Pages

Sunday, June 22, 2014

Break Shot (Part 9)

By: Andrey

Pagbalik ni papa ng gabi ding iyon, kasama na niya si Liam. Naririnig ko ang boses nila ngunit hindi ako lumabas ng kwarto dahil busy akong gumawa ng assignment. Naririnig ko ang mga habilin ni papa tulad ng mga dapat gawin sa bahay, yung mga kailangan ko, yung gamot ko, at marami pang iba. Habang ginagawa ko iyon, hindi ko namang mapigilang ngumiti-ngiti dahil sa excitement kapag kami na lang ng boyfriend ko sa aming bahay. Dalawang subject na lang ang aking gagawan ng assignment nang bumukas ang pinto at pumasok si kuya.

Mayroon akong study table sa kwarto at isang laptop. Nagsusulat ako noong tumayo siya sa tabi ko, ang isang kamay ay nakapatong sa mesa at ang isa ay nakawak sa likod ng plastic chair ko.

"Tsk. Tsk. Ganun mo talaga ako gustong makasama noh?" Ang sabi niya sabay ngiti.

"Bakit kuya, ayaw mo? Sige iba na lang..." Biro ko naman.

"Haha. Hindi ako papayag nuh." Pumunta siya sa likod ko at niyakap ako habang nakaupo hanggang sa magdikit ang mga pisngi namin.

"Salamat Andrey....at ako ang pinili mong makasama dito." Ang sabi niya. Madali niya ring inalis ang pagkakayakap dahil tinawag siya ni papa.

Natapos na ako sa isa pang subject at isa na lang natitira. Ngunit nagka-problema ako dahil wala ito sa mga textbook na hiniram ko. Nagisip ako at ini-scan ang aking stock knowledge ngunit wala talaga akong maalala tungkol sa topic. Marahil ay nileksyon na iyon saamin ngunit hindi ako nakinig ng mga oras na iyon.

Muling bumukas ang pinto at iniluwa nito si Kuya Liam.

"Dito na daw ako matutulog ngayong gabi." Ang sabi at marahang ni- lock ang pinto.

"talaga kuya?" ang sabi ko at sabay ngiti. Bigla akong dinaanan ng kaba at excitement sa idea na katabi ko siya matutulog.

"Sabi ko nga kay papa mo sa sofa na lang ako matutulog. Pero dito na lang daw dahil malaki naman ang kama mo." Umupo siya sa gilid ng kama ko habang sinabi iyon.

"Bakit? Ayaw mo kong makatabi?" Tanong ko.

"Ayoko lang na may mangyari pang hindi kanais-nais." Tumayo uli siya at nilibot ang kwarto ko. "Ang ganda naman ng kwarto mo. At saka napaka-rami mong libro." Ang sabi niya. Hinwakan niya ang isang larawan ko noong bata ako at saka ngumiti. "Ganitong ganito ka noong una kitang makita. hehe. Parang mas cute ka dito."

"Ang sama naman. Hindi na ba 'ko cute ngayon?" Humarap ako sakanya at sumimangot.

"Haha. Hindi na eh. Ewan ko nga kung bakit mahal pa rin kita."

Na-touch naman ako sa sinabi niyang iyon. Naniniwala kasi ako na ang immature love, i love you because of...pero ang mature love, i love you despite of...

"Pero hindi ko matatangap na hindi na ako cute." Ang pahabol ko na lang. "Kuya tulungan mo nga ako sa assignment natin sa A.P"

Lumapit naman siya saakin at tiningnan ang notebook ko.

"Teka lang, tapos ka na ba ng assignment mo?" Tanong ko.

"Tapos na."

"Wehh. Mamatay ka man?"

"Oo."

"Mamatay man ako?"

"Hindi. Gumagawa na kasi ako biglang dumating ang papa mo. Siyempre sa excitement ko nang marinig na dito muna ako sayo habang wala sila, nakalimutan ko na yung gamit ko." Ang sabi niya sabay ngiti saakin.

Nag-blush naman ako nang marinig iyon. Kilig to the bones talaga. hehe.

Pero nang magblush ako lumapit siya saakin at lumuhod, seryoso ang mukha.

"Andrey, pwede bang saakin mo lang ipakita iyan?" Ang sabi niya, nagmamakaawa ang mukha.

Naguluhan naman ako...

"A-alin?"

"Iyang ganyang expression sa mukha mo. Ayokong nagbu-blush ka sa ibang tao, lalo na kay Matthew. Gusto ko sakin lang. Ewan ko sa sarili ko Andrey. Hindi naman ako dating ganito. Karaniwan handa naman ako laging i-share ang mayroon ako. Hindi rin ako obsessive. Pero nang dumating ka sa buhay ko, ikaw lang ang tangi kong ayaw i-share sa iba. Gusto ko sakin ka lang. Maipapangako mo ba iyon Andrey?" Tanong niya. Parang dinudurog ang puso ko habang tinitingnan ang nangungusap niyang mata, ang maamo niyang mukha.

"Oo kuya. Sayo lang ako. Ang buo kong pagkatao." Ang sabi ko. Hinalikan ko siya nang matagal.

Nang matapos, pareho kami naghabol ng hininga. Ngumiti naman siya at biglang nabuhayan.

"So ano nga yung assignment sa A.P?" He asked cheerfully.

"Etong history ng Greece. Magbigay daw ng overview at Ano nga yung mga unang kabihasnan doon?"

Ang totoo'y wala naman talagang overview na sinabi. Ibigay lang yung mga unang kabihasnan. Pero gusto ko malaman kung gaano katalino si Kuya...If he would be a threat or an ally.

"Hmm....May malaking epekto ang heograpiya ng Greece sa naging kasaysayan nito. Bulubundukin ang lupain ng Gresya, at dahil doo'y malalayo ang bawat kabihasnang nabuo doon sa isa't isa. Dahil doon, ang bawat pangkat ay tinawag na polis, katumbas sa panahon natin ngayon ay city. Ang mga unang kabihasnan na naalala ko ay ang Athens at Sparta. Ang Athens ang capital at largest city ng Greece. Ito rin ang sentro ng kalakalan ng peninsulang iyon. Ang Sparta naman ay kilala bilang mga matatapang na mandirigma. Ang lahat ng kalalakihan doon ay sinasanay bilang mandirigma samantalang mga muchacha ang mga kababaihan. Personally, i was intrigued by Sparta's history. I think Sparta's way of living is very interesting." Tuloy-tuloy niyang sabi. Nga nga ako nang matapos siya.

