Pages

Sunday, June 1, 2014

UAAP

By: James

Good day readers! Tawagin nyo na lang akong James, 18 years old from Cavite pero nag-aaral sa Manila. Itong ikwekwento ko sa inyo ay isa sa mga hindi ko akalain na mangyayari pala sa buhay ko. (btw, names have been changed to protect the privacy of individuals).

Bisexual ako pero hindi ako nagpapahalata talaga. Pumupunta din ako sa gym para mag-work out (at tumingin tingin na rin haha). Mahilig ako mag laro ng Tennis. I'm 5'9", maputi at chinito.

Noong una ay ayaw ako payagan ng parents ko na mag-aral sa Manila dahil daw gala ako, baka daw may mangyaring masama sa akin at kung ano ano pa. Pero dahil konti lang ang nag-ooffer ng Dentistry sa universities sa Cavite, pinayagan nila ako na mag-aral sa Manila. Kumukuha ako ng kursong Dentistry sa UE. 3rd year college na ako at ang istoryang ito ay naganap last year.

"Pre sama ka ba sa sunday nood Cheerdance kasama buong tropa???" Text ni Bryan, kaklase ko. "Sige sige. May ticket na ba? Diba mahirap makahanap ng ticket pag CDC?", "Oo meron na. May kilala si Celine, sya nag asikaso. :) :)", "Yon! Nice! Bigay mo na lang ticket sakin bukas para sure haha" reply ko.

Dumating ang araw ng UAAP Cheerdance Competition (CDC). Galing akong Cavite dahil umuwi ako from dorm. Akala ko sobrang traffic pero hindi pala kaya 10am pa lang nasa MOA na ko (para tuloy akong mukhang excited na excited). Napaaga dating ko kaya pumunta muna ako sa coffee shop. Nakakainis ang daming tao kahit 10am pa lang. Pag ka-order ko ay umikot ako pero wala talagang maupuan kaya nagtanong ako sa isang lalaking naka-upo na parang walang kasama, "Ahmm excuse me, may kasama ka ba? Can I share a seat with you?" sabi ko sa lalaking naka-yellow. "Sure" Tapos inalis nya yung bag nya sa upuan. Umupo ako at tinitigan ko yung guy. "Fuck sobrang cute nya" naisip ko. Ang gwapo nya at sa tingin ko magkasing-height lang kami, maputi din sya.
"Taga-UE ka, right?" gulat ako bigla syang nag salita. "Ahh oo. Paano mo nalaman?" sagot ko. "Ayan oh nakalagay sa shirt mo". Ang tanga ko. Oo nga pala naka-UE shirt ako. Natawa na lang ako. "Ahmmmmm ikaw taga-UST ka?" "Haha Yup" Hinawakan nya yung shirt nya at parang pinagmayabang sa sakin. Naisip ko na ipagpatuloy yung conversation namin kaya nag tanong ako agad. "Bakit ang aga mo?" tanong ko. "Hinihintay ko kasi yung bibilhan ko ng ticket sabi agahan ko daw" "Ikaw bakit ang aga mo?" sagot naman nya. "Galing pa kasi akong Cavite, akala ko traffic kaya inagahan ko" sagot ko. "Ohhh" Ayun lang ang reply nya so sa tingin ko parang tapos na yung usapan namin. After 5 minutes, nilabas ko yung envelope ko na puno ng papel at kinuha ko yung hand outs ko para mag-aral muna. "Ui naghahanap ka ng dorm? Condo?" Nakita nya siguro yung brochures na nasa ilalim ng nilabas kong hand outs. "Ahh oo. Ayoko na kasi don sa dorm ko eh, magulo" Sagot ko agad. "Gusto mo samin? Condo along Espanya-P.Noval. Tatlo pa lang kami don eh." "Hmmm magkano at may pool ba dyan at gym?" "Oo meron, tsaka safe dito. Ako palang tapos isang taga-FEU at isang graduating na taga-UST din." sabi nya. "Oh sige. Kailangan ko na kasi lumipat eh, sobrang gulo don sa dorm ko" sagot ko. Ngumiti sya na parang tuwang tuwa sabay sabing "Kunin ko na lang number mo para text ko sayo ibang details". Napaisip tuloy ako na shit ang swerte ko naman, sana matuloy para magkaroon naman ako ng gwapong roommate. Kaya agad agad kong binigay number ko.

