Pages

Thursday, April 12, 2018

M Twenty Five Bar (Part 1)

By: Bendo

Sana masiyahan po kayo sa pagbabasa.

Ako nga pala si Kell 26 years old na. Mga ilang taon narin mula sa pagkagraduate ng kolehiyo at patuloy din nagtatrabaho sa isang malaking firm dito sa bayan namin.

Paminsan minsan pagkatapos magwork ay pumupunta ako sa bar para uminom. Shot shot ng kaunti tapos uuwi sa bahay para matulog.

Matatapos na akong uminom pero kanina pa ako nakatitig sa isang lalaki mula sa malayo. Nearsighted kasi ako at hindi ko gamit iyong eyeglasses ko. Mukhang gwapo, hindi maskulado pero lean, kaya parang type ko. Nagulat ako nang tinawag niya ako.

"Kel?" ani niya
Nang mas lumapit na siya namukhaan ko na siya.
Tangina!!! Ito iyong college crush ko na kaklase ko buong college years. Si Jam pala sa lahat ng taong makakatagpo ko sa malaking siyudad. Nagulat lang ako pero matagal naring nawala iyong pagkagusto ko sa kanya. Simula kasi nung parang tinaboy niya ako nang umamin ako sa kanya, parang nawalan na akong magkalove life. Tinutok ko nalang lahat nang atensyon ko sa pag aaral para makalimutan siya. Inisip ko nalang kinabukasan ko.

"Kanina kapa nakatitig sakin ah. Bakit hindi mo ako tinatawag?" Tanong niya.

"Ah pasensya ka na. Nahiya kasi ako" pagsisinungaling ko. Hindi kasi ako nag eeyeglasses noong nag aaral pa ako pero ayaw ko din malaman niya gumagamit ako kasi baka pagtawanan niya ako. Ayaw ko talaga siyang kausapin pero napasabak na ako.

"Oo nga pala mahiyain ka. Pwera nalang, alam mo na" Sabay kindat niya sakin.

Mapapamura talaga ako buti nalang napigilan ko.

"Musta, may boyfriend ka na no?" Tanong niya

"Wala" Hindi ko na pinapahaba sagot ko kasi ayaw ko magtanong siya nang kung ano ano at para matigilan siya. Sa inaakala kong maiinis siya sa wala kong ganang sagot eh nagtanong pa siya ulit. "Aba, ako di mo ba tatanungin" Ayaw ko talaga siya kausapin. Hindi ko alam. Iniwan ko na siya kasi sa nakaraan. Siya iyong isang tao sa buhay ko na kailanman gusto ko na talagang mawala. Ansakit sakit kasi matandaan na parang hindi ka nag eexist dahil lang hindi ka gusto ng taong gusto mo.

Biniro ko nalang siya, "Ikaw, may boyfriend kana? "
"Siyempre" paputol niyang sabi
"Wala" dugtong niya.

Ayaw ko talaga itanong sa kanya kung may gf siya pero hindi ko alam bat ko naitanong, "GF meron?"
"Siyempre," paputol niya ulit
"Meron" dugtong niyang may halong ngiti.

Bigla ko nilayo pagkakatingin ko sa kanya papunta sa counter kung saan ako nakaupo.

"Alis na ako" Ayaw ko talaga siyang kausapin matagal ko na siyang kinalimutan. Sabihin man nating parang hindi parin ako nakamove on sa kanya. Mabuti nang mawala siya sa buhay ko at makalimutan kaysa magmove on.

"Sandali lang" Pagpigil niya hawak sa kamay ko.
"Bat ka nagmamadali, kinakausap pa kita" ngiti niya
Kailanman hindi ko narinig nagmumura si Jam. Parang perpekto siyang tao. Matalino na gwapo pa. Doon ata ako nagkamali na magkacrush sa kanya, sa pagkaperpekto niya para sa akin. Pero iyon nga lang kailanman hindi siya magkakagusto sa akin.

