Pages

Sunday, June 29, 2014

Break Shot (Part 11)

By: Andrey

Nang pumasok ako sa bahay, sinalubong ako ng worried face ni mama. Bakit si mama lang? Dahil si papa'y nagliliyab ang mga mata habang nakatingin saakin.

"Matutulog na po ako..." i tried not to cry in front of them.

"Matutulog? Umaga na ah!" Tumayo si papa at lumapit saakin. "Wala ka na ba talagang galang samin ni Mama mo? Ha?!"

Dire-diretso naman ako sa kwarto at hindi siya pinansin. I locked the door and threw myself on the bed. Habang galit na kumakatok si papa sa pinto, iyak naman ako ng iyak sa kwarto. I was trembling as i recollect the words that kuya Liam said to me. Ngunit ang nangingibaw saakin ay ang takot na baka hindi na ako patawarin ni Kuya sa aking nagawa. If only he would listen to my explanation.

Ang sakit sakit ng nararamdaman ko as i bury my face on the pillows. Ayokong mawala saakin si Kuya Liam. He's all that matters now...I can't afford losing him. He has done too many good things for me...pero in return, lagi ko naman siyang sinasaktan. Parang mabibiyak ang puso ko. Gusto ko siya makita...gusto ko mag-sorry ng paulit-ulit. Gusto kong malaman niyang ayaw ko na nagagalit siya sakin...na para akong pinapatay kapag galit siya sakin...Ngunit ang tangi kong narinig ay ang mahihinang hikbi na bumalot sa aking silid.

At muling nakipaglaro ang tadhana saakin.

Lunes, pumunta ako ng maaga sa paaralan para makausap ko si Kuya Liam. Ngunit wala pa siya pagdating ko. nang pumasok siya sa room ay saktong time na kaya hindi ko na siya nakausap. Wala naman ako sa focus habang nakikinig sa aming guro. Lagi ako tumitingin kay Kuya. Pero hindi niya ako tinitingnan at laging lihis ang tingin saakin. Napaka-hirap makinig sa teacher when all i want to do is talk to Kuya Liam and explain.

I almost jumped noong marinig ang bell at dali-daling lumapit kay Kuya Liam. Nakaupo siya, ang mata'y diretso at nangangalit.

"K-kuya...mag-usap tayo please." Ang sabi ko habang nakatingin sakanya. "Kuya, makinig ka muna sa paliwanag ko..."

Ngunit wala siyang kibo. Nag-hikab pa nga siya na parang ipinapakita na wala siyang intensyong makinig.

"Kuya tumingin ka naman sakin..." I begged...Its really killing me that he's acting this way. Bigla siyang tumayo ngunit nakaharang ako sa daanan niya.

"Tabi!" He demanded in a cold voice. Para naman akong takot na batang tumabi upon hearing his voice. Natakot kasi ako sakanya dahil sa mga ikinilos niya noong isang gabi. Lumapit siya sa grupo ng mga babae at saka ngumiting nakakaloko, sabay akbay kay Leah. Nagtawanan ang mga babae at gustong-gusto naman ni Leah yung ginawa ni Kuyang pag-akbay sakanya. Nakipagharutan siya sa mga babae doon, lalo na kay Leah na dikit na dikit na sakanya, at noong hindi ko na nakayanan, lumabas na lang ako ng classroom.

Maghapon niya akong hindi pinansin. Parang tanga lang akong humahabol habol sakanya at nakiki-usap. Pero matigas talaga si Kuya at kahit anong gawin kong pagmamaka-awa ay hindi niya ako kinikibo.

Nagpatuloy iyon ng isang linggo. Iyon yung mga araw na halos lumuhod na ako sakanya sa pagmamaka-awang makinig muna sa paliwanag ko. Many times din sinubukan kong magsalita na lang sakanya pero lagi naman siya umiiwas at umaalis sa tuwing susubukan ko. Lagi niya din ako pinapagselos by flirting with other girls lalo na kay Leah. Pinapakita niya saakin na okay na okay siya kahit wala ako. Samantalang ako, halos mabaliw na kaiisip kung paano niya ako papatawarin. Hindi naman siya galit kay Matthew. Katunayan, parang super close na nga sila. Inaakbayan niya pa ito at naghaharutan sila. Saakin lang talaga galit si Kuya Liam. At sa tuwing naiisip ko iyon, hindi ko mapigilan ang aking mga luha sa pagtulo.

Kami naman ni Matthew, ginampanan niya ang napag-usapan naming 'act like strangers'. Hindi niya din ako tinitingnan, hindi ako pinapansin. Hindi ko rin tuloy alam kung dapat akong maging masaya doon. Oo siguro dahil kapag kinausap niya ako baka lalong magalit si kuya. Pero on the other side, i'm sad dahil feeling ko, talagang mag-isa lang ako.

Handa akong gawin lahat basta mapatawad lang ni Kuya. Kahit sabihin niyang lumundag ako sa isang bangin, o kaya magpalunod sa ilog, gagawin ko. I want to let him know na pinagsisihan ko ang ginawa kong 'pagtataksil' sakanya. But the fact that he wouldn't let me do so is killing me.

Maraming beses akong pumupunta sa kubo, nagbabaka-sakaling makita ko siya doon at makapag-usap kami. Ngunit there is no sign na nagpupunta siya doon. Many times din na gumagala ako sa bukirin sa pagbabakasakaling makita ko siya pero wala.

Nakahalata na din ang mga classmates namin sa room. Ang dating halos magkadikit daw ay napaghiwalay mysteriously for unknown reasons.

"I just woke up one day and realized na i shouldn't waste my time sa mga walang kwentang bagay. Nakaka-irita. Nakakasuka." Ang sabi niya isang beses nang may magtanong. His words were thrown to me like rocks and realized he hates me that much. Wala naman akong sinasabi kapag may nagtatanong saakin. Maging si Matthew ay na-iintriga din. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin saakin at parang nagtatanong. Pero hindi ko siya pinapansin.

Nang hapong iyon ay lumapit uli ako kay Kuya Liam.

"Kuya, magkita tayo bukas sa kubo. Maghihintay ako. Kahit abutan ako ng gabi, maghihintay ako." I said. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umalis na din.

Kinabukasan excited akong pumunta sa kubo. Pinaghandaan ko na kagabi ang mga sasabihin. Naghintay ako mula alas sais ng umaga hanggang dumilim. Pero ni anino ni Kuya Liam hindi ko nakita. Doon ako nagsimulang panghinaan ng loob. Saying sorry and explaining to him seems so hopeless. Kaya inalala ko na lang lahat ng ginawa namin ni Kuya sa kubong ito. Yung unang beses na dinala niya ako dito, yung pagtutulungan namin sa paggawa nito, yung pagkain namin ng buko, yung mga kulitan namin, mga pag-aalaga niya saakin, mga times na ninanakawan niya ako ng halik, mga araw na pinagsaluhan namin ang init ng pagmamahalan. And i found my self crying na lang habang inaalala iyon. Its breaking my heart so much...napakasakit na lahat ng iyon ay mapupunta sa wala dahil sa kapalaluhan ko.

Kaya isang beses lumuhod ako sa harapan niya sa loob ng room at naki-usap na kausapin niya. Hila-hila niya naman ako papunta sa likod ng room at saka marahas na tinulak.

"Ano bang gusto mo?!" bulyaw niya. "Nakaka-irita ka talaga. Pag ako hindi nakapag-pigil titigil ako sa pag-aaral para lang hindi na makita yang mukha mo! Pinagmukha mo pa akong masama sa mga kaklase natin at may paluhod-luhod ka pang nalalaman!" He said.

