapit niya ngayon sa mga kamay ni Tita Ruth dahil sa mga kalokohang pinaggagagawa niya.

Mabuti na lamang talaga ay nabura ko na ang lahat ng files sa laptop niya. At ang ginawa kong pag-upload sa video ni Tita Ruth ay ganti ko sa kanya sa lahat ng panghihiya niya sa akin sa harapan ng mga anak niya.

Hindi lang naman ako ang malandi sa pamilya namin. Mas lalo na siya. Hindi nga lang nabubunyag ang mga kalokohan niya kaya ako na mismo ang nagbunyag.

Salamat kay Gino dahil pumabor lahat sa akin ang mga kalokohan na ginagawa niya. Nakaganti na ako kay Tita Ruth ay nakaganti pa ako sa kanya.

Akma ulit siyang susugurin ng sipa ni Tita Ruth pero napigilan na ito ng mga rumespondeng hotel crew.

"Ma'am tama na po. Masyado na po kayong nakakaagaw ng atensyon sa ibang mga guests natin." awat sa kanya ng isang security guard.

"Wala akong pakialam! Bitawan ninyo ako dahil hindi pa ako tapos sa hayop na baklang yan!" naghihisteryang sigaw ni Tita Ruth.

"Ma tumigil ka na!" malakas at galit na sigaw ng isang lalaki.

Nalipat lahat ng tingin ng mga tao kabilang na ako sa pinanggalingan ng tinig. Nakatayo si Addy sa di kalayuan at galit na nakatingin kay Tita Ruth.

Napangiti ako ng mapakla. Kaya pala rumesponde na ang mga usiserong hotel crew ay dahil dumating na ang amo nila.

Samantalang kanina ay aliw na aliw pa sila sa palabas na nangyayari sa hotel na ito.

"Hindi ka ba nahihiya? Sa inyo na nakatingin ang lahat ng guests dito sa hotel na ito." patuloy ni Addy.

Nawalan na ako ng gana na usisain pa ang mga susunod na mangyayari. Sumulyap ako kay Gino na kasalukuyang inaalalayan ng isang hotel staff.

Nagtama pa ang mga mata namin nang mapagawi sa akin ang tingin niya. Hindi ko siya pinakitaan ng kahit na anong emosyon at naglakad na lamang ako pabalik sa elevator.

Maliligo muna ako sa silid ko bago ako mag-aalmusal. Nang mag-isa!

******

Pagkatapos kong makapag-ayos ng sarili ay mag-isa na akong bumaba sa restaurant. Hindi ko na tinangka pa na tawagan si Kuya Kiel o kaya ay si Addy.

Kapag ayaw magpahanap ng isang tao ay wag nang hanapin pa. Kaya ko naman kumain nang mag-isa.

Kasalukuyan na akong kumakain nang mapansin ko ang nasa kabilang mesa na kumakain ng tuna omelette. Natakam ako kaya tumayo ako upang kumuha ng sa akin.

Dahil sa dami ng pagkain na nakahain sa buffet table ay naengganyo ako na tikman lahat pero kinuha ko lang ay yung kaya kong ubusin.

Puno ang plato na dala ko nang makabalik ako sa mesa ko. Nahagip pa ng tingin ko ang papalabas na si Gino.

Kumunot ang noo ko. Saan naman kaya nanggaling ang isang yun? Hindi ko naman siya napansin kanina nang pumasok ako sa restaurant.

Hindi ko na lang siya pinansin dahil gusto ko nang makakain ng marami. Para kasing napakasarap ng mga pagkain sa umagang ito.

Nang makapagsimula na akong kumain ay wala na akong pakialam sa paligid ko. Basta subo lang ako ng subo dahil totoong masasarap ang mga pagkain na kinuha ko.

Nang mauhaw ako ay dinampot ko ang baso ng orange juice sa ibabaw ng mesa saka ko isinubo ang straw.

Akma na akong iinom nang isang malakas na palo sa kamay ko ang naramdaman ko.