"Kuya, stock knowledge ang lahat ng iyon?" Ang tanong ko. "Wow ang galing....Ang galing ng kuya ko!" Ang sabi ko na puno ng paghanga.

"Hehe. Hindi naman. Kulang na kulang nga ang sinabi kong iyon. Teka, hindi ka ba nakikinig sa A.P teacher nung 3rd year ka pa? Di ba World history ang dini-disscuss doon?" Kunot-noo niyang tanong.

"Ah...eh...hindi eh..." Nahihiya kong sabi. Hiya talaga! "Which reminds me kuya. Mukhang may photocopy ako ng topic na iyan last year...tingnan ko nga sa dating bag ko."

Tumayo ako at binuksan ang isang pa-squre na drawer sa baba ng bookshelf. Doon ko kasi nilagay ang lahat ng gamit ko noong 3rd year. I was scanning my things nang may biglang nahulog...Ang tanging bagay na nagiging salamin ng aking nakaraan...The only thing that had been my companion during the darkest times of my life. At ang tanging bagay na nakakaalam ng lahat ng aking paghihirap kay Matthew. Agad ko itong pinulot at inalis ang mga alikabok sa ibabaw. My heart skipped a few beats nang makita ito. Nawala ako sa sarili at parang natulala habang sinasariwa ang lahat ng naging paghihirap ko.

"Ano iyan tol?" Tanong ni Kuya. Lumapit siya sakin at nang makita ang expression ng mukha ko, tinapik niya ang balikat ko.

"Okay ka lang? Parang nakakita ka ng....wait, hindi multo...parang nakita mo yung principal ah?" biro niya. Kuya Liam's voice snapped my senses back to the present. Naalala ko na naman kasi si Matthew. Yung mga kilig moments namin, yung mga times na siguradong sigurado ako na may pagtingin siya sakin...pero wala. Ngayong nalulungkot na naman ako dahil kay Matthew, si Kuya Liam na naman nagbitbit saakin sa katotohanan. Sa katotohanang tapos na ang lahat.

"Ah...Kuya...D-diary ko...Noong 3rd year..." ang sabi ko.

"Talaga? May I read it?" Tanong niya. Nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba sakanya o ano. At noong hindi ako sumagot, tumayo si kuya at umupo na lang sa kama ko.

"Sige wag na lang. Wala naman siguro akong karapatang malaman yung past mo." Nagtatampo niyang sabi.

"Hindi naman sa ganun kuya pero...halos puro lang kasi patungkol kay Matthew ang mga nakasulat dito." Ang sagot ko naman at mabilis na binuklat ang mga pahina ng diary.

"The more na gusto kong mabasa kung patungkol iyan kay Matthew. Gusto ko din malaman kung ano bang dahilan kung bakit minahal mo siya ng ganun." Ang sabi ni Kuya

Nag-isip isip muna ako bago tumayo. Tumabi ako kay Kuya at saka binigay sakanya ang Diary.

"Binibigay ko na sayo ang nakaraan ko Kuya. Ikaw na ang bahala dito. Pagkatapos ay kinuha ko ang sobrang notebook sa aking bag. "At simula ngayon kuya, magsusulat na ako ng diary na patungkol saatin.'

Nginitian niya ako at niyakap.

Natapos ko na ang assignment samantalang nagbabasa pa si Kuya ng diary ko. Hindi ko alam kung tama ba na ipabasa ko sa boyfriend ko kung gaano ko minahal ang taong pinagseselosan niya. Nahiga na ako ngunit nagbabasa siya, focus na focus sa diary.

"Good night Kuya." Ang sabi ko. Tumango siya ng hindi man lang ako tiningnan at nagpatuloy sa pagbabasa.

Nagising ako kinabukasan ng wala na naman si kuya sa tabi ko. Ang sabi ni papa'y umuwi na raw para magbihis at kunin ang gamit. Iniwan saakin ni papa ang susi ng bahay saka sila nagpaalam para pumunta sa bayan at doon sumakay ng bus. Dahil doo'y muntik pa akong ma-late sa pagpasok sa school.

Nang pumasok ako sa room, dalawang tao ang nakatingin saakin; si kuya liam at si Matthew. Hindi ko alam kung anong meron but when i scanned their faces, i saw something written in them. Napa-kunot noo ako bago umupo.

At nagsimula na ang tunay na laban. Bawat discussion ay napaka-active ko, grabeng recitation ang ginawa. Minsan nga napapatingin saakin ang mga kaklase ko at parang nagugulat. Siyempre nakikipagsabayan saakin si Matthew at ang iba pang ka-compete ko. Si Kuya Liam naman nagsasalita lang kapag siya'y tinatawag. Nang matapos ang araw, nagkaroon na ng final groupings sa bawat subject.Sa dalawang subject si Matthew ang ka-grupo ko, tatlo kay Kuya Liam, at ang iba'y shuffled kaya wala sakanilang daliwa ang kasama ko.

Noong A.P naman, tumingin saakin si Kuya Liam ng ma-realize na wala naman sa assignment yung overview saka umiling-iling na parang naisahan ko siya. At noong sabi nga ng teacher namin na ibigay ang naalala namin tungkol sa Greece, ako ang unang nagtaas ng kamay. Sinabi ko lahat ng sinabi ni Kuya Liam at napahanga naman ang teacher at mga kaklase ko. Bago ako umupo ay tumingin ako kay Kuya Liam,pero mukhang okay lang naman sakanya.

So far I made a huge impact in the second day of classes. Kahit ang mga teacher ay na-impress din. May narinig naman akong nagsabing 'ngayon lang yan, kasi simula pa lang ng klase.' Pero nginitian ko lang sila. I'll prove them wrong.

