Pages

Tuesday, November 8, 2016

Fortress (Part 1)

By: James Silver

“Napapadalas yata ang balita tungkol sa mga politikong pinapatay ah.” Sabi ko kay Anabelle, kasama ko sa trabaho.

“Hmp! Buti nga sa mga magnanakaw na yan. Wala naman silang nagawang matino eh.” Sagot naman nya saken.

“Angsama mo naman mga tao rin kaya yang mga yan. Kahit na ano pang ginawa nila, hindi naman siguro nila deserve yung ganyang karumaldumal na pangyayari sa buhay nila. Ayos nang makulong na lang sila, bakit kailangang patayin pa?! At tsaka baka may nagagawa rin silang maganda hindi lang natin nakikita, dahil puro mali lang yung hinahanap natin sa kanila.” Sabe ko.

“Haynaku ka. Hanggang ngayon may mga tao pa palang utu-utong kagaya mo. Tignan mo nga! Puro pagnanakaw lang ang mababalitaan mo sa kanila ngayon. At kung sakaling may gagawin silang maganda. Ipapalabas nila yun sa t.v. at ipapamukha nila sayong utang na loob mo sa kanila yung magandang bagay na ginawa nila. Kaya nga atat na atat na akong mag-abroad eh. Wala na kasing future dito sa Pilipinas.” Si Anabelle.

Hindi ko na sya sinagot dahil alam ko namang mahihirapan akong ipaintindi sa kanya yung point ko. Sarado na kasi utak nya eh. Kaya kailangan ko nang tumigil dahil baka mauwi pa sa pagtatalo ang walang kakwenta kwenta naming usapan tungkol sa mga politiko. Isa pa hindi naman angkop sa amin ang mag-usap tungkol sa ganong bagay dahil gobyerno din mismo ang nagpapasahod sa amin.

Eto na naman ako. Tsk! Tinatamad, dahil hapon na naman at walang magawa. Sabagay, ok na din dahil maya maya lang ay uwian na. Sa mga ganitong pagkakataong naiinip ako ay kung ano ano ang pumapasok sa utak ko. Hindi ko naman maiwasang mag-isip, bukod kasi sa tamad akong kumalikot ng cellphone ko ay wala namang nagtetext sa akin kundi si Paul na walang ginawa kundi ang mangulit. Si Paul ay malapit kong kaibigan na madalas mangulit sa akin. Ayaw kong masyado isipin pero kung titingnan mo ay para ko syang manliligaw. Yun, ganun na nga,
manliligaw ko sya. Pero hindi ko naman sya masagot ng oo dahil hindi ko pa sigurado yung nararamdaman ko para sa kanya. Minsan parang mahal ko na sya, pero minsan din ay hindi. Magulo, ayaw ko namang pumasok sa isang relasyon na walang kasiguruhan kung magiging masaya ba. Speaking of pagiging masaya. Ok naman ako, normal akong tao na nagkakaroon ng problema. Pero sa tingin ko naman sa buhay ko ay masaya naman. Wala akong masyadong reklamo bukod sa landlady namin na masarap ipatugis sa mga cannibal. Kagaya rin ako ng ibang tao na maraming utang. Ako rin yung tipo ng tao na humihiling na sana bumuka yung lupa para lamunin yung landlady namin na walang ginawa kundi dumakdak. Sana kumulog o di kaya ay kumidlat para hindi makarating yung bumbay. Sana sabay sabay na sumabog lahat ng bulkan sa Pilipinas para hindi na maalala ng Meralco at Maynilad na maningil. Doon na lang kasi nauuwi halos lahat ng sahod ko eh. Sa liit ba naman ng perang natatanggap ko buwan buwan sa health centre na pinagtatrabahuhan ko eh hindi ko na magawang mag-unwind. Putek! Pag sinubukan kong mag Starbucks ng kahit isang araw lang, asahan mo nang puro tuyo na lang ang uulamin ko sa loob ng isang buwan. Mahirap talaga, pero ok lang. Masaya pa rin ang buhay ko basta wag mo lang ipapakita ang mukha ni aleng Irma saken. Tsk! Ansama talaga ng ugali nun, buti na lang gwapo yung anak nyang si Glenn at Allan dahil kung hindi ako na mismo ang nagligpit sa babaeng yun. Well, may karapatan naman syang magmaganda dahil may kaya naman sila. Sila kasi ang may-ari ng halos lahat ng apartment dito sa amin sa Albany, Cubao.

