Pages

Sunday, June 8, 2014

Captain Hook (Part 1)

By: Ross

“Cabin Crew... to your stations please.” wika ng piloto sa eroplanong sinasakyan ko patungong Hongkong. Ngunit hindi pa ito ang final destination ko. Umpisa pa lang ito ng mahabang paglalakbay. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Kabado dahil magte-take-off na ang eroplano, at excited dahil simula ito ng panibangong kabanata sa aking buhay.

Ako si Ross, 10 taon na ang nakalilipas ng magdesisyon akong magtrabaho sa ibang bansa, partikular sa isang cruise ship. Hindi ko naisip na ito pala ang landas na aking tatahakin sa nakalipas na halos 10 taon. Ang pagkakataon ang nagdala sa akin nito. Hindi naging madali ang pagdedesisyon ko noon. Alam ko na ang pagtra-trabaho sa ibang bansa ay may kasamang mga sakripisyo na kailangan kong pagtiisan. Nevertheless, I was optimistic about my decision to work abroad. I thought the opportunity came to me for a reason. And true enough somewhere along the way a a life changing experience happened.

Dito iikot ang kuwentong ilalahad ko sa inyo. Sisikapin ko na ilahad sa inyo ang bawat pangyayari, ayon sa aking natatandan.

September 2003 ng itinakda ang pag-alis ko ng Pilipinas upang mangibang bansa. Ito ay naging mas maaga ng isang buwan kaysa sa unang sinabi sa akin ng Crewing Manager, sa manning agency na inapplyan ko. Ito ang unang pagkakataon na malalayo ako sa aking pamilya at sa mga malalapit na kaibigan. Medyo may kabigatan man sa aking kalooban, napagdesisyunan ko na ituloy pa rin ito. 23 years old lang ako noon ng umalis ng bansa.
Isang linggo bago ang takda kong pag-alis nagpaalam na ako sa malalapit kong kaibigan. Bukod sa kanila, napaalam na rin ako kay John. Si John ang taong naging malapit sa akin, mga ilang buwan bago ako umalis ng bansa. Mas matanda ako ng 6 na taon kanya. Sadyang napakabata nya pa upang makipagrelasyon kung iyong iisipin. Kaya naman hindi ko hinayaan na lumalim ang aming relasyon na higit pa sa malapit na magkaibigan. Hindi ko itinago sa kanya ang nalalapit kong pangi-ngibang bansa. Sa una naging malungkot siya ng malaman ang araw ng aking pag-alis. Nakiusap siyang huwag akong tumuloy na umalis ng bansa. Ngunit matapos kong ipaliwanag ang dahilan ay mas naunawaan niya ito at natanggap ang sitwasyon.

At sa wakas, dumating na ang araw ng aking pag-alis. Madaling araw ng ihatid ako ng aking mga magulang sa NAIA 2 airport. Ayon sa aking itinerary, ang final destination ko ay sa Barcelona, Spain. Dito kasi dadaong ang cruise ship, kung saan ako magtratrabaho at maninirahan sa loob ng 9 na buwan. Pero bago ako makarating ng Barcelona, kailangan ko pang mag-transit ng Hongkong at Amsterdam. Sa Amsterdam ko kukuhain ang aking Schengen visa, na kakailanganin ko upang makapag-transit Amsterdam going to Barcelona, Spain.

Habang ako ay nasa Check-in counter sa loob ng NAIA 2 airpot, nakaramdam ako ng konting kaba sa dibdib, ngunit higit sa lahat mas maraming mga katanungan. Tulad ng - Ano ang magiging buhay ko sa barko?; Sino ang magiging kasa-kasama ko doon?; At higit sa lahat, kakayanin ko kaya na mabuhay ng mag-isa at malayo sa aking pamilya?

Matapos ang 2 oras na paghihintay, ay inanunsyo na ang pag-board ng eroplano. Nagsimula ng sumakay sa eroplano ang mga pasahero. Window seat ang pinili ko na upuan. Sa loob ng eroplano, nagmasid-masid ako sa mga kasabayan kong pasahero habang nakaupo. Kapansin-pansin na marami akong kasabay na OFWs. May mga first timer na tulad ko, at may mga datihan na rin. Ilang minuto pa ang nakalipas, at nag-final check na ang mga Cabin Crew, at di nagtagal nagsimula ng umandar ang eroplano.

Matapos ang aking transit sa Hongkong sumunod naman ang biyahe patungong Amsterdam. Halos 12 hours din ang naging biyahe. Lumapag ang eroplano sa Schipol airport sa Amsterdam, at doon ay sinalubong ako ng Port Agent upang ibigay sa akin ang aking Schengen visa. Sa kalapit na hotel sa Schipol airport ako nagpalipas ng magdamag. Kinabukasan ay sumakay ulit ng eroplano patungong Barcelona, Spain.