Niyaya ko sya na mag lunch dahil 11am na din naman. Sumama sya at pumunta kami sa isang fast food chain. Nakapag-usap pa kami nang matagal. Nalaman ko na 2nd year na sya at kumukuha ng kursong Interior Design. Nagkwento sya about sa condo. Para tuloy syang ahente sa mga real estate, binebenta nya talaga yung place sa sakin. Haha "Gusto mo sabay pa tayong mag gym eh, twice a week akong nag g-gym doon. Swimming din minsan" sabi nya. "Sige ba. Sana matuloy paglipat ko"

Dumating na daw yung bibilhan nya ng ticket. Naghiwalay na kami at nagkita na din kami ng mga kaklase ko. Mag sisimula na yung CDC. Sobrang ingay sa loob. Pumunta na kami sa UE side. Umupo ako at tumingin sa UST crowd. Parang sya ata yung nakikita ko na nakatulala lang. Kumaway kaway ako, mga 20 sec din akong kumakaway para makita nya ako. YESSS! Lumingon sya at nagkatitigan kami. Kinawayan nya din ako. Biglang nag ring yung phone ko. Sinagot ko pero hindi ko masyadong marinig kaya lumabas ako. "Ui bakit ka kumakaway?" Tawa sya ng tawa. "Tara kita tayo saglit lang" Sabi nya. Nagkita kami malapit sa CR. Pagkakita namin, nagsalita sya agad "Bro, hindi ko pa pala nahihingi pangalan mo" sabay tawa. "Oo nga no, kanina pa tayo magkasama" sagot ko. "Steve nga pala" "James, bro" Nag-shake hands kami. Kilig na kilig ako sa mga panahong yon. Sobrang cute nya tapos magkahawak pa kami ng kamay.

Pagbalik ko sa loob. "James sino yung kinakawayan mo kanina. Mukhang gwapo ah kahit malayo pa lang" sabi ni Celine. "Sus landi mo talaga. Kaibigan ko yun." "Sya din ba yung kausap mo sa labas? Nakita ko pagkatapos ninyo magkatitigan, parehas naman kayong may hawak sa phones nyo" usisa nya. "Sya nga. Wag ka nga magulo dyan, iintrigahin mo na naman ako eh" sagot ko. "Sungit neto. Hayaan mo hindi ko sya aagawin sayo". Napatigil ako sa sinabi nya. Mukha ba akong defensive? Buti na lang nagsimula na yung show.

Lagi akong napapatingin sa UST side, tinitignan ko kung ano reaksyon nya sa mga performers. Isang beses na tumingin ako, nakatingin din pala sya. Nagulat ako kaya napa-thumbs up na lang ako bigla. At ganon din sya.

Natapos yung show, umuwi ako sa cavite at nagpaalam sa parents ko na kung pwede na ba akong lumipat asap dahil may nahanap na akong malilipatan (kahit hindi ko pa talaga nakikita yung condo haha). Pinayagan nila ako basta daw ay safe doon at malinis. Tinext ko si Steve sabi ko pinayagan ako. Sabi nya sasamahan nya daw ako sa monday after ng class ko. So ayun nga, nagkita kami. "Bakit pawis na pawis ka?" Tanong nya sa sakin. "Nagmadali kasi ako baka kanina ka pa naghihintay" Sagot ko. "Sus, ayos lang" Sabay akbay sa sakin. Shit talaga ang swerte ko dito. Ngiting ngiti tuloy ako habang naglalakad kami.

Pinakita nya sa akin yung room nila. May isang lalaki na nasa loob. Si Kuya John daw yun. "Tatlo kami dito, bali ako, si Kuya John tsaka si Will." Nag-hi ako kay Kuya John. Nalaman ko na sya pala yung graduating na taga-UST. "Ingat ka dyan James malakas yan kumain baka maubos lang grocery mo dito hahaha" Biro ni Steve. "Ulol!!" Sabay batok kay Steve. Nagtawanan na lang kami. Malaking tao si Kuya John at medyo mataba. Naikwento din ni Steve na si Will ay wala dahil nasa school pa. Sya daw ay kumukha ng Accountancy sa FEU. "Matalino yun tsaka may itsura din kagaya mo. Paiba iba ng girlfriend" Sabi nya.