Kakauwi ko lang nang makita ko yung lalakeng bagong lipat sa amin. Magkatabi lang ang pintuan ng tinutuluyan namin kaya naman kahit dalawang linggo pa lang syang nandito ay nakabisado ko na agad yung mukha nya dahil araw araw ko syang nakikita. Napatingin din sya saken at tinanguhan ko sya bilang pagbati. Pero ang malditong lalake, ni hindi man lang ako nginitian at basta na lamang dumiretso sa loob ng apartment nya. Wala naman akong magawa kaya dumiretso na rin ako sa pagpasok.

 Boring syempre. Ako lang mag-isa eh. Magluluto ako mamaya ng sarili kong pagkain. Kakain ako mag-isa, manonood ng tv at matutulog. Kung minsan naman ay manonood ng koleksyon kong porn, jakol dito jakol doon, tapos. Hingal ng konte, maghuhugas ng katawan at tsaka matutulog. Papasok sa trabaho kinabukasan. Uuwi, kakain at matutulog. Gigising kinabukasan para ulitin ang ginawa ko kahapon. Nakaprograma na lahat, kaya naman para na lang akong hangin na ginagawa lahat kahit hiindi ko na isipin. Parang kusa na lang kumikilos yung katawan ko para gawing makabuluhan ang boring kong buhay. May mga kaibigan din naman ako pero tuwing weekends lang kami nagkikita. Yun ay kapag trip lang nila. Madalas kasi ay walang pakialamanan ng buhay. Minsan dumadalaw sila nanay at tatay sa akin pag trip lang rin nila.

Kagaya ng dati ay nag-iisa lang ako sa bahay. Matutulog na sana ako nang biglang may kumatok sa bahay. Pagbukas ko ng pinto ay gusto ko sanang sumimangot pero hindi ko nagawa. Kaya nagbigay na lang ako ng plastic na ngiti.

“Magandang gabi, pasensya na sa pang-iistorbo pero pupwede bang makihiram ng plies? Bubuksan ko lang yung kontador ng tubig kasi nakasara na eh. Hindi ko alam kung sino yung nagsara.” Sabe nung lalakeng bagong lipat. May punto yung pananalita nya pero sakto lang, hindi naman ganung katigas.

Medyo nahiya ako. Dahil ako yung nagsara ng kontador. Yun kasi ang mahigpit na bilin sa akin ni aleng Irma, wag ko raw papabayaan na nakabukas yung kontador dahil malakas daw ang tagas nun. At dahil ako lang ang kaya nyang mandohan doon ay sa akin nya na lang ibinilin.

“Ah, oo sige sandali lang. Pasok ka muna kung gusto mo.” Aya ko sa kanya.

“Ah, hindi na, ok lang ako dito.” Sabe nya. Hindi ko na sya pinilit at kinuha ko na lang yung plies na hinihiram nya. Nang makuha ko na ay agad kong ibinigay sa kanya.

“Sandali lang ah, pakihintay mo na lang mabilis lang ‘to para hindi na kita maistorbo mamaya para lang isoli ‘to.” Sabay bahagyang ngiti nya saken at agad na umalis para buksan yung punyetang kontador na dahilan ng pangiistorbo nya saken. “Eto na pasensya na ulit. Tsaka salamat .” Nang maibalik nya na ang plies.

“Ganun lang?” sabi ko sa isip ko. Hindi man lang nagpakilala yung mokong na yun. Suplado ah, sayang may itsura pa naman sana.  Isinara ko na ang pinto at tsaka pumasok sa kwarto.

Hindi na ako masyadong nakatulog nang gabing iyon. Ganun talaga ako kapag naudlot ang antok. Nanood na lang ako ng mga bagong movie na nabili ko. Inantok rin naman ako nung mga bandang alas kwatro na, kaya nakaidlip rin ako kahit papano.

Papasok na ako sa trabaho. Medyo wala ako sa sarili dahil napuyat nga ako ng husto. Kaya naman para akong wala sa wisyong lumabas ng bahay. Nasa kanto na ako para mag-abang ng masasakyan. Pero walang dumadaang tricycle kaya naglakad pa ulit ako. Habang naglalakad ako ay may bigla na lamang humatak saken. At sa lakas ng paghatak nya ay hindi ko na nacontrol ang sarili ko at napayapos na lang ako sa lalakeng humatak sa akin. Nabigla ako ng husto sa ginawa nya kaya agad kong pinilit na dumistansya sa kanya. Doon ko lang napansin ang humaharurot na sasakyan na dumaan sa gawi namin.

“Gago yun ah!” Sabe ko. Napatingin ako dun sa lalakeng humatak sa akin. Sya yung bagong lipat sa apartment. Akmang magpapasalamat ako sa kanya nang bigla nya akong tinalikuran at dirediretsong naglakad papunta sa daang patungo sa apartment. “Salamat!” sigaw ko pero hindi na sya lumingon. “Tindi ng ugali nun ah. Napaka-isnabero, pero infairness ah concern.” Bulong ko sa sarili ko. Sa wakas ay may dumaan na ring tricycle na pupwede kong masakyan.

