Pages

Saturday, November 5, 2016

Life's Sticky Notes (Part 2)

By: Lord Iris

So ito ang 2nd and last part ng story na ito at salamat sa mga nakabasa nung una... sana po ay nag-eenjoy kayo sa pagbabasa hahaa...

...........

Nagising na lang ako bigla at nakita kong may nakakabit na swero sa kamay ko...

Nasaan ko?

Bakit nandito ako ngayon sa ospital?

Paano ako napunta dito?

Biglang bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok ang nanay ko at umiiyak siya...

"A..nak gising ka na pala". Alanganing sabi sa akin ni mama pero di ako sumagot sa kanya.

Hindi ako nagsasalita at nakatingin lang ako sa kawalan at bigla na lang umiyak ang nanay ko...

"Anak? Bakit mo ginawa yun?". Umiiyak na sabi sa akin ni mama.

"Ayoko ng mabuhay...". Seryoso kong sagot sa kanya.

Bigla na lang may sumuntok sa pintuan kaya nagulat ako at nakita ko si papa...

"Puro kahihiyan ang binibigay mo sa aming bata ka! Bwisit ka sa buhay ko!". Sigaw sa akin ni papa.

"Kaya nga gusto ko ng mamatay para mawalan na kayo ng sakit sa ulo". Sagot ko sa kanya.

"Inutil! Mapupunta ka sa dagat-dagatang apoy!". Sigaw ni papa

"Eh diba sabi niyo doon din ako mapupunta? Pinapabilis ko lang". Naluluha kong sagot sa kanya.

Lumapit sa akin si papa at binigyan niya ako ng isang malutong na sampal sa mukha...

"Wag mong saktan ang anak natin!". Umiiyak na sigaw ni mama.

"Lahat ng ginagawa ko ay para sayo! Gusto ko na umayos ang buhay mo!". Sigaw sa akin ni papa.

"Umayos? Unti-unti niyo akong pinapatay diyan sa ginagawa niyo!".

Natahimik si papa at naramdaman ko na naman ang mainit na tubig na dumadaloy sa mga mata ko...

"Kung hindi niyo ako kayang tanggapin, paalam na po sa inyo...". Mahina kong sabi habang umiiyak.

"Anak! Hindi pa huli ang lahat... patawarin mo kami". Umiiyak na sabi ni mama at niyakap niya ako.

"Wag mong konsintihin yan!". Sigaw ni papa kay mama.

"Tatanggapin ko ang anak ko! Ayokong maglibing ng sarili kong anak dahil sayo!". Sigaw naman ni mama kay papa.

Parang tumalon ang dibdib ko sa sinabi ni mama...

Tatanggapin niya ako?

Ngayon lang kung kelan wala na akong ganang mabuhay...

Sinuntok ni papa ang pintuan at padabog siyang umalis...

"Anak! Wag mong itutuloy ang binabalak mo...". Umiiyak na sabi sa akin ni mama.

"Ayoko na po! Hindi ko na kaya ang mga ginagawa niyo sa akin...". Umiiyak kong sabi kay mama.

"Dapat hindi niyo na ako binuhay". Sabi ko pa sa kanya.

"Anak... kaya natin to, tutulungan ka ni mama mo". Umiiyak na sabi niya.

Tumango na lang ako sa kanya...

Tutulungan ako ni mama?

Pero bakit ngayon lang?

Ang mahalaga ay meron na ring tumanggap sa akin na miyembro ng pamilya ko...

Niyakap ko si mama ng mahigpit at umiiyak na ako sa magkahalong tuwa at sakit na nadarama ko...

"Maraming salamat mama...". Umiiyak kong sabi sa kanya.

"Basta wag mo na ulit yun gagawin". Umiiyak na sabi sa akin ni mama.

Tumango na lang ako ulit sa kanya...

Hanggang sa mahimasmasan kami pareho ni mama at tumigil na kaming dalawa sa pag-iyak...

"Patawarin mo kami anak...". Sabi pa ni mama sa akin.

"Paano niyo po ako nakita?". Tanong ko sa kanya.

"May nakapagsabi na lagi ka daw pumupunta sa abandunadong gusali na iyon kaya hinanap ka namin". Sagot sa akin ni mama.

Biglang may kumatok sa pintuan at pagbukas nito ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko...

Si Noah! Anong ginagawa niya dito?

"Eric... kailangan nating mag-usap". Sabi ni Noah at parang naluluha siya.

"Bakit nandito ka?". Seryoso kong tanong sa kanya.

"Tinawagan ko siya anak... aalis muna ako para makapag-usap kayong dalawa". Sabi ni mama at lumabas na siya ng pintuan.

Ayokong tumingin kay Noah...

Nasasaktan ako lalo dahil naaalala ko kung paano niya ako itaboy na parang hayop...

"Eric... bakit mo ginawa yan sa sarili mo?". Naiiyak na tanong niya sa akin.

"Dahil wala ng nagpapahalaga sa akin". Seryoso kong sagot sa kanya.

"Sorry... Hindi ko alam na ganito pala ang pinagdadaanan mo". Sabi pa niya.

"Diba ayaw mo na akong makita?". Naluluha kong tanong sa kanya.

Lumapit sa akin si Noah at hinawakan niya ang kamay ko pero iniwas ko kaagad ang kamay ko sa kanya...

"Nagkamali ako ng pagkakaintindi... please patawarin mo ako Eric". Sabi sa akin ni Noah at nakikita ko sa mga mata niya na sincere siya.

"Noah... iniwan mo na ako at sobrang sakit kasi sinira mo lahat ng mga pangako mo sa akin". Umiiyak kong sabi sa kanya.

"Ayusin na natin to...". Sabi ni Noah.

"Ngayon pa! Kung kelan hindi ko na kayang ayusin ang sarili ko!". Sigaw ko sa kanya na magkahalong sakit at pagdurusa.

"Hindi na kita iiwan ulit...". Sabi ni Noah at kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha niya.

"Sanay na akong mag-isa...". Sagot ko.

"Please Eric... gusto kong maging sandalan at kaibigan mo ulit, please give me another chance". Umiiyak na sabi sa akin ni Noah.

"Para ano? Para saktan mo ako ulit, para husgahan mo ako ulit at para pandirihan mo ako?". Matigas na pagkakasabi ko sa kanya na punong-puno ng hinanakit.

"Nagkamali ako... nabigla lang ako at mahalaga ka para sa akin". Umiiyak na sabi ni Noah.

"Umalis ka na! Wag mo ng alalahanin ang Eric na nagmahal sayo! Nakokonsensya ka lang kaya mo ginagawa yan". Sumbat ko sa kanya.

"Eric ayokong kalimutan ka...".

"Kalimutan mo na ang Eric nag-pakatanga sayo! Hindi mo ako kailangan sa buhay mo!". Sigaw ko sa kanya na punong-puno ng hinagpis.

"Please... parang-awa mo na Eric patawarin mo ako". Sabi ni Noah.

Bakit nagmamaka-awa siya?

Bakit kailangan niyang gawing mas mahirap para sa akin ang sitwasyon?

Ayokong umiiyak si Noah pero alam ko na ako lang din ang masasaktan kapag nakipag-ayos ako sa kanya. Sasaktan niya lang ulit ako...

"Umalis ka na Noah... hindi mo kailangang gawin to sakin". Seryoso kong sabi sa kanya.

Yumuko si Noah at kitang-kita ko ang mga luha niya na pumatak sa sahig. Tumalikod na siya sa akin at naglakad papunta sa pinto pero...

Lumingon siya sa akin at nagsalita...
"Gagawin ko ang lahat para patawarin mo ako at maayos ang pagkakaibigan natin". Umiiyak na sabi ni Noah at umalis na siya.

Bakit kailangan niyang gawin yun?

Ang alam ko ayaw na niya akong makita at kinasusuklaman niya ako...

May puwang ba talaga ako sa puso niya kahit isang kaibigan lang pero hindi niya naman ako maiintindihan dahil hindi niya ako mahal...

Binantayan lang ako ni mama hanggang sa gumaling ako sa ospital tapos si papa nabalitaan kong lasing siya palagi kaya nasa dorm lang ako at nangako din naman ako kay mama na hindi ko na uulitin yung pagtatangka ko sa buhay ko...

Si Noah... puro text, puro tawag pero di ko inisip na replyan o sagutin kasi ayoko ng mapalapit uli sa kanya pero lagi siyang humihingi ng sorry...

Sabi ko kay Noah kalimutan na lang niya lahat at pinapatawad ko na siya pero gusto niya na maging close uli kami at yun ang kinatatakutan ko...

Papunta ako ngayon sa abandunadong building hindi para magpatiwakal kundi para maglagay ng sticky note para kay Iris...

Gusto ko lang naman magpasalamat sa kanya kasi binigyan niya ako ng comfort kahit iniwan niya akong mag-isa doon habang natutulog...

May tumanggap na rin sa akin maliban sa kanya at yun ang nanay ko kaya masaya na rin ako kahit na galit sa akin si papa...

Pumasok na ako sa abandunadong building at pagtingin ko sa pader ay may sulat na naman si Iris pero iba ito kesa sa dati...

Napansin ko rin na yun na lang ang nag-iisang sticky note sa pader dahil wala na lahat ng mga nilagay ko, siguro tinanggal yun ni Iris o di kaya naman sinira ng tatay ko nung nakita nila ako dito...

...........

Patawad pero kailangan kitang iwanan dahil gusto ko na matutunan mong mahalin ang sarili mo at matutunan ang pag-iisa pero kung gusto mo talaga na pakawalan lahat ng problema mo sa buhay at magsimula ka ng panibago ay pumunta ka sa taas ng gusaling ito Eric....

-Iris
...........

