Pages

Thursday, April 19, 2018

Club Outdoors (Part 6)

By: Mike

POV Seb

I woke up with a massive headache. Shit. Umupo ako sa couch. I noticed na iba na suot ko. Teka. Di ko naman maalalang nagbihis ako kahapon. I checked my right leg, ang sakit. First time mangyari sa akin to. Buti di nabagok ulo ko dahil kung ganun, wala na. The world will lose this very pretty face. HAHA. Joke lang.

“Ahem… Hongs… Hongs!”, ginising ko siya. Natutulog siya sa sofa katapat ng couch na kinahihigaan ko, nakaupo, nakabitin ang ulo, nakatupi ang mga paa para magkasya siya. Bobo din eh, di nalang natulog sa kama.

“Ar---mm---Oh gising ka na pala…”, nagstretching siya habang pinupunasan mga mata niya. “Kumusta?”, he smiled at me.
“Okay na ako…”
“Buti pa kumain ka. Wait magluluto ako”, tumayo siya at kumunta ng kitchen. Kumuha siya sa cabinet ng noodles. “Sensya ka na, noodles lang alam kong lutuin na may sabaw…”
“Okay lang.”, sabi ko. Lumingon siya sa akin and smiled. I smiled back too.

We heard a loud knock and Hongs opened it.

“You must be Mike?”, rinig ko mula sa labas. My Mom is here.

***

POV Mike

Umuwi nadin ako nung dumating nanay ni Seb sa condo niya. Nagpasalamat din siya dahil di ko iniwan anak niya. First impression, kahit mala-Amor Powers, mabait ang nanay niya. Madaldal din.Tsaka observing their gestures, mama’s boy si Seb. Hehehe. His mom was treating him like a little boy, napatawa ako habang pinapanuod sila. Umuwi nadin sila ng Alabang, taga dun naman kasi talaga sila. For the meantime daw dun muna si Seb.

----

One month din nagpahinga ang Club Outdoors, gawa nadin ng injury ni Seb. Ayaw din kasi ni Sir Julius na maiwan lang si Seb. Magkasama na sila since nabuo ang CO, ganun din ang iba. Nakakapanibago at first, pero nagawan ko din ng paraan ang pagiging boring ng weekend ko. Minsan nagkikita parin kami, especially kami ni Nikki. One time pumunta kami ng Santiago’s and saw Seb, nakacrutches siya. Si Nikki naman sinamantala ang pagkakataong ibully si Seb. Natatawa ako ngunit pinipigilan ko. Pansin kong medyo paiwas sa akin si Seb. Bakit naman kaya? Pumasok sa isip ko na baka dahil binihisan ko siya nun. Maybe naawkward siya. Kung ganun man, he’s really judgemental!!! Pero di naman siguro. Ewan ko. Di na ako masyadong makabato ng joke dahil di na siya masyadong nagrerespond. Tumatango lang siya minsan.

---

Author’s note: Supposedly, this chapter is for Hiking 014, pero dahil sa pinaikli ko ang chapters, let’s just pretend na Hiking 006 Ito, kahit pang 14 na talaga ito na adventures namin. Hehe. Tsaka ang boring ng chapter na to pasensya na.lutang ang author nyo habang nagsusulat sa chapter na ito. Sensya na.

----

Hiking 006: Mt. Pulag, 2 days, 1 night

Finally, dream come true. Makakaakyat nadin ako ng Mt. Pulag! I made sure na may dala na akong sariling tent dahil eversince na naging cold si Seb sa akin, ayoko nang maging awkward ang climb na to. Hopefully.

May tatlo na new joiners sa amin. Nagpakilala kami isa’t isa. Ilang minuto ay dumating na sila Sir Julius, Gf niya (Bakit nga ba walang pangalan GF ni Sir Julius? Haha), Sebastian at… Sino ba yung kasama nila? New joiner din ata.

“Wow magaling na siya oh”, tinukso nila si Seb.
“Haha galing ng nanay ko eh”, tumawa lang siya.
“Uy pasalamat Kadin kay Bunsoy. Di yan nakauwi nung naaksidente ka ah”, umakbay sa akin si Nikki. Di ako umimik at tumitig lang kay Nikki.
“Ah. Thanks Mike.”, sabi niya.

BANG!!! Mike daw. First time kong marinig na tinawag niya ako sa pangalan ko. Umiwas siya ng tingin at pinakilala kasama niya.