"Maaga pa ako bukas, may trabaho pa akong aasikasuhin sa bahay" sa totoo lang matutulog lang talaga ako dahil sa pagod.
"Gusto pa kitang makausap" Sabi niya
Sincere siya parang mahuhulog ako sa bitag.
"Sorry pero kailangan ko na talaga" naputol ako.
"Please" nagsad face siya sakin.
Wala na talo ako.
"Ayan, dahil diyan ako magbabayad ng sunod mong inumin" sabay taas ng dalawa niyang daliri para umorder.

"Ano ba pag uusapan natin" napabuntong hininga siya. Matagal din bago siya nakasagot.
"Gusto ko lang marinig ka magkwento" sabi niya.
Ito iyong ayaw ko eh, ayaw na ayaw ko magkwento sa kanya kasi sa totoo lang wala naman talaga siyang pakialam sa buhay ko noon pa. Ako lang naman iyong atat na atat na makilala siya. Gusto kong maging selfish ngayon kaya di ko siya sinagot ng maayos.

"Dyan oh malapit lang nagtatrabaho" mabilisan kong sagot.
"Ah kaya pala uminom ka kaagad dito ano?" tanong niya at napahalakhak siya.
"Kailan kapa nagsimula diyan?" dugtong ni Jam.
"Matagal na. Dyan din kasi ako nag OJT kayaa inabsorb narin ako ng company after nung graduation mga ilang months." Sagot ko sa kanya. Hindi ko namalayan parang naganahan ako.
Ngumiti siya sakin. Hindi pa siya nagsalita kaya nagtanong ako.

"Ikaw saan ka ngayon?" tanong ko
"Parang pareho din sa iyo na naabsorb kung saan ako nag OJT dun din ako nagsimula magtrabaho. Napromote na nga ako dun" Sagot niya.
"Doon mo ba nakilala GF mo ngayon?" hindi ko alam ano napasok sa kukute ko at natanong ko iyon.
"Tumpak!" ganadong kumpirmasyon niya.
"Mag 3 years na nga kami eh, plano nga namin before magpakasal lilipat siya ng company iyong hindi mabigat sa kanya ang trabaho para kung malapit na kaming magkaanak hindi siya mahihirapan" dugtong niya.
"Ganun ba?" pagtango ko. Medyo kumirot iyong dibdib ko pero masarap kausap si Jam.

Matagal tagal din kaming nag usap. Actually parang siya lahat nagkwento kaya nakinig lang ako. First time kong makarinig sa kanya tungkol sa buhay niya. Hindi niya nagawa ito dati. May halong saya at kirot pero tanggap ko na hindi ako parte ng buhay ni Jam. Hindi ko alam kung bakit lokong loko talaga ako kay Jam. Basta gusto ko lang talaga siya noon.

"Oh mag 1 am na pasensya ka na sa disturbo, Kell at salamat na nakipagkwentuhan kapa sakin" sabi niya.
"Paalam na, sa susunod o bukas magkita tayo muli" ngiti niya.
Nagbyebye lang ako sa kanya. May sasakyan siya pauwi kaya nauna na siya ako wala dahil natatakot ako magdrive kahit nakakuha na ako ng drivers license.

Paguwi ko sa bahay, tumungo agad ako sa kama humiga. Mag isa lang ako naninirahan kasi malapit sa pinagtatrabahuhan ko. Pagkahiga ko naidlip na agad ako.

Nanaginip ako. Nasa kolehiyo ako ngayon nakaupo sa aking upuan. Nakatitig lang ako kay Jam. Tumingin siya pabalik sakin. Ngumiti siya sakin kinuha kamay ko at pinatayo ako. Nagholding hands kami. Hinigpitan ko ang paghawak ng kamay ko sa kanya. Wala ako sa isip sa pinanggagawa ko kasi nga panaginip lahat. Wala akong animo sa pangyayari.