"K-kuya...patawarin mo na ako. Nagsisisi na ako. Hindi ko na kaya kuya na hindi mo ako pinapansin. Kuya, please, buksan mo uli ang puso mo...Hindi ko kaya na wala ka..." I begged habang lumuhod uli sa lupa. "Kahit ano kuya gagawin ko....kahit ano...patawarin mo lang ako."

"P**** naman oh! Ayoko na nga Andrey diba? Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sakin! Kahit pa anong mangyari, hinding hindi mo na maalis ang katotohanang kumalantari ka sa iba! Bakit, hindi pa ba ako sapat? Naghanap ka pa ng ibang lalabasan mo ng init mo? Well ngayon magpakasawa ka. Dahil hindi na kita pipigilan. Gawin mo na ang gusto mo. And get out of my life!" He shouted. Umiyak na naman ako sa mga narinig sakanya. I cursed myself many many times before sa ginawa ko, and hearing it coming from him again hurts so bad.

"Give me another chance kuya...To prove na nagsisisi ako sa ginawa ko...I will do anything you want para mapatawad ako. Sabihin mo lang kuya please..." Umiyak na talaga ako ng todo todo. Gusto kong may gawin. Ayokong maghintay na patawarin niya...gusto ko may gagawin ako so he can forgive me.

"Lahat? O sige, pagbibigyan kita. Pero wag ka umasa na mapapatawad agad kita.Then magkita tayo bukas sa kubo." He said sabay alis. Kahit papano'y nasiyahan naman ako sa narinig. At least, kakausapin na ako ni Kuya sa lugar na mahalaga saamin pareho.

Kaya naghanda naman ako sa muling pagkikita namin sa kubo. Labis ang kasiyahan ko nang makita siyang naghihintay doon. It reminded me of the good old days na ako ang sinusuyo niya. Pero ngayon, ako na ang sumusuyo sakanya upang patawarin. Nginitian ko si Kuya at halos maiyak na ako but he didn't smiled back at saka pumasok sa loob ng kubo. Siyempre sinundan ko siya, at nung pagpasok ko, nakahubad na siya ng t-shirt at naghuhubad na ng pantalon. At may nangyari ulit samin.

"Simula ngayon hanggang sa kaya mo pa, pumunta ka dito kapag ganitong oras. Bago ako magtrabaho sa bukid niyo, maglaro muna tayo. Malay mo mapatawad kita." Ang sabi niya habang nagbibihis. At saka iniwanan ako.

Paglabas niya naman ay tumulo ang luha ko. Nakatihaya pa rin ako sa kama, walang damit, at madumi gawa ng dagta niya sa likod ko. Iniwan niya ako doong nakatiwangwang, parang laruang matapos pagsawaan ay iiwan. What we did is absolutely not lovemaking, nagparaos lang siya. Ni Hindi niya ako hinalikan man lang. Wala siyang pakealam kung nasasaktan ako, nasasarapan o ano. Ang mahalaga sakanya ay maisakutaparan ang pansariling layunin. I was in a state of shock pa rin sa ginawa niya. It was no match sa kuya liam na nakasama ko sa bahay namin, gentle, passionate, at lagi ako pinapaliguan ng halik kapag nasasaktan.

Lagi niya iyon ginagawa saakin kapag sabado o kelan niya maisipan. Ginawa niya lang talaga akong parausan sa kahit anong posisyong maibigan niya. Walang emotional attachment. At pagkatapos ay iiwan akong parang walang nangyari. Dahil doo'y bumaba ang tingin ko sa sarili ko. Feeling ko ang dumi dumi ko...like yun lang ang silbi ko kay kuya liam. Marahil ay pinaparusahan niya ako sa ginawa namin ni Matthew. Sa tuwing maiisip ko naman na marahil ay hindi na tama ang ginagawa niya sakin, i just imagine yung dating Liam na maalaga, gentle, at sweet. At kapag naalala ko ang dating Liam na iyon, lagi ako nagkakaroon ng bagong lakas para magpatuloy. Lalo ako nagpupursige na muling makuha ang tiwala at puso ni Kuya. Kahit sa paraang iyon man lang.

Isang araw sa discussion namin sa English, may dinusscuss kaming poem na ang main idea ay trust. Sa kasamaang palad, nung magtanong na si Ma'am ay isa ako sa natawag. At ibinigay niya pa saakin ang pinaka-bagay na tanong;

"In the poem, why is a broken trust compared to a broken glass?"

"A-ang t-trust ay...t-tulad sa isang salamin...N-na...kapag nabasag...m-mahirap nang ibalik. M-maibalik mo man...N-andoon po rin yung tanda na m-minsan, n-nabasag ito." Ang sabi ko...reflecting sa nangyayari samin ni Kuya Liam. At parang mga basag na salamin, tinusok nito ang puso ko.

"Let's clap our hands for our mighty prince talking about broken trust.....condom" Ang sabi ni Kuya Liam that sent roars of laughter sa klase. Namula naman ang tenga ko, at gusto ko maiyak. Pero tinatagan ko ang loob ko. Isina-isip ko na lang na kung gusto ko mabawi ang dating Liam, kailangan kong maging matatag at handa sa consequences ng pagkakamali ko.

Nang hapong iyon, naisipan kong ibigay kay Kuya Liam ang diary ko patungkol sa pagsasama naming dalawa. Nag baka sakali ako na mapatawad niya kapag nalaman niyang minahal ko din siya....at siya ang pinili ko kay Matthew. Marahil ay kapag nalaman niya kung gaano ako thankful sa pagdating niya sa buhay ko, mapapatawad niya ako. Kaya nang hapong iyon ay naki-usap ako sakanya na mag-usap kami sa likod ng room.

"Ano na naman? Hihingi ka na naman ng tawad? Hindi mo pa ba talaga makuha kuha? Hindi na kita mapapatawad!" bulyaw niya agad.

"k-kuya, s-sorry.'

"Taran**** ka talaga! Sinabi ko pa lang!" Umiyak na naman ako at saka kinuha ang diary sa bag at inabot sa kanya. Tiningnan niya lang ito ng matulin.

"Ano naman 'to?" Nayayamot niyang tanong.

"Y-yung diary ko tungkol sa atin...Diyan ko sinulat lahat ng nararamdaman ko para sayo...Basahin mo kuya..." Ang sabi ko habang nakatingin sa baba. Nanlaki naman ang mata ko ng hinulog niya ito, inapakan, at saka inikot-ikot ang paa para mas lalong masira yung diary. Agad ko namang kinuha ang diary pero hindi ko magawa dahil nga naapakan niya ito. Tumulo naman ang mga luha ko sa sapatos niya.

"Akala mo mapapatawad kita sa Diary na 'to? Wag ka umasa. Wala na akong pakealam kung ano pang naramdaman mo noon. Because do you know what i feel for you right now? I despise you Andrey! Isa ka na lang laruan para sakin. Tulad nga ng sinabi mo kanina, ang tiwala ay parang mga binasag na salamin. Mahirap na ibalik. Alam mo yan." Ang sabi niya sabay apak ng huling beses sa diary at saka umalis. Pero bago siya tuluyang maka-alis, nagsalita muna ako.

"Pero kahit mahirap kuya ibalik ang nabasag mong tiwala, I will try to collect the broken pieces. Kahit masugatan pa ako ng maraming beses habang ginagawa iyon, handa ako." Ang sabi ko, holding the diary close to me.

But he ignored my words and walked away.

Isang buwan na lang bago ang Christmas Vacation ay ganoon pa rin ang set-up namin ni Kuya Liam. Hindi niya ako pinapansin, Dikit na dikit kay Leah, Close sila ni Matthew, Strangers kami ni Matthew, at parausan ako pag Sabado. Minsan pakiramdam ko puputok na ang puso ko sa sama ng loob. But its not as if i have the right to feel so. Sa tuwing mararamdaman ko na lang na hindi ko na makayanan, i tell myself i deserve this. Dagdagan pa ng galit saakin si Papa.

