Pages

Wednesday, June 25, 2014

Tales of a Confused Teacher (Part 3)

By: Irvin

Alam kong mali pero bakit masaya ako sa nararamdaman ko at sa mga nangyayari. Alam kong hindi ito ang dapat na nangyayari pero paano ko pipigilan?  Hindi ko alam pero sobra na akong naguguluhan. Nalilito ako hindi dahil hindi ko alam ang gagawin ko, kundi ayokong gawin yung dapat kong gawin dahil alam kong ako din ang mahihirapan.

“Tama, wala naman kaming ginagawang masama, naghahanap siya ng kalinga ng isang ama, at ako naman ay sabik sa kapatid dahil may katagalan na rin kaming walang bonding ng bunso namin.  Iyon lamang naman yun diba?” bulong ko sa sarili ko.  Kahit alam ko namang higit pa sa isang kapatid ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero ano yun?  Hindi pwedeng mahal ko siya dahil pareho kaming lalake, kahit minsan hindi ako nagduda sa pagkalalake ko. Kahit kailan hindi ko inisip na magkakagusto ako sa kapwa ko lalake. Saka hindi talaga pwede, hindi pwedeng mangyari ang lahat ng iyon.  alam kong hindi iyon matatanggap ng aking pamilya, pagtatawanan ako ni Gigi. Kaya lang ayoko namang matapos ang kasiyahang ngayon  ko lamang nararanasan.  Ayokong mawala na lamang ang magandang samahan namin ng batang ito, kahit ano pa ang sabihin gusto ko pa ring kasama at kausap siya. Gusto ko pa ring napagmamasdan ang maamo niyang mukha at mapupungay na mga mata. Gusto ko paring madinig ang mga walang katapusan niyang kwento at at gusto ko pa ring maranasan ang mga pangungulit niya.
                             
Pumasok ako sa kwarto ay inayos ko ang cover nito, naglabas din ako ng bagong labang kumot at pinalitan ang punda ng unan.  Naghanda rin ako ng towel, saka ko ini on ang aircon.

“O sir, ito ba ang kwarto mo? ang linis ah, nahiya naman ako, kasi nakita mo na room ko, napaka gulo.”

“Sira, don sa kabila ang room ko, walang gumagamit nito, pero dito natutulog sina Mama at Papa kapag lumuluwas sila,” paliwanag ko.

“Ah, kaya pala parang walang gamit, kaya pala ang linis, hehehe, parang guest room sir?”

“Parang ganon na nga, at dahil guest kita ngayon, ikaw muna gagamit nito, ok lang ba sayo? Kung may kailangan ka pa, sabihin mo lamang para maihanda ko.”

“Ay sir, sobra  na po yan, sabi ko naman sa inyo kahit sa salas ok lang ako, maglalatag na lamang ako don, nag abala pa kayo.”

“Nakow, nag inarte ka pa, o siya, ako’y lalabas na at nang makapagpahinga na tayo. Kung maliligo ka may gamit diyan sa CR, mauna na ako at maliligo pa rin ako.  Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka.”

“Sir, nakakahiya na talaga sa inyo, pero may favor pa ulit ako, pwede ba makahiram ng shorts, hindi po kasi ako sanay matulog ng nakapantalon e. Please sir,” alam kong nahihiya talaga siya dahil napapakamot na naman siya sa ulo niya, natatawa ako sa itsura niya pero ang cute talaga niyang tingnan.

Nang gabing iyon, madalas akong magising, naiisip ko kung ayos lang  kaya siya sa kabilang room, iniimagin ko kung ano kaya itsura niya matulog. kahit nakita ko na yun noong may sakit siya.  Nanghihinayang ako dahil pwede namang dito ko siya pinatulog sa room ko, para kahit papaano e nakatabi ko siya.  Pero ito ang tama, dapat doon siya, at dito ako.  Ayoko namang isipin niya na sinasamantala ko ang pagkakataon.  At ayoko ding bigyan ng chance ang mali kong iniisip tungkol sa kanya.

“O class, I hope all your parents’ permit will be ready by tommorow, kasi Friday na alis natin ay Wednesday ma bukas, kailangan pang mai ayos namin  upo ninyo sa bus.  Uulitin ko kahit bayad na kayo,  hindi kayo pwedeng sumama sa Field Trip kapag wala kayong parent’s permit o kahit guardian.” halos lahat naman ay nakangiti kaya alam kong naiintindihan naman nila ako ako dahil hindi na naman bago sa kanila ang policy na yun ng school dahil 3rd year na sila.

