Pages

Sunday, April 15, 2018

M Twenty Five Bar (Part 2)

By: Bendo

Lumipas ang 5 buwan hanggang nakauwi na si Edward dito sa amin. Namiss ko din siya. Naayos namin ang anumang tampuhan meron kami.

Hindi ko alam kung kaya ko bang umattend sa birthday ni Jam. Natakot din ako baka magalit si Edward subalit hindi niya ako pinagalitan pero inenganyo niya pa ako bumili ng regalo para kay Jam. Hindi ko alam ano bibilhin kay Jam pero naalala ko iyong insidente na pagsusuka ko kaya naisip kong ibigay t shirt.

Tiningnan ko lang sa mall iyong maganda ang kulay at kung tama ang sukat kaya binili ko na at pinabalot para igift.

Dumating na ako sa birthday para mag inuman kasama boyfriend ko. Binungad ako ng matinding yakap mula kay Jam.

"Oh ayan gift ko. Maya mo nalang buksan kapag nakauwi kana" Alok ko sa kay Jam

"Akala ko indi ka na makakarating. Masaya ako kasi nakarating ka. Buti sana di mo dinala boyfriend mo akin birthday ako thirdwheel" halakhak niya.

"Madami ka naman sigurong friends dito" Sabi ko

"Pero ako lang isa" sabi niya

"Saan ba girlfriend mo?" tanong ni Edward.

 "Girlfriend? wala akong girlfriend" sabi bi jam.

"Ha? akala ko ikakasal na kayo after 6 months" pagtataka ko.

"Bitch pala iyong ex ko hindi ko alam papanu. Isang buwan palang sa nilipatan niya may iba na siya. Nagsawa na siya sakin" parang iiyak siya. Nagulat din ako kasi nasabihang niyang bitch girlfriend niya.

"Kawawa ka naman" Sabi ni Ed "Basta sakin tong si Kell. Hindi ako iiwan nito. Diba Kell?" dugtong pa niya.

"ah oo" sagot ko.

Patuloy lang kami sa pag inuman hanggang inalok ako ni Edward lumabas.

"Namiss kita babe" sabay halik sakin ni Edward

"Namiss din kita Ed" sagot ko

Nagtagpo ang aming mga mata, aming mga labi, mga dila,ang umiinit naming mga katawan. nasisipsip niya ang labi ko habang hinahawakan ko ang matigas niyang dibdib. Ang laki talaga at ang sarap hawakan. Patuloy lang kami sa pagromansa at nagkikiskisan na ang mga titi namin.

Hinahawakan ko ng buo ang mga braso niyang matigas habang pinipisil niya mga utong ko na nagpapahiyaw sakin.

Mas lumalim, dumiin pa ang amin halikan, napatigil ako nang nakita ko si Jam sa hindi malayuan. Nakalimutan naming napatagal pala kami kaya siguro hinanap din kami ni Jam.

"Sorry, Jam hindi namin sinasadya" sabi ko dahil naiwan siya namin.

"Sige lang, akala ko kasi nasa CR lang kayo pero wala kaya hinanap ko kayo" agad namang umalis si Jam.

"Sandali lang Jam sasama ako may aayusin lang ako sa glasses ko" sabi ko kay Jam at sinenyasan ko si Edward na bumalik muna para maghanda.

Sabay na kami ni Jam pumunta sa CR. Habang inaayos ko ang linaw ng eyeglasses ko may sinabi si Jam," Sarap na sarap ka ah".

Nagtaka naman ako, "Ano pinagsasabi mo"

"Maganda ata sex life natin no?" Dagdag ni Jam.

"Gago" Tawa ko sa kanya.

"Basta mas malaki iyong akin" sabay ayos ng kanyang pantalon at kindat ni Jam sa akin sa harap ng salamin.

Ano kaya problema nun.

Kahit na ganun gumana plano namin ni Edward na isurprise si Jam na may maliit na birthday cake flavor iyong mocha na paborito niya.

"Hindi ko nakalimutan iyong favorite mo. Oh ayan wish ka na" sabi ko kay Jam.