“Everyone this is Angel”, pakilala sa amin ni Seb.
“Hello po”, pagbati sa amin ni Angel.
“Uy. Sang buwan lang tayo di nagkita may jowa kana”, Kinurot ni Nikki yung bewang ko ng pasikreto.
“Haha… She’s my childhood friend”, sagot niya habang magkahawak sila ng kamay.

For some reason, si Nikki ay tumitig lang sa akin nang nakataas yung kilay. Tumitig din ako sa kanya na parang sumagot nang “Bakit ba?”.

“Nice to meet you Angel”, isa isa na din kaming nagpakilala. I tried to act na parang walang nangyari… wala naman talagang nangyari ah. Bakit ba?

---

Dahil di kasama ni Nikki si August, kami magkatabi sa van. Hinila ako ni Nikki na dun daw kami sa pinakalikod umupo. Pumayag na din ako. Sabi niya share nalang daw kami ng tent at iwan ko na tent ko sa van. Pumayag nadin ako. Tsaka okay lang sa akin kashare si Nikki, masaya naman siya kasama. Pinag-usapan namin si Seb at Angel, pero dahil ayaw naming marinig kami, sa phone lang kami nag-co-communicate. Ganito bale yung set-up, magkatabi kami pero magkatext.

Nikki: Chldhood frend dw?
Ako: Nong meron
N: Tapos magkawak kamy?
A: Hayaan mo na cla haha
N: Celos ka no

Tumitig ako sa kanya, di na ko nakareply…12345… I typed.

A: Celos mukha mo. Bkt naman
N: Di pa naman huli ang lahat haha
A: Haha baliw ka hindi nga

Napansin kong si Random Hiker na katabi ko ay sumandal na sa balikat ko, nakatulog. Nagtitigan lang kami ni Nikki at pinipigil tawa namin. Tinaas ni Nikki ang kilay niya at ngumiti ng masama. TEka, anong plano neto. Lang minuto na din at nakatulog ako, habang nasa balikat ko padin yung ulo ni Random Hiker. Nagising ako sa biglang flash ng liwanag. Pero natulog ako ulit at dineadma nalang yun.

---

POV Nikki

Hihihi. I’m so bored kaya naman naisip ko to. Habang tulog si Bunsoy at yung babae, I took a picture of them. Perfect, nakasandal ulo ni girl kay bunsoy, nakasandal ulo ni bunsoy sa ulo ni girl.

*Evil Plan*

I sent the photo to our chatbox with a caption: MIKE’S NEW FOUND LOVE. Dahil online naman lahat, sari saring reaction ang nababasa ko.

Convo namin:
Julius Ceasar Salad: Naks, thanks mt. Pulag sa love!
Pretty Tricia: Traydor ka Niks haha
Maco Polo: *heart*
Nikkaella: Bagay no? hehehe
Marco Polo: Lagot ka ni Mikey Mouse
Nikkaella: haha

Seen by everyone and… Master Sebastian. Ibig sabihin nagbasasa tong ugok na to. I bit my lips para mapigilan ko tawa ko.

Master Sebastian: sweet

Napansin kong inangat ni Sebastian ang ulo niya, lumingon sa amin sa likuran na parang chinecheck kami, nahuli ko siya at biglang bumalik siya sa pagkakaupo niya. HULI KA!

***

POV Mike

We set up our tent. Shit. Sobrang lamig and foggy nadin. I wore another layer of jacket. Dahil weekend akyat namin, dun kami sa camp base nag camp together with many many hikers. Bawal kasi mag camp sa Camp 2 tuwing weekends. Kakainis ang daming tao. Pero ok na din. We chose na magtent instead na homestay. Camping nga diba? Kaso sobrang lamig lang talaga. Kanya kanya kami ng dinner. Ang dami din kasing mga kainan dun, kaya naman daming options. Kasama ko si Nikki at yung dalawang random hiker. Dun kami sa isang karenderia.