Sa second grading period ay ako pa rin ang nag-first. Second si matthew, at third na si Kuya Liam. Ngunit parang wala na saakin ang karangalang natanggap. Ano pang halaga nito kung ang dalawang taong dahilan kung bakit ako nakatanggap ng ganoong parangal ay hindi ako pinapansin. At mas lalo pang tumindi ang galit saakin ni Kuya sa nakamit ko. Hindi ko din alam kung bakit siya nagalit doon.

Isang hapon, tumatambay ako sa may sea wall habang nagrereview nang marinig ko ang boses ni Kuya Liam at Matthew na papalapit doon. Agad akong nagtago sa may gilid ng bodega na katabi lang ng room. Naririnig ko pa rin ang pinag-uusapan nina Matthew at Liam.

"Anong bang problema tol? What's going on between you and Andrey?" Si Matthew.

"We're having the best time of our lives, bakit?" Sarcastic namang sagot ni Liam.

"Oh come on Liam...hindi ako manhid para hindi mapansing there's something going on."

"Meron nga. At dahil yun sayo!" bulyaw ni kuya liam. Gusto ko sila pigilan dahil baka kung ano manggyari pero pinigilan ko ang sarili. Nanlaki naman ang mata ni Matthew.

"A-anong....?"

"Ppsshh...don't deny it. alam kong may nangyari sainyo ni Andrey. And i hated him for that." Ngumiti si Kuya Liam. Muling tinusok ang puso ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit saakin lang siya nagagalit. Bakit ang bait niya pa rin kay Matthew? Para ano? Para mas lalong ipamukha saakin ang galit niya?

"P-pero...huli na yon. Andrey decided na ituring namin ang isa't-isang stranger..." Paliwanag ni Matthew. Lumakas naman ang tibok ng puso ko. Sana pakinggan ni Kuya Liam ang sasabihin ni Matthew. Baka makinig na si Kuya Liam sa totoong nangyari noong araw na iyon.

"Ganun pala...kaya pala hindi na kayo nagpapansinan..." Kuya Liam said at tumango tango. Ngumiti ako ng bahagya...nabuhayan ng pag-asang baka kahit papaano ay mapatawad niya ako.

"Mahal na mahal ka ni Andrey, Liam..." Ang sabi pa ni Matthew.

"Oo...nasukat yun nang magtabi kayo." Pamaktol niyang sabi. His face became dark and dangerous, just like the night na nag-away kami. (o inaway niya ako?)

"P-pero bakit sakanya mo lang ibinubuhos ang galit? Hindi ba unfair yun? may kasalanan din ako Liam...I was the one who triggered the gun...Nagmakaawa pa nga si Andrey na wag ko siyang gagalawin pero..."

"pero nangyari pa rin. I won't hate you because kung mahal talaga ako ni Andrey, hindi niya yun magagawa. Problem is, nasayo pa rin ang puso niya. Nung una, akala ko kaya kong ganoon lang ang set-up namin. Na kung ano lang ang kaya niyang ibigay para sakin, i'll humbly accept it. Pero napakarami na naming pinagsamahan at pinagsaluhan...at in the end, ikaw pa rin ang laman ng puso niya." Kuya Liam said with sadness. he turned back and motioned to leave.

"Until when mo balak gawin to kay Andrey? Aren't you being too much? Its not as if you have all the time of your life...before you'll even knew it, graduate na tayo."

Hindi muna sumagot si Kuya. Ang lakas naman ng kabog ng puso ko...until when nga ba akong maghihintay na patawarin niya?

"Until hindi maranasan ni Andrey ang mawalan. Ang mamuhay ng magsimula sa wala. I think he's having too much luck in living this life. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko...hindi ko alam kung saan nagmumula ang galit ko. Pero ayoko nang maramdaman niya na narito pa ako para sakanya...I want him to learn that everything's not all about him. Gusto ko sanang maging parte habang natutunan niya iyon...but i think he should learn it on his own. Minsan, mas natututo ang tao kung nao-overcome niya ang mga struggles ng buhay ng mag-isa. I want Andrey to learn that. And i don't care if he would suffer in the process...Call me cruel, pero iyon lang ang alam kong paraan para maranasan niya ang sakit na naranasan ko."

Umalis si Kuya Liam at maya-maya pa'y sumunod si Matthew. I was left speechless sa sinabi ni Kuya. Its not about our love anymore...its about my personal growth na naman. Tulad ni matthew, sasaktan na naman ako ni kuya para may matutunan ako...A sasabihin in the end na para rin saakin ang nangyari, para sa ikabubuti ko. Ngunit hindi man lang nila iniisip kung gano ako nasasaktan habang ginagawa nila iyon. But do i really have the right para magreklamo? After all, nasaktan ko ng labis si Kuya. All i could do and should do is endure.

I'm tired of that game.

And besides, paano nga ba ang mawalan?

.........
Siguro'y dalawang linggo na lang ang natitira bago ang bakasyon. The pain i'm feeling is becoming too unbearable. I felt like i'm always standing at the edge of a cliff. I don't know kung saan na ba ang lugar ko sa buhay ni kuya. He bullies me at school at pinapaselos kay Leah. Para akong may sinusuong na malakas na hangin at ulan dahil sa galit niya. At isang Sabado, matapos ni kuya akong gamitin, he shattered all the remaining hopes in me.

"Andrey let's break up. Actually, we broke up that night na umuwi ka galing kay Matthew. But i'm saying this to make it all formal and official. Because i can see na umaasa ka pa rin. Reason? Sawa na ako sayo." He said coldly at saka lumabas ng pinto. Hindi ako makapaniwala sa narinig. Parang nabingi uli ako, at hindi ko alam kung paano ko nagawang huminga matapos ang mga segundong lumipas ng lumabas siya sa kubo. Inilapat ko ang kamay saaking dibdib, hoping that my heart would stop from breaking. But it didn't.

The pain was so crucial, so intense that i wanted to shout, and keep shouting till all the pain is gone. At para akong namatayang humagulhol sa loob ng kubo, habang wala pa ring saplot. Grabeng awa sa sarili ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Infinity talaga. Gusto kong habulin si Kuya, gusto kong bawiin niya lahat ng sinabi niya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon. I didn't stop crying myself out until i didn't have the strength to weep. I was wishing i was just dreaming...that when i wake up, everythings's fine...and i would be on Kuya Liam's arms again. But the terrifying pain i was feeling told me all of it are too real.

Umuwi ako sa bahay, hindi kumain, at nagkulong sa kwarto. If only sleeping can mend a broken heart, i could've slept for a very long time.

Lunes, i came to school feeling like every life force has been sucked out of me. I felt so sad inside that i can't even fake a smile. When my teacher called me for a recitation, i just stood there like a lifeless puppet. Lagi akong tulala, hindi nakikinig sa leksyon, at kahit pinapagalitan na, wala pa rin akong kibo. Sometimes i would just find tears rolling down my cheeks uncontrollably. My heart was crying out Liam's name...and it hurts me sooo much each time i realize he just ended up everything between us. I was stuck in our memories...i was playing back everything about us...from the very start when a sillhoute image of him appear before me until the very day he broke up with me.