Nagising na ako, ito iyong totoong buhay. Matagal nang wala si Jam. Magtatrabaho na ako. Balik na ako sa ordinaryong buhay...

Mga 2 weeks narin siguro nang hindi ko na nakitang muli sa Jam. Mabuti narin siguro ito. Dapat narin na mawala na siya nang tuluyan sa buhay ko. Pero hindi talaga ako pinapalagpas ng tadhana pagtatagpuin parin niya kami.

Matapos sa opisina ay tumungo ulit ako sa M25 Bar para uminom. Mayroon sakin na gusto kong makita at makausap si Jam. Nalilito ako dapat hindi ko siya hinahanap. Habang nagmamatyag ako sa paligid may lumapit saking lalaki. Hindi ko siya kilala pero parang matagal narin siya dito sa bar kasi minsan ko na siyang nakita.

Nagpakilala siya sa akin. "Hi, I'm Edward. I noticed palagi ka dito sa bar"
Medyo okay naman si Edward pero pagtingin ko sa chest niya, halatang nagjigym kasi bakat sa damit niya ang pecs niya. Pansamantala kong nalimutan si Jam dahil kay Edward. Pero sa hindi ko inaakala, parang nakikita ko ulit si Jam sa malayo. Naka eyeglasses na kasi ako ngayon nakalimutan kong tanggalin.

"Ang cute mo tingnan kung naka eyeglasses na. Nerdy ka ha" sabi ni Edward. Hindi ako makasagot, nadisturbo ako kasi andyan si Jam nakatitig sakin.
"Edward nice meeting you, I'm Kell" sagot ko
"You know what, im interested sa iyo Kell, you seem mysterious" hindi ko na alam gagawin parang lalapit samin si Jam. Nagmadali akong sumagot, "Excuse me Edward, Punta muna ako CR check ko lang muna iyong eyeglasses ko" pagsinungaling ko.

"No worry, take your time Kell. Andito parin ako I'll order you a drink pagbalik mo" at nakarating sa aming pwesto si Jam at dali dali ko ding pagkakaalis sa upuan. Hindi na ako nag Hi kay Jam. Sa lahat ba naman ng oras eh doon pa kailan may gwapo akong nakilala. Chance ko na eh.

Andito na ako sa CR hindi ko alam gagawin. Pero napagtanto ko, pakialam naman ni Jam kung may kausap akong lalaki. Paranoid lang siguro ako. Wala naman talagang pakialam si Jam sakin. Totoo iyon paniwala ko sa aking sarili. Nagtipon ako ng lakas ng loob para harapin si Edward ulit. baka chance ko na ito. Nakita ko si Edward may kausap na ibang lalaki akala ko si Jam indi pala.

Nag hi sakin si Edward sabay turo sa drinks na inorder niya. Tinap niya iyong upuan kung saan ako uupo. Sa kabilang table nakita ko si Jam, kanina wala siyang kasama pero ngayon may babae siyang katabi. Hindi katabi na upuan lang pero nakasandal talaga ang babae kay Jam. Pakialam ko sa kanila, paniwala ko sa sarili ko. Nagpatuloy akong lumakad papunta kay Edward na may dalang ngiti.

Nagulat ako nang nagsmooch iyong babaeng kasama ni Jam. "Babe naman nagulat ako" sabi ni jam sa babae. Mukhang Gf ni Jam kasama niya. Ako naman ang tanga ko inisang higop ko ang alak na bigay sakin ni Edward.

"Kell halika muna dito" anyaya sakin ni Jam.
Lumapit ako na hindi ayon sa gusto kong kilos.
"Si Beth pala, gf ko" nagshake hands ako kay Beth.
"Hi Kell, Im beth nice meeting you, ang cute mo with those eyeglasses" ngiti ni Beth sakin
"Sige nice meeting you too then Beth, balik muna ako sa table ko" pagpaalam ko sa kanila.