Halos buong maghapon kong inisip ang mga nangyari kaninang umaga. Hindi ako makaget-over dahil kung nabangga ako ay malamang na baldado na ako or worse paglalamayan ako. Salamat na lang dun sa lalakeng kahit isnabero eh nasayaran naman ng dugo ni captain barbell. May pagka super hero ang peg. Magliligtas sa mga nangangailangan at bigla na lang mawawala. Puritang super hero nga lang, naglalakad lang eh. Ilang bagay ang napansin ko sa kanya. Yung brown na brown nyang mga mata. Para akong naengkanto nung matitigan ko yun kanina. At maganda ang katawan. Hindi kalakihan pero masasabi kong nagwo-work out sya, pang model. Mukha naman syang mabaet. Ewan, mukha lang kasi dahil dun sa kilay nyang painosente ang epek.

Umuwi ako ng bahay, na yun pa rin ang iniisip. Nang matapat ako sa gate ay nakita ko ang bill ng tubig na nakaipit doon. “shet bayaran na naman, tsk!” maktol ko sa sarili. Kinuha ko iyon at tiningnan kung magkano ang pahahati-hatian namin. At napanganga na lang ako nang malamang apat na libo ang kailangan naming bayaran. Walo ang pinto ng apartment at bakante ang dalawang kwarto. Bale anim kaming maghahati-hati sa bill. “Takte! May matira pa kaya akong pera na panglamon ko?” Kaya kong tipirin ang kuryente pero pagdating sa tubig ay hirap na hirap talaga ako sa pagtitipid. Wala kasi kaming sari sariling linya, isang linya ng tubig lang ang pinahahatian naming mga nandito. Kaya kung mautak ka, abay gastusin na ng husto ang tubig kesa naman malugi ka. Magtitipid ka nga, yung mga kasama mo naman wagas makagamit, edi lubos lubusin na. Sa kuryente naman ay walang problema dahil may kanya kanya kaming sub meter. Dinala ko na ang bill ng tubig papasok. Papaalalahanan ko lang ang mga kapit bahay ko na bayaran na namin sa tubig. Bilang pinagkakatiwalaan ng mahadera naming kasera ay ako rin ang nahabilinang magpaalala sa aking mga kasama tungkol sa mga bayarin. Sa amin kasing lahat na nandito ay ako na yata ang may pinakamatibay ang loob dahil ako ang pinakamatagal na tumira dito. Walang choice, kahit na puro kasi dakdak yun eh, nauutangan ko naman kahit papano. Samantalang yung iba inaabot lang ng anim na buwan. Dahil hindi matagalan yung bunganga ni aleng Irma.

Pumasok na ako sa loob. Nagpahinga lang ako ng konte at nagbihis. Uminom ako ng tubig at tsaka lumabas para isa isang katukin ang mga kwarto. Nag-umpisa ako sa pinaka dulo. At nang masabi ko na ang kahindik hindik na balita. Sinabihan ko naman yung kasunod. Yung iba ay nasa labas naman kaya sinabihan ko na lang dun. Hanggang sa makarating ako sa pintuan nung supladong hindi ko alam ang pangalan. Kinatok ko ang pinto nya. Walang sumasagot. Isa, dalawa at talong beses ko pang kinatok. Sa wakas ay pinagbuksan nya na rin ako. Nang bumungad sya sa pinto ay napa-wow ako sa kanya. Simple lang ang suot nya pero putek talaga. Habang tumatagal ay lalo syang nagiging gwapo sa paningin ko. Nakaitim syang t-shirt at khaki pants. Mukhang may pupuntahan sya dahil may nakasukbit sa kanyang backpack. Nang tingnan ko ang mukha nya ay nakataas ang kilay nya na para bang nagtatanong kung bakit ako nang-iistorbo. Medyo may konting simangot kasi sa mukha nya.

“Ah bayaran na natin ng tubig. Kami na ang maghahati hati sa 4k, pakibayaran mo na lang yung butal na 50 pesos tutal bago ka lang naman.” Yes! Inistorbo ko sya ng dahil lang dun. May pagka-kuripot ako kaya wala akong balak sagutin yung butal na yun noh.

“Ngayon ko na ba babayaran?” tanong nya. Aba mukhang madaling kausap ‘to ah. Hindi sya katulad nung ibang bago na marami pang diskusyon, kesyo bago lang daw sila bakit ganito ganyan. Na nagpapalipas muna ng isang buwan mahigit bago mag-umpisa magbayad. “Ganun ang kalakaran!” lagi ko na lang sinasabi sa kanila. Pero itong poging ‘to mukhang wala lang sa kanya.