I kept thinking of his sweet smile and his magical dimples...I keep thinking how he used to love me, care for me, and made me feel like i'm the only person that mattered. Ngunit asan na ba ang lahat ng iyon ngayon? I was left trying to collect the broken pieces...only to find out that even those pieces are torn into even smaller pieces, making it impossible to be mend and be whole again. Ngunit kung may nasasaktan ding tulad ko ng mga oras na iyon, si Matthew at Ella iyon.
They were the ones who were there when life is once again at its downest. Hinahatidan ako ng snack kapag break time, na kinakain ko naman habang umiiyak. Nagbibigay ng corny jokes, na iniiyakan ko naman kahit nakakatawa. Ngunit nasaan ba ang taong gusto kong makapansin ng lahat ng paghihirap ko?

Andun siya sa likod. Watching me as my whole world starts crumbling down.

At dahil nga pinabayaan ko na naman ang sarili, i collapsed one time in the classroom, and Matthew again carried me on his back and carried me on the clinic. When i woke up, si Matthew lang ang nandoon.

"Andrey...kumusta pakiramdam mo?" He asked in his most caring voice. I wished it was Kuya Liam's.

"Ayos lang...i guess wala nang use yung pact nating strangers na tayo..." I said weakly

"Andrey I'm so sorry you have to suffer all of this by yourself. Its my fault...I'm sorry." Nangingilid ang luha sa mga mata niya. Tumayo siya at niyakap ang ulo ko, holding it closer to his chest. That's when the floodgates opened, and i was crying like a lost child.

"A....ayokong mawala si kuya...M-mahal k-ko siya...h-hindi ko kayaa...." I cried out. He was hushing me like i'm a little kid.

"Mahal ka ni Liam, Andrey. He told me that. He just want you to find yourself first. Gusto niya malaman mo muna sa sarili mo where your heart belongs. And until then, you have to be strong. Be strong Andrey...fight for this love...You can never find someone that will love you like liam did. So fight for it Andrey. But you have to be a lot stronger."

That gave me hope. Hearing na sinabi ni Liam na mahal niya ako gave me a surge of strenght. At tama si Matthew, Kuya Liam's love is one in a million. But if he loves me, magagawa niya naman akong patawarin diba? Ganoon ba kalaki ang kasalanan ko...o baka...o baka naghahanap na lang siya ng dahilan para iwan ako...dahil ayaw niya na talaga saakin...dahil nagsasawa na siya saakin.

And carrying my newfound hope, pumunta ako sa bahay kubo the next day para kausapin si kuya liam at para humingi ng second chance. To save a love that was once so great, but now's in vain. Nandoon na ako sa clearing ng may marinig akong ingay na nagpakaba saaking puso. Hindi...hindi maari.

Lumapit pa ako sa kubo. At nang tuluyan ko nang marinig at na-register na sa utak ko kung ano ang ingay na iyon, i don't know if i should stay or run.

"Ahhh....ahhhhhh..." Mga ungol ng tao. At ang isa'y pamilyar na pamilyar saakin. Wala sa sariling binuksan ko ang pinto, at tumambad saakin ang hubo't-hubad na si Liam at isa pang nagtatrabaho sa bukirin naming si Kuya Jacob. Nakahiga sa kama si kuya jacob, hawak hawak ang dalawang binti paitaas samantalang nasa ibabaw niya ang kuya ko.

I swear i died during that moment.

Nanlaki naman ang mata ni jacob ng makita ako.

"A-andrey?" Kitang kita ko ang hiya sa mukha nito...namutla at nataranta. Si Kuya Liam naman, upon hearing my name, ay lumingon sa direksyon ko. Ngunit sa halip na hiya din ang makita ko sa mukha niya, galit pa ito, at libog na libog ang hitsura.

"Istorbo." Narinig kong sabi niya. Dali-dali namang kumilos si jacob at tatayo sana ngunit pinigilan ito ni kuya liam. "Wag ka nga...pabayaan mo siya manood kung gusto niya. Baka matuto pa siya sayo." Iyon lang at itinuloy ni kuya liam ang paglabas-pasok sa butas ni jacob. Umungal pa ito at nagsalita "Ang saraapppp...ahhhh...Ang galing mo tollll...." na parang wala ako doon. Marahil sa libog ay hindi na rin ako pinansin nung jacob at nagpatuloy sa ginagawa nila. Hinalikan siya ni Kuya Liam, na hindi niya na ginagawa saakin, at binilisan pa ang pag-ulos.

Hindi na ako nakatiis at nagtatakbong parang hinahabol ng rapist papuntang ilog. Doon ako umiyak ng umiyak. Ganoon pala ang naramdaman ni kuya noong malaman niyang may nangyari saamin ni Matthew. Doble nga lang saakin dahil nakita ng sariling mata ko. Ganun pa man i didn't hate kuya liam. Ngunit nakakuha na din ako ng bagong lakas...dahil ngayon, patas na kami. I won't have to feel guilty all the time dahil nagtaksil ako. Now, pareho na kami may ginawa. Only that wala na akong karapatang magselos dahil hindi na kami.

Pero napakasakit pala. Sobra. Parang pinaghihiwalay ang puso ko...marahil ay nagsasawa na talaga si kuya saakin kaya nagawa niya yun. O baka talaga mahal niya rin si kuya jacob. Hindi naman yun impossible. Okay naman ang hitsura niya, at dahil nga nagtatrabaho sa bukid, macho din ang pangangatawan. Katapusan na nga ba talaga para saamin ni Kuya Liam?

Hindi.

Ayoko.

Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko si kuya.

Alam ko na kung papaano ko mararanasan ang mamuhay ng may wala. Gagawin ko ang gusto ni Kuya. I will prove to him that i don't think i'm a prince...but i still have to make one thing clear.

Nang hapon ding iyon, nakita ko si kuya liam na nagaararo para sa tatamnan ng mga pechay. Marami sila dun pero naglakas loob akong ipa-excuse muna si kuya. Siguro nahiya din siyang ipahiya ang may ari ng lupang sinasaka niya sa harap ng mga trabahador nito kaya nagmamaktol siyang sumama saakin.

"Ano na naman ba?!" Our first talk after i caught him doing 'it' with someone, and he's throwing tantrums at me.

"K-kuya, yung nakita ko kanina...kayo na ba?" I asked, trying to fight away my tears. Lagi na lang ako naiiyak kapag kausap siya.

"Hindi. Curious lang yun, at pinagbigyan ko."

At nagsasawa ka na sakin kaya sinusubukan mo sa iba.

I bit my lip to stop my tears from flowing.

"Yun lang kuya...i just want to know kung---" hindi na niya ako pinatapos at saka tumalikod para bumalik sa trabaho.

"K-kuya, aalis ako...pupunta ako ng---"

"Bahala ka kung sang langit mo gustong magpunta. Wala akong pakealam. Live the way you want to."

Tumango lang ako at saka pilit na ngumiti, despite the raging tears na kumakawala sa mga mata ko. "See you kuya...at pagbalik ko, mangako kang mamahalin mo ako ulit...gaya ng dati..."

Hindi na siya sumagot at pinagpatuloy ang pag-aararo.

Umalis na din ako, at pagdating sa bahay, kinuha ko yung mga luma kong damit at saka iniligay sa isang bag. Nagpaalam ako kina papa at mama ng maayos. Lumuhod ako sa harapan nila.

"Ma, Pa...pupunta ako ng Maynila. Doon ako magbabakasyon." I said habang nakayuko.

"Ganun ba? O sige doon na lang tayong tatlo magpasko kina tita---"

"Hindi ma...i will live alone...hahanapin ko ang sarili ko..."

At nagsimula ang madugong palitan namin ng mga salita ng aking mga magulang. Sinampal ako ni papa, pinagalitan, nanaghoy si mama, ngunit hindi ako nagpadaig.

"Hindi naman po ako humihingi ng kahit ano. Hindi din po ako humihingi ng permiso. Gusto ko lang po sabihin sainyo para hindi kayo mag-alala."