Bumalik na ako kay Edward pero nawala na iyong gana kong kausapin siya kasi nakatutok na ako sa magkasintahan. Ang sweet nila eto naman ako bitter. Andito na iyong chance ko sa harap ko pero hindi ko alam nauna iyong pagkabitter ko.

"Kell? mukhang wala ka sa mood para kausapin ako, next time maybe?" lungkot si Edward kaya naguilty ako.

"Ed Im sorry, ill make it up for you next time" hawak ko kamay niya nang mahigpit.

Lumapit siya sa mukha ko akala ko magsmooch din sakin iyon pala hahalik lang sa forehead ko.

"Wait, Ed" gumanti naman ako sa paghalik sa cheek niya. Mukhang nakabawi ako kasi nakangiti ulit si Ed. Nagbyebye na siya at pagtingin ko sa likod Nakatitig si Jam sakin. Ngumiti si Jam sakin at nagthumbs up. Parang masaya narin ako dahil dun. Medyo naririnig ko pa si Beth may binubulong pero malakas kay Jam.

"Is he gay?" Iyon ata pagkakadinig ko mula kay beth.
Tumango lang si Jam. Nagsenyas nako na aalis na ako saka din sabay nagbyebye sakin ang magkasintahan.

Masaya ako pagkauwi sa bahay. Sinearch ko si Edward nahanap ko siya tsaka inadd. Agad ko siyang chinat pero sabi niya matutulog na daw siya kaya okay lang aantayin ko nalang muli naming pagkikita.

Tinanong ko sarili ko, magkakaboyfriend narin ba kaya ako?

Tatlong araw na lumipas di ko pa nakakausap si Ed nalungkot ako. May isang araw na si Jam at iyong gf niya lang mga kasama ko sa pag inom.

Ngayon hindi na kasama ni Jam gf niya. Medyo nahihiya ako kay Jam makipag usap. Siya nalang pumutol sa katahimikan at nagtanong. "Kamusta na kayo nung kilala mo?"

"Si Edward ba? hindi ko pa siya nakakausap ulit mag iisang linggo na" sagot ko sa kanya.

"Okay lang yan babalik din siya uli wag ka mawalan ng pag asa" positibong sagot niya.

"Sira" tawa ko sa kanya

Muli kaming nagkwentuhan ni Jam. Ako naman nagkwento sa kanya ng aking buhay kung pano ako naninirahan mag isa. Kung pano ko naprito iyong noodles kasi naubos iyong tubi na pampalambot lang dapat ng noodles dala narin nang nakalimutan. Sabay kaming humalakhak. Patuloy lang ako sa pagkwento mukha naman kasing nasisyahan siya sa pakikinig sa akin.

Sabay narin siguro na medyo lasing na ako, hindi ko sinasadyang matumba ang bote puno ng beer kaya nabasa ang pantalon ko.

Pupunta sana ako ng cr mag isa pero inalalayan ako ni Jam halata niya kasing parang matutumba ako. Naghugas muna ako tas pinilit kung patuyuin iyong basa gamit ang tissue sa CR. Papalabas na kami ng cr nang muntik na ako matumba dala ng pagkalasing.  Buti nalang nasalo ako ni Jam. Hindi sinasadyang mahalikan ni Jam ang pisngi ko. Nagulat ako parang nawala saglit iyong pagkahilo ko kasi napatayo ako.

"Sorry, Jam hindi ko sinasadya iyon. Promise. Huwag ka sana magalit" Natakot ako baka magalit si Jam sakin. Talaga namang hindi ko sinasadya na mahalikan niya ako. Sadyang hilong hilo na talaga ako nun.

"Halika rito baka matumba ka ulit at hindi na pisngi mahalikan ko kundi bibig mo, gusto mo ba iyon? mop " Sabay hila niya sakin. Nahiya ako kay Jam hawak hawak niya katawan ko nakaalalay sa buo kong katawan.

"Kell hatid na kita uwi, san ka nakatira" nadagdagan pagkahiya ko kasi wala talaga yata akong lakas.

