Pages

Sunday, June 15, 2014

Break Shot (Part 7)

By: Andrey

Dahil sa pagtatapat ko kay Kuya Liam patungkol sa aking pagkatao, lalo kaming naging close sa isa't-isa. Hindi man lang siya nagpakita ng kahit anong sign ng pagbabago ng pakikitungo saakin gaya ng aking inaasahan. Sa katunayan, nang ipagtapat ko iyon sakanya'y mas lalong naging maauruga siya saakin. Mas caring na siya, mas protective. Ewan ko rin kung bakit. Siguro seryoso din talaga siya sa sinabi niyang tutulungan niya akong malimot ang una kong kasawian.

Isang araw, habang kumakain kami ng buko sa kubo namin, may kaunting laman ng buko na nakadikit sa may ibaba ng labi ko. Siyempre, nang makita niya ito, walang pasabing nilapit niya ang mukha niya. Kinabahan ako, namula't lahat lahat dahil baka, alam niyo na. Pero, siyempre inalis niya lang yung laman ng buko gamit yung kamay. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa doon. Hindi sa nabitin ako ha, ngunit napapadalas na kasi ang mga ganoong instances. Yung parang inaakit niya ako dahil alam niyang kahit anong oras pwede akong bumigay. Kaya tumigil ako sa pagkain.

"oh. Anong problema tol?" Tanong niya ng makita na hindi na ako kumain. "Hindi ba masarap yung buko mo?"

"Kuya...bakit feeling ko tini-take advantage mo yung fact na alam mong bisexual ako?" Seryosong tanong ko na may tono ng pagka-inis.

"H-hindi ah. Ba't ko naman gagawin yun, kaw talaga."

"Kuya pwede wag mo na uulitin yun?"

"Yung alin?"

"Yung ginawa mo kanina. Ayokong ganun. Baka ma-misunderstand ko eh kung saan pa ako makarating." Ang sabi ko sabay tingin sa malayo. Natatakot na akong mag-isip ng anu-ano o magbigay ng malisya sa mga kilos ng iba dahil sa experience ko kay Matthew.
Ayoko nang mag-isip na may gusto saakin ang isang tao dahil lamang nagpapakita ito ng kabaitan saakin.

"Sorry na. Pero hindi ko mapapangako na hindi ko na iyon mauulit . haha." Tumawa siya ng kaunti pero nang makitang hindi ako natutuwa, lumapit na lang siya saakin at hinawakan ang kamay ko.

"Sige nga...sabihin mo nga sakin kung bakit ayaw mo?"

"Dahil nga pakiramdam ko ginagawa mo yun porke't alam mong may chance na...na...bumigay ako. Tsaka, straight ka diba, at hindi naman ako babae para gawan mo ng ganun. Kahit sino ba ganun ginagawa mo? Pag may dumi sa lips kamay mo mismo ang gagamitin mong pang-alis? Tapos lalapit ka muna ng bonggang bongga? Diba dapat sabihin mo na lang na may dumi sila sa mukha?"

"Hmmmm....O baka naman takot ka lang na mahulog sakin?" Ngumiti siya ng isang pilyong ngiti at saka tinitigan ang mata ko. Pinalo ko siya sa braso at sinimangutan. Kinuha ko yung mga pinag kainan ng niyog at lumabas ng kubo para itapon.

"Ewan ko sayo Kuya, puro ka biro. Basta ayoko ng ganun, ha?" Ang sabi ko na lang noong medyo malayo na ako.

Ang totoo'y natatakot talaga akong mahulog kay Kuya Liam. Napakabait niya at halos magkapatid na ang turingan namin. Ayokong masayang ang turingang iyon dahil lamang saaking kapalaluhan.

Nang bumalik ako sa aming bahay kubo, nakahiga si Kuya Liam sa maliit na kwarto at nakapikit ang mga mata. Ang kanyang mga kamay ay hinigaan niya ng kanyang ulo. Hindi ko naman maiwasang i-admire uli ang katawan ni Kuya. Hipit na hipit yung damit niya lalo sa may braso dahil sa laki ng biceps. Nakadagdag din ang tanned complexion niya sa appeal. Hunk na hunk ang dating. Pwede nang pang cover ng Magazine. Ansabe ni Aljur?

Nasa ganoon akong pagmuni-muni ng bigla siyang magsalita.

“Yung Matthew... Is he that great?” Tanong niya habang nanatiling nakapikit ang mata. Hindi ko alam na nahalata niya pala ang pagpasok ko.

“He’s perfect. Well, almost. Lahat na yata ng katangian na dapat mong hangaan sa isang tao ay na sakanya na. Matalino, mabait, masayahin, masipag, magaling sa sports, humble, gwapo, matipuno ang katawan…”

“Mas matipuno ang katawan ko.” Singit niya. Napatawa naman ako.

“Bakit, hindi ka naniniwala?” Dumilat siya at tumayo. Hinubad niya ang kanyang suot na T-shirt, revealing his complete package, 6 pack abs. Napalunok ako. Ang ganda talaga ng katawan ni Kuya. Malapad din ang dibdib niya kaya proportion sa kanyang abs. Umikot siya at pinakita ang kanyang likod. Napaka-mascular nito.

“Oh ano? Convinced ka na? Sabi nga ng mga babae sa barangay natin I’m irressistable. Patay na patay sila saakin.” Ang sabi niya na ngumit ng pilyo. Sinubukan ko siyang i-challenge.

“Hmm..nice body kuya…pero…talagang mas prefer ko yung katawan ni Matthew.” Nagpa-taray effect uli ako at nagkunwaring nawalan ng interes at tumalikod para tahakin ang pinto. He quickly grabbed my wrist and gently pushed me on the wall. I was so shocked that time for two reasons. Nagulat ako dahil sa magugulatin ako, at nagulat ako dahil pinagitan niya ang ulo ko sa dalawang niyang braso. Dagdagan pang nakahubad pa rin siya.

“K-kuya…” 100 things came running in my mind that time. 75 ay malalaswa at 25 ay nagiisip ng paraan para makaiwas sa possibleng mangyari.

“Gusto kong bawiin mo yung sinabi mo…” Medyo dangerous yung boses niya kaya napalunok ako.

“Kuya naman eh. Di ba kasasabi ko pa lang na ayoko ng mga ganito?” Though sa isang banda ng isip ko parang gusto kong sabihin “do what you want”

“Bawiin mo muna. Hahalikan kita pag hindi mo yun binawi.”

Go kuya, go!!!

“O sige…Ikaw na ang may magandang katawan. Ikaw na!” Ang sabi ko.

Ngunit mukhang hindi siya satisfied sa sagot ko kaya mas nilapit niya pa yung mukha niya.

“Joke lang kuya. Ikaw naman talaga ang may magandang katawan eh. Walang wala si Matthew sa katawan mo. Pang artista pa nga ang saiyo eh.”

Yumuko naman siya at tumawa. Inalis niya yung kamay niya at umiling-iling.

“hayyy andrey, ang sarap mo talaga lokohin.” Kinuha niya ang t-shirt niya at isinuot ito habang hindi maalis ang ngiti.

Umiling-iling ako bago fully nakarecover sa mga nangyari. Tsk tsk. One word sana baka naranasan ko nang mahalikan ng juicy lips ni kuya liam. Its amazing how big changes would have taken place with the words we chose to say.

Dali ko namang tinahak ang pinto...Ngunit bago lumabas, nilingon ko muna si Kuya Liam.

"Kaya pala you're known for being irrisistable." Sabi ko. Tumingin rin siya sakin.

"Hay salamat. Now alam mo na ang charm ko?" He quickly smiled, flashing those cute dimples.

"Anung charm? Eh sa lakas mo sino makakaressist sayo?! Bleehh!!" Nilabas ko ang dila at ska tumawa sabay takbo paalis.

"Hoy, teka!"
.................................................

Nasabi ko ba kung anong petsa na? Hindi? Well, June na po at malapit na ang pasukan. Hindi ako sumama kay mama noong enrollment dahil ayaw ko makita sina Ella at Matthew. Bagkus, i spent time na lang with Kuya Liam. That day was a special day dahil nagplano kami maghiking sa Mt. Masaraga. Ang barangay kasi namin ay napapagitnaan ng dalawang malaking bundok; and mt. mayon na isang active volcano at ang mt. masaraga na hindi.

Maaga ako nagising...siguro 3:00 at inayos ko na lahat ng kakailanganin ko. Tubig, pagkain, biskwit, mga snacks, ilang prutas, extrang damit, etc. Ang plano namin ay doon magpalipas ng gabi para makita ang sunrise. Siyempre excited naman ako sa experience. Kakaibang tanawin for sure ang mga naghihintay saamin doon. Pero excited din ako sa maaring mangyari kapag kumagat na ang dilim. hihihi. Siyempre, matutulog ako sa tent sa isang bundok, kakaiba yun diba?

Kahapon pa lamang ay nagpa-alam na si Kuya Liam kina mama sa lakad namin sa araw na iyon. Alam na nilang hanggang umaga kami doon kaya everything's settled. At nangako naman si Kuya sa kanila na aalagaan ako.

Alas sinko noon nang sinimulan na namin ang paglalakbay. It was indeed an unforgettable experience. Idagdag pa ang katotohanang kasama ko ang isang taong naging espesyal na din saakin.

Napakaganda talaga ng view lalo na noong medyo nakaka-akyat na kami. Hindi naman namin goal na maabot yung pinakatuktok dahil baka abuting ng limang araw. Basta doon lang sa mataas. Naka-ilang tigil din kami para magpahinga. At iyon na nga, breathtaking talaga ang mga tanawin. Mistulang naging isang bahagi na lamang ng puzzle ang barangay namin, at mula doon sa itaas ay kitang kita namin ang mga karatig na barangay,mga taniman ng palay, yung kulay gold na taniman na mais, at yung mga maliliit na sasakyan na parang laruan lang. Super ganda lalo na't nakita namin iyon noong papalubog na ang araw dahil hapon na. Nakakita kami ng clearing at nagdesisyon na doon na lang mag-camp. At noong madilim na, si-net up yung tent namin. Dalawang maliit na camping tent (yung parang pagong) ang aming dala. At matapos noon ay nag-ipon kami ng mga tuyong sanga ng kahoy para gumawa ng apoy. Soobrang lamig talaga doon sa itaas. Naglagay din kami ng dalawang log para upuan.

7:00 pa lang siguro yun ngunit nakaramdam na kami ng gutom. Kinain na namin yung iba sa daan at enough na rin yung natira para ngayong gabi. Habang kumakain, nagkwentuhan kami ni Kuya. (Actually, maghapon na kaming nagku-kwentuhan ngunit ngayon lang yung...serious talk, ika nga.)

"Pano yan, malapit na kayo magpasukan." Ang sabi niya habang kumakain kami ng baon naming kanin tsaka adobong karne.

"Oo nga eh." Ang tanging nasagot ko. Nalulungkot ako dahil it means 2 things i don't want to happen: 1. minsan na lang kami ni Kuya Liam magkikita, at 2. makikita ko na naman si Matthew.

"Mag-ayos ka na tol ah. Wag ka nang tamarin mag-aral. Remember may goal ka at may pinangako ka sa Matthew na yun."

"Opo!" Sarcastic kong sagot. "Ngayon ngang medyo humupa na ang galit ko, i realized im such a fool para i-challenge si Matthew ng ganoon. It will be such a big responsibility saakin. Pero hindi naman ako umaatras. Medyo conscious lang ako sa katakut-takot na pag-aaral na gagawin ko. Kailangan ko pang talunin siya sa mga contest. Hayyy" Ang sabi ko habang nakatingin sa nagniningas na apoy.

"Ang lesson jan, don't make life-changing decisions during moments of emotional frenzy." Ang sabi niya. Napatingin naman ako sakanya.

"Kuya, it had been bothering me noon pa ha, nahahalata ko ang galing mo mag-English. Kung mag-aaral ka ba ngayong taon anong year ka na?" Tanong ko sabay subo.

"Haha. Hindi mo naitatanong, lagi din ako best in english noon nag-aaral ako." Ang sabi niya. Ngumit uli siya. Kahit sa dilim nakikita ko pa rin yung dimples niya.

"Talaga? Anung year ka na nga?" Inulit ko yung tanong na hindi niya sinagot.

"4th year. Kung mag-eenroll me this year 4th year na ako." Ang sabi niya.

"WHAT!?!!!?!! 4th year ka din!" Nagliwanag naman ang mata ko sa gulat at saya. "Kuya, please go to school na para magkaklase tayo!!!"

"Hmm..that's a little impossible sa ngayon. Pero malay mo." Ang sabi niya naman sabay tingin din sa apoy.

"Ayaw mo yata na makaklase ako eh." Naisip ko kasi what a great thing kung kasama ko sa school si Kuya Liam. Hindi na ako masyado malulungkot at baka tuluyan nang ma-transfer ang nararamdaman ko para kay Matthew sakanya.

"Gusto ko din mag-aral pero, feeling ko ang tanda ko na para jan. Oo, dalawang taon lang ako matanda sa mga karaniwang 4th year, pero, siyempre kahit papano, mawawala din ako."

"Hindi kuya! Promise, mababait ang mga kaklase ko! Tsaka hindi naman kita pababayaan eh. Lagi tayo magkasama." Halos lumuhod na ako na sa pakiusap sakanya.

"Wala ka na ba talagang balak na ibalik yung pagkakaibigan niyo ng best friend mo? Magtatanong iyon kung bakit bigla mo siyang iiwan sa ere." Ang sabi niya. Kahit alam kong nilalayo niya ang original topic, nalungkot ako doon sa sinabi niya. Ayoko din i-ignore si Ella ngunit ano pang magagawa ko kung every minute na kasama ko siya lagi ako nagpapanggap. Kung sabagay, sinimulan ko ang laban sa pagpapanggap. I pretended na kaya kong tanggapin na siya ang mahal ni Matt at magiging happy ako para sakanila. Pero siguro naman i've done enough na. Sila na nga ngayon eh. Tapos ko na din yung role ko. At saka, kung sa every minute na kasama ko siya ay nasasaktan ako, saan na lang ako lulugar? I've been pretentious long enough. I've worn too many masks...at sa dami ng nasuot ko, hindi ko na alam kung sino pa ba doon ang totoong ako. May karapatan naman siguro na mag-demand ako ng break time sa bestfriend ko...

"Hindi na siguro. Kakausapin ko na lang siya at gagawa ng kwento. Basta kuya hindi ko na kaya pang makipag-plastikan pa sakanya. Yung kagustuhan kong maging masaya siya with someone, sincere ako doon. At ngayong nakamit niya na iyon, i don't find any reason para magtagal pa ang pagkakaibigan namin gayong nasasaktan ako ng hindi niya nalalaman."

Tumango lang si Kuya Liam.

"Eh yung Matthew. Maliban sa goal mong talunin siya...Sigurado ka bang kapag kinausap ka niya at pinakiusapang wag na ituloy ang laban mo, hindi ka biglang bibigay? Sigurado ka bang hindi mo na siya mahal?" Ang tanong niya. Natagalan ako sa tanong niya. Yung una, sigurado ako na hindi ko gagawin iyon. Ngunit yung pangalawa, hindi ako sigurado.

"Hindi na kuya. I actually despise him pa nga. Alam ko wala naman siyang ginawang masama directly saakin maliban sa mga pinagsasabi niyang sumugat sa puso at matagal na maghihilom, ngunit sa mga paghihirap ko, i realized holding on to something which is not there is of no worth at all. Para lang akong nagwawalis habang nakabukas yung electric fan. Sayang lang lahat ng gagawin kong effort."

Muling tumango si Kuya. This time, bago siya nagsalita ay tumingin siya saakin.

"Eh ako. Pano ako?"

Napa "huh" naman ako sa sinabi niyang iyon. Ngumiti siya bago nagpatuloy.

"Alam kong magiging super busy ka na kapag nagsimula na ang school days. At dahil doon, alam kong wala ka na ring time para gawin yung mga ginagawa natin. At wala akong angal doon. I want you to succeed in your goal. Pero, i want you to know na...na...it would be hard for me to let you go like this. I mean, you are still very vulnerable. Alam kong natatakot ka na kapag nakita mo si Matthew, the old feelings would come rushing back. The feelings you have for Matthew is so deeply rooted, that's why you were able to endure so much pain." He came nearer, and then crouched in front of me. Kinuha niya ang kamay kong nilagay ko sa bulsa ng jacket at hinawakan iyon. "And what saddens me is the fact na nangako ako na po-protektahan kita. Akala mo siguro nakalimutan ko na ang pangakong iyon, but that promise came from my heart, Andrey. I want to protect you. But how can i protect you if i let you face the rough roads alone?"

Naiintindihan ko ang lahat ng sinabi niya, but they came as fragments in my mind. Parang mga parts lang na kapag binuo, makukuha mo yung meaning. Pero hindi pa rin buo lahat ng part kaya hindi na lang ako nagsalita. Ngunit may nabubuo ng idea sa isip ko.

"What I'm trying to say is...pano ba 'to...Gusto ko lang na..." Ang lakas naman ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako sa sasabihin niya. Tama kaya yung hinala ko? Kaya hindi niya masabi? Kaya inunahan ko na lang siya. Again, copying yung boldness at recklessness ni Matthew para walang ligoy

"Mahal mo ko? Gusto mo kong protektahan kasi mahal mo ko?" Ang sabi ko. Hinintay ko siya tumawa but his expression was a mixture of shock and shyness.

"Tama yung hula ko, kuya?" Tanong ko na may pilyong ngiti. Inisip ko kasi na nagulat siya kasi malayo yung hula ko sa sasabihin niya. Kaya kumaway kaway na lang ako "Ay, hindi kuya, joke lang yun...haha. ba't ko ba naman sinabi iyon. haha...IMPOSSIB----"

So alam niyo na kung bakit hindi ko na natapos yung word na impossible? Oo, tama kayo, he kissed me. In the most sweeeetest way. He gently held my face with both hands and kissed me. Shock talaga to the bones ang lolo niyo. Pero ninamnam ko naman ang moment by closing my eyes. His kiss was so gentle...so sweet...And na-feel ko namang galing sa puso niya yung halik dahil hindi niya ginamit yung dila niya. Siguro mga isang minuto kaming ganoon. And the moment na tumigil siya sa paghalik sakin, he looked intently into my eyes.

"Bata ka pa lang Andrey, i know i care so much about you na. Hindi ko alam kung nahalata mo iyon pero kapag pumunpunta ako sa bahay ninyo ikaw ang hinahanap ko. Pero noong nalaman kong nagka-girlfriend ka na, i immediately stopped myself dahil alam kong impossible. I was having a taste of hell myself dahil habang lumalaki ka, my feelings also grow. And the moment i saw you that one morning when you were asleep alone, i immidiately knew i love you. Pero dahil i want to treasure our friendship, lagi ko pinipigilan ang sarili ko. Hindi mo alam kung ilang beses ko na kinuyom ang nararamdaman ko lalo na kapag tayong dalawa lang sa kubo. Gusto ko na samantalahin ang pagkakataon, pero ayoko din sirain ang tiwala mo saakin. At noong inamin mong bi ka, naglulundag ang puso ko noon kahit nagalit din ako sa taong nanakit saiyo ng ganoon."

Pinunas niya ang luha sa mata ko na kahit ako ay hindi alam na lumuluha na pala. Ganoon din ang ginawa ko sakanya dahil umiiyak din siya. Tapos maya-maya medyo tumawa ako.

"Si Kuya naman eh. I love you lang ang sasabihin, pinahaba pa." Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya. Kay sarap ng pakiramdam na may isang taong nagmamahal pala saiyo. Nasasaktan kapag nasasaktan ka, masaya kapag masaya ka.

Ngunit...

"Ako Andrey, mahal mo rin ba ako?" Hindi ako agad nakasagot sa sinabi niya. Ang totoo'y hindi ko pa alam. Pina-process ba ng mind ko ang mga sinabi niya. And part of me, hindi pa rin makapaniwala. Iniisip ko pa nga na prank ito. But his tears proved his genuity.

Hindi ko pa talaga alam noon ang nararamdaman ko. Mahal ko pa rin si Matthew. Siya, at siya pa rin ang tinitibok nito. Ngunit may lugar din doon si Kuya Liam bilang taong tumulong saakin during the times na kailangan ko ng kaibigan. Alam ko rin na, kung hindi ko lang sana pinigilan ang sarili ko, kundi hindi lang sana ako natatakot na maulit ang nangyari saamin ni Matthew, baka tuluyan na akong nahulog sakanya. Pero ewan ko rin. Ayan na si Aljur sa harapan ko oh, nagtatapat na...nagpapaka-corny na pero parang hesitant akong sunggaban siya. Physically oo, deal na deal ako dun. Pero yung long term, yung emotional attachment, hindi ko pa masyado feel.

Ayoko din naman masaktan si Kuya Liam kung sasabihin ko ang totoo sakanya. Pero ayoko din naman siyang masaktan kapag nagsinungaling ako't umasa siya.

"Andrey?" tanong niya saakin noong matagal na hindi ako sumasagot.

"Kuya...ikaw mismo nagsabi saakin na deeply rooted ang pagmamahal ko kay Matthew. At mahirap talagang basta siya kalimutan. Mahal din kita kuya...pero, ang puso ko...hindi pa rin tuluyang naghihilom sa sakit na dinanas kay Matthew. Kuya sorry pero, hindi pa kita masasagot ngayon." Ang tanging nasagot ko na lamang. Hindi naman natinag si Kuya Liam. Parang iyon na din ang ini-expect niyang sagot ko.

"Naiintindihan kita Andrey. Pero wag mo isara ang puso mo para saakin. Papaibigin kita Andrey. Liligawan kita. Sisiguraduhin kong mamahalin mo ako." Ang sabi niya sabay ngiti. Kinilig naman ako doon, choss!

Kaya niyakap ko na lamang siya. Napakasaya ko ng mga oras na iyon dahil nalaman kong pwede pala akong mahalin ng tulad ni Kuya Liam.

"Tara. Matulog na tayo." Ang sabi ko. Napatingin siya sakin sabay pilyong ngiti. "Oy...pareho tayong may tent ah..haahah." Nagtawanan kami.

"Tabi tayo Andrey!" Sigaw niya bago pumasok ng sariling tent. Natatawa akong parang kinikilig. Sa paraang sinabi niya kasi iyon parang nagpipigil siya kaya pumasok agad sa tent.

Sooobrang lamig. Dalawang kumot na gamit ko, nakajacket pa pero nilalamig pa rin. Napa-isip tuloy ako. Napakawarm siguro ng katawan ni Kuya Liam. Parang part of me, gustong pumunta sa tent niya at magpakalaya, pero my heart don't want to.....yet...Alam kong hindi magtatagal mahuhulog din ito kay Kuya Liam. Hinipan ko ang kamay ko at kinusot-kusot. Suddenly, bumukas ang zipper ng tent at nagmamadaling pumasok si Kuya Liam. Napabalikwas naman ako.

"Wag kang magreklamo kasi isang kumot lang pinadala sakin ni mama mo...Andaya." Tuloy tuloy naman siya sa pagtabi saakin at saka nilapag din yung kumot niyang dala. "woooh...better."

Noong maka-adjust na ang isipan ko, nahiga na rin ako. Sobrang lapit namin sa isa't-sa . At ang idea na kaming dalawa lang sa loob ng tent, at na sa taas pa kami ng bundok na walang katao-katao, ay naghatid sa katawan ko ng kakaibang kiliti. Pero lumalaban ang puso ko, nagagalit sa gusto ng isip ko na....i. Nilingon ko si Kuya ngunit nakapikit na siya. Tumalikod na lang ako at pumikit na rin. Mabuti naman dinala na ni kuya yung kumot niya dito at nandon siya...mas warm na kasi. Maya-maya, umikot siya saakin at niyakap akong nakatalikod. Pinulupot niya din yung paa niya sa paa ko.

Napa"mmfff" naman ako ngunit sa lakas niya ay wala naman akong nagawa. Parang may nagsasabi sa loob ko"sige kuya, rape na lang para ikaw lang ang maguilty"

Pero wala na siyang ginawang iba kundi ang yakapin ako. Ang gulo ng nararamdaman ko noon. May parte saakin na gustong may mangyari pero my heart is not feeling like that. Ang sabi ng puso ko ay maging loyal ako kay matthew dahil siya ang laman nito. Pakiramdam ko nga kahit im simply sleeping in the same tent with Kuya Liam, grabe umandar ang konsensya ko. Parang yung feeling na nakokonsensya ka dahil alam mong you're cheating. Pero wouldn't that be unfair? Samantalang si Matthew napakabilis na nagkaroon ng Ella ng hindi nakokonsensya, ako, tatabi lang sa taong nagmamahal saakin, grabe ang nararamdamang guilt.

Maya-maya inangat niya ang ulo niya at nilapit sa tenga ko.

"If i kiss you right now, magagalit ka ba?" He said na parang nang-aakit pa ang tono. Nararamdaman ko ding dinadampi-dampi niya yung lips niya sa tenga at pisngi ko. Natagalan ako sa pagsagot, hindi dahil sa ini-enjoy ko yung padampi-dampi niyang halik, kundi dahil nakikita ko ang mukha ni Matthew. Andito na naman yung feeling na isang word lang ang isagot ko, napakalaking pagbabago na ang magaganap.

Hindi ko na nagawang sumagot at tumango na lang ako. Nang makita niya iyon ay hinalikan niya na lang ako sa braso at niyakap uli ako. We cuddled at each other like lonely kittens. Hindi ko alam kung ano ang umaandar sa utak niya. Pero ako, the fact that my heart wants to stay loyal to Matthew is killing me.

And I hate myself for that.

10 comments:

  1. Waiting for next chapter, hopefully magkita na kayo ulit ni matthew. I'm wondering kung saan tutungo ang lahat pagnagkita na ulit kayo. Kudos Author :)

    ReplyDelete
  2. Wag po sanang tatamarin yung writer .. Kinikilig po talaga ako sa story :))

    ReplyDelete
  3. author plssss sabi nga nung isang ng comment wag kang tamarin.. ganda ng kwento nakakainlove.. pero author mas inaabangan ko yung muling pgkikita ninyo sa school nina Ella at Mathew..

    ReplyDelete
  4. Gusto ko talaga makilala si andrey since parehas kami ng pinapasukan school/univ. at mag ka year ata tayo. Unless iniba mo lang din yung pinapasukan mk ngayon. :)

    ReplyDelete
  5. Ganda ng story development. Excited for the next chapter

    ReplyDelete
  6. Ganda talaga...parang mas bet ko si liam:)

    ReplyDelete
  7. I really like ur story andrey!
    I wish i could know u!
    Wehehehe

    ReplyDelete
  8. Pano yn pag natalo mo c matt sa pagiging valedictorian nia.. edi hndi na cya mg kakaroon ng full scholarship.. ?


    hahaha pero kinikilig ako..
    ganda po ng story nio.. :) <3 <3<3

    -drei

    ReplyDelete
  9. Pls update agad po bitin sana 5 part agad hahahhaha

    ReplyDelete
  10. Ang mature mo for your age and being true to yourself. I admire your self control kahit bagets kapa. Sarap maging bata siguro ulit. You're inspiring me...

    ReplyDelete

Read More Like This