Kinahapunan, nakita ko si Kenn Lloyd sa ilalim ng puno, alam kong hinihintay niya ako pauwi.  Pero nakakataka na hindi niya ako binati.  Basta tumayo na lamang ay sumabay sa akin pagtapat ko sa kanya.  Nakalabas na kami ng gate at nakapag log out na pareho pero hindi pa rin siya nagsasalita.

“Hui, Kenn Lloyd, bad trip ka yata, may problema ba?” may pag aalala kong tanong habang naglalakd kami.

“Wala po sir.” wala sa loob niyang sagot.

“Wala daw, e kanina ka pa walang kibo diyan, ano nga kasi, bakit wala ka yata sa mood,” at bahagya kong ginulo ang buhok niya na may clay dough. “Yuck, ang lagkit ng buhok mo, ang dumi sa kamay.”

“Ayan kasi, sabi nang guluhin mo na buhay ko wag lang ang buhok ko e,”

“Asus, at may ganyang ka pang nalalaman ha!” o sige na ano nga ang ipinagkakaganyan mo Mr. Kenn Lloyd Suarez?”

“E sir, gusto ko sumama sa Field Trip kasi.”

“Ano problema mo e d sumama ka, bakit wala ka ba pambayad, magkano lang naman yun?”

“No sir, last week pa po ako bayad.”

“So what’s the problem?”

“Sir, wala papo si Tita, di ko alam kelan babalik nasa probinsiya daw, pano po permit ko, sabi nyo hindi pwedeng sumama pag walang pirma.”

“Nako, e malaking problema nga yan,”

Naghiwalay kaming hindi maliwanang sa kanya kung papaano. Kinabukasan tiningnan ko ulit Class Register para i check ang contact number ng Tita niya para alamin kung kelan sila makakauwi.  Dinayal ko ang number na nandon pero lalaki ang sumagot.

“Hello, good morning sino po sila?” nabigla ako kasi ang ine expect ko e boses ng babae madidinig ko.

“Good morning sir, Si Mr. Santos po adviser ni Kenn Loyd.”

“Ah, yes, Mr Santos, this is Mr. Alex Suarez, father of Kenn Lloyd, nabanggit ka na nga sa kin  ni Kenn Lloyd, bakit po may problema po ba ang anak ko?”  ang may pag aalala pero mukang naiinis niyang tanong.

“No sir, may Field Trip po kasi kami sa Friday, e nag aalala po siya kasi wala po yung Tita niya, wala pong mag sign sa parent’s permit niya.”

“Sorry Mr. Santos, nandito kasi ako sa Cebu, Sir, alam ko naman po na tinutulungan ninyo ang anak ko at nagpapasalamat ako sa inyo dahil mula ng kayo maging  adviser niya ay malaki na ipinagbago niya, baka naman po pwede kayo na muna magsign sa permit niya sure naman ako na hindi nyo siya pababayaan, alam ninyo naman po siguro ang sitwasyon ng batang iyan.”

“Wala pong anuman, tungkulin ko naman po yun bilang adviser, e kung ok lang po sa inyo na i sign ko on your behalf, e d sige po tiyak na matutuwa si Kenn Lloyd pag nalaman.”

“Maraming salamat po sir, at sana kayo na po bahala tumingin-tingin sa kanya at salamat nga po pala sa ginawa ninyo nong may sakit siya ha, proud na proud ang batang iyon sa ginawa ninyo, kahit bihira kami magkausap ay hindi niya nakakalimutang sabihin yung pag-aalaga ninyo sa kanya.” ang mahaba niyang kwento.

“Welcome po sir, sana minsan makapasyal din kayo sa school.”

“I’ll find way sir, alam ninyo naman po siguro sitwasyon namin but I promise sir, one of these days, mabisita ko kayo at nang personal na makapagpasalamat sa inyo. Napakalaking bagay po sa akin bilang ama na masiguro na may tumitingin sa anak ko kasi wala talaga akong magawa sa ngayon ipit na ipit ako sa sitwsyon namin, sa telepono lamang kami nagkakausap kaya hindi ko alam kung ano nangyayari sa kanya, sana po nainiintidihan ninyo ako.”

