Pages

Thursday, April 12, 2018

Twitter Thesis Adviser (Part 1)

By: Gabriel

Mga ilang taon nadin akong nagtutwitter. Perfect medium to vent out my frustrations. Kaibahan kasi nun sa FB, walang pake mga tao, walang mga judgemental masyado sa mga drama mo sa buhay. After passing the board exam, I posted a picture of me with a very long caption. Masaya naman ako dahil madami naglike at nagretweet. Di naman umabot sa point na viral. Bale yung post ay tungkol sa achievement na nagawa ko sa pagpasa ng boards. Anyway, some random guy sent me a direct message. (Hindi ko na sasabihin yung profession ko hehe)

"Congrats Sir!"

Sino naman kaya to. I opened his profile. Student pa pala. Let's call him Bradley.

Me: Thank You!

Nagpakilala naman siya. I learned na on-going na pala siya sa thesis year niya, same course kami, tapos shiftee din kaya 6 years nang nasa college, 21 years old, madami followers (900 that time tapos konti lang following). Judging by his photos sa twitter, matangkad siya, may kamukha siyang korean na artista pero di naman siya korean looking or chinito. Parang nasa Penshoppe ata na poster? Di ako sure. Di kalakihan ang katawan pero sporty/buff type kasi may pics siyang nasa beach/pool. Siya yung type na parang famous sa department nila.

Brad: Currently in my thesis year. Pa advice naman po. Hehe
Me: Sure! Give me your email. Send ko din sayo dun mga references ko.
Brad: Salamat :)

Madami dami din kaming mga napaguusapan through dm's. Mostly kada weekend. Medyo nakakailang lang nung una tapos ang hirap lang mag explain kasi though chat. From CdO kasi ako, siya naman Cebu. It went on for months. Naging tweetmate kami kumbaga, na kahit naman labas sa academics yung tweets niya at akin, we still reply and like each other's quotes. Mostly mga hugot/rants/jokes tweets. Kahit naman di ko pa siya lubusan nakikilala in person, I can say he is fun to be with.

I also stalked him. Madami siyang pics na parang nakaphotoshoot talaga. Very good looking, model type of guy, instagrammable kumbaga, pero si ko alam kung may insta siya dahil wala naman akong insta. No wonder why andaming followers. Andami kong nalaman (stalker talaga), tatlo sila magkakapatid, pangalawa siya. Maykaya din pamilya niya, judging by the pictures of him in his house. Tapos siya yung type na mahilig sa adventures. May Girlfriend pala siya (ex?), lumang post na kasi, 7 months ago na, tapos "happy 2nd anniv Babe" yung caption. After nun wala na silang pic. Di ko rin malocate yung account ng girl.

November that year, I had a two day visit in Cebu (business pursposes lang), so i tweeted it. Di nadin ako active nun sa FB.
Brad: Welcome to Cebu Sir!
Me: Thanks Brad!
B: Gano po katagal ang stay?
M: pinapaalis mo na ako?
B: di naman sir. Hoping to see you in person.

Somehow, natuwa ako sa huling reply niya. Napangiti nga ako mag-isa. Di ko naman idedeny na he's an attractive guy, pero unang una, he is more than two years younger, second, straight naman siya, third, wala siyang idea who I really am. Sabihin nalang natin I'm a closet/very very discrete bi. I had two ex-girlfriends nung college, pero di ko pa naexperience relationship with a guy. Secret flings, maybe meron.

Me: Haha. See you when I see you

Before my flight, gabi kasi flight ko, stambay muna ako sa Ayala, sa may fully booked to be exact. Nagbasa muna ako ng libro at nalimutan kong icheck phone ko. After nun, nagbook na ako ng uber papuntang airport. I tweeted "Bye bye Cebu!", with a picture of Ayala Cebu's garden.

Hours later, while nasa departure lounge na ako, Brad tweeted me.

B: Sir nasa Ayala ka kanina?
M: Yes. Why?
B: Andun ako kanina. Hindi mo man lang sinabi sa akin.
M: Sorry Ah. I forgot to check my phone eh. Hehe.

