By: James Silver
Chapter 3: James’s POV
Nasanay na ako na hindi kasama si Raffy. Hindi na kasi sya nakabalik simula nung umalis sila halos magda-dalawang taon na din. Nalungkot talaga ako ng sobra kasi hindi nya na naisip dalawin ako. Baka nakalimutan nya na ako. Naging napakahirap ng lahat para sa akin. Nahirapan akong dumiskarte noon sa pangangalakal mag-isa. Hindi na rin kasi ako naghanap ng makakasama, gusto ko ako na lang para akin lang kung ano man ang kikitain ko. May mga pagkakataon pa nga na napapasalita ako mag-isa kasi nakakalimutan ko na wala nga pala si Raffy. Pagkatapos ay nalulungkot ako. Naaalala ko rin sya kapag maliit ang kinikita ko dahil sa hina ko dumiskarte, parang naririnig ko sya na sinasabi sakin na “Tsk! Aanga-anga ka na naman kasi eh”. Dahil sa madalas na wala akong kitain sa pangangalakal ay inihinto ko na rin ito. Naisip ko kasi na hindi na pwede ang ganun dahil tumatanda na rin ang mga magulang ko at baka isang araw ay hindi na rin makapaglaba si nanay. Pag nangyari yun ay siguradong pare pareho kaming mamamatay na dilat ang mata. Dahil nagawa ko na rin naman ng ilang beses ay naisip ko na ngang gawing paupahan ang katawan ko sa mga nangangailangan nito. Mga taong nangangailangan ng paglalabasan ng init bakla, matrona, kahit lalake basta nangangailangan. Nagpatulong ako kay Rhoda para maghanap ng mga magiging kliyente, Hindi naman ako nabigo dahil nun ko lang nalaman na sandamakmak pala ang kaibigan nya. Kaya araw-araw ay mayroon akong kinikita. 500, 700, 1,000 at umaabot pa nga ng 3,000 pag sobrang nasiyahan sila.Naging bihasa na rin ako sa larangan ng pagpapaligaya kaya Inirereto na rin ako ng mga nagiging kliyente ko sa mga kaibigan nila. Minsan pa nga naiiyak na lang ako pag-naiisip ko na kailangan ko pa magkaganito para lang mapakain ng matino ang pamilya ko. Pero walang mangyayari kung magiging mahina ako. Nakakapag-ipon na rin ako dahil balak kong lumipat na kami ng bahay ,doon sa mas matino at mas kumportableng bahay. At tsaka magpapaenroll ako sa high scool kaya kailangan maiayos ko na lahat. Bago pa dumating ang pasukan. Nabibilhan ko na rin ng mga bagong damit ang mga kapatid at mga magulang ko.
Ako rin maayos na ako manamit. Marami na ngang nagbago at alam kong marami pang magbabago. Hindi ako titigil hanggang sa mailagay ko sa maayos ang aking mahal na pamilya. Hindi ako susuko, kahit ano pang ibato sakin ng buhay ay magiging matatag ako, hindi ako kayang pabagsakin ng panahon.
Nalalapit na ang aking kaarawan pero hindi ko pa alam kung kailangan ko pa ba maghanda, nag-iipon ako kailangan ko magtipid kaya baka hindi na rin. Hindi naman nabuhay sa luho ang pamilya ko kaya siguradong hindi na sila maghahanap ng handa. Ang mahalaga ay magkakasama kami sa kaarawan ko. Dumating ang December 29 ang araw ng kaarawan ko. Ordinaryong araw kagaya ng inaasahan ko ang kaibahan lang ay binati ako ng pamilya ko ng happy birthday. Wala akong balak gawin ngayung araw, maghihintay lang ako kung merong kliyente. Nagtetext lang ako sa mga naging kaibigan ko gamit ang nabili kong cellphone nung isang buwan. Pero walang nagrereply sa akin kaya itnigil ko na din. Mag-aalas singko na wala pa ring nagtetext sakin pero ok lang dahil wala naman talaga akong gana sa kahit ano ngayun. Tinatamad ako. Maya-maya ay may nagtext si Glenn Naging kliyente ko sya nung isang lingo.
Text Messages:
Glenn: hi James msta kna? Nga pala Happy B-day.
James: eto ayos lang kaw? paano mo naman po nalaman na birthday ko? ( alam kong may nasabihan akong kliyente tungkol sa birthday ko pero hindi ko matandaan kung sino)
Glenn: nu kba kaw may sabi sakin last wik, tinanong p nga kta kung pwede pumunta sa inyo sabi mo naman oo.
James: Ah oo nga naalala ko na, pano pupunta kba?
Glenn: Oo sna. Gs2 kc kta makita eh, miss na kc kta
James: Cge pnta kna, pro pangit bhay namin ah, txt ka pag malapit ka na sa T.sora pra sunduin kta sa kanto.
Glenn: Ok lang yun ikaw nman pu2ntahan ko eh hindi yung bhay nyo. Ok magtetext ako pag malapit na
James: Cge, kaw po bhala. Ingat.labyu po.
Glenn: Wow sarap nman nun kh8 alam kong hindi lang ako sinasabihan mo nyan. Labyu 2
Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Glenn ay medyo umidlip ako. Hindi ko na namalayan ang oras. Tiningnan ko ang c.p ko pero wala pa ring text galing kay Glenn. Tumawag si nanay at kakain na daw kami ng hapunan. Maya-maya pa ay nagtext na si Glenn. Sunduin ko na raw sya sa kanto. Nagpaalam ako na may pupunta sa bahay at susunduin ko lang. Sa kanto.
Raffy’s POV
Sobrang tagal kong hindi nakita si James dahil kelan lang ako nagkaroon ng oras. Nagpunta kasi kami sa Hong Kong para mamasyal. Nung pagbalik naman namin ay agad akong ikinuha ng private tutor ng tatay ko, kinausap nya ang kaibigan nya na nagmamay-ari ng isang school para tulungan akong kumuha ng PEPT . Nakapasok agad ako ng college at second year na ako ngayun. Kailangan daw na makatapos na agad ako ng college, para makapagtrabaho na at matulungan ko na sya sa kumpanya namin. Iba talaga ang nagagawa ng may pera at kapangyarihan. Itinaon ko talaga na sa birthday ni James ako pupunta para sorpresahin sya. Mage-eighteen na sya kagaya ko 18 na rin ako. Pareho kami ng araw ng birthday magkaiba lang ng buwan October ako sya naman ay December. Sabik na sabik na akong makita ang espren ko. Hindi ko sya nakalimutan kahit isang Segundo lang kahit nga sa pag-tulog e napapanaginipan ko sya. Hindi na ako makapaghintay, yayakapin ko talaga sya ng mahigpit. Malapit na akong makarating sa Tandang Sora, medyo natagalan nga ang byahe ko dahil sa sobrang traffic, eto pang driver na hinire ng daddy ko mahinang dumiskarte sa kalsada. Dapat ako na lang kasi, ayaw kasi ako payagan ni dad na magdrive dahil hindi ko pa daw kabisado. Nakakainis pero nawala na rin dahil malapit na ako. Malapit ko ng makita si James. Nasa M.Aquino na ako, pangalan ng daan papunta sa dati naming tinitirhan. Nagpababa ako sa driver sa kanto, dahil ayokong may makagulo sa pagkikita namin ni James. Pinaghintay ko lamang ang driver ko sa may harap ng shrine ni Tandang Sora. Naglakad na ako papasok sa kanto nang makita ko agad si James na may kasamang lalaki. Napahanga ako sa lalaki dahil napakagaling manamit nito, matangkad, maputi, at maganda ang tindig. Pero mas lalo akong humanga kay James, dahil napakaganda ng porma nya. Hindi mo aakalaing nangangalakal sya. Litaw na litaw ang maamo at napakagwapo nyang mukha, bumagay din ang damit nya sa moreno nyang kulay. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko nang makita ko sya sa ganoong ayos. Hindi ko maialis ang mata ko sa kanya, gusto ko lang syang tingnan. Nakakahumaling ang mga ngiti nya, para akong natutunaw. Ngayun ko lamang ito naramdaman sa kanya, marahil ay sobrang na-miss ko lamang sya. Papalapit na ako sa kanila at masaya ko syang tinawag nang bigla syang halikan ng lalaking kasama nya. Nagtaka ako, para kasing nakaramdam ako ng inis sa kanila. Pero ayaw kong sirain ang araw nya kaya nagpatuloy pa rin ako sa paglapit sa kanila. Nung tawagin ko sya ay lumingon sya, pero walang reaksyon. Hindi ko alam kung galit o masaya syang makita ako. Nang magkaharap na kami ay.
James: O kumusta. Buti napadalaw ka dito. Ah sya nga pala si Glenn boyfriend ko.