Napangiti si Jam at hinipan na ang mga kandila.
At pinaghatian na namin iyong cake na maliit. Habang kumakain si Jam eh nakatitig lang siya sa akin na para bang nang eenganyo. Napansin ko parang lumaki katawan ni Jam. Hindi tumaba pero parang nabuild katawan niya ng kunti parang mas umangat iyong mga muscles niya kasi bakat Iyong biceps nya sa braso niya at bakat din medyo damit at pantalon niya. Naggym rin cya siguro pagtataka ko. Kapag napapatingin ako kay Jam kinikindatan niya ako pero kung tumitingin din si Edward eh hindi niya pinapahalata. Parang pinaglalaruan ako ni Jam sa loyalty ko kay Edward.

Pinatulan ko na din si Jam kaya habang may frosting sa baba ni Edward ayun kinuha ko gamit daliri ko at sinipsip. Akala siguro ni Jam di ko kayang gawin.

Naturn on ata si Edward kaya napahalik siya sakin at ginantihan ko rin naman kaya naglaplapan kami panandalian.

"Get a room" sabi ni Jam.

"Why not" sagot naman ni Edward

"Maaga pa ako bukas" Tutol ko.

"So ano Kell, hatid na kita pauwi gaya ng dati?" tanong ni Jam na ikinataka naman ni Edward.

"No need na pre ako na maghahatid kay Kell pauwi" sagot naman ni Edward.

"Mas malapit sa bahay ko iyong bahay ni Kell. Sa iyo sa kabilang direction pa mahihirapan ka niyan" sabi naman ni Jam.

"Ako ang boyfriend kaya ako ang maghahatid" parang may galit na tono si Edward.

"Sige na hayaan mo na ako na maghatid birthday ko naman" alanganing ngiti ni Jam.

Tiningnan ako ng madiin ni Edward na para bang may mensaheng ipinapahiwatig ngunit hindi ko matukoy.
"Osiya total birthday mo ngayon ikaw na maghatid. Huwag mong ipahamak boyfriend ko" pagtanggap ni Edward. Hinalikan ko na si Edward para mauna na siya umuwi.

"Tara hatid na kita Kell" ngiti ni Jam.
Tahimik lang kami ni Jam hanggang makarating kami sa harap ng bahay namin. Medyo awkward pa nun kasi wala kaming kibuan. inunlock na ni Jam ang pintuan para sana ako makalabas pero pinigilan nya ako sa hita.

"Sandali lang, wala ka bang sasabihin sakin?" tanong niya.
Nagtaka ako kung ano pero buti nalang may naisip ako.
"Happy Birthday Jam. Ingat ka pag uwi".

Hinawakan niya mukha ko at nilapit sa mukha niya. Gusto ko siyang bitawan pero ang lakas niya para sa akin. Parang namanhid katawan ko nang nasimhot ko ang pagkalalake niyang amoy.

Hinalikan niya ako sa pisngi. Akala ko kung ano beso lang pala ulit pero ang awkward parin na ginagawa niya iyon. Hinalikan ko siya pabalik pero nagulat ako nang bigla siyang humarap sakin. Nagtagpo iyong mismong tip lang ng mga lips namin. Muntik na kaming maghalikan.

Kinindatan niya lang ako nun tapos. Kinuha niya kamay ko at nilagay sa dibdib niya. Ang tigas shit. Siguro hot na hot kung nakahubad si Jam. Ang gwapo niya talaga. Mukhang mahuhulog ako sa patibong niya buti nalang natandaan ko si Edward, ang boyfriend ko.

"Huwag, tama na. Magagalit si Edward. Tama na sa pagbibiro hindi na nakakatawa" bulalas ko sa kanya at kanya namang inilayo mga kamay ko.
"Sige bye Kell, mamimiss kita" pagwave nya
"bye" sagot ko.

Pumasok na ako ng bahay para magpahinga.
Tumawag si Edward chineck kung okay na ako.