Pagdating namin ni Kuya Liam sa bahay, umuwi siya sakanila para kunin ang mga damit niya at mga personal na gamit. Hindi naman karamihan iyon kaya nagkasya pa rin sa wardrobe ko. Parang normal na araw lamang iyon tulad ng mga days namin sa kubo. Pero siyempre, nandoon pa din yung excitement kapag naghari na ang gabi. Ngunit, para sa wala naman ang excitement ko dahil lagi si kuyang natutulog ng nakataliko saakin. Hindi ko nga maintindihan. Hindi naman siya galit saakin dahil napakasaya namin kapag umaga. Kapag gabi lang nagkakaproblema. Maybe he didn't find me appealing after our last sexual escapade.

Kuya Liam was a great help sa aking pag-aaral. Sa bahay kapag gabi, sabay kaming gumagawa ng homework at nagrereview. Minsan dumarating sa point na nayayamot ako at tinatamad mag-aral ngunit lagi siya nandiyan para i-motivate ako. Kapag may mga topic na wala akong idea, he also gives his best para i-discuss saakin iyon. Nagtutulungan kami dahil tulad kay Matthew, english din ang kahinaan ni kuya na strenght ko naman. Napaka-laking tulong saakin ni Kuya Liam lalo na sa Math. Binabatukan niya nga ako minsan dahil kahit simpleng mga equations na dinis-cuss noong mga nakaraang taon ay hindi ko magawang i-solve. But he patiently helps me na matutunan lahat ng dapat kong matutunan. Sa gawaing bahay naman, nagtutulungan din kami. Nag-gegeneral cleaning kami kapag sabado at saka naglilibot sa bukid. Pagdating sa bahay, nanonood si kuya ng pelikula sa mababang volume samantalang ako'y nagbabasa sa mesa. Wala talagang nangyayari kapag gabi. Lagi siya talikod matulog at hindi ako kinakausap kahit mag-good night man lang. Lalo tuloy lumalakas ang hinuha kong i was not good enough dahil sa last naming encounter. Kaya yung excitement ko unti-unting nawawala each night, hanggang nawala na talaga. Impossible na sigurong may mangyari pa samin.

Isang gabi, nagising ako ng ala-una dahil naiihi ako. Ngunit wala si kuya sa tabi ko. Natakot naman ako dahil baka kung saan siya pumunta. Ngunit paglabas ko sa kwarto, naroon pala siya sa sofa natutulog. Nilapitan ko siya at tiningnan. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Nakaramdam ako ng awa sa sarili dahil para akong may leprosy na ayaw tabihan. Kaya kinausap ko siya kahit tulog siya.

"What a turn off must i have been para iwasan mo ako ng ganito. Do you hate sleeping with me that much para magtiyaga dito sa maliit at malamig na sofa kesa sa malawak kong kwarto? Gabi-gabi mo ba ito ginagawa? Pero naiintindihan naman kita kuya. Hindi kita masisisi kung...i'm not good enough talaga." Ang sabi ko. Pinahid ko ang luha sabay tayo. Ngunit hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako, making me sit again. Minulat niya ang mata niya.

"Anong pinagsasabi mo?" May inis niyang tanong.

"Wala. Hindi naman talaga kita masisi kong im a big turn-off. Kung ayaw mo talaga akong makatabi kuya pwede naman natin buksan yung kwarto nila mama at doon ako matulog. Tapos doon ka sa kwarto ko." Ang sabi ko, iniiwisang tingnan siya.

"Tumigil ka nga. Sino bang nagsabi sayong natu-turn off ako sayo?" Ang sabi niya na naiinis pa din.

"Eh bakit dito ka natutulog sa labas? Diba ayaw mo kong makatabi?"

"Wag ka ngang mag-isip ng ganyan. Ayoko lang matulog sa kwarto mo dahil mainit."

"Hindi ako naniniwala. Nilalamig nga ako."

Hindi na siya nagsalita at tiningnan lang ako. Naghintay akong may sabihin pa siya ngunit wala na kaya tumayo uli ako pero hinila niya ako ulit.

"Ang totoo...natatakot akong kung ano naman ang gawin ko sayo kapag katabi kita. Ayokong maulit yung nangyari. Baka mawala na naman ako sa control." Ang sabi niya. Nakabibighani ang mukha ni kuya kahit sa dilim.

"I trust you kuya. You would never do anything to hurt me." Iyon lang at ako uli ang nag-initiate na halikan siya. Noong una'y ni-resist niya ako at hinawakan ang braso ko para itulak ng kaunti. Pero hindi rin siya nakapag-pigil at hinalikan din ako ulit.

That night, kuya liam made love to me for the first time. Siya lang ang kumilos, at nagpa-alipin ako sa kapangyarihan niya. He was giving me sweet caress everywhere on my body, at sinubo niya rin ang pagkalalaki ko. Pinigilan ko nga siya pero he insisted dahil gusto niya daw makabawi sa ginawa niya saakin sa kubo. He really lost himself especially noong nasa loob ko na siya, noong una'y he was gentle dahil para akong mamatay sa sakit. Parang pinupunit yung laman ko sa loob. Pero noong hindi na rin siguro siya makapag-pigil, mabilis na naglabas-pasok siya sa butas ko. At noong mahupa na ang pagod niya, pinaliguan niya ako ng halik. At paulit-ulit na nag-sorry at nagtanong kung okay lang ako. Siyempre grabeng sakit yung naramdaman ng likod ko pero okay lang yun. Simula noon ay doon na nga lagi natutulog si kuya sa kwarto ko. We make love almost every night, at noong mga sumunod na araw ay nag-eenjoy na rin ako at nasasanay sa malaki niyang alaga.

Naging kumpleto na din ang relasyon namin ni kuya dahil sa pagniniig namin. Ngunit dalawa pa rin ang laman ng puso ko.

Si Matthew naman, simula noong araw na umalis sina mama, he was giving me meaningful stares and longing look. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. Speaking of mama and papa, they decided to stay in Manila for a month dahil nagpapakita na din ng signs ang tatay ni mama na magpaalam sa mundo. Pinilit nila akong pumunta doon ngunit hindi talaga ako pumayag.