“Ah hindi naman. Ipinapaalala ko lang. Sa 10 pa ang bayaran.” may hiya kong pagkakasabe. Tumango na lang sya bilang tanda na nakuha nya yung mga sinabi ko. Tatalikod na sana sya nang bigla ko syang pinigilan.

“Ah ano pre! Ano nga pala pangalan mo?” tanong ko.

“Sadjid.” Maigsi nyang sagot.

“Ah, Sadjid ako nga pala si Janssen, salamat nga pala dun sa kanina ah. Buti na lang nandun ka.” Sabe ko sabay bahagyang ngiti. Tumango lang ulit sya at ako naman ay umalis na. Alam ko namang wala akong aasahang boka mula sa kanya dahil mukhang tahimik na tao talaga sya. Bumalik na ako sa loob ng bahay ko at idinikit ko na lamang sa maliit kong ref ang bill ng tubig. Maghahanda na ako para magluto ng kakainin ko para maaga rin akong makapagpahinga dahil wala nga akong masyadong tulog kagabi.
----------
Isang gabi habang papauwi ako galing ng birthday party ng katrabaho  ko nang biglang may taong sumulpot sa likuran ko. Tinutukan nya ako ng patalim at sabay bulong sa akin na “Hold-up ‘to. Wag kang malikot baka biglang tumarak sayo ‘to”. Nahintakutan talaga ako. Sa tantya ko ay magkasinlaki lang kami nung lalake kaya may laban ako kung bunuan lang din naman. Pero dahil sa may patalim sya kaya hindi ako makagalaw. Ayaw ko namang mamatay ng maaga noh. Dinala nya ako sa madilim dahil medyo maliwanag doon sa lugar kung saan nya ako nakita. Inahanda ko na ang sarili ko, bahala nang maubos lahat ng pera ko dito basta wag nya lang akong papatayin. “ilabas mo lahat ng pera mo.” Sabi nito na sya namang sinunod ko. Hindi ako halos magkandatuto sa pagkuha ng wallet ko. Handa na akong ibigay lahat ng pera ko dito kasama na dun yung coin purse ko na may lamang kwarenta yata. “hay buhay pag minamalas ka nga naman. Lintek talaga!” sabe ko sa isip ko.  Iaabot ko na sana sa kanya lahat nang mapansin kong biglang nawala ang pagkakahawak nya saken. At narinig ko na lang na napaaray yung holdaper. Paglingon ko ay nakikipagbuno na sya sa isang lalake. Lumayo ako ng kaunti sa kanila para hindi na ako madamay pa kung sakaling may dumating na barangay. Yung wallet ko nabitawan ko, pero pinabayaan ko muna at mahirap na. Sanay na ang mga mata ko sa dilim kaya kitang kita ko ang buong pangyayare. Sa tingin ko ay dehado yung holdaper, mukhang may alam sa martial arts yung kalaban nya eh. Sa tuwing susugod kasi sya ay agad naman syang binabalda nung kalaban nya. Siguro ay naramdaman na nung holdaper na hindi nya kaya yung kalaban nya kaya naman nagtatatakbo na lamang sya. “Wooh! Intense.” Sabi ko sa isip ko. Nakahinga ako ng maluwag nung hindi ko na nakikita yung holdaper. Pagkatapos nang mga nangyari ay muli akong bumalik doon at pinulot ang mga nalaglag kong gamit. Yung lalake namang tumulong saken ay hinintay lamang akong mapulot yung pitaka ko bago sya dumiretso sa paglalakad. Mukhang pareho kami ng daan kaya naman agad akong sumunod sa kanya.

“Pre!” sigaw ko, napahinto sya sandali at lumingon saken. Nakita ko ang pagtaas ng kamay nya kasabay ang pagtango. Tsaka sya muling tumalikod at tumuloy sa paglalakad. Doon ko lang sya namukhaan. Si Sadjid pala yun. “Sadjid sandale!” muli kong sigaw sa kanya. Hindi na sya lumingon hanggang sa makarating sa gate ng apartment at nakita kong pumasok  sya.

Nang makapasok na ako sa gate ay nakita ko si Sadjid na nandoon sa harap ng pintuan ng bahay nya. Nakahawak sya sa doorknob at pinipihit pihit ito.

“Bakit anong nangyare?” tanong ko sa kanya. 

“Naiwan ko yung susi ko sa loob, hindi ako makapasok.” Sagot nya.