...

Nagising ako sa pagkakatulog.
Anong nangyari? Asan ako? Bat iba ang damit kong suot? Nasa hotel ako? Mukhang wala namang nangyari sakin. Malinis naman ako.

May liham sa lamesa.
"Kell, damit ko pala iyang suot mo. buti nalang may extra ako. Sumuka ka kagabi sa sasakyan ko hindi ko alam kung saan kita dadalhin kasi hindi ka sumasagot ng maayos. Andyan din iyong damit mo kagabi nilabhan ko na para sa iyo. Umuwi ka muna ng bahay pagkatapos mo diyan. Nabayaran ko na lahat" - Jam

Hindi ko talaga matandaan nangyari kagabi. Wala naman may nangyari samin ni Jam kasi parang wala namang nagalaw sa katawan ko walang masakit o ano. At bat ko naman naiisip na gagalawin ako ni Jam. Asa pa ako.

Nagdali dali akong umuwi ng bahay at bumalik sa tulog buti nalang wala akong pasok. Iyon pala rason bat ako pwedeng magpakalasing ng todo. Naperwisyo ko lang si Jam.

Pagkagising ko sa hapon, nag online ako nagtry ako chat kay Ed pero di parin siya sumasagot. Humingi nalang din ako ng pasensya kay Jam sa nagawa ko kagabi. Okay lang daw pero sa tingin ko indi. Hindi na siya tapos nagreply sakin nang sinabi kong wala akong matandaan sa mga nangyari.

Mga dalawang linggo din siguro ang lumipas bago ko nakita muli si Ed sa M25 Bar.

"Kell, sorry if naging selfish ako sa totoo lang" sabi ni Edward.
"Bakit naman? hindi ko alam sinasabi mo" pagtataka ko.
"Kasi bago tayo nagmeet may business ako na out of town for 6 months. Matagal na kitang gustong kausapin nahiya lang ako. Mas natakot din ako ng may nakausap kang ibang lalaki" sabi niya.
"Si Jam ba tinutukoy mo? wala iyon may Girlfriend na iyon malapit narin magpakasal" sagot ko sa kanya.
"Iyon na nga, sorry ulit kasi nung nakita kong may babae siyang kasama, chance ko na para masolo kita. Pero hindi focused ka parin sa kanya kahit ako kausap mo" sabi niya sakin.
Naguilty ako kasi totoo namin iyon. Nasa kay Jam atensyon ko nang mga oras na iyon.
"Ako din sorry" hindi ko alam sasabihin ko kaya ganun nalang.
"Ano ba ang meron ka kay Jam?" tanong niya. Natakot ako sa isasagot ko baka magtampo si Ed sakin. Natahimik lang ako.
"Para kasing flingfling lang ako sa iyo kahit seryoso ako. Ramdam ko kasi may iba talaga pagdating sa Jam na iyan. Okay lang naman sakin kung hindi ako pipiliin mo" Nabitag ako sa mga salita ni Ed. Parang flirt lang nga iyong nangyari samin ni Edward.
"Gusto ko din seryoso tayo" Sabi ko sa kanya.
"Pero mawawala ako matagal pa ako babalik Kell, maaantay mo ba ako?" tanong niya.
"Sa tinagal kong pagantay na dumating ka sa buhay ko siguro mas kaya ko na ngayon" Ngumiti ako sa kanya. Hinalikan niya kamay ko pagkatapos nun.
"Kanina pa pala andyan si Jam sa likod" sabi niya.
Nagsuot ako ng glasses, si Jam nga nag iisang umiinom. Napansin kaya niya ngang kanina pa kami nag uusap ni Edward. Namalayan niya atang nakatitig ako sa direksyon niya. Agad kong tinanggal ang eyeglasses ko at tinuon ang atensyon ko kay Edward.

