Pages

Tuesday, November 22, 2016

Dont Think Twice (Part 1)

By: Anonymous

Magandang araw sa inyong lahat. I’ve been reading stories here for two years and I must say, all of the stories I’ve read inspired me to push myself to write my own. This is a fiction based on a true story. I don’t know if magugustuhan niyo ‘to since this is my first time but I really hope na may maantig naman. Sobrang haba ng story kaya sa susunod na kabanata nalang ang karugtong. Anyway, I hope you like it.
PS. Shout out to Kier Andrei. Thank you very much for sharing your stories.
"I'm always searching for something, for someone... I feel like, half of me was given to someone I've already forgotten, but the feeling I have towards that person remains. Hindi ko alam kung kailan ito nagsimula pero ang tanging ala-ala ko lang sa kanya ay ang nararamdaman ko."
4th year college na ako ngayon, 20 years young. I am a normal guy with a normal lifestyle; academics, barkada, at sa bahay lang ang inaatupag ko. Hindi kami gaanong mayaman but we are not poor either. Looks? I can proudly claim that I am very tall, not that dark, and oh so handsome. Hindi ako macho, katamtaman lamang ang aking katawan, I tried to work out pero masyado akong tamad para pagandahin ang aking katawan.  Nag-aaral ako sa isang tanyag na unibersidad dito sa Mindanao, at kumukuha nang kursong Peryodismo and yes, matalino ako at medyo mayabang, well, may maipag mamayabang din naman kasi ako. I have a heart condition na nagpapa hirap sa akin since bata pa ako, I only joined the boyscout sa pag aakalang ma o-overcome ko ang kahinaan ko pero may pagka bwisit talaga ang buhay, masyado akong minahal ng sakit ko kaya hanggang ngayon ay dala dala ko parin ang ipinamana sa akin ni Mommy. At bago ko pa makalimutan, ako nga pala si PJ at eto ang kwento ko.
I am not accurate kung anong grade ko siya nakilala, baka grade 1, 2, or 3? I don't know pero alam kong hindi ko siya imagination since matino naman ako noong bata pa ako. I totally forgot his name, but one thing I could'nt forget about him is that, he was my first love. Yes, I'm not straight and everybody knows that although hindi ako flamboyant, hindi rin naman ako trying hard magpaka lalaki dahil what you see is what you get ang isa sa mga prinsipyo ko sa buhay. So balik tayo sa kwento, gusto ko siyang hanapin. Sa Nueva Ecija, Cabanatuan City ako nag elementary at doon ko siya nakilala. I've been wanting to search for him kaso hindi ko magawa kasi nga hindi ko alam kung ano ang pangalan niya at kung saan siya nakatira. Nakasama ko lang siya noon dahil sa boyscout sa school namin, kaso he transfered after we became friends at yun lang talaga ang na aalala ko sa kanya. Sorry naman kung hindi ko talaga ma remember HAHA.

Pero two years ago, something miraculous happened nang bumalik ako sa Cabanatuan to attend the wedding of my cousin. I got very excited kasi nga ilang taon narin ang nakalipas since lumipat ang pamilya namin sa Agusan del Sur at noon lang ako nakabalik sa lugar kung saan naiwan ko ang kalahati ng buhay ko at siya yun. Don't get me wrong but I've been to many relationships naman, kaso hindi nagtatagal and yeah, aaminin kong ako ang nagiging dahilan sa hilawayan dahil sa ugali kong madali lang mawalan ng gana. So ayun, bumalik ako sa Cabanatuan to attend my cousin's wedding at para hanapin din ang noon ko pa hinahanap na tao. Alam kong hindi magiging madali ang paghahanap na gagawin ko dahil hindi ko alam ang pangalan niya, ni hindi ko na nga maalala ang mukha nang mokong na yun, pero naging pursigido ako. Sembreak ko noon kaya may 3 weeks ako para mag stay.
Pagdating ko sa bahay ng pinsan ko, ang daming nagbago sa lugar at hindi ko na nga maalala ang daan papunta sa school ko noong elementary. The wedding happened, bla bla blaaah at nag isang linggo narin bago ako nagsimula sa mission ko. Hindi yun naging madali kasi itatanong ko sana sa school namin kung buhay pa ba ang records nila sa boyscout members noong sina unang panahon kaso sembreak din kasi sa kanila kaya sarado ang mga office. Medyo nanghina ang loob ko nung mga oras nayun pero kailangan kong maging matatag.
Kapag bumibisita ako sa skwelahan, may naramdaman akong kakaiba, hindi ko maintindihan. Trust me, whole day akong tumatambay doon, alam kong napakaliit lang nang chance na makita ko siya doon pero may kutob akong baka doon ko talaga siya makita.
The school has become so small, ang laki laki kasi nang tingin ko sa school nato noong elementary days. Sa bench ng field ako tumatambay, yun kasi ang sentro nang skwelahan, at tanaw mula doon ang gate kaya nakikita ko lang kung sino ang mga pumapasok at lumalabas sa campus.
It was the second week of my vacation, Byernes ng umaga. Naka tambay parin ako sa same bench na inu-upuan ko. I have so many things in my head, I am having a reverie nang dumako ang aking mga mata sa gilid ng bench. It caught my attention kasi may nakasulat na pangalan. I cried as if I was a child who just found his long lost favorite toy. Nakasulat doon sa bench ang whole name ko at isang pangalan "Rob Jake Laranjo". The name was unkown to me but my tears are my proof that there was something sa pangalan na yun. I took my phone at hinanap ang pangalan na yun sa Facebook. I was again on the brink of crying as I typed the name, kinakabahan ako. After all those years, I might get a chance to see him again. May takot rin akong naramdaman kasi baka mali ako, pero sino ba ang magsusulat nang pangalaan ko doon? Hanggang grade 3 lang naman ako sa skwelahan na yun at wala akong naging kaibigan maliban sa aking mga pinsan at sa kanya. I did introduced myself to him kaso nakalimutan ko o di naman kaya ay hindi ko talaga nakuha ang pangalan niya pero sa mga panahon na yun ay nabuhayan ako.
Nakita ko ang Facebook account niya, when I saw his photos, hindi ko na naman napigilan ang sarili kong manginig na parang baliw. Bumalik sa akin ang lahat at naalala ko na ang kanyang mukha, hindi ako nagkakamali dahil tiningnan ko ang kanyang personal information. Nakatira parin siya sa Cabanatuan. I did'nt know what to do so sinimulan ko nalang sa pag a-add sa kanya as a friend.