Glenn: (Nagtaka kung bakit sya ipinakilalang boyfriend pero di na sya nakapagreact dahil kinilig ito,at bumati na lang) Hi!
Raffy: (bumagal ang pagproseso ng utak ko dahil sa nalaman, kinailangan pa ng ilang sandal para bumati rin.) Ah! Eh! Hello. Happy birthday nga pala James.
James: Salamat, tara na at pumunta na tayo sa bahay. Let’s go bheb.
Glenn: (nagtataka pa rin) hehe, let’s go bheb? Hehehe
Napangiti lamang ako sa dalawa at sumunod na rin. Naiilang ako sa kanila, naiinggit na hindi ko maintindihan. Napakabagal umintindi ng utak ko sa nararamdaman ko. Kaya hindi ko masabi, para kasing “SELOS? Selos ba itong nararamdaman ko? ”sabi ko sa isip ko. Para akong tanga na kinakausap ang sarili. Ramdam ko na may ibang ikinikilos si James pero hindi ko mawari kung ano. Parang hindi na sya katulad ng dating mahiyain. Ngayun ay garapalan nya pang ibinabalandra ang lalakeng ka-holding hands nya habang naglalakad. Marami ang mga bumabati sakin at nangungumusta na para bang masaya silang makita ako. Ngunit ang dalawang taong nasa harap ko ay hindi man lamang ako tinapunan ng kahit konting pansin, gayung alam naman nila na nakasunod ako sa kanila. Hindi ko alam kung nagsisisi ako o maiiyak sa pagpunta ko dito. Para kasing nasasaktan ako sa inaasal ni James, akala ko pa naman ay matutuwa sya pag nakita ako. Nagmumukha na naman akong tanga. Bakit nya ginagawa to nagtatampo ba sya sa matagal kong hindi pagdalaw? Galit ba sya dahil hindi ako tumupad kaagad sa pangako ko sa kanya? “James” nasabi ko sa isip ko. Hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay nila. Unang pumasok ang dalawa, nahuli ako dahil iniisip ko pa rin kung ano ang nangyayari.
James: Nandito na po kami nay. Eto po pala si Glenn boyfriend ko po.( ngumiti lamang si Glenn at kumaway)
Pumasok na ako. Talagang hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Sinabi nya kila nanay Martha at tatay Rene na boyfriend nya ang lalaking ito. Parang ako ang kinabahan para sa buong tapang nyang pagsisiwalat sa mga magulang. Ngunit mali ang iniisip kong mangyayari, hindi nagalit si nanay at tatay sa sinabi nya. Para bang normal sa kanila na may boyfriend ang anak na lalaki. Anlaki talaga ng pagbabago ni James, parang hindi ko na sya kilala. Parang hindi kami nagsama ng matagal na panahon kasi parang wala akong nalalaman na kahit ano sa kanya ngayun. Hindi ko na kaya itong nararamdaman ko, nalulungkot ako na may kasamang pagsisisi.
James: Nga pala may bisita kayo, baka namimiss nyo?
Nanay: Aba oo nga, Raffy anak halika at umupo ka. Lezel, Irene nandito si kuya Raffy nyo halikayo at batiin nyo. Pati na rin ang boyfriend ni kuya.
Nagmamadali lumabas ng maliit na kwarto ang magkapatid at sabay na bumati sakin. Mabuti na lamang at welcome pa rin ako sa pamilya ni James. Kahit papaano ay nabawasan ang lungkot ko. Ganun pa rin ang dalawang magkasintahan, masaya pa ring nagkukwentuhan at hindi ako pinapansin.
James: Nay, tay pasok po muna kami sa loob ng kwarto ah. Medyo hindi kasi maganda ang pakiramdam ko eh. Tara bheb.
Tatay: O sige, bakit hindi muna kayo kumain at baka nagugutom na yang kasama mo? Pati itong si Raffy baka nagugutom na din.
James: Oo nga pala, nagugutom ka ba bheb?
Glenn: Ah hindi naman, kumain ako sa bahay bago umalis.
James: Hindi naman daw po nagugutom si Glenn tay, pasok na po kami kayo na po muna ang bahala dyan sa bisita nyo.
Galit nga si James sa sinabi nyang iyon ko lamang napatunayan. Wala akong ibang magagawa kundi intindihin sya, kung tutuusin ay kasalanan ko nga dahil natagalan ako sa pagbalik. Pero sana ay pumasok sa isip nya ang kahit konting pang-unawa sa naging lagay ko. Pagkapasok nila ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigil. Gusto kong magsalita at humingi ng tawad pero hindi ko alam kung papaano ko sasabihin. Lumapit na lamang si nanay Martha sa akin at umupo sa tabi ko. Tinapik-tapik nya ang balikat ko, pinipilit nya akong pakalmahin. Pero parang hindi ito sapat para gumaan ang kalooban ko.
Nanay: Pasensya ka na anak kay James ah, sana unawain mo na lang sya. Matagal ka rin kasi nyang hinintay na dumalaw dito e. Lagi nga syang nariyan sa may pintuan, baka daw kasi bigla kang dumating. Gusto ka raw kasi nya salubungin kaagad. Tumatambay din sya doon sa kanto kasi gusto nya sya ang unang makakita sayo pag dumalaw ka. Naging malungkutin din sya kasi akala nya nakalimutan mo na sya. Pero mabuti at pumunta ka ngayun, napatunayan mo sa kanya na hindi ka nakalimot. Lalo na sa mahalagang araw na ito.
Patuloy lang akong umiyak at walang nasabi, humihikbi ako pero pinipigil ko para hindi marinig ni James. Nararamadaman ko na naaawa sakin ang mga magulang at kapatid nya. Pero wala silang magawa dahil nakita rin nila ang paghihirap ni James nung mawala ako. Sising-sisi ako dahil napakatagal ko bumalik para dalawin sya. Inisip ko na hintayin si James, kahit matagalan pa. Magpapaalam na lang ako na dito na matutulog. Itinext ko na rin ang driver ko na umuwi na. Nagpaalam na rin ako kay nanay Martha. Gumaan nga ang loob ko nung sabihin nyang “nagpaalam ka pa e, anak na rin naman kita, at hindi ko pinapatulog ang anak ko kung saan-saan”. Nagpasalamat ako kay nanay. Lahat ng usapang iyon ay pawang pabulong lamang dahil iniiwasan kong marinig iyon ni James, alam ko naman na iniiwasan nya ako. Siguro naman hindi dito matutulog ang boyfriend nya, dahil sa tantya ko may kaya ang lalaking yun at hindi sanay matulog sa ganito kasikip na bahay. Halos dalawang oras din bago lumabas ang magkasintahan. Alam ko dahil panay ang tingin ko sa aking relo. Nagpaalam na ihahatid daw nya ang boyfriend nya.
James: Nay pauwi na si Glenn ihahatid ko lang po.
Nanay: O sige, o Glenn iho mag-iingat ka ah.
Glenn: Opo nay, tatay uwi na po ako maraming salamat po sa inyo.
Tatay: Sige mag-ingat ka at maraming gago dito sa amin.
Tinanguhan ako ni Glenn, at tinanguhan ko rin sya. Mabait rin naman pala si Glenn, napakaswerte nya kay James.
James: Una na kami, o yung bisita nyo hindi pa ba uuwi yan? Baka ma-hold-up yan dito.
Walang sumagot at tuloy-tuloy lang sa paglabas ang magkasintahan. Matagal tagal din bago bumalik si James, inabot din ng mahigit isang oras. “Siguro nag-I-labyuhan pa ng isang daang beses, malamang e ang-sweet nila eh”. Sabi ko sa isip ko. Nang makarating na si James dire-diretso itong umupo sa tabi ni tatay Rene. May dala ito na kalahating case ng RH, wala na sakin kung saan man nya nakukuha ang mga bagay na meron sya ngayun. Ang alam ko lang, malamang ay uminom na ito bago umuwi dahil mabigat na ang pag-bagsak ng paa nya at medyo sumusuray na pagpasok nya ng pinto. Nananatili pa rin ako sa dati kong pwesto, nakaupo pa rin ako sa bangko na nasa tabi ng pinto. Ipinagbukas ni James si tatay ng isang RH..
James: O tay, uminom tayo.
Tatay: O sige, tutal birthday mo naman e dapat talagang may selebrasyon. Bukod pa dun nandito rin ang pinaka-matalik mong kaibigan. Pero anak lasing ka na yata.
James: Hindi pa ako lasing tay. Matalik na kaibigan? Sino yun wala akong matalik na kaibigan. Yung kaibigan ko matagal nang patay inilibing ko na matagal na at walang patay na nabubuhay.