Kwinento pa nya sa akin yung mga conditions, contract, etc about sa condo. Maayos at maganda yung unit. Sinamahan nya din ako sa pool, gym, canteen, at kung saan saan pa.

After a week, nakalipat na ako doon. May dalawang double deck na magkatapat yung room. Doon ako sa taas, sa baba ko si Steve. Si Will sa kabilang double deck naman sa taas din at sa baba nya ay si Kuya John.

Maayos ang pag stay ko sa unit na yun. Masayang masaya yung mata ko dahil may dalawang gwapo na kasama. Uso nakahubad. Boxers lang kadalasan ang suot. Ilan beses ko na sigurong napag jakulan sina Steve at Will. Laging sila iniimagine ko, threesome kami. Hahaha! Pero hindi ko pa din pinapahalata na bi ako kahit medyo may pagka-malambot ako minsan (sana hindi nila napapansin). Ilang araw pa nakalipas parang nahuhulog na ako kay Steve. Crush na crush ko na talaga sya. Minsan sabay kaming tatlo nina Will mag gym at mag swimming. Si Kuya John minsan lang namin nakakasama dahil graduating at sobrang busy. Minsan matutulog ako wala sya, yun pala madaling araw na nakakauwi. Kaya kaming tatlo nila Steve at Will yung naging pinaka-close.

Isang araw kami lang ni Will ang nasa condo. Sabay kaming kumakain. Tahimik. Bigla syang nagsalita, "Pre may tatanong ako sayo sana hindi ka magalit" sabi nya. Kinabahan ako.. "Ano yun? Nakakatakot naman yang pagkakasabi mo" Pautal-utal kong sagot. "Ahh pre, bakla ka ba?.... sabi nya. "Ahhh .... ehhh.... ba...kit... mo naman.... naitanong?" sagot ko. "Wag ka magagalit ah. Curious lang ako kasi lagi ko kayong napapansin ni Steve na sobrang close eh. Parang magsyota na nga kayo eh" .... "Ahh yun ba?" Iniisip ko kung aamin ba ako. "bisexual ako........." kabadong kabado ako habang sinasagot ko sya. "Whoaaa! Di nga??? Sabi ko na nga ba eh! Ayos lang yan pre. Basta wag mo ko pagnanasahan ah" "Sira! Hindi kita type no! Tsaka may nililigawan akong babae ngayon" Nasabi ko na lang na may nililigawan ako kahit wala naman. "Baste pre, ayos lang naman yan sakin. Pasalamat nga ako at inamin mo eh." "Wag mo sasabihin sa iba ah" "Oo ba. Basta wag ka magtatago ng secret sa sakin." Sabay ngiti. "Si Steve natanong ko na din eh kung bakla sya" "Oh?! Anong sabi nya???" usisa ko. "Secret!! Interisdong intersido ka naman.. Uyyyy!" "Tangina nito. Wag mo nga akong asarin.  Sasapakin kita. Baka may makalaam pa" "Eh bakit ka defensive? Ayos lang naman sa akin basta wag ko lang kayong mahuhuli" "Bahala ka nga dyan!" "Gusto mo pakilala pa kita sa mga taga-FEU eh, dami akong kakilala na gwapong bisexual don" "Sus!" Nagtawanan na lang kami at sabay punta sa CR.

After nung umamin ako kay Will ay mas naging kampante ako. Mas naging close pa kaming tatlo. Inuman minsan pag walang exam. Swimming, gym.. Sabay lagi kumain at minsan nag hihintayan din sa school. Napapansin ko na mas nagiging touchy si Steve sa sakin. Minsan natutulog sya sa braso ko, gusto nga din lagi kaming magkasama. Niyayaya nya din ako sa sine palagi at treat nya daw. Para kaming nag d-date palagi.