"Edward ikaw ang nasa harap ko ngayon. At ganun din sana sa hinaharap ko" pagtapos ng aming usapan.

"So ano see you next time. Baka di rin ako makareply sa iyo minsan pero try ko best ko" sabi niya.
"Kung pagod ka magpahinga ka. Hindi mo obligasyon iyon indi pa naman kita boyfriend" Tawa niya.
"Oo nga" at sabay kaming tumawa.
Hinalikan ko na siya sa pisngi.
Ginantihan niya ako ng halik sa aking labi ng matagal.

Parang typical lang nangyari sa amin ni Edward. Matagal tagal din bago kami nagpalitan ng pag uusap online.

Nalaman ko mismo kay Jam na magpapakasal na daw sila ng GF niya after 1 year inaasikaso nalang ang paglipat ng gf niya.

Naging kami din ni Edward kasi tinanong niya ako kung kami na ba. UmoO narin ako kasi naramdaman ko kasing parang tama naman eh. Iyon iyong masasayang araw sa pag aantay ko na bumalik na si Edward.

Madalang narin kami nag uusap ni Jam kahit palagi naman kami nagkikita sa M25 Bar. Hindi na kami gaya ng dati na aktibo sa pag uusap sa isat isa.

Nakafocus na lahat ng atensyon ko kay Edward. Ayaw bati kami minsan pero sa huli nagkakaintidihan naman kami.

Umusbong lang ang problema samin ni Edward nang nagtampo ako sa kanya. Nakalimutan niyang birthday ko pala kahit nasabi ko naman sa kanya. Nagtatanong siya kung bakit ako nagtatampo pero hindi ko na nireplyan nainis lang talaga ako. Nastress din kasi ako sa boss ko sa trabaho madaming pinapagawa sinigawan pa ako. Nagalit din sina mama at papa bat raw di ako makakauwi eh hindi nila naintindihan ang dami kong inasikaso.

Akala ko si Edward iyong makakaintindi sa akin pero wala siya ngayon sa kaarawan ko.

Si Jam lang ngayon makakausap ko, siya lang makakadinig lahat ng hinaing ko.
"Birthday mo pala ngayon, happy birthday" greeting niya sakin.
"Salamat Jam. Nakakahiya naman sa iyo" sabi ko.
"Huwag ka mag alala. Basta sa birthday ko dito din tayo ha" anyaya niya.
"Sure. Hindi ko tatanggihan iyan" Kinumpirma ko sa kanya.

Lumabas muna kami sa bar para magpahangin. Naglakad lakad sa park, binilhan niya ako ng street food kaunti lang sabi ko baka masuka ako.

Hindi ko alam saan kami papunta pero namalayan kong nakarating kami sa isang restaurant.

"Ano ito?" tanong ko sa kanya. "Kakainom lang natin" dugtong ko.
"Huwag ka mag alala. Maliliit mga servings dito hindi ka mabubusog" Tawa niya sa akin.

Nasa Luxury Club Restaurant kami. Isang 2 star restaurant, pinakasikat na restaurant dito sa aming dayo. Natakot ako kasi mamahalin dito mga pagkain pero totoong ang liliit ng mga servings. Iyon nga lang ang sasarap.

"At hindi matatapos ang araw na ito na walang birthday cake" sabi niya.
Maliit lang iyong cake na bigay pero customized iyon from the restaurant.
"Hindi ko alam kung anong flavor o cake hilig mo. Hindi ako mahilig sa cake pero iyong flavor lang na mocha kasi paborito ko iyon share ko lang sa iyo" sabi niya sakin.
"Naabala pa kita" Hindi ko alam bat ginagawa ito sakin ni Jam. Magpapaalam narin siya siguro sakin kaya ginagawa niya ito. Malapit na kasi siyang ikasal at baka malapit narin siyang muling mawala at nang tuluyan sa akin.
"Special na araw ito para sa iyo kaya special din ang treat ko para sa iyo" Pagtitig niya sa akin.
"Salamat pero ang mahal mahal ng mga pagkain dito" pabulong ko sa kanya.
"Minsan lang ito" sabay bigay sa waiter iyong ilang libong cash. Yayamanin ata si Jam kaya parang ang bilis lang niyang ibigay iyong mga pera niya.