Sa totoo lang parang nao-OA-yan ako sa mga inaasal nya. Alam kong matagal akong hindi nakabalik para sa kanya. Pero bakit ganyan sya umasta, sukdulan na ba ang kasalanang ginawa ko para magkaganyan sya? Halos magda-dalawang taon na din bago ko sya napuntahan kaya may karapatan syang magtampo. Pero hindi dapat ganito katindi ang galit nya. Para tuloy naalala ko ang ginawa ng tatay kong paghingi ng tawad sakin. Naiintindihan ko tuloy ang nararamdaman nya nun. Pero hindi pa rin ako katulad ng tatay ko, hindi ako ganung katagal nawala at tsaka hindi ko sya nakalimutan kahit ilang saglit lang. ang katunayan nandito ako sa harap nya at kanina pa nagpapakatanga, mapansin nya lang.
Nanay: Anak wag ka nga magsalita ng ganyan. Nasa harap mo lamang si Raffy.
James: Raffy sino yun? Ah! Yan bang bisita nyo. Oy pare kumusta ka inom tayo.
Raffy: James sorry.
James: Sorry? Sorry saan? Wala kang kasalanan sakin, sino ka ba? Kilala mo ba ako? Inom tayo pare wag ka nang umarte dyan.
Raffy: Pakinggan mo muna ako please! Magpapaliwanag ako kung bakit ngayun lang ako nakabalik.
James: Grabe! Para kang babae sa kaartehan mo ah. Itigil mo nga yan. Wala kang kasalanan sakin. Kaya wala kang dapat ihingi ng tawad at wala kang dapat ipaliwanag.
Tinawag ni tatay si nanay Martha para magpatulong pumasok sa kwarto. At dahil hindi naman sya kayang buhatin ni nanay mag-isa ay tumulong na din si James tsaka sya muling bumalik sa dating upuan.
Raffy: Sana mapatawad mo ako, James please!
James: Eh! Gago ka pala eh, angkulit mo. Umalis ka na nga dito birthday ko ngayun sinisira mo. TANGINA MO!
Nanay: JAMES ITIGIL MO YANG PAGMUMURA MO HINDI KITA TINURUAN NG GANYAN. Magusap kayo ng maayos hindi yang ganyan.
James: Sorry nay hindi na po mauulit. Eto kasing bisita nyo eh angkulit.
Hindi na muling nagsalita si nanay Martha, dahil naiintindihan naman nila ang damdamin ng anak. Galit lamang ito, pero alam naman nyang hindi ito pala mura. Ang gusto lamang nyang iparating sa anak ay kahit hindi sila nakikisali sa usapan ay naririnig pa rin nila lahat ng lumalabas sa bibig namin.
Raffy: Hindi ako nakabalik kaagad dahil pinag-aral kaagad nila ako. Dahil kailangan na nila ako sa kompanya. Sorry James hindi ko talaga sinasadya na matagalan ang pagkikita natin ulit. Kahit minsan hindi kita nakalimutan.
James: Sabing wala ka dapat ipaliwanag sakin dahil hindi na tayo magkakilala. Binura na kita sa buhay ko kaya dapat ganun ka din.
Raffy: Hindi pwede, ayoko, hindi ko yun magagawa James please naman patawarin mo na ako. Mahal na mahal kita James kaya hindi ko kayang kalimutan ka na lang basta.
Hindi ko alam kung sang parte ng puso ko hinugot ang salitang pagmamahal na yun. Pero nung nasabi ko yun ay parang hindi bilang kaibigan kundi pahayag ng isang taong nagmamahal talaga. Naguluhan din ako sa ibig kong sabihin dun pero di ko na binawi at bigla na lamang akong napaluhod sa harap nya.
Raffy: Sorry! Sorry! Sorry!
James: Ah alam ko na kung anong gusto mo sakin.
Habang nakaluhod ako ay bigla syang tumayo sa harapan ko. Hinubad nya ang suot nyang damit at kinalas ang sinturon ng kanyang pantalon. Dahandahan ay kinalas nya ang butones nito at ibinaba ang zipper.
James: Ito ang gusto mo diba? (hinihimas ang umbok sa harapan)
James: Masarap to. Lalo na pag matigas, malaki rin ito kaya siguradong maliligayahan ka. Naglalaway ka na ba? Gusto mo na bang tikman ang tamod ko, ngumanga kana at isubo mo na tong burat ko. Maraming bakla ang nahuhumaling dito kagaya mo. Mahal din ang bayad dito, pero para sayo libre na lang. Basta pagkatapos mong namnamin ang masagana kong tamod ay umalis kana at wag ka na magpakita.
Halos sumabog ang ulo ko sa mga narinig ko mula sa kanya. Para akong nabibingi! Sobra sobrang sakit ang dumudurog sa puso ko at parang nahihirapan akong huminga sa mga sinabi nya. Ang mata ko naman ay parang bukal na karugtong ng dagat dahil hindi ako nauubusan ng luha. Halatang umiiwas na madinig nila nanay ang mga lumalabas sa bibig nya. Kaya pabulong nyang sinabi ang lahat nang yun sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili ko, gusto ko ang nakikita ko. Pero hindi ako tinamaan kahit konting libog dahil alam kong nagagawa nya yun dahil sa galit. Napatayo ako bigla at tinignan ko sya.
Raffy: James bakit mo ginagawa to sakin? (nangangatal ang mga labi ko sa sobrang sakit)
James: Ang arte, ano gusto mo ba o hindi isasara ko na to?
Nang akmang isasara nya na ay napangiti sya, ngiti ng isang mortal na kaaway, ngiti ng isang demonyo ang nakikita ko. Pero sa mga ngiting yun na kinatatakutan ko ay nararamdaman ko ang malalim na kalungkutan. Marami akong nararamdaman ukol sa kanya awa, galit, takot, pagkasabik at isang pakiramdam na hindi pa maiproseso ng utak ko. Napaatras ako, may hinahagilap ako sa aking likuran, ang lugar kung nasaan ang pintuan. Nang maramdaman ko na ang pintuan ay tsaka ako tumakbo palayo. Hindi ako lumingon basta tumakbo lang ako ng tumakbo. Para akong hinahabol ng halimaw. Patuloy sa pag-agos ang luha ko, para akong mababaliw sa halo-halong nararamdaman ko. Umabot na ako sa kanto ngunit nagtataka ako kung bakit nandirito pa rin ang driver ko.
Raffy: Bakit nandito ka pa, diba pinauwi na kita? (Habang umiiyak pa din)
Driver: Hindi po ako pinayagan ni sir na iwan kayo dito. Hintayin ko raw po kayo kahit umaga na daw po kayo umuwi.
Raffy: Tara umuwi na tayo.
Pagkauwi ko ay tumakbo ako papasok ng bahay. Naroon man ang daddy at mommy ko ay hindi ko pinansin. Tuloy tuloy ako hanggang sa kwarto ko at doon humagul-gol. Pinuntahan agad ako ng mga magulang ko, pero hindi sila makapasok dahil ini-lock ko ang pinto. Kumakatok sila pero hindi ko pinagbubuksan. Ganoon lamang ako buong magdamag. Hanggang sa wakas ay napagod din ako ng kaiiyak. Kinabukasan sa hapagkainan ay tinanong ako ni mommy kung ano nangyari sakin? Ang sabi ko lamang ay namatay ang mama ni Christian, ang kaklase ko na madalas ko kasama sa gimikan. Hindi ako nag-alinlangan na yun ang isagot dahil namatay naman talaga ang mama ni Christian ang mali lang sa sinabi ko eh, last year pa nangyari yun at malamang naka-move-on na lahat ng taong may kaugnayan sa namatay. Kilala lang nila si Christian sa pangalan pero kahit minsan ay hindi pa ito nakakarating sa bahay namin. Kaya malamang ay hindi na nila ako kulitin tungkol dun. Nasa isip ko pa rin ang mga nangyari kagabi. Pinipilit ko lamang kumain para hindi masyadong halata na matindi ang kalungkutan ko. Baka kasi sabihin nila na OA na kalungkutan yun para sa nanay ng kaibigan na di ko pa nakikita personaly. Dahil sa gimikan lang talaga kami magkaibigan at walang pakialamanan sa personal na buhay. Pero sa kaloob looban ng puso ko, para rin akong nagluluksa.