"Babe nakauwi kana?" tanong niya.
"Oo babe salamat" sagot ko.
"Magpahinga kana babe, I love you" sabi niya.
"I love you too babe. Sige na matulog ka narin" sagot ko.

Natulog na ako nang nagambala ako ala una ng umaga. May humahampas sa pintuan ng bahay ko.

"KELL!!! KELLLLLLLL" may sumisigaw.

natakot ako kaya hindi ko muna binuksan.

"KELLLL! KELLL!" bulalas pa niya

naaninag ko sa bintana, si Jam pala ang  sumisigaw.
Baka magingay pa kaya agad ko binuksan ang pintuan.

Pagkabukas ko ng pinto, nasinghot ko amoy alak si Jam. Lasing na lasing ang walanghiya. Bigla niya akong ginapos at dinala paibabaw, ang lakas niya.

"Oh Kell namiss kita" sabay baon ng mukha niya sa dibdib ko.
"Ibaba mo ako" bulalas ko.
"Hindi mo ba ako namiss Kell?" tanong niya
"Ano ka ba lasing na lasing kana ano nangyari sa iyo" tanong ko naman.
Niyakap niya pa ako ng madiin habang napapalakad na ako paatras papuntang sofa hanggang napaupo na kami.

Inayos niya iyong buhok ko sa pagkakatabon sa mata ko. Paulit ulit niya akong hinahalik halikan sa pisngi.

"Hindi mo ba naalala Kell, nung nalasing ka? Panay halik ka din sa pisngi ko kasi pilit mo akong hinahalikan sa labi pero umiiwas ako" sabi niya.
Natakot ako kasi baka malalaman ko kung ano pa pinanggagawa ko nung nalasing ako.

"Sinabi mo pa sa akin, ako lang iyong taong gusto mo at wala nang iba pa. Pero Bakit may Edward? ang daya mo Kell. Akala ko ako lang" Hagulhol niya.

"Ugok lasing kana. Tatawagan ko si Edward para ihatid ka pauwi." sabi ko.

"Huwag. Sabi mo pa sakin nun gusto mo tayo nalang magpakasal. Aasawahin mo ako. Ayaw mo ba nun?" Nakakahiya pala pinanggagawa ko noon.

"Lasing ako nun di ko alam nangyari" iyon lang nasabi ko.

Hinalikan ako bigla ni Jam sa labi. Marahas siya pero ang lambot lambot ng mga labi niya. Nanghihina mga tuhod ko sa amoy niya.


Pumiglas ako kay Jam, "Jam, maghunos dili ka. Mali itong ginagawa natin" Aaminin. kong natipuhan ko ang halikan namin pero mali ito.

"Sinungaling ka Kell" pag iyak niya sa akin. Naawa ako sa kaniya hindi dahil gusto ko siya kundi dahil parang wasak na siyang tingnan. Mukhang nahilo na siya at napahiga nang tuluyan sa sofa. Hindi ko inaasahan susuka siya kaya nabasa damit at pantalon niya, hindi man lang siya gumalaw sa pagkakapwesto niya sa sofa ko.

Kumuha ako nang basahan para alisin iyong suka sa damit niya. Natakot akong magkasakit si Jam kaya inalis ko na muna damit niya nang dahan dahan. Bawat pag unbutton ko sa kaniya, parang natutunaw ako. Nakikita ko na ang nag uumbukan niyang dibdib at pakonting abs. Inalis ko na nang kumpleto ang damit niya, nakita ko din ang mabuhok niyang kili kili at hindi ko sadyang mahipuan ang matigas niyang biceps. Parang matutukso akong galawin si Jam pero nababagabag ako.

Dinala ko na siya sa kwarto para humiga. Nabasa rin ang kanyang pantalon kaya wala akong magawa kundi alisin din iyon para sabay ko nang labhan sa damit niya. Bakat na bakat iyong titi niya sa boxer niya, malapit nang sumilip iyong tip ng titi niya. Napapakagat nalang ako pigil na pigil sa pangyayari.

