Pages

Wednesday, June 18, 2014

Captain Hook (Part 3)

By: Ross

Makalipas ang halos isa't kalahating buwan, nakasanayan ko na ang magtrabaho ko sa barko. Adjusted na rin ako sa pamumuhay sa loob ng barko. Halos araw-araw iba't ibang lugar ang aking nakikita at napupuntahan. Dati sa mga post cards at palabas lang sa TV ko ito nakikita. Naisip ko na kahit pala may mga sacrifices ang pagbabarko meron din pala itong magandang maidudulot. Bukod dito, maganda din ang pasahod sa barko. Malayo kumpara sa pasahod dito sa Pilipinas for an average worker. Kaya naman hindi nakakapagtaka na napakaraming Filipinong OFWs.

Isang umaga habang ako ay naka-duty, nakatanggap ako ng email mula sa Training and Development Manager. Kabilang ang pangalan ko sa listahan ng crew members na kailangang umattend ng Diversity Training. Ito ay naka-schedule kinabukasan ng umaga. Ipinaalam ko ito sa aking Manager upang maabisuhan siya at maisaayos ang work schedule namin. Buti na lang at naka-docked ang barko sa araw ng training kaya naman hindi naging problema ito dahil karamihan kasi ng guests ay lalabas upang mag-tour o mag-ikot-ikot sa port.

Kinabukasan 9AM pumunta na ako sa Staff Mess, ang venue ng Diversity Training. May walong crew members na ang naghihintay. Tatlo pa ang dumating, kabilang ako. Maya-maya pa dumating na rin ang Training and Development Manager. Bumati siya sa amin at nagsimula na ang training. Unang tanong niya, “What is Diversity?” Isa-isa kaming sumagot at nagbigay ng opinyon.

Sinabi niya na lahat ng aming naging sagot ay tama. Ang diversity daw ay ang pagkakaiba-iba ng bawat isa, tulad na lang ng tao. Isang magandang halimbawa daw ay kaming mga crew members. Meron daw halos 60 different nationalities ng crew onboard. Sa ipinakita niyang graph kapansin-pansin ang mataas na rank ng Pilipinas, India, Indonesia, Latin America at European nationalities.

Bawat nationality daw ay may iba't-ibang kultura, tradisyon at relihiyon. Mahalaga raw na maintindihan at matutunan naming irespeto at tanggapin ang bawat isa sa amin. Ang pag-respeto daw sa bawat isa ay nagdudulot ng magandang relasyon sa isang komunidad. Ituring daw namin ang isa't-isa bilang isang malaking pamilya regardless of our nationality.

Mahalaga rin daw ang papel na aming gagampanan sa pakikisalamuha sa aming mga pasahero or guests. Dahil kami daw ay maituturing na ambassadors ng aming bansang pinagmulan. Kaya't nararapat daw na maging kaaya-aya kami sa bawat isa.

Makalipas ang isang oras, natapos na din ang training at bumalik na rin ako sa aking duty. Marami akong mahahalagang bagay na natutunan araw-araw upang maging maayos ang aking pamumuhay sa barko. Dahil dito mas unti-unti ko ng nagugustuhan ang buhay sa barko.

Bukod kay Roger na aking cabinmate, may mga ibang pinoy na rin akong nakakasama ng madalas tulad ni Nino(Butler), Mercy(Assistant Waiter), Ate Emily(Night Auditor), Kuya Renato(Sous Chef), Ate Dolores (Spa Therapist) at marami pang iba. Mas madalas kong nakakasama si Ate Dolores at Nino, kapag busy sa trabaho si Roger.