I felt really weird that time. Somehow, slightly lang naman, i felt regret. Bakit nga ba di ko naisip na i-pm man lang siya? Pero bakit ko nga ba siya sasabihan? Ano yun, eyeball?

B: magkikita na sana tayo
M: Um. Why do you want to see me?

Walang response. Mga ilang minuto pa nang magreply siya.

B: Haha paconsult lang ako sa thesis ko.

Ah. Ganun naman pala. Masyado lang ako madaming inisip, at mali pa ang naisip ko sa kanya. Haha.

M: pm at email nalang. Hehe. Balik naman ako soon.
B: Thanks Sir. Ingat sa byahe! Next time dala ka ng pastel. Hehe joke lang.
M: hehe sure!

---

One time nagpost ako ng pic ko kasama pinsan kong babae bago kami sumabak ng river rafting. Madami naman kami nun, nagkataon lang na yun yung una kong napost. Yung kaming dalawa lang. Pagkauwi namin, may mga naglike at nagcomment nadin. One comment shocked me.

B: Gf?
M: Haha secret
B: Deny pa.
M: No comment
B: Sus
M: Don't be jealous

Naging makulit na ang replayan namin.

B: Kaso ang ganda nya para sayo. Pakiregardz naman ako hehe
M: Wow ikaw na ang pogi
B: Salamat haha
M: Ganda din ng Gf mo
B: Wala ako gf no
M: Eh sino pala si Babe? haha
B: Stalker!
M: Hahaha sorry

Sabi niya di daw niya yun nadelete. Matagal na pala silang hiwalay, 3 months after that picture was upload, nag break sila. Di ko lang alam ah, pero nagtweet ako sa kanya.

Me: Pinsan ko siya. Haha.

Hindi ko naman kailangan mag explain kung sino yung babaeng kasama ko sa pic, pero di ko alam kung bakit. He replied naman with a smiling emoji.

---

Pagsapit ng Noche Buena, siyempre nagtweet ako. MERRY CHRISTMAS!

Brad: Merry Christmas Sir. Nacheck nyo email ko?
Me: Yes Brad. Email ko sayo soon ang corrections ko. Konti lang naman. Tsaka maganda na structure ng methods mo.
B: Kala ko kasi di mo nacheck. Di kana active ah.

Naging Busy kasi ako sa current project ko. May time pa ba ako sa social media? Wala na nga akong time matulog. Lero I assured him naman na nachecheck ko emails niya (kahit minsan delayed ako ng checking haha).

B: Di ka na din nagrereply sa mga tweets ko haha.
M: Miss mo na agad ako? Ganun? Haha
B: Haha ew
M: Ew ka jan. Sorry busy lang. Hehe
B: Sorry sir. Nakakastorbo na ba ako?
M: Di naman. Bat mo naman natanong?
B: Ah wala. Sige merry christmas ulit sir.
M: Same goes to you.
B: :)

---

Bago mag new year, bumalik ako ng Cebu to visit a project. 2 days lang dapat pero I decided na gawing 3 days. Bale 1 day allowance. I was thinking na baka magkita kami. Alam kong parang ansagwa kung iisipin mo, pero di ko maitago na nagbabakasakali akong makita siya in person. Lagot na.

Last Day in Cebu, Sunday. Monday morning pa flight ko. I tweeted, LAST DAY IN CEBU. WHAT TO DO? Actually wala kong balak gumala, pagod ako, pero I was hoping na mabasa niya at magreply. Ayoko namang sabihin direkta sa kanya diba?

B: Sir. Andito kayo? Di nyo naman sinabe
M: Sorry nakalimutan lang hehe
B: Palagi nalang akong nakakalimutan
M: Hugot
B: :(
M: Uy Sorry na.
B: :( :(

Alam ko namang nang-aasar lang siya pero tangina pinapakilig ako e.