Dahil sa pagkabigla at lakas ng pagpalo ng pangahas na kamay ay humagis sa sahig ang hawak kong baso.

Nabasag iyon at natapon ang lahat ng laman. Nagulantang ang lahat ng tao sa loob ng restaurant at sa akin napako ang lahat ng tingin nila.

Nakangiwi akong nakatitig sa basag na baso sa sahig saka ako marahan na bumaling sa kung sino mang magaslaw na pumalo sa kamay ko.

Sumalubong sa akin ang seryosong anyo ni Kuya Kiel.

"Ano na naman bang problema mo ha?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko Renz!" galit na sagot naman niya. "Napaka-careless mo. Hindi mo alam ang mga nangyayari sa paligid mo. Kung ganyan ka na lang palagi ay siguradong mapapahamak ka."

Ano daw? Hindi ako sumagot at nanatili lamang akong nakatitig sa kanya. Basa pa ang buhok niya at nakasuot lamang siya ng itim na sando kaya kitang-kita ang malalaking braso niya.

Pero ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Bakit siya pa ang nagagalit samantalang siya na nga ang gumawa ng kalokohan sa harapan pa ng napakaraming tao.

Mabilis na lumapit ang isang staff at sinimulang linisin ang nagkalat na bubog sa sahig.

"Pare pasensya ka na sa abala. Hindi ko sinasadya na mabasag ang basong iyan." baling niya sa lalaking naglilinis ng bubog saka siya muling tumingin sa akin.

Hindi naman ako nagpatalo at naniningkit ang mga mata ko nang salubungin ko ang mga makahulugang tingin niya.

"Hintayin mo ako diyan. Ikukuha kita ng iinumin mo." sabi niya saka na siya naglakad patungo sa buffet table.

Gusto ko na sanang umalis na lamang sa lugar na iyon at iwanan si Kuya Kiel dahil sa pagkainis ko sa kanya ngunit naisip ko na sa dami ng nagugutom sa mundo ay sayang naman ang mga pagkain na nakahapag ngayon sa mesa ko.

Ano ba kasi talaga ang problema ng lalaking iyon? Kagabi lang ay napakasweet pa niya sa akin.

Nagtalik pa nga kaming dalawa pero mula nang magising kami kanina ay hindi na maganda ang mood niya.

Lihim akong napailing sa mga naisip ko. Sa dami ba naman ng maaaring isipin ay ang pagtatalik pa namin ang naalala ko?

Ilang sandali pa ay bumalik na si Kuya Kiel bitbit ang dalawang baso ng orange juice. Inilapag niya pareho iyon sa harapan ko saka siya umupo sa katapat na upuan ko.

Hindi ko pinansin ang juice. Nanatili lamang akong nakatingin sa plato ko saka na ako nagpatuloy sa pagkain.

Hindi naman kumikilos si Kuya Kiel. Kahit hindi ko siya nakikita ay alam kong pinapanood niya ang pagkain ko kaya nakakadama ako ng matinding pagkailang.

Nang hindi ko na talaga makayanan ang ginagawa niya ay binitawan ko ang mga kubyertos saka ko sinalubong ang mga titig niya.

"Papanoorin mo lang ba ako hanggang mamaya? Bakit ka ba ganyan? Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo. Para kang tanga. Hindi ko maintindihan ang mga inaasta mo mula pa kanina paggising natin." mahina ngunit sa pagalit na tono.

Sinisikap ko kasi na wag makaagaw muli ng atensyon mula sa mga tao sa paligid.

Ngumiti naman siya ng mapakla saka siya napakamot sa gilid ng noo niya. "Ginagawa ko to para din sayo. Maging aware ka naman sa paligid mo. Nakita ko na may nagpalit sa baso mo nung pumunta ka sa buffet table kanina kaya pinigilan kita na inumin iyon."

"Anong sinabi mo? Sino naman ang gagawa nun? At bakit naman niya gagawin iyon?" iritable kong tanong.

