Pages

Monday, November 14, 2016

Stained Canvas (Part 1)

By: Anonymous

Maaga akong bumangon para pumasok sa trabaho. Hindi na ako nakapag-almusal dahil kailangan ko talagang pumasok ng maaga. Dahil ngayong araw ko makikilala yung artist na isang linggo ko na ring hinihintay. Isang contemporary artist na ie-endorse ng aming kompanya sa isang malaking clothing line. Sobrang hirap maghanap ng artist na kasing galing nya. Kaya naman halos hindi na ako umuuwi ng bahay. Bukod kasi sa paghahanap ng mga artist ay napakarami ko pang paper works. Pero ayos lang naman, para naman ito sa asawa't mga anak ko. Ulirang ama kung baga.

        Nang makarating ako sa trabaho ay agad akong sinalubong ni Nielson. Sya ang aking assistant/secretary/coffee maker/sermon lord/bestfriend. Sya ang taga-ayos at taga-sira ng araw ko.

        "Good morning boss! You got a real busy day ahead, so ihanda mo na ang lalamya lamya mong katawan!" sabi nya saken
        "Ang ganda naman ng salubong mo saken!" sabi ko sa kanya.
        "Aba, dapat lang noh. Mahirap nang makalimutan mo ang mga responsibilties mo dito sa kumpanya, kaya nandito ako para ipaalala sayo lahat." sagot nya na parang nangaasar pa.
        "Yun na nga eh, kaya nga makita pa lang kita pakiramdam ko pagod na pagod na ako." sabi ko.
        "Well, I'm here to keep you in your position boss. Maraming gustong umagaw ng posisyon mo, at hindi sila nagtatagumpay dahil saken. Gets mo?" si Niel.
        "Oo na!" sagot ko
        Pagkapasok namen sa opisina ay agad nyang inilatag sa harapan ko ang mga nakakastress na trabaho at mga schedule ko for today.
        "Wag na muna yan. Kailangan ko muna yung catalogue ng works ni Mr. Lyndon Ramos. AT! Pakitimpla mo ako ng kape please." pakisuyo ko sa kanya.
        "Right away boss." agad nya akong ipinagtimpla ng kape at pagkatapos ay ibinigay nya saken ang hinihingi ko. "Lyndon Ramos, ito po 'yung invite sa exhibit, his catalogue, references. . .."
        "At. . .." sabi ko dahil parang may kulang.
        "Ayaw nya magpakuha ng picture eh." sabi ni Niel
        "Eh, papano ko sya makikilala dun sa exhibit?" tanong ko
        "Ipagtanong tanong mo na lang." suhestyon nya.
        "Hays! Ok, nevermind. Ano pang mga schedule for today." tanong ko ulit. Habang tinitignan ko ang catalogue.

        "Wala namang masyadong mahalaga. Basta tapusin mo lang 'yang isang tambak mong pipirmahan at ipinapatawag ka lang ng higher boss, mukhang ipopromote ka na naman." biro nito.
        "Hahaha, OA mo dyan. Sige na lumayas ka na sa harap ko para mabawasan yung stress ko." biro ko rin sa kanya.
        "Yes boss." sabi nya.

        6pm umuwi ako ng bahay para makapaghanda sa pupuntahan kong exhibit. Nagbihis ako ng maayos para presentable akong tignan. Ayoko naman syempreng magmukhang gusgusin sa exhibit.

        Pumunta ako sa isang building sa Makati kung saan gaganapin ang exhibit. Nagtanong ako kung saan ang art exhibit ni Mr. Lyndon Ramos. Itinuro ito kaagad ng receptionist kaya madali ko lang itong nakita.

        "Wow!" sabi ko sa isip ko. Habang isa isa kong tinitignan ang mga gawa nya.

        Grabe talaga ang mga gawa nya. Kung pagmamasdan mo ay parang huhugutin ka ng mga paintings nya at dadalhin sa mundong nasa loob ng larawan. Kakaiba ang paggamit nya ng mga kulay. Kung susuriin ko itong mabuti ay nakikita kong wala itong pattern. Parang iginuguhit nya lang kung anomang kulay ang madapuan ng paint brush. Pero grabe ang kinalalabasan. Malungkot, masaya, sexy at galit. Lahat iyon ay mararamdaman mo kapag tinitigan mo ang mga gawa nya.