"Tara, sakay ka sa sasakyan ko at huwag kang susuka ulit ha" Tawa nya
"Magtataxi na ako pauwi" pagkahiya ko.
"Dadaanan ko naman ang bahay nyo kung uuwi ako ngayon. May konting detour lang pero di naman ganun kalayu" Sabi niya.
"Huwag na nakakahiya. Dami mo nang nagawa sa akin sa araw na ito" sabi ko
"Sus" sabay hila niya sa kamay ko hanggang pinapasok na niya ako sa sasakyan niya.

Umupo na kaming dalawa pero hindi pa niya sinimulan ang sasakyan. Nagkatitigan kami, hinawakan niya kamay ko at tinanong ako, "Okay ka lang?" Hinimas pa niya kamay ko bago niya nastart ang engine ng sasakyan.

Parang mabagal siyang magdrive, tumitingin lang ako sa mga streetlights, umiiwas sa kanya. Iyong kaliwang kamay nya nagmamaneho ang kanan naman nahanap ang binti ko. Hinahagod niya na para bang kinocomfort ako walang halong malisya. Pinapatong niya din kamay niya sa ulo sinusuklay buhok ko kapag nagstop sa red light. Nacoconfuse na ako sa mga nangyayari. Cheating ba itong ginagawa namin o ako lang ang may mali ang pag iisip na sadyang mabait lang na tao si Jam.

Ayaw kong iabuso ang kabaitan sakin ni Jam kaya hindi ako nagsisimula ng motibo sa kanya. Ayaw ko rin kasing masira iyon pagkakaibigan na meron lang kami ngayon. Parang kapatid turing niya sa akin ngayon. Ganun lang dapat sa aking isip.

Hininto niya ang sasakyan sa gilid hindi ko alam bakit pero mukhang malapit narin kami sa bahay ko.
"Bakit?" tinanong ko siya.
"May gusto ka pa ba sakin?" seryoso siya.
Hindi ako makasagot kasi naconfuse narin ako Ulit.
Tiningnan nya ako ng madiin. "Okay lang wag ka mag-alala hindi ako magagalit" mahinahon niyang pagkasabi.

Hindi ko magawang sabihin ang totoo "Matagal na"
"Matagal na ano?" pagtataka niya
"Matagal na kitang kinalimutan" iyon lang nasabi ko.
"Ano?" Parang hindi kasi siya nakuntento sa sagot ko.
"Kasi...... kahit hindi mo sinabi sakin noon nung umamin ako, na ayaw mo sakin, ramdam kong wala talaga akong pag-asa sa iyo. Na, sana makahanap ako ng taong magmamahal sakin na karapat dapat gaya ng sabi mo. Na sorry lang kaya mong sabihin kasi imposible talagang pwede maging tayo, sorry kung naging ambisyoso ako. Kaya. Kaya simula nun pinilit ko nang mawala ka at iyong pagkagusto ko sa iyo. Kaya siguro masasabi ko ngayon. Wala na? "
Pautal utal ko lahat iyon na pagkakasabi.
"Naiintindihan ko" tanging sagot niya.

Nakarating narin sa kami sa bahay ko.
"Sandali lang antayin mo ako may kukunin lg ako" kaya inantay nga naman ako ni Jam. Kinuha ko iyong shirt niya kasi isusuli ko na.
Binuksan ko ang pintuan at binigay sa kanya ang shirt ngunit nadala ako sa hila niya. Nauntog iyong ulo ko sa itaas ng sasakyan.
"Aray!!" Hagulhol ko.

Napansin ko nalang na nakalabas siya ng sasakyan at tumabi sa akin. Inalalayan niya muna ako sa loob ng bahay. Medyo masakit kasi pagkakauntog ko mukhang nahilo ako.

