Pages

Tuesday, November 22, 2016

Sir Babe (Part 2)

By: Lenard

Sampung taon na ang nakaraan nang huli akong nagmahal sa kapwa ko lalaki. Pagmamahal na nilihim ko sa mundo. Pagmamahal na di ko magawang aminin sa taong pinagbalingan ko nito sapagkat ayokong masira hindi lang ang pagkakaibigang akala ko’y naumpisahan na naming buuin, but more so because I didn’t want to corrupt his very pure soul. May mga pagkakataong gustong-gusto ko nang aminin na nahulog na ang loob ko sa kanya, subalit ang isiping baka iyon pa ang maging dahilan upang mawasak ang pagkakaibigang naumpisahan at ang ako’y kasuklaman n’ya lang ang nagpaduwag sa akin. Kaya ang lihim ay nanatiling hindi nabunyag.

Hanggang sa araw na tuluyan na s’yang umalis. Isang huling sulyap mula sa malayo sa isang kaibigang hindi man lang nagpaalam. 

For when the time came for you to go, you left without bidding farewell.

You never said goodbye. In fact you never said anything at all. And I had just to watch your back from afar.

Slowly you faded like mirage; swallowed by the crowd and the noise and the pain of that day.

I was left with no choice but to bury what I needed to kill in myself and go on living.

Tuloy ang buhay. Hindi pwedeng tumigil. Nasaktan man, walang ibang patutunguhan kundi pasulong. Kailangang makalimot.

Pagkatapos ng sampung taon, wala sa hinuha ko’ng may darating. Kahit pa sa umpisa ay hindi ko inasahang mahuhulog ang loob ko at muling masaktan. At isang dating estudyante pa man din.

”I <3 u”
“Ha? Ayusin mo.” Parang teenager lang ako na kinilig sa mga oras na ‘yun. Ewan kung ano’ng nakain ng gago at biglang nag-message ng ganun. Hapon ng araw ng Sabado, matapos ang mahaba-habang landian sa chat, nag-I heart u ang loko. Alangan namang hindi ako mag-assume na “I love you” yun.
“Ayoko.”
“Sige na.”
“Ayoko, baka masaktan lang ako.”
“Ba’t ka naman masasaktan?” tanong ko sa kanya.
“Ganyan talaga ang love sir. Sasaktan ka lang ng iba.”
“Sir talaga? Love talaga?” Tanong ko na lang habang sini-scroll down ang timeline ko sa FB. Namihasa na kasi ako na babe ang tawag n’ya sa akin.

“Hoy! Ba’t ka nag-post ng ganun?” Tanong ko sa kanya. Nabasa ko kasi ang status update n’ya: 
“May sir na. May babe pa! Sir babe. Mwahugs.”
At sinundan pa ng:
“Whilst everyone is busy catching for Pokemon, Me on the other is happy I have found my Babe.”


“Alin dun? Hehe.” Nagmaang-maangan pa.
“I like it.” Sabi ko na lang. Parang teenager ulit. Hahahaha!
“Akala ko magagalit ka.”
“San ka na?” Tanong n’ya. Di kasi ako nakapagreply kaagad.
“Tapos na ako dito. Pauwi na. Gusto mo ba’ng dumaan ako d’yan?” Tanong kong umaasang sana ay oo ang sagot.
“Andito si yaya eh.”
“’di ba kayo nagpapatuloy ng bisita d’yan?”
“’lika. Pero ‘di tayo pwedeng mag-make-out. Snacks lang. May brownies ako dito.”
“Sa kwarto mo, ‘di pwede?” Biro ko.
“Baka makahalata si yaya. Hindi na kasi katulong ang turing namin  sa kanya. Kiss lang tayo pag may pagkakataon.”
Para namang kiss lang ang pupuntahan ko dun.
“Halika na. Pupunta s’yang birthday mamaya, sa kapitbahay namin. Civil lang tayo. Sa sala lang. Kiss lang tayo kung pwede.”
“Ok. Teka, ano itatawag mo sa akin d’yan? Pa’no mo ‘ko ipakikilala?”
“E di sir. College teacher before.”
“Okay.”

Nilakasan ko ang loob ko na pindutin ang doorbell. Mabuti na lang at s’ya ang lumabas. Pinapasok n’ya ako kaagad. Maganda ang bahay. Sabi n’ya sa kuya n’ya daw na nasa abroad. Siya lang at ang kanilang yaya ang tumatao dun. Kasalukuyan silang nanunuod ng The Voice Kids nang dumating ako. Pagkaupo ko, niyaya n’ya agad ako ng brownies tapos tinabihan. Sabi ko busog pa ako, pero mapilit ang loko, kaya kumuha na lang ako. Masarap pala. Isa pa nga.