"Pwede ba Renz tapusin mo na yang kinakain mo. Sa ibang lugar natin pag-usapan ang tungkol sa mga bagay na iyan. Huwag dito dahil napakaraming tao na nakapaligid sa atin." aniya na hindi ko na sinagot pa.

"Kumain ka na diyan. Doon tayo sa garden mag-usap pagkatapos mo diyan. Hihintayin kita kahit gaano ka pa katagal." seryosong dagdag niya nang hindi ko na siya sagutin.

Sumimangot naman ako saka ko na ipinagpatuloy ang naudlot ko na pag-inom ng juice kanina.

"Hindi mo ba ako sasabayan?" mahinahon ko nang tanong sa kanya.

"Busog ako. Kumain na ako kanina."

Hindi na lamang ako nag-usisa pa at mabilis ko nang tinapos ang kinakain ko.

Naglakad kami patungo sa garden ng hotel. May mangilan-ngilan nang tao sa paligid ngunit hindi ganoon karami kaya naghanap kami ng pwesto ni Kuya Kiel kung saan malayo ang mga tao.

Doon kami sa may railings at sabay naming pinagmasdan ang kumikinang na tubig sa karagatan na nasisinagan ng pang-umagang araw.

"Hinanap kita kanina sa silid mo pero wala ka kaya naisipan kitang hanapin sa restaurant." panimula niya.

"Papasok na ako nang mapansin ko ang pagtayo mo mula sa mesa na occupied mo. Nakita ko na may nagpalit ng juice mo doon kaya hindi ko hinayaan na mainom mo iyon."

"Sino naman ang gagawa ng bagay na iyon? At bakit naman niya papalitan ang inumin ko?" sarkastiko kong sabi sa kanya.

"Hindi ko alam Renz. Hindi ko kilala yung waiter na nagpalit pero paiimbestigahan ko ang nangyari kanina." sagot niya.

"Hindi mo na kailangan gawin iyan. Wala ka namang proof na pinalitan nga iyon. Saka ano naman ang dahilan at kailangan pang palitan ang-"

Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang pumasok sa utak ko ang nakita kong paglabas ni Gino sa restaurant kanina.

Nakakapagtaka talaga ang biglaan niyang pagsulpot at pag-alis doon.

Bumaling ako kay Kuya Kiel saka ako nagtanong.

"Si Gino ba ay nakita mo sa loob ng restaurant kanina?"

"Nakita ko siya pero hindi naman siya pumasok. Sumilip lang siya saka na siya nagmamadaling umalis." sagot naman niya.

Sasagot na sana ako nang isang napakalakas na tili ng isang babae ang gumulantang sa amin sa lugar na iyon.

Sabay-sabay pa ang lahat ng tao doon na napalingon sa pinanggalingan ng napakalakas na tinig.

May nakita akong nakahandusay na tao sa sahig. Nagsimula nang magsilapit doon ang mga tao na nakarinig sa tili hanggang sa matakpan nila ang taong nakahiga sa sahig.

Mabilis na rin kaming naglakad ni Kuya Kiel palapit doon upang alamin kung ano ang nangyari.

Nang sa wakas ay nakalapit na kami. Halos mawalan ng kulay ang buong mukha ko dahil sa labis na pagkabigla.

Nakahandusay sa tiles si Gino. Dilat ang mga mata at walang tigil sa pagdaloy ang dugo mula sa ulo niya patungo sa sahig.

Napatingala ako sa itaas at parang alam ko na kung ano ang nangyari sa kanya. Nalaglag siya mula sa itaas. Dalawang palapag ang pagitan mula sa garden.

Nanghihina ang mga tuhod ko na napakapit ako sa matipunong braso ni Kuya Kiel. Naramdaman ko naman ang pag-alalay niya sa akin saka ako dahan-dahan na sumulyap muli kay Gino.

Sa taas ng binagsakan niya at sa dami ng dugong nakikita ko na tumatagas mula sa ulo niya ay nakatitiyak ako na sa mga sandaling ito ay wala na siyang buhay.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This