Pages

Wednesday, April 25, 2018

Twitter Thesis Adviser (Part 2)

By: Gabriel

Naging hospitable naman ako. Kahit lutang ako nun. Pero di ako ngumiti, di ako nagpasalamat. Ano bang pinunta niya dito? Magsosorry? Ngayon? Kung kelan July na. Tangina.

Sa Sala, naupo siya. Nakatayo lang ako sa tabi ng sofa na kaharap ng sofa kung saan siya nakaupo. Walang imikan. Ewan ko ba, pinapasok ko pa talaga siya sa bahay?

B: Happy Birthday
M: Mmm. Napadalaw ka.
B: Gusto kita makausap. Di na kita ma contact e.
M: Blocked ka na kasi.
B: I'm Sorry.
M: Okay.
B: I'm really Sorry Babe...

Haaay naku.

M: stop this Bradley. Di na yan tatalab. Matapos mo akong gamitin? Hahaha bang klase.

Nasa may dining table na ako, nakasandal sa mesa.

B: How can I earned your forgiveness Babe?
M: Haay stop please. Babe ka nang babe di ako baboy.
B: No Im serious. Can I explain?
M: Go ahead. Kung dyan ka sasaya.

B: Nalaman kasi ng parents ko. Nabasa ng Kapatid ko yung dms natin. I was grounded. Halos mapalayas na ako nun. Babe sorry. It was the only reason I know para sana tapusin ang lahat... I love you Babe.

Hindi ako nagsalita.

B: I made up an excuse sa family ko makapunta lang dito. Sinaktan kita kaya Im really sorry. Give me a chance please.

I walked out. I went inside the toilet. I cried silently. Mga ilang minuto din yun, nagiisip. Naghilamos. I composed myself para naman di halata na nasaktan ako sa mga sinabi niya, pero halata naman talaga. Paglabas ko, tumayo siya sa pagkakaupo, I walked towards him, walang experssion ang mukha, pero aminin ko nang nanlambot ako kaagad kay Bradley. I hugged him. Niyakap din niya ako. Sabi ko, IM SORRY BABE. I STILL LOVE YOU. Naiyak ulit ako, nakabaon mukha ko sa dibdib niya. Siya naman, na feel kong napatawa ng mahina, yung masayng tawa. Sabi niya, I LOVE YOU. SANA NOON KO PA ITO SINABI SAYO.

B: what do you want to do? Birthday mo eh.
M: I don't know. I'm just happy you are here
B: Me too. Buti pa, pasyal mo nalang ako.
M: Haha san ba?
B: Kahit saan. Mamayang gabi na balik ko ng Cebu. Kaya let's go.

Magkahawak kamay namin habang nahdadrive ako, nahirapan ako ng bahagya ah, pero buti nalang wala masyadong traffic nun. Pumunta kami ng Highridge. Maganda sana kung gabi kami nagpunta dun, kaso flight na pala niya. So bale yung High Ridge kasi ay isang resto na nasa ibabaw ng bundok, overlooking the city of Cagayan de Oro. Dun kami kumain, nagkwentuhan, timing kasi wala masyadong tao, gabi lang kasi matao dun.

He seemed so happy. Bakas sa mukha niya ang saya at relief dahil napatawad ko siyam dahil mahal ko parin siya. I was smiling the whole time, pero I was thinking of him. His parents, his family, his future. We can't stay like this forever. That time, I made a very big decision. How I wish I could freeze that moment, him looking at me, me looking at him. That very handsome face, deep but sweet voice, his sleepy eyes, his cute pointed nose. Tangina, parang langit... Langit na kailangan kong pakawalan.

Papunta na kami ng Shuttle Station na sasakyan niya papuntang airport. Maaga kami kaya naisip muna namin magstambay sa loob ng kotse sa parking lot. There, sinabi ko lahat. Pansin niya kasi matamlay ako the whole time, nagtanong siya, sinagot ko.

M: Babe...
B: Yes?
M: This has to end.
B: teka... Gumaganti ka no? Haha

Hinawakan ko kamay niya.

M: Im serious. Mahal mo ko. Mahal kita. Pero isipin mo ang pamilya mo, ang future mo. That's what I realized this whole time...
B: Fuck dont kid me. Ano ba!?

Naiiyak na ako.

M: we have to end this. What will happen to us, to you!? Imagine your future with me. Ano yun, wala kanang pamilya? Wag. Babe... Please.
B: Wag mo naman akong gantihan oh. Babe naman. Please.

Hinawakan niya yung dalawnag kamay ko, partially magkaharap na kami habang magkatabi.


