Pages

Sunday, June 1, 2014

Break Shot (Part 3)

By: Andrey

Sa pag-open up saakin ni Matthew, nagtanim rin siya ng pagkakaibigan. Mula ng malaman ko ang story ng buhay niya, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hangaan siya ng sobra. Iyon ay, kung paghanga pa nga ang aking nararamdaman. Kahit papano'y ayos na ako sa aming set-up. Kuntento na ako na nandiyan lang siya, tinitingnan ako, at kapag may time, nagkukwentuhan kami. Hindi namin kami naging sobrang close dahil may tropa siya at may Ella ako. But i can still feel the connection between us. Through our eyes, our minds, and our hearts. That's what i feel kahit walang kasiguraduhan.

One time noon, nagmuni-muni ako sa likod ng room habang pinagmamasdan ang malaking fishpond outside the school grounds. Mayroon din kasi doong parang seawall dahil kapag may bagyo, umaapaw ang fishpond at minsan nang nakapasok sa school yung tubig. Napuno tuloy yung quadrangle ng mga isda. Kaya para hindi na maulit iyon, pinalagyan na lang ng malaking pader bilang bakod. Pinagbabawal na umupo doon dahil delikado ngunit, sanay naman ako sa bawal eh. hehe.

Nag-isip isip ako noon patungkol sa aking pangarap. Ano nga ba ang gusto ko maging? I remember during our graduation in kinder, ang sabi ko noon gusto kong maging doktor. Pero ano nga ba iyon kundi bulong sa hangin. Mas mainam na may goal ako dahil fourth year na ako sa susunod na taon. Kailangan nang pumili ng kurso. Nasa ganoon akong pagmuni-muni nang biglang may umupo sa tabi ko. Si Matthew.

"Ang lalim ng iniisip mo Andrey ah...Gusto mo hukayin ko?" Ang sabi niya sabay ngiti

"Sige ba. Malay mo makatulong ka sa paghuhukay mo."

"Makakatulong lang ako kung pahihintulutan mo akong maghukay."

"Okay, i give you permission to dig." Literal na sabi ko.

"So, what's bothering you?" Tanong niya na nagpatawa sakin.

"English yun ah...paburger ka naman."

"Porke't mahina ako sa English hindi na ako pede magsalita in English?"

"Joke lang. Nalulungkot lang ako kasi...parang malayo sakin ang pangarap ko. Sabihin na nating malapit nga pero hindi ko naman alam kung pipiliin ba ako ng pangarap na pinili ko."

"Alam mo maswerte ka nga kasi nasaiyo na lahat ng opportunities. Matalino ka, at kaya ka papag-aralin ng magulang mo sa isang 'prestigious' university" Inemphasise niya yung prestigious.

"Kaya, kung tutuusin wala ka namang dapat problemahin. Bakit mo naman nasabing hindi ka pipiliin ng pangarap mo? Tayo ang magdidikta kung pipiliin tayo o hindi. Kung gagawin mo ang lahat ng makakaya mo sa tingin mo ba lalayuan ka pa rin ng pangarap mo?"

"Mahirap kasi...lalo na kung wala kang kasiguraduhan."

"saang parte ka pa rin ba hindi sigurado? Eh halos secured na ang future mo. Naiingit nga ako saiyo eh. Pero, ito ang binigay saatin ng Diyos kaya, kahit magkakak-iba ang pinaglalaban natin, gawin natin lahat ng makakaya para maabot iyon. Iba iba ang binigay na opportunity, na chance, na breakshot. Nagkataon lang na mas kaunti saakin at marami saiyo. In the end, kung saan tayo lalagpak ay na sa kamay na natin."

"Ibinigay saiyo ng Diyos ang ganyang klaseng buhay Matthew dahil matatag ka. Siguro mahina ako at hindi ko kakayanin kung ako ang nasa lugar mo kaya ganito ang buhay na ibinigay saakin ng Diyos. Kailangan ko lang maging matatag na laging tahakin ang tamang daan." Ang sagot ko sakanya. "Ngunit may isa pa akong problema eh..."

"Ano yun?"

"Hindi ko pa alam ang pangarap ko."