Matapos ang ilang oras na biyahe ay narating ko na ang Barcelona, Spain. Sinalubong ako ng Port Agent na si Pablo. Siya ang naghatid sa akin sa hotel kung saan ako magpapalipas ng gabi bago sumampa ng barko kinabukasan. Gwapo si Pablo at pala kwento. Medyo hirap lang magsalita ng English. Sa tingin ko halos hindi nalalayo ang aming edad. Nakiusap ako sa Front Desk ng 6AM wake-up call dahil 7:30AM pala ang pick-up time ng mga crew members.

Nag-paalam na si Pablo at inabot ang kanyang kamay at sinabi, “Goodluck. And it was nice to meet you Ross.” Nagpasalamat ako kay Pablo sa kanyang tulong. At muli niyang ipinaalala ang 7:30AM pick-up time going to the ship.

Dahil sa labis na kapaguran, inisip ko munang maligo at magbabad sa bathtub. Halos isang oras din akong nakalubog sa bathtub upang makapag-relax ng katawan. Pagkatapos maligo ay dumungaw ako sa may veranda upang mag-masid sa kapaligiran ng hotel na aking tinutuluyan. Natanaw ko ang mga taong naglalakad sa paligid; mga taong naka check-in sa kabilang hotel; mga taong na sa loob ng katapat na office building; at mga sasakyang dumaraan sa kalye.

6:30PM ng magbihis ako upang mag-dinner. Pumunta ako sa dining area at iniabot ang food voucher sa isang Waiter. Umupo ako sa isang bakanteng lamesa malapit sa bintana. Kasunod nito ay iniabot sa akin ng Waiter ang menu. Binigay ko ang aking order at naghintay. Habang naghihintay na i-serve ang pagkain, napansin ko ang isang binatilyong guest ng hotel na naghahapunan din. Caucasian siya at matangkad. Masasabi ko na guwapo siya dahil parang model lang ng Abercrombie & Fitch ang dating niya. Maganda siya manamit at maganda rin ang built ng kanyang katawan.

Pa-simple akong tumi-tingin sa kanya at sa tuwing ibabaling niya ang kanyang tingin patungo sa aking kinauupuan, ay iniaalis ko ang pagtitig sa kanya upang huwag niya itong mapansin. Subalit may dalawang beses niya akong nahuling nakatitig sa kanya.

Paalis na ang binatilyo ng dumating ang aking pagkain. Pagkatapos kong maghapunan ay nagdesisyon akong tumambay sa entrance ng hotel malapit sa may smoking area. Doon muli kong nakita ang binatilyo sa dining room na nagsisigarilyo habang may hawak na bote ng beer. Ilang minuto lang din ay pumasok na rin ako sa loob ng hotel dahil sa lamig ng hangin. Bago ako umakyat sa room ay nakaramdaman ako na naiihi kaya minabuti ko munang pumunta sa toilet malapit sa dining area.

Habang umiihi ako ay naramdaman kong may pumasok sa toilet. At ng tumingin ako sa likod ay nakita ko ulit ang gwapong binatilyo. Dalawang urinals lang ang pagitan namin at medyo kinabahan ako sa susunod na pwedeng mangyari. Matapos akong umihi ay nagpunta ako sa wash area upang maghugas ng kamay. Sumunod na rin ang binatilyo at muli kaming nagkatinginan habang na nanalamin. Nauna siyang ngumiti at napangiti na rin lang ako. Muli niyang kinuha ang bote ng beer at tuluyan ng lumabas.

Pagdating ko sa room ay binuksan ko ang TV upang manood habang naghihintay na antukin. Pinilit ko na ipikit ang aking mga mata ngunit sadyang di ako dalawin ng antok dahil sa jetlag. Pinatay ko na lang ang ilaw at TV upang tuluyan ng makatulog.

Ganap na 6AM ng mag-ring ang phone sa loob ng kuwarto para sa wake-up call. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa jetlag, Inunat ko muna ang aking katawan sandali, upang magising ang aking diwa. Naligo at nag-breakfast muna ako at pagkatapos ay nagtungo na sa lobby bandang 7:30AM upang mag-check-out. Nalaman ko na 3 pala kaming sasampa ng barko, isang Turkish (Assistant Waiter) na ex-crew ng barkong sasakyan ko, at isang American (Musician), na tulad ko ay first timer din.

---itutuloy

5 comments:

  1. Sana may part 2 agad. Same age tayo pare. San ka ngayon?

    ReplyDelete
  2. pare din tayo ng age. wow wer ka sa manila?

    ReplyDelete
  3. Nakak-relate ako sa story. Seaman din kac ako. Anong cruiseline mo?

    ReplyDelete

Read More Like This