Sa huli'y pumayag din sila. Binigyan nila ako ng 5000 habang maski si papa'y umiiyak na din. Naki-usap ako sakanila na kapag may nagtanong kung nasaan ako, sabihin na lang na pumunta ako sa mga tita ko.

At nang gabi ngang iyon ay sumakay ako ng bus papuntang Maynila ng mag-isa. Natatakot ako, kinakabahan, ngunit kakayanin ko...gusto ko din namang matutunan kung paano ba ang mamuhay ng wala kang kahit ako. Umiyak ako habang nasa bus...napakarami kong nararamdamang emosyon. Ngunit kakayanin ko. Magpapakatatag ako para kay Kuya Liam...at marahil...para sa sarili.

.......................
Nang magising ako'y nagsisibabaan na ang mga tao sa bus. Ang babaan pa noon ay sa Ali Mall. Ignoranteng ignorante ako sa mga nagtataasang building. Napangiti ako nang makita ang mga iyon, at parang tangang natakot na baka mahulugan. Hindi din ako marunong tumawid sa mga malalaking kalsada, at takot na takot sa mga nag-uunahang sasakyan. Binili ko ng gamot na kakasya sa isang buwan ang perang ibinigay saakin. Nang sa gayon, magka-problema man ako sa pagkain, may gamot ako kapag inatake ng sakit.

Hindi naging madali ang buhay ko sa maynila. Katunayan, masaklap ito. Napakaraming gabing natulog ako sa gilid ng kalsada, at minsan, may nagagalit pa saakin dahil pwesto daw nila iyon. Unang gabi pa lamang ay naiiyak na ako dahil wala akong matulugan. Nagpagala-gala ako sa Quiapo. Nagustuhan ko ang ideya ng underpass sa Quiapo. Naisip ko kasi na, sa kabila pala ng mundo sa itaas, may ibang mundo sa ibaba. Matao, nagbebentahan ng kung anu-ano, nakawan, at kanya kanyang diskarte sa buhay. Napakaraming gabing natulog ako sa hagdanan ng underpass, kasabay ng mararaming matatanda at bata na kinahabagan kong tunay. Napakaraming kahabag-habag na bagay ang nakita ko sa Maynila. May isang pamilya na nakatira sa isang kariton, ang iba nama'y sa labas ng mga kainan tulad ng jolibee, at kung saan saan pa nagkalat ang iba. May mga batang paslit na nakikipagsapalaran na sa mga hamon ng buhay sa napakamurang edad. Sa mga gabing wala akong matulugan, umiiyak na lang ako sa hagdan ng underpass habang iniisip ang malaki at malambot kong kama. Na-miss ko na din ng masyado sina mama at papa.

Mga isang linggong palaboy laboy ako sa Quiapo, umaasa lang sa natirang pera na ipinambili ko ng gamot. Ngunit hindi rin nagtagal, naubos ang perang iyon at alam kong kailangan ko ng trabaho. Napaka-hirap maghanap ng trabaho lalo pa't para na din akong pulubi na may dalang bag. Minsan lang ako naliligo, at nagpapalit lang ng damit kung kailangan. Nakahanap din ako ng trabaho sa isang tindahan. Taga buhat ng mga panindang karton karton. Sobrang bigat ng iba, lalo na kapag bigas. Natatapos ang araw na ang sakit sakit ng katawan ko. Alisin na natin ang init, dahil baka mahimatay ako kaiisip lang kung gaano kainit sa Maynila. Umalis din ako sa trabahong iyon dahil napaka-baba ng sweldo. Sarili ko pa ang pagkain, wala pa akong natutulugan.

Minsan napag-tripan pa ako ng mga adict sa lugar. Sa tanang buhay ko amy nambugbod saakin, kinuha ang bag, pati ang mga gamot. Pati yung sweldo kong kakarampot, kinuha saakin. Nagmakaawa ako doon ng sobra, pero pinagtawanan lang nila ako at saka ginulpi. Hanggang umaga ako doon sa gilid ng kalsada, ngunit wala man lang nag-effort na tulungan ako. Basag ang labi ko, duguan ang mukha, masakit ang katawan, at mukhang pulubi. Dahil na rin marahil sa hitsura kong iyon kaya walang tumulong saakin. Nakipagsapalaran ako, nanlimos para may makain. Hindi na ako nakapag-papalit ng damit gawa nga ng ninakaw lahat ng ito. May mga araw na wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak...iniisip ang marangyang buhay sa bicol....ang masasarap na pagkain...mga napapakagandang tanawin...at ang maliit na bahay kubo ni Kuya Liam. Kapag iniisip ko naman si Kuya Liam, ngumingiti ako. At habang lumilipas ang araw, lalo akong na-eexcite na umuwi, at ipagmalaki kay kuya ang kawalang naranasan ko. Marahil ay masisiyahan siya kapag nalaman ang mga naging paghihirap ko.

Hindi rin nagtagal, may bitbit na akong sako sa aking likod. Palaboy-laboy sa EspaƱa, Manila. Marahil ay nakita na ako ng ilan sainyo na palaboy-laboy...nag-iipon ng mga plastic para ipang kalakal. At sa hitsura kong maduming madumi, mabaho, may akay akay na sako, sino mag-aakalang nagmamay-ari ako ng malalawak na bukirin sa probinsya.

Maraming araw na nahimatay ako dahil sa pag-atake ng sakit. Minsan, kapag hinang hina na ako, umuupo ako sa hagdan ng overpass papuntang UST. Doon kusang nagbibigay ang tao kapag nakikita akong hinang-hina. may kasama ako doon, may tatlong bata at isang matanda. Kapag malakas naman ako, piangmamasdan ko ang malaking campus ng unibersidad. At nangako sa sariling doon ako mag-aaral ng journalism. Doon ko itutuloy ang pangarap na ipinundar ni Matthew, at pinagtibay ni Liam.

Nahabag din marahil ang tadhana saakin nang may minsang nag-iwan saakin ng isang buong hamburger at isang basong buko juice. Laking pasasalamat ko sa taong iyon. Pinasalamatan ko siya ng paulit-ulit, dahil sa ilang linggo kong pananatili sa Maynila, siya pa lamang ang nagpakita ng kabutihan saakin. Siya si Kuya Dylan. May hitsura din siya, at may katamtamang taas at pangangatawan. Nang araw ding iyon ay kinausap niya ako na labis kong ikinasiya. Dahil may tumuring saaking parang tao.

"Wala ka nang pamilya?" Tanong niya habang tinitingnan akong gutom na gutom na kumagat sa hamburger.

"Meron pa po. Sa Bicol. Katanuyan po, mayaman kami. Marami kaming lupain doon." Ang sabi ko sabay kagat. Nakita ko siyang ngumiti, at ngumiti din ako dahil sa hitsura kong ito, hindi nga naman siya maniniwala.

"Eh bakit ka napunta dito sa Maynila kung anak ka pala ng hasyendero?" Tanong niya habang nakangiti pa rin. Hindi naman ngiting nang-iinsulto, yung tipo ng nginiting ginagawa kapag nagsasalita ang mga baliw.

"Para hanapin ang sarili ko. Uuwi din ako kuya kapag natapos ang buwang ito. Anong petsa na?" Nangalhati na ang hamburger kaya tiniklop ko ito. Uminom ako ng juice.

"December 24."

"What?! You mean, it was Christmas Eve last night? Pasko ngayon? Improbable!" Ang sabi kong gulat na gulat. Kaya pala narinig ko ang tatlong batang iyon na binabati akong maligayang pasko kagabi. Hinang hina na lang talaga ako para magsalita.

Nga-nga siya sa English ko. Tiningnan ko naman siya at ngumiti.

"M-merry Christmas. Oo, kaya nga binigyan kita ng pagkain. Its the day of sharing."