Niyaya nya ako na manood ng UST game. "Eh wala naman yung team ko doon. Sino icheer ko?" sabi ko sa kanya. "Edi UST! Sama ka samin manood" "Sino kasama?" "Mga kaklase ko" "Baka ma-OP lang ako doon" sabi ko. "Wag na nga! Kay Will ka na lang sumama tutal manonood din naman sya" galit na pagkakasabi nya. "Ang drama naman neto! Sige na. Sama na ko sayo. Pahiramin mo ko UST shirt ah tsaka baka tahimik lang ako don, nakakahiya sa mga kaibigan mo" "Basta sagot kita. Wag ka mag-alala.. mageenjoy ka" sabay yakap sa sakin.

Dumating yung araw ng game, nagbibihis na kami. "Oh eto suotin mo" sabay hagis ni Steve ng dilaw na t-shirt. "Uy tangina couple shirt talaga kayo ah" singit ni Will. Oo nga parehas kami ng UST shirt. Napayuko na lang si Steve sabay sabing, "Dalawa kasi yung nabili kong ganyang shirt, akala ko kasi nawawala yung una eh hindi pala tsaka favorite ko yung design na yan. Alangan namang mag UE shirt o FEU sya don" sagot ni Steve. "Daming explanations ah" pang-aasar ni Will. Nagkatininginan na lang kami ni Will at kumindat sya sa akin na may halong tawa.

Sabay sabay kaming tatlo na pumunta sa venue. Hindi pa start kaya pumunta muna kami sa isang coffee shop, "James, naaalala mo pa tong inuupuan natin?" "Hmmm ano meron?" "Dito tayo unang nagkakilala" "Oo nga no! Buti naaalala mo pa!" "Syempre naman, bestfriend kaya tayo" Napalunok ako bigla sa 'bestfriend'. "Tumigil nga kayo dyan mga bro, mas malandi pa kayo sa magsyota eh" biglang singit ni Will.  Tawanan na lang kami pero nasa isip isip ko, "ang kj neto, panira ng moment".

Kasama namin si Will papunta pero hindi daw sya manonood, mag m-mall lang daw sya. Kasama ko si Steve sa UST crowd. Pinakilala nya ako isa isa sa mga kaibigan nga. "Ikaw Steve ah, sya na ba bago mo?" pang aasar nung isang babae kay Steve. Napangiti na lang si Steve. "Si James nga pala.. Ka live-in ko". Nagulat kaming lahat sa sinabi nya. Lumapit ako sa kanya, suntok sa tyan ng mahina at sabay bulong ng "Gago!" ... Napahawak sya sa akin, "Joke lang!" Bawi nya. "Ang sweet nyo naman" "Bagay kayo. Cute nyo oh. Magkamukha pa" "Yieeeeee" Pangaasar nung mga babae. "Tama na. Umupo na tayo, nakakahiya kay James"

Natapos yung game pero hindi muna namin pinuntahan si Will. Gusto kasi ni Steve na kumain nang kaming dalawa lang. Treat nya daw. Tahimik sa restaurant. Sobrang sweet nung music at konti lang ang tao. Magkatapat kami. Kitang kita ko yung kagwapuhan nya. Medyo awkward yung moment na yun kasi tahimik tapos yung mga nasa paligid mga mag boyfriend-girlfriend. Habang naghihintay ng order ay nagsalita sya.  "James, wala ka bang gustong sabihin sa akin?" "Bakit? Wala naman" "May gusto kasi akong sabihin sayo eh" "Ano yun? Bakit? Anong sasabihin mo" Kinakabahan ako nung mga panahon na yun, sobrang seryoso sya. "Pwede ka bang tumayo?" Tumayo naman ako. "Bakit? Anong meron?" Nakatitig lang ako sa kanya habang nakatayo ako, sya nakaupo. After ng mga 10 sec, bigla syang mabilis na tumayo sabay halik sa akin. Napatigil ako. Hindi ko alam gagawin. Umupo sya bigla... napaupo din ako. "sorry" sabi nya. "Mahal na kita James....." Tahimik pa rin ako. Nagsalita sya ulit, "James ramdam ko na may gusto ka din sa akin at alam ko na bi ka din" Gulat na gulat ako. Hindi pa rin nag si-sink in sa akin yung mga pangyayari, nakatingin sa amin yung mga nasa ibang table. Nakakatakot. Nakakagulat. "I love you, James" lumipat sya ng upuan at tumabi sa akin. Bigla ko na lang syang niyakap. "I love you too" bulong ko sa kanya. Matagal kaming nagyakapan. Dumating na yung order namin pero bago kami kumain, nagsalita sya ulit "Thank you, thank you James! So pano yan... tayo na ba?" "Hmmmmm. Oo! Yes!" At ako naman ang nagnakaw ng halik sa kanya.

