Pages

Wednesday, April 25, 2018

Club Outdoors (Part 7)

By: Mike

POV Seb

Nagising ako bandang 9 am. Sobrang antok ko pa grabe, pero kailangan kong pumunta ng Resto. Buong weekend din ako nawala e. Ano bang bago, kada weekend naman talaga ako wala. I checked my phone and read Angel’s text:

“Thanks Seb. Next time sama ko na si Stanley (BF niya)”

I smiled and remembered tinakas ko nga pala si Angel kay Stanley for two days. Anyway, good for her naenjoy naman pala niya. There was one notification from CO. Bilis mag update. Pahinga daw muna sa bundok.

Next Adventure: LA UNION SURFING

Ayos! Sabe ko sa sarili ko. Matagal tagal na din…

***

POV Mike

Naisip kong mag log-in sa Instagram ko. Matagal tagal nadin. 1 month ago na pala last log in ko, and may tatlo akong follow requests! Madadagdagan na naman ang 130 followers ko. HAHA. Kawawa naman.

@Nikkaella123 – approve (tagal na kasi ng request)
@MarcoPolo – hmm… okay sige approve mukhang safe naman to.
@MasterSebastian… Deadma muna.

I opened Seb’s instagram. Peymus. 5301 follwers, 341 following. Edi siya na! Siya na! Haist. Teka… I saw his latest post. Isang lalaking nakatalikod, backdrop ang Mt. Pulag Sunrise. Teka, teka… Di pala nakatalikod.. Ako pala yun. Caption: FOCUS

Ahem… Ahem… *gulp*

Naisip ko nadin buksan yung iba pang pictures niya. Nakaka 240 posts nadin siya kaya medyo madami dami nadin pero inisa isa ko talaga bawat pic. Opo, stalker mode ako ngayon. Hihihi. Isang post ang nakaagaw sakin ng pansin. 3 years ago pa. Si Seb, may katabing babae, di naman kita mukha pero sexy. Nakabikini kasi, si Seb naman nakashorts lang. Nakatalikod, nakaupo sa dulo ng Bangka. ISLAND HOPPING IN SIARGAO. 670 likes. I read the comments.

AWWWW <3
SWEET
WALANG FOREVER
KAYO NA!

Baka ex niya to. Anyway, aaminin ko naman di ako naapektuhan dun kasi ex naman. Tsaka bakit naman ako maaapektuhan. Ano ko ba siya, ano ba niya ako? Anyway, I scrolled up na kasi natapos ko nadin. Biglang naglag ang phone ko at pilit ko parin ginagawa yung pag scroll up nang biglang may nakita akong lumitaw na puso.

POTAENAAAAAAAA!!!! Nalike ko pic ni Seb na 8 months ago na. FUCKING LIFE!!! KAININ NA SANA AKO NG LUPA.

-___-

***

*CLUB OUTDOORS Group Chat*

Master Sebastian: May stalker
Marco Polo: Sino? Haha
Master Sebastian: Di ko sasabihin xD
Nikkaella: Hmmm
Master Sebastian: May isa dyan di parin inaaccept follow request ko sa IG
Marco Polo: CNO NGA TOL
Master Sebastian: secret hihihi

Seen by Mikey Mouse

Master Sebastian: Ahem?
Nikkaella: Bunsoy!
Mikey Mouse: Hello powz
Master Sebastian: Ahem?

*Marco Polo offline

Master Sebastian: Check nyo po insta nyo -_-
Mikey Mouse: Bakit
Master Sebastian: Bakit mo mukha mo

*Nikaella offline

Mikey Mouse: Bakit nga
Master Sebastian: May stalker kasi ako lam mo?
Mikey Mouse: Talaga?
Master Sebastian: Opo. Kaya pala ayaw niya accept follow request ko
Mikey Mouse: k
Master Sebastian: K as kakatakot
Mikey Mouse: Bakit
Master Sebastian: Kasi post ko screenshot ng stalker now na