Pagkatapos kong basahin ang sticky note ni Iris ay parang umihip bigla ang hangin sa loob ng gusali at mainit itong dumaan sa tenga ko pero nakakagaan ng pakiramdam...

Ano kaya ang ibig sabihin ni Iris?

Palagi siyang misteryoso pero napapagaan niya ang loob ko...

Hapon na at palubog na ang araw, malakas ang hangin sa taas at lahat ng nasa paligid ay para bang nagkukulay kahel dahil sa sinag ng lumulubog na araw...

Pumunta na ako sa taas ng building at open area na doon pero may nakita na naman akong sticky note na kulay blue at nakadikit yun sa isang poste...

Lumapit ako para basahin uli yun at gusto kong malaman ang gustong sabihin sa akin ni Iris...

...........

Gusto ko na pakawalan mo lahat ng sakit diyan sa puso mo, gusto ko rin na mahalin mo ang sarili mo at kung handa ka na ay gupitin mo ang sinulid diyan sa harapan mo at matututunan mo ang pagiging masaya...

-Iris

...........

Nakita ko ang gunting at ang napaka-habang sinulid sa harapan ko kaya kinuha ko ang gunting pero hindi ko sure kung puputulin ko ba ang sinulid sa harapan ko...

Anong mangyayari kung gugupitin ko ang sinulid na ito?

Paano ako magiging masaya at paano ko mamahalin ang sarili ko kung gugupitin ko lang ang sinulid na ito?

Handa na ba akong magsimula muli at pakawalan lahat ng hinanakit sa puso ko?

Hindi ko alam ang mangyayari kung hindi ko ito susubukan kaya ginupit ko na ng tuluyan ang sinulid...

Maya-maya...

Letse! Pinagti-tripan lang yata ako nitong si Christopher Iris.

Wala naman talagang nangyari pagkatapos kong gupitin ang sinulid sa harapan ko...

Ayoko na nga dito sa lugar na ito at iiwanan ko na lahat ng sakit dito kaya tumalikod na ako at bababa na sana ako pero bigla na lang...

May nakita akong lumipad na puting lobo at may nakadikit doon na dilaw na sticky note...

Nakalagay doon ang sticky note na sinulat ko noong una akong pumunta dito sa abandunadong building...

..........

Masusunog ba ako sa impyerno?

.........

Habang nakikita kong lumilipad pataas ang puting lobo na iyon ay naalala ko ang sakit nung una akong pumunta sa lugar na ito at para bang nawawala yun kasabay ng paglipad ng lobo...

Pagkatapos noon ay meron ng tatlong lobo na lumipad ng sabay-sabay at may nakadikit din na sticky notes doon bawat isa...

...........

Masama ba akong tao?

..........

Walang nagmamahal sa akin...

..........

Wala na siguro akong karapatang mabuhay sa mundong ito dahil walang nagpapahalaga sa akin...

.........

Habang pinagmamasdan ko ang paglipad ng tatlong lobo na iyon ay parang naalala ko bigla yung oras na tinatanong ko ang sarili ko kung may nagmamahal ba sa akin...

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang paglipad ng mga lobong iyon at gumagaan ang pakiramdam ko sa mga sandaling iyon dahil parang nawawala ng paunti-unti ang sakit sa puso ko...

At pagkatapos noon ay lumipad na ang napakadaming puting lobo at bawat isa ay may nakadikit na dilaw na sticky notes at nakasulat doon ang mga sinulat ko dati...

..........

Wala ng nagmamahal sa akin...

..........

Wala akong halaga sa mundong ito...

..........

Gusto ko ng magpakamatay

..........

Sobrang dami pa ang mga lumipad na mga puting lobo at sunod sunod ang mga iyon. Lahat ng mga puting lobo ay may nakadikit na sticky notes at habang pinagmamasdan ko ang mga iyon ay parang naluluha ako...

Masaya ako dahil para bang kasabay ng paglipad ng bawat puting lobo ay ang paglaho ng mga nararamdaman kong sakit sa puso...

Napakabait ni Iris para gawin to...

Ngayon ko naramdaman ang pagiging malaya at paggaan ng pakiramdam dahil sa ginawa ni Iris...

Ito pala ang ibig sabihin na pakawalan ang lahat ng sakit sa puso at ngayon ay handa na akong magsimula muli sa buhay ko...

"Maraming maraming salamat sa iyo Iris kung nasaan ka man nagtatago". Maluha-luha pero nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan ang pagka-ubos ng mga lobo sa kalangitan...

"Kilala mo si Iris?". Tanong ng isang boses sa likod ko kaya nagulat ako.

Lumingon para makita ko kung sino yun dahil kami lang naman ni Iris ang pumupunta sa lugar na ito...

Nagulat ako ng makita ko kung sino ang nagtatanong sa akin...

"Noah? A..nong ginagawa mo dito?". Naguguluhan at nagtataka kong tanong sa kanya.

"May naganap kasi dito noon at binabalikan ko lang". Seryosong sagot sa akin ni Noah.

"Huh? Bakit? Lagi ka bang pumupunta sa lugar na ito?". Tanong ko ulit kay Noah.

"Hindi... kilala mo ba si Iris?". Tanong din sa akin ni Noah at parang hindi siya mapakali.

"Oo... bakit?". Deretso kong sagot sa kanya kaya, parang nabigla siya at nanlaki ang mga mata niya.

"Paano? Kapatid ko siya...". Sabi ni Noah at parang kinakabahan siya sa sagot ko sa kanya.

So... si Noah pala ang kuya ni Iris pero parang sadya ang mga pagkakataon kaya nabibigla din ako sa nangyayari.

"Paano mo naman nakilala yung kapatid ko?". Tanong ni Noah at parang hindi siya mapakali.

"Naging magkaibigan kami bago ako magtapat ng nararamdaman ko sayo". Seryoso kong sagot sa kanya kaya parang nanginig ang katawan niya.

"Imposible... paa..no?". Nauutaal na tanong sa akin ni Noah at para bang natatakot siya.

"Nagsusulatan kami ng sticky notes at binibigyan niya ako ng advice... nakita ko na rin siya". Sagot ko.

"Huh? Paano? Anong hitsura niya?". Tanong ulit sa akin ni Noah at parang naluluha na siya.

"Matangkad siya, moreno at kulay brown yung mga mata niya". Sabi ko.

"Si Christopher nga yun... kapatid ko siya pero paa...nong". Di pa siya tapos magsalita pero tinanong ko na siya.

"Bakit ba? May mali ba Noah?". Nagtataka kong tanong.

Biglang tumulo ang mga luha ni Noah at nakatitig lang siya sa mga mata ko...

"Si Iris... 1 year ago...". Sabi ni Noah pero parang nahihirapan siyang magsalita.

"Ano ba? Ituloy mo na nga". Naiinis pero kinakabahan kong sabi kay Noah.

"1 year ago... patay na siya!". Sabi ni Noah at di na niya napigilan ang pag-iyak niya.

Tumayo bigla ang mga balahibo ko sa batok at napalunok ako sa sinabi niya...

Pero kanina lang...

Tumatayo na ang mga balahibo ko at natatakot ako...

"Noah! Wag kang manloko eh kanina lang may sinulat siya sa...". Tumingin ako sa poste pero wala na doon ang blue na sticky note kaya lalo akong nakaramdam ng takot.

"Si Iris... bakla siya at alam mong homophobe ako kaya malayo ang loob namin sa isa't-isa. Lagi siyang binubugbog ng yumao kong tatay pero wala akong pakialam sa kanya". Umiiyak sa sabi ni Noah sa akin.

"Totoo? Patay na talaga si Iris?". Naguguluhan at natatakot kong tanong sa kanya.

Tumango lang si Noah at parang nahihirapan siyang mag-kwento sa akin pero nagpatuloy siya...

"Di ko siya pinagtatanggol at di niya kinaya ang alitan nila ni papa kaya nung namatay si papa dahil sa heart attack ay sinisisi ni Iris ang sarili niya at ganun din ako. Napaka-sama kong kuya sa kanya, pinamukha ko na wala siyang kwentang tao. Sa lugar na ito, nagpakamatay siya gamit ang gunting na nilaslas niya sa pulso niya". Humahagulgol na sabi sa akin ni Noah at hindi na niya kayang mag-kwento sa akin.

Natahimik na lang ako. Di ko kayang paniwalaan ang mga nangyayari pero ito ba talaga ang totoo?

"Eric... alam mo ba... bago mamatay si Iris ay nag-iwan siyang blue na sticky note sa akin". Sabi ni Noah at may kinukuha siya sa bulsa niya.

Kinuha ni Noah ang blue na sticky note sa bulsa niya at inabot niya ito upang mabasa ko...

..........

Mahal na mahal kita kuya Noah kahit na galit ka sa akin at sana maging masaya kayo ni mama dahil magpapaalam na ako sa inyo. Sorry dahil kasalanan ko kung bakit namatay si papa kasi binigyan ko kayo ng perwisyo pero mahal na mahal ko kayong lahat...

-Iris
..........

Pagkatapos ko iyong basahin ay para bang tumaas lahat ng balahibo ko sa batok at may umihip na mainit na hangin sa tenga ko...

"Ngayon ang 1st death aniversary ni Iris kaya pumunta ako dito... lalo akong nagsisisi at nakokonsensya sa mga ginawa ko sa kanya". Umiiyak na sabi ni Noah habang humihikbi.

"Maniwala ka man o hindi... nakita at naka-usap ko siya at may hiniling siya sa akin". Sabi ko kay Noah.

"Huh? A..no?". Naguguluhan niyang tanong sa akin.

"Gusto ni Iris na yakapin ko ang kapatid niya at sabihin na wala siyang galit sa iyo dahil mahal na mahal ka daw niya". Sabi ko kay Noah.

Tumitig siya sa akin at niyakap ko na lang siya bigla pero tumahan na siya sa kakaiyak...