Napatingin naman saakin si Matthew at hindi malaman kung ngingiti o sisimangot. Ginulo na lang niya ulit yung buhok sabay sabi. "Ang kulit mo talaga. Kung ano ano na ang sinasabi mo tungkol sa pangarap na yan eh hindi mo pa pala alam."

"Dahil ikaw ang tinutukoy kong pangarap"

"Ano ba ang pangarap mo Andrey?"

"Ikaw ang pangarap ko Matthew. Ang mayakap ka, ang mahagkan ka sa labi. Ang makasama ka lagi. Ang marinig sa boses mo na mahal mo rin ako."

"Hindi lalayo saiyo ang pangarap mo if you will just do your best to win it."

"Hindi ka rin ba lalayo, Matthew?"

"Isipin mo lang na ang pangarap ay parang mga bituin. Gawin mo ang lahat para maabot iyon. At kapag naabot mo na, magiging isa kayo; ikaw at ang pangarap mo. At kapag isa ka na ring bituin, use it to light the way for others. Shine. Ipa-alam mo sa tao na minsan, isa ka lamang na mangagarap. Na ngayon ay naging bituin dahil sa pagsisikap."

"Ikaw ang bituin ko Matthew. Napakalayo mo...Mahirap kang abutin. Sana dumating ang araw na maabot kita. Ikaw ang bituin ko Matthew...sana patuloy mong bigyang liwanag ang buhay ko."

"Andrey? Okay ka lang?" Ang tanong niya noong hindi ako sumasagot.

"Ang problema, Matt, ay hindi ko pa alam kung paano ko maabot ang pangarap ko kung ganito ako lagi." Lumingon ako sakanya. Tinitigan ang mata niya. Matagal. Nangungusap.

"Hayaan mo...Tutulungan kitang maabot ang pangarap mo." Ang sabi niya. Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko.

........
Gaya nga ng aking sinabi, masaya na ako sa sitwasyon namin ni Matthew. Mutual understanding ba ang tawag dun kapag nagkakaintindihan kayo sa paraang hindi mapaliwanag? Sa takot na baka masira ang sumisibol pa lang na pagkakaibigan namin, i didn't dare to move one step closer. Hindi ko pa rin alam ang takbo ng isip niya kahit i feel naman na he's sincere. Everything seemed perfectly fine nang mga oras na iyon. Grabe pa rin ang mga kilig moments na pasimple niya lang na ginagawa. Napakamatulungin niya rin saakin. Noong una, kuntento na ako doon. Pero habang tumatagal ay lalo ako nahihirapan. Nandiyan nga siya, lagi ko nakikita, nakakasama ko, pero hindi ko masabi yung mga bagay na gusto ko sabihin. Gusto ko siya yakapin, pero hindi pwede...gusto kong malaman kung ano ako sa buhay niya...pero natatakot ako sa maari niyang isagot. Pag minsan nag-uusap kami tapos bigla na lang ako napapatitig sakanya, ginugulo lang niya ang buhok ko. Nung una naiirita ako pero habang tumatagal parang nabubuhayan yung inner child ko. Part of me is vulnerable to touches and such gestures. Siguro its something that my inner child missed. Ewan. Basta minsan niya matutula na lang ako, nagiisip kung pano kaya kung malaman ni Matthew ang totoong nararamdaman ko sakanya. Pagtatawanan niya kaya ako? Magagalit siya? Sasabihin niya rin kayang mahal niya ako?

Natatakot ako dahil ayoko ng rejection. Ayoko ng humiliation. Ayoko ng regrets.

Pero nagpatuloy pa rin ako despite the aching pain i feel inside. Its not a little later nung nagsimula nang maglaro ang tadhana.

"Bhest, kelan mu ba sasabihin ang dahilan ng iyong newfound happiness?" Tanong ni Ella isang beses.

"On Friday, sasabihin ko na." Napag-isip isip ko kasi na kung mayroon mang makaka-intindi saaking pinagdaraaanan, ang bestfriend ko iyon.

"Paano bhest kung may ipagtapat ako sayo at hindi mo matangap?" Tanong ko kay Ella.