Naka upo parin ako sa same bench that time at parang tanga na naka ngiti. Ilang oras din akong nanatili sa ganoong posisyon at walang ibang ginagawa kundi ang mag stalk. Lunch break na noong umuwi ako sa bahay ng pinsan ko, dumiretso ako sa aking kwarto at pinagpatuloy ang pagiging stalker, after an hour, he accepted my friend request at para akong baliw na nag tata-talon sa aking higaan. Natatandaan ko pa talaga ang aking pagtili na dahilan sa pagpasok ng aking pinsan sabay tanong kung ano na ang nangyari sa akin. Para daw kasi akong ginagahasa.
A few minutes after he accepted the friend request, he sent a message.

"PJ Eltagonde?"
I screamed once again because of kabaklaan and happiness at dahil maharot ako at masaya na nahanap ko na ang taong matagal nang may hawak sa kalahati ng aking puso, I replied.
"Yes?"
It was a short response, hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang sasabihin, alangan namang mag confess ako agad? He is very handsome but I am not gonna fall that easy, syempre probinsyano ako, kailangan kong mag paka hard to get.
"Nasa Cabanatuan ka pa ba?."
"Wait, kilala mo pa ako?"
Sunod sunod niyang message sa akin. I responded well and we spent the whole afternoon chatting with each other. I told him kung saan ko nakita ang pangalan niya and that I totally forgot his name that's why it took me several years before I know his identity. He also told me what happened to his life and the reason why he wrote our name sa bench.
"Grade 1 tayo noong una kitang nakita, ang cute mo kasing bata. Grade 2 naman noong nakilala natin ang isat-isa. Simula nung lumipat ako sa school na yun noong grade 1 ay hindi ako nagkaroon ng maraming kaibigan kasi mahiyain akong bata, nung naging kaibigan kita, isa yun sa pinaka masayang sandali nang aking buhay pero nung nalaman kong lilipat na naman ako ng skwelahan ay agad akong pumunta sa field para makita ka, hindi tayo magka klase kaya hindi ko alam kung saan ka hahanapin. Pumunta nalang ako doon sa bench at naisipang isulat ang mga pangalan mo at pangalan ko kasi hindi ko nabigay sayo ang real name ko. You only address me sa pangalang Dodong"
Natulala ako sa nalaman ko, because it was very vague, how come hindi niya ako mahanap eh sampu lang naman ang sections ng Grade 1 sa school na yun, he could have atleast went to the rooms one by one para makita ako. Pero bata pa naman kasi kami noon so I understand kung hindi niya ginamit ang utak niya.
He asked me if we could meet the next day and since wala akong ginagawa, I said yes.
Have you ever felt that? That feeling when almost all of your life, you've been playing a puzzle but hindi mo mabuo-buo kasi kulang ng isang piraso. I usually don't want to be emotional because I want myself to be strong but that night, iyak lang ako ng iyak. I could'nt sleep because of excitement and happiness. Finally, makikita ko narin ang taong kukumpleto sa akin.
I was oblivious to the fact na magkikita pa pala kami by 9AM sa malapit na mall at dahil sa kakaiyak ko, parang sinuntok ang mga mata ko.
Kinaumagahan, I got up very early. I groomed myself, at kahit may dalawang oras pa bago kami magkita ni Rob, I already prepared myself para hindi ako ma late.
Dumating ako sa aming tagpuan by 8AM and I was again surprised to see na nadoon na siya. I swear to God, parang malalaglag ang brief ko nang makita ko siyang naka upo sa loob ng restaurant. I saw a guy wearing nerd glasses, fit blue shirt and white shorts, simple lang pero angat ang kagwapuhan niya sa tangos nang kanyang ilong at kapal ng kanyang mga kilay, idagdag pa ang mga labi niyang pinkish at very kissable. Ang sarap niyang gahasain pero nahimasmasan ako sa nang nakita kong nakatingin na pala siya sa akin sabay ngiti nang napaka amo niyang mukha. May mas gwapo pa pala sa akin? Napa SHIT ako sa taong ka meet ko. Mas gwapo pa siya sa personal kumpara sa pictures niya sa Facebook.
I entered the restaurant walking with confidence suot ang aking pretentious sunglasses, trying to hide my eyes na nangliit dahil sa overnight drama ko kagabi. Nakita niya akong papalapit at bigla siyang tumayo at lumapit sa akin, he hugged me. Napa atras ako sa gulat at medyo nahiya naman siya as he realized that what he did was actually awkward.
He greet me with a very beautiful smile. Shit, nababakla ako nang wala sa oras sa kaka ngiti niya. Binati ko naman siya at binigay ang aking pinaka MASARAP na ngiting nang-aakit.
Tinungo na namin ang table na naka reserba sa amin, the waiter gave us the menu and I can say with certitude na nakatingin lang siya sa akin the whole time. Umorder na kami and then we talked. Kwentuhan lang about sa akin, sa kanya at kung ano ang mga nangyari sa amin sa mga nakalipas na taon.
Pinapatanggal niya ang sunglasses ko but I refused baka kasi makita niya ang mga singkit kong mga mata, he insisted and since medyo nakukulitan na ako, I gave in at tinanggal ang suot kong glasses.
He was obviously surpised nang makitang namamaga ang mga mata ko and out of curiousity he asked me kung umiyak ba ako galing. That moment, I was very hesitant to tell him the truth kaya sinabi ko nalang na I was invited sa kasal ng pinsan ko at hindi ko sinabi sa kanyang mahal ko siya noon pa. Sa postura at awra niya, he's 100% straight and ayokong pandirihan niya ako sa first meeting namin.
"Something happened to our publication at kagabi ko lang nalaman kaya dahil sa sobrang galit ay iniyak ko nalang." I told him.
I was composing myself the entire time that we were together, nilalasap ang bawat oras na nasa harap ko siya. Ang dami niyang kwento sa akin na mawili ko namang pinakikinggan.
"Noong mga oras na lumipat na ako ng paaralan at hindi man lang kita nakita sa huling pagkakataon, isang taon rin akong na depress pero tulad ng iba at tulad mo, I managed to live and get by so patas tayo nang sinabi mo sa aking hindi mo na ako naalala," nakangiting sabi niya sa akin. Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa panahong yun.
"Pero sa totoo lang, masayang masaya ako na sa matagal na panahon ay nakita ko ang long lost bestfriend ko." dugtong pa niya na tila'y nag e-echo sa utak ko.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko. Punyeta, ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Masasaktan lang ako, masyado akong nalunod sa thought na magiging madali lang ang lahat kapag nahanap ko na siya. Hinawakan ko ang aking dibdib at pilit na tinatago ang nararamdamang sakit. Napapangiwi na ako sa sobrang sakit. Wrong timing naman kasi itong puso ko, kung kelan pa dapat ako nagsasaya eh ngayon pa umeepal.