***

*Mike Hong – Sebastian Santiago Private Chat*

Mike: Hoy wag na wag mong gagawin yun papatayin kita
Sebastian: At baket
Mike: accidente yun wag feeling!
Sebastian: Accept mo muna follow ko
Mike: NO
Sebastian: Para naman madagdagan followers mo haha
Mike: Kontento na ako sa 130
Sebastian: Accept mo or post ko?
Mike: Kulit mo demonyo ka!
Sebastian: Mas demonyo ka stalker
Mike: Gaganti ko
Sebastian: okay post ko na
Mike: SIGE NA OKAY ACCEPT KO NA POTA

***

POV Mike

Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay yung makita ni Seb mga posts ko sa IG. Actually, nakaka 50 posts pa naman ako, kaso karamihan kasi mga videos ko. Naggigitara ako habang kumakanta. Potaena din yung ugok nayun. Bakit pa kasi ako nagstalk sa IG niya!!! Piling pili lang mga followers ko kasi ayoko masyadong public. Alam nyo naman kung bakit diba? (Review mo part 2)

---

Ok. First time kong mag La Union. Wala akong kaalam alam sa lugar na to. All I know is magus-surfing daw kami plus nightlife. Hindi ako masyadong excited dahil di ako marunong lumangoy. Baka di ko maenjoy ang weekend na to. Pero sabi naman ni Sir Julius, pwede naman daw ako magpaturo lumanoy plus surfing. So na excite din ako nung sinabi niya yun. I really wanna try surfing, kaso walang time, walang determination, walang skill sa swimming… at takot din sa dagat.

---

3pm. Habang nasa beachfront kami, Nikki decided to have a little naughty game. Spin the bottle.

( Author’s note: Spin the Bottle ang pinakagasgas ng laro sa buong mundo. Sorry. )

Katatapos  lang magsurf nila Sir Julius, Marco, Tricia at Seb. Lumapit na sila sa amin at umupo nadin sa buhangin. Di ako tumingin kay Seb. Wala siyang Tshirt eh.

*Paypayan nyo nga ako*

“Sige start na tayo! Let’s play this game with a twist!”
“Twist?”, tanong ni Tricia.
“Opo maam.. Bale walang truth. Puro dare lang. WAHAHAHA!”

Bang klase ka talaga Nikki. Natatakot na ako sa mga sinasabi niya. Tinago ko ang kaba ko dahil di ko maexpect ang mga pwede niyang iutos sa akin kapag tumama sa akin ang ulo ng bote.

Unang tumama kay Tricia.

“Oh no!”
“Sige, ano bang dare… Sige ito…”

Kung anu-ano nang mga pinag-uutos ni Nikki. Sobrang ingay na naming dun, usually kasi puro naughty dares ang mga pinapagawa niya sa amin. Pilit kong pinapatawa ang sarili. Sa tutoo lang, nakakatawa naman talaga, pero nakakakaba.

“Uy! Kaw na Seb… Hihihi!”, tumawa si Nikki ng masama.
“Sige game!”, sabi niya.
“Um… Pano kaya… Sige ehto…”

Tumahimik muna siya.

“Sige. Ito gawin mo Sebastian… Pili ka ng kahit sino dito para bigyan ka ng body shot!”

Lahat nagsigawan at naghiyawan maliban sa akin.

“Body shot! Body shot! Body shot!”, sabi ng lahat.
“Saang parte ba? Hahaha”, naiilang na sagot ni Seb.
“Kahit saan!”
“Sa leeg!”
“Sa Abs!”
“Sa ****”
“Hoy mga gago! Hhahaha”, sagot niya.

Sa Dibdib nalang, suggested Nikki. Pumayag naman siya. Ugok talaga.

“Sige Nina, body shot na!”, sabi ni Seb. Pinili niya si Nina, yung bagong kasama naming. Natameme naman si Nina ngunit pumayag din. Tequila, Asin, Lemon, sigawan, kanchawan. Nakakaloko mga tawa ni Seb… parang… DEMONYO! Nag-init mukha ko sa inasal niya. Di ako tumawa. Di ko magets bakit pero siguro nga dahil nagseselos ako. So siguro, wala talagang pagtingin si Seb sa akin kahit 1% lang. Mike, wag kasing magilusyon. Hay naku.

OK. It’s my turn. Dahil si Seb ang huling gumawa ng dare, siya nagbigay ng dare.