Masaya kaming kumain habang magkatabi. Umalis na kami sa restaurant at pinuntahan si Will na naghihintay na sa amin kanina pa. "Ano Steve? Success ba?" Pagbungad ni Will. "Fuck. Alam mo?" Sabi ko. "Oo naman. Kasabwat ako nyan eh. Pano ba yan.. congratulations! Libre nyo naman ako" Napatingin ako kay Steve at nagtawanan kami.

Lumipas ang mga araw, naging sikreto ang relasyon namin ni Steve. Si Will lang ang may alam. Sa tingin ko ay nakakahalata na din si Kuya John sa mga nangyayari pero wala lang sa amin yun.

Isang araw ay umuwi si Will sa province nya at si Kuya John naman ay as usual hindi na naman mahagilap. Kaming dalawa lang ni Steve sa kwarto. Habang nag-aaral ako sa sahig ay bigla syang tumabi. "Oh bakit dito ka nag-aaral? Ayaw mo sa table?" tanong nya. "Mas kumportable kasi ako dito" sagot ko, pero tumayo na din ako para pumunta sa table. Habang naglalakad ako ay bigla nya akong niyakap patalikod. "Salamat Steve. Pinapasaya mo ako palagi" Hindi kami nagsusuot ng sando o t-shirt sa room kaya ramdam na ramdam ko yung katawan nya sa akin. Humarap ako sa kanya at hinalikan nya ako. Sobrang sarap nya humalik. Ang lambot ng labi nya. Lalong pang umalab ang halikan namin. Napunta kami sa gilid ng kwarto hanggang sa kama. Pumaibabaw sya sa akin. Hinubad nya boxers ko at sya na din naghubad ng sa kanya. Parehas kaming hubo't hubad. Hinalikan nya ako sa buong katawan ko, sa kili-kili, sa abs at hanggang sinubo nya na ako. Sobrang lakas ng ungol ko. Tumigil sya at ako naman ang gumawa ng mga ginawa nya sa akin. Halos sabunutan na nya ako habang sinusubo ko ang ari nya. Pinadapa nya ako at ipapasok na nya sana yung ari nya sa pwetan ko.. pero pinigilan ko sya, "Steve.. hindi ko kaya. Wag muna". Hindi ko talaga kaya na mag pa-tira. Naintindihan naman nya. Kaya naghalikan na lang kami at sabay na nagpalabas.

Nakatulog kami at nagising na lang nang may marinig na ingay. "Putangina. Nawala lang ako ang lala na ng mga pangyayari ah" Nagulat ako bakit nandito na si Will. Bigla akong tumayo at kumuha ng shorts para saming dalawa ni Steve. "Sorry pre, nadala lang ng emosyon" sagot ni Steve habang hubo't hubad pa. "Magbihis na nga kayo. Tangina amoy zonrox pa. Buti ako ang nakahuli sa inyo, hindi si John" Nagtawanan na lang kaming tatlo at nagbihis na kami.

Ayos lang naman daw kay Will na magkarelasyon kami basta daw ay wag kami magpapahuli sa kanya dahil hindi nya daw kaya makita. Ang laki ng pasalamat namin kay Will dahil tanggap nya kami.

Isang beses magkakasama kaming tatlo. Nagpunta kami sa isang college party nung february at may lumapit na magandang babae. Parang nakikipag flirt kay Will. Habang naguusap sila ay biglang hinawakan ni Steve yung kamay ko. Nakita yun nung babae at biglang umalis. Tawanan kami. "Fuck naman mga pre, akala ata bakla din ako! Bat naman kayo nag holding hands bigla" Sobrang tawang tawa kami sa kanya dahil sa ginawa namin.