Nagising siyang bigla pero lutang na lutang parin. "Kell, bat ang ginaw? Kell, bat parang nakahubad ako?" Hinila niya ako papalapit sa kanya tas ipinatong niya ang katawan niya sa akin. Ang bigat niya ang hirap niyang alisin.

Nagsimula siyang higupin leeg ko. Nanginginig na ako. "Kell" malumanay niyang pagkasabi. Hindi katagalan nakatulog siya ulit na nakapatong sa akin.

Pinwersa kong makaalis pero nanghina narin ako hindi dahil sa bigat niya pero dahil sa kanya. Parang ayaw kong umalis, niyakap ko nalang siya at nilagay sa gilid ko. Minukmok ko na ang ulo ko sa dibdib niya. Dinig na dinig ko ang bawat tibok ng puso niya. Ayaw ko umalis.

"Jam" sabi ko at ako ay natulog.

———————————————

Nauna akong gumising, nakayakap parin kay Jam. Kinumotan ko na siya, sinimulang labhan ang damit niya at pinatuyo. Naghanda narin ako ng agahan.

Nagising siya at nakita kong nakabrief parin siya. Nagtinginan lang kami walang kibuan.

Hindi katagalan binuka ko na bibig ko, "Kumain ka muna, tsaka andyan narin damit mo sa sofa nilabhan ko. Wala akong magkasyang damit sa iyo kasi ang laki mong tao"

Nagulat ako nang nagtanong siya sa akin, "May nangyari sa atin kagabi? Bat ang lagkit ko?"

Siyempre wala naman talaga kaya mabilis ko siyang sinagot, "Wala, kaya magbih" at pinutol niya ako.

"Paano naging wala?" Nagtaka pa siya.
Dahan dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ang mga braso ko.

"Wala ba talagang nangyari sa atin?" Tanong niya ulit.

Nilayo ko ang ulo ko at sinagot siya, "Wala, may boyfriend na ako hindi kita gagalawin"

"Bat ayaw mo? Hinubaran mo lang talaga ako?"
pangungulit niya.

"Tama na at baka palayasin pa kita" Nanggigil na talaga ako. Ginugulo na naman niya ulit ang tahimik kong damdamin. Naiinis ako kasi parang muling kumakatok iyong dati kong nararamdaman sa kaniya.

Umupo nalang siya at sabay na kaming kumain. Tahimik lang kaming dalawa hanggang matapos kaming kumain. Binigyan ko siya ng towel baka gusto niyang maligo. May malaki naman akong underwear nakatago sa cabinet ko kaya binigay ko na sa kanya. Kinuha niya saka siya dumerecho sa banyo.

Inayos ko na ang mesa tsaka nag intay sa kanya matapos. Susunod na din kasi ako maligo.

Pagkalabas niya nakatakip lang ang pang ilalim niya.

"Magbihis kana, mauna kanang umalis kahit hindi pa ako tapos maligo" sabi ko. Tumango lang siya at kinuha mga damit niya para magbihis.

Hindi katagalan ko sa banyo, narinig ko parang bumukas ang pinto, siguro nakalabas na siya ng pamamahay ko.

Parang nakahinga ako sa mga pangyayari. Pero ang bigat parin ng pakiramdam ko sa kay Jam. Napabuntong hininga nalang ako pagkalabas ko ng banyo. Inaakala ko nakaalis na si Jam, nakaupo lang pala siya sa sofa.

"Andito kapa? Akala ko umalis kana" tanong ko.

"May nakalimutan lang akong itanong sa Iyo" sagot niya.

"Ano naman iyon?" pagtataka ko.

Mukhang nanginginig siya pero tinuloy niya parin ang pagtanong, "Totoo bang wala ka nang gusto sa akin?"

Nainis na talaga ako sa kanya. "Niloloko mo ba ako? Sa tingin ko naman, kahit oo sagot ko wala ka paring pakialam sa akin kaya walang nang kwenta kung sasagutin ko pa yang tanong mo"

Medyo tumahimik kaming dalawa. Tama naman eh palagi siyang ganito. Parang hindi ko din kasi masabi na ayaw ko sa kanya, sumuko lang ako pero gusto ko padin siya.