"Na ano? Na bakla ka? Wag na dahil hindi ako maniniwala. At saka, lagi naman kitang tanggap. Kahit maging gf mo pa ang principal natin, okay ako dun. Basta kung san ka masaya Andrey. Dun ako."

I was happy naman on Ella's comment. Kahit papano, nabawasan ang worry ko at alam kong may taong handa akong tanggapin. Finally, may mapagsasabihan na ako ng sekreto ng aking lihim.

"Aasahan ko sa Friday bhest ah! Don't fail me. Dahil may ipagtatapat na din ako sayo. hehehe." Ang sabi niya na parang kinikilig pa.

"Wag mo sabihing may nanliligaw sayo?"

"uhhhmm...parang ganun na nga..."

"Talaga? wow...himala...i'm happy for you bhest. Akala ko hindi ka na makakamove-on sa first love mo eh. Di ba ang tagal mo yung minahal pero hindi man lang ibinalik sayo yung pagmamahal mo. So its really nice to hear na may nanliligaw na sau."

"che. forget na natin yun. Ang mahalagang itanong mo ay "who?". pero siyempre hindi ko sasagutin. Sa Friday na lang."

"ah ganun...excited naman ako...hehe"

"teka bhest...eto bang bagong source ng happiness mo...ay...sigurado kang....mahal ka rin?"

"h-huh? b-bkit mo naman natanong?"

"wala. baka kasi hindi ka gusto nareject ka pa. Eh di nasaktan ka tuloy. First time mung masasaktan kpag nangyari iyon. First cut is the deepest, bhest. Naranasan ko iyan. Kaya I'm worried sau. So, sure ka ba jan sa bagong yan?"

Hindi ako nakasagot. Yung 3 biggest fear ko ay naroroon sa sitwasyon namin ni Matthew. Mukhang masasaktan talga ako kapag lahat pala ay para sa wala.

"Don't worry bhest...Magiging okay ang lahat." Ang sagot ko na lamang.

Nang sumunod na araw, pag dating ko sa room ay nakita kong nakaupo si Matthew sa upuan ko at magkausap sila ni Ella. Nakaramdam ako ng kakaibang saya nang makita ang tagpong iyon. Ang dalawang taong i consider special ay magkatabi...How cute. Lumapit ako at tiningnan ako ni Matthew na parang nataranta ng kaunti.

"Andrey...upo ka nah..." Tumayo naman siya at nginitian ako. I smiled back. May sasabihin pa siguro siya nang tumunog ang bell.

Nung nakabalik na kami sa room, tinanong ko si Ella.

"Ba't nandito si Matthew bhest?" tanong ko with pure innocence

"wala...bakit, bawal na ba tumabi saakin kung may gustong tumabi?" sarcastic niyang sagot

"hindi naman...that's something new lang. Bagay kayo ah..." biro ko sakanya

"talaga? hahaha....ikaw talaga...hindi naman masyado..." ang sabi niya pa na kinilig din. Medyo naguluhan ako.

"biro lang...kaw talaga...naniwala agad" sumimangot naman siya nang marinig iyon.

"ewan ko sayo. oy, friday na bukas ah! handa ka na ba? Magprepare ka nah ng speech"

"siguro....depende...hehe"

"Andaya mo talga. Diba nangako ka nah?"

Napakamasayahin ni Ella ng araw na iyon. Napantayan niya ang level ng kasiyahan ko kaya never boring yung day na yun. Grabeng tawanan namin, kulitan, pikunan. Pero nahahalata ko rin na pareho namin gusto sabihin sa isa't isa yung mga lihim namin dahil siguradong mas masaya kung ganoon. That time, i realized i really care for my bhest. She knows alot about me, ang timpla ko, mga mood ko, lahat lahat pati mga brand ng brief na gusto ko. Minsan nga nakararating pa kami sa issue ng sex. Hindi talaga kami naiilang sa bawat isa. Sabi ko nga sa sarili ko she's the perfect bestfriend one could have. Siya yung tipo na magmumukang tanga basta lang mapangiti ka when you're feeling sad. Siya rin lang ang taong nakaka-alam ng sakit kong hyperglycemia. Naglakwatsa kasi kami noon sa sentro ng bigla akong nahilo. Sinabi ko sakanya na napapadalas na iyon kaya hinila (literaly) niya ako papunta sa isang center at pina-check-up-an. Kulang daw ako sa glucose na source of energy ng brain. Kulang din daw ako sa exercise kaya mahirap mautilize yung glucose ko sa katawan. Hindi ko naman iyon sinabi sa magulang ko. Akala ni Ella sinabi ko pero hindi. Ewan ko kung bakit hindi ko sinabi. Ayoko lang nag magoveract na nmn sila. Mamaya niyan patigilin ako sa pag-aaral dahil lang dun.