        Habang nag-iikot ako para tignan pa ang iba pa nyang mga likha ay may isang larawan ang pumukaw ng aking pansin. Para itong photography na pinatungan ng pintura. Dahil may mga imahe na hindi ipininta. Marami akong alam sa art, magaling akong sumuri and that talent of mine, led me to this position.

        Isang batang nakakadena. Lumuluha ito ngunit bakas dito ang napakatinding galit. Madilim ang buong paligid. At habang pinagmamasdan mo ng mas malapitan ay mapapansin mo ang ilang kislap ng liwanag. Noong una ay nagpapakita ito ng pag-asa dahil sa mga mumunting liwanag. Ngunit nang pagmasdan ko pa itong mabuti ay para akong lumubog ng tuluyan sa mundong iyon. Ang kislap ng liwanag na nakikita ko ay nanggagaling sa mata ng isang demonyong nakatago sa kadiliman. Inubos nun ang lahat ng pag-asang natitira sa larawan. At naramdaman ko ang labis na kalungkutan at galit.

        Habang sinusuri kong mabuti ang larawan ay bigla na lamang may isang lalakeng humarang sa larawang tinitignan ko.

        "Ahm, excuse me!" sabi ko sabay lingon ng lalake saken. "I also like the painting. Would you mind sharing the view?"
        "Oh I'm sorry. Did you really like it?" tanong nya.
        "Actually, I'm falling in-love with it. Wow! Lyndon Ramos is a genius." papuri ko sa gumawa ng larawan.
        "Really?" ewan pero parang ang sarcastic ng dating saken ng tanong nya.
        "Did you know anything about art?" medyo asar kong tanong pero mahinahon pa rin.
        "Art? You called this an art?!" parang iniinis nya talaga ako. May pangiti ngiti pa sya habang idinuduro yung painting.
        "Of course! It is an art, but not just an ordinary art. Everything in here is a work of wisdom. A masterpiece." napailing na lang ako dahil sa nakikita ko ay walang kahit katiting na alam sa art ang lalakeng ito. Napatango lang yung lalake sa sinabi ko na para bang hindi sya naniniwala saken. Grabe! Nagmumukha akong nagmamarunong dahil sa kanya. Feeling ko ang engot ko kasi kinakausap ko sya.
        "Edi ikaw na, ang nakakaappreciate ng art." parang narinig kong pagbulong nya pero di ko na pinansin kasi medyo may pagka-pikunin ako.

        Habang patuloy kaming nag-uusap nung lalake ay biglang may nagsalita. Isang babae. "Nice work, Lyndon. Congratulations!" sabi nung babae at nagbeso pa silang dalawa.
        "Thank you Lucia. I'm glad you came." sabi ni.. Hala! Hala! Hala! Si.. Ay putcha! Si Mr. Lyndon Ramos pala 'tong kausap ko kanina pa. Hindi ako makapaniwalang nagfeeling magaling ako sa art sa harap ng taong 'to. Aynaku Po!
       
        Pinilit kong huminahon sa kabila ng pagkagulat ko sa nalaman ko. Pero mukhang hindi ko ito maitago dahil nginitian ako ni Mr. Ramos nang mapang-asar. Tss. Napatakip na lamang ako ng mukha ko sa sobrang kahihiyang inabot ko.

        "Mmm, and nice catch." sabi pa nung babae. Sabay sulyap saken.
        "Lucia?!" bigla ni Mr. Ramos
        "Just kidding. Anyway mauuna na ako ah. May dinner date ako ngayon eh." sabi nung babae.
        "Ok, take care my friend." sabi ni Mr. Ramos sabay ngiti.
       
        Pagkatapos nilang magpaalam sa isa't isa ay umalis na ang babae. Si Mr. Ramos naman ay muling napangiti at humarap saken. Napatakip na naman ako ng mukha ko sa sobrang hiya.