"Thank you so much!..You are the kindest person i've met since the first day i stepped in this strange land." Ang sabi ko.

"Walang ano man. Sige, may bibilhin pa ako. Usap tayo mamaya ah. At saka dadalhan kita dito ng handa namin. hehe." At saka nagpatuloy na siya sa paglalakad. Nang umalis na siya, dinala ko ang tirang burger at buko juice sa matanda sa kabilang hagdan. Binigay ko ito sakanya at binati ng maligayang pasko. Pinasalamatan niya naman ako.

Dumating nga si Kuya Dylan ng hapong iyon. May dala siyang isang plastic ng maraming pagkain.

"Ayan...para sayo at sa kaibigan mo dun." Ang sabi niya sabay nguso sa matandang binigyan ko ng burger. Marahil ay nakita niya na binigyan ko ito ng pagkain. Dinalhan niya ang lola samantalang sinit-sitan ko ang tatlong bata na kasama ko na tumatambay sa overpass at nagcelebrate kami ng pasko. Hindi naman magkamayaw sa ngiti si kuya Dylan habang tinitingnan kaming kumain.

"Gusto mo?" Pang-aaya ko sakanya ng puto. "Yoko nga." bawi ko naman. Tumawa si Kuya.

Nang matapos na kaming kumain, inilagay ko sa plastic lahat ng dumi at saka tinabi.

"Akin na yan. Itatapon ko sa bahay." Ang sabi niya. Binigay ko naman.

"Kwento ka sa buhay mo sa probinsya niyo. Busog ka naman, habaan natin."

Ikinwento ko sakanya ang buhay sa bicol. Ang masaganang taniman, mga nagtataasang puno, ang malamig at fresh na hangin, mga huni ng iba't ibang klaseng ibon, ang bulkang mayon at kung ano-ano pa. He was really enthralled on my storytelling...at nung matapos ako sa pagdescribe sa bicol...

"Bakit ka napunta dito at naging ganyan kung ganon kayo kayaman?" Kunot-noo niyang tanong. I guess he also get rid of the thought that i'm crazy.

"It all started with a person close to my heart named.....Matthew." Ikinwento ko sakanya, at naintindihan niya. Tumigil ako doon sa part na sila na ni Ella.

"So, you're...gay?" ang final opinion niya.

"Ang SLLOOOOW mo naman kuya Dylan. Tungkol san ba yung pinagusapan natin since 3 hours ago?"

Ngumit siya at saka nagpaalam dahil gabing gabi na. Tatlong araw, laging tumatambay si kuya dylan sa overpass habang pinakikinggan ang kwento ko. Minsan, nakikinig din ang tatlong bata, at saka sumiksik sa tabi ko. Naging close na kami dahil lagi ko isini-share ang mayroon ako sakanila.

"....at hayun, andito na 'ko, nakilala ang napa-kabait na si Dylan..THE END." Ang sabi ko. Nagpalakpakan ang mga bata, at nakita ko naman parang pinunas ni kuya ang luha sa mata.

"Halika na..." Ang sabi niya, at saka ibinigay ang kamay saakin. "Doon ka matulog sa bahay namin. Hanggang sa gusto mo na umuwi."

At iyon na nga. Umiiyak akong pumasok sa bahay nila. Mainit naman akong tinanggap ng pamilya ni kuya. Alam na nila ang istorya ko kaya nahiya naman ako. Kinuwento pala sakanila ni kuya dylan ang tungkol sa binatang nakaupo sa gilid ng hagdan ng overpass na may-ari ng malawak na lupain.

"Maligo ka na Andrey. Heto oh, gamitin mo muna ang damit ko. Mula ngayon, lahat ng akin, saiyo na rin." Ang sabi niyang may ngiti sa labi. An image of kuya liam flashed my head, at bigla akong nalungkot.

"Oh, anong problema?" Tanong niya.

"I miss Kuya Liam na, Kuya Dylan." Ang sabi kong maluha luha..."...si mama at si papa, si matthew, si ella....*sniff* miss ko na sila lahat."

Yayakapin sana ako ni Kuya Dylan but he stopped at saka pumunas sa ilong. "Maligo ka muna Andrey."

Tumawa ako at saka naligo naman. God, it felt soooo good. I think i could've stayed in the bathroom for ever para maligo. Buti na lang naalala ko na may bayad ang tubig sa Maynila.

Nang lumabas naman ako sa cr, naghahanda na sila sa hapagkainan, at parang natigil silang lahat nang makita ako. Wala pa akong t-shirt at suot ko ang basketball short ni Kuya Dylan.

"Waa...ang gwapo pala ni kuya andrey!" sabi ni theresa, nakababatang kapatid ni kuya dylan. Tinitigan naman ako ni kuya, namamangha ang mukha, kaya nag-blush tuloy ako at agad na isinuot ang t-shirt. Kumain kami ng gabing iyon na parang parte ako ng pamilya nila. Napa-iyak pa nga ako habang kumakain dahil sa pasasalamat. Pakatapos kumain, namilit akong ako na maghuhugas ng kinain kahit ayaw nilang lahat. Pero hindi ako nagpa-pigil.

Tabi kami ni Kuya Dylan sa kwarto. Para naman akong bata na tatalon talon sa higaan.

"Wooo....Ang saya ko kuya!!!...Makakatulog na din ako ng maayos...malambot pa...miss na miss ko na'to.." at saka nahiga naman ako sabay pikit. When i opened my eyes, nakatingin saakin si Kuya Dylan at ang lapit talaga ng mukha niya saakin.

"K-kuya..." nag-blush ako.

"Hmm...i still can't believe how much your looks changed just by a single bath. Parang ibang tao tuloy ang pinapasok ko...parang hindi yung pinulot ko sa may overpass." ang sabi niya, at saka piningot ang ilong ko.

"Aray!...ang sakitt..." Ang sabi ko, nagbu-blush pa din.

Kahit naiilang ako, nakatulog naman ako ng mahimbing ng gabing iyon. Mabait na mabait saakin ang pamilya ni kuya. At kaya naman pinagpapa-pala ang pamilya nila dahil napaka-bait nila. Si Kuya Ronny at may batang miguel pa doon, pinulot din pala sila ng pamilya ni kuya dylan.

Limang araw na ang lumipas na doon ako nakituloy sa bahay ni kuya. Nagsisimula na akong mangamba kung paano makakauwi. Malapit na kasi ang pasukan. Hindi ko alam kung paano ako makakakuha ng pamasahe pero ng gabing iyon, bago kami matulog ni kuya, ay sinabi ko na sakanya na kailangan ko nang umuwi.

"Maraming salamat talaga kuya. Hinding hindi kita makakalimutan sa tanang buhay ko. You are my savior. Ikaw ang unang taong nagpakita saakin ng kabaitan sa magulong lugar na ito. Balang araw, kapag sa UST na din ako nag-aaral, ibabalik ko lahat ng naging tulong mo." Mangiyak-ngiyak kong sabi.

"Walang problema Andrey. Kapatid na ang turing ko sayo. Masaya ako't natulungan kita. Malungkot nga lang na uuwi ka na." Ang sabi niya habang pareho kami nakatingin sa dingding.

Nang sumunod na araw, naisipan kong ibenta na lang ang katawan kahit isang gabi sa mayamang bakla. Nang sa ganoon ay magkaroon ako ng pera. Nakita ko kasi na ito ang gawain ng ilan sa mga lalaki sa Maynila. At iyon nga ang ginawa ko. Nag sorry na lang uli ako kay kuya Liam na binali ko na naman ang pangako ko sakanya. Nagpaalam na din ako sa pamilya ni kuya dylan at isa-isa silang niyakap. Pumunta muna ako sa palengke at bumili ng munting regalo para sa pamilya ni Kuya Dylan. At kay Kuya naman, yung kwuntas na ibinili ko pa sa bicol para kay kuya liam. Tinago ko kasi iyon sa secret pocket ko para hindi mawala. Hindi rin ito nanakaw ng mga nangtrip saakin. Nilibre ko din ng pagkain ang tatlong bata na kasama ko sa overpass sa isang karinderya, at dinalhan ang lola saka huling beses na nagpaalam sakanila.