B: I cant lose you again. Fuck dont do this.

I saw his eyes, watery, truning reddish. Nasaktan ako sa nakita ko pero inisip ko lang kung ano ang tamang gawin. Ang tama, yung tama para sa kanya.

M: Remember this. Mahala kita. Kaya kita pinapalaya. Mahala kita. Masyadong mahal kita para pahirapan ka. Please Bab...
B: Stop. Stop!!!

Binitawan niya ako, kinuha bag niya mula sa likod, kinuha yung shades niya at sinuot para matago ang lumuluhang mga mata.

B: Galit ka lang. Pagbalik ko ng Cebu, chat tayo. I will call you. I cant lose you. Fuck my family. Who cares!?

Lumabas siya, naglakad papasok ng waiting lounge. Ako naman, naiyak nalang sa loob ng kotse. Kinagabihan, wala akong natanggap na text at call. Blocked parin number niya. Kinabukasan, may random number na nagtext. BABE? Sabi ng text. Di ako nagreply. Alam kong siya yun. Ang kulit niya, pero naawa talaga ako. Ang sakit pala, lalo na kapag ikaw yung nakasakit. Yun lang tamang naisip kong gawin. Mahal ko siya Oo. Hindi ako gumaganti. Ayoko lang mawalan siya ng pamilya. Mahirap mabuhay sa mundo ng walang lovelife, pero mas mahirap mawalan ng pamilya. Ayokong maging rason sa pagkasira ng pamilya. Ayoko.

Mga ilang linggo narin, natigil na ang mga calls at texts mula sa random numbers. It's better off this way. Nagfocus ako sa career ko. Dun, perfect escape. Pero aaminin kong naaalala ko parin siya. Yung sakit andun parin. Yung pagkamiss ko sa kanya, di nawawala. Pero kailangan kong magpatuloy sa buhay ko. Alangan naman nastuck ako sa situation na yun. MOVE ON.

Five months later, I went to Cebu to visit a project. I did not tweet. Business purpose lang talaga. 2 days sa Cebu. Trabaho. Trabaho. Trabaho. I met with the Contractor sa site mismo ng isang mall. Malapit na final touching sa project, together with the client. Siguro second to the last visit ko na yun. Pinakilala sa akin ng contractor yung bagong Project Supervisor niya. I got shocked. Natameme ako ng ilang segundo pero buti nalang, I recovered quickly.

Constractor: This is Brad, siya yung Supervisor na pumalit kay Jason.

Brad: Hello Sir. Nice to meet you.

We shook hands. It was a very casual meeting. It ended by 7pm, kaya nagpadinner si client sa amin. Puta, nakakailang. Siyempre, panggap panggap lang na parang wala. Tahimik din si Brad. Pansin kong okay na siya. Natuwa naman akong makita na maayos na siya. Sana maayos na talaga siya.

Nagpaalam na kami sa isa't isa. Si client umuwi, si contractor umuwi, si engineer umuwi, si Bradley... Hindi. Naiwan kaming dalawa.

Nagmadali akong naglakad palabas ng restaurant, malapit lang hotel ko, same hotel parin. Pero nahabol niya ako.

B: Sir!
M: yes?

Huminto ako, lumingon. Bigla niyang hinawakan kamay ko, sa walang pagdadalawang isip, ginawa niya yun. Di niya ininda mga tao sa paligid, buti nalang walang pake mga tao sa Cebu sa mga ganung eksena. Di ako nakapagsalita. Naglakad kami papuntang hotel ko, di ako umangal, basta, pumasok kami ng kwarto. Sinara niya yung pintuan, bigla akong niyakap. Naiyak ako, di ko napigilan.

B: sshhh... Don't cry. Wag mo nang isipin pamilya ko ok?

Di ako nagsalita, sa halip, niyakap ko din siya ng mahigpit. Sobrang higpit na narinig ko siyang napabuntong hininga.

Hinalikan niya ako sa noo, sa mata, sa cheeks, sa lips. That time, we just kissed, kiss na parang wala nang bukas.

Me: Di ka na galit?
Brad: Hindi. Mahal lang kita.

(end)

Maraming Salamat sa Pagbabasa. This was a fairytale na di ko maimagine na mangyauari sa tutuong buhay. I'm not sure kung ano magiging future namin ni Bradley pero di ko na iniisip yun. Magiging matapang ako sa kung ano man ang mangyari.

Please sa mga may idea kung sino ako or kung sino si Bradley, let's make it a secret.  Hehe. Salamat.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This