Nakita niya sigurong medyo nahihirapan akong huminga so he asked me if I'm okay. Sinabihan ko lang siyang wag mag alala kasi hindi na naman yun bago sa akin. Dali dali kong kinuha ang gamot ko sa aking bulsa pero kung minamalas ka nga naman, napa mura na lang ako when I found out na hindi ko pala nadala ang gamot.
Tinungo niya ako sa aking upuan para alalayan and that was the last thing I remembered before anything went black.
Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa kisame ng silid at alam kong nasa hospital ako. Nalala ko ang lahat ng nangyari kanina at medyo kumirot na naman ang dibdib ko. Napansin siguro ng mga tao sa loob ng kwarto ang pag gising ko at hawak hawak ang aking dibdib. Narinig ko ang aking pinsan na tumatawag ng doktor at ako naman ay naka tulala lang sa kawalan ng may naramdaman akong mainit na kamay sa aking pisngi.
I saw Rob's face smiling at me while he caressed my face with his hand.
"Di mo naman sinabi sa aking may sakit ka pala sa puso, ako nalang sana ang pumunta sa bahay ng pinsan mo para hindi ka napagod," halata sa tono nang boses niya ang pag-aalala sa akin.
"Para ano? Kaawaan ako?" walang emosyong kong tugon sa kanya.
"I'm your bestfriend, you can tell me anything"
"No, I'm not used to telling people my weakness. Hindi ko gustong kinaka awaan ako dahil lang may sakit ako sa puso." giit ko sa kanya.
He probably felt that I'm not in the mood to tell a story so he remained silent pero hindi niya parin tinatanggal ang kamay niya sa pisngi ko.
Ilang minuto rin kaming tahimik at natauhan lang ako when I suddenly felt a hard thing hit my face. Maging si Rob ay nagulat rin sa nangyari kaya natanggal niya ang kamay niya sa mukha ko at dun ko na narinig ang boses ng pinsan kong si Lyka.
"Gaga ka talaga insan, ilang beses na ba kitang sinabihan na 'wag kakalimutan ang gamot mo pag aalis ka ng bahay?! Pati ako aatakihin sa puso sa'yo eh!" sermon niya sa akin habang dinuduro duro ako ng kanyang pamaypay na siya ring ginamit niya pang hampas sa akin.
"Relax Lyka, hindi naman ako namatay diba?" biro ko sa kanya.
"Yun na nga! Eh pano kung napuruhan ka? Nako naman PJ, Kaka-kasal ko lang netong nakaraan at hindi ko kayang burol naman ang puntahan ko! San ka ba kasi galing at imbis na mag impake ka na ay lumalakwatsa ka pa?" mahabang litanya ng mabunganga kong pinsan sa akin, tiningnan ko lang si Rob na nasa likod na ni Lyka that time kaya naman ng makita siya ni Lyka ay hinampas niya rin ito ng pamaypay sa braso. Nagulat ako sa ginawa niya pero napatawa lang ako sa ginawa niya.
"At ikaw naman Rob! Kung saan saan mo dinadala itong pinsan kong baliw eh, ayan inatake na naman!" iritableng sabi nito kay Rob.
"Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanila.
"Aba syempre naman, kaibigan ko ang Girlfriend nito eh, tsaka nakatira lang naman sila sa may di kalayuan sa atin." inosente niyang sagot sa tanong ko, parang sumabog naman ang puso ko ng marinig ko ang lahat ng sinabi sa akin ni Lyka.
May girlfriend na pala siya? Hindi niya man lang nabanggit sa akin. Tiningnan ko ng blangko si Rob na noon ay nakatingin din pala sa akin. Nangungusap ang mga mata niya.
"So ano 'to? Magtitinginan na lang ba kayo? Haaaay nako! maka alis na nga lang muna saglit at pupuntahan ko pa yung punyetang Doktor mo at bakit ngayon ay hindi pa dumarating." galit naman na lumabas si Lyka.
Hindi muna kami nagkibuan at parehong pina pakiramdaman ang isa't isa.
"May gir---," hindi ko natuloy ang aking sasabihin ng bigla rin siyang nagsalita. Lumapit siya sa at umupo sa aking hinihigaan
"Uuwi ka na pala, hindi mo man lang sinabi sa akin," may lungkot sa boses niya.
Hindi ako nag salita pero nakatingin lang ako sa kanya at siya naman ay hawak ang aking kanang kamay at naka tingin ng malayo sa bintana.
Naka rehistro na kasi sa aking utak na meron na pala siyang nobya at nilalamon nito ang isipan ko at pati ang bibig ko ay hindi narin nagawang sumagot pa.
"Patas na nga siguro tayo..." medyo naguluhan ako sa sinabi niya kaya ng lingunin niya ako, binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
"Iniwan kasi kita noong mga bata pa tayo, kaya siguro'y iiwan mo rin ako. Pero hindi kita masisisi kung yun nga ang balak mo, hindi ko kasi hawang ang magiging desisyon mo" dugto niya na ikinabigla ko.
Sasagutin ko sana siya ng pabalang kaso wala akong lakas para barahin siya. Totoo rin naman kasi ang sinabi niya. Wala akong planong sabihin sa kanyang malapit na akong umuwi sa amin dahil takot akong umasa sa kung ano man ang mangyayari sa amin at sa akin sa hinaharap lalo na't ganito ang sitwasyon ko.
"May girl friend ka naman diba? 'di tulad ko, hindi ka maiiwang mag-isa." tugon ko na ikinatahimik niya.
Tiningnan niya ako sa aking mga mata na noon ay nanggigilid na ang mga luha. It took him a minute bago niya ako sinagot pero dahil lutang na lutang na ang utak ko, hindi ko na siya pinansin pa at tumingala na lamang sa kisame at kahit na masakit sa mata, tinutukan ko ang ilaw. Ipinikit ko ang aking mga mata at nakita ang puting tuldok galing pagkaka tutok sa ilaw. Isang buntong hininga lang ang naging tugon ko. Pagdilat ko, nakita ko ang mukha ni Rob na may lungkot .
Magsasalita pa sana si Rob ng biglang pumasok si Lyka kasama ang doktor kaya tumayo si Rob at hinayaan ang doktor na e-examin ako. Naririnig kong nag-uusap si Lyka at Rob pero hindi ko pinansin at pumikit na lamang.
Nakatulog pala ako habang hinahalay ako nang kung ano anong test ng Doktor. Tiningnan ko ang paligid at na disappoint nang tanging si Lyka lang ang nakita ko sa kwarto. Hawak niya ang cellphone niya kaya hindi niya agad akong napansing gising.