James’s POV
Nagpakalasing ako kagabi, hindi naman ako nagwawala at nag-iingay kaya hindi na nila ako pinaki-alaman. Inubos ko lahat ng alak na binili ko, sa sobrang kalasingan ko nga e hindi ko na alam na sa sahig na pala ako nakatulog. Ginising na lamang ako ni nanay nung makita nya akong nakahandusay sa sahig. Halos hapon na nung mahulasan ako mula sa pagkalasing, pero masakit pa rin ang ulo ko. Biglang bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Alam kong sumobra ako sa ginawa ko kay Raffy. Hindi yun matanggap ng konsensya ko kaya nagpakalasing ako ng husto para mamanhid ang katawan at ang isip ko. Ayaw kong maalala yun kahit ilang oras lang. nananabik rin akong makita sya, sa totoo lang napakasaya ko nung nakita ko sya. Nung nakita ko yung mukha nya parang huminto ang paligid ko. Pero naramdaman ko kaagad ang napakalaking agwat namin. Hindi na kami bagay na maging magkaibigan. Nahihiya na ako sa malaking distansya ng antas ng mga buhay namin. Mayaman na sila samantalang ako kailangan ko pang ipababoy ang katawan ko para lang kumita. Kung titignan mabuti isang kahig isang tuka pa rin kami. Mas mabuti nang ganito kami, dahil hindi na rin siguro maganda para sa akin. Ako bilang kaibigan ay naiinggit na sa katayuan nya ngayun. Ilalayo ko muna ang sarili ko sa kanya pansamantala, hanggang sa marating ko kahit kalahati man lang ng katayuan nila sa buhay. Alam kong imposible pero susubukan ko, kahit gaano pa kahirap.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas mula nung mangyari sa amin ni Raffy ang isang hindi magandang ala-ala. Hanggang ngayun ay nakokonsensya pa rin ako sa ginawa ko. Pero pinipilit ko na kalimutan dahil lalo lang bibigat ang loob ko kapag inisip ko pa. Nangyari na ang mga nangyari. Wala na akong magagawa pa, para mabago yun. Sa sobrang sakit ng nagawa ko sa kanya baka hindi nya na rin ako patawarin kung hihingi man ako ng tawad. Sana nga ay hindi na muna kami magkita dahil hindi ko naman alam ang dapat ko sabihin sa kanya. Baka maulit lang ang nangyari samin nung nakaraan. Papunta ako ngayun sa bahay nila Christian, isa rin sa mga kliyente ko. Isa sya sa mga paborito kong kliyente. Bukod kasi sa maganda sya magbayad, napakabait pa at malambing. Halos magkasing edad lang din kami kaya alam nya kung ano ang mga gusto ko. Nung una nga e nahihiya ako sa kanya dahil sa batang edad nya napakarami nya nang pera. Mayaman din kasi sila, “tsk hay buhay puro pera ang kailangan” sambit ko na lamang sa aking sarili. Malapit na ako sa village nila, nang makita ko ang kulay itim na sasakyan. Sigurado akong kay Christian yun dahil ilang beses ko na ding nakita yung sasakyan na yun. Usapan kasi namin na susunduin nya ako sa gate, na lagi nya namang ginagawa dahil hindi pwedeng basta na lamang pumasok ang hindi residente ng village na iyon. Nakatanggap ako ng text mula kay Christian na nagsasabi na pumunta na ako sa sasakyan. Pagpasok ko ng sasakyan ay agad akong sinalubong ng isang halik sa pisngi. Napangiti ako, lagi akong napapangiti pag ginagawa nya ito. Hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng tuwa.
Christian: Kumusta? Namiss kita talaga. Hindi ka manlang kasi nagtetext eh, nagtatampo na tuloy ako.
James: Sorry na, busy lang talaga ako hayaan mo sa susunod itetext na kita palagi.
Christian: Promise yan ah. Pag hindi mo ginawa yan magtatampo na talaga ako sayo.
James: Opo. (Sabay kiss ko sa kanya)
Nasanay na ako sa ganito, lahat ng kliyenteng nakakaharap ko ay itinuturing ko na lang na kasintahan ko para hindi naman ganun kabigat sa loob ko ang pakikipag-sex sa kanila. Pero sa lahat iba talaga si Christian, sa kanya kasi nakakaramdam ako ng saya at kumportable talaga ako. Parang naaalala ko sa kanya si Raf. Isa pa pag nagkikita kami, kadalasan sa lambingan na lang nauuwi ang lahat, minsan nga ay hindi ko na tinatanggap ang bayad nya dahil wala rin namang nangyayaring sex samin. Pinipilit nya lang ako na tanggapin para daw hindi naman sayang ang pag-punta ko sa kanila. Palagi nya akong ipinapakilala sa mga kaibigan nya na mababait rin naman. Isa pa ay ipinakikilala nya ako bilang boyfriend nya, nakakahiya nga nung una pero nasasanay na rin ako. Dalawa lang silang magkasama sa bahay nila, sya at ang makulit nyang yaya na tuwang-tuwa sa aming dalawa. Nabanggit nya sa akin kahapon na may kaibigan syang ipapakilala sakin, kaya naman nagpagwapo talaga ako para hindi naman nakakahiya pag humarap ako sa kaibigan nya. Papasok na ng gate ng bahay nila ang sasakyan, katulad ng dati nakakaramdam pa rin ako ng kaba sa twing may ipapakilala sya. Ayaw kong bigyan ng ibang kahulugan ang ginagawa namin dahil nakatatak pa rin sa isip ko na bayaran lang ako, at isa pa ginagawa nya lang to para may maipag-mayabang sa mga kaibigan nya. Matagal ko na tinanggap na darating ang araw, magsasawa rin to sakin at iiwan ako. Bumaba kami ng sasakyan at dumiretso na sa loob, pagkapasok namin ay nagulat ako sa kaibigan nyang ipapakilala sakin. Si Raffy, lintek pag minamalas ka nga naman sa dinami-dami ng tao sa Pilipinas bakit sya pa. hindi ako nagpahalata kay Christian tuloy tuloy lang kami sa pag-pasok. Ngunit hindi gaya ng inaasahan ko, hindi tumayo si Raffy para suntukin ako. Umasta lang syang natural, nagkunwari syang hindi ako nakikilala. Lumapit kami ni Christian sa kanya at ipinakilala na nga ako bilang kanyang boyfriend. Nakipagkamay sakin si Raffy at umupo na kami. Maya-maya ay iniwan kami ni Christian para tulungan ang yaya nya na nagluluto ng aming kakainin. Ipinahanda iyon ni Christian para daw sa nagdaang birthday ko. Sweet talaga. Naiwan kaming dalawa ni Raffy na hindi nag-iimikan.
Christian: Baka gusto nyo mag-usap. Wala namang bayad, try nyo, masayang gawin yun kesa pareho kayong nakatunga-nga jan. (pasigaw nyang sambit mula sa kusina)
Raffy: Sige kami na bahala. Magluto ka na lang jan.
Christian: ok, Mabait yan si James ko muka lang suplado yan.
Raffy: aahehehe Oo, Sige tingnan natin kung mabait nga.
[Mabait huh! Eh may sayad kaya to. Tsk hindi mo kasi kilala tong tukmol na to noh (sambit ni Raffy sa kanyang isip)]
Raffy: Oh kumusta naman ang buhay-buhay pre? Ayos ba?
James: Ah eh. Oo Ayos naman. Hehe kaw. Kumusta?
Raffy: Baka may gusto kang sabihin sakin, sabihin mo na habang wala pa Si Christian dito. Alam kong hindi mo gusto yung nangyari satin kaya magpaliwanag kana kung bakit mo ginawa yun. Kung hindi sasapatusin kita jan. (mahinang pagkakasabi ni Raffy sakin)
James: Wala akong dapat sabihin. Ginawa ko yun para layuan mo na ako. Gusto ko layuan mo na ako. Naiintindihan mo. Wag mo na ako kausapin na para bang kagaya pa rin tayo ng dati.
Raffy: James ano ba talagang nagyari? Sabihin mo man o hindi, aalamin ko kung ano ba talagang nangyari sayo. Bat ka nagkaganyan, napagod kaba ng kahihintay sakin? Diba sabi ko sayo tutulungan kita. Bakit ngayun ganyan na ang Gawain mo. Wala ka bang tiwala sakin?
James: Ok na ako, sanay na akong wala ka. Tsaka wala kang obligasyon sa akin o sa pamilya ko. Kaya kong buhayin ang pamilya ko nang ako lang. hindi kita kailangan.
Raffy: James please wag ka naman ganyang kalamig sakin. Kahit minsan hindi ako nagbago, kung yan ang iniisip mo. Ako pa rin to espren. Pwede mo pa rin ako konyatan kahit ilang libong beses, basta bumalik lang tayo sa dati. Ano ba kasi ang problema mo talaga ?
James: Wala nga akong problema, tumahimik ka na jan at nanjan na ang kaibigan mo.