"Yung kapatid ko... napakabait talaga niya. Maraming salamat Eric". Sabi ni Noah habang nakayakap sa akin.

"Tinulungan niya akong magsimula ulit sa panibagong buhay". Sabi ko kay Noah.

"May pag-asa pa ba na maging magkaibigan tayo ulit?". Tanong niya.

Napaisip tuloy ako...

Handa na nga ako na makipag-ayos sa kanya dahil nagsisimula na ang panibago kong buhay at wala ng sakit sa puso ko...

"Kung pwede... bakit hindi". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Ayoko na palang kaibiganin ka!". Seryosong sabi ni Noah sa akin.

Nabigla ako! Kanina lang gusto niya tapos ayaw na niya! Ano yun? Pinaglalaruan na naman niya ko.

"Bakit? Umayos ka nga Noah!". Naiinis kong sabi sa kanya.

"Ayokong kaibiganin ka lang dahil mahal kita Eric".

Nanlaki bigla ang mga mata ko sa sinabi ni Noah at hindi ko alam ang magiging reaksyon ko...

"Ha? A..no? Ser...yo..so ka?". Nauutal kong tanong sa kanya.

Hinawakan ni Noah ang mga kamay ko at...

"Na-realize ko na mahal kita simula nung mawala ka sa akin at nalaman ko kung gaano ka ka-importante sa buhay ko Eric". Seryoso niyang sabi.

Parang tumalon ang puso ko sa sinabi ni Noah at hindi talaga ako makapaniwala...

"Pero nagalit ka nung...". Di pa ako tapos magsalita pero sumingit na siya sa akin.

"Nabigla ako sayo nung inamin mong mahal mo ako pero ayoko ng maulit ang pagkakamali ko sa kapatid ko at magsisi sa bandang huli". Sabi niya.

"Pero... diba homophobe ka?". Tanong ko sa kanya na may halong pagdududa.

"Oo... pero nung una ayokong maniwala sa nararamdaman ko pero hindi ko kayang pigilan". Seryoso niyang sabi habang nakatitig siya sa mga mata ko.

Hindi na ako makapagsalita dahil parang masaya ako pero naguguluhan sa pag-amin niya sa akin.

Hinawakan ni Noah ang pisngi ko at tumitig siya sa mga mata ko at...

"Mahal mo pa rin ba ako?". Alanganin niyang tanong sa akin.

"Oo... mahal na mahal Noah". Naluluha kong sagot.

At unti-unting naglapat ang aming mga labi sa isa't-isa kasabay ng tuluyang paglubog ng araw ang bagong saya na nararamdaman ko...

Hindi ako makapaniwala!

Para akong naka-jackpot sa lotto!

Thank you Lord! Akala ko imposible na magustuhan ako ni Noah. Alam ko na gwapo ako dahil kamukha ko si James Reid at mas gwapo si Noah dahil kamukha niya si Ajoo pero di ko inaasahan na mamahalin niya ako dahil pareho kaming lalake...

Umaapaw ang saya sa puso ko at mabuti na lang pala hindi ako sumuko dahil magiging masaya rin pala ako ngayon...

Magkahawak ang mga kamay namin ni Noah habang naglalakad sa kalsada pauwi sa dorm namin...

"Eric... ano ba ang gusto mong kainin mamayang hapunan?". Nakangiting tanong sa akin ni Noah.

"Uuhhmm... di ko alam eh". Masaya kong sagot sa kanya.

"Dali na! Mag-isip ka dahil gusto kong ipagluto ang taong mahal ko". Sabi ni Noah at parang namula bigla ang buo kong mukha.

"Thank you...". Mahina kong sagot.

"Namumula ka? Malakas talaga ang tama ko sayo!". Natatawang sabi sa akin ni Noah.

Yumuko na lang ako at nahihiya ako kay Noah kasi totoo naman talaga yung sinasabi niya sa akin...

"Uy! Ba't nalungkot ka? May nasabi ba akong hindi maganda?". Nag-aalalang tanong sa akin ni Noah.

"Wala naman...". Mahina kong sagot.

Hinawakan ni Noah ang mga pisngi ko at hinarap niya ang mukha ko sa kanya...

"Simula ngayon... sasabihin mo na sa akin lahat ng problema mo dahil akin ka na". Seryosong sabi ni Noah.

Tumango na lang ako sa kanya pero masaya talaga ako...

"Ano nga ang gusto mong kainin?". Nakangiting tanong sa akin ni Noah.

"Hotdog na lang para di ka magluto". Sagot ko sa kanya.

"Huh? Grabe ka Eric! Di ko alam na natatakam ka na pala talaga sa akin!".
Natatawang sabi sa akin ni Noah.

"Hoy hindi! Sabi ko yung ulam na hotdog! Ano bang iniisip mo?". Naiinis kong sabi sa kanya.

"Uy ito naman! Binibiro ko lang naman ang boyfriend ko eh". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Ewan ko sayo Noah...".

Niyakap ako bigla ni Noah sa likuran ko kahit na naglalakad kami sa kalsada kaya nagulat ako...

"Noah! Nasa kalsada tayo!".

"Wag ka nang magtampo sa akin". Malambing na sabi ni Noah.

"Oo na po... di po ako nagtatampo". Sagot ko sa kanya.

Kumalas na siya sa pagkakayakap sa akin at ngumiti kaya natutuwa ako sa kanya kasi mabait na, sobrang gwapo pa niya...

Nilapit ni Noah yung labi niya sa tenga ko at meron yata siyang ibubulong sa akin...

"Kung gusto mo ng hotdog ko, sabihin mo lang". Seductive na bulong sa akin ni Noah kaya namula ako.

"Ewan ko sayo! Pervert!". Sigaw ko kaya tumingin yung ibang mga tao sa daanan.

"Uy... joke lang! Pero seryoso pala ako sa sinabi ko". Natatawang sabi ni Noah sa akin.

Inunahan ko siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa tapat ng pintuan sa dorm namin...

"Uy... Eric sorry sa sinabi ko kanina, pansinin mo na ako". Sincere na sabi sa akin ni Noah.

Di ako nagsalita at papasok na sana ako sa pinto pero humarang siya sa akin kaya napatitig ako sa kanya...

"Ano ba! Padaanin mo nga ako!". Malakas kong sabi sa kanya.

"Pag nagtampo ka pa sa akin, hahalikan kita dito!". Sabi ni Noah.

Jusko! Andaming tao dito! Baka mamaya isipin nila na may ginagawa kaming masama ni Noah. Hala! Baka ituloy talaga niya...

"Oo na! Pasok na tayo sa loob". Seryoso kong sabi sa kanya.

Umalis na si Noah sa pagkakaharang niya sa pintuan kaya nakapasok na kami pareho at sinara ko na yung pintuan ako...

"Eric... sorry ulit ha?". Alanganing sabi sa akin ni Noah.

"Ok na yun... nagugutom na ako". Seryoso kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya ng nakakaloko kaya parang alam ko na yung iniisip ng taong ito...

"Hoy! Alam ko yang iniisip mo! Umayos ka nga Noah". Naiinis ko na namang sabi sa kanya.

"Grabe naman! Di na nga ako nagsalita eh. LQ na ba tayo kaagad?". Nalulungkot na sabi niya sa akin.

Yumuko siya at parang nalulungkot siya sa ginawa ko at pumunta na lang siya sa kusina tapos nagluto siya ng hotdog at wala na siyang imik kaya kinakabahan ako...

Sobra ba yung ginawa ko?

Hala! Ayokong nalulungkot siya...

Lumapit ako sa kanya habang nagpiprito siya ng hotdog at huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Uuhhmm... Noah nagtatampo ka ba sa akin?". Seryoso kong tanong sa kanya.

"Hindi naman...". Matipid at mahina niyang sagot sa akin.

"Eh bakit antahimik mo?". Nagdududa kong tanong ko sa kanya.

"Eh kasi parang di mo naman ako love". Seryoso niyang sabi sa akin.

"Hoy! hindi no! Mahal na mahal kaya kita Noah". Sagot ko sa kanya.

"Talaga? Ulitin mo nga yung sinabi mo sa akin". Malambing niyang sabi.

"Mahal na mahal kita...". Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Ang sarap pakinggan pero parang hindi naman convincing". Nakangiti niyang sagot sa akin.

"Huh? Anong gusto mong gawin ko?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Kiss mo ko ulit sa lips...". Sabi niya at pumikit na siya tapos ngumuso.

Unti-unti ko nang nilalapit ang labi ko sa kanya at naamoy ko na ang mabango niyang hininga...

Pero biglang tumunog yung phone ko kaya nagulat kaming pareho at napadilat na siya...

"Anu bayan! Panira ng moment!". Naiinis na sabi ni Noah.

Tumingin ako sa phone ko at si mama pala yung tumatawag kaya sinagot ko.

"Hello ma?".

"Anak! Kailangan kita dito ngayon!". Sabi ni mama at parang umiiyak siya.

"Ano pong nangyayari? Nasaan po kayo ngayon?". Nag-aalala kong sabi.

"Yung papa mo! Inatake sa puso!". Humahagulgol na sabi ni mama.

"Huh? Sige po! Pupunta na ako".

"I-text ko na lang kung saang ospital". Sabi ni mama at binaba na niya yung phone.

"Why Eric? Anong nangyari?". Nag-aalalang tanong ni Noah sa akin.

"Si papa... inatake daw sa puso". Malungkot kong sagot sa kanya.

"Huh? Pupuntahan mo ba?". Tanong ulit niya sa akin.

Tumango na lang ako...

"Kung ganun! Sasama ako!". Sabi niya.

"Huh? Baka lalong magalit si papa". Natatakot kong sagot sa kanya.

Hinawakan ni Noah ang kamay ko at tumitig siya sa mga mata ko...