Muli akong nagpa-alam sa pamilya ni kuya sa huling pagkakataon. Inihatid ako ni kuya papuntang Ali Mall. Seeing the place made me remember the first day i came here. And i can't help but to feel a sense of fulfillment. After all ng pag-struggle kong maka-survive sa lugar na ito, ngayon ay pauwi na ako.

"Paano ba yan...Sana magkaayos na kayo ng kuya liam mo. I wish you all the best Andrey." Ang huli niyang salita. Niyakap ko siya ng huling beses.

"i love you Kuya...bilang kuya....hehehe" Piningot niya uli ako at saka pinasakay ako sa bus.

Napaka-rami kong naramdaman habang na sa loob ng bus. Kahit na marami akong mapapait na karanasan sa isang buwan kong pananatili sa lugar na ito, marami din akong natutunang aral at mga natatanging lihim ng buhay. And in my short stay here in Manila, i can say i have grown into a more mature and competitive person. Competitiveness. It's something you should have if you want to survive in the real world. You have to use this like sword and shield if you want to live in such a big battlefield like Manila. Pakiwari ko'y naghihilahan pababa ang mga tao roon. Kaya kung nais mong manatiling nakatayo, kailangan mong ipaglaban ang sarili mo. You have to learn how to play their games so that you could win it...or at least, so that you could keep playing.

Maari ko nang sabihin kay Kuya Liam na alam ko na ang buhay na magsisimula ka sa wala. Yung walang inaasahan kundi ang sarili mo. Maari ko nang ipagmalaki sakanya na alam ko na ang totoong buhay na nais niyang ipakita saakin. At sa lugar ng Maynila, i was not a prince...nothing revolved around me. I was just a speck of dust in the city...i didn't mattered. Everyone looked down at me, pinandirihan, kinaawaan...At marahil lahat ng experience kong ito molded mo to be a much better person who knows the different faces of the real world.

Dumating ako sa aking pinakamamahal na Bicol nang alas dose ng gabi. Dalawang araw na akong absent sa school dahil dalawang araw na ang nakalipas mula ng magbukas muli ang klase. I came home, hugged my parents as long as i could, and promised to love them as much as i can, as long as i can. I was indeed so lucky to be blessed with such wonderful parents. Napakaraming bata sa Maynila ang palaboy, at walang magulang na gumagabay...at nagmamahal. I'm born lucky dahil sa mga magulang ko.

That night, our house was filled with warmth, love, and longing as i share my experiences with my loving parents.

And the next day, i went to school. My entrance was grand, dahil nagtinginan uli yung mga kaklase ko habang nasa pinto ako. Nginitian ko sila lahat...parang artista lang...gusto ko ipagsigawan na na-miss ko silang lahat.

Ella approached me with a hug. When i was in Manila and i had no friends, i promised i will try to restore and treasure my friendship with Ella. And maybe with Matthew, who knows.

Most of all, i'll take my kuya liam back. Kahit hindi ko alam kung papaano. Dahil napakarami ko nang sinugal para dito...

"Ba't dalawang araw ka absent bhest?" She asked.

"Long story. hehe. Basta i was in Manila. Nagkaron ng complications kaya hindi agad ako nakauwi."

Nagpalitan pa kami ng kwento ni Ella. Pasimple ko namang hinahanap si Kuya Liam. Ngunit wala pa siya sa room.

"Well bhest, i have a chikka about your kuya Liam." Ang sabi niya noong wala na kaming mapag-usapan. Kinabahan naman ako.

"What is it?" I asked. I really miss him. Much.

"Well...this might surprise you. Well, alam mo naman na iisa lang kami ng barangay ni Leah..." Mas lalo ako kinabahan noong mabanggit niya si Leah. Anong koneksyon noon kay Kuya Liam?

"...nagtrabaho ako sa tindahan ng tita ko, which is sa gilid lang ng kalsada. I keep seeing kuya liam na bumaba sa jeep at may pinupuntahan. Siyempre naintriga naman ako, kaya one day, sinundan ko siya. Would you believe he was going at Leah's house? And, pumasok siya doon umaga, he left, gabi na. Ang alam ko nagtatrabaho ang nanay ni Leah sa bayan. So she's left with their yaya. I think pinapasok dun si Liam ng walang permiso sa nanay...i didn't expect that kay Leah ah. Kahit lukaret siya ng klase, i thought she was a conservative and never-the-easy type. Pero, i really doubt that na. Sayo ko lang sinabi 'to ah...And you know what's the rumor about them dito sa campus?"

The scars of my broken heart started bleeding uncontrollably. The pain was killing me softly.

"What?" I managed to ask. Just then, pumasok si Kuya Liam sa pinto habang naka-akbay kay Leah.

"It was a rumor that Leah and Liam are..." Tumigil siya dahil napatingin saamin si Kuya Liam. I looked at him, traced his faced, searched his eyes. I didn't stop my tears from flowing.

"...sila na Andrey...at marahil ay hindi na rumor...dahil officially sila na..." Ella managed to say.

I died a thousand times.

36 comments:

  1. Oh, andrey d tma ung gnwa nyo ni matthew but yung gngwa ni liam, tingin ko kung mahal ko ung tao di ko un kayang gawin... I think most of the readers died with you on this part... Super sad...

    ReplyDelete
  2. The Last part just broke my heart. I'm starting to hate liam. Can't wait for the next chapter.

    ReplyDelete
  3. Shetttt bitin 4days nanaman intayin ko

    Alex19

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat tol

      Alex19

      Delete
    2. Salamat ng marami tol hoooo sawakas na tapos ko rin ng walang bitin salamat salamat salamat ng marami

      Alex19

      Delete
  4. Kainis ka! Ang sakit. Affected ako!

    ReplyDelete
  5. Ang ganda kasi mhaba ngaypn.. Love q tlaga ito

    ReplyDelete
  6. Wooh! Lupet! T^T di ko kinaya friend! I never thought that liam would do such things .. Nonetheless, kaya mu yan Andrey, kinaya mo noon at surely kakayanin mu ulit this time.

    ReplyDelete
  7. Oh andrey, that's ok prove that your not that kind of person na inaapak apakan lg.. I love your personality palaban.. Dont make your self kawawa everytime na makita mo si liam, i know you hurt liam but hurting you continuously is not right you're a person not an animal.. Please fight back i know you can stand by your own..
    Next Chapter please :D

    -Nick-

    ReplyDelete
    Replies
    1. I totally agree.
      Kalimutan mo na liam..be with ur friends anyway high.school kpa lng nmn

      Delete
  8. Author u know what...im crying while im writing this comment...mixed emotions

    ReplyDelete
  9. inabot aq ng madaling araw s pagbabasa ng story na ito...sobrang ganda ng pagkakasalaysay...sana next chapter agad...

    ReplyDelete
  10. Concentrate on your studies andrey..make a poem, compose a song, tell them you are ok..tell them all there is no one like andrey..