“Hahaha! Ano ka ngayon, papansinin at papansinin mo rin ako. Hahaha pacute ka pa kasi eh.” Sabe ko sa isip ko. “Naku! Mahirap yan. Itetext ko na lang bukas si aleng Irma para kunin yung duplicate. Dito ka na lang muna matulog saken.” Sabe ko na medyo napapangisi.

“Hindi na, sisirain ko na lang ‘tong doorknob.” Seryoso nyang sabe.

“Naku! Magbabayad ka pa ng malaki dyan pag sinira mo yan. Dito ka na lang matulog saken at bukas na lang natin asikasuhin yan. Gabi na rin eh, baka mag-ingay ka pa dyan at makaistorbo ng kapit bahay.” Pamimilit ko sa kanya.

Siguro ay nakapag-isip isip na rin sya. Kaya naman pumayag na lang sya. Totoo naman kasi ang sinabi ko, talagang magbabayad sya ng malaki pag sinira nya yun. Triple pa sa orihinal na presyo nung doorknob ang babayaran nya. OA diba?

Pinatuloy ko na sya sa loob at pinaupo ko sya sa sofa. Magtitimpla sana ako ng maiinom pero tumanggi na sya kaagad kaya hindi ko na lang itinuloy. Ginamit ko na lang ang pagkakataon para makapagtanong tanong tungkol sa kanya.

“Mag-isa ka lang dyan sa inyo?” tanong ko.

“Oo.” Tipid nyang sagot.

“Eh tagasan ka dati?” tanong ko ulit.

“Sa probinsya namin sa Mindanao.”

“Ah! Bakit ka naman napunta dito?”

“May ipinapagawa lang saken dito. Hindi naman ako magtatagal.” Sagot nya. Magtatanong pa sana ako ulit nang biglang nagsalita sya. “Pwede na bang magpahinga? Inaantok na kasi ako eh.” Napansin ko nga ang mapungay nyang mata ay lalo pang namumungay dahil sa antok.

“Ok lang ba sayong dyan ka na lang sa sofa? Wala kasi akong banig eh.” Tanong ko.

“Oo, ayos lang ako kahit saan.” Sagot nya. Kumuha ako ng kumot sa kwarto ko. Pahihiramin ko rin sana sya ng pamalit pero mukhang hindi talaga sya sanay na nasa ibang bahay kaya panay ang tanggi nya sa mga inaalok ko. Umaayos na sya ng pagkakahiga sa sofa. Pinipilit nyang humanap ng kumportableng posisyon. Parang ako nga yung nahihirapan sa kanya eh. May katangkaran din kasi sya, kaya sobrang igsi nung sofa para sa kanya. Hindi ko na lang sya masyadong pinansin dahil baka mairita pa sya sa kadaldalan ko.

“Ahm, Sadjid maraming salamat nga pala sa pagtulong saken kanina ah. Nailigtas mo na naman ako.” Alam kong hindi na sya sasagot kaya hindi na ako naghintay pa. Pumunta muna ako sandali sa kusina para uminom ng tubig. Papasok na ako ng kwarto nang magsalita sya.

“Mag-ingat ka na sa susunod. Baka kasi may mangyaring masama sayo.” Sabe nya.

“Oo, magiingat na ako sa susunod. Maraming salamat ulit.” Napangiti ako sa sinabi nya. Ewan, para akong napahigop ng sariwang hangin nung marinig ko yung malambing nyang boses.  Ang akala kong suplado ay mabait rin naman pala. Ganun lang siguro talaga ang ugali nya hindi pala-imik at hindi rin pala-pansin. Tumuloy na ako sa pag-pasok at humiga na sa kama.

Maaga akong nagising kinabukasan. Uunahan ko si Sadjid para naman makapag-almusal muna sya bago sya umuwi. Maya maya ko na lang itetext si aleng Irma para makuha yung duplicate ng susi. Paglabas ko ng kwarto ay nagkamali ako ng iniisip. Ang akala kong tulog pang si Sadjid ay nakaupo na sa sofa at nakatunganga sa nakapatay na t.v.

“Magandang umaga!” bungad na pagbati ko sa kanya. “Bakit di mo binuksan yung t.v.? Baka balita na.” Hindi ko na hinintay ang sagot nya saken at lumapit na lamang ako sa t.v. para buksan iyon.

“Isang congressman sa Quezon City ang walang awang pinagsasasak-sak sa loob ng kanyang tahanan, kahapon ng tanghali. Natagpuan ang bangkay na nakasilid sa isang sako at ikinandado ito sa isang bodega sa likod bahay ng biktima. Ang mga kasama naman nito sa bahay ay kapwa mga nakagapos at may mga busal sa bibig. Isang kasambahay ang nakagawa ng paraan para makatakas at ito ang nagsumbong sa mga pulis. Wala nang naibalita na iba pang nasawi sa insidente.” Yan ang bungad na balita sa t.v.

