Pages

Tuesday, November 1, 2016

Huling Pagkakataon

By: Audi

Hello KM readers heres my new story pahabol sa Halloween. Sana po magustuhan niyo. Request ko lang sana habang babasahin niyo ito, sabayan niyo na rin ng kanta ni Mat Kearny na "Breath In Breath Out. Kagaya po ng paggawa ko sa mga kwento ko, nakikinig po ako ng music para masa dama ang emotion. Medyo maikli lang po siya pero sana magustuhan nyo. Maraming Salamat po ulit sa inyo.

"Ang pagmamahalan ng dalawang tao ay hindi mawawakasan ng kahit anuman, kahit na kamatayan"

Matapos ang pagdiriwang namin ni Michael ng 5th Anniversary, naghanda na kaming umuwi, syempre bukod sa date namin, meron pang isa. Almost 10 pm na rin nang umalis kami sa isang restaurant. Niyaya ko na siyang umuwi. Kahit limang taon na kaming nagsasama, ganoon pa rin ang trato namin sa isa't isa. Parang bago pa lang. Sobrang bait kasi niya sa akin. Mapagmahal na boyfriend. Iyan ang tangi kong masasabi sa kanya.

"Julius, parang ang aga yata nating umuwi? " Pagtataka niya.
"Bakit, ayaw mo ba? " Sagot ko.
"Hindi naman. Sige na tayo na nga".

Sabay kaming sumakay ng kotse. At binigyan ko siya ng isang halik. Naghalikan kami sa loob ng kotse. Ilang saglit pa pinaandar na niya ang sasakyan. Habang binabagtas namin ang daan. Nakahawak pa rin ako sa hita niya.
"Michael, buti na lang ikaw ang naging boyfriend ko. Napakaswerte ko talaga sa iyo." Paglaglambing ko sa kanya.
Medyo naluluha na rin ako. Sino ba namang hindi diba?

"Julius, kahit ako napakaswerte sa iyo. Oh sige na. Mamaya na at nagda-drive ako.". Pinunasan niya ang luha ko at nagpatuloy sa pagmamaneho. Medyo malapit na kami sa bahay. Kaya lalo akong maexcite. Medyo malayo layo rin kasi kami doon sa restaurant.
Noong papaliko na kami, hindi namalayan ni Michael na may kasalubong kami sasakyan. Agad niya itong at naging dahilan ng pagkawala niya ng kontrol sa manibela. Agad agad kaming bumangga sa isa pang kasalubong na SUV.
At isang malakas na tunog ang narinig ng lahat. Napalakas ng pagbangga.
"Lumipas ang ilang minuto namalayan kong nasa labas na ako ng sasakyan. Buti na lang tinulungan kami. Agad kong hinanap si Michael at nakita ko siya sa ambulansya. Grabe rin ang pagkakabangga namin. Nayupi ang unahan at kitang kita ko laki ng pinsala. Medyo sumasakit rin ang ulo ko. Agad kaming nagpunta sa pinakamalapit na ospital. Hanggang sa dumating na kami at sinakay siya agad sa stretcher. Duguan ang mukha niya at kaliwang braso.

"Michael lumaban ka ha nandito lang ako". Habang tumatakbo papuntang OR. Naghintay ako sa labas at hinihintay ang mga resulta.
Dumating rin sila tita. Pero hindi nila ako pinapansin. Dumeretso lang sila sa loob ng kwarto.
Sumama na lang din ako sa loob.
"Medyo stable na po ang kalagayan ng anak niyo misis. Pero hindi ko po alam kung kailan siya magkakamalay".
At dahil sa mga narinig ko, nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Ok na si Michael, wala nang dapat ipag-alala pa.
Umupo ako sa labas pero hindi pa rin ko pinapansin ng kahit sino sa loob ng kwarto.

Sinisisi kaya nila ako sa mga nangyari kaya ganoon?.

First Year College ng maging kami ni Michael. Pareho kami ng course. Sabay grumaduate at sabay ding nakakuha ng board. Pareho na kaming Engineer ngayon. Eversince na maging kami, alam ng mga parents namin kaya welcome na welcome kami sa isa't isa. Wala kaming tinago na kahit anong sekreto. Kahit ang relasyon namin. Open kami sa lahat ng mga taong nasa paligid namin. Sa mga kaibigan, kaklase, mga teachers. Kaya kahit na pareho kami ng kasarian, hindi ito naging hadlang sa pagmamahalan namin ni Michael.

Hindi rin maiiwasan ang mga problema sa relasyon. Kahit na nadawit ako sa isang eskandalo, hindi pa rin siya nawala sa tabi ko. Hindi niya hinayaan na lamunin siya ng galit. Pag ibig ang siyang mangibabaw. Pinagsisihan ko naman ang lahat ng nagawa ko. Nagkaroon kasi kami ng video ni Francis (Classmate). Oral sex. Ang alam ko lasing ako noon nang ginawa namin iyon. Dahil na rin siguro gusto akong siraan. Pero walang nangyari. Naging mas matibay pa ang relasyon namin ni Michael.