Ilang sandali lang ay inilapag na ng pinsan ko ang kanyang hawak at dun niya nakiting gising na pala ako. Lumapit siya sa akin at halatang nag aalala sa kalagayan ko.
"You know that I hate that look." Sabi ko sa kanya at nahimasmasan naman siya at sabay ngumiti ng pagka laki laki.
Despite our distance, si Lyka ang pinaka malapit kong pinsan sa lahat. Dalawa lang silang magkapatid ng bunso niyang si Gerald na ka batch ko naman. Kahit kasi noong lumipat na kami sa Agusan ni Dad ay panay parin ang communication namin sa isa't isa kaya kami ang laging nagkakasundo sa lahat ng bagay. Siya ang una kong sinabihan about my preference at dahil nga loka loka siya, hindi naging mahirap para sa kanya ang tanggapin ako. Kaya naman nong oras na ibinalita niya sa aking magpapakasal na siya at hindi ako nag dalawang isip na pumunta.
"Stop playing strong PJ, tayong dalawa lang naman dito sa VIP room eh kaya kung ano man yang bumabagabag sayo, sabihin mo na bago pa ako mismo ang maging dahilan ng kamatayan mo!" biro niya sa akin. Nginitian ko siya at niyakap.
"Maraming salamat insan, mahal na mahal talaga kita." Bulong ko kanya habang pinipigilan ang sarili kong umiyak.
"Ew, wag ka ngang tomboy at incest! Ayokong magkasala at sa pinsan pa." Sabay tawa sa sinabi niya.
"Gaga ka talaga! Kahit na maganda ka at maging straight ako, hinding hindi kita papatulan dahil sa sobrang lakas mong humilik!" biro ko naman sa kanya habang tumatawa.
Tiningnan niya ako ng seryoso at nakuha ko naman agad ang ibig niyang sabihin. Hindi ko na pinigilan ang sarili ko at umiyak na na parang bata. Alam ni Lyka na kanina pa ako nagtitimpi.
Niyakap niya ako at nakiki iyak rin. Gaga talaga, ilang minuto rin kaming ganun ng bigla siyang kumalas at iniba ang awra.
"Ihinto na nga natin ang kabaklaang ito, bawal sayo ang maging emosyonal eh! Baka mapuruhan ka na talaga niyan." ngumiti na siya sabay punas ng mga luha ko gamit ang kanyang mga kamay.
Nang mahimasmasan ay sinabi ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari at kung saan ako tumambay noong mga araw na wala ako sa bahay. Pinagalitan  pa niya ako kasi hindi ko man lang daw siya sinama sa lakad ko. Alam niya rin kasi ang tungkol sa batang noon ko pa sana gustong hanapin at hindi raw siya nag expect na si Rob yun.
"And the most painful part here is that may girl friend na siya. After years of thinking where he could have been and years of waiting, makikita ko siya sa panahong wala na akong papel sa buhay niya. Ganito ba talaga ang storya ng buhay ko? Ang mawalan ng papel sa buhay ng iba? First, si Mommy nung namatay siya because of heart failure at ayoko mang aminin pero pati rin si Dad hindi na ako binigyan ng chance maging anak niya. Now kay Rob naman? Sa bawat oras na inaatake ako sa puso, may panghihinayang akong nararamdaman bawat pag gising. Kasi wala namang nagbabago eh." Litanya ko kay Lyka. Tiningnan niya ako at hinawakan ang aking mga kamay, gusto ko pa sanang umiyak kaso kailangan kong pigilan at baka atakihin na naman ako.
"Unang una, hindi ganyan ang storya ng buhay mo, alalahanin mong ikaw ang manunulat sa kung ano man ang kwento mo. Pangalawa, 'wag mong isiping wala kang papel sa buhay ng iba, andito pa naman ako diba? Talagang nasaktan lang siguro si Uncle Paul ng mawala sa inyo ang Mom mo. Pangatlo, don't jump into conclusions agad. Si Rob? babae rin yun, promise! Dakilang cover girl lang naman si Avril sa buhay nun eh kasi sundalo tatay ni Rob at ewan ko ba sa at parang atat siyang makitang may nobya si Rob kaya ayun, ang mag bestfriend naging mag nobyo para narin sa ikasasaya ng damuhong ama ni Rob." Medyo na himasmasan ako sa mga sinabi ni Lyka sakin. Pero ang pinaka tumatak ay ang huli niyang binanggit patungkol kay Rob.
"Teka, bat mo alam ang storya ni Rob?" pag uusisa ko sa kanya.
"As what I have told you, kaibigan ko ang girl friend niyang si Avril, andun kaya siya sa kasal ko at kung alam ko lang na si Rob pala yung batang kinikyeme ng malandi mong tumbong, edi sana noon ko pa siya ipina-booking para sa'yo!" natawa ako sa sinabi niya.
And speaking of Rob, kanina ko pa sana itatanong kay Lyka kung saan na siya at na gets naman agad niya ang ibig sabihin ng mukha kong may hinahanap kaya inunahan na niya ako.
"Rob? He already left a while ago. Binatukan ko pa nga siya eh kasi hindi man lang niya hihintayin na gumising ka. May gagawin pa daw siya kaya umuwi muna. He'll come back later kaya wag kang emotera kasi hindi bagay. Lakas mong maka pelikula eh hindi ka naman artista!" Pambabara niya sa akin nang mapansing malungkot ako kasi wala si Rob.
"Ang speaking of uwian, tinawagan ko si Uncle Paul tungkol sa nangyari sa'yo, I even begged for him to visit sayo kaso may ginagawa pa daw siya sa firm at pap--," Biglang nag bell naman ang tenga ko sa sinabi niya at nag iba ang timpla ng mood ko.
"Did you just said you BEGGED for him to come?" diniinan ko talaga ang word na begged para malaman niyang hindi ako sang-ayon sa ginawa niyang pag tawag kay Dad. Halata namang nag panic ang mukha ni Lyka at alam kong dun pa lang niya na realize na wrong move ang ginawa niya kaya tumahimik na lamang siya at yumuko.
"Of all the people close to me, you're the last person I'd think na gagawin yan dahil alam kong alam mo na hinding hindi ko magiging option ang tawagan si Dad kung ano man ang nangyari sa akin. You know well that I hate asking people for their care and attention especially when we talk about my Father!" halos pasigaw ko nang pagkakasabi kay Lyka.