B: Saan ka ba?
M: Hotel. Maya punta ako Ayala for lunch.
B: Kaw lang mag-isa?
M: Kasama ko asawa ko
B: May asawa kana!?
M: Haha joke wala. Ako lang.
B: Haha pota kala ko meron... Sorry. Haha. Pwede ako punta sayo jan mamaya? Dalhin mo thesis ko.
M: Sure check ko mamaya. Buti pa samahan mo nalang ako maglunch.
B: Sure. My treat!
M: Buang! My treat!
B: I insist sir. Tsaka pasalamat ko nalang for your help.
M: No. My treat ok? See you.

Di na siya umangal. Pasikat pa, oo alam kong mayaman siya. Pero kakahiya naman diba? Ako na nga tong professional na tapos studyante pa pagbabayarin ko sa pagkain. Bago ako umalis ng hotel, naligo ako ng sobrang tagal. Ewan ko ba pero talagang naghanda ako. Dalawang beses ako nag shampoo at nagsabon ng katawan. Samahan mo pa ng shower gel. Toothbrush ng napakatagal na halos masugatan na gums ko. Pabango, wax sa buhok, deodorant, pabango ulit. Nakakagago lang.

Nagtext siya. Nasa *** restaurant nadaw siya. Shit. Kinabahan ako. Naglakad na ako papuntang Ayala, malapit lang naman hotel ko. Habang naglalakad, sobrang kaba na ang naramdaman ko. Alam kong for Academic pursposes lang ang meeting namin pero di ko naiwasang isipin na pano kung madismaya siya sa hitsura ko? Ewan ko ba. Wala naman dapat kasing ganun.

I saw him. Lakas na ng kabog ng dibdib ko pero I maintained my calm posture. First time kaming magkikita. I waved my hand sa di kalayuan, nagsmile siya. Pota.

He was wearing a black t-shirt, di naman ganun ka fit pero dahil matangkad talaga siya, kita mo arms niyang mahulma. Fades jeans suot niya at rubber shoes. Naka bag, tapos may relo. Yun lang. As expected, very attractive. Di naman yung tipong mala Piolo Pascual or Enrique Gil na sobrang mestiso o kung ano man, pero yung tipong alam mo na. Kamukha nga niya yung k-star na nasa penshoppe pero di siya chinito.

Brad: ... Sir Gabriel?

Nagtanong siya nung magkasama na kami, nakatayo sa labas ng resto. Medyo nahirapan siyang i-identify ako dahil nakasalamin ako, sa profile pic ko kasi wala akong salamin.

Me: Yes Bradley, not what you were expecting? Hahaha.
B: No. I mean, nakaglasses ka kasi.
M: Haha oo matanda na kasi.
B: Sus 23 daw siya, you look 16. Haha
M: Ay ikaw sipsip ka sa teachers mo no
B: No seriously sir. You look really younger than your age.

Salamat. Kinilig naman ako. Actually compared to him, i look younger talaga. Mas maliit kasi ako (5'6), may lahing chinese kaya maliit mga mata. Tapos sabi nila naman daw medyo baby face parin daw ako kahit stressed (pwera nalang sa eyebags). Naks.

M: San na ba papers mo. Check ko nga.
B: ah. Eh. Mamaya na sir kain nalang muna tayo. Hehe.

Kumain kami. We changed our minds at nagpizza nalang. Masaya siya kasama, madaldal, konyo din paminsan minsan. Kaso at first talaga, it was really awkward.

M: San na papers mo? Check ko na nga.
B: Ah--sir.
M: Yes?
B: Nakalimutan ko kasi. Hehe.
M: Ano?
B: mmm...

Natahimik ako ng ilang segundo. Di ako galit dahil di niya dinala papers niya. Natameme lang ako dahil ano pa bang dahilan para magsama kami nung araw na yon? Wala.

B: Buti pa sir, treat ko nalang kayo ng coffee. Hehe.
M: Ummm. Why?

I crossed my arms.

B: Hehe peace offering sa abala ko sayo.
M: Ok sige sige mapilit e. Haha. San ba.