Sa room naman, i was definitely giving my best. Balik tayo sa unang group activity na kasama si Matthew. May isang topic noon at nagbrainstorming muna lahat ng groupmates ko. At noong magbigay na ng idea si Matt, i boldly rejected it. Nagulat talaga siya. Marahil ay naalala niya noong group activity last year na nagpaubaya ako. And yun, idea ko ang ginamit at ako din ang nagreport. Kami ang 1st at second ang grupo ni kuya liam. Grabe naman ang saya ko kapag ka-grupo ko si kuya. He always give way para sa ideas ko at nagdadagdag na lang siya. Ako lagi ang nagrereport sa mga group activity, at lagi naman kaming nangunguna. May isang activity noon na magiging kalahati ng project namin sa MAPEH. Binigyan kami ng topic patungkol sa history of arts in egypt, at kami na ang bahala mag-report. Kada isang araw ay dalawang grupo ang nagrereport. Grupo nina Matthew ang naunang nagreport and Matthew did a very good job. Kumpleto sila sa visual aid gamit ang manila paper at mga drawings na gawa ng ka-grupo niya. Kami na ang mag-rereport kinabukasan at nagisip ako ng bagay na mas magbibigay ng impact sa klase at masasapawan ko ang grupo ni Matthew. And i decided na gumawa ng powerpoint presentation in my laptop. Ako uli ang nagreport at pagkatapos, a received a BIG round of applause. Ngunit napansin ko na ilan sa ka-grupo namin ay hindi pumalakpak. Parang naiinis sila sakin o ano. Ewan. Kapag may exam ay todo review ako kasama si kuya liam, ngunit may mga times na hindi ko talaga alam ang sagot kaya nag-checheat ako. Bumubuklat ng notebook o kaya gumagaya sa katabi. I don't care kung nahahalata sa likod ang ginagawa ko basta ako ang highest.

Isang araw sa bahay, Kuya and I had a serious talk. It was our last day together saaming bahay dahil uuwi na sila mama.

"Andrey, usap tayo."

"Bakit kuya?"

"I appreciate your efforts andrey. I can see naman na you really are doing your best para matalo si Matthew. Pero don't you think so na parang you're crossing the line?" Tanong niya.

"B-bkit naman. I'm just doing my very best...At best as in perfection. That's what best mean naman talaga ah. Doing the best of what you can, grabbing opportunities, using them para sa success." Ang sabi ko.

"But Andrey, you already look so...desperate. You're too inclined sa pagnanais mong matalo si Matthew. Pero yung mga ginagawa mo andrey...hindi na tama eh. For example sa mga group activities, you never give chance to others. Laging sayo lahat pati reporting. Ang iba mong ka-grupo nagtatampo na. And sooner, makakahalata na din pati mga kaklase natin. Don't you think na you're diong too much? Di ba sinabi ko na saiyo na ikaw ang bida? you're not the villian andrey. Ikaw yung inapi, yung nasaktan. But by your actions, you're losing the title of being the protagonist. You are looking so desperate. Hindi mo naman kailangan na maging katulad ni MariMar na matapos bumangon sa lusak eh gagawa na ng masama para makapaghiganti. May kasabihan nga diba, kapag binato ka ng bato, gantihan mo ng tinapay." Ang sabi niya habang nakahawak sa kamay ko. Naintindihan ko naman lahat ng sinabi ni Kuya. Ang again, tama naman siya.

"P-pero kuya. natatakot akong matalo ni Matthew. Hindi ko naman siya balak gantihan, i just want to prove na i can do better than what he thinks." Ang sabi ko.

"Ulitin mo nga saakin yung mga masasakit na salitang sinabi niya saiyo." Ang sabi niya.

"You're a low life Andrey. Mapagmataas. Makasarili. Bobo. Oportunista. Walang utang na loob. Sinisiguro ko sayo, wala kang maabot sa mga ugali mong yan." Pag-uulit ko ng mga salitang tumatak saaking isipan.

"O sige. Alin doon ang na-prove mo na sakanya? Di ba yung bobo lang? Napatunayan mo nang hindi ka bobo. At hindi naman talaga. Actually you can defeat him by just using your own intelligence. Sige, tingnan mo yung iba. Low Life, mapagmataas, makasarili, oportinista at ano pa yun? walang utang na loob? Sige nga ask yourself, napatunayan mo na ba sakanyang mali iyon?"

Napayuko naman akosa narinig. Tama si kuya, isa pa lang napaptunayan ko kay Matthew, na hindi ako bobo. At sa katunayan, i lost myself in the process. Yung mga maling paratang niya saakin na mapagmataas, makasarili, oportunista at walang utang na loob, lahat iyon ay nagkatotoo habang ginusto kong matalo siya. And for a bigger question, pagkatpos ko siyang matalo, ano nga ba ang naghihintay?

Niyakap ko na lang si Kuya Liam.

"Sorry kuya. And thanks for reminding me. I almost turned myself into a monster dahil sa ambisyon kong matalo siya. I'm really sorry." Ang sabi kong tumutulo ang luha at isniksik pa ang ulo sa dibdib niya upang itago ang aking paghikbi.

That night, we made love again. It was really passionate, at hindi kami nagmamadali na parang gusto lang magparaos. We felt each other's heart beating. At habang nasa ibabaw ko siya at nasa loob ko ang kanyang pagkalalaki, kinuha niya ang kamay ko at inilapit iyon sa puso niya.

"Naririnig mo Andrey? My heart shouts your name..." Ang sabi niya as he gently push himself towards me. Napa'ahh' naman ako at napapikit. Noong bumibilis na siya at hindi ko na ma-explain ang sarap na nararamdaman, kumuha ako ng unan sa tabi ko at tinakip iyon sa mukha ko. Tumigil siya sa pag-usad at medyo tumawa. Inalis niya ang unan sa mukha ko.

"Why are you covering your face?" Tanong niyang natatawa.

"I don't want you to see me blushing while we're doing this." Ang sabi ko.

"haha...you blush every night andrey...Kapag sinusubo ko ang ari mo, kapag pinapasok ko ang pwet mo, kapag pinapaliguan kita ng halik...you always blush..." Ang sabi niya, and then push himself again. Napa "uhhh" ulit ako.