Nung tumayo si yaya para mag-CR, dali-daling n’ya akong hinalikan. Papalag pa ba ako eh bisita lang ako. But we had to stop after about ten seconds kasi narinig naming nag-flush. Inayos namin ang aming mga sarili. Balik si yaya sa kanyang upuan sa may hagdanan. Tuloy sa panunuod at pagkomento tungkol sa performance ng mga contestants sa palabas. Parang walang nangyari.

Maya-maya lumabas si yaya para i-check yung kapitbahay na nag-invite sa kanya sa birthday party. Tinignan ni Bobet sa roller blinds kung nakalabas na ba ng gate. Nung makumpirma, ibinaba ang blinds tapos bigla na lang akong nilamutak ng halik. Halos kapusin ako ng hininga sa ginawa n’ya. Para kaming mga uhaw sa ginawa namin. Wala kaming ginawang ingay, puro halik lang. Labanan ng dila. Sipsipan ng laway.

Nang biglang may pumihit sa doorknob.

“Ya, si Antonetthe na yung kumakanta.” Sabi ni Bobet sa kapapasok lang na yaya. Mabuti na lang at ‘di agad s’ya pumasok kasi inayos pa yata yung mga tsinelas sa may pintuan kaya ‘di nya kami naabutang naglaplapan. Kaya ayun, parang walang nangyari. Nung pumasok si yaya sa kwarto n’ya para magbihis, ‘di na muna kami naghalikan pero nag-holding hands kami. Inalis lang namin ang pagkakahawak ng mga kamay namin nung lumabas na si yaya sa kanyang kwarto at nagpaalam na pupunta na ng birthday party.

Nung marinig namin ang pagsara ng gate, binuksan ni Bobet ang roller blinds para siguraduhing nakalabas na nga si yaya. Nung makitang nakaalis na nga, binaba n’ya ulit ang blinds, tumayo at ni-lock ang pinto. Bumalik s’ya sa akin, at pinupug ako ng halik. Ngayon, wala nang pagmamadali. Halik na magkahalong lambing at pagkasabik. Hindi ako nag-atubiling sipsipin ang dila n’ya nung ipasok n’ya ito sa aking bibig. At ganun din ang ginawa n’ya sa akin. Bumaba ang halik n’ya sa leeg ko, binuksan ang zipper ng aking jacket. Alam n’yang wala akong suot na t-shirt kasi sinabi ko sa kanya bago pa ako tumuloy sa kanila na tinanggal ko ito dahil nabasa sa pawis. Bumaba ang labi n’ya sa dibdib ko, at duon parang sanggol na pinagsawaan ang maselan kong utong. Palipat-lipat. Pagkatapos ay unti-unting bumaba ang kanyang labi habang dahan-dahan ding kinalas ang aking sinturon. Tuluyan nang nilamon ng libog ang aming mga katawan.

“Ganyan ka. After what happened last Saturday night, hindi mo na ako mini-message.” Lunes ng umaga nang mabasa ko ang message n’ya sa FB. Nabanggit ko kasi sa kanya before na Sunday is FB-free day, kaya di n’ya raw ako iistorbuhin tuwing Linggo. Kaya di na ako magkapaghintay nun na mag-Monday na kasi gusto ko ulit s’ya makalandian. Kaya di ko in-expect ang isang galit na mensahe.

“’morning babe. I thought kasi tulog ka na.” Alam ko kasi 11 PM to 7 AM na naman ang duty n’ya.

“Ewan. Matutulog na ako. ‘nyt.”

“Babe naman… Pasensya na if di kaagad ako nag-message.”
“Babe..”
“Puntahan kita dyan eh, sige ka.”

“Matutulog na ako. Sleepy na ako from duty.”
“’wag ka nang magalit babe…Sorry na.” Ang sarap n’yang lambingin.

Nakatulog na yata. ‘di na nagreply. Hindi ko na rin kinulit. Alam kong pagod na yun dahil sa puyat. Pero habang lumipas ang oras, inabangan ko ang kanyang mensahe. Halos wala na nga yata akong ginawa buong umaga kundi antayin ang reply n’ya. Nag-alala ako na baka galit talaga. Hindi na ako nakapagpigil, kaya alas dos y media ng hapon nag-message ako, baka sakaling mabasa n’ya kahit alam kong oras pa ng pagtulog n’ya.