"Wala kang dapat ikatakot kasi nandito ako at sabay natin yung haharapin". Seryoso niyang sabi.

"Sige... ikaw ang bahala". Alanganin kong sagot sa kanya.

Umalis na kami sa dorm at hindi na kumain pero habang papunta kami sa ospital ay parang bigla akong kinabahan sa mga mangyayari...

Habang naglalakad kami sa hallway ng ospital ay wala kaming kibo ni Noah sa isa't-isa. Nakatingin lang siya sa akin hanggang sa magsalita siya...

"Eric? Kinakabahan ka ba?".
Nag-aalalang tanong sa akin ni Noah.

"Ano kaya kung umatras na lang tayo? kasi baka lumala pa ang galit ni papa sa akin". Tanong ko kay Noah.

"Nandito lang ako... magkasama nating haharapin ito". Nakangiting sabi ni Noah sa akin.

Tumango na lang ako bilang sagot...

Hanggang sa makarating kaming dalawa sa tapat ng kwarto ni papa sa ospital kaya nagdadalawang isip na naman ako...

"Noah? Paano kung magalit din sayo ang papa ko?". Nag-aalala kong tanong sa kanya.

Huminga muna siya  ng malalim bago siya nagsalita...

"Eric... proud ako na naging tayo at hindi ako matatakot sabihin yun sa papa mo". Seryoso niyang sagot.

Kahit papaano nabawasan ang kaba ko dahil sa sinabi ni Noah at tama siya dahil nandiyan lang siya sa tabi ko at hindi niya ako papabayaan...

"Anak! Kanina ka pa hinihintay ng papa mo".

Lumingon kami ni Noah at nakita namin si mama na namamaga ang mga mata sa kakaiyak...

"Mama... bakit namamaga yung mga mata niyo?". Nag-aalala kong tanong.

"Nagdramahan kami ng tatay mo at kanina ka pa niya hinahanap". Seryosong sabi ni mama.

"Po? Hinahanap po ako ni papa?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Oo anak... at may good news siya sa iyo pero meron ding bad news". Nalulungkot na sabi ni mama.

"Ano naman po yun?". Tanong ko ulit sa kanya.

"Pumasok ka para malaman mo". Seryosong sabi ni mama.

Na-curious ako sa pwedeng sabihin ni papa na good news pero ano yung bad news na yun? Kinakabahan ako...

"Bati na pala kayo ng kaibigan mo...". Sabi ni mama sa amin ni Noah.

Hinawakan ni Noah ang kamay ko sa harapan ni mama at...

"Hindi ko po kaibigan si Eric... boyfriend ko po siya". Nakangiting sabi ni Noah kay mama.

Biglang nanlaki ang mga mata ni mama at parang di siya makapaniwala sa nangyari...

"Congrats... pero mukhang magiging mahirap ang sitwasyon niyo mamaya". Seryosong sabi ni mama.

"Po? Bakit po?". Tanong ko.

"Pumasok na kayong dalawa sa loob at magbabayad muna ako ng bills dito sa ospital". Sabi ulit ni mama at umalis na siya.

"Ano Eric? Kausapin na natin yung papa mo?". Tanong sa akin ni Noah.

Tumango na lang ako at biglang binuksan ni Noah yung pinto kaya nagulat ako dahil ako dapat ang gumagawa nun...

Bakit parang mas exited pa siya kesa sa akin na kausapin si papa?

Pagbukas ng pinto ay nakita ko si papa na nakangiti sa akin at parang may nabago sa kanya...

"Anak... lumapit ka kay papa". Nakangiti pero maluha-luhang sabi ni papa sa akin.

"Po? Si..ge po..". Nauutal kong sagot.

Lumapit ako kay papa at ganun din si Noah kaya parang nagtataka si papa sa aming dalawa...

"Bakit kasama mo ang kaibigan mo?". Tanong ni papa sa akin.

"Boyfriend po ako ni Eric...". Nakangiting sabi ni Noah kay papa.

Nanlaki ang mga mata ni papa at parang dismayado siya sa sinabi ni Noah sa kanya...

"Anak... gusto ko sanang humingi ng tawad sa iyo dahil alam kong hindi ako naging mabuting ama sa iyo". Seryosong sabi ni papa sa akin.

Si papa... humihingi ng tawad sa akin?  Ngayon lang nangyari ito sa tanang buhay ko...

"Ok lang po... pinapatawad ko na po kayo". Sagot ko sa kanya.

"Gusto kong malaman mo na tinatanggap na kita bilang anak ko". Sabi ni papa sa akin.

Parang nagliwanag ang lahat sa sinabi ni papa at nagkatinginan kaming dalawa ni Noah at para bang maiiyak na ako sa sobrang tuwa...

"Po... totoo po? Pero paano pong...". Hindi pa ako tapos magsalita pero inunahan na ako ni papa.

"Napagtanto ko na anak kita at ako pa ang nagbibigay ng pasakit sa iyo... pinaunawa sa akin ng mama mo ang lahat-lahat". Seryosong sabi ni papa.

Naiyak na ako sa sobrang tuwa dahil hindi ko talaga inaasahang sasabihin ni papa ang mga bagay na iyon...

"Anak... yakapin mo ang papa". Naiiyak na sabi ni papa sa akin.

Lumapit ako kay papa at niyakap ko siya ng mahigpit. Ang sarap sa pakiramdam dahil ito ang unang beses na niyakap ako ng papa ko...

"Salamat po papa...". Umiiyak kong sabi habang nakayakap sa kanya.

"Magbabago na ako anak... at gusto kong bumawi sa iyo". Sabi ni papa at naiyak na din siya.

"Thank you po...". Sabi ko at kumalas na kami sa pagkakayakap.

Tumingin si papa kay Noah at parang nalungkot na naman siya bigla...

"Anak may sasabihin ako sayo...". Seryosong sabi ni papa sa akin.

"Ano po iyon?". Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Wag ka sanang magagalit at sana hayaan mo akong magpaliwanag". Seryosong sabi ni papa sa akin.

"Opo... sige po makikinig ako". Sagot ko naman sa kanya.

Huminga ng malalim si papa at parang hirap siya na sabihin yun sa akin...

"Anak... aalis na tayo". Sabi niya.

"Po... saan po tayo pupunta". Kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Pupunta tayo sa Britain... dun mo na ipagpapatuloy ang pag-aaral mo".

Huh? Pero iiwanan ko si Noah kapag pumayag ako...

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi sa akin ni papa...

"Hindi po pwede! Wag niyo pong ilalayo sa akin si Eric!". Galit na sabi ni Noah kay papa.

"Akala ko po ba tanggap niyo na ako? Bakit kailangan niyo pong gawin ito sa akin, sa amin?". Naiiyak kong tanong kay papa.

"Anak tanggap ko na kayo... pero nandun ang mga kamag-anak natin at ayokong iwan ka dito mag-isa and besides nakabili na kami ng ticket at sa linggo ang flight". Sabi ni papa sa akin kaya lalo akong naiyak.

"Sa linggo? Eh biyernes na po ngayon". Umiiyak na sabi ko kay papa.

"Parang awa niyo na po... wag niyo pong ilayo sa akin si Eric. Aalagaan ko po siya". Sabi ni Noah at umiyak na din siya.

"Sorry pero hindi na kami pwedeng umatras... sasama sa amin si Eric at ayokong maiwan ang anak ko". Seryosong sabi ni papa kay Noah.

"Papa... hindi na po ako bata! Kaya ko na po ang sarili ko!". Umiiyak kong sagot kay papa.

"Pero anak! Makinig ka sa papa mo... May sakit na siya sa puso kaya nagbago na siya at gusto mo bang iwan kami?". Sabi naman ni mama at nandito na pala siya.

"Ayoko pong lumayo kay Noah...". Umiiyak kong sabi sa kanila.

"Kakasimula pa lang po namin... wag niyo pong kunin sa akin si Eric". Umiiyak din na sabi ni Noah sa kanila.

"Kung ganun may pakiusap ako". Seryosong sabi ni papa sa amin.

"Ano naman po yun? Kahit ano basta wag niyo lang ilalayo si Eric". Umiiyak na sabi ni Noah kay papa.

"Kapag nakatapos na siya ng kolehiyo sa Britain pwede na kayong magsama na dalawa". Sabi ni papa kay Noah.

"Po? Pero matagal pa po iyon... apat na taon pa bago makatapos ng college si Eric". Umiiyak na sabi ni papa.

"Kung talagang mahal mo ang anak ko ay hihintayin mo siya at pangako hindi na ako makikialam sa inyo kapag nakatapos na ang anak ko". Seryosong sabi ni papa kay Noah.

"Pero matagal po iyon...". Umiiyak na sabi ni Noah kaya naawa na ako.

"Kapag nakatapos na si Eric, pwede mo na rin ako tawaging papa". Seryosong sabi ni papa kay Noah.

Hindi na sumagot si Noah sa sinabi ni papa at umiiyak na lang siya...

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Payag siya sa relasyon namin ni Noah pero kailangan naming magkalayo?

Hinatak ni Noah ang kamay ko at itinakbo niya ako palabas ng ospital kaya nagulat ako dahil hindi ko alam ang ginagawa niya...

"Noah! Ano ba? Bitawan mo muna ako". Sabi ko sa kanya.

"Mamaya na! Mag-uusap tayo". Sabi ni Noah at hinahatak niya pa din ako.

"Wait lang! Susunod naman ako... Noah ansakit ng hawak mo sa akin". Sabi ko sa kanya at napabitaw na siya.

"Sorry Eric... di ko sinasadya". Nalulungkot na sabi ni Noah.

"Saan ba tayo pupunta?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Umuwi muna tayo sa dorm at doon tayo mag-uusap". Seryosong sabi sa akin ni Noah.