Tumingin siya sa akin gn masama ngunit nakangiti. May evil plan, obviously. I remained seated na parang di apektado, pero sa loob ko ay parang sasabog na ako sa kaba.

“Ehto di na kita pahihirapan Hongs…”, sabi niya. Kumuha siya ng stick at binigay sa akin. “Dare ko sulat mo initials ng taong gusto mo. Sa buhangin ah”, habang nakangiti siya.

ANG CORNY NG DARE PRAMIS

“Unfair! Dali dali lang nyan!”
“oo nga. Body shot ulit! Haha”
“Ay naku okay bet ko yan!”, sabi ni Nikki.

Nagdadalawang isip akong tanggapin ang stick. Ewan ko ba, ano bang isusulat ko?

*dug dug dug*

I wrote MS

Biglang natahimik ang lahat. Tinapon ko stick.

“MS. As in Meg Salazar!?”, pasigaw na tanong ni Tricia.
“Ewan..”, sagot ko. Habang pinipilit ang ngiti ko.

At naghiyawan na naman ang lahat. Bakit ko nga ba sinulat ang MS? HAHAHA.

“Uh I smell the love in the air”, Sabi ni Tricia.
“Go na push na natin ang MIME!”
“Bagayyy..”

Di naman nagreact si Seb. That time, pinalitan na niya si Nikki. Palaging siya na nagbibigay ng Dare, nakainom nadin kasi kaya medyo High na ata. So ayun, siya palagi. Parang naging game master na siya. Nakailang ikot at dares na din kami hanggang sa bumalik na naman sa akin.

“Okay… hmmm”, nag iisip si Seb.

Natakot na naman ako. BAKA KUNG ANONG DARE NA NAMAN TO.

“Sige. Challenge. Surfing tayong dalawa. Ang maunang makatayo sa alon panalo. Ang panalo siya na magiging game master.”, patawa niyang sabi.
“Teka lang… Di ako marunong…”
“Sus! Kaya nga challenge eh! Ano suko na agad?”, tinaasan niya ako ng kilay.

Sa di maipaliwanag na dahilan, pumayag ako. Hawak hawak ko surfing board at nanginginig dahil una, takot ako sa malalaking alon, pangalawa, di ako amrunong magsurf, pangatlo, di ako marunong lumangoy. Sana walang mangyaring masama kasi ayoko pang mamatay. UWAHHH.

Nag-umpisa na kaming mag paddle, siyempre for my benefit, nagkaroon ng short orientation at lecture nadin kung paano magpaddle paunta sa laot. Naexcite naman ako, ngunit kinakabahan na din. Si Seb naman, di na nakinig at tumayo lang sa likod ng trainor, nakabusangot ang mukha at halatang inip na inip. Chill okay? Underdog ako, pero tatalunin kita!

We started paddling. Medyo madali lang, kaso nakakangalay nadin sa braso. Kinaya ko naman, I kept on looking kay Seb na nauuna na. Ang bilis, sobra. Halatang sanay na sanay na sanay na sanay. Edi siya na! I heard the cheer from the shore. “GO KAYA MO YAN”, sigaw nila. They cheered me, kaya naging mas determinado ako. Yung trainor ay nakasunod ang sa akin, ngunit may distansya na din. Dumating na ang perfect opportunity to face my fear, bumukol na ang dagat hudyat ng pagsabog ng isang napakalaking alon. I did my best na gawin ang dapat gawin pero-

***

POV Nikki

“Bunsoy GAAAD Please Seb hurry!!!”, naiyak na ako kakasigaw kay Seb, karga karga niya si Bunsoy sa balikat niya. This was never a good idea sa una palang. Bakit ba naming hinayaan umabot sa point na ito? That wave just struck him in an instant. I saw him na nilamon nalang ng napakalaking alon. Nasundan pa ng isa. Nang isa… nang isa pa…

Lahat kami nagulantang sa nangyari. Julius ran for help, tumawag ng emergency team to help us. Others were shocked. Inihiga ni Seb si Bunsoy sa buhangin.

“Hong! Hong! Please gising!”, tinapik tapik niya ang pisngi ni Bunsoy pero walang response.