Isang araw habang nag-aagahan kami ni Ate Dolores sa staff mess, dumaan ang isang crew na may magandang ngiti. Naging interesado ako , kaya't inanong ko agad si Ate Dolores kung sino siya at anong lahi niya. Sabi ni Ate Dolores “Si Pietr (pronounced as Peter)? Polish yun. Taga-housekeeping department. Bkt mo tinatanong?” Inisip ko muna kung dapat ba ako magsinungaling o aminin na lang sa kanya ang totoo. Sumagot ako, “Ang ganda kasi ng ngiti. Ang cute...tapos blue eyes pa.” Natawa na lang si Ate Dolores, at sinabing, “Ross, huwag ka maingay ha. May sasabhin ako sa iyo tungkol sa kanya. Please....huwag mo rin ito babangitin sa kahit kanino. Silahis yan si Pietr. Madalas yan magpa-massage sa Spa. Nagpapahanap nga sa akin ng boy toy.” Natawa na lang ako sa sinabi niya, at sumagot. “Ganun?” Pero sa isip ko, “Prospect ito.”

Makalipas ang ilang araw, habang naghahanda na ako mag-close ng Business Center. Dumating si Pietr at hinahanap si Lance. Sumagot ako sa kanya, “Lance left for vacation. About 3 weeks ago. I'm Ross, his replacement. And you are?” Sumagot siya, “I'm Pietr.” Sa isip-isip ko, kilala na kita. “Good to meet you Pietr.” tugon ko. “How may I assist you?” tanong ko sa kanya.

May problema daw sa internet account niya dahil hindi siya maka-login. Gusto rin niyang bumili ng crew internet package, kaso ayaw ng mag-work nung seapass card niya. At kapag swina-swipe niya ito sa card reader ay may return error message na “Unable to identify UserID”. Hiniram ko ang kanyang seapass card at vinerify ang information sa system kung naka-deactivate ang account nya. Upon checking, active naman yung account nya at hindi naka-flagged sa system. Sabi ko sa kanya baka kailangan lang ng replacement card.

Napansin ko din na nabubura na ang print ng picture niya sa seapass card, dahil siguro sa madalas na pag-swipe nito sa mga POS machines at card readers. Kasunod nito, pabiro kong sinabi sa kanya, “Your photo on your seapass card doesn't give justice compared to how you actually look in person.” Sa totoo lang kinabahan ako sa nasabi ko sa kanya. Baka kasi mali ang pagkakaintindi niya sa aking nasabi kaya sumunod kong sinabi, “Because you look more good looking in person.”

Bahagyang tumaas ang kanyang kanang kilay, tumawa, at kasabay nito ang pamumula ng kanyang pisngi. Nagpasalamat siya sa aking sinabi at lumapit sa akin upang makita kung paano ko inaayos ang problem sa internet account niya. Iniabot ko sa kanya at isang form at inutusang sulatan ito. “Kindly fill up this form Pietr. I will just manually overide the system to fix the issue.” ang sabi ko. “Do you want to buy the 'BIGGEST' package?” ang tanong ko habang siya ay nagsusulat sa form. Hindi ko sinadyang na bigyan diin ko ang salitang 'biggest'. Kaya medyo nagulat ako ng tumingin at ngumiti siya sa akin, at sumagot siya ng, “Yes. The biggest package please.” sabay kindat ng mata niya at ngiting may nais iparating. Parehas kaming nagtawanan dahil unti-unti na kaming nagkakapalagayan ng loob.

Matapos ko maayos ang internet account niya ay hiningi niya ang contact number ko para daw ma-i-follow up niya sa akin kung okay na or may problema pa sa kanyang internet account kapag nag try daw siya mag log in mamaya. Binigay ko naman ang number ng dect phone ko. Ngunit nagulat ako ng hingin niya din ang cabin number ko, just in case daw na hindi ako sumagot sa dect phone. Nagpasalamat siya at nagpaalam na. Iniabot ang kanang kamay kamay at sinabi niya, “You're the best Ross. Thanks for helping me out. I owe you one buddy.” Inabot ko rin ang aking kanang kamay at tumugon ng, “You're very welcome. Glad I was able to help you.” Muling sumagot si Pietr, “I'll be seeing you around. Drink is on me.” At tuluyan ng siyang umalis.