At yun nga ang nangyari... wala kaming kibo hanggang sa makapunta kaming dalawa sa dorm...

Pagdating namin ay nagmamadali si Noah at bigla niyang nililigpit ang mga damit naming dalawa...

"Noah? Ano ba yang ginagawa mo?". Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Aalis tayo... pupunta tayo sa bahay namin ni mama at tanggap naman niya ang relasyon natin". Seryosong sabi ni Noah habang inaayos ang mga gamit namin.

"A..no pero Noah...". Nauutal kong sabi sa kanya pero inunahan na niya akong magsalita.

"Eric! Ayokong malayo ka sakin! Mahal na mahal kita". Sigaw ni Noah sa akin.

Tama ba ang gagawin niya?

Ayokong malayo din sakin si Noah pero gusto ko rin na makasama ang pamilya ko dahil ngayon lang kami nagka-ayos ulit...

"Mahal na mahal din kita Noah... pero mali itong ginagawa mo". Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Kaya mo bang iwan ako?". Sabi ni Noah sa akin at naiyak na din siya.

Nakokonsensya ako lalo sa sinabi niya pero alam ko na mali ang gagawin niya kaya dapat kong gawin kung ano ang tama...

"Ayokong iwan ka... alam mo naman na mahal na mahal kita pero mali ang gagawin mo...". Umiiyak kong sabi.

"Yun naman pala eh! Magsama na lang tayong dalawa!". Sigaw ni Noah sa akin habang lumuluha.

"Mali yun! Kailangan kong sumama kila papa dahil yun ang tama!". Sigaw ko naman sa kanya.

"Kung ganun gusto mo akong iwan?". Umiiyak niyang tanong sa akin.

"Noah hindi! Pero mali na kalabanin natin sila". Sagot ko sa kanya.

"Mamili ka! Sasama ka sa akin o iiwan mo na ako!". Sigaw niya at alam kong galit siya kahit na umiiyak siya.

"Gusto mo ba na matulad ako kay Iris dahil sayo?". Seryoso kong tanong sa kanya.

"At bakit naman? Eh malayo naman ang sitwasyon niyo sa isa't-isa". Galit niyang sabi sa akin.

"Si papa... may sakit siya sa puso at kapag may nangyaring masama sa kanya ay sisisihin ko ang sarili ko. Gusto mo ba na mangyari yun?". Seryoso kong tanong sa kanya.

Yumuko siya at umiling-iling siya sa sinabi ko habang pumapatak ang mga luha niya...

"Gusto ko lang naman na makasama ka palagi...". Humihikbing sabi sa akin ni Noah.

"Mali kasi yun eh pero ayokong iwan ka at kapag dumating na ang tamang oras para sa atin ay magiging masaya na tayo". Seryoso kong sabi sa kanya.

"Ano ba ang tama? Natatakot ako na baka hintayin kita tapos maghintay lang pala ako sa wala". Umiiyak na sabi sa akin ni Noah habang humihikbi.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit kahit pareho na kaming umiiyak ngayon...

"Hindi mangyayari yun... ikaw lang ang mahal ko Noah...". Humihikbing sabi ko sa kanya.

"Paano kung ipagpalit mo ako? Kanina lang naging tayo tapos iiwan mo na ako kaagad". Humahagulgol na sabi sa akin ni Noah kaya hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.

"Sayo lang ang puso ko... makaka-asa ba ako na may Noah pa akong babalikan?". Tanong ko sa kanya habang tumutulo ang mga luha ko.

"Oo naman! Pero sobrang tagal nun kaya malulungkot ako...". Umiiyak na sabi niya sa akin.

"Mabilis lang ang apat na taon... pagkatapos nun ay magsasama na tayo palagi". Sabi ko sa kanya.

"Mahal na mahal kita Eric... sana wag kang magbabago at sana ako lang ang mamahalin mo dahil maghihintay ako kahit gaano katagal". Umiiyak niyang sabi sa akin.

Pinunasan ko ang mga luha ni Noah at hinalikan ko siya sa labi kahit na pareho kaming umiiyak at...

"Hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo kaya hintayin mo lang ang araw na magkikita tayo ulit...". Sabi ko sa kanya.

Tumango lang sa akin si Noah pero kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya lalo akong naiiyak...

"Alam ko na mahirap ang malayo tayo sa isa't-isa pero kailangan dahil yun ang tama... apat na taon lang at magiging masaya na tayong dalawa". Sabi ko sa kanya.

"Hihintayin kita... at panghahawakan ko yang mga sinabi mo Eric". Sabi ni Noah at nagyakapan na kaming dalawa.

Hinalikan niya ako sa labi at dinala niya ako sa kama...

"Matulog na muna tayo...". Sabi ko sa kanya habang magkatabi kami sa kama.

"Ayokong matulog... baka bumilis yung oras at paggising ko wala ka na". Nalulungkot niyang sabi sa akin at namumula na ang singkit na mga mata niya.

Hinalikan niya ulit ako at nagsimula ng may mangyari sa amin ng gabing iyon...

Linggo na... malungkot ako dahil aalis na ako mamaya papuntang Britain at nasa bahay na ako. Si Noah naman ay nagpaiwan lang sa dorm kasi ayaw niya daw akong makita na umalis kasi baka mamaya magdramahan lang daw kami sa airport...

Nasa kwarto ako ngayon at nilalagay ko sa maleta ang mga importanteng mga gamit na kailangan ko...

"Anak... handa ka na ba?". Sabi sa akin ni papa.

Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot dahil nalulungkot ako...

Tumabi sa akin si papa at...

"Anak... wag ka nang malungkot dahil maikli lang ang panahon at magkikita na kayo ni Noah". Nakangiting sabi sa akin ni papa.

Napatitig ako sa kanya at alam kong nagbago na talaga siya dahil hindi na siya yung dating papa ko na laging nananakit at ayaw akong umiiyak pero ngayon, mabait na siya...

"Bakit anak? May mali ba sa akin?". Tanong ni papa sa akin.

"Wala po... nakakapanibago lang po na mabait na kayo". Nakangiti kong sabi kay papa.

"Pwes masanay ka na dahil lagi ng ngingiti ang papa mo". Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Oh! Nag-uusap pala ang mag-ama ko". Sabi ni mama sa may pintuan.

Lumapit sa amin si mama at umupo na din siya sa kama ko...

"Anak? Di ka ba ihahatid ni Noah sa airport mamaya?". Tanong ni mama.

"Hindi po eh... ayaw daw po niya na magdramahan kami sa airport". Malungkot kong sagot sa kanya.

"Anak... nandito lang kami ng papa mo at kung kayo talaga ni Noah ay gagawa ng paraan ang tadhana". Nakangiting sabi ni mama sa akin.

"Sige po... alis na po tayo". Pag-aaya ko sa kanilang dalawa.

"Family hug muna tayo...". Nakangiting sabi ni mama sa amin.

At nagyakapan nga kaming tatlo. Di ko inaasahan na ganito pala kasarap ang magkaroon ng masayang pamilya.

"Sige na... alis na tayo at baka mahuli pa tayo sa flight". Sabi ni papa kaya tumayo na kaming tatlo.

Naglakad kami papunta sa garahe at sumakay na kaming tatlo sa kotse...

Habang umaandar ang kotse ay napadaan ito sa abandunadong building kaya napatitig ako dito...

May nakita ako sa bandang itaas nito. Isang lalaki na nakasuot ng puti, matangkad, moreno at may hawak na puting lobo...

Nanlaki ang mga mata ko at bigla siyang kumaway sa akin... hindi ako pwedeng magkamali, siya si Iris...

Pero hindi ako natakot kaya kumaway din ako sa kanya...

"Anak? Sino yung kinawayan mo eh wala namang tao doon?". Nagtatakang tanong sa akin ni mama.

"Wala po... wag niyo na lang pansinin". Nakangiti kong sagot.

Tinaas ni mama ang isa niyang kilay at parang di siya naniniwala sa akin pero napangiti na lang ako...

Bakit kaya nagpakita ulit sa akin si Christopher Iris?

Siguro nagpapaalam lang siya sa akin at sobrang laki ng naitulong niya sa  akin kaya dapat talaga akong magpasalamat sa kanya...

Nakarating na kami sa airport at sobrang nalulungkot ako dahil wala man lang text o tawag si Noah sa akin.

Nasa lobby kami at lalong bumibigat ang pakiramdam ko habang naglalakad sa loob ng airport dahil naalala ko si Noah...

"Eric! Wait lang!".

Lumingon ako at nakita ko si Noah na tumatakbo palapit sa akin kaya biglang sumaya ang nararamdaman ko ngayon...

Hinihingal na si Noah sa harapan ko, nakahawak siya sa mga tuhod niya at siguro kanina pa siya tumatakbo kaya natatawa ako na nalulungkot...

"Bakit di mo ako tinawagan?". Tanong ko kay Noah.

"Lowbat na ako eh...". Nakangiting sabi sa akin ni Noah.

"Akala ko ba ayaw mo akong makita na umalis?". Tanong ko sa kanya.

"Akala ko din eh... pero di ko kaya". Sabi ni Noah at napakamot na lang siya sa ulo niya.

"Paano ba yan? aalis na ako". Naluluha kong sabi sa kanya.

Hinawakan ni Noah ang mga kamay ko at parang maluluha na rin siya kagaya ko pero pinipigilan ko lang...

"Basta... kahit gaano katagal, lagi mong iisipin na merong Noah na nagmamahal at naghihintay sayo". Sabi ni Noah at kitang-kita ko ang pagtulo ng mga luha niya.

Niyakap ko siya ng mahigpit at tumulo na rin ang mga luhang pinipigil ko...

"Noah... babalik ako at magsasama tayo kaya maghintay ka lang...". Umiiyak kong sabi at hinawakan ko ang mga pisngi niya.