Nagising ako kinabukasan. Nakatulog pala ako sa kama niya. Naiwan din pala ang isa sa mga kapatid ni Michael para magbantay. Lumabas ako para tawagan sila Daddy at Mommy. Nasa ibang bansa kasi sila at doon nagwowork. Bale ang kasama ko sa bahay mga kasambahay lang namin. Solo akong anak. Pero hindi ko sila matawagan. Kaya tinext ko na lang sila pati na rin si Nanay Selya sa bahay, ang yaya ko. Bumalik na rin ako sa loob. Tulog pa ang kapatid niya. Umuwi ako sa bahay. Nagcommute muna ako dahil nga sira yung kotse. Pagdating ko sa bahay, parang walang tao. Pumasok ako sa loob naligo at nagpalit ng damit. Nagdala na rin ako ng extrang susuotin in case lang. Habang nasa kwarto ako, nakita ko ang isa naming kasambahay na papasok sa gate at may dala galing palengke.
"Siguro may mga pinuntahan lang kaya wala". Bumaba na ako at umalis. Hindi na ako nagpaalam.
Noong nasa may ospital na ako, naiwanan ko pala ang cellphone ko. Hindi na ako bumalik. Pumunta agad ako sa room ni Michael. Nakasabay ko iyong nurse. Nagkatinginan kami. Ewan ko pero parang bigla na lang siyang natakot sa akin. Binalewala ko na lang iyon. Pag pasok ko nandoon na rin pala ang buong. pamilya ni Michael. Nagkukuwentuhan sila pero parang Hindi ko maintidihan ang pinag uusapan nila. Maya maya pa, nagising si Michael. Agad ko siyang nilapitan. Tuwang tuwa sila tita noong mga oras na iyon. Agad kaming lumapit sa kanya at kinausap.

"Salamat anak at gising ka na!. " sambit ni tita na medyo naiiyak na rin.
"Si Julius ? Nasaan si Julius ?. Lumapit ako sa kanya. Pero parang wala siyang nakikita.
"Sorry anak pero wala na siya". Paliwanag ni tita sa kanya.

At tumigil ang oras. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari.
"Masyadong napinsala ang sasakyan niyo. Tumalsik siya sa labas. Humiwalay rin ang ulo niya katawan. Nakalibing na siya ngayon. Kahapon ang libing niya. Halos isang linggo ka ring coma anak. Pasensya na .
Pero wala na si Julius." dugtong pa niya.
Umiyak si Michael na parang wala nang katapusan. Halos magunaw naman ang mundo ko nang malaman ko na patay na pala ako. Ilang araw na pala akong pagala-gala.

Nalaman ko rin na noong araw na umuwi ako sa bahay, libing ko na pala. Kaya walang tao sa bahay.
Na kaya pala hindi nila ako pinapansin, kaluluwa ko na lang pala ito.
Kaya noong nakita ako ng nurse, natakot siya.
Isa na lang pala akong multo na naghihintay na magising ang kasintahan pero ako pala ang hindi gising sa katotohanan na wala na ako sa mundong ibabaw.

Naririnig ko ang paghihinagpis ni Michael.
"Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana nalaman ko agad! Mama, sabi sa akin ni Julius aalis siya. Nagcelebrate lang kami ng anniversary namin tapos ganito na agad? Ito na ba ang pag alis niya? Wala nang balikan? Iyak pa rin nang iyak si Michael. Nilapitan ko siya at niyakap. Yakap ng aking kaluluwa na naghihintay sa kanya.

Lumipas ang dalawang linggo nakaalis na si Michael sa ospital. Agad agad pumunta sila sa bahay. Pinuntahan niya sila Mommy.

"Michael, lahat ng bagay may dahilan. Oh heto. Sulat ni Julius sa iyo nakita namin sa drawer niya. Pupunta ka rin ba sa puntod niya ? Pumunta ka na. Baka hinihintay ka na niya doon." ang pakiusap ng nanay ko.

"Tita, pwede po ba akong pumunta sa kwarto niya? " Pakiusap ni Michael.

"Sige,". Sagot ni Mommy.

Agad umakyat si Micheal. Kitang kita sa mukha niya ang lungkot at awa sa sarili.

Binuksan niya ang sobre at binasa ang nakasulat.

To My dearest Michael,

Maraming Salamat sa iyo at sa pag ibig mo. Wala na akong ibang mahihiling sa mundo noong naging tayo. Sa kabila ng mga nangyari sa relasyon natin, hindi mo pa rin ako iniwan. Kahit na minsan may tampuhan tayo, patuloy ka pa rin sa pagsuyo sa akin. Kung ito man ang huli kong sulat, sana maintidihan mo na may dahilan ang lahat ng bagay. Mahal na mahal kita Michael. Ikaw lang ang lalaking nagparamdam ng unconditional love na ito. Happy 5th Anniversary! And I Love You to infinity and beyond.

Love,
Julius.

Tumulo ang luha sa mga mata niya. Ang luha ng taong nagmamahal.
Agad siyang bumababa at nagpaalam kay mommy na pupunta sa sementeryo.

Pagdating doon, agad siyang pumunta sa puntod ko at humagulgol ng iyak.
"Grabe ka naman sa akin Julius, akala ko ba sabay tayo Hanggang dulo? Ang daya mo naman. Sige na hindi na ako masyadong iiyak. Alam kong ayaw mong malungkot ako. Hayaan mo kahit matagal tagal pa tayo bago magkita, hindi kita ipag papalit. Mahal na mahal kita.
Lumapit ako sa kanya at hinalikan ko siya. Isang halik na dadalhin ko sa kabilang buhay. Na kahit sa isang saglit magawa ko sa kanya.

"Sadyang walang papantay sa iyo Michael. Mahal na mahal kita.
Hindi pa naman ang huling paalam ko sa iyo. Lagi lang ako sa tabi mo. Hinding hindi kita iiwanan."

Umalis si Michael dala ang walang hanggang pag ibig ni Julius. Hindi man nila natuloy ang forever. Masaya naman siya dahil nagkaroon ng Julius sa buhay niya.

In Loving Memory of Julius Del Rosario.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This