“Lam mo bunsoy bagay kayo ni Meg”, sabi ni Nikki. Napansin ko naman si Meg (Random hiker na natulog sa balikat ko) ay nagblush. Luh?
“Haha loko talaga to”, ang awkward ng tawa ko.
“Lang taon ka na Meg?”, tanong ni Nikki.
---
Gabi, bago sleeping time. Dahil sobrang lamig, dun kami nakastambay sa tent nila sir Julius, sa labas lang naman, nakaupo sa madamong lupa. Nangangalahati na kami sa baon naming Empi. Sobrang lamig kasi, kaya kelangan ng heat. Kahit nakaka apat na shot na ako, di ko parin maramdaman yung init.

“Teka teka. Mike ikaw ha dumadamoves ka na kay Meg”, sabi ni Marco.
“Mga gago talaga kayo.”, patawa kong sagot. This time, sincere naman tawa ko kahit nakakailang kay Meg. Talagang nakakatawa lang naman.
“Mike and Meg… so MiMe!”, biglang sumabat si Angel.

Wala munang nagreact… 1,2,3,4,5

“Hahahaha! Ang cute bagay na bagay tol”, biglang tumawa ng malakas si Seb.

Tumawa nadin yung iba. Bumulong sa akin si Nikki. “Bagay daw…” Sa di ko alam na dahilan ay nagtawanan kaming dalawa, di dahil sa inasal ni Seb, pero sa inasal naming dalawa simula pa nung byahe papunta dito.

Natulog na kami, pero dilat pa mata ko. Di ko na masyadong maramdaman yung lamig dahil naka pitong shot na din ako. Si Nikki naman , bagsak na. I was thinking…

“Hahahaha! Ang cute bagay na bagay tol”

Shit. Bakit si Sebastian na naman.

Nagising si Nikki. Kinulit na naman ako. Kiniliti at tinukso tukso. Ay naku Nikki.
Sobrang ingay na namin nun.

“Nikki ano ba… Nakakakiliti…AAAHHH wag”, kasi kinagat niya bilbil ko
“Hmm sharap mo bunsoy…HAHAHA”
“Wag nga ang kulit.. AHHHH… Wag hoyy AAAHHHH ang sakit AHHH”
“HAHAHA come to momy!!!!”
“AHHHHHH”

“HOY ANONG GINAGAWA NYO”, may sumigaw sa amin mula sa labas.

Napatigil kami, nagtitigan at nanlaki mga mata.

***

POV Seb

“Pansin kong ang awkward mo Baste… May crush ka dito no… Kaya mo siguro ako dinala dito para.. Ay naku Baste… User ka talaga eversince…“, sabi ni Angel. Share kami ng Tent.

“Duh? Wala!”, Lumabas muna ako sandali dahil di ako makatulog. “Balik ako. Pahangin lang”

Pahangin daw. Eh nanginginig na nga ako eh. Ano nga bang gagawin ko dito sa labas? Puntahan ko nalang sila Nikki sa tent nila. Hiramin ko lang… Um… Hingi nalang ako ng Off lotion? Ewan. Basta. Bahala na.

Habang papalapit ako sa tent nila, I heard a very disturbing noise. Yung parang…

“Nikki ano ba.. hahaha… AAAAAA wag”
“Hmm sharap mo bunsoy…HAHAHA”
“Wag nga ang kulit.. AHHHH… Wag hoyy wag ahahaha ang sakit AHHH”
“HAHAHA come to momy!!!!”
“AAAHHHHH”

O___o

O___O

Fuck. Sa lahat ng Lugar dito pa talaga? Mga walangya! Mga baboy! Inalog ko tent nila at di ko napigilan ang sigaw ko. Mga Baboy!!!

“HOY ANONG GINAGAWA NYO”

“Ano kelangan nila?”, tanong ni Nikki habang tumatawa parin sila. Pareho silang pawis at humihingal. Tangina oh.

“Te—teka… Wag nyong sabihin na.. Nag—aano kayo!?”
“Hahaha. So Delicious!”, Sabi ni Nikki.
“HAHAHAHAHA”, Tumumba si Hongs sa sleeping bag at tumawa lang ng malakas.

Naging High ata sila dahil sa Empi.

“Mga gago anong ginagawa niyo yung tutoo!”, Tinanong ko ulit. Mabuti na yung sigurado akong walang nangyayaring masama sa dalawa. Mahirap na.
“Bakit ba. Naglalaro kami!”, irritableng sagot ni Honghang.
“Naglalaro ng Apoy!”, sabi ni Nikki.
“HAHAHAHAHA”

“Ewan ko sa inyo! Respeto naman kayo sa bundok!”, nag walkout na ako. Mga walang kwentang kausap! Honghang! Honghang talaga kahit kelan!