Tiningnan lamang niya ako at nag-sorry siya. Gusto ko mang magalit sa kanya ay hindi ko magawa, siya lang naman kasi ang tanging kakampi ko sa lahat ng bagay at wala akong planong sirain ang relasyon namin dahil lang sa ginawa niya na obvious namang act of worrying lang. Pagdating kasi sa akin, super co ncern talaga ang gaga kaya lang minsan ay hindi niya na iniisip pa ang mga ginagawa niya kapag inaatake ako. Hindi rin naman 'to ang first time na tinawagan niya si Dad.
Humingi nalang din ako ng tawad kay Lyka para matuldukan ang katahimikan sa silid. Umuwi din muna siya sa bahay nila dahil aasikasuhin daw niya ang asawa niya at babalik lang daw sa gabi upang dalhan ako ng mga damit.
Hindi ko rin maiwasang mapag-isip ng umuwi si pinsan. Napaka tahimik ng kwarto. Kinuha ko naman ang cellphone kong naka lapag lang din lamesang nasa tabi ng higaan ko. Wala man lang akong natanggap na mensahe galing sa Ama ko gayung alam niya namang inatake ako. Hindi ko nalang yun inisip at medyo sanay narin naman ako sa kanya.
Mag a-alas 7 na ng gabi nang biglang bumukas ang pinto, akala ko pa si Lyka ang pumasok pero pag lingon ko si Rob pala. Hindi ko na naman napigilan ang puso ko sa pag tibok ng sobrang bilis. Daig ko pa ang ilang kilometro ang tinakbo dahil sa bilis ng pag hinga ko. Napansin naman 'yon ni Rob at nilapitan ako at tinanong kung hindi na naman ba ako maka hinga. Naka inom na ako ng gamot ng mga oras na yun at bukas pa daw ako makaka labas sa hospital dahil sa kung ano-anong test ang pinag gagagawa nila sa akin.
Noon ko lang din napansin ang dala-dala niyang basket na punong puno ng chocolates at prutas.
"Balak mo ba akong patabain?" Ngiti kong bati sa kanya na tinugunan niya lang ng isa ring napaka tamis na ngiti. Haaay, kung hindi lang siguro sa dextrose ko ay tumakbo na ako patungo kay Rob para lapain siya. Ang sarap niya kasing tingnan ng mga oras na yun. Naka leather jacket siya at itim na fit jeans na umangkop sa suot niyang sapatos at jacket.
"Patatabain ko muna puso mo, bago ikaw." Aniya sabay kindat sa akin.
Napamura naman ako sa isip ko dahil sa ginawa niya. Tengene! Nang-aakit ba siya? Pero natigilan ang pagiging malandi ng loob ko nang maalala kong meron na nga pala siyang nobya. Nginitian ko lang siya na parang naiilang.
"Kailan ang balik mo dito?" Tanong niya sa akin kaya napatingin ako sa mga mata niya na animo'y nagmamaka awang 'wag na akong umalis. Pero hindi ako nagpaloko sa takbo ng isip ko.
"Hindi ko alam Rob, wala narin naman siguro akong babalikan dito eh." Diretso kong sagot sa kanya at halatang nanigas siya sa sinabi ko. Totoo naman kasi, siya nga ang rason ko kung bakit ako bumalik sa lugar na yun at base sa takbo ng mga buhay naming dalawa, hindi ko alam kung magandang ideya pa ba ang bumalik doon lalo na't inatake pa ako sa puso.
Bigla naman akong niyakap ni Rob, wala na siguro siyang maisagot ko. Naguguluhan man siya sa lahat ng mga pinag-sasasabi ko, kailangan ko parin gumawa ng desisyon na papabor sa aking kalagayan. Iniharap niya ako sa kanya at hinawakan ang aking mga pisngi at tiningnan ang mukha ko ng napaka-igi. Dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin at dahil may landi talaga ako sa katawan ay ipinikit ko nalang ang aking mga mata at hinintay ang mga susunod na mangyayari.
Nagpang-abot ang aming mga labi at sa kauna-unahang pagkakataon ay naramdaman ko ang saya na noon pa ay hindi ko naramdaman pero may kirot sa aking dibdib at nagsasabing may mali kaya kahit na masarap ay kumawala ako sa kanyang pagkakayapos sa akin at ang saya ay natabunan ng takot at pangamba.
"Ano'ng problema? Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya habang naguguluhan na ikina  irita ko ng sobra.
"You should'nt do that. We should never do that!" Galit kong tugon sa kanya habang hinahawakan ko ang aking mga labi.
"How about your girlfriend Avril?" Dagdag ko at bumalik ulit ang kirot sa aking dibdib ng makita ko siyang natauhan sa ginawa niyang paghalik sa akin.
Sasagot pa sana siya kaso wrong timing na naman ang baliw kong pinsan. Tiningnan lang namin siyang dalawa ni Rob at dahil nagtataka si Lyka sa inasal namin ay pinag hahampas niya kami ng kanina pa'y hawak hawak niyang pamaypay. Ang gaga hindi man lang inisip na may dinaramdam ako.
Hindi ko pa sana mapapansin na may kasama siya kung hindi niya lang na corner si Rob sa kilid ng kwarto. Para akong naka kita ng isang napaka gandang anghel, literal na anghel. Tang-ina, kung hindi lang talaga ako fix sa preference ko, she would probably be my dream girl. Sa tangkad niya, hindi na ako magugulat kung nag mo-modelo siya. Kamukhang kamukha niya si Georgina Wilson.
"Insan, meet Avril." Pakilala ni Lyka sa kanya na noo'y tapos na sa pakikipag harutan kay Rob. Ngumiti lang si Avril ng napaka ganda.
"Hi, I'm PJ, nice to meet you" Tugon ko nalang sabay abot ng aking kamay for a shake hand. Inabot niya naman ito.
Akala siguro ni Rob ay hindi ko siya napapansin na kanina pa balisa at hindi alam ang gagawin. I knew it, pinaglalaruan niya lang ako.
And that was the start of me being so hard to others. After that day, umuwi ako sa amin dala-dala ang ugaling hinding hindi ko na bibitawan. I blocked Rob on my Facebook and I told Lyka to never tell him any information about me. Although I told Rob kung saan ako naka tira sa Agusan at kung saan naman banda ang apartment ko sa loob ng unibersidad pero sigurado naman akong hindi niya ako pupuntahan.
Dalawang taon narin ang nakalipas, akala ko milagro at nahanap ko na ang noo'y akala kong hindi ko na mahahanap. Pero sana noon pa nalaman kong hindi lahat ng nawawala ay kailangang muling makita.
Alam kong mababaw ang aking dahilan pero kinaya kong talikuran si Rob para sa akin at sa aking puso. Kung hindi ba naman kasi puro ka putang inahan ang buhay ko, literal na ngang mahina ang puso ko, pati ba naman mismong ako?