“Nakakatakot ano? Bakit kaya palagi na lang may ganyan? Grabe may mga puso pa ba yung mga gumagawa nyan?” sabe ko kay Sadjid.

Pumunta ako sa kusina para makapaghilamos at makapag-mumog. Agad akong nagtimpla ng kape para sa aming dalawa ni Sadjid. Nang ihatid ko ang kape sa sala ay walang nagbago sa posisyon nya. Ganun pa rin nakatunganga sa t.v. Pero kung titignan mo syang mabuti ay parang wala naman syang interes sa ipinapalabas. Tinabihan ko sya sa sofa at ibinigay sa kanya ang kape nya. Siguro naman hindi na sya tatanggi. Natimpla na eh. Tinanaggap nya ang kape at nagpasalamat sya saken sabay higop ng kaunti.

 Maya maya pa ay nakiusap na syang itext ko na ang kasera namin para daw makauwi na sya. Hindi na ako umangal pa dahil baka naiilang na sya saken. Nang maitext ko na si Aleng Irma ay agad nya namang pinapunta si Allan para iabot ang isang  bungkos ng susi.

“Oh! JL, hanapin mo na lang daw dyan sabi ni mama. Ikaw na magsole sa bahay ah.” Sabe ni Allan saken. JL nga pala ang palayaw ko.

“Sandali! Lan! hintayin mo na lang dito. Tsk, tinatamad ako magpunta sa inyo eh. Sesermonan lang ako ng nanay mo.” Sabe ko.

“Wee! Gusto mo lang ako makita ng matagal eh.”sabi nya sabay ngiting aso. Narinig iyon ni Sadjid at nahuli ko ang parang nagulat nyang tingin saken sabay bawi nya at tumingin kunyari sa bandang kisame nang mahuli ko sya. “Lintek! Ang hirap kaya magkunwaring straight tapos bigla lang akong ilalaglag netong hayop na anak ni aleng Irma. Mag-ina nga, parehong hindi mapigilan yung mga bunganga.” Sabe ko sa isip ko. Shet! Parang hindi ako makatingin kay Sadjid sa sobrang hiya ko. Kung noon ay naiilang sya saken dahil hindi kami magkakilala. Ngayon ay maiilang na sya saken dahil nalaman nyang bakla ako. Takte! Siguro sa isip isip neto “May pa pare pare ka pang nalalaman ah. Sirena ka palang hayop ka.” Haynaku naman!

“Ulol, bat naman kita titignang hayop ka.” Sabe ko naman at pinilit kong palakihin yung boses ko.

“Woo! Papaimpress ka pa dyan ah. Wag mo na palakihin yung boses mo. Halatang halata kayang pilit. Hahahaha. Siguro crush mo yan si kuya noh?” sabay baling nya kay Sadjid nginitian ito ni Allan at tsaka tinanguhan. Hindi gumanti ng ngiti si Sadjid. Natawa ako sa sarili ko dahil pahiya onte si Allan. Alam kong ganun ang mangyayari dahil ilang beses ko nang naranasan ang pangi-isnab netong si Sadjid.

Pumunta na kami sa bahay ni Sadjid at sinubukan ang ilang susi. Hindi naman gaanong nagtagal ang paghahanap namin at natagpuan na namin ang susi sa pintuan nya. Nang mabuksan na ang bahay nya ay agad itong nagpasalamat at pumasok na sa loob. Inihagis ko naman kay Allan ang bungkos ng susi. Hanggang ngayon ay nakangisi pa rin sya at inilalabas ang dila na para bang manyakis. Hindi ko na pinatulan ang pang-aasar nya dahil alam kong hindi naman nya ako titigilan. Ganyan ang hirap sa mga taong alam na gwapo sila eh. Mayayabang. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay nang makalabas na si Allan. Matutulog na lang ako ulit tutal wala naman akong pasok ngayon eh.

Sumapit ang tanghali at naisipan kong magluto ng masarap. Puro instant na kasi ang nilalamon ko nitong mga nakaraang araw eh. Wala nang sustanya ang katawan ko. Naturingan pa naman akong nurse pero hindi healthy ang lifestyle ko. Echos lang! Nagluto talaga ako para may dahilan akong pumunta sa bahay ni Sadjid. Dadalhan ko sya ng ulam para naman matikman nya ang luto ko. “Tsk! Nakalimutan ko palang dumaan ng Quiapo. Sayang wala akong gayuma.” Napangiti ako sa kalokohang nasa isip ko.