"And that voice...that damn sexy voice...they make me crazy...makes me want to tear your innocence more deeply."

"Stop talking kuya....its so embarassing..." Ang sabi ko sabay pikit.

"Ang sarap mo talaga Andreyyyy..." Ang sabi niya pa sabay kanyod ulit.

"Kuya!" i protested. i can't help blushing.

Pakatapos ay binilisan na niya ang pag-indayog at ilang minuto pa, sabay naming narating ang rurok ng makamundong kaligayahan. He breathlessly fell on top of me. At noong humupa na ang pagod, he kissed me and softly whispered.

"Andrey...you have to promise ako lang ang makakakita sayo ng ganito." He said in a serious and threathening voice.

"A-anong ibig mong sabihin kuya?" Hindi naman kasi siguro habang buhay ay magkasama kami.

"I want to be the only one to see you like this. I want to be the only one to see you blushing, to hear your voice, to see your cute face while we're making love. I want to be the only person that will ever touch you. You're only mine Andrey..." Ang sabi niya. He licked my ears that sent tingling sesations on my body.

"You have to promise Andrey...or i will never forgive you." He said.

"I promise kuya. Im yours and yours only."

And we both fell into a deep sleep.

The next day nga ay dumating na sina mama at papa. Soon, periodical exam na namin. At sooner pa, announcing na ng result ng top 10 para sa first grading. Labis ang kaba ko noong ina-nouce na ni mam ang top 10.

"Class, may huge stir saating top 10. May malaking pagbabago ah. But i believe they all deserve their places. Magsisimula ako sa tenth place."

Pang ten. Pang nine. Pang eight....hanggang pang five...

'Fourth, is Liam.' Ang sabi ni mam. Palakpan lalo na sa mga babae.

'Third, is Veronica.' Kinabahan ako. May isang top 5 last year na nawala sa listahan dahil kay Kuya Liam. Ngunit may dalawa pang top 5 last year na hindi pa natatawag, si Matthew at si Carl. Kung ganon, hindi ako kasama sa ranklist?

Nagkaroon din ng ingay sa klase ng i-announce si Veronica. May narinig akong nagsabi 'Ay wala pa si Andrey? Pero di pa natatawag si Carl diba? Sure nang si Matthew ang first...Naku akala ko kasama si Andrey sa top 5. Grabe pa naman ang pagpursige niya.' Narinig din iyon ni Kuya Liam at nilingon ko siya, nang ma-realize iyon, naalarma din ang mukha niya.

Gusto kong maiyak. Pang 11 ako? Hindi ako kasama sa top 5? Hindi ko natalo si Matthew?

'Second is.....Matthew." May 'owwww' na ingay na naglabasan sa bibig ng mga estudyante. Imbes na palakpak ay gulat at panghihinayang ang nangibabaw. Namula ang tenga ko. Hindi ko natalo si Matthew.

Tiningnan ko ang mga katabi ni Carl at kinakamayan na sila nito na parang kinu-congratulate. May mga tumatapik na din sa balikat niya. Nilingon ko si Kuya Liam at halos umiyak na ako. Gusto kong umalis.

'First......" Tumayo ako at nagbalak lumabas. Ayokong marinig. Ayokong malaman na natalo ako. I don't want to realize i failed. Ayokong marinig na si carl ang first. Or it will all seem too real.

Nagtinginan ang mga kaklase ko saakin nang tumayo ako, pati si mam ay natigil sa pag-announce and looked at me under her glasses.

"...yes...andrey, its you...Our first honor for the first grading period, is Andrey."

Napuno ang classroom ng palakpakan, hiyawan, at nagkagulo. May mga babaeng lumapit saakin at niyakap ako, si leah, si ella marahil ay nadala ng excitement at nagtatakbo upang yakapin ako. Niyakap ko din si Ella ng mahigpit at umiyak sa balikat niya.

'hoy class! This is just the first grading...may tatlong grading pa kung makacelebrate kayo parang graduation na ah. Anyway, congrats andrey."

"Thank you mam." Ang sabi ko. Yakap pa rin si Ella na umiiyak din, tiningan ko si Kuya Liam at proud na proud din siya sakin. Pagkatapos ay tiningnan ko si Matthew, nakatingin siya sakin. Maya-maya ay ngumiti siyang nakakaakakakakloko at pumalakpak din. Parang mas proud pa siya kay Kuya Liam....At nginitian ko din siya.

Hindi lang iyon ang natanggap kong karangalan. Dahil simula ng lumabas ang result na iyon, sunod sunod na tagumpay pa ang dumating saakin. Pinatawag ako ni Ms. Hanna, English teacher namin at sinabing kasali ako sa Campus Journalism contest na gagawin sa bayan. Ang event ko ay Feature Writing. Nanalo ako sa Division na pang 2nd at naka-qualify sa Regional level, kung saan nagdala ako ng karangalan sa City namin by being 5th in the regional level.

Naging sikat na din ako sa school. Ang mga freshmen ay tinatawag akong kuya, at nirerespeto ng mga lower years. Naging president din ako sa maraming clubs at sumali ako sa mga school base contest kung saan lagi ako nagiging first. Di naglaon, ako din ang in-assign ni Ms. Hanna bilang Editor in Chief ng Official school paper ng aming school.

At dahil doon, alam ko na ang aking pangarap. I want to be a journalist.

Kung tutuusin, i have achieved bigger things than Matthew. Natalo ko na siya. Hindi lamang sa academics, kundi maging sa curricular. I was more than happy na naisakatuparan ko ang goal ko. Tuloy tuloy na nga ang nakamit kong tagumpay kahit napaka-aga pa ng taon. Proud na proud saakin sina mama at papa. At siyempre, si Kuya Liam. Ay ngayong naabot ko na ang gusto ko, iaalay ko na ang buo kong pagmamahal kay kuya Liam.

Linggo noon ng hapon, nagkita kami ni Kuya Liam sa aming kubo. Doon muli naming pinagsaluhan ang init ng pagmamahal at pagkatapos ay naglibot kami sa gubat na matagal na naming hindi nagagawa.