Naikwento din nya na nahulog daw sya agad sa akin nung unang pagkikita namin. Kaya daw sya pursigido na mag condo ako sa kanila dahil na love at first sight sya. "Thankful ako dahil puno yung coffee shop na pinuntahan mo.. dahil don nagkakilala tayo" sabay halik sa akin. Marami na ang nangyari sa amin ni Steve. Pasko, valentines.. lahat yun naging sweet kami sa isa't isa. Hindi namin hinahayaan na maging magkaaway kami.

Pinaalam ko sa magulang ko na may boyfriend ako. Sinuntok ako ng tatay ko. Hindi nya matanggap. Ang nanay ko naman umiyak lang. Sobrang dami daw nilang pangarap sa akin at sana daw ay hindi nila ako pinag-aral sa Manila kung ganito lang din naman daw ang mangyayari sa akin. Sobrang nalungkot ako nung araw na yun. Parang gusto ko lumayas.

Bumalik ako sa dorm kinabukasan kahit hindi ako pinapansin ng tatay ko. Kinausap ko si Steve.. "Sinabi ko sa kanila yung atin.. kung ano tayo... yung relasyon natin". Malungkot ako non at alam ko na ramdam din ni Steve na hindi maganda yung nangyari kaya niyakap na lang nya ako at hinalikan sa noo.

"James, matatanggap din nila tayo. Salamat at naging matapang ka.. Hindi ko kaya yung ginawa mo. Hindi ko kayang umamin sa parents ko. Sorry James"... "Sorry din Steve. Sorry"

Hindi ko talaga kayang talikuran parents ko dahil dito. Alam ko hindi nila ako talaga matatanggap kung ipaglalaban ko tong relasyon namin. Isang araw kinausap ko si Steve... "Steve hindi ko alam kung tama to o ano.. pero sana maintindihan mo" "Sige makikinig ako" "Steve gusto ko sana tumagal tayo pero hindi ko talaga kayang tiisin na galit sa akin parents ko... sorry" Umiyak ako. Napayakap ako sa kanya at halos humahagulgol na ako. "James.. hindi ko kaya. Sorry kung selfish ako pero hindi ko kaya na wala ka sa akin". Tuloy lang ako sa pag-iyak. At nagsalita sya ulit, "Kung gusto mo, ituloy lang natin to.. pero hindi na tayo.. walang label. Hindi tayo mag-boyfriend" Napatingin ako sa kanya at tumungo ako. "Pano yun?" tanong ko sa kanya habang umiiyak. "Close pa din tayo pero walang commitment, parang dati lang bago naging tayo" ... niyakap ko sya at niyakap nya din ako.. "Sorry Steve hindi kita kayang ipaglaban" "Ayos lang. Mas lalaki ka pa nga sa akin dahil nagawa mong umamin sa parents mo"

Naging maayos ang usapan namin ni Steve. Hindi na 'kami' pero ipagpapatuloy pa din namin yung ginagawa namin. Tanggap namin kung may darating mang mga babae, kung may liligawan man o kung may mamahalin mang iba. Ayaw namin parehas na i-disappoint ang parents namin kaya pumayag kami sa ganitong set-up. Kahit magulo pero sa tingin namin ito ang makakabuti.

Pinaalam namin kay Will na wala na kami ni Steve. Nagulat sya na parang hindi daw halata. Naikwento din namin yung napagkasunduan namin ni Steve. Ang weird daw at buti pumayag kami sa ganong set-up. Dahil don may ipapakilala daw samin si Will na magagandang babae. Nagtawanan na lang kami at nag-asaran.

Hindi ko masasabing happy ending o sad ending ang nangyari samin ni Steve. Masaya ako dahil maipagpapatuloy namin ang pagkakaibigan pero malungkot dahil hindi namin kaya panindigan yung nasimulan namin.

32 comments:

  1. Ang ganda! Naalala ko college days ko sa dorm 5 years ago..

    ReplyDelete
  2. nice story ,astig tol!

    ReplyDelete
  3. This is one of a kind :)
    Sna pag nagkaroon ng karugtog ung story nyo post mu ulit...looking forward !

    ReplyDelete
  4. Hahahaha! Ang cute ng story. Comedy si will at makakainlove. Sana try mo sa St. Dominic College of Asia sa bacoor, cavite. I know alam mo yun. Maayos at maganda mag turo kaso sobrang mahal ranges 55-60k per sem. :)

    ReplyDelete
  5. OMG Ubelt. Lapit na pasukan. Sali ako. Hahaha!