Kinagabihan, I decided na umuwi na kasi maaga pa flight ko. Sabi ko email nalang niya sakin para macheck ko pagkabalik ko ng CdO. Sabi niya hatid daw niya ako sa Hotel, pumayag naman ako. Nailang na naman ako. Trip ba ako neto? Alam ba niyang trip ko din siya? Ano bang balak niya o baka madumi lang isip ko. Mali kasi yung ginagawa namin eh.

Binasag niya katahimikan.

B: Sir. Gusto mong samahan kita tonight?
M: e..a... Bak...bakit?
B: You know...

Umakbay siya sa akin habang ako naginginig na. Bumulong siya.

B: I want to fuck you...

Di ko alam kung ano ang sasabihin. Sa labis na kaba at takot na naramdaman ko (Takot kasi mali yung magkasama kami ng ganun. Very unethical of me. Takot akong masuspend, mapahiya o kung ano man dahil dun. Worst case scenario lang naman). Inalis ko pagkakaakbay sa kanya.

M: linawin ko lang ah. Bakla ka ba?
B: Hindi. Kailangan ko bang maging bakla para kantutin ka?
M: Uy ikaw ha. Prank to?
B: No.
M: Paalala ko lang sayo Bradley, I'm your adviser, higit sa lahat, I'm your senior!

Natahimik siya sa ginawa ko. Nakita niya siguro na di ako nagbibiro, at nagalit ako.

M: O..ok... Let's just forget this night. I have to rest, maaga flight ko, check ko thesis mo once nasa CdO na ako. Good night.

Nagmadali akong naglakad papuntang hotel. Tangina, Bradley ano yun? Hindi ako pakipot, oo siguro attracted ako sa kanya pero mali talaga at takot ako sa mga consequences sa lisensya ko at sa kanya na din.

Hindi ako nagtweet o nagtext man lang sa kanya. Basta nakauwi na ako ng CdO. Nag logout ako ng twitter, that time, zero social media na ako. 2 weeks din yun. I did not forget na icheck parin emails niya. Nagrereply naman siya, THANK YOU SIR. Ganun lang. Ang awkward nadin kasi. Kasalanan niya dahil pilyo siyang bata.

February. Isang event for the construction industry ang ginaganap every year. Three days yun pero usually on the second or last day na ako bumibisita. Tingin tingin lang sa mga bagong products. Dahil gabi na, nagdinner ako sa isang resto dun sa third floor. Sa di inaasahan, may biglang umupo sa harapan ko, sa table kung saan ako kumakain.

Me: BRADLEY?

Teka. I shook my head to make sure na kaharap ko talaga siya. Siya nga!

Me: What are you doing here?
B: Um... Research sir. For my thesis. Hehe.
M: Ako pa binola mo. Bakit ka ba andito? Tsaka pano...
B: Nabasa ko tweet mo kanina. Nakalimutan mo na Sir?
M: A..ah. ok.. Dinner?

Inalok ko siya pero tapos na daw siya. Awkward kasi pinapanuod niya akong kumain. Napansin kong may dala siyang bag. Pagkatapos kong kumain, pumunta kami ng Starbucks dahil that time, dala na niya talaga yung papers niya. So i checked it. At habang ginagawa ko yun, tahimik lang siya at pinapanuod ako.

M: okay na. Yan revise mo yung may mga red lines.
B: Salamat po.

Natahimik kami. Sobrang nakakailang putangina.

B: Sir sorry nga pala. Yung ginawa ko sayo sa Cebu...
M: Uh... Ok na yun. Forget it.

I smiled. Tsaka ok na naman talaga yun, ayoko lang pag-usapan kasi ang awkward. Nagsmile din siya. Ganun lang. Sobrang nakakagago yung moment na yun. Nag-umpisa na kaming maglakad palabas, ako kasi nasa basement nakapark kotse ko tapos siya naman medyo nasa may di kalayuan hotel niya.

M: san ka ba nakastay at ihahatid kita.
B: Naku wag na sir tsaka abala lang. Kaya ko nang magtaxi.
M: San nga?
B: Sa Pearlmont.
M: Ah ok malapit lang. Tara hatid na kita.