"May ice ka rito?" tanong niya
"Oo pero naka cubes lg" sagot ko.
Naghanap siya ng towel tas inilagay iyong ice cubes sa towel. Pinatong niya sa ulo ko at siniguradong hindi ako mababasa.

"Ayos ka lang? Sorry hindi ko sinasadya. Akala ko kasi bibitawan mo na mahigpit pala pagkakahawak mo dun." Sincere naman siya.
"Okay nako pwede ka nang umuwi Jam."sabi ko sa kanya

Lumapit iyong mukha niya sa bukol sa ulo ko. Nagtaka ako at napatingin sa kanya. Sobrang lapit ng mga mukha namin.

Hindi niya pa naipalayo sa akin ang mukha niya. Naamoy ko kung gaano siya kabango kahit pawisan. "Mukhang okay ka na nga. Sige uuwi na ako" Sabay halik sa bukol sa ulo ko.

Ano ba talaga ang nangyayari? Mas nilapit pa niya mukha niya at hinalikan ako sa pisngi.

Baka beso beso lang na friends kaya hinalikan ko narin siya sa pisngi.

"O siya umuwi kana gabi na" sabi ko sa kanya.
Tumungo na siya sa pinto nang bigla ko siyang tinawag. "Jam sandali"

Tumigil siya at humarap sakin.

"Sorry, alam kong ikakasal kana pero hindi ko kayang magsinungaling sa iyo. Kailanman hindi kita nakalimutan. Gusto pa din kita. Hinayaan ko lang ang mga araw lumipas nagbabakasakaling mawala ka na nang tuluyan pero heto ka parin. Patawarin mo ko kung pinakonsensya pa kita. Mabuti narin siguro na huwag na tayo magkita ayaw ko kasing umasa sa iyo" ito pala iyong bigat na ilang taon ko nang tinatago.

Lumapit siya pabalik sakin at binigyan ako ng isang madiin na yakap.
"Okay lang iyon" sabi niya.
Feeling ko rejected nanaman ako. May boyfriend na ako, may girlfriend na siya at malapit na siyang ikasal, pero umasa ako na merong KAMI.
"Pwede mo nang kalimutan iyong lahat ng lungkot, andyan naman si Edward. Nakahanap ka na nang taong magmamahal sa iyo. Sige na mauuna na ako."

at hindi na siya lumingon pabalik sa akin.

Bumalik ka
Bumalik ka
Please
Iyon ang nasa isip ko.
Narinig ko na umandar iyong sasakyan.
Huwag mo siyang habulin.
Huwag kang hahabol sa kanya. sabi ko sa sarili ko.
Pero binuksan ko ang pinto.
Tiningnan siyang pinapatakbo ang sasakyan papalayo.

Tumigil ka, tumigil ka. Naluluha na ako. Pero hindi tumigil ang sasakyan. Nawala na sa paningin ko ang sasakyan. Wala na. Wala na si Jam. Iniwan niya na akong tuluyan.

Umiyak lang ako ng umiyak gusto ko siyang bumalik. Pero sobra na sa isang oras napagod na ako sa kakaintay. Humiga na ako sa kama. Hindi ako makatulog. Wala akong naiisip kundi mukha niya lang. Walang laman ang utak ko kundi mukha niya lang. Hindi na gumagana utak ko nakatingin lang ako sa kisame. Wala tameme lang talaga. Tuliro. Lungkot lang talaga. Lumuluha lang kahit wala nang naiisip.

Alas kwatro na nang umaga gising pa ako. Hindi ako dinalaw ng antok. Basag na basag talaga ako. Naging desperado ako kasi chinat ko si Jam nagmamakaawa hanggang nablock na niya ako. Wala na talagang pag asa. Wala nang lakas na dumadaloy sa katawan ko.

Suko na ako kay Jam.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This