***

POV Mike

Halos apat na oras din paakyat ng summit. Siyempre magkapartner parin kami ni Nikki. Nauna sa amin lahat maliban nalang kay Sir Julius, na palaging nasa hulian dahil he always makes sure na lahat nasa trail.

“Julius, yan sina Angel at Sebastian ba…”, tanong ni Nikki.

This time, nagsimula na akong kabahan sa mga pinagtatatanong ni Nikki. Pota.

“Haha… Friends lang sila.”, sagot ni Sir Julius.
“Eh bakit magkaholding hands?”
“Ewan ko ba… haha… tanungin mo si Sebastian… haha… “
“Ikaw Julius may alam ka no?”
“Hahaha… Ano bang sinasabi mo… hahaha…”

Hindi na ako umimik at nagpatuloy lang sa aking paglalakad. Nauna na ako, kasunod si Nikki, huli si Sir Julius. Madami dami silang pinag-usapan ngunit di ko na marinig dahil nagheadseat na ako at nakinig nalang ng music. Dahil nakashuffle ang spotify ko, biglang nagplay ang SILA by SUD. Naalala ko bigla yung time na magkatabi kami ni Seb sa van, naglalaro ng wordescapes, nag-uusap tungkol sa mga bandang paborito namin, na natulog siya sa balikat ko. Naalala ko yung gabing puro horror stories ang pinag-usapan namin during camp, yung sobrang lakas ng sigaw niya nung tinakot ko siya, nung kinantahan ko siya pambawi ko daw sa atraso ko.. Naalala ko din yung surprise party. Ang saya saya ko nu, kahit na nailang ako sa kanya. Naalala ko na di ko magawang tumingin sa kanya ng diretso dahil sa ginawa niya, at siya ganun din. Nagugustuhan na ba kita Seb? Siguro. Oo. Ikaw Seb, gusto mo rin ba ako? May chance bang magkagusto ka sa isang tulad ko? Marahil malabo. I shook my head… ang dami kong naalala bigla, at biglang lumakas tibok ng puso ko. Napahinto ako sa paglalakad at naisip lang si Seb. Si Seb lang. Malapit na sunrise at nakita ko siya, sa unahan, kasama si Angel, magkahawak sila ng kamay. Di ko maipaliwanag pero talagang nalungkot ako.

“Uy, go na!”, sabi ni Nikki mula sa likod.
“Ah sorry”, sagot ko. Malapit na summit, kaya naman binilisan na din namin…

---

“Bunsoy! Kunan mo ako dali!”, sigaw ni Nikki sa akin. Nagpose siya habang background niya yung sunrise ng Mt. Pulag. Sea of Clouds plus Sunrise equals kapirasong langit. Tutoo. Nakakaspeechless ang ganda ng Pulag! (Pls. do visit the mountain Minsan sa buhay nyo – search nyo sa instagram)

“Sige pose lang… yan… yan…”, matapos nun, binigay ko na kay Nikki phone niya. Tumabi siya sa akin at tiningnan yung pictures niya.

I remained standing. Nagmoment talaga ako nun, feeling the nature. HAHA. Ang corny, pero yun ginawa ko. Sinet aside ko muna lahat nang dinadamdam ko mula nung iniwasan ko si Seb, mula nang iniwasan niya din ako, mula nang nakaramdam ako ng kakaiba na di naman dapat maramdaman. I breathed deeply at narining kong may tumawag sa akin mula sa likod. Lumingon ako.

***

POV Seb

Fuck this life. Bakit ko pa kasi sinama si Angel. Andaming reklamo. Sa maputik, sa maulan sa Mossy Forest, sa nakakapagod. Nakakairita marinig boses niya.

“Kunan mo ako ng picture. Profile picture ko”, nagpose siya. Gamit ko camera ko while taking photos.
“Tama na andami na”, sabi ko.
“Sige pa… more!”, haaay naku. Nakakabagot. Di ko ata maeenjoy ang Sunrise. Ako na ata naging photographer niya a.

I saw Hongs and Nikki, standing, malapit lang sa bandang front ko. I looked at my camera screen, focused on Hong. Nakatalikod siya, backdrop niya ang sunrise at Sea of Clouds. Perfect.