Nagdikit ang noo naming dalawa at pareho kaming umiiyak...

"I love you Eric...".

"I love you too Noah...".

"Attention: all the passengers of Philippine air flight 9031, please proceed to gate no.15".

"Anak... halika na". Sabi ni mama.

"Ikaw Noah! Pinapaiyak mo yung anak ko!". Seryosong sabi ni papa.

"Sorry po...". Nakangiting sabi ni Noah at tumutulo pa rin ang mga luha niya.

"Mag-review ka palagi ah...". Nakangiti kong sabi kahit na umiiyak ako.

"Opo... mag-iingat ka sa Britain...". Umiiyak na sabi ni Noah.

"Ingat ka din diyan...". Sagot ko.

"Wag mo akong ipagpapalit ah...". Sabi ulit ni Noah.

"Syempre naman! Ikaw lang kaya ang mahal ko...".

"Anak... alis na tayo". Sabi ni mama.

"Sige na Noah... bye na". Sabi ko.

"Bye din Eric...".

Naglakad na kami palayo at kitang-kita ko na umiiyak si Noah habang palayo siya ng palayo sa akin...

Tumakbo ako pabalik sa kanya...

Kahit na maraming tao...

Naghalikan kaming dalawa ni Noah...

"Sige na... aalis na talaga ako". Umiiyak kong sabi sa kanya.

"Sige... lagi kang tatawag ha?".

Tumango na lang ako sa kanya...

Naglakad na muli ako palayo sa kanya at unti-unting tinutusok ang puso ko kaya di na uli ako lumingon sa taong mahal ko...

Hanggang sa makasakay na kami nila papa sa eroplano, puno ng lungkot ang mga mata ko...

Tumingin ako sa bintana at lumulubog na naman ang araw...

Naalala ko yung oras na inamin sa akin ni Noah na mahal niya rin ako dahil sunset din yun...

Iidlip na sana ako pero napansin kong may nakadikit na sticky note na kulay blue sa kanang braso ko...

Kinuha ko ito at binasa...

............

                    Alam ko na si Iris ang gumagawa nito pero gusto ko sanang gayahin para sa iyo... wag mo kalimutang ngumiti dahil gusto ko na masaya ka kahit di tayo magkasama. I love you Eric.

                                               -Noah
............

Tumulo ang mga luha ko pagkatapos kong basahin ang sulat na nilagay sa akin ni Noah...

Isa lang ang kailangan kong panghawakan ngayon...

Na mahal niya ako at magiging masaya kami sa muli naming pagkikita...

...................5 years later...................

Nakatingin ako sa labas ng bintana at nakita ko na naman ang sunset at naalala ko palagi si Noah kapag tumitingin ako sa sunset...

Nasaan na kaya siya ngayon?

Tinupad kaya niya yung pangako niya sa akin?

Natakot ako nung nalaman ko na aalis pala si Jenny dati papuntang Canada kaya naghiwalay sila ni Noah...

Kahit limang taon na ang nagdaan ay walang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya pero siya kaya, mahal pa rin ba niya ako?

Alam ko na apat na taon lang ang napag-usapan naming dalawa pero umabot ng limang taon dahil nagkasakit ang papa ko at kailangan ko siyang alagaan pero ok naman na siya ngayon...

Graduate na ako ng industrial engineering at natanggap na ako sa isang company dito sa Britain kaya kumikita na rin ako at nakakatulong kila mama...

Naging masaya naman kami dito sa Britain nila papa kasi nagbago na siya at nag-bonding kami minsan pero nalulungkot pa din ako kapag naiisip ko si Noah...

Dati... laging may text at tawag si Noah sa akin pero ngayon wala na... nung unang tatlong taon na nandito ako ay lagi kaming nagkaka-usap pero wala na kaming communication sa isa't-isa...

Siguro nagsawa na siya...

Pero kahit ganun ay mahal ko pa din si Noah at hindi na magbabago yun dahil iba talaga ang tama niya sa akin kahit marami akong nakilala dito...

Bumili na ako ng ticket pabalik sa Philippines at bukas na ang flight ko...

Nagbago kaya ang hitsura ni Noah?

Si Iris naman di ko na nakikita kahit sa panaginip ko...

"Anak... bakit malungkot ka uli?". Nag-aalalang tanong ni papa sa akin.

"Wala po... ok lang po ako". Mahina kong sagot kay papa.

"Ay... wag magsinungaling, miss mo na si Noah diba?". Seryosong sabi sa akin ni papa.

Tumango na lang ako sa kanya bilang sagot kasi totoo naman talaga...

"Anak sorry... kung hindi nagkasakit si papa ay sana matagal ka ng nakauwi sa Pinas". Malungkot na sabi ni papa.

"Naku! Choice ko po na alagaan kayo kaya wag po kayong mag-sorry". Sagot ko kay papa.

"Ang bait talaga ng anak ko!" Nakangiting sabi ni papa.

Napangiti na lang din ako sa sinabi sa akin ni papa kasi close na kaming dalawa ngayon...

"Anak exited ka na bang umuwi?". Tanong ni papa sa akin.

"Syempre naman po!". Mabilis kong sagot sa kanya.

"Eh bakit malungkot ka kanina?". Tanong niya ulit sa akin.

Yumuko na lang ako dahil sa tanong ni papa kasi di ko alam kung paano ko yun sasagutin...

"Ayan... malungkot ka na naman". Sabi ulit ni papa.

"Kasi po...". Di ko matapos sabihin.

"Ano yun anak? Sabihin mo". Nag-aalalang sabi ni papa sa akin.

"Paano po kung hindi na ako mahal ni Noah at masaktan lang ako pag-uwi?". Tanong ko kay papa.

"Huh? Bakit mo naman natanong yan eh kitang-kita ko kung paano kayo magtukaan sa airport dati". Natatawang sabi ni papa sa akin.

"Kasi po... wala na kaming communication sa isa't-isa". Malungkot kong sabi kay papa.

"Kung talagang mahal ka niya ay maghihintay siya kahit matagal pa". Seryosong sabi ni papa.

"Paano po kung may mahal na siyang iba sa Pilipinas?". Tanong ko ulit.

"Anak... umuwi ka para malaman mo at kung mangyari yun ay nandito naman kami ng mama mo". Sabi ni papa na nagpagaan sa loob ko.

Napangiti na lang ako sa sinabi ni papa at hindi ko inakalang magiging ganito siya kabait sa akin...

"Salamat po papa...". Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Pero kapag niloko ka nung lalaking yun ay wag siyang magpapakita sa akin at baka ibitin ko siya sa sako!". Galit na sabi ni papa.

Natawa na lang ako sa sinabi niya kasi ang protective niya sa akin...

"Grabe naman po yun...". Natatawa kong sabi kay papa.

"Pero anak... kapag niloko ka niya kaya mo bang magmahal ulit?". Seryosong tanong ni papa sa akin.

"Hindi ko po alam...". Mahina kong sagot sa kanya.

"Pero sana naman kapag nangyari yun, babae naman ang mahalin mo". Seryoso niyang sabi sa akin.

Napatitig na lang ako kay papa at natatawa na lang ako sa sinabi niya kasi mukhang may pag-asa daw akong magka-gusto sa babae...

"Papa magliligpit lang ako ng mga gamit ko para bukas". Sabi ko.

"Sige anak... labas muna ako". Sabi ni papa at lumabas na siya ng kwarto.

Pag-alis ni papa ay napatingin na lang ako sa kalendaryo at malapit na para ang ika-5 year anniversary namin ni Noah kung sakali...

Nalungkot na naman ako...

Lagi ko siyang naiisip at bakit kaya di na siya tumatawag. Tinawagan ko siya minsan pero wala na yung number niya na yun kaya wala na kaming communication...

Sana mahal niya pa din ako...

Inayos ko na ang mga gamit sa maleta ko at ok na ang lahat mula sa damit at mga papeles kaya handa na akong umuwi para bukas...

Hanggang sa makita ko ang sticky note na ibinigay ni Noah sa akin...

...........

Alam ko na si Iris ang gumagawa nito pero gusto ko sanang gayahin para sa iyo... wag mo kalimutang ngumiti dahil gusto ko na masaya ka kahit di tayo magkasama. I love you Eric.

-Noah
...........

Sa tuwing tinititigan ko ang sticky note na iyon ay napapangiti na lang ako kasi naalala ko na mahalaga ako para kay Noah...

Doon ako humuhugot ng lakas para magpatuloy dahil kapag nakikita ko iyon ay lalo akong nagpapatuloy na abutin ang pangarap ko at naabot ko na nga...

Handa na akong harapin siya bukas...

Nakasakay na ako sa eroplano at pinagmamasdan ko ang mga ulap at maaga akong makakarating sa pinas pero parang kinakabahan ako habang hawak ang sticky note na ibinigay sa akin ni Noah bago ko siya iwan...

Sana may Noah pa akong babalikan...

Maliwanag na sa labas ng tumingin ako sa bintana ng eroplano...

Pagbaba ko sa airport ay balak kong puntahan si Noah sa bahay nila pero nahihiya ako dahil baka hindi siya handang ipakilala ako sa mama niya...

Ano na kayang hitsura niya?

Siguro mas pogi na siya ngayon...

Sumakay muna ako sa isang taxi at pumunta sa isang hotel para magkapag check-in kasi binenta na ni papa yung bahay namin...

Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko sa loob ng room ay lumabas na agad ako para maglibot-libot...

Naglakad lang ako dahil gusto kong masilayan ang lahat ng mga bagay...

Marami na pala ang nagbago dito...

Mas gumanda at dumami na ang mga gusali at mas uminit na din...

Napadaan ako sa dati naming bahay at may nakatira na pala doon pero hindi ko sila kilala...