“Ah! Gising Please!”, Seb performed CPR. One thousand one, one thousand two, one thousand three… It went on for a few minutes.

I covered my face in shock, I could’t look. Naisip ko lang na sobrang laking disaster ang nangyari. Please, Bunsoy gising.

Pinagpatuloy ni Seb ang pag CPR at nagbabakasakaling gumising na si Bunsoy pero wala pa rin. I saw his face, sobrang nag-aalala, upset at takot. Kita ko nang namumula mga mata niya. Naiiyak na siya.

“Fuck. Hong wake up!”, Seb did it. One last time, isa pang push.

I saw Bunsoy woke up, umubo at sumuka ng tubig. It was a miracle. We were all relieved. Bigla akong umupo, inalalayan siya.

“Bunsoy! Relax okay. Inhale, exhale”, di siya nagsalita at hinahabol parin yung hininga niya na parang pinagkaitan siya ng hangin. I saw Bunsoy’s eyes slowly closing. Nawalan na siya ng malay. Kinarga siya ni Seb papuntang kwarto. I covered him with a towel para matuyo na. Inasikaso nadin siya nina Julius at nung kasama niyang Emergency crew. I inhaled, exhaled. Sobrang shocking ng mga pangyayari. I looked for Seb para magpasalamat pero hindi ko na siya nakita.

---

7pm. Walang nangyaring Dinner Socials. Lahat kami nakaupo sa buhangin, walang ganang kumain, nakatulala lang sa apoy. Tricia and Marco managed to have their moment. Kami naman ni Julius, naging malalim ang pag-uusap.

He knew a lot of things kay Seb. Di narin siya nagtaka kung bakit bigla nalang umalis si Seb after ng incident kanina.

“ … Si Laura. Yun yung first love ni Seb. In love na siya dun kahit mga bata pa sila. Actually she was his third girlfriend, pero best friends na sila dati pa… College nung naging sila. She was Seb’s world that time… Haha kakaasiwa nga yung mga batang yun… Sobrang corny… Pero sudden turn of events, She left. She left this world… three years ago… Before Seb’s 21st Birthday, she died. Actually, co-incidence din nangyari kanina. Nalunod kasi siya while nagbabaksayon sila. At first, Laura’s parents blamed Seb for the accident… Kasi daw pinilit ni Seb si Laura sumama. Di daw yun marunong lumangoy pero Laura wanted to go. She really wanted to. Kasi nga sakal nadin yun sa parents nun. Pero yun… It was a very sad ending. This is a very painful throwback sa nangyari. I know Seb blames himself until now, lalo na ngayon. After what happened to Mike, mas lalong madedepress yun…”

Nagcheers nalang kami ni Julius. Sad pala ng story ni Seb.

Biglang may umupo sa tabi namin. May bitbig na gitara.

“Oh, bunsoy, gising ka na pala.

***
POV Mike

“Okay na ako. Nakapagpahinga na din ako”, I assured them.
“Sure ka?”, inabutan ako ni Sir Julius ng Beer.
“Thanks!”

Di na ako nagtanong kung bakit wala si Seb. Actually, I secretly listened sa kwentuhan nina Nikki at Sir Julius. Di naman ako nagalit kay Seb eh. Oo muntik na akong mamatay pero in the first place, bakit naman kasi ako pumayag. Nalaman ko nadin ang storya ni Seb. This time, gusto kong sabihin sa kanya na wala siyang dapat ipag-alala sa akin. I don’t want him to blame himself.

“Buti pa jamming nalang tayo”, sabi ko.
“Sige… Huling el Bimbo nga jan”, nagkantahan na kami. I played, we all sang. Lumapit na lahat at pinaikutan namin ang maliit ng bonfire. Nakailang kanta nadin kami pero habang kumakanta at tumutogtog ng gitara, napapaisip parin ako kung nasaan na si Seb.

Seb, please balik ka na. Di ako galit sayo.

“Last song. Alas 11 na. What song?”, tanong ko.

Biglang tumahimik ang lahat, napatingin sila sa likod ko.

“Pasensya Ka Na, Silent Sanctuary”, Sabi nung tao sa likuran ko. Lumingon ako. It was Seb.

-        See part 8

No comments:

Post a Comment

Read More Like This