        "Oh God! Mr. Lyndon Ramos, I'm so sorry. I didn't recognize you. And ahm, ahm, I'm sorry for what I've said earlier." paghingi ko ng tawad sa kanya.
        "Uhm, actually you caught my attention. Kanina pa kita tinitignan at seryosong seryoso ka pagdating sa art. And as far as I remember, there's nothing wrong with what you've said. In fact, it is me who should've been sorry. I'm sorry." sabi nya.
        "No, sir! I'm sorry. Pakiramdam ko nagmarunong ako sa inyo. I'm sorry." balik ko sa kanya.
        "No. I am sorry. Hindi ko napigilan yung sarili kong biruin ka. And that's immature. I'm sorry." sabi nya.
        "No, sir I'm sorry." sabi ko.
        "I can't forgive you. You just called me SIR! TWICE! Nakakatanda naman hahaha. You can just call me Lyndon." sabi nya sabay ngiti.
        "Ok, sorry Lyndon." sabi ko sa kanya.
        "I lost count on how many 'SORRY WORDS' we've already said to each other, but I think that's enough." sabi nya sabay abot ng kamay nya saken. Agad ko naman syang kinamayan at nginitian. "Uhm, I didn't got your name."
        "I'm Sorry. I'm Darren.. .Darren Punzalan, well ahm, I'm happily married so you can call me 'MISTER' if you feel like it." sabi ko.
        "Oh, okey. Mr. Punzalan. Mister pa rin naman ang tawag kahit walang asawa diba hehehe." sabi nya  at bigla syang napabulong "God, why the good one's always taken."
        "Uhm, I'm sorry?!" sabi ko dahil hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi nya.
        "Ah, nothing. Nevermind." sabay ngiti nya ulit at tinapunan nya ako ng isang malagkit na titig.
        "I'm here to talk to you about business." sabi ko.
        "Well, if it's the only way to keep you next to me then, go ahead." sabi nya. Ewan. Parang ewan lang sa pakiramdam yung sinabi nya. Pero parang gusto ko kaya napangiti na lang ako habang umiinit ang mukha ko.
        "I hope you're already aware of that. I'm from 'Roger & Kim Group of Companies', and we would like to endorse you to our sponsored clothing line which is Ral Go. They badly needed a very fine artist like you." paliwanag ko.
        "So you think I'm the good one?" tanong nya.
        "Yes,  you are." sagot ko
        "Well, if you think I'm a good one, I can freely say that i'm not taken. Not like you." sabi nya na ipinagtaka ko.
        "What?" tanong ko.
        "I mean, you are a good one, but you're already taken. Not like me, I'm still single." sabi nya sabay ngiti ulit. Ngayon ay diretsong diretso na ang tingin nya sa mga mata ko. Malalagkit na titig na ang hirap iwasan. Putcha ang ganda ng mga mata nya. Napangiti na lang ako sa sinabi nya. Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko natutuwa ako sa mga sinasabi nya.
        "Ahm, ok let's get down to business. I'm sorry nasaan na nga tayo?" tanong ko.
        "Sa endorsement" sagot nya.
       
        At ipinaliwanag ko sa kanya ang lahat nang bigla nya akong putulin.
        "You know what?! I really like how your lips move while you're talking. Can you say it again 'coz I didn't get the chance to understand anything you've said. I'm too busy watching those lips." uminit talaga ang mukha ko sa mga sinabi nya. Putcha! Ano ba 'tong nararamdaman ko.
        "As I've said, our company will endorse you to a well renowned clothing line which is Ral Go, for their advertizing campaign. So if you're interested, our company could contact you to set up a meeting." ulit ko sa sinabi ko kanina
        "Ahm I don't really like being so formal, besides you already know that I'm interested. So here's my calling card, there's an address, you can come tomorrow at my workshop 10am and let's talk about your proposal." sabi nya sabay abot ulit ng kamay saken. inabot ko naman ito kaagad at nakipagkamay.
        "It's a pleasure to meet you, Darren. Well, can I call you Darren?" tanong nya.
        "Ahm, syempre naman." sabi ko.
        "Aasahan kita bukas ah." si Lyndon sabay bitaw nya ng kaniyang pamatay na ngiti.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This