Nung hapon, nilapitan ako ni Matthew at tinanong kung pwede daw ba kami mag-usap. Pumunta uli kami sa likod ng room at naupo sa parang sea wall.

"Ano yung sasabihin mo?" Tanong kong parang naaatat.

"hehe. nothing in particular. Gusto ko lang mag-usap tayo. Yung tropa kasi nandoon sa gym."

"akala ko pa naman kung ano na..." bulong ko.

"ano?"

"wala. hehe."

"ahhmm...Andrey bakla ka ba? May gusto ka ba sakin?"

Mistula naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong na iyon. At sa di malamang dahilan, nainis ako...nayamot...gusto ko siyang batukan...Anong klaseng approach yun? Walang ligoy ligoy? Kaya ang nasagot ko ay:

"Hindi! at Wala! Ang yabang naman!" Ang sabi ko sabay tayo para umalis.

"Teka teka...nagtatanong lang eh." Tumayo din siya at bumaba kami pareho sa sea wall(fishpondwall) at niyakap niya ako. Feeling ko na naman bata ako pero labis ang saya ko ng mga oras na yun. Nung kumalas kami sa pagkakayakap, tiningnan niya ako sa mata...Ewan...parang may nakita akong lungkot sa mga mata niya

"Tinanong ko lang naman...At least alam ko na..." Ang sabi niya.

"Teka!!!!Oo, mahal kita Matthew, mahal na mahal....itanong mo uli...."

Ginulo niya ulit buhok ko at ngumiti.

"Tara, balik na tayo sa room."

Iyon lang at wala na siyang sinabi. Na-disappoint ako. Nalungkot. Pero hindi pa rin nawawala yung inis ko sa naging tanong niya. "Andrey bakla ka ba? May gusto ka ba sakin?" He was so full of himself, i thought. Though totoong mahal ko siya, bakit sa ganoong paraan niya tinanong...Pero that could have been my chance to tell him what i really feel. Ngayong ganoon ang sagot ko, siguradong ang labas namin ay friends only. Nakakadepress talaga. Hindi ako makatulog lalo kapag naaalala ko yung malungkot niyang mata matapos ako yakapin. At yung yakap....yung yakap...arrrgh.... overmixed emotions ang aking nararamdaman. Inis, Lungkot, Panghihinayang, at Kilig.

Ang sumunod na araw ay Biyernes. Ang araw ng pagtatapat ko kay Ella patungkol kay Matthew. Pagdating ko sa room, hindi ko sure, pero parang galing ulit si Matthew sa upuan ko. Grabe yung ngiti niya, nakakatunaw, kakaiba. Pero hindi niya pa ako nakikita. May something talaga sa ngiti niyang iyon. If only i could make him smile that way.

Pag-upo ko ay nakita ko ring kumikinang ang mga mata ni Ella. Halos mahawaan nga ako ng blooming at cheerful aura niya dahil sa saya. I can almost see sparks flying out of her. Napangiti rin ako..

"Okay bhest, Spill." Ang sabi ko. "Ano ang dahilan ng mala-Diyosa mong ngiti?"

"Friday ngayon diba, so pareho tayo mag-sspill. Kaw na muna...hehehe..." Ang sabi niya na parang nasa feeling of ecstasy. Pero seeing her happiness, mina-buti ko muna na siya mauna dahil baka madis-aapoint o masira ang mood niya kapag sinabi kong nahulog ako sa kapwa ko lalaki. And i'm not really feeling very well. Hindi ako nag-almusal at puro pa oily ang ulam kagabi kaya feeling ko tuloy nanghihina na naman ako. Kulang pa ako sa tulog dahil sa kaiisip.