Nang matapos akong magluto ay agad akong naglagay ng ulam sa mangkok para ihatid kay Sadjid. Kumatok ako sa pintuan nya at pinagbuksan naman nya ako kaagad. May hawak syang notebook nang makita ko sya. May ngiti kong inialok sa kanya ang dala ko. Pero bigla na lang syang napasimangot.

“Hindi ako kumakain nyan. Muslim ako.” Sabe nya na medyo nakasimangot pa rin.

“Ahy, sorry, sorry hindi ko alam. Sorry talaga.” Antanga mo Janssen bakit hindi mo naisip yun. Oo nga pala sa Mindanao sya galing. Shet pangalan pa lang muslim na. Bakit ba hindi ko naisip yon. Naku naman! Para akong matutunaw sa hiya. Puro kahihiyan yata ang inabot ko sa kanya ngayong araw na ‘to ah. Wala na tuloy akong mukhang maihaharap sa kanya. “sorry talaga!” ulit ko pa.

“Ayos lang  hindi mo naman alam eh. Sige na may ginagawa pa ako eh.” Malamig nyang pagkakabanggit saken.

Wala na akong nagawa kundi bumalik na lang sa bahay ko. Putek! Parang nawalan ako ng ganang kumain. Hiyang hiya talaga ako sa mga nangyari. Hindi ko alam kung papano ako makakabawi sa kanya. Over acting lang nga siguro ako pero yun talaga ang nararamdaman ko. Nagpadalos dalos ako dahil sa kagustuhan kong mapalapit sa kanya. Kaya eto ang nangyari saken. Ah ewan! Pinilit ko na lang na kumain kahit wala akong gana. No choice kailangan kong kainin ‘tong niluto kong sinigang. Hays ang dami kong kailangang ubusin. Eto ang bunga ng pagkirengkeng ko ng wala sa hulog. Hays! Imbes na ma-good shot, na-bad shot pa yata ako.
----------
Hindi ko muna pinansin si Sadjid nitong mga sumunod na araw. Hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako sa mga nangyari, nitong nakaraang apat na araw. Pero pag may pagkakataon ay palihim akong sumusulyap sa kanya. Ganun pa rin wala namang pagbabago sa kanya. Tahimik pa rin at hindi nakikihalubilo sa mga kapitbahay namin. Minsan nakikita ko syang nakatamabay sa harap ng pintuan nya habang nagyoyosi. Pero agad syang pumapasok pagkatapos. Nag-overreact nga lang yata ako. Mukhang wala lang naman sa kanya yung mga nangyari eh. Ako lang ‘tong apektado sa walang kabagay bagay na pangyayari. Ganun naman kasi talaga ako eh. Ginagawa ko ang lahat pag gusto kong mapalapit sa isang tao. Pero nawawalan ako ng gana pag nagkamali ako. Iba nga lang talaga si Sadjid. Kahit na napahiya na ako sa kanya ay gusto ko pa ring makuha ang loob nya. Naghihintay lang ako ng tamang panahon para gawin ang next move ko. Malay mo magbunga ng mas maganda, kung talagang paghihirapan ko diba? Who knows, baka higit pa sa pagiging close namin ang kalabasan. “Ahy! Inday pakitigil ang ilusyon” sabe ng punyeta kong konsensya.      

Isang gabi nakatunganga lang ako sa pinto nang makita ko si Sadjid na kakauwi lang. Mukha itong pagod na pagod. Hindi ko sana sya papansinin pero bigla na lamang syang nahilo. Muntikan syang matumba pero agad syang nakabawe kaya hindi natuloy. Napatakbo ako sa kanya at inalalayan ko sya hanggang makapasok sa bahay nya. Hinang hina syang naupo. Ikinuha ko sya ng tubig para naman mahimasmasan sya kahit papaano. Hindi naman sya amoy alak, kaya alam kong hindi sya laseng.

“Anong nangyare sayo?” may pag-aalala kong tanong.

“Ah wala ‘to napagod lang ako sa trabaho. Salamat ah, sige na magpapahinga lang ako’t mawawala na ‘to.” Sabe nya.

Hindi ko sya maiwang mag-isa na nasa ganong kalagayan. Pero mukhang kailangan ko na talagang umalis at baka masama rin ang mood nya dahil sa nararamdaman nya. Makikiramdam na lang ako doon sa bahay. Papalabas na sana ako ng pinto nang bigla na lamang syang sumigaw habang nakahawak sa ulo nya.

“Yung gamot ko, yung gamot ko!” sabe nya na patuloy pa ring iniinda ang matinding sakit ng ulo. Natataranta na ako.

“Saan? Nasan yung gamot mo?” tanong ko sa kanya.
“Nasa drawer! Ahhhhh!” sabay sigaw nya ng matindi.