“Hayaan ninyo sir, from time to time babalitaan ko kayo.” paniniguro ko.

“Nako sir, wag na po, kung may time ako tatawagan ko na lamang po kayo, kasi baka si misis makasagot e lalong gumulo ang sitwasyon, nakakahiya man aminin hindi po niya alam ang tungkol sa batang iyan, hope you understand.”

“Ah, ganon po ba, no problem sir  I understand, sige po, ako na muna bahala sa permit niya,”

“Sige po sir, salamat ulit, baka I took too much of your time, pasensiya na po ulit.”

“No problem Mr. Suarez.”

Matagal ko ng naibaba ang phone, hindi pa rin ako makapaniwala, na ang isang tulad ni Kenn Lloyd ay kailangan makaranas ng ganoong kasakit na buhay.  Iniwan siya ng kanyang nanay sa isang taong walang pakialam sa kanya, samantalang ang tatay niya ay itinatago siya na parang isang gamit lamang.  Muli ay nakaramdam ako matinding pagkahabag sa kanyang kalagayan.

Field Trip. Masaya ang lahat,  at dahil close ang samahan ng section namin lagi kaming magkakasama, yung ibang mga teachers sama-sama, pero I prefer to join my students at dahil sanay na mga teachers sa akin hinayaan na lamang nila ako tutal ay nag eenjoy din naman sila.

Last stop namin ay Star City.  Although some of my students were here a number of times na, iba pa rin yung excitement nila dahil classmates ang kasama, di mapigilan ang tilian lalo na sa mga horror booths. Ang dami na namin nasakyan na  rides pero nagkatuwaan na sumakay sa Surf dance at Sky Flyer. Marami ang gustong sumakay pero marami din ang natatakot.  Turu-turuan kung sino at alin sa dalawa ang sasakyan. Challenge ng mga babae dapat mga lalake muna, ayaw namang pumayag ng mga lalake dapat daw kung hindi mauuna ang babae e sabay na lamang.  To settle everything isa sa kanila ang nag suggest  para fair, lahat ng babae ay sasakay sa Surf Dance while lahat ng lalake ay sa Sky Flyer. Pumayag ang marami, pero marami ang tutol. Sa kakapilit ng mas marami napapayag ang lahat.

So pumila na kami kahit napakahaba, and its worth the wait, in a while kami na, at dahil teacher ako sa hulihan ako pumwesto, sa unahan ko si Kenn Lloyd na mula ng pumila kami ay hindi na nagsalita, pansin ko may nilalaro sa phone niya. Pasakay na at ilang estudyante na lamang at kami na, nang humarap siya sa akin,.

“Sir, pwede bang huwag akong sumama sa rides?”

“O bakit naman, ano namang drama yan?” pagtataka ko.

“Sir, my fear po ako sa height, never pa po akong nakasakay sa ganyan.” ang tila namumutla niyang pahayag.

“Nako, pano ba yan, bakit hindi mo sinabi kanina, ang haba na ng pinila natin?” nalilito kong sagot.

“Nakakahiya kanina sir e, inisip ko kasi baka pagtawanan nila ako kung ako lamang ang hindi sasama, bahala na sir, basta tabi na lamang po tayu sa rides ha,” alam kong nahihiya na naman siya kasi napapakamot na naman siya sa ulo niya.

Mahina lamang usapan naman dahil alam nya na may mga classmates pa rin siya sa unahan. Tumango na lamang ako para i assure siya na nandito naman ako e, pero sa totoo lang kinakabahan din ako dahil first time ko rin sa ganoong rides.

Sa dulong upuan siya sumakay, bago ako, dahil hindi kami sakto ang katabi ko ay taga ibang school na sa unahan namin ang mga classmates niya. Inilalock pa lamang ang lamang napansin ko na ang pamumutla niya hinawakan ko ang kamay niya at tama ako sobrang lamig nga.

“Ayos ka lang ba, gusto mo ba huwag ng tumuloy?” bulong  ko.

“No sir, ayos lang po ako sir, nakakahiya sa kanila, tiyak pagtatawanan nila ako at pagkukuwentuhan sa school,  basta diyan ka lang ha sir,” medyo nangangatog na boses niya.

“Don’t worry, dito lang ako.”