Di siya nagsalita. Nahiya parin siguro. Nagkabaliktad ata kami, kanina kasi ako yung tahimik pero this time ako na yung matanong. Habang nasa loob ng kotse, at traffic din papuntang Pearlmont, natanong ko siya kung bakit ba talaga siya napadpad ng CdO.

B: Research nga...
M: Bradley. Nagthesis nadin ako. Tsaka anong connection ng thesis mo sa Cagayan de Oro. Ano bang meron dito ha?
B: Ikaw.

Pota. Ano!? Napalingon ako sa kanya.

B: Ik..Ikaw adviser ko kasi Sir diba. Ang hirap naman kasi kung puro chat at email lang...
M: Ok.

Di na ako nagsalita. Ako na naman yung natahimik at natameme. Tangina Bradley wag mo akong paglaruan ng ganto kasi ang hirap pigilan ang sarili ko. Tama na please.

Nagpark ako sa may gilid, drop ko lang siya. Pero di siya agad agad bumaba. Tinggal niya seatbelt niya pero naupo muna siya. Ilang segundo ay wala kaming imikin, di ko nga siyang magawang tingnan eh. Naghihintay lang ako na magpaalam siya at bumaba.

B: ... So... Sir... I think I have to go now.
M: Ah.. O...ok.
B: Sige good night.
M: Good Night din

Binuksan niya pintuan ng kotse ng bahagya, yung lalabas na sana siya pero sa isang kisapmata, hinalikan niya ako sa pisngi ko sabay sabing "Good Night", tapos nagmadaling bumaba at pumasok ng hotel. Yung utak ko, parang dinaig pa traffic sa Edsa. Nahinto ata sa pagproseso. Fuck. Buti nalang tinted yung glass ng kontse. Buti nalang gabi na at di matao. Buti nalang walang nakakita! Andami kong concerns sa buhay.

Late na, pero naisip ko magkape muna sa malapit na 7/11. Monday pa naman bukas. Nalimutan kong tanungin si Bradley kung kelan balik niya ng Cebu. Pero bago paman ako makapagtype ng message, nagtext na siya.

B: Good Night Babe :)

Nag-iisip ako ng reply. Kinakabahan pero at the same time, natatawa na napapangiti na nanginginig. In short, kinikilig.

M: Stop this please.
B: I wont. I cant.
M: Why are you doing this Brad?
B: Sabi ko diba, I want you.
M: This is wrong.
B: Why
M: You're a student
B: Im graduating in two months
M: You're a minor
B: I'm 21 already.
M: I'm 23. Turning 24 in July
B: The fuck with 3 years?
M: You don't understand Brad.
B: I don't understand you. But I know how I feel for you.
M: You'll understand soon after you get your license.
B: This is not forbidden. Gabriel, I know how you feel for me, too. Please give US  a chance.

For the first time, tinawag niya ako sa Name ko. Kahit text lang yun, ramdam ko. Noot sa buto.

B: Babe?
M: Yes?

Shit. Nareplayan ko talaga ng YES.

M: I'm sorry. It was not meant that way. Please don't call me that.
B: But you answered me already when I called you Babe. :)
M: Bradley!!!
B: Yes Babe?
M: Ah ewan ko sayo. Tulog na ako. Night.
B: Night din, Babe. Can I hug you right now?
M: Bleh

Ang kuleeeet. Sa halip na mainis ako, oo naman aminado akong takot ako pero habang katext ko siya, tawang tawa ako at tuwang tuwa ako sa mga kakornihan namin.

M: ahem... Kelan ba kasi balik mo.
B: Tomorrow. 6pm flight ko.
M: Ah ganun.
B: You're gonna miss me Babe. I know it.
M: Haha feeling ka Babe.
B: Im so happy!!! You called me Babe.
M: Haha joke lang Babe.
B: Babe I want to see you. Where do you live?
M: Gago tulog ka na.
B: Babe please...
M: ******. Di mo din alam yun kaya kalimutan mo na.
B: See you soon Babe.
M: Ok whatever babe.