Kinabukasan, nagsusulat ako ng biglang may tinatanong ang katabi ko. Dahil nga busy ako sa kasusulat, hindi ko siya nilingon at hinayaang mag tanong.

"Andrey, ano nga yung dahilan ng pagbagsak ng kabihasnang --" Tumigil siya at biglang "Huh?!, UYYYYYY.....Si Andrey may Kiss mark!!!" Bigla niyang hinawi yung kwelyo ko and revealed a red spot na parang sinipsip ng isang labi. Tinginan naman ang mga kaklase ko bago ako naka-react at tawanan. "Uyyyyyy" napuno ang room ng ganoong mga sabi lalo na ng mga babae.

"Andrey tol, hinay hinay lang ha, baka masayang ang future mo, may mabuntis ka agad." Ang sabi ng isa kong kaklase sa likod. Nagblush naman ako ng bonggang bongga sa hiya. Nilingon ko si kuya Liam at grabe yung ngiti niya, parang naka-score at proud na proud pa sa iniwang marka sa leeg ko. Nakakaloko talaga kaya napangiti na din ako. Noong titingin na uli ako sa board, nagtinginan kami ni Matthew. Nagtatanong ang mata niya, pero agad kong inalis ang tingin dahil baka makita ni Kuya Liam.

Isang araw habang may pinagagawa si Ms. Hanna na article saakin na ilalagay niya sa sports page ng school paper, tinanong ko siya kung bakit ako ang napili niyang maging Editor in Chief.

"Unang una, dahil ikaw lang ang pangalawang estudyante na nanalo sa regional level. Sayang nga lang dahil Top 3 lang ang isinama sa national level. At saka, what you have is a real talent andrey. Lalo na kapag love ang pinaguusapan, napaka emotional at crunchy ng sinusulat mong article." She complimented.

Nagpasalamat ako ng marami at siyempre, nasiyahan sa narinig. Lalo na't galing pa ito sa isang guro. Salamat kay Matthew na naging inspirasyon ko para tumayo, para magsulat...ng mag-isa sa naka-bend na puno. Ngunit salamat din kay Kuya Liam na nag-motivate at tumulong saaking bumangon at itama ang landas.

"Pero mam...bakit nga pala sinali mo ako noong division level pa lang? Pano mo ko napili?" Tanong ko uli.

"Nagandahan kasi ako sa mga written output mo. Galing sa puso, malaman, at meaningful. But I wouldn't really would have taken it into consideration kung hindi ka nirecommend ni Matthew. He went inside my classroom one time and told me you have great talent in writing. hmmm....Now that i think of it, you should thank Matthew, Andrey. You see, kung hindi ka niya ni-recommend, hindi ko maiisipang isali ang late broomer na ikaw. Tingnan mo EIC ka pa ng school paper natin. hehe." Ang sabi ni mam.

Napa-isip naman ako.Si Matthew? Siya ang nag-recommend? Bakit naman? At saka, pano niya nalaman na marunong ako magsulat?

Noong tapos na ako gumawa ng article, lumabas agad ako at pumunta sa room. Nang makita ko si Matthew, agad ko siyang nilapitan at tinanong kung pwede ko siya makausap. Nagulat naman siya but he didn't say no. Pumunta kami sa may sea wall at doon naupo.

"Salamat ah..." Ang sabi ko. Pareho kami nakatingin sa fish pond.

"S-saan?" Tanong niya.

"Ikaw pala ang nagrecommend kay Ms. Hanna na isali ako sa campus journalism. Kung hindi dahil sayo hindi sana ako ang Editor in Chief." Ang sabi ko. Magpapasalamat din sana ako sa mga masasakit na salitang sinabi niya na dahilan ng mga tagumpay ko.

"Deserving ka naman sa mga natanggap mo. Talented ka sa pagsulat at matalino." Ang sabi niya. I can sense something coming from his voice.

"P-pano mo nalaman na marunong ako mag-sulat? Hindi mo naman binabasa yung mga output ko ah." I asked finally. Iyon lang ang gusto kong malaman at pagkatapos ay aalis na ako. Baka makita pa kami ni Kuya Liam.

Hindi siya agad sumagot. Maya-maya'y pinaikot niya ang bag at binuksan ito.

"Dahil dito..." Kinuha niya ang isang notebook na pamiyar na pamilyar saakin. Ang Diary ko.

Nanlaki naman ang mata ko.

"Paano nakarating saiyo yan?!" Frantic kong tanong. As if naman may mababago sa fact na nababasa niya na ang lahat ng nakasulat doon.

"Binigay yan saakin ni Liam. Ipinagtapat niyang kayong dalawa na. At ayaw niya nang paasahin kita sa wala. Kaya ibinigay niya saakin ito. At nang malaman ko ang naging paghihirap mo dahil sakin, i definitely chose to back off at hayaan na kayong dalawa. Kahit mabigat sa loob ko ang gawin iyon." Pagtatapat niya.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Naiintindihan ko lahat ng sinabi niya maliban sa huling pangungusap.

"Siguro'y panahon na para ipagtapat ko saiyo ang lahat." Ang sabi niya. Kinabahan ako. Gusto kong umalis. Natatakot ako na kapag narinig pa ang mga ipagtatapat niya ay kung ano pa ang maramdaman at maisip ko. Ayokong magatapat siya ngayong huli na ang lahat. Ayokong magtapat siya ngayong mahal ko na si Kuya Liam.

"Andrey mahal kita." Ang simula niya, using his old style na walang ligoy."Unang----"

"Hindi! Ayoko!....ayoko makinig.." Ang sabi ko. Tumayo ako at bumaba sa sea wall. Agad niya akong sinundan at hinila ang kamay ko to stop me from going.

"Andrey please listen...I harbored this feeling for a very long time already...And now that i found the courage para ipagtapat ito, wag mo naman sana akong ipagtabuyan." He said, crying. My guard dropped down when i saw his tears.

Bakit ngayon pang okay na ang lahat?