Dalawang taon ang lumipas at sobrang rami ng nangyari. Maliban sa iniba ko ang aking ugali, kasama ko narin ang pinsan kong si Lyka sa apartment ko. Mag-dadalwang taon ko na rin siyang kasama sa bahay at okay lang naman yun. Naghiwalay kasi sila ng asawa niya matapos nitong malaman na may kalaguyo.
"Putang inang lalaki siya! Ang sarap sarap kong babae tapos maghahanap pa siya ng ibang putahe? Eh ang liit na nga ng titi niya, ipinapag kasya niya pa sa dalawa? Aba insan, saan siya humugot nang lakas ng loob?" Dalawang oras din niyang paulit-ulit na sinasabi lahat ng 'yon sa akin. Dala narin siguro ng kalasingan kaya para siyang sirang plaka na paulit-ulit lang. Hinayaan ko siyang mag litanya at umiyak sa panahong 'yon dahil pareho naming alam kung gano kasakit ang mapag laruan.
"Kaya ikaw insan, maging bakla ka na! Wag lang maging baboy na tulad nila!" Aniya na bigla kong ikinilambot. Natamaan ako sa sinabi niya. Alam ni Lyka ang lahat patungkol sa akin ngunit hindi niya alam na simula nung insidente ko kay Rob ay nagpaka puta na ako. I may have changed my personality but I gave up my dignity.
After that moment, mas pinili ko pa talagang hindi na lang sabihin kay Lyka ang kalagayan ko sa kadahilanang baka hindi niya matanggap ang sobrang pag babago ko.
Pero kahit na ganoon ang nangyari sa akin, nakakahiya mang aminin ay nilunok ko ang lahat ng mga ginawa ko sa aking sarili nang makilala ko si Sam last year.
3rd year college ako that time at medyo busy sa requirements at publication kaya wala akong oras sumama sa mga night outs ng barkada at naiintindihan naman nila yun, hindi narin naman sila pumapalag dahil alam nilang hindi nila ako mapipilit.
May isang gabi na nagka-yayaan na naman ang barkada at dahil nga busy ang lola niyo, hindi na naman ako sumama. Pinilit nila akong sumama pero mas matigas pa ako sa mga burat nila kaya naman ay napag pasyahan nilang sa apartment ko nalang gawin ang inuman. Weekend din kasi kaya pinyagan ko  sila.
Apat kaming magbabarkada at ako lang ang hindi straight sa amin. Si Micheal ang leader ng grupo ayon sa kanya. Kamukha niya si Matt Evans kung maging moreno, chickboy ang gago kaya sa edad na 18 ay meron ng anak. Si Ivan at Neil naman ay kambal. Well, gwapo silang dalawa. Ewan ko ba sa kanilang tatlo pero simula nung nalaman nilang silahista ako ay sila na mismo ang nag presenta sa kanilang mga sarili na gawin akong parte ng kanilang barkada.
"We just want to measure our manhood by making you part of our group, kung sino man sa aming tatlo ang mahulog sayo, siyang talo." Tanda ko pa ang diretsong pagkakasabi sa akin ni Micheal noong oras na gawin nila akong muse. Nairita ako sa mga oras nayon sa kanila kasi sino ba naman ang gustong maging parte ng isang pustahan pero kahit na ganun ang simula namin ay naging malapit ako sa kanila. Wala kasi talaga akong ibang kaibigan maliban sa luka-luka kong pinsan.
Naunahan pa akong dumating ng tatlo sa apartment nung napag kasunduan naming ako ang host sa inuman session. Nadatnan ko ang pinsan kong naka upo sa sofa sa sala habang ang tatlo ay nasa harapan niyang naka upo rin. The three bullshits are flirting with my cousin at nahihiya akong sabihin na hindi man lang ito tumatanggi o di naman kaya'y umaangal sa ginagawang pag papa cute ng mga ungas sa kanya.
"What the fuck are you doing? You look like a cheap prostitute!" Halatang hindi ako napansin ng apat dahil lahat sila gulat sa sinabi ko.
"Ang harsh mo naman insan! Hindi mo rin naman kasi sinabi sa akin na dadalhin mo pala ang tatlong models mo dito sa apartment. Hindi man lang ako nakapag handa sa sarili ko" Tugon sa akin ni Lyka habang hinahawi ang buhok niya sa may tenga. Tiningnan ko siya mula ulo hanggan paa at napangiwi.
"Tang ina, hindi nakapag handa? Hiyang hiya naman ako sa red cocktail mong tang ina ka!" Inirapan ko lang siya at tiningnan ng masama ang tatlong naggagandahang lalaki.
"Baka naman sa pinsan ko na kayo mahulog at hindi sa akin, at kung ganun ang mangyayari aba friendship over na tayo!" Pambabara ko sa kanila. Natauhan naman sila at nilapitan ako habang si Lyka ay humagaghak lang.
"Eto naman si Babe nageseselos agad." Niyakap ako ni Ivan habang si Neil at John naman ay naki yakap narin. Para kaming tanga sa ginawa nila. Ako man ay kinilig pero syempre hindi ko pinahalata.
"Tama na ngang kabaklaan yan! Ew nasusuka ako!" Pambabara naman sa amin ni Lyka.
Natauhan ako at kumalas sa pagkaka yakap nila. Tiningnan ko silang tatlo at nginitian ng napaka ganda.
"Hindi parin ba kayo bumibigay sa akin?" Tanong kong may halong pang-aakit.
Natawa naman ako sa reaksyon ng kanilang mga gwapong mukha. Hindi nila ako matingnan ng diretsa sa mata at ayun sa pinapakita nilang pamumula ay effective naman ang ginagawa ko pustahang pinagkasunduan nila,
Pagkatapos nun ay umakyat na ako sa kwarto ko at sila na ang nag-asikaso sa lahat since ready na naman yung mga iinumin at pulutan namin sa session. Kinagabihan, bumaba na ako sa sala dahil kakatapos ko lang mag edit ng mga articles. Naka upo na silang apat sa sofa at ready na ang lahat. They are all acting wierd so I glared at them.
"You know I don't like puzzle guys! Spit it out or else papalabasin ko kayong lahat!" Singhal ko sa kanilang apat. Lumapit naman sa akin si Micheal at ngumiti ng nakaka loko.
"Babe, ganto kasi yan." Panunuyo niya habang hinahawakan ang aking mga braso at naka tingin sa akin.
"Inimbitahan ko kasi ang kapatid ko dito sa bahay mo. Actually, nasa labas lang siya. Hindi ko lang pinapasok kasi baka magalit ka." Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.