    ReplyDelete
  6. Ang cute ng story...may naalala tuloy ako P Noval hahaha

    ReplyDelete
  7. Ang ganda! Sana may kasunod pa yung story nyo. :)

    ReplyDelete
  8. tama si will madami talagang bi sa feu wahahaha

    ReplyDelete
  9. Thumbs Up������
    Kilig Much...

    Go USTe Go USTe..



    James

    ReplyDelete
  10. wow. interior design from cfad! hmm madami nga ata gwapo sa batch na yun pero sino kaya sya. hmmm
    cfad-id here hehe. -JJ

    ReplyDelete
  11. College life is so cool and full of color.
    Kinda same with mine back in 2010 lalo pag nasa dorm ka. Malaya sa lahat. :) ingat lang kay aida.

    ReplyDelete
  12. Ang ganda naman ng kwento. Sarap tuloy mainlove. Sana makahanap na rin ako.

    ReplyDelete
  13. Ipaglaban mo yan. If your parents truly love you, they can accept who you are.

    ReplyDelete
  14. Indi ako nagagandahan sa story at the same time indi naman sya pangit.. alam naman natin na kung student tau wala taung option kundi sundin ang mga parents natin.. pero hu knows magkabalikan na kayu once nakagpatapos kau di ba.. sa love kasi ang kelangan lang naman ay PERFECT TIMING!! Best of luck author... and salamat sa magandang akda na ito...6ftbi here from manda..

    ReplyDelete
  15. ganyan din ako sa parents ko nung nalaman nila :( be strong

    ReplyDelete
  16. Sana maging kayo pa din sa huli. Mauunawaan ka ng parents mo promise

    ReplyDelete
  17. wow I wish I had one or sana meron ngayon.. haay

    ReplyDelete
  18. if the two of you are destined for each other, youll meet at the same point again... this is called serendipity.

    ReplyDelete
  19. Hay. Ganda naman ng story. Uaap talaga. Sana maging friend ko kayo. Parang ang saya kasi ng company niyo. Anyway, aral nalang muna. ;)

    ReplyDelete
  20. Aww, ang ganda ng story. So far eto yung pinaka maayos na story na nabasa ko na hindi series. Two thumbs up!!!

    ReplyDelete
  21. Ganito din nangyare saken... Ending nagasawa siya... Bestman at ninong pa ko ng anak niya... Siya naka move on na ako... Nagaantay pa din sa kanya... :-( sana iba ang ending nyo...

    ReplyDelete
  22. nice story.. sana maging kayo pa din sa huli, kaya nyo yan

    ReplyDelete
  23. Tanong: Nakipagtalik na ba kayo sa babae? Masarap din kaya... Hehe Btw Chicboy pwede sa chicks pwede din sa boy lalo na sa cute na boy. Bul. Here :)

    ReplyDelete
  24. Gusto ko makilala si Will. LOL, I think he is cool.

    Kudos to both of you..

    ReplyDelete
  25. anganda nang story nyo guys
    sna kayo din ang magkatuluyan s bandang huli...

    ReplyDelete
  26. What a very nice story. :) Bwiset naalala ko yung gusto kong taga FEU na Bi dahil sa kwento. Hahahahahahaha. Super cute and gwapo siguro ni James and Steve. Keep strong guys!!!

    ReplyDelete
  27. Relate na relate ako sa'yo dude. Kasi ganyang ganyan din storya ng una ko, hindi nga lang sa coffee shop pero relate. Hahaha college din ako nun, 2nd year. Sana happy ending kayo!

    ReplyDelete
  28. Nakakakilig naman kayo! Haaayyy. Sayang hindi naging ganyan ka-colorful ang college life ko lol -js

    ReplyDelete
  29. buti pa kayo may kwentong ganyan, samantala ako mukhang walang mangyaayri sa stay ko sa ust. pinagkakaila talaga sa akin lahat.

    ReplyDelete
  30. Omg. Baka nakasalubong ko na kayo sa noval haha. Thomasian here :)

    ReplyDelete
  31. Wow....ito ang story. May sense. Sna mapansin na ko nung officemate kong astig dto sa Makati.

    ReplyDelete

Read More Like This