Nang magsimula ng umandar, medyo nawala ang kaba namin, dahil enjoy naman pala, mabagal lamang ang ikot, napansin ko nakangiti na siya, Subalit ng magsimulang bumilis at medyo tumagilid  na, bumulong siya sa sakin.

“Sir, nakakatakot.”

“Ayos lang nandito lang ako.” naramdaman ko hinawakan niya ang kamay ko, nanlalamig ang kamay niya. Maya-maya pa ay tumagilid na sinasakyan namin, lumalim paghinga niya ay humigpit hawak sa kamay ko, hinayaan ko na lamamg siya. Maya-maya ay mas bumilis ang takbo namin.

“Sir, nahihilo na talaga ako.” bulong niya sa akin, sa gitna ng napakalakas na sigawan mula sa mga kaklase niyang hindi ko alam kung nag eenjoy o natatakot.  Aaminin ko kahit mahilig ako sa mga adventure nang mga oras na iyon ay nakaramdam din ako ng takot.  Hindi takot sa taas kundi takot na baka sa bilis namin ay magkaproblema ang mga screw o bakal ng sinasakyan namin, napakarami naming maaksidente.  Hindi ko alam kung tama ang desisyon namin na sumakay sa rides na ito.  Nag-aalala rin ako sa ibang eskwela ko sa unahan namin. Natatakot ako sa sigawan nila.

“Paano ba yan, sobrang bilis na natin, baka hindi ako marinig ng operator kasi ang lakas din ng sigawan kahit ng mga tao sa baba. pakiramdaman mo sarili mo kung hindi mo na kaya, sesenyasan ko yung operator pagdaan natin para ihinto at ng makababa ka.”

“Sir, kahiyaan na ito, tiyak na trending ako sa school pag balik natin pag bumababa ako. Ayoko naman pong pagtawanan nila ako. Titiisin ko na lamang po, nariyan naman kayo e, alam ko safe ako pag kasama kayo, basta huwag ninyo akong pababayaan sir.” Medyo malakas na usapan namin namin dahil talagang hindi na kami magkarinigan. Wala na rin akong pakialam sa katabi ko kasi mukang namumutla rin naman sila at hindi makasigaw.  Naramdaman ko lalong humigpit hawak niya sa akin, kung kanina ay sa kamay lamang ngayon ay inaabot na niya braso ko.  Hinayaan ko lamang siya, pero habang tumatagal ay nakasubsob na ang muka niya sa kamay ko at ramdam ko ang mabilis niyang paghinga. Medyo natakot ako kaya ipinatong ko ang isang kamay ko sa bandang ulo niya dahil hirap akong abutin likod niya. Inilapit ko na rin ang mukha ko sa kaniya para mawala ang takot niya. Pumikit na rin ako.  Kung may makakakita sa amin alam kong mag-iisip ng masama, iisipin mong naghahalikan kami, mabuti na lamang at nasa hulihan kami at malayo naman sa amin yung unahan na rides, medyo madilim na rin sa banda namin kaya kahit dumaan sa baba ay hindi kami masyadong pansin. Yung mga  katabi namin ay nakatungo naman at walang pakialam sa paligid.   Pakiramdam ko ay walang katapusan ang ikot namin, hindi ko alam kung gaano iyon katagal, parang hindi na matatapos, nahihirapan din ako dahil nakapilipit ng katawan ko paharap sa kanya,  naaawa na ako kay Kenn Lloyd, alam kong pinipilit lamang niyang kayanin pero nahihirapan siya. parang gusto ko ng sigawan yung operator na ihinto na pero tama siya magiging katawa-tawa kami kung gagawin ko iyon.   Sa wakas naramdaman kong bumagal na ang takbo, kaya bahagya ko siyang tinapik.

“Okey na, bababa, na tayo, iniunat niya ang katawan niya at huminga ng malalim pero hindi nagsalita, hanggang mapatapat kami sa operator at makababa.

Sa baba, walang katapusan ang kwentuhan sa kakaibang experience na iyon, pati ang mga babae ay nakihalo na sa amin at nagkwento kung papaano sila ipaghatawan sa sinakyan nilang Surf Dance.  Pangiti-ngiti lamang si Kenn Lloyd.

“E sir, kayo po, hindi ba kayo kinabahan?” tanong ng isang estudyante ko. Biglang tumingin sa akin si Kenn Lloyd, alam kong nag aalala siya baka sabihin ko ang nangyari kanina.