    ReplyDelete
  11. Waaaaaaaaa na papasigaw ako sa flat ko sa subrang sakit ng dibdib ko nakaka bweset nadala lang ako masyado sa kwentong to ang sakit sakit ee huhuhuh OA na kong OA pero yon ang na ramdaman ko e

    Alex19

    ReplyDelete
  12. Sna mkagroup date or khit mkchill kita then retell mo itong story mo personally Andrey. So far, s mga nbsa kong books or blogs, napanuod n movie or series (theme of the movie varies), 4 times p lng akong ncarried away. Kpg ngkita tyo I'm gonna cover my hands on my face kakaiyak :) if this is real or not, I'm still willing to read it up to the last part

    -kien

    ReplyDelete
  13. AUTHOR!!!! ANO BA ITO??? noon nagcomment ako na ipapakulam kita pag may hindi magandang mangyari sa iyong mga characters.. parang gusto ko nang ituloy kasi KAMI na ang pinapatay mo!!! SAD!!! SUMASAKIT DIBDIB KO!!!

    nice one!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I know the feeling. Muntik na akong maheart-attack kanina . Ang lakas ng impact eh.

      -M

      Delete
  14. Although I know na parang bible tong love story niyo ni Liam... (Full of facts and fictions)

    All I can say is... Andrey naman, you have given everything na eh, mag-tira ka naman sa sarili mo. Yes, what you did sa Manila was very brave and progressive but still. You each broke promises, wag namang ganyan. You might have broken his trust but, sobra na to. It's like your killing yourself. (I know the feeling kasi naging ganyan ako nung high-school ako, Ughh... it reminds me of the back-stabing brats. Yeah, di tama magmura sorry.) If your gonna make asa nanaman sa wala, you'll shatter. Which ends up na para ka nalang isang vessel, walang kaluluwa, parausan ng iba.

    You broke your promise to him tas ginaganyan mo na ang sarili mo, you gave him too much of your love, parang wala ka ng itinira, maski pride wala. So I propose... harden yourself up. Maari akong magmukhang masama but it would be good, temporary but necessary. All you need is true friends, open up to them (pansin ko lagi ka lang nakaka-open up sa mga taong di ganun ka-close dati sayo), and try letting go. Sasabihin nga ng iba is, "How can I?" or "If only pwedeng turuan ang puso...". If you can't let him go okay lang, but show him that he's wrong of what he thought about you. Don't let yourself be pulled down by love, it isn't making you anymore, rather, its breaking you na. And a broken heart changes a person. You won't know kung anong traits ang mapapalitan sayo, but, pain can kill the "you" inside. And also, di masamang makipag heart-to-heart talk, kahit one day lang, kay Liam. Mahirap kasing ayusin ang isang relationship if di mo naman alam kung ano pa ang aayusin mo, and sa actions ni Liam, Your relationship is not anymore like a rope na pag naputol pwede mo pang ipag buhol para makahawak ulit.

    Oh, and show them that mali sila ng kinalaban. He just needs to feel the loss kasi di naman siya yung nawalan, you spoil him kasi eh. You already lost once, and now, possibly twice. Then sasabihin niya na you need to know the feeling of nawalan? I think anger has made him immature. If he truly loves you, he will not do this. Depression and pain can cause at least one of the sickness from the list of incurable diseases. (Like someone I know, natrigger, then, as suddenly as natrigger yung heart disease niya, nagka-heart attack siya.) Possible na matrigger ang isa sa mga sakit na naka-hide lang sa system mo. Anyway, ewan...

    Naglabas lang po ng hinanakit. hehehe. I read Chap.1 ulit kasi, so Andrey, I don't know if the Liam here is real but, if he is. Don't beat yourself up... God will guide you... He's not the only one who can make you fall in love after all. (Sa mga catholics or what diyan wag maoffend ha, but I don't believe in the bible. I believe in God yes but I do not believe in the bible mismo. [Science discoveries contradicts too much of the bible history, so may possibility na ang bible ay isa lamang parang fiction story na may nakamixed-up na traditions and customs ng Roman history. So that is my opinion. I still believe in God anyway.])

    I already know the feeling of loving and trusting someone with all your heart tas sasaksakin lang nila yon. So, mag-pakatatag ka. If all in this story is real, then you're close to finding true love. Entering love-life is like going into a cave of pins and needles, so pag natusok ka, tusukin mo rin :P. Sana sa next chapter hindi ka na madapa ha? Masakit yun eh. Then katagalan (if tuloy tuloy pa), you'll realize suddenly na, ayaw mo na, give up ka na, gusto mo ng magpahinga, and I hope it will never come to that point...

    Kudos to you...

    -M

    PS. He may have felt betrayed, but he never lost you. You just need to show him that.

    ReplyDelete
  15. hndi q mapiglan ma e share tong story m i really love it. kaasar lang bkit kailangan pang ag antay ng nxt chapter.

    ReplyDelete
  16. I just got speechless. Thank you Andrey for sharing your story although I just want to comment on what you did here in Manila. If you want to prove something, just make sure you do it for your own good and not just to prove Liam that you are willing to do it just because you love him. At the end of the day, it's about finding your true self. Looking forward to the next chapters of this great great great story!

    -Joseph (author of Buenas Taxi)

    ReplyDelete
  17. Grabe ka liam hangang sa ending sinaktan mo parin si andrey. Mr author sana my book 2 na ang kwentong ito kung ano nangayri sa college lyf mo. Kasi tapos ko na basahin ang kwento mo hindi nga lang happy ending. :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nabasa ko na rin story nito..di cya happy ending pero masarap balikan at basahin ulit...sana may book 2 ito at kung ano na ang nangyari sa college...

      Delete
  18. Nasimulan ko to eh, pero iba nararamdaman ko. Di ko alam kung ano totoo o clever lang si andrey. Ang masasabi ko lang magaling talagang magkwento at magsulat.

    ReplyDelete
  19. akala ko simpleng storya Lang to ng pag ibig at ika nga NLA pang pbb teens.. put******na... kala kopa rin pang apat lang to sa mga napakagandang kwento na nabasa ko. Mali pala ako.. aabangan ko tlaga to hanggang katapusan.. sabi nla sad ending dahil na ipublished narin ito sa ibng site, pero sobrang naapektohan ako ng storya. bakit kasi dh mo nalang ibaling Kay Matthew ang pagmamahal mo. kayo naman talaga ang ngmamahalan dh lang umayon ang sitwasyon. p***ng liam nayan. Sana pagkatapos nito may book 2 na. pls author pgbigyan mo kami.. Sana maraming mg reply. book 2 author...plsss

    ReplyDelete
  20. Part 13, ang ganda at nakakaiyak ang ending... happy naman... make you think, "sana dalawa ang puso natin"... sabi nga ni Andrey " at kapag nasa rurok na tayo ng tagumpay, let us not forget the people who made significant break shots in our lives.".... lesson, hindi lahat libog.... 2012 story pa pala ito but it is a very good one, Congrats to Andrey O. just hope may kasunod pa.

    ReplyDelete
  21. Sorry, hindi pala part 13 ang ending... nakoryente!... but at least mukhang true story naman.... ganyan nga ata siguro buhay ng 95% ng mga katulad ni Andrey.... always the 2 best... hope may update... kay Matthew ka na lang kasi.

    ReplyDelete
  22. Kaka sad a man;-(

    ReplyDelete
  23. Your kuya liam was soooooo nakakainis!! . Nice story though. :) one of the best . I swear :P keep writing dear author !

    ReplyDelete
  24. Best ang story mo. Keep writing! inaabangan ko talaga, paano iikot yung story mo kay Liam, Matthew and your new found friend,.. You are putting us in a roller coaster ride, kaya kaming mga reader mo, kailangang kumapit sa story until the end!!! :-)

    - demigod

    ReplyDelete
  25. Waaaah nasan na ung part 12???
    T^T

    ReplyDelete
  26. I skipped my classes today for this Andrey! Hahhaa

    ReplyDelete

Read More Like This