Napangiti na lang ako dahil masaya ang pamilya na nakatira sa bahay namin at hindi kagaya namin dati...

Naglakad-lakad lang ako at napadaan ako sa abandunadong gusali na pinupuntahan ko dati para maka-usap ko si Iris pero...

Hindi na ito abandunado...

May nakatira na dito at maganda na...

Mukhang may kaya sa buhay ang nakatira ngayon dito dahil maganda talaga at stainless ang gate...

Nakakalungkot lang dahil gusto ko sana na ako ang bibili nun dahil may magandang memories na nangyari sa akin doon...

Umalis na ako at pumunta naman ako sa school ni Noah...

Mukhang graduate na siya pero masaya pala na makita ang dati mong school kahit hindi ka doon nagtapos...

Umupo ako sa may bench at nakikita ko ang mga students na masaya at nagtatawanan...

Napangiti na lang ako dahil naaalala ko si Noah na lagi kong kasama dati. Nag-rereview kami, gumagawa ng napakahirap na projects at nag-aaral para sa nakakatuyo ng utak na exams pero masaya kaming dalawa...

Napatingin ako sa watch ko at nakita kong hindi pa pala ako kumain ng lunch pero ok lang hindi naman ako gutom ngayon eh...

Naisip kong oras na para puntahan ko si Noah sa bahay nila at gusto ko ring makilala ang mama niya...

Pero kinakabahan ako... paano kaya kung ayaw sa akin ng mama niya?

Hindi ko naman malalaman kung hindi ko susubukan kaya umalis na ako ng school at pumunta sa bahay nila Noah...

Di ko pa nakikita ang mama niya kasi madalas ay wala siya kapag pumupunta kami ni Noah sa bahay nila...

Nakarating ako sa tapat ng bahay nila Noah at nag-aalangan ako...

Nakatayo lang ako dito sa labas ng gate nila...

"Sino po sila?".

Lumingon ako ng may magtanong sa akin na isang babae...

Pagtingin ko sa kanya ay nakangiti lang siya sa akin...

"Kayo po ba ang nakatira dito?". Magalang kong tanong sa kanya.

"Hhmm... Oo bakit?". Alanganin niyang tanong sa akin.

"Kilala niyo po ba si Noah?". Nakangiti kong tanong ulit sa kanya.

Biglaan siyang ngumiti sa akin at parang nagagalak siyang makilala ako kaya napangiti na lang din ako...

"Anak ko si Noah! Sino ka naman?". Nakangiti niyang tanong sa akin.

"Ako po si Eric...". Sagot ko.

"Ay kay gwapong bata mo pala Eric!". Nakangiting sabi ng mama ni Noah.

"Bakit po ? Kilala niyo po ako?". Nagtataka kong tanong.

"Oo naman! Lagi kang kinikwento sa akin ni Noah at matagal ka na niyang hinihintay". Sabi ng mama niya.

Parang tumalon ang dibdib ko sa sinabi ng mama ni Noah kasi...

Hinihintay niya ako?

Ibig-sabihin tinupad niya ang pangako niya sa akin...

"Totoo po ba yun?". Nakangiti kong tanong ulit.

"Oo! Kaibigan ka daw niya at ang gwapo mo pala talaga!".

Napangiti na lang ulit ako...

"Pasok ka muna sa loob...". Nakangiti na sabi ng mama niya sa akin.

"Nasaan po si Noah?". Tanong ko.

"Hhmm.. mamaya pang gabi yun uuwi kasi hanggang gabi ang trabaho niya pero may bahay na rin siya". Sabi ng mama niya.

Pumasok kami sa loob ng bahay nila dahil gustong makipag-kwentuhan ng nanay ni Noah sa akin...

"Gusto mo ba ng juice?".

"Ay naku! Hindi na po... aalis din po ako kaagad". Sagot ko.

"Kamusta ka na?". Tanong niya.

"Ok lang po... si Noah po? Kamusta na po siya?". Tanong ko ulit.

"Ok lang siya at sigurado akong sobrang matutuwa yun kapag nakita ka niya! Baka magpa-litson pa yun!". Natatawang sabi ng mama niya.

"Talaga po? Pero uuwi na po ako at secret lang po natin na nandito na ako ngayon". Nakangiti kong sabi sa mama ni Noah.

"Huh? Ang bilis naman! Gabi pa kasi uuwi si Noah pero day off niya bukas". Sabi ulit niya.

"Sige po... kakauwi ko lang po kasi at galing ako sa airport". Nakangiti kong sagot sa kanya.

"Ha? Di ka naman exited na makita siya ngayon...". Natatawang sabi ng mama niya.

Nagtawanan na lang kami pareho at nakakatuwa pala ang mama niya...

Hinatid na ako ng mama niya palabas ng bahay at...

"Gusto mo dito ka na lang matulog at baka tumalon si Noah kapag nakita ka niya sa kwarto niya...". Tumatawang sabi ng mama niya.

"Naku hindi na po... at babalik na lang po ako bukas". Nakangiti kong sagot.

"Sige! At siguradong maiiyak pa si Noah kapag nakita ka".

"Bye po...".

Umalis na ako at kumakaway naman sa akin ang mama ni Noah kaya natutuwa ako...

Sana alam ng mama niya na may relasyon kami ni Noah...

Pumunta ako sa mall dito at wala na akong ganang mag-lunch...

Pero kumain na lang ako ng pizza at bumili ako ng blizzard oreo na ice cream na favorite ko...

Sa Britain kasi... di na kami kumakain ng kanin kaya nasanay ako na puro pasta lang o di kaya bread...

Naglakad ako sa mall at papasok sana ako sa isang botique at nanlaki ang mga mata ko...

Nakita ko si Noah...

Ang pogi na niya sobra! Mas pumuti na siya at may muscles na sa braso niya dahil naka fitted shirt siya...

Napangiti na lang ako at lalapitan ko sana siya pero...

Nawala ang ngiti sa mukha ko dahil may kasama si Noah na babae...

Buntis ito at inaalalayan siya ni Noah kaya parang may sumibat sa akin...

Tagos hanggang dibdib ang sakit at parang binuhusan ako ng malamig na tubig hanggang sa bigla na lang tumulo ang mga luha ko...

Asawa ba siya ni Noah?

Tumakbo na lang ako palayo para di na nila ako makita...

Nakarating ako sa hotel at ni-lock ko na yung pinto...

Kaya ba hindi na ako tinatawagan at tini-text ni Noah dahil may asawa na siya at magkaka-anak na siya?

Niloko niya ako!

Pero paano kung mali ako?

Pero kasi... hindi naman mahilig sumama si Noah sa ibang tao at bakit sa buntis pa?

Gusto ko siyang makita pero baka masaktan lang ako kapag kina-usap ko siya at baka nagbago na siya...

Ayokong umiyak ulit ay mali pala! Umiiyak na pala ako ngayon dahil sa nakita ko pero nananalig pa rin ako na sana hindi yun asawa ni Noah...

Kakausapin ko ba siya o hindi?

Buong gabi akong hindi makatulog dahil iniisip ko ang nakita ko...

Kakausapin ko na ba si Noah ngayong umaga?

Pupuntahan ko ba siya ngayon sa bahay nila?

Ayokong masaktan ng sobra at natatakot ako sa mga posibleng marinig ko sa kanya...

Lumabas ako ng hotel at pumunta ako sa simbahan sa loob ng school na pinapasukan ko dati...

Maraming tao at nakikita ko ang kumpletong mga pamilya na masaya. Masaya naman ako sa pamilya pero hindi pa din ako kumpleto dahil gusto ko sanang maging kami ni Noah...

Mangyayari pa kaya yun?

Ako ang nag-sponsor sa misa ngayon at nagdasal ako ng mataimtim...

Nakatingin ako sa altar at nagpasalamat ako sa Diyos dahil successful ang buhay ko, maayos na ang pamilya namin at magaling na si papa. Humingi ako ng tawad sa mga kasalanang nagawa ko at mataimtim kong hiniling na sana makaya kong harapin si Noah at matanggap ko ang posibleng mangyayari sa amin...

Lumuhod ako at pumikit...

"Lord... nawa ay tulungan niyo po akong matanggap ang pwedeng mangyari at makayanan ko ang sakit  na haharapin ko ngayon". Bulong ko habang nakapikit.

Umupo na ako at nakinig sa misa ng pari hanggang sa matapos ito...

Hindi ko pa kayang harapin si Noah dahil natatakot ako pero paano ko malalaman ang sagot kung hindi ko kayang magpakita sa kanya...

Bumalik na lang kaya ako sa Britain...

Lumabas na ako ng simbahan pagkatapos ng misa pero...

"Eric!!!". Sigaw ng lalaki sa likod ko pero malayo iyon.

Nanginig ako dahil kilala ko ang boses na iyon... si Noah yun...

Hindi ako lumingon at binilisan ko na lang ang lakad ko dahil hindi ko pa siya kayang harapin ngayon...

"Eric!!! Putcha humarap ka!!!". Malakas na sigaw ni Noah kaya napatingin ang ibang tao.

Hindi ako nakinig kahit na malakas iyon at nagpatuloy lang ako sa paglalakad ko...

"Eric!!! Ano ba? Alam kong ikaw yan!!! Eric!!! Eric!!!". Sigaw ni Noah pero di pa din ako humarap.

Lalo kong binilisan ang lakad ko para di niya ako maabutan pero narinig kong tumakbo na siya palapit sa akin kaya kinabahan na ako...

Naramdaman ko na lang na may humatak sa kaliwang kamay ko at lalo akong kinabahan kaya napahinto na ako sa paglalakad...

"Eric... humarap ka sa akin please...". Nagpapa-awa niyang boses.

Unti-unti akong humarap hanggang sa magkatitigan kaming dalawa...