“Sino ba namang hindi kakabahan sa Sky Flyer na yan, parang hindi ka bubuhayin, parang pinipilit ka talagang ilaglag, kaya lang sorry sila, di nila ako kinaya, but in fairness exciting naman, yung lang ang sakit sa katawan, parang nabugbog ako ni Pacman.” pagyayabang ko. Tawanan ang lahat.

“Hahaha, oo nga sir, pero si Kenn Lloyd parang wala lang o parang relax na relax lang.” sabad ni RJ.

“Anong relax ka dyan e nahihilo pa nga ako.” tawanan ang lahat sa banat ni Kenn Lloyd dahil ang alam nila nagpapatawa lang siya pero ang totoo, talagang nahihilo pa ang loko di lang nagpapahalata.

Marami pa kaming sinakyan, kabilang na yung at talaga namang nag enjoy ang lahat kaya pagdating sa bus ay madali lang nakatulog.

“Sir buti na lang hindi mo sinabi sa kanila na muntik na akong magpababa kanina, kung nagkataon tutuksuhin ako ng mga yan.”

“Ssshhh, matulog ka na muna, marinig ka ng mga yan.”

At dahil gabi na nang kami ay umuwi, hindi naman masyadong matrafic kaya wala pang isang oras ay nasa school na rin kami.

Teachers’ day. May program sa school tribute sa mga teachers. Pero unlike before na may mga pampaiyak na message ang mga students sa teachers, nagsawa na yata ang Student Council kaya tinigilan na.  Pagkatapos magbigay ng gift ang bawat section sa kanilang adviser ay biglang nagset up ng buffet table at mga officers ang nagserve.  Maghapong walang klase dahil kailangan daw magpahinga ang mga teachers ayon sa kanila.

Cake, chocolate at balloons ang ibinigay sa akin ng section ko pero bago ako umuwi idinaan ko sa room ang cake at pinagsaluhan namin dahil hindi ko naman mauubos iyon mag-isa.  Sobrang saya ko nang araw na iyon. Sobrang pasasalamat ko sa mga students ko dahil naappreciate nila yung mga ginagawa ko.  Masaya daw sila at ako ang adviser nila, ako man, kahit hindi ko sabihin masaya ako sa kanila, parang mga batang kapatid ko lamang sila kaya kung minsan na nagagalit ako alam kong naiintindihan nila iyon dahil madalas ko rin namang intindihin na bata pa sila at hindi ako dapat mag expect ng napakataas.

Habang naglalakad kami pauwi, hindi mapakali si Kenn Lloyd.

“Hoy, ang likot mo, palipat-lipat ka ng dinadaanan, mahagip ka ng mga sasakyan diyan. Ano ba pinaggagawa mo?

“E sir, hindi ko po kasi alam kung magugustuhan ninyo gift ko e.”

Akala ko ay yung gift ng section nila ang tinutukoy niya.  “Oo naman, kaya ko lamang naman ipinakain sa inyo yun e dahil ang laki naman, hindi ko  iyon kayang ubusin hindi naman kasya sa ref yun. Pero ang chocolate dinala ko narito sa bag ko, at yung balloons, doon na lamang yun sa table ko sa faculty room.”

“Sir, hindi po iyon, ito po o,” at may kinuha siya sa loob ng bag niya isang paper bag na blue. “Happy Teacher’s Day sir, hope you like it.  Thank you very much and love you sir!” Hindi pa ako nakakapagsalita dahil sa pagkabigla.  Hindi ko kasi alam na may personal pa siyang gift bukod sa gift ng section nila at lalo akong nabigla sa pag I Love You niya nang bigla siyang tumakbo. 

“Sige po sir, may laro po kami ngayon hinihintay na po nila ako.  See you on Monday, Happy Teacher’s day po ulit!” pahabol niya habang tumatakbo palayo.