Sa loob ng cabina, habang nanunood ako ng TV, napaisip ako sa kalokohang nagawa ko ilang oras pa lang ang nakakalipas. Mayamaya pa ay nag-ring na ang dect phone ko. Hindi familiar ang number na nakasulat sa display screen ng phone. Ngunit alam ko na ang tawag ay nagmumula sa crew area. Sinagot ko ang tawag, at tinanong ko kung sino siya. Si Pietr pala ang tumatawag. Kinamusta niya ako at ipinaalam na maayos na ang internet account niya. Muli siyang nagpasalamat at inaya akong magpunta sa crew bar upang uminom. Pumayag ako sa inbitasyon dahil wala naman akong ginagawa.

Nagkita kami ni Pietr sa crew bar ng halos hating-gabi na. Medyo puno na rin crew ang bar at sobrang mausok na dahil sa mga nagsisigarilyo. Tinanong ako ni Pietr kung ano ang aking nais inumin. Sumagot ako, “JD with Coke please.” Nagpunta na sya sa bar upang bumili ng maiinom at ng bumalik siya sa aking kinatatayuan ay dala niya ang dalawang plastic cup na may mix ng JD with coke. Inabot niya sa akin ang isang baso at sinabing, “Cheers buddy. Again thanks for helping me out.” Sumagot ako, “Again you're very welcome. But you know.....you already thank me several times.” Tumawa kaming dalawa at sinabi niya, “I'm just being appreciative of people who are really nice....like you.” Sumagot ako, “Well... thank you for saying that.”

Nung una medyo nagkakahiyaan kami dahil isang tanong, isang sagot lang ang naging takbo ng pag-uusap namin. Pero habang tumatagal mas naging komportable na kami sa isa't isa. Ngunit naiba ang takbo nag aming usapan ng itanong niya sa akin ang nangyari kanina sa Business Center. “Oh by the way, you weren't flirting with me a while ago right?” Nagulat ako sa kanyang diretsong tanong. Sandali akong natigilan at iniisip ang tamang sagot. “So... you think I'm a flirt? Tanong ko rin sa kanya. “Oh don't get wrong buddy. I didn't want to offend you by my question. I just want to make sure that you weren't flirting.” Tumingin ako sa kanya at pabirong sinabing, “What would you do then if was flirting with you?” ngunit sa isipan ko, alam ko na he was trying to hook up with me. Tumawa siya at sumagot, ”By the way, I'm gay. So I would most definitely bite you.” pabiro niyang sagot. 'Really.... I'm gay. I hope you're comfortable with that.” dugtong pa niya.

Sa pag-amin niyang iyon mas lalo akong na-excite. Sa isip ko, “Tangina baka ma-take home ako tonight.” Sinagot ko siya, “Definitely not an in issue from my side. I'm a PLU likewise.” Mas napangiti si Pietr ng marinig niya ang pag-amin ko at sinabing, “My goodness the family is getting bigger and bigger. Cheers to that buddy.” Tanong niya, “Oh... did you want another round?” Sumagot ako, “It's on me for this round. Okay?” “Cool.” sagot niya at habang papaalis tumitig siya sa akin ng may pilyong ngiti at bahagya niyang nilapit ang mukha niya sa akin. Halos magkadikit ang aming mga labi, pero nagpiggil ako dahil may mga katabi kaming crew sa aming kinatatayuan.

Nakailang rounds din kami ng drinks. Mga 2am na ng nagpasya na ako magpaalam dahil medyo late na at maaga pa ang duty ko ng araw na iyon. Nagpasalamat ako sa pag-invite niya sa akin sa crew bar at sa oras na nilaan niya. Ganun din ang kanyang sinabi at nag-aya na rin siyang lumbas ng bar. Nang mga oras na yun eh punong-puno pa ang bar dahil Latin Night ang theme. Maraming nagsasayawan sa dance floor.