Bumalik na si Christian sa pwesto namin kasama ang yaya nya si aleng saling at doon lamang tumigil ng kakukulit sakin si Raffy. Dala nila ang mga pagkaing niluto, dun na lamang daw naming kainin para mas masaya. At sa pagkakaalala ko ay hindi nga kumakain si Christian sa hapagkainan dahil nalulungkot sya naaalala nya lang daw ang mommy nya na namatay nung isang taon. Ilang buwan na rin kaming magkakilala kaya may alam na din ako tungkol sa kanya kahit papano.
Christian: oh! Dito na tayo kumain ah, alam nyo naman pareho ang dahilan ko diba? Tsaka para mas masaya.
At inihanda nya na ang bakemac at nilagyan nya na ng kandila ang cake na sya raw mismo ang gumawa.
Christian: Ayan! Kanta muna tayo ng happy birthday. Kahit late na eh, birthday mo pa rin hehehe. tsaka bilisan natin kumain huh. kasi amboring ng ganito. Kundi lang dahil ditto kay James hindi ko gagawin to eh. Parang childrens party kasi ang dating pag nakakakita ako ng cake hehehe. Punta tayong bar mamaya treat ko.
James: ikaw kasi eh nag-abala ka pa eh hindi rin naman ako sanay ng naghahanda.
Christian: ok lang yun. Para mabawi din natin yung mga araw na wala kang handa. Kung gusto mo kahit araw-araw hahandaan kita eh.
James: Sira ka talaga. Wag na at tsaka naiilang ako pag may handa.
Kumanta na sila ng happy birthday, sa totoo lang ako ang nahihiya sa ginagawa nila. Eh hindi ko naman na kasi birthday at tsaka hindi talaga ako sanay ng ganito. Pero sa kabilang banda eh natutuwa na rin ako dahil hindi ko pa nararanasan tong ganito. At nandito kasi si Raffy kahit na hindi maganda ang pakikitungo ko sa kanya eh, hindi pa rin sya sumusuko para maibalik ang dati naming samahan. Kagaya pa rin sya ng dati hindi ako iniiwan. Ako, ako nga yata ang nagbago. Puro pera na kasi ang nasa utak ko, at pag-angat sa buhay. Sana hindi na lang pera ang batayan ng maayos na buhay. Kasi wala talaga akong laban.
Raffy: Oh James natahimik ka, hindi k aba natutuwa sa ginawa namin?
James: ah eh, ayos lang, natutuwa nga ako eh. Hehehe salamat sa inyo ah.
Christian: Sus wala yun. Tara na kain na tayo tapos alis na tayo maya-maya.
Kumain na kami, halos sabay-sabay kaming apat na natapos. Muntik na nga naming maubos eh, matindi pala kumain tong si manang at si Christian. Halatang yun lang ang ginagawa nila dito sa bahay nila. Nagpahinga kami ng halos isang oras din tapos umalis na kaming tatlo. Pumunta kami sa BARCODE 99 ang pangalan ng pinuntahan naming bar. Hindi ko na alam kung saan to, hindi na rin ako nag-usisa pa dahil hindi rin naman ako interesado sa mga ganito. Pagdating namin sa loob ay nakahanap kaagad kami ng mauupuan. Hindi katulad ng ibang bar na pinagdalhan sakin ng mga kliyente ko, ang bar na ito ay medyo tahimik. May maliit na stage kung saan may bandang nag-hahanda sa pagtug-tog nila. Umorder na ng maiinom si Christian. Si Christian lang halos ang nagsasalita sa aming tatlo, kaming dalawa ni Raffy ay nagsasalita lang pag meron syang tinatanong. Dumating na ang aming inumin at nagumpisa ng uminom.
Christian: Kayo bang dalawa may balak magsalita? Kasi wala akong balak na bumangka sa usapang wala naman sumasagot.
Raffy: Sorry wala kasing mapagusapan eh. Open ka ng topic.
Christian: Let’s talk about childhood. James san ka lumaki?
James: Ahm. Mula pagkabata hanggang ngayun sa Tandang Sora na kami nakatira. Dun din ako ipinanganak.
Christian: Hindi pa kayo lumilipat kahit minsan?
James: Hindi pa eh. Wala naman talaga kaming sariling bahay. Dun lang kami sa squatter nakatira. (sinabi ko talaga yung squatter, para malinaw kay Christian ang lahat hindi pa kasi sya nakakarating sa amin.)
Christian: Ah. Ok alam mo sa tingin ko napaka-exciting ng buhay mo. Minsan iniisip ko sana lumaki rin ako katulad mo. Sana alam ko kung papano ka namumuhay, sana magkasama na tayo noon pa. kasi sa totoo lang naiinggit ako sayo, boring kasi ang buhay ko. Eh ikaw Raffy san ka lumaki?
(Umiinom si Raffy ng bigla syang masamid dahil sa tanong ni Christian.)
Christian: Oh dahan-dahan kasi, maraming alak dito, tsaka mamaya ka na nga magpakalasing aga-aga pa eh. Ano saan ka nga lumaki? Alam mo kasi James kahit na last year pa kami magkakilala, wala akong alam sa mokong na to. First time nya nga makapunta sa bahay kanina eh.
Raffy: Ah. Pareho lang kami ni. . . . … ( hindi nya na naituloy ang sasabihin nya dahil sinipa ko yung paa nya)
Christian: Aray! … (ay mali yung paa pala ni Christian ang nasipa ko) Bakit kaba naninipa jan labs.
James: Sorry inunat ko lang yung paa ko kasi mejo namamanhid. Hehehe Sorry.
Christian: Ok lang, basta wag mo na uulitin masakit eh. Ano na nga ulit yung sinasabi mo? (pagbaling nya kay Raffy, kinabahan na talaga ako)
Raffy: Ah pareho lang kami ni James na hindi lumipat ng bahay sa Taguig lang din ako ipinanganak at lumaki. (sabay kindat nya ng palihim sakin. Mabuti na lamang at nakuha nya ang gusto kong mangyari, hindi sinungaling na tao si Raffy kaya kung hindi ako gumawa ng paraan ay malamang alam na ngayun ni Christian na magkababata kami. Ayaw kong malaman ni Christian kasi baka magalit sakin, mabawasan pa ang kliyente ko.)
Christian: ako naman nakailang lipat kami. Sa Baguio ako pinanganak sa Bakakeng, lumipat kami ng Manila para ipagamot si mommy may breast cancer kasi sya, Tapos nun napilitan kaming lumipat sa Arizona sa pag-aakalang mas magaling ang mga doctor dun. Pero wala ring nangyari, kung mawawala ang tao mawawala. Kaya kayo hanggat nandyan pa pahalagahan nyo na, wag kayong nagsasayang ng oras kasi pag nawala yan tsaka nyo yan pagsisisihan. Hindi ko kasi masyadong nabigyang pansin si mommy kasi lagi nya ipinapakita saking ok sya kaya akala ko ok lang talaga sya. At yun ang pinakamalaki kong pinagsisisihan.
James: eh asan ang daddy mo?
Christian: nakasama namin sya dun sa Arizona, madalang syang umuwi dito kasi may trabaho sya dun. At tsaka hindi ko rin sya masyadong kinukulit kasi naiintindihan ko naman sya. Kung meron mang nalulungkot ng husto sa pagkawala ni mommy eh sya na yun. Magaling kasi syang doctor kaso sa dami ng award nya sa pagiging doctor hindi nya pa din nailigtas ang buhay ng mommy ko. Kaya ayun sinisisi nya pa rin ang sarili nya hanggang ngayun. Ayaw kong magpakita sa kanya ng madalas kasi lalo lang syang malulungkot, kamukha ko kasi ang mommy ko.
Natahimik kami ni Raffy sa mga ikwinento ni Christian, Napagisip-isip ko rin ang mga sinabi nya sa amin na pahalagahan ang taong mahal namin. Naaawa tuloy ako kay Christian, masayahin syang tao pero napakalungkot pala ng buhay nya. Ahy swerte pa rin ako, kahit hindi ako mayaman katulad nila, may mga magulang naman akong handang makipagpatayan para sakin. Kahit na salat kami sa buhay ay, magkakasama kami sa hirap at ginhawa. Nakakatuwa nga isipin eh, na dahil sa kanya natauhan ako, nilamon na kasi ako ng pride ko kaya hindi ko na napakitunguhan ng maayos si Raffy. Masarap mabuhay kasama ng mga mahal mo, Tama hindi ko sasayangin ang panahon kailangan maipakita ko sa kanila palagi na mahal ko sila. Para wala akong pagsisihan sa huli. Mahaba-haba na rin ang aming kwentuhan ng biglang tumayo si Raffy. Akala ko ay iihi lang, nang magulat ako dahil umakyat ito ng stage.