"So may gusto kaparin pala sa akin," ngiti niya.

"Oo na kung Oo, pake mo" galit kong tono. "Pero wala na akong gagawin pa kung gusto man kita" dugtong ko.

"Akala ko kung gusto mo ang isang tao, dapat paghirapan mo" sagot niya.

"Naglolokohan lang tayo dito. Buti pa umalis kana hindi kita kailangan" Sigaw ko.

"Gusto mo ako pero duwag ka pala" tawa niya.

"Ikaw may gusto ka ba sa akin?" ayaw kong itanong pero ito din siguro makapagtatapos sa lahat.

Walang sagot sa kanya, tama nga ako, pinaglalaruan niya lang damdamin ko.

"Oh diba hindi ka makasagot, PUTA ka magaling ka lang kung kailangan mo ako. Dahil wala ka nang girlfriend gusto mo naring sirain ang meron ako" bulalas ko.

"Patawad Kell" pagbago ng kanyang ekspresyon.

"Patawad Tangina mo sarili mo. Hindi ka ba masaya na nakahanap na ako ng iba gaya nang sabi mo noon sa akin?" sabi ko.

"Masaya kasi mukhang bagay naman kayo" sagot niya.

"Edi tapusin na natin itong paglolokohan at saka lumayas kana bago pa kita masuntok" namumuo na iyong kamao ko.

Hindi parin siya umalis kaya nagbihis muna ako sa bedroom. Kumatok siya at hindi nasiyang nag atubiling buksan ang pinto.

Pinatong niya ang ulo niya sa balikat ko at inulit na niya naman,"Sorry". Sino ba sa amin ang sira, Siya ba na paulit ulit, o ako na parang hinahanap siya ulit?

Hinarap ko siya, "Mabuti pa siguro Jam, huwag na tayo mag usap"

Paulit ulit ulit parin talaga si Jam, "Sorry, pero magkaibigan parin tayo. Kaibigan mo ko Kell"

"Tama na Jam. Hindi tayo ganun. Ikaw lang nagturing sa akin nun. Tutal hindi naman kaibigan turing ko sa iyo" hindi na ako nakapagpigil, hinalikan ko siya. Hinigpitan ko yakap ko sa kanya kasi naramdaman kong tinutulak nya ako papalayo. Parang nirerape ko siya sa halik, ayaw niyang gumanti. Nilakasan niya pa ang pagtulak sa akin at nabitawan ko na siya. Napahiga lang ako sa kama. Tumingin lang ako sa gilid, ayaw ko siyang tingnan. Luhang luha na ako. Kahit anong gawin ko, talo parin ako sa aming dalawa. Ako parin iyong tanga.

Tiningnan ko siya, wala din siyang animo. Mukhang galit siya. Hindi niya siguro nagustuhan ginawa ko.

"Hinalikan mo ako kagabi, ngayon ayaw mo na?" tanong ko. "Ano? SUMAGOT KA!." galit ko.

"Namiss ko lang siguro si Beth sa iyo" sambit niya.

Dahil sa nasabi niya, tumayo ako at sinuntok siya. Napasobra suntok ko kaya natumba siya.

"Lasing lang ako kagabi Kell. Wala akong kontrol sa pinanggagawa ko" dugtong niya.

"What the Fuck Jam" gulong gulo na ako sa kanya. "Wala itong patutunguhan, mauuna nako. Makikipagkita pa ako kay Edward"

"Namiss kita Kel" sabi niya.

Hindi na ako sumagot, mahirap na baka may masabi akong pagsisisihan ko.

"Kell, huwag mokong iwang mag-isa" pahabol niya.

Anong karapatan niyang sabihin iyon. Pinapasakit niya lang talaga ulo ko.

Lumabas na ako ng bahay. Basag na basag ako. Naguilty ako kay Edward. Mahal ko siya pero mukhang hindi pa ako ready na mahalin siya nang buo. Hindi ko pa kasi naaayos sarili ko.