Naunang naglakad si Pietr palabas, kasabay nito ang paghawak sa aking kamay habang naglalakad palabas ng crew bar. Naging mabagal ang paglakad namin dahil sa sobrang siksikan. Nang makarating kami sa labas binitiwan na niya ang kamay ko at naglakad na kami papunta ng aking cabina. Tinanong ko siya kung saan ang cabina niya. Sumagot siya, “It's 2341.” “But wait...that's on the other side. Why are you going to this direction?” tanong ko. “Really? I can't even walk you to your cabin?” tugon niya. “Oh...sorry I didn't mean to ditch you.” sagot ko.

Nang makarating kami sa cabina ko, nagpaalam na ako sa kanya at ganun din sya. Sadya kong hindi muna binuksan ang pinto dahil baka kasi natutulog na si Roger. Nakakahiya naman kung magiging siya ng dahil sa ingay namin. Habang naglalakad siya papalayo ay ilang beses siyang lumingon at ngumiti na may halong pagpapa-cute. Natawa na lang ako at pumasok na rin sa loob ng cabina.

Nag-hubad ako ng damit upang mag-shower dahil sa amoy ng usok na dumikit sa katawan at buhok ko. Nakahubad na ako ng biglang binuksan ni Roger ang curtain sa kama niya. Nakita niya ang hubad kong katawan na nakaharap pa sa kanya ng mga oras na iyon. Medyo nagulat ako kasi medyo malapit sa kanya ang kinatatayuan ko. “Uy.....ikaw pala. Anong oras na ba?” tanong ni Roger. “2AM na. Pasensya na ha at nagising pa kita.” sagot ko. Habang inaabot ko ang towel, sumagot si Roger, “Wala iyon. Iihi lang sana ako. Pagamit lang saglit ng banyo bago ka mag-shower.” “Sige gamitin mo muna.” tugon ko.

Paglabas ni Roger ng banyo napansin ko na medyo tinitigasan siya. Sinabi niya, “Ang ganda pala ng hubog ng katawan mo. Nag-gi-gym ka ba sa atin?” Sumagot ako, “Hindi. Dati kasi akong dancer sa school namin kaya ganyan.” “O sige tapos na ako. Mag-shower ka na.” wika ni Roger. Pumasok na ako sa banyo at nag-shower. Paglabas ko ng shower nakita ko na nakapaloob ang kaliwang kamay ni Roger sa kanyang white brief habang sapu-sapo ang titi niya.usok na ako ng sigarilyo. Tinignan ko kung gising pa siya pero ng makita ko ay nakapikit na ang kanyang mata. Sinuot ko na ang boxer brief ko at tuluyan ng nagpahinga.

---itutuloy

6 comments:

  1. Next na author.. parang bitin pero OK lang, ganda naman.. wag Karin tatamarin kahit ako lang ang ng comment talagang maganda ang stroya mo

    ReplyDelete
  2. Next please author...nakakabitin

    ReplyDelete
  3. I like your story. It's kinda interesting. However, I just have something to say with regards to a word that you were using when you asked Peitr to filled out the form. Based on my observation, this is the most common mistakes. It should be 'fill out' NOT 'fill up'. You can use 'fill up' when talking about some empty container and you're filling the container with something up to the point where putting in more would cause material to fall out. 'Fill out' is mainly used when talking about completing something with information, like a form or a survey. 'Fill in' is the rarest of the three, and it is used when talking about something like bubbling in a circle on an answer sheet for a test.

    ReplyDelete
    Replies
    1. In addition to that, pax means passenger not a guest.

      Delete
    2. Nagtrabaho ka na ba sa cruise ship? Or naging part ng construction ng cruise ship?

      Delete
  4. correct ka pa e may dalawang error ka agad sa 3rd sentence mo. -_-

    ReplyDelete

Read More Like This