Raffy: Kakanta ako, walang kokontra, Ahm para to sa isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko. Hindi naman siguro bingi yun kaya sana making ka. (sinabi nya habang gamit ang mic, nakita ko naman ang reaksyon ni Christian na parang nagtataka. At sabay biglang tumugtog ang isang kantang pamilyar sa akin dahil narinig ko na rin ito minsan at alam kong gusto ko rin ito kaya medyo napangiti ako.)
(Please don’t stop the rain - James Morrison)
I don't know where I crossed the line
Was it something that I said
Or didn't say this time?
And I don't know if it's me or you
I can see the skies are changing
No longer shades of blue
I don't know which way it's gonna go
And if it's going to be a rainy day
There's nothing we can do to make it change
We can pray for sunny weather
But that won't stop the rain
You're feeling like you've got no place to run
I can be your shelter til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Please don't stop the rain
I thought that time was on our side
I've put in far too many years
To let this pass us by
You see life is crazy thing
There'll be good times
And there'll be bad times
And everything in between
And I don't know which ways it's gonna go

Oh we're a little closer now
In finding what life's all about
Yeah I know you just can't stand it
When things don't go your way
But we've got no control over what happens anyway

Feeling like you've got no place to run
I can be your shelter til it's done
We can make this last forever
So please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Please don't stop the rain
Let it fall, let it fall, let it fall
Can't stop it, you can't stop it
Let it fall
Please don't stop the rain
Nagulat talaga ako sa hayop na to, napakaganda pala ng boses nya. Para tuloy akong sinisilihan na di ko mawari, hindi ako mapakali dahil para akong nakakakita ng artista sa harap ko. Naghihiyawan ang mga tao at nagpapalakpakan sa kanta nya. May talento pala si gago, hindi ko yun alam ah. At hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako, kasi parang kinikindatan nya ako eh. Bigla tuloy akong yumuko at napahimas sa batok dahil naiilang ako sa ginagawa nya. Di man lang nya naisip na nakikita sya ni Christian. Pagkatapos ng kanta ay bumalik na muli sya sa pwesto namin.
Christian: Galing mo talaga pre, BIGYAN NG JACKET.!
Kung ganun alam pala ni Christian na magaling kumanta tong tukmol na to. Tsk para tuloy akong nagselos sa kanilang dalawa. Kasi niyaka-yakap pa talaga ni Christian si Raffy parang mga sira. Napalitan tuloy ng inis yung hiya ko kanina. Hindi naman sila mukang sweet, muka silang mga may saltik. Tsk nakakainis. HOY! Para kayong mga takas sa mental dyan sa ginagawa nyo eh. Boboljakan ko kayo pareho eh (yan ang mga lumabas sa isip ko). Nang makaupo na sila pareho ay nagpatuloy kami sa kwentuhan. Nag-aral pala ng pagkanta si Raffy kaya ganun sya kagaling. Hindi naman ganong nagtagal ang usapan dahil may nagtext kay Christian at kailangan nya nang umalis.
Christian: Guys! Kailangan ko na umalis ah. Eto pera Raf o pambayad. Tuloy nyo lang para makapag-enjoy pa tong si James. Tatawagan ko kayo kung makakabalik ako ok?
Raffy: Ok lang sige ako na magbabayad. Umalis ka na baka importante yan. Ako na bahala kay James.
Christian: Sige na ako na. Tapos eto pakibigay na lang kay James mamaya. (pabulong nyang sinabi kay Raf tapos nakita kong medyo sumimangot etong si Raffy.)
James: Samahan kaya kita, san k aba pupunta?
Christian: Wag na kasi, basta wag na ok jan ka na lang at mag-enjoy kayong dalawa ok? Magtatampo ako pag-iniwan mo si Raffy dito.
James: Ok sige.
RAFFY’S POV
Umalis na nga si Christian at hindi na talaga ako nakatanggi pang samahan si James nag-aalangan kasi ako baka mag-urumintado na naman to sakin eh. Nagpatuloy ang inuman namin ni James, katulad ng dati walang nag-uusap samin. Nagpapakiramdaman na naman kami. Maya-maya pa ay
James: Espren sorry. (parang napahigop ako ng sariwang hangin sa sinabi nya. Kahit na puro usok sa paligid namin eh napakaluwag ng paghinga ko, nung narinig ko ito)
Raffy: Huh. Ulit. Hindi ko naintindihan yung sinabi mo.
James: Wala, wala akong sinabi bawal na ulitin.
Raffy: Ano nga ulit yun hindi ko nga narinig eh. Ulitin mo na kasi.
James: Parang tanga, Sorry nga kasi, tsk nahihiya na nga ako sa ginawa ko eh. Hindi ko nga alam kung mapapatawad mo ako eh. (hindi makatingin ng diretso sa sobrang hiya)
Raffy: Alam mo nagalit ako sayo nun, pero nung narealize ko yung sitwasyon mo natauhan ako. Kahit ano pang gawin mong hindi maganda sakin, pipilitin kong humanap ng dahilan para unawain ka. Kasi ok lang na mawala lahat ng yaman namin wag ka lang. mas mahalaga ka sakin kesa pera.
James: yun na nga eh, kaya mas lalo akong nahihiya sayo eh, kasi nakaramdam ako ng inggit sayo. Tapos naisip ko pa na anglayo na ng agwat ng pamumuhay natin ngayun. Sorry kasi naging ma-pride ako.
Raffy: Lam mo espren, hindi mo kailangang isipin yun. Ganito na lang mula ngayun lahat ng akin ay iyo na rin. Maliwanag? Kaya kung may kailangan ka, wag kang mahihiyang sabihin sakin dahil sayo rin naman yun. Ok?
James: Wag espren, ayoko ng ganun tinatanggalan mo naman ako ng silbi nyan eh. Magmumuka lang akong inutil nun kasi sayo ko na inasa lahat. Babalik tayo sa dati, hihingi ako ng tulong sayo pero kailangan ko yun bayaran. Ayaw ko ng bigay, syempre may pride din naman ako.
Raffy: Haynaku ayan na naman tayo sa pride chicken mo eh. Ok naiintindihan kita pero pag hindi kaya lumapit ka sakin ah. At tsaka sana espren maghanap ka ng ibang trabaho. Kasi hindi ako mapalagay dyan sa ginagawa mo eh.
James: Oo sige, pipilitin ko maghanap basta bigyan mo ako ng panahon. Wag agad-agad ah.
Raffy: Espren salamat, hindi ka nawala sakin. Pakiramdam ko nung mga araw na yun wala ng kwenta buhay ko. Hindi ko talaga kayang wala ka eh, kung hindi man tayo nagkikita sana maintindihan mo na mas marami na ang obligasyon ko ngayun. Pero kahit na ano pa yan basta tumawag ka lang, darating ako walang obligasyon ang mas mahalaga kesa sayo. Ok?
James: Pano yan espren lagi akong alltxt wala akong pantawag.
Raffy: At talagang naluluha ka pa sa sisanabi mo ah. Lintek ka?
James: hehehe Joke lang yun. Na-mis kasi kita sobra-sobra.
Raffy: Ako rin, mis na mis na kita. Hehehe sana una’t huling away na natin yun ah.
James: Oo, pero alam mo mas maganda kung minsan nag-aaway din tayo. para namimis kita katulad neto. Pero hindi na ganung katindi. Hindi ko gusto yung pakiramdam eh.
Raffy: Ah tigilan na nga natin yan. Noon pa man nakokornihan na ako pag ganyan tayo eh.
James: korne pala ah. (sabay batok)
Raffy: ARAY! Gago to. Tara palakasan tayo uminom, kung sino maunang tumumba, sampung konyat oh, deal?
James: Oo ba. Hehe nagkamali ka ng hinamon. Kaya ihanda mo na yang ulo mo siguradong bukol-bukol yan.
Raffy: hahahahaha. Kelan ka lng natutong uminom mayabang kana. Eh ako katorse pa lang tayo malakas na ako uminom at alam mo yan. Baka ikaw ang mabukulan.