Tinawagan ko si Edward. Sa totoo lang kasi wala kaming usapang magkikita. Sinagot niya pagkatapos ng ikatlo kung idial siya.

"Tagal mo sumagot babe. Asan ka, puntahan kita" tanong ko.

"Nasa bahay lang, sige punta ka dito handaan kita ng pagkain" ang bait ng tono niya dun.

"Sige babe love you biyahe na ako" at inendcall ko na.

Nakarating na ako sa bahay niya kaya kumatok na ako. Narinig ko boses niya, "Bukas iyan, pasok lang" kaya agad naman akong pumasok.

"Mukhang mabango iyang niluluto mo ah" puri ko.

"Siyempre naman, para ito sa pinakamamahal ko eh" sabi niya at hinanda niya na sa mesa ang pagkain para kainin ko.

"Hindi karin ba kakain" tanong ko.

"Kumain na ako ng hapunan kanina pa. Hinanda ko talaga iyan sa iyo gusto lang kita pagmasdan" ngiti niya. Ginantihan ko din siya ng ngiti.

Pinagmasdan niya nga ako habang kumakain ako ng omelet na niluto niya. Mukang espesyal kasi may dahon at kung ano anong nilagay niyang paminta na indi ko alam. Hindi naman kasi ako marunong magluto ng masasarap na pagkain.

Tumingin siya sa akin at bumuka ang bibig niya, "Kell, break na tayo"

Nanlaki mga mata ko. Nabitawan ko iyong tinidor na hawak ko. Parang mahihilo ako, napuno ng hangin iyong ulo ko. Naririnig ko ang kamay kong kumakatok sa ulo ko.

"Alam kong mahal mo ako Kell, mahal din kita nang lubos sa oras nang ating pagsasama at pag uusap. Simula nung unang kitang makita, nabihag mo na ako. Pero siguro kailanman, hindi kita nabihag" parang naglungo siya.

"Edward, mahal na mahal kita. Hindi mo kailangang gawin ito" nabulabug yata ako.

"Kapag sinasabi mong mahal mo ako, parang may dalawang sides iyong sinasabi mo na totoo at mali" sabi niya. "Kung tayo man sa huli, tayo. Pero kung hindi na muli magkrus ang landas natin, kaya kong tanggapin iyon" dugtong niya.

Masyado siguro akong naging selfish kung kayat nagkakaganito ang mga pangyayari. Hindi ko naisip na may damdamin din pala si Edward. Inisip ko lang iyong kung ano mararamdaman ko. Hindi ko alam na may nasasaktan pala akong puso.

"Alam kong may nangyari sa inyo ni Jam. Kitang kita sa chikinini sa leeg mo" sabi niya. What the fuck hindi ko nakita iyon. Shit! hindi ako makapagsalita. Walang nang may nangyari sa amin ni Jam pero mukhang hindi maniniwala si Edward. Puta talaga itong si Jam, Pinahamak ako.

"Hindi mo na kailangan magsinungaling Kell, hindi narin siya gagana sa akin" dugtong niya ulit. Ang sama kong tao.


Natatakot ako magalit si Edward kung pipilitin ko ang sarili ko sa kanya. Nilapitan ko siya at niyakap. Hinalikan ko ang noo niya, ang ilong, tsaka ang labi habang sinara ko ang mga mata ko.

Bumitaw na ako at niligpit ang sarili ko at nagbyebye na kay Edward, "Salamat at patawad Ed, huwag kang mag alala, minahal kita nang lubos. Kung ito ang gusto mo, handa akong sundin ito" at tuluyan na akong nakaalis sa bahay niya.

Balik buhay single na naman ako. Walang laman ang isip ko. Parang patungo nanaman ako sa bar. Uminom na naman ako. Naalala ko kung paano kami nagkita ni Jam dito sa M25 Bar. Naalala ko kung paano kami nagkakilala ni Edward, ang taong tunay kong pinalaya. Naalala ko ang mga masasayang mga pangyayari. Ano na ang susunod kong gagawin? Hahanapin ko lang siguro muna ang sarili ko.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This