"May panahon pa ba akong magalit? Eh nasa labas na naman pala yung kapatid mo eh!" Sarkastiko kong banat sa kanya.
Pinuntahan ko nalang ang pinto at ako na mismo ang nagbukas nito para papasukin ang unwanted guest namin. Alam kong may kapatid si Micheal pero hindi ko pa siya nakikita ever since.
When I opened the door, namangha ako sa nakita ko.
"What the fuck?!" Bigla kong sinarado ang pintuan, leaving the person behind in the state of shock.
"Hooooy Bakla, papasukin mo yung tao!" sigaw ni Lyka sa akin.
Hindi ako maka hinga. Lumapit naman sa akin si Micheal at tinanong ako kung ano ang nangyari sa akin.
Hinawakan ko ang aking dibdib at tinawag si Lyka to get my medicines. Agad naman itong tumakbo sa kwarto at kinuha ang mga gamot ko. It took me a 30 minutes to be calm and after that, andun na kami lahat sa sala naka upo inlcuding Sam, the younger brother of Micheal.
Naging awkward ang eksena dahil inatake na naman ako. I insisted to continue the inuman session sayang naman kasi kung ipag pabukas pa yun. So the sitting arrangement was 3 on 3. Nasa kaliwa ako ng sofa at katabi ko si Lyka and Micheal. Sa harap naman namin ay ang magkambal na si Neil at Ivan and the visitor.
I told them I won't drink and they said yes naman. Alangan naman painumin pa nila ako, baka ikamatay ko pa. Nagsimula na ang inuman at nakatingin lang ako sa kapatid ng kaibigan ko. I knew that napapansin ako ni Sam na nakatingin palagi sa kanya but he managed to act as if wala akong ginagawa. Even Lyka was staring at him.
"Is this for real? Kamukhang kamukha niya si Rob, don't you think?" Bulong sa akin ni Lyka.
"Oy.oy! Anong pinag bubulungan niyo diyan? Balak niyong gahasain kami no?" Patawa naman ni Ivan as he saw Lyka whispering.
"Hoy! Kahit na gwapo kayong lahat, hinding hindi pumasok sa pepe ko ang idea na gahasain kayo! Mga assumero!" Bara naman ni Lyka sa kanya,
Nagtawanan lang sila pero tahimik lang ako. Actually, the real reason why my heart almost stopped from beating is when I saw Sam's face. He looks like a carbon copy of Rob, kopyang kopya ang mukha ng bata ang mukha ng taong muntik ng makapatay sa akin.
Sa sobrang pag-iisip hindi ko namalayang nakatingin na pala silang lahat sa akin, siguro dahil yun sa pagiging sobrang tahimik ko. Tinaasan ko lang sila ng kilay at bumalik naman sila sa kani-kanilang ginagawa.
"Babe, kanina mo pa tinitingnan si Sam ah. Type mo?" Tanong sa akin ni Neil habang naka ngiting parang aso.
"Oo nga, pansin ko rin yun, Bet mo bunso ko babe?" Dagdag naman ni Michael na ikina-init ng mukha ko.
"Mga sira ulo! Hindi ako pumapatol sa bata!" Sagot ko sa pang aalaska nila. Ayun kasi kay Michael, 16 years old palang si Sam that time and what the fuck am I supposed to do? Baka makasuhan pa ako ng child abuse, besides, parang hindi ko rin naman magugustuhan si Sam kasi nga kamukha niya ang kumag na Rob.
"Nako Friends! Huwag kayong maniwala sa taong yan! Kung maka tingin kasi sa bata, parang nahubaran niya na Hahaha!" Pang aasar sa akin ni Lyka.
Hinila ko na lang ang buhok niya at pinag papalo ang balikat pero syempre mahina lang.
"Aray! Naku ikaw ha! Huwag mo kong sinasaktan, if I know, you're only looking at him because he looks like Ro-" Hindi pa natatapos ang sanay sasabihin ni Lyka ng takpan ko ang bibig at ilong niya. Nagpupumiglas naman siyang parang isda. Natawa na lang ako sa ginawa ko sa kanya.
"Tang ina ka talaga insan! Papatayin mo pa talaga ako ah!"
And since parang curious naman silang lahat sa mga inaasta ko ay diretso ko nalang sinabi ang rason.
"Sam actually looks exactly like someone who WAS once very dear to me." Plain kong sabi sa kanila.
"It's okay, I can be the new and better one." Tugon naman ni Sam sabay ngiti sa akin. May napansin ako, he might look exactly like Rob pero iba ang boses ni Sam. Mas malambing pakinggan.
And that night, napuno ng kantsyawan at tawanan ang apartment ko. I also laughed with them kaso hindi nawala sa utak ko ang sinabi ni Sam. Ang lakas ng loob! Kung hindi lang talaga siya ubod ng gwapo, baka sinipa ko na siya palabas ng bahay ko at wala kong paki alam kung kapatid pa siya ng kaibigan ko HAHA.
Lumipas ang mga araw at linggo. Hindi na naman ako nakaka sama sa mga night outs ng barkada because of my busy schedule. "Careered woman" na nga tawag sa akin nina Michael eh instead of Babe kasi daw daig ko pa si Madonna sa sobrang hectic ng schedule ko.
Si Sam? Well, the last time I saw him was nung nag inuman kami sa apartment ko. Pero ewan ko, there's a certain force that pulls me closer to him. Matapos kasi ang gabing yun, hiningi niya ang cellphone number ko and since nasa mood ako that time, binigay ko sa kanya. Papaturo daw kasi siya ng basic grammar sa akin. Ewan ko sa kanya, I know that was just an alibi since halata namang hindi niya na kailangang magpaturo sa akin sa basic grammar since he speaks in English very very well.
After we exchanged numbers, naging constant na ang communication namin at kahit na busy akong tao, I still managed to reply. Walang kwenta nga ang topics namin eh, pero napag tiyagaan ko. Usually kasi sa text, kung nonesense ang topic, hindi na ako nag rereply pero sa kanya, kahit na pusa niya ay nahahanapan namin ng angle para pag-usapan.
Natakot ako that time, kasi after a few months of not seeing each other but constant communication. I fell for him. Yes. Nahulog na naman ang mahina kong puso sa taong nag papa-alala sa akin kung gano ka pait ang hinahanap na pag-ibig.
I was afraid. Very afraid because I do not want to be burned with the same flame twice. Alam ko namang minahal ko lang si Sam dahil kamukha niya si Rob and that's not fair.
Kaya pinili kong lumayo sa kanya, I changed my number at kapag may inuman session ang barkada, hindi ako sumasama kung andun si Sam. Nahalata naman ito ni Micheal at ng mga kambal kaya naman pinuntahan nila akong tatlo sa apartment one time na merong panlilisik sa mga mukha. Gabi yun at kakatapos ko lang mag linis ng bahay at maligo.