Kitang-kita ko na naluluha ang mga mata ni Noah habang nakatitig siya sa akin kaya naguguluhan ako...

"Eric? Bakit ayaw mong makipag-kita sa akin?". Naluluha niyang tanong sa akin.

Bigla niya akong niyakap ng mahigpit at tumulo na ang mga luha ko dahil sobra ko siyang na-miss pero di ako makagalaw, hindi ko siya niyakap at hindi ko alam kung bakit...

Humarap siya sa akin at kitang-kita ko ang bawat patak ng mga luha niya na parang nasasabik sa akin...

"Eric? Di mo ba ako na-miss? Bakit nagbago ka na?". Umiiyak niyang tanong sa akin.

Hindi ako makasagot at tumutulo lang ang mga luha ko dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya...

"Eric... magsalita ka please... sabi mo apat na taon lang tapos umabot ng limang taon. Anong nangyari?". Naguguluhan niyang tanong.

Huminga ako ng malalim bago ko subukang sumagot sa kanya...

"Bakit di mo tinupad yung pangako mo sa akin?". Umiiyak kong tanong.

"Huh? Tinupad ko kaya! Bakit mo yan tinatanong sa akin?". Galit niyang tanong sa akin.

"Kahapon... nakita kita sa mall na kasama ang asawa mo at buntis siya". Sagot ko at lalong lumakas ang pag-iyak ko ngayon.

Nanlaki ang mga mata ni Noah dahil sa sinabi ko at bigla siyang tumawa ng napaka-lakas...

"Hahahhahhah ba..kit mo yan ti..na..nong sa akin? hahahhah". Tumatawa niyang tanong sa akin at naka-hawak pa siya sa tiyan niya kahit na lumuluha siya.

Hindi na naman ako makapag-salita at hindi ko alam ang iisipin ko...

Kanina umiiyak siya... tapos ngayon ay umiiyak na siya habang tumatawa.

Nababaliw na yata si Noah at lalo akong naguguluhan sa mga kilos niya ngayon...

"Anong nakakatawa sa sinabi ko?". Naiinis kong tanong sa kanya.

Huminto na siya sa kakatawa at hinawakan niya ang mga pisngi ko pero tinapik ko ang mga kamay niya dahil naiinis ako...

"Tsk. Ikaw yata ang nagbago...". Malungkot niyang sabi sa akin.

"Ewan ko sayo!". Galit kong sabi.

"Yung kasama ko sa mall... pinsan ko siya at ako ang magiging ninong ng pamangkin ko". Seryoso niyang sabi.

Pinsan?

Ninong?

So... mali pala ang iniisip ko at kung totoo nga ay nakakahiya talaga!

"To..too ba?". Nauutal kong tanong.

Tumango lang siya sa akin at ngumiti tapos napakamot na lang ako sa ulo...

"Eh bakit tatlong taon mo na akong di tinawagan at wala ka man lang text?". Naiinis kong tanong sa kanya.

Parang nagbago ang timpla ng mukha niya at nalungkot siya bigla at...

"Na hold-up kasi ako... tinangka kong agawin yung phone pero nasaksak ako sa giliran". Mahina niyang sabi.

Tinaas niya ang t-shirt niya at nakita ko sa bandang giliran niya malapit sa abs ang peklat...

Nanlaki ang mga mata ko...

Hindi ko alam kung dahil ba sa nakita kong peklat o sa abs niya?

Namula na lang bigla ang mukha ko...

"Hoy! Ibaba mo na yan! Andaming tao dito ngayon". Sigaw ko.

Binaba na niya yung t-shirt niya at natahimik na lang siya bigla...

"Sorry Noah... nag-judge ako kaagad at hindi ko naman alam na nasaksak ka pala sorry". Naluluha kong sabi.

Hinawakan niya ulit yung mga pisngi ko at nakikita ko ang singkit niyang mga mata na nakatitig sa akin...

"Mahal mo pa ba ako? Bakit natagalan ang pag-uwi mo? Hinintay kita at hindi ako sumuko". Malungkot niyang tanong sa akin.

"Si papa kasi... nagkasakit siya pero ok na siya ngayon". Sagot ko.

"Mahal mo pa ba ako?". Nagpapa-awa niyang tanong sa akin.

"Syempre naman! Sabi ko diba ikaw lang ang mahal at mamahalin ko". Sincere na sagot ko sa kanya.

Bigla niyang hinatak ang mga pisngi ko at hinalikan niya ako sa labi ng sobrang diin kaya namula ang mukha ko sa ginawa niya...

Kumalas ako kaagad at...

"Noah! Andaming tao!". Nahihiya kong sigaw sa kanya kahit namumula na ako.

Tumingin siya sa paligid at andami ngang nakatingin na mga tao pero tinawanan lang niya lahat...

"Wala akong pake!". Natatawa niyang sigaw sa akin.

Hinatak niya ang kamay ko at naglakad siya ng mabilis...

"Noah wag mo akong hatakin! Sasama naman ako sayo eh". Sabi ko.

Huminto na kami at hindi niya pa din ako binibitawan...

Napatingin na lang ako sa harapan namin at nakita ko ang napaka-gandang kulay itim na sports car...

"Halika... sakay na tayo". Sabi ni Noah at pumasok na kami sa loob.

"Sayo to? Ang mahal nito ah". Tanong ko sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at alam ko na ang sagot niya...

"Saan mo ba ako dadalhin?". Tanong ko sa kanya.

"Sa bahay natin...". Nakangiti niyang sagot habang nagda-drive.

Nagmasid na lang ako sa paligid at tumingin ako sa bintana...

"Alam mo Eric... dapat hahanapin na kita sa Britain eh". Sabi niya.

"Talaga? Eh bakit di mo ginawa?". Tanong ko sa kanya.

"Natakot ako sa papa mo eh... at naniniwala akong babalikan mo ako". Nakangiti niyang sagot sa akin.

Napansin ko na iba ang daanan na pinuntahan namin kaya nagtataka na ako sa kanya...

"Hoy! Hindi naman ito ang bahay niyo ah". Sabi ko sa kanya.

"Bumili na ako ng bahay natin...". Nakangiti niyang sagot.

At nanlaki ang mga mata ko ng huminto ang kotse sa tapat ng dating abandunadong building na ngayon ay isa ng napaka-gandang bahay...

"Wag mo sabihing...". Di pa ako tapos magsalita pero inunahan na niya ako.

"Oo! Binili ko yan at maraming memories diyan... malungkot at masaya tapos diyan din naging tayo". Nakangiti niyang sagot.

Bumaba na kami ng sasakyan at binuksan niya ang stainless na gate at pagkatapos ay...

"Ah... Eric wag ka munang pumasok. Hintayin mo ako". Sabi niya.

Hindi pa ako nakakasagot at iniwan na niya ako dito sa labas kaya naguguluhan na naman ako...

Anong ginagawa niya sa loob...

Eh kung sundan ko kaya siya? Baka mamaya magalit yun...

Antagal kong naghintay dito sa labas at lumabas na si Noah...

"Sorry... natagalan ako". Nakangiti niyang sabi at parang kinakabahan na siya ngayon.

Pumasok kami sa bahay niya at napaka-ganda talaga dito...

Pero parang ang weird ng kilos ni Noah kasi hindi na siya mapakali...

"E..ric dun ta..yo sa ta..as". Nauutal niyang sabi sa akin.

Napataas na lang ang kilay ko at naglakad na kami sa hagdanan at napansin ko na parang may nakatago sa kamay niya...

Nanlaki ang mga mata ko ng pumunta kami sa taas ng bahay niya...

Punong-puno ng mga sticky notes ang pader at napaka-dami ng mga nakasulat doon tapos hugis puso pa ang mga sticky notes...

..........

I love you Eric

.........

Lagi akong maghihintay

.........

Mahal na mahal kita

.........

Marami pa ang nakasulat sa pader at binasa ko lahat ng yun isa-isa...

Napa-iyak na lang ako sa sobrang sayang nararamdaman ko...

"Sinulat mo yan lahat?". Tanong ko sa kanya.

"Oo... matagal na pero ngayon ko lang dinikit lahat". Nahihiya at kinakaban niyang sagot.

Napatitig na lang ako sa kanya at parang kinakabahan siya...

"Noah... may problema ba?". Tanong ko sa kanya.

"Eric... mahal na mahal kita at may isa pa akong sticky note na ipapakita sa iyo ngayon... yun ang babago sa buhay nating dalawa". Naluluha niyang sagot sa akin.

"Ano? Nasaan na yun?" Tanong ko.

"Eric sana tanggapin mo ang pagmamahal ko sayo...". Naluluha niyang sabi sa akin.

"Matagal ko ng tinanggap Noah". Naiiyak kong sagot sa kanya.

Lumuhod siya sa harapan ko at iniharap niya sa akin ang isang box at mukhang alam ko na ang laman...

Lalo akong naluha at hindi ko na mapigilan ang sarili ko...

Binuksan niya ang box at may laman iyong sing-sing na white gold at may nakadikit na sticky note sa box ng buksan niya ito...

..........

Will you marry me?
.........

Lalo akong naiyak at sobra akong hindi makapag-salita...

Ganun din si Noah... umiiyak din siya sa harapan ko...

"Yes Noah". Umiiyak pero nakangiti kong sagot sa kanya.

Isinuot niya sa akin ang singsing at niyakap niya ako ng sobrang higpit...

May nakapa akong sticky note sa likod niya habang nakayakap siya sa akin kaya kinuha ko iyon...

Binasa ko iyon at...

............

Congrats!!! Alagaan mo si Kuya

Napangiti na lang ako sa nabasa ko at pagkatapos nun ay naghalikan kaming dalawa ni Noah sa labi na punong-puno ng pagmamahal at pananabik sa isa't-isa...

The End

No comments:

Post a Comment

Read More Like This