Click.
Isa pa.
Click… Click…
“Hong!”, tinawag ko siya. Lumingon siya.
Click.

***

POV Mike

“Teka uy! Delete mo yan!”, tumakbo ako papalapit kay Seb. Inangat niya camera niya dahil inaagaw ko yun mula sa kanya. Tangkad kasi niya kaya di ko maabot.
“Yoko ko nga cam ko to”, nagbelat siya sa akin. Ewan ko ba, pero di ko magawang mainis sa kanya. I tried to hide my smile.
“Seb akin na please!”, kiniliti ko siya, saktong naibaba niya kamay niya at naagaw ko ngunit naiwas ulit niya kamay niya.
“Uy wag. Akin na yan”, nag agawan kami habang nagtatawanan.
“Honghang ka bayaran mo muna ako. Hahahaha!”
“Gusto mong makiliti ah Mama’s boy ka hahah!”
“Mama’s boy mo mukha mo!”

“Baste!!! Halika nga!”, pagtawag ni Angel kay Seb. Natigilan kaming dalawa sa ginagawa namin.

“Uh—eh… “, natameme si Seb.
“Sige na punta ka na dun.”, sabi ko ng mahina habang nakangiti parin… kahit pilit.
“Ha?”, sabi niya.
“Anong ha. Tawag ka na ni Angel.”, iniwan ko siya at nagpunta dun sa iba.

“Baste halika na kunan mo pa ako picture!”

---

After naming makabalik sa base camp, ramdam na naming ang pagod. Sobrang nakakapagod talaga, pero worth it naman. Naghintay ako sa mainit na tubig na inorder ko dahil yun ipangliligo ko. Dun sa likod/kusina, kumuha ako ng bangko at umupo sa harap mismo ng apoy kung san pinapainit yung malaking kaldero na may tubig. Hinihintay ko lang na kumulo. Nilasap ko ang init ng apoy. Nagulat ako ng may tumabi. Nilingon ko siya at binalik ulit ang titig ko sa apoy. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang apoy.

“Ang lamig grabe”, sabi ni Seb habang sinisiksik yung gilid niya sa gilid ko.
“Uy baka mahulog ako”
“Ah sorry… Share muna tayo sa heat…”

We both stared at the fire. Walang nagsalita. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Nakakabingi ang katahimikan.

*Awkward*

“Seb—Hong”… Nagkasabay kami. Nagkatinginan kami at nagtawanan bigla.

“haha. Sige mauna ka na”, sabi ko.
“Ikaw na”
“De… Ikaw na”
“Haha.. ikaw na Hongs”
“Okay…”
“So..?”, tanong niya.
“So ano?”
“Anong ano?”
“Wala nevermind…”, sagot ko.

“Andito ka lang pala Baste. Di ko mahanap camera. Samahan mo nga ako di ko makita!”, sigaw ni Angel mula sa pintuan.
“Diba sabi ko nasa bag ko”, iritableng sabot ni Seb.
“Ay halika na!”

Tumayo si Seb. Di muna siya umalis ngunit naisip niyang lumabas nalang din. Naglakad siya papalabas habang ako, pinapanuod ko lang siyang unti unting naglalaho.

***

Lahat handa nang umuwi. We assembled na at isa isa na kaming pumasok ng van. I saw Nikki sa pinakalikod, same spot. “Halika na bunsoy”, pagyaya niya. Tumabi ako. I saw Seb, hinihingal at nasa pintuan ng van. “Hongs usog ka tabi tayo jan”. Nakangiti niyang sabi, ramdam kong kinurot ni Nikki tuhod ko, napakagat ako ng labi dahil pinipigil ko ang ngiti ko.

SHET na MALAGKET. Pinapaandar talaga ni Seb kabaklaan ko.

Akmang papasok na sana si Seb ngunit biglang sumingit si Angel. Umupo siya sa kinaupuan nila nung papunta pa kami. “Upo na Baste.”, hinila niya si Seb at napaupo ito katabi niya.

Haaay. Okay…

Inantok na din ako, sumandal sa akin si Nikki, inakbayan ko siya at sinandal ko din ulo ko sa ulo niya. Di ako makatulog. Lumilipad ang utak. Somewhere…
“Okay ka lang?”, mahina niyang tanong.
“Oo naman”, sagot ko.

-        See part 7

No comments:

Post a Comment

Read More Like This