“Babe, galit ka pa?”
“Hindi naman ako galit, nagtatampo lang. Para kasing matapos mong makuha ang gusto mo, ‘di ka na namamansin.”
“Grabe naman to. Hindi ako agad nag-message kasi I thought tulog ka na.”
“Parang ganun nga eh.”
“Hindi naman ako ganyan babe.” Seryoso kong sagot.
“So, ‘pag tulog hindi na ime-message? Akala ko nga ‘di ka na talaga magme-message.”
“Sorry na babe. Hindi mo na ba ako mapapatawad?”
“Ok lang babe.”
“Sigurado ka OK ka na? Hindi ka na galit?”
“’just venting it out. Ganito talaga ako; I speak what’s in my mind.”
“I understand. Sana ‘di mo kailan man iisipin na dahil may nangyari na sa atin, ayoko na.”
“Ano ginagawa mo ngayon?” Parang di na nga galit.
“Me? Thinking of you.”
“Weeee?”
“Galit ka kasi eh. Ikaw, anong ginagawa mo?”
“Watching TV, babe.”
“Ikaw lang mag-isa?”
“’di pa nakaalis si yaya. Tulog pa. Later pa ang alis nun para mag-grocery.”
“Walang pasok ang students namin ngayon babe. Kami lang employees meron.”
“Maaga kang uuwi mamaya?” Tanong n’ya.
“Mga 5:30 PM siguro. Bakit?”
“Why late?”

Ayun, tuloy ang landian. Buti na lang at humupa na ang tampo.

“Babe, pwede ba akong pumunta d’yan? Ngayon na, if wala si yaya, that is.”
“Wait babe, check ko if nakaalis na.”

“Halika na.”

Dali-dali akong pumunta sa kanila. Sabik ako sa kanya. Yun lang ang nasa isip ko nang mga oras na ‘yun. Gusto ko s’yang makita, mahawakan, mahagkan. Hindi ko na ipinagkaila sa sarili ko na nahulog na ang damdamin ko sa kanya.

Pagkadating ko, ‘di na ako nag-doorbell kasi hinintay na n’ya ako sa labas. Nang mai-lock ang pinto, hinawakan ko kaagad ang batok n’ya para haikan s’ya. Kinailangan ko pang tumiyad para maabot ang mga labi n’ya. Hindi naman s’ya tumanggi, bagkos sinagot n’ya ito ng mas mainit na halik. Maya-maya pa’y kumalas s’ya. Baka daw dumating agad si yaya kasi sa malapit lang naman bumili at kaunti lang ang kanyang pinabili. Hindi ako nakinig. Hinalikan ko s’ya ulit. Hindi naman s’ya tumutol. Mainit ang palitan namin ng laway. Kung saan-saan dumako ang aming mga kamay. Napaupo s’ya sa sofa, pumatong ako sa kanya habang walang puknat ang aming mainit na laplapan. Pero narinig namin ang paghinto ng traysikel sa harap ng kanilang bahay kaya nagmadali kaming nag-ayos. Nag-isip kami sandal kung ano’ng gagawin baka manghinala si yaya. Buti na lang at naisip ko yung laptop n’ya. Mabilis pa sa alas kwatrong nilipad nya ang kwarto nya sa ikalawang palapag ng bahay para kunin yun. Pagkapasok ni yaya, nakaupo na kaming pareho habang kunyari ay may ginagawa sa laptop n’ya. Hindi na rin ako nagtagal pagkatapos ng acting-an na yun. Hiningal ako pagkadating ko sa work.

“Bleh! Muntik nang mahuli ni yaya.” Message ko sa kanya pero ‘di ko na hinintay ang reply n’ya kasi kailangan ko nang umuwi.
“Grrrrrr. I told you. ‘san ka? Skul ka pa?” Ang sagot n’ya na kinabukasan ko nang mabasa.

Morning the next day, sinigurado kong ako ang unang makapag-message sa kanya.

“’morning babe.”
“Napakatoxic ng duty ko. Huhu. Ikaw yata ang dahilan kasi every time may ginagawa tayo, toxic masyado sa work.”
“Ano pala ginawa natin?”
“Nag-kiss.”
“Sige, ‘di na ako pupunta d’yan para hindi na apektado ang work mo.” Pa-cute ko.
“Ases, tampo agad. Sorry babe.”
“Kiss lang, toxic agad? Sige, di na kita iki-kiss para hindi toxic.”
“Ang drama nito. Tulog muna ako. Mwah.”
“K. Nyt.”

Lumipas ang araw na wala akong masyadong inaalala, ‘di katulad nung kahapon. Pero ganun pa rin, hinintay ko kung kelan susulpot ang mensahe n’ya.

“Just woke up. Pauwi akong probinsya ngayon babe.” Alas kwatro na nung mag-message s’ya.
“Now?”
“Opo babe. Wala si yaya. Umalis. Hehe.”
“Vacant ka?” Follow-up n’yang tanong.
“Oo sana. What time s’ya balik?”
“’lika babe. Tagal pa yung bumalik. Kiss muna ako before ako umalis.”
“Now na?”
“Now na. Bilis.”

Ayun, kumaripas na naman ako papunta sa kanila. Kahit solong-solo namin ang bahay, walang nangyari sa amin. We just kissed passionately in his bedroom. Usap ng kung ano ano. Lambingan. Yakapan. Kiss ulit. Parang dinama lang namin ang init n gaming mga katawan. Sana sinulit ko na lang ang pagkakataon na yun.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This