Naghanap ako ng drawer. Wala akong nakita sa sala kaya naman lakas loob na akong pumasok sa kwarto nya. Doon ay nakita ko ang isang maliit na cabinet sa tabi ng kama nya. Agad akong lumapit doon at inisa isa ang tatlong drawer. Pag bukas ko ng unang drawer ay agad kong nakita ang isang puting botelya ng gamot. Nakaramdam ako ng konting kaba nang makita ko rin ang tatlong uri ng baril sa drawer nya. Pero hindi ko na masyadong pinansin iyon. At agad na akong lumabas para maiabot sa kanya ang kanyang gamot. Kumuha ako ng tubig at ipinainom ko kaagad sa kanya yun. Hinintay ko pang umipekto ang gamot. Maya maya pa ay nanahimik na sya at nakatulog. Iniayos ko sya ng pagkakahiga sa sofa nya, kumuha ako ng unan at kumot sa kwarto para naman mas lalo syang maging kumportable. Binuksan ko ng mahina ang electricfan. Matapos kong magawa ang lahat ng dapat kong gawin ay isinara ko na ang pinto nya at naupo ako sa isang maliit na sofa na nasa bandang paanan nya. Hindi ko sya iniwan dahil baka bigla syang magising at sumakit ulit ang ulo. Baka kung ano pang mangyari sa kanya, konsensya ko pa.

Naalimpungatan ako sa aking mahimbing na pagkakatulog dahil may narinig akong kaluskos. Napansin kong meron nang kumot na nakatakip sa katawan ko. Lumingon ako sa sofa kung nasaan sya. Wala na si Sadjid. Inilibot ko ang aking paningin para hanapin sya. Nakita ko sya sa kusina at kumakaen. Napatingin din sya saken.

“Kaen tayo!” paga-aya nya saken sabay bahagyang ngiti. Parang wala lang nangyare. “Pasensya na ah, naabala pa kita. Tara na kaen na tayo, hindi ka pa yata kumakain eh.”

“Ah sige, medyo nagugutom na nga din ako. Teka ok na ba pakiramdam mo?” paga-alala ko sa kanya.

“Oo, ayos na ako. Salamat sayo.” Sabe nya na may malambing na boses.

“Ano bang nangyari sayo? Bakit bigla na lang sumakit ang ulo mo?” tanong ko sa kanya.

“Ah, wala yun wag mo na lang intindihin. Madalas namang mangyari yun kaya sanay na rin ako. Nakalimutan ko lang magbulsa ng gamot kaya hindi ako nakainom kaninang hapon. Kaya inatake ako.” Sabe nya.

“Napa-check up mo na ba yan? Baka iba na yan ah.” Tanong ko ulit.

Hindi na sya sumagot. Tumayo sya at ikinuha ako ng pinggan at kutsara. Pinaghain nya ako. Hindi na ako nag-inarte pa dahil talaga namang gutom na ako. Nginingitian ko lang sya habang kumakain ako. Sya naman ay walang masyadong reaksyon. Ngingiti lang din ng bahagya at sabay susubo. Hays ganun na talaga siguro sya. Sabagay ilang tao na din naman ang nakilala kong katulad nya. Pero hindi ko na pinag-aksayahan ng panahon yung iba. Kay Sadjid lang talaga ako nagkaroon ng interes. Yung ibang katulad nya kasi na nakilala ko ay parang mga mayayabang lang. Si Sadjid ay hindi, natural na natural lahat ng kilos nya. Suplado type lang talaga. Habang kumakain kami ay bigla kong naisip yung nakita kong baril sa drawer nya. Gusto ko sana syang tanungin tungkol dun, pero baka sabihin nya pakialamero ako. Sa ibang araw na lang siguro. Hindi ko naman siguro kailangang mag-alala dahil hindi naman sya masama. Infact ilang beses nya na rin akong tinulungan kaya naman nakakasiguro akong mabuti syang tao. Kung para saan man yung mga baril na iyon ay wala na rin akong pakialam. Ang mahalaga ay napapalapit na kami sa isa’t isa ngayon. Napangiti pa ako nung maisip ko na “Woooh! Bawing bawe! Hahahah.” Nakabawi na kasi ako sa kahihiyang inabot ko sa kanya. This is what you called GOOD SHOT, to the universal level. Puta! Ang saya ko lang.   

Nung mga sumunod na araw pa ay hindi pa rin kami masyadong nagpapansinan ni Sadjid. Tuwing magkakasalubong kami ay sakto lang na nagkita. Pero ngayon ay tumatango na sya bilang pagbati at ganun din ako sa kanya. Ayos na rin kahit papaano, ang mahalaga ay hindi na sya naiilang saken.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This