Wala akong nasabi.  Sumakay ako ng tricycle pauwi, na nalilito sa ipinakita ni Kenn Lloyd. Sa bahay binuksan ko ang gift niya.  Isang mamahaling shades, alam ko kung magkano price noon kasi nakita ko na yun sa mall, at inisip ko rin na bilhin yun pag nakaluwag ng konti.  Isang box pa ang nasa bag, Isang imported na pabango. Medyo naguilty ako dahil hindi tama na magregalo siya ng ganon sa kin.  Kahit hindi naman ipinagbabawal sa amin ang tumanggap ng gift mula sa kanila, pag ganito na halaga ng gift e nakakahiya na rin.  Estudiyante ko siya hindi magandang tingnan kung may makakaalam nito.  Ayokong pag isipan ako ng kahit sino ng masama.  Kaya kahit alam kong ma ooffend siya, nag decide ako, inilagay ko sa bag ang mga regalo niya at kinuha ko ang cellphone ko, ibabalik ko iyon sa kanya.

Subalit ilang dial ko na, unattended number niya, ilang beses pa akong nag try ganon pa din.  Sabado at Linggo, tinawagan ko kung hindi ayaw sagutin e naka off ang phone. Naisip kong alam niyang tatawagan  ko siya kaya sinadaya niyang huwag sagutin.

Kailangang magdesisyon na ako.  kailangan tapusin ko na kung ano man ang namamagitan sa amin ni Kenn Lloyd.  Kailangang ako na gumawa ng paraan bago maging huli ang lahat.  Ako ang mas matanda dapat ako ang nakakaalam ng tama. at alam kong ito ang tama, ang sa simula pa lamang ay huwag ko na ipagpatuloy ang isang bagay na alam kong sa bandang huli ay ako rin ang mahihirapan. Oo kakausapin ko na siya na hindi pwede.  Kailangang ilagay ko ang lahat sa tamang lugar, student siya teacher ako.Yun lang relasyon na dapat meron kami.

Pero sa kabilang banda nagtatalo isip ko, kaya ko bang gawin yun?

Pero kailangang gawin at iyon ang dapat gawin…

14 comments:

  1. Nice :-D im enjoying the thril..

    ReplyDelete
  2. Nice story Irvin (kawawa talaga student mo sir "kenn Lloyd" iniwan na siya ng mga parents niya tapos ganyan mangyayari== sir sayo lang talaga umaasa yan hu,muhugot ng lakas ng loob).... thumbs up ako =)

    ReplyDelete
  3. Ito lang ang ina-abangan kong story.. Sana hindi na ganun katagal yung susunod na part..

    ReplyDelete
  4. OmG Mr. Authir, sobrang ganda. Kinikilig ako. Updates na po agad sa next chapter! ��

    ReplyDelete
  5. Dito ako kumukuha ng estratehiya na pede kong gawin sa gwapo kong estudyante na me gusto rin sa akin hehehehe....

    ReplyDelete
  6. Thumbs Up. Eto tska Yakap ng Langit nalang inaabangan ko. :)

    ReplyDelete
  7. galing... sobrang ganda..

    ReplyDelete
  8. pambihirang story to, pero dami ng nakakarelate ngayon pa lang iniisip ko na ang mangyayari, base sa title ng story...hmmm sana naman hindi ganon, sana happy ending...good job, sir irvin

    ReplyDelete
  9. Hintay pa ng kunting panahon maspopogi yan bata. Mas maganda mahal ka at may respeto pa rin sayo. Nang yari po sa akin yan hindi naging kami pero may nangyari sa aming dalawa hanggang ngayon mahal na mahal pa rin ako ng gago parang magkapatid lang kami turingan.Sa ngayon parehas kaming meron relasyon na babae. Mas masarap yun feeling na nagmamahalan kayo ng lihim.

    ReplyDelete
  10. Hello author mag update kna pls.
    Araw2 na akong nag aantay ng next part ng kuwento m ina abangan k rin kung nag update kna peru wala parin eh .....
    I'm looking forward sa part 4
    Thanks....
    .....jmc.....

    ReplyDelete
  11. ano na nangyare nasan ka na sir irvin?

    ReplyDelete
  12. naku author echengera si sir.hahaha.ako n lang mgsasabi kay kenn na loves nia. Ayaw mo? ikaw rn loves ko nc Kenn. Choz! hahaha! good job author!

    ReplyDelete
  13. author anong nangyari??? next part na excited na ako!!1

    ReplyDelete
  14. i also experienced this, with a young boy in campus, now he already had his own family with 2 kids, they just visited me recently together with his wife and kids...his wife doesn't know about our relationship...it has been 15 years, and we stil care and love each other...

    ReplyDelete

Read More Like This