Natamaan na ako. Umuwi ako, nakangiti habang nagdadrive, hanggang sa pagtulog ko, grabe yung ngiti ko.

Kinabukasan, nagising ako bandang 6:30 AM. Paalis na din nanay ko nun kaya ako nalang kinalaunan. Magbebreakfast na sana ako nanh tumawag si Bradley.

B: Good Morning Babe.
M: Ahem. Morning.
B: Sabay tayo breakfast?
M: Eh wag na. Kain ka na dyan.
B: On my way na ako dyan. Sunduin mo ko sa gate ng Subdivision nyo.
M: ANO!?

Naputol na ang linya. Wala pang 30 minutes, nagtext na siya. Andun nadaw siya sa jollibee katabi ng Chevrolet, malapit lang sa gate ng subdv namin. Shet. Nataranta ako, di ko alam ang gagawin, naghilamos ako bago ako lumabas. Ok, Gab, relax lang. Medyo natagalan ako dahil naglakad lang ako.

Nakita ko siya sa loob ng Jollibee, nakaupo, naghihintay, as soon as he saw me, he smiled and waved at me na parang inalok umupo. Hindi muna ako pumasok pero tumayo siya at sinalubong ako. Hinila niya kamay ko papasok ng Jollibee. Pinaupo at tinabihan, pero yung parang casual lang naman na gesture, di yung malandi.

B: Anong sayo?
M: Anong akin?
B: Sige na gutom na ko Babe.
M: HOY TUMIGIL KA BAKA MAY MAKARINIG
B: Sorry babe (pabulong)
M: Eh sayang may niluto nanay ko sa bahay.
B: mmm. Dun nalang tayo?
M: Ayoko nga. (kinabahan na ako. Mukhang bahay ata ang ending namin)
B: Sige ka sisigaw ako na boyfriend mo ako kapag di ka pumayag sige ka.

Ayun na nga. Sa bahay kami kumain. Madaldal siya, pasalamat siya wala nanay ko... Or pasalamat ako dahil wala ang nanay ko? Haha.

Habang naghuhglugas ako ng pinagkainan, nag inist siyang tulungan niya ako pero sabi ko NO. Tumigil naman ngunit sa di ko inaasahan, niyakap niya ako mula sa likod, sinandal yung baba niya sa balikat ko, bale rinig ko na paghinga niya. Amoy na amoy ko. Hindi ako nakareact, nagpatuloy sa paghuhugas, pero nakangiti na ako. Pinipigil ko nga pero di ko na kaya.

B: Babe?
M: mmm?
B: Uy. So tayo na talaga?
M: Haha ewan ko sayo Bradley. Di ako makahinga.
B: Sorry. Sarap mo kasing yakapin.

Pinisil niya yung konting bilbil ko. Nakiliti naman ako.

M: Hoy tigil nga! (muntik kong mabitawan yung baso)
B: Babe.
M: Ano nga?
B: babe...
M: Ano nga eh!

Hi alikan niya leeg ko, tenga, cheek ko. Hanggang sa pinaharap na niya ako at tuluyan nang hinalikan sa labi. Slow mo nga, sabi nila. First time kong magka slow mo moment. Ugh!

M: Teka hmmff.. Bradl.. Fmm...

Matapang na siya sa paghalik, bahagya ko siyang tinulak.

B: Ayaw mo ba Babe?
M: Haha kailangan kong mag mouthwash!
B: I don't care.

Hibalikan na naman niya ako. That time, naghalikan lang kami hanggang umabot kami ng kwarto. It happened. Just like that. I wish I could share pero ayoko. Hahaha.

Nakahiga siya, nakapatogn ako sa kanya, my head on his chest. Rinig ko heartbeat niya.

B: Balik na ako mamaya Babe. Hintayin mo ako ah, lapit na graduation ko.
M: hmm...
B: Anong hmm?
M: Oo sabi ko Oo. Kaw naman.
B: I lo