"Pero una sa lahat, i would like to apologize sa mga masasakit na sinabi ko noon saiyo." Ang sabi niya. "But i want you to know my purpose for saying that. I said that because i know you will do your best to prove im wrong. Naalala mo noong nasa clinic tayo? Noong hindi mo magawang tumayo dahil nanghihina ka? Nang magawa mong tumayo dahil sa pagnanais mong umalis ako ng mga oras na iyon, doon ko naisip na magagawa mo lahat kahit gaano kahirap as long as may pinaninindigan ka't may pinaniniwalaan. You would stand up for what you believe. You would stand up to prove your mettle. At ginawa ko iyon upang...gampanan ang pangako ko saiyo na tutulungan kitang hanapin ang pangarap mo. At hindi nga ako nagkamali. Ginamit mo ang mga masasakit kong salita para talunin ako. Nagtagumpay ka, nagkaroon ng pangarap, at nakamit ito. Iyon lang ang gusto kong gawin mo Andrey. That's why i was very proud of you when you ranked first. Because i knew you did it. I was never wrong when i believed you will. At sorry kung kailangan kitang saktan para doon."

Napakaraming emosyon ang nararamdaman ko noong oras na iyon. Nagkaroon na din ng liwanag saakin ang maraming bagay. Ngunit isang bagay na lang ang gusto ko panindigan ngayon....ang pagmamahal kay Kuya Liam.

"Salamat, Matt. Salamat dahil, kung hindi dahil sayo ay hindi ko marahil nahanap ang pangarap ko. Hindi ko siguro naabot ang kasalukuyang lugar ko. Siguro'y nangagapa pa din ako sa dilim, o kaya'y nakatingin sa ulap, naghihintay lang kung ano ang ibigay ng tadhana. Salamat dahil you made me live my life in a significant way. And most of all, salamat dahil kung hindi mo ako sinaktan, hindi ko sana nahanap ang pag-asa sa kalinga ni Kuya Liam. Hindi ko sana nahanap ang taong nagmahal saakin ng tunay, ang taong nagbigay saakin ng bagong pag-asa, ng bagong buhay. Hindi ko sana nakilala ang taong handang ipaglaban ang nararamdaman para sakin. Pero bakit kailangan mo pang sabihing mahal mo ako? Maari mo namang sabihin saakin ang dahilan mo ng hindi mo na sinasabi na mahal mo ako, diba?!....Bakit kailangan mo pa iyong sabihin? I don't want to confuse my feelings anymore..." Umiiyak na din ako...Matthew held me closer and hugged me. Hindi ko na tinugon ang yakap niya at hinayang bumagsak lang ang kamay ko sa tagiliran niya.

"Because i still love you Andrey. At handa na akong ipaglaban ka. Ella and I broke up weeks ago. When i realized i love you more than anything...At ang diary mo lang ang tanging nagpapasaya saakin. Ang tanging nagsasabi saaking hindi pala ako nag-iisa ng mga oras na confused ako sa nararamdaman ko." Ang sabi niya. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig niya. Nanaginip ba ako? Totoo bang sinasabi ni matthew na mahal niya ako?

"Its too late Matt...maybe its too late..." Ang sabi ko na lang.

"Just give me one last chance. I know you're happy with Liam. Ayoko nang sirain ang kasiyahan mong iyan. But please, give me one chance to love you with all i am and with all i can."

"P-pano?"

"Nasabi mo diyan sa Diary mo na, kung hindi ko sana sinabi ang masasakit na salitang iyon, pangarap mo sanang magkaroon ng isang picture perfect day kasama ako. Let's make that dream a reality Andrey. I want to love you and i want to feel your love...even just for a day." He said. I can't really decide. Marahil ay kung papayag si Kuya Liam. Which i totally doubt.

"Wag mo munang isipin si Liam, Andrey...Ikaw...Anong gusto mo? Anong sinisigaw ng puso mo?" He said, reading my mind. Kumalas ako sa pagkakayap sakanya.

"You have helped me achieve my dreams too many times, Matt. That's enough for me." Ang sabi ko, sabay talikod upang umalis.

"Then take it as thanking me for helping you achieve your dreams...Please...Andrey...I'm begging you. Bukas, sa bayan, magkita tayo sa harap ng Shell. Huling beses na ito Andrey. Hindi na kita guguluhin pa pagkatapos nito."

Humarap ako sakanya, and the moment our eyes met, i was totally lost...I found myself crying...and old feelings came rushing back...That's why i'm afraid na makita ka Matthew...Because my feeling for him is very fragile...Kahit anong oras pwedeng kumawala hangga't nakikita ko siya. Papayag na sana ako ng..

"Andrey?!" Si Kuya Liam. He came over me. Pinunas ko naman ang luha ko. "B-Bakit umiiyak ka? What's going on?" Ang sabi niya. Tiningnan niya si Matthew ng matulin.

"Pag-isipan mo Andrey..." Matthew said.

"Anong pag-isipan?! Tumigil ka Matthew! Wag kang magpaplanong saktan uli si Andrey. Sinabihan na kita ah!" Kuya Liam threathened.

"Hindi ko siya sinasaktan...I'm just asking him to follow his heart where he is happy! Tanungin natin si Andrey...Ngayon mismo...Kung papapiliin ka namin, kanino ka sasama papuntang room?" Tanong ni Matthew na demanding ang boses. But i can't choose right now...Magulo pa ang isipan ko...

"Hindi na iyan kailangan itanong! Tara na Andrey!" Bulyaw naman Kuya Liam. He grabbed my hand at hinila ako but i resisted. Tiningnan niya ako, nangungusap ang mata.

"Sasama ka sakanya?" Galit na tanong ni Kuya Liam. May tono din na nagsasabing unfair ang desisyon ko. "Sa taong yan?! You gotta be kidding me. This is bullshit." Sa pangalawang pagkakataon ay hinila niya ako at nagpaubaya naman ako't sumama sakanya.

Nang pauwi na kami, ang sabi niya'y may pupuntahan kaming bukid sa karatig barangay kinabukasan. May magandang lugar daw siyang ipapakita saakin. Galit pa din ang tono niya. I knew i hurt him again. Why do i keep hurting kuya liam...

"Sumama ka saakin bukas. Doon natin ayusin 'tong walang kwentang problemang 'to." Matigas niyang sabi.

Which then reminded me. Tommorow would also be my wish of a perfect day and a perfect date with Matthew.