"Babes, ano na naman ba ang ginagawa mo sa sarili mo?" Pag bating tanong sa akin ni Neil. Tiningnan ko lang siya at hindi na sinagot. Alam ko rin naman kung ano ang ibig sabihin niya dun. Wala lang talaga ako sa mood para sagutin siya.
Lumapit sila sa akin, nasa kusina kasi ako at nagtitimpla ng kape.
"Look Guys, I think you know why I am acting like this right? I explained everything before and I even told you the bullshits I've been through. Huwag niyo akong sisihin kung iniiwasan ko na si Sam. Ayokong masaktan ng dahil lang sa dalawang taong may iisang mukha." Explain ko sa kanilang tatlo pero hindi convinced yung mga mukha nila.
"Stop fooling yourself PJ! We can see things clearer than crystal." Tumaas ang boses ni Ivan. Nagulat naman ako sa inasta niya at medyo nairita.
"You love my brother, why don't you give yourself a chance? Why are you still allowing yourself to be haunted by a ghost where in the first place, ikaw naman ang gumawa!" Bulyaw sa akin ni Micheal. Nabingi naman ako sa sinabi niya at hindi ko na napigilan ang sarili kong magalit.
"What the fuck do you want me to do then? Just grab someone's ass that could fill the empty seams of my heart? At bakit ba kayo nakiki-alam sa desisyon ko? Pustahan lang naman ako sa buhay niyo diba? Hindi niyo naman kasi alam ang nararamdaman ko kasi hindi naman kayo yung baklang umasang mahahanap ang nawawalang piraso ng kanyang pagkatao! So if you want to help, just let me be!" Sigaw ko sa kanila habang pinipigilan ang pag-iyak. Tang ina naman kasi. Isa sa pinaka ayaw ko ay ang pinapakialaman ang buhay at ang desisyon ko.
"I thought you're all my friends, but why do I feel like suffocated and used?" Dagdag ko pa at hindi ko na napigilan ang aking sarili sa pag-iyak. Napa upo ako sa sahig at humahagulgol.
Nilapitan ako ni Neil at niyakap ng napaka higpit.
"The three of us loves you so much, we even lost the game we made and seeing you forcing yourself to avoid something that could heal you is very painful. Nung time na sinabi mo sa amin ang storya ng buhay mo at kung ano ang mga pinag daanan mo, we have already decided to protect you and forget that bullshit pustahan." Mahabang bulong sa akin ni Neil. Umiiyak parin ako ng hinawakan niya ang aking mukha at inangat para makita ko siya. Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang aking mga labi.
Nagulat naman ako sa ginawa niya kaya wala akong nasabi kundi ang tumunganga.
"Teka! Ang daya mo naman!" Sabay na sigaw ni Michael at Ivan. Nalito ako sa mga sinabi ni Neil at mas lalo akong walang naintindihan sa inasta nilang tatlo.
Sa kalagitnaan ng aking pag-iisip bigla lang din lumapit sa amin si Michael at Ivan at itinayo ako mula sa sahig. Niyakap nila akong dalawa at tulad ng ginawa ni Neil ay hinalikan ako sa aking labi ng magkasabay sila. Natameme na naman ako.
"In case you don't understand, the three of us have already fallen in love with you and since we don't want our friendship to be ruined by something whithout certainty, we all decided to just love you as our friend and we promised to protect you not just because you're fagile but because we love you." Micheal explained.
Tiningnan ko silang tatlo, yung kaninang galit ay napalitan ng saya at galak. Hindi ako maka paniwalang ang noo'y pustahan ay mauuwi sa totohanan. Buti nalang kamo ay naiintindihan nila ang kalagayan ko at mas pinahalagahan pa nila ang aming pagkakaibigan kesa kani-kanilang personal na interes.
"You guys are full of shits! Matagal niyo na pala akong pinagnanasaan, hindi ko man lang alam!" Sabi ko sabay ngiti sa kanila. Masaya ako't nakilala ko silang tatlo.
Ako na mismo ang lumapit sa kanila at niyakap sila isa-isa at hinalikan sa labi. Natawa pa ako sa reaction ni Ivan kasi para siyang aso kung maka ngiti.
"So ano na? Foursome naba ito?" Biglang sabat naman ni Lyka na hindi man lang namin namalayang naka pasok na. Inilapag niya ang kanyang pinamiling groceries sa lamesa at tiningnan kaming apat ng nakakaloko. Hindi naman magkamayaw sa pamumula ang tatlo.
"Punyeta ka talaga insan! Lahat nalang ng gwapo inaako mo!" dugtong pa neto sabay bato sa akin ng isang bell pepper. Umilag naman ako at nagtawanan kaming lahat.
"Nasa labas nga pala si Sam, pinapa pasok ko pero ayaw niya, gusto daw niyang ikaw ang mag bukas ng pinto para sa kanya." Medyo natauhan naman ako sa sinabi ni Lyka at nawala ang ngiti sa aking mukha. Nilingon ko ang tatlong lalaki sa aking likuran dahil hindi ko alam ang gagawin.
"He won't come in if you don't open your door." Makahulugan ang sinabi ni Micheal na tila ba'y nababasa ang dilemma ko. Ngiti lang ang aking tugon at pinagmasdan na nila akong naglakad papuntang pintuan.
Hindi ko muna ito binuksan bagkus tiningnan ko muna ang door knob at nag-isip sandali. Kung bubuksan ko ang pintuan, isa lang ang magiging ibig sabihin nun. May natitira parin kasing takot sa pagkatao ko kaya hindi ko kayang harapin si Sam. Pero hanggang kailan ba ako mabubuhay na nababakit ng takot?
Agad ko ring binuksan ang pinto at nakita ko ang mukha ni Sam. Napangiti ako dahil nang makita ko siya, hindi na si Rob ang nakikita ko sa kanya. Medyo nagulat naman siya at ng maaninag na ako ang bumukas ay binigyan niya ako ng isang napaka tamis na ngiti.
"My heart is weak and so am I. I am a vulnerable person. I am scarred for life, not even a virgin. I am bad bitch. Mayabang, Moody, at Mahal." Diretsa kong sabi sa kanya.
"Would you still love me for who I am?" Tanong ko sa kanya na kanina pa naka ngiti habang naka tingin sa akin.
Lumapit lang siya sa akin at niyakap ako. Ang init ng katawan niya.
"I don't know if I get things right since I am still 16 years old but if you let me, I can love you for the best ways I could." Bulong niya sa akin.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This