Sobrang dami na naming nainom pero wala pa ring gusto magpatalo samin. Hanggang sa pareho na nga kaming nalasing. Inihinto na naming dahil tumatatlo na ang paningin ko. Doon ko lang napatunayan na mas malakas na nga uminom si James kesa sakin dahil kahit lasing na sya ay nakokontrol nya pa ang sarili nya. Samantalang ako ay hindi magawang tumayo ng tuwid. Iniabot ko kay James ang lahat nga perang ibinigay sa akin ni Christian para sya na ang magbayad. Pagkatapos ay tsaka kami lumabas, inaalalayan ako ni James. Niyaya nya na akong umuwi nang sabihin kong hindi ko na kayang umuwi at kumuha na lang kami ng kwarto para doon na magpalipas ng gabi. Sumang-ayon naman sya dahil sya man ay hindi na rin kaya at gusto nya na ding magpahinga. Hindi na naming namalayan kung anong klaseng lugar yung napuntahan naming basta ang natatandaan ko ay nagbayad kami at tsaka dumiretso na sa kwarto. Sinamahan kami ng roomboy hanggang sa makapasok na kami sa loob. Pareho kaming bumagsak sa kama at hindi namalayan ang sumunod na nangyari. Langong-lango na ako sa alak. Sabay kaming nakatulog. Naalimpungatan ako, dahil sa mabigat na nakadagan sakin at humihimas sa mukha ko, nang matauhan ako ay tsaka lang ako napabalikwas ng mapansin kong nasa mukha ko ang paa ni gago, dinukot ko ang aking cellphone sa aking kanang bulsa at nakita kong alas-tres na pala ng madaling araw. Tumayo ako at iniayos ang pagkakahiga ni James. Nang maiayos ko na si mokong ay bigla kong napansin ang maamo nyang muka. Tinitigan ko lamang ito at. Nahuhumaling ako sa pagtitig sa kanya, parang tinutunaw ako sa sobrang sarap nyang titigan. Habang mahimbing syang natutulog ay sinamantala ko na sabihin ang mga bagay na hindi ko masabi pag-gising sya.
Raffy: Ang angas ng muka mo ah, bwisit ka nakaka-inlab kana. Lam mo James di ko pa masiguro pero pakiramdam ko mahal na talaga kita. Kaya wag ka mawawala sakin ah. Hindi ako nagbibiro ngayun. Gugulpihin kita pag lumayo ka sakin. At tsaka lagi kang mag-iingat kasi palagi akong nag-aalala. Pangako ko sayo nandito lang rin ako palagi sa tabi mo hindi kita iiwan. Hindi na kita iiwan.

Walang hiya ka author! Ba't ang galing mu magsulat?!? Superb ang kwento mu, grubeeh!:) Sa lahat ng kwento dito, e2 lang tlga lage kong inaabangan. Ang likot ng isip mu. Malinis at tagos sa puso ang pagka2sulat. Hats off with matching bow! I immediately searched and downloaded Raffy's song on my phone. Lol
ReplyDeleteGaling tlga! Pwedeng gawing m0vie. :) Cant wait d to read d nxt part. Update na agad pleeease! :)
P.S. Sa next chapter nb ung lovemaking nina James at Raff?
Lol. Exciting. XD
-Bry
I really love this series. It's got drama, romance and friendship. Sobrang nakakatuwa! Next please.
ReplyDeleteI really love this series. It's got drama, romance and friendship. Sobrang nakakatuwa! Next please.
ReplyDeleteSundan na agad, please. Sobrang entertaining.
ReplyDeleteBago ako magbasa ng kwento dito tinitingnan kp muna kung mas mahaba yung navigation side bar (kung yun man tawag dun). Mas mahaba mas maiksi kwento. Pero dito sa series na ito, mas gusto kong mas maiksi yung bar na yon para mahaba kwento.
ReplyDeletetwo thumbs up !! next chapter plith ;)) galing galing
ReplyDeleteThe best :) GRABEH!
ReplyDeleteGaling ng storyline.. flawless ang pagkakalikha. Author next na please.
ReplyDeleteSana nilubos- lubos na ang pag post ng chapter4, brilliant mind.great writing skills details of the words are captured to entertain the readers.amazingly done.dont loose the core of the story. This is one hell of a great story
ReplyDeleteIt is my first time to make a comment here in KM. Mr. James Silver,your story is really awesome. Hope to read more of your novels. :)
ReplyDeleteBreak shot, Reality stranger than fiction and Yakap ng langit. Panalo sa akin. Two Thumbs UP sa mga author :)
ReplyDeleteNext Chapter please
Wow next part plsssssssssss asap
ReplyDeleteNasan na ang part 4 ... Nako feeling ko magkakaroon sila nag problema dahil sa arranged marriage ni raffy :(
ReplyDeleteSyempre may ganun para maganda ang story saka fiction naman to pagpatuloy mo na lang sa imahinasyon mo. hehe Galing ng author :)
DeleteSpoiler ka 4:12!
ReplyDeleteBa't mu naman nasabi. Kaw ba ung author huh? Haha
Pero kahit anung pagsubok yan, this story assures happily ever after.
Nakaka ingit naman sa pag uwI ko ng pinas makakilala ako ng kagaya nila
ReplyDeleteAlex19
Hayop sa galing tong tukmol n to! Bigyan ng jacket yan! 4 n agad.
ReplyDeleteParang nadis appoint ako sau author. Kasi parang nakasentro lang lahat Kay James yung storya. Halos wala syang nararamdaman Kay raffy kundi pgkamuhi.. dh ba puede pgkakita nito Kay raffy bukod sa naging mayaman malaki din ang pingbago ng istsura nito. DBA mgandang lalaki na sya nung Una mas lalo na kapg nasa ginhawa na sya. Wla ba talaga naramdaman na pghanga c james kay raffy bukod sa pag angat nito sa buhay. Halos yung nararamdaman no James ay walang intimasyon. Samantala nung magkasama pa sila ay nakita nya sa knayang kaibigan kung gaano ito kagwapo na halos pinagkaguluhan ng mga bakla.. parang one sided yung pagkaka kwento ng character.. pero aabangan ko parin ang susunod.. Sana mging balance na. Para sa akin lamang po..
ReplyDeleteParang nga.. Una malaki ang pg hanga nya sa kanyang kaibigan na may nararamdaman na sya
DeleteNgselos pa nga sya dati ng pinatos ng mga bakla c raffy. Pero nung ngkita sila parang yung laki lang ng away ng buhay ang nararamdaman nya at konsyensya kung bakit nasaktan nya si raffy. Wala sa nakita ng paghanga sa it sura ng kanyang kaibigan. Cguro slang pingbago ang it sura ni raffy. Yun par in. Pero ang ganda parin ng storya.
Try nyo kayang paghintayin ng dalawang taon ng taong nangakong babalikan kayo tas pag sumukonka na sa pag hihintay bgla sya magpapakita..ano sa tingin nyo mararamdaman nyo..di ba mauuna ang galit kahit mukha pa syang artista di nyo ma aappreciate yun kasi nga galit ang mangingibabaw sa puso nyo...
Deletebasahin mo kc mula chapter 1
DeleteCOREK KA MARINERO... ANG TAONG GALIT WALA NANG NAKIKITANG MAGANDA,
DeleteNapost narin ang inaantay ko. Umm, i think may point naman magalit si James diba nga sa dalawang taon na yun di man lang ba nagawa na bumisita ni Raffy kahit ilang minuto lang. I think the author is in for something great. Wag mo madaliin storya author! In my opinion this part is great but, di napantayan ng part 3 ang part 2 at part 1 mo. Again, this part is still great. :)
ReplyDeleteTama. Maganda tlaga naman tong part 3 kya lang medyo may kulang sa part ni raffy. Parang c raffy lang ang nakakaramdam ng pgmamahal. Kay James galit lang at konting pghanga.. pero ganda parin author.. wag ka tamarin ha.. maganda na pero ikaw bhala kung pano ka tutugon sa mga readers mo.. good job author
DeleteGrabe di ko maimagine yung ginagawa ni James sa edad nya. Ako nga 18 pero feeling ko wala pa akong kamuwangmuwang. Hmm i think James like Raffy rin pero mas nanalo yung galit nya kaya siguro di nya pa masyado napansin si Raffy or baka di nya pa natatanggap na Gay sya. Ah ewan ko ba hahaha lol..
DeleteSino po yang nasa picture?.. Ang gwapo at ang laki
ReplyDeletePotek!!!, next chapter na agad puhlease!!, eto lang inaabangan ko ee hahaha, kudos to u authorA
ReplyDeletegaling ng story..whatta brilliant imagination dude..keep it up..lakas maka-PBB teens. di ako nai-L sa kwento pramis! naiinspire ako. gusto ko yung personality ni raffy sa story...i wanted to bring him real life...gusto ko yung perception nya towards life, friendship, and eventually relationship...lookin' forward for a more exciting twists on the next chapters. thanks for this wonderful story.
ReplyDeletemaganda na itong part 3, pero mas ramdam ko ang part 1 at part two. sorry author sa akin lang naman. still great story to look forward.. parang pagkatapos ng ginawa ni raffy sa effort para magkabati lamang cla, parang walang masyadong nararamdaman c james sa kaibigan kundi yung magaling kumanta.. wala lang cguro pinagbago sa itsura ni raffy ... parang yun parin sa una...pero nxt chapter na author cguro mas maganda na sa part two...peace po....
ReplyDeletehahaha.. sorry.. i mean part 4...peace po ulit...
DeleteUng mga nagsasabi na hindi attracted si James sa bagong raffy, pde intindihin nyo kc ang kwento. Taken na na mas gumwapo si raffy. Hindi na kylangan ilahad yun. Noon pman way back part 1 eh tlagang humahanga na si James ky Raffy. Mas lalo na ng yumaman eto. Gets nyu ba. Hay
ReplyDeleteGusto kong "konyatan" ang author ng sandaang beses sa husay ng kwento! Tagay pa!
ReplyDeleteHahahaha. salamat po sa mga nagbabasa ng story. wala pa akong masabi para sa mga nakikisimpatya kay Raffy... hmmm maiintindihan nyo rin ako kung bakit ganayan.. kailangan po yan sa takbo ng story eh, wala po akong pinapaborang character jan dahil pareho ko sila gusto pasensya na po dun sa mga na-disappoint . Para sa mga naghahanap ng BS ahm.. naisubmit ko na pero sana maintindihan nyo na ipinilit ko lang ipasok yung bed scene,kahit medyo naiilang ako hehehe. sa mga maka-Raffy na readers salamat sa inyo. sa mga maka-James jan salamat din po. Pagagandahin ko pa po, pasensya na kayo sa flaws ng story. at least natututo pa ako. hindi naman po ako pro eh. pero salamat kaasi lalo akong naengganyo gumawa.. may natapos na akong story pero hindi ko pa sinesend kasi baka kalimutan nyo nang basahin tong yakap ng langit eh. salamat ulit I LOVE YOU mga ESPREN.
ReplyDeleteTama yan Espren tapusin mo muna to bago ibang mong kwento. Kung pwede lang ipublished tong kwento mo masaya sana. Hehe, Kasing pogi ko siguro si raffy kaya lang di ako mayaman
DeleteTalaga? Ako naman c james kung ganun. Lol iloveu espren :D
DeleteTotoo hehe, Di ako mayaman at di rin ako nangalakal at pumatol sa bakla para lang mag-kapera. Magkaugali kami ni raffy at sa itsura siguro. hehe
DeleteMukhang mas gwapo c James Kay raffy. Kasi wala ni isa humanga Kay raffy sa kwento sa skwelahan o sa knyang mga bagong barkada. Pero sa unang part ng kwento ay napkagwapo nito. Samantala Kay James halos sambahin na ng mga bakla. Kung sa bagay cb sya. Pero ang weird lang ng kwento, gwapo then walang nakakapansin..:-(
ReplyDeleteHayyy binasa ko muna ang comment bgo ko binsa ang storya kung bait ang iba parang na did appoint sa karakter. Parang may konting tumpak din yung iba. Kasi nung nag away sila ni raffy wala man lang balak c James na habulin c raffy kundi yung nararamdaman nya lang sa kaibigan yung laki ng agwat ng buhay nila at ipagpatuloy ang knayang pagiging cb. Buti accidentally silang ngkita. Pero gabda par in ng storya still looking forward for the next chapter..
ReplyDeleteOk ganito yun, Utak at Puso. Before: Raffy = Utak and James = Puso, Napraning sila pareho at dahil hindi sila pareho ng ginagamit sa pagharap nila sa emosyon kaya pinilit nila baguhin ang mga sarili nila. After: Raffy=Puso and James=Utak. Masyado kasi tayo nakatutok doon sa naging relasyon at magiging relasyon nila kaya ang nakikita lang natin ay ang part ni Raffy na parang naapi sya rito, hindi natin nakikita ang part ni James kung bakit sya naging dominante sa kwento. maiintindihan nyo sa mga susunod na chapter kung bakit. salamat hahaha, nawala ang pagod ko sa mga comment nyo salamat sa pagtitiyaga sa pagbabasa at sa paghihintay.. medyo na-pressure ako hahaha pero ok lang . at least nakikita ko yung kinahihinatnan ng ginawa kong story. Mga Espren sa story na to at sa totoong buhay you really can't have it all. Basta! hahahah gusto ko na ikwento sa inyo lahat kung kaya lang ng kamay ko medyo may kabagalan kasi ako mag-type hahaha.pero sa isip ko buo na po ang story, kung may babaguhin man ako eh yun ay para mapagbigyan ang suggestion ng iba. but the rest, as is na po. binibigyang daan ko po yung magandang ending kaya kailangan ko gawin yan. Ganyan ko po ibinabalanse ang story ang kailangan ko lang po ay mapansin nyo sila pareho. at napansin nyo naman sila hehehe. Naaawa kayo kay Raffy at parang naiinis kayo kay James hehehe. Salamat mga Espren. 4 & 5 nandyan na po. kaya hintay lang.
ReplyDeletesana lang walang mamamatay sa kwentong ito..nakaka stress..at sana matapos d tulang ng ibang series na wala nang karugtong..salamat sau author sa magandang pagkakasulat.. ingats.. :)
ReplyDelete-ab
Sobrang npka galing mo mgsulat espren .. grabe halo.halo ang emosyon na nararamdaman ko habang ngbabasa. Isang milyong palakpak ka skin espren ! :)
ReplyDeletegoodluck sayo .. sana mkakita din aq ng espren ko ..hehe
Wow.. Di ako usually nagcocomment pero KAILANGAN kong papurihan kungs sino ka mang nagsulat neto.... Whew..... Such a great story.. pang movie ang kalibre.. (kung tanggap lang ang ganitong gay-themed sa mainstream, why not?!) AUTHOR pleasseee!!! nagmamakaawa ako sayo dugtungan mo na..... hahahahaha.. OA lang
ReplyDeletekayo talaga pinahihirapan nyo pa ang mga isip nyo.kailangan na namin ang kasunod na kabanata.........
ReplyDeleteSobrang ganda ng story. Papost naman po agad ng next chapter. Mukang matagal na hintayan nanaman to. HUHUHUHUHUHU.
ReplyDeleteNice ang ganda...kudos author...ang bilis din ng update..
ReplyDeleteThis comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeletePinangako KO sa sarili KO d n ako magmamahal pa.tingin nila Sakin libog LNG.Maya nasanay n ako
ReplyDeleteKakainlab naman talaga yung story. More! More! More! Labyu writer! <3
ReplyDeleteEspren author! Nasan na ung part 4??? Haha pede ba kita makilala ng personal?
ReplyDeleteNgayon lang ako kinilig ng ganito sa love story. <3 Mahal na kita author pramis!
ReplyDeletePlease Don't Stop The Rain is one of my favorite songs... In a way I can relate to the story kasi may painagdadaanan ako ngayon. I bid goodbye to the person na napake-importante sa akin and years gone by at narealize ko na mali ang ginawa ko. I tried my very best na hanapin sya at di ako nabigo, nagkita kami ulit after seven years. Gusto kong magsorry sa kanya nung una naming pagkikita pero alam ko hindi pa yun ang tamang panahon. Sa tagal naming hindi nagkita ang dami ng nagbago sa mga buhay namin at nagbago na rin sya. Pero hindi oo sya masisisi, nagpasalamat pa rin ako kasi pumayag sya na magkita kami. Nararamdaman ko na sa loob nya andun pa rin yung sakit at inis dahil sa nagawa ko. Ako naman ay gumagawa ng paraan para mapag-usapan namin ang nangyari sa amin at ng makapag-sorry ako ng formal...hindi ko alam ang susunod na mangyayari pero optimistic ako na magiging magkaibigan ulit kami...ang pagsisisi ay laging nasa huli...sana magiging mabuti ang kalabasan sa mga gusto kong manyari sa amin. :(
ReplyDeleteIsulat ko rin kaya ang kwento ko?
Wow ngaun lng ulit ako na adik sa isang istorya after ng the lightning train commuters band... Galing mo author kakaibang atake ginawa mo sa storya mo. Kudos! Keep it up... Waiting for the next chapter... #teamjames ako hehehe ramdam ko ung disapointment and sakit ng paghihintay...
ReplyDeleteHi mga Sir, tanong ko lang ano po yung "konyat"? hehe
ReplyDeleteWow! There is no erotic story with this. It is pure love. Seldom lang ako mag.comment if the story is great. But yours, it was magnificent. I love the feeling and emotion. You let me arrouse, feel sad and so much hapoy. It was all in one story. Arigatou Guzaimasu.
ReplyDeleteI really love the story . Grabe kang author ka ! Napakagaling mo . Di na ko nagbabasa nito, napabalik ako dahil sayo . D ko rin hilig yung mga series pero, dahil sa kwento mo, nag aabang narin ako ng kasunod. I SALUTE YOU MR AUTHOR !!!!!!!
ReplyDeleteVersatile story. Hitik na hitik sa emosyon, may nakakatawa at may eksenang humagulgol talaga ako. Kudos to you author.
ReplyDelete