I'm torn between two crossroads. How should i choose?

31 comments:

  1. You gotta be kidding me.

    San nga po makakabili ng Kuya Liam at Matthew?
    Galing ng author!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa gay bar magdala ka na rin ng reseta baka di ka pagbilhan. :)

      Delete
  2. Ang ganda ng story :)
    love you author

    ReplyDelete
  3. hays... super ganda ng story from the beginning up to this chapter.... your really a very good writer andrey... keep it up.. :)

    ReplyDelete
  4. Author, I think I kniw where this story is going. But please, kay Kuya Liam na lng si Andrey, wag kay Matthew. IMO, mas bagay sila ni Kuya Liam, typical na kasi sa mga love stories yung aawayin o sasaktan ng love interest ang protagonist then pagkatapos sila naman pala in the end unless tragedy ang genre wherein the protagonist dies.

    ReplyDelete
  5. Nabibitin ako.. kainis #Relate

    ReplyDelete
  6. this is bullshit... bulshit for making me cry author..itong part nato ang pinkasentimental napakgaling mo... Tama nga cla.. firm part 1 t up to this part talgang pgil nihinga ang kwento.. ..love na kita author

    ReplyDelete
  7. Kay Matthew parin ako.. dih lang cla ng kaunawaan ni Andrey sa Una, pero love narin ni Matthew c Andrey.. love you author

    ReplyDelete
  8. Mahal na ata kita author andrey... hehe lagi kong inaabangan ang kwentong ito every update. Keep it up sir galing mong masulat.

    ReplyDelete
  9. Lol, Haba ng hair nag-rejoice ka ba gurl? :)

    ReplyDelete
  10. I prefer Kuya Liam. Tang inang Matthew yan! XD Goodjob author kung di dahil sa syota ko di ko to babasahin, mapilit kasi! XD Hoy babe Tamtam , ako ito XD <3

    ReplyDelete
  11. TANGNA KWENTO PRANING NA AKO.SARAP SA PUSO PERO PINAPAIYAK AKO.HUHU

    ReplyDelete
  12. Nako nakakabitin naman pls next chap na

    Alex19

    ReplyDelete
  13. Sabi nung teacher na si andrey ang pangalawang nanalo sa regional level. Is there a possibility na si liam ang una? Kasi si liam talks a lot of sense and obviously deep thinker. This is one reason that I like liam for andrey rather than matt. Liam is far more mature than all the protagonists in the story..

    ReplyDelete
  14. Shit! First time ko mag comment. Napacomment ako sa galing mo author. This is very good, i mean the best story that i have read here. Sakit sa puso, parang ganito yun story ko pero hindi ko pa alam kung mahal nya din ako. Parang baliw lang. Hahaha

    ReplyDelete
  15. Hay nbsa ko na to dati pero ang ganda tlga .. sarap ulit ulitin.

    ReplyDelete
  16. Ang ganda...pero ayon sa last kong comment...i bet Liam pa rin...let go of Matthew andrey... he's already part of your past...napakapalad mo na kay Liam:) ...very nice story author

    ReplyDelete
  17. Hashtag Team Liam!!!! Hahahaha

    ReplyDelete
  18. Naawa ako kay Liam.
    Pano na kaya pag si matthew ang kanyang pipiliin. Parang ginawa lang si Liam na pagdadausan ni Andrey para makaganti ni Matthew!

    ReplyDelete
  19. Deym! Grabe to! Sobrang galing ng author shit, ok lang na mapuyat ako sa pagbbasa nito, well worth it nman! If you give Matt a 2nd chance then he can prove to Andrey that he is the better lover, now that he is sure about his feelings for Andrey, pero pano nlang si Kuya Liam, who admires everything abt Andrey since he was a child, damn! That's really a true love. Go for Liam please! #TeamLiam :))

    ReplyDelete
  20. I've been thinking for a plot twist in this story ngayon palang, sorry author pero i can sense, na baka si Liam at Matthew pa ang magkatuluyan sa huli, and baka may mamaalam sa huli because of his illness, and so Andrey would make a way for Liam and Matthew's friendship in the end, at baka sila pa ang magkakatuluyan sa huli, pag pumanaw si Andrey. Well, that would be more interesting kung tragic ang magigin ending but would also ignite another love story, another book maybe? Lol. Just kidding author! Kudos to your writing, i've been a great fan of your great piece, well sana ganon ang mangyari, parang fanfiction lang eh hehe.

    ReplyDelete
  21. First, kudos to the author for a really great story.

    Q> What I don't really understand is the reason behind Liam giving Andrey's diary to Matthew. It doesn't make sense. Liam will gain nothing doing that.

    Sabi ni Matthew: "Binigay yan saakin ni Liam. Ipinagtapat niyang kayong dawala na. At ayaw niya nang paasahin kita sa wala. Kaya ibinigay niya saakin ito"

    >>"At ayaw niya nang paasahin kita sa wala."

    Kung titingnan sa Chapter 6 ng story, Liam commented that :"Yung mga eye to eye contacts niyo, its too much for coincidence eh. May something dun Andrey. And both of you failed na ipaglaban iyon"

    Liam knew Mathew have 'something' over Andrey. It's like Liam's wanting Mathew to do something over the fact that Andrey loved him by giving him the diary. A diary full of Andrey's love and heartache for Matthew. Parang siya pa nag push kay Matthew na ipaglaban ang nararamdaman niya kay Andrey. Bakit nya gagawin yun?

    -Jake A.

    ReplyDelete
  22. Kudos to author. Gusto ko na yung next part nito parang "The Road Not Taken" lang haha :)

    ReplyDelete
  23. Shit. Naiinis ako sayo author.. Bt ang galing mo?.hehe Naaawa ako ke liam.. Parang alam ko na ang mangyayari..

    ReplyDelete
  24. Daming comments ah. Naiyak din ako dito. Kudos to the author. ;)

    ReplyDelete
  25. All these comments proved how good a writer you are. Congrats.

    ReplyDelete
  26. Author. Kay kuya liam ka sumama please! Sana ako nalang ikaw hehe

    ReplyDelete

Read More Like This