"Bhest, kaw na muna....hehe. Mukhang mas exciting ang i-shasahre mo." Ang sabi ko.

"So ganito yun...May crush ako dito sa room dahil sa matalino, masipag, mabait, at halos na sakanya na lahat. I really only intended na itago lang ang paghangang iyon dahil IMPOSSIBLE. Until one day, lumapit siya saakin at binigay ang nawawala kong libro." In-emphasize niya yung nawawalang libro. "Tapos nagblush ako kasi sa flyleaf ng back cover ng libro, niligay ko doon ang pangalan niya at short message kung bakit crush na crush ko siya. I have no idea kung paano napunta sakanya yung libro. So binuka niya yung libro at pianabasa talaga saakin yung sinulat ko. Sabi niya "ikaw ang nagsulat nito at para sakin to, diba?" na sinabayan ng nakakalokong ngiti. Then sabi niya, second year pa lang tayo, crush na kita..."

Nagpause si Ella dahil parang kinikilig ng sobra. Kinakabahan naman ako dahil parang may nasesense akong iba. Sabayan pa ng nahihilo na talaga ako.

"I can't really believe bhest...impossibleng crush niya din ako. Nang mga sumunod na araw, doon na nagsimula ang paraiso. Kilig to the bones. Kapag nagsusulat ako, pag tinaas ko yung ulo ko, lagi ko na lang siya nakikitang nakatingin saakin. Tapos pag dumadaan ako, lagi niya akong binabati ng Good Morning Ella... sabay ngiti. Tapos napaka-matulungin pa niya."
Pinikit-pikit ko ang mata ko dahil sa nararamdamang hilo. Umiikot yata ang paningin ko pero i can still clearly hear every word she says. Maya-maya, I managed to ask:
"Kelan niya binigay yung libro?"

"ahhmm...2 or 3 weeks ago ata."

"Yung libro ba....y-yung Math book mo na hiniram ko?"

"OO! Yung hiniram mo na hindi mo nasauli dahil sabi mo naiwan dito sa room. Siguro siya ang nakakuha kaya nasakanya yung libro."

"At...at...y-yung sinasabi mong lalaki....si.....si Matthew ba?"

"huh? panu mo nalaman?" Ang sabi niya na naguluhan. Pero mabilis siyang nakarecover "Tumpak bhest! Siya nga...Its unbelievable, right? Yung 1st honor natin crush ako since 2nd year pa!!!over talaga....At alam mo, today, tumabi siya saakin at tinanong kung pwede siya manligaw...oo alam ko itatanong mo kung ano an isinagot ko, siyempre oo...si Matthew na yun bhest...gwapo, mabait, masipag, matalino, hindi mayabang, maalalahanin...hayyyy. Parang panaginip la----.. Bhest?!!! okay ka lang??!!! Can you hear me?!!! BHEST!"

At hindi ko na namalayan kung ano pa ang ibang nangyari. Sa gitna ng dilim nakita ko si Matthew na nakatayo...Naroon din ako at nakatingin siya saaakin, nakangiti. Biglang naglaho ang ngiti niya at tumalikod siya saakin. Tinatawag ko siya ngunit di siya lumingon. Dumating si Ella. Niyakap siya nito at ngumiti siya. Iyong ngiting kakaiba, nakakabaliw, maligaya. The smile i wish i could give him. Nagtawanan sila...Nagsaya...Tinawag ko sila pero walang makarinig sakin...After seeing how happy they were, i told my self i would never destroy such happiness. And then i was lost in an abyss of darkness.

4 comments:

  1. ang hirap naman ng sitwasyon :( hayyss ..... sa totoo lang author pakiramdam ko magkaugali tayo e. simula nung nabasa ko chapter one... pakiramdam ko ako yung dinedescribe mo.... alam ko mahirap pero yan talaga ang problema 'cause he's straight

    ReplyDelete
  2. Nakaka inlove at the same time nakakalungkot. May kasunod pa ba to?

    ReplyDelete
  3. Di ba hanggang part 5 to author?

    ReplyDelete
  4. I was right about where this part would end pero sarap parin basahin kahit medyo predictable. Galing galing! Chapter 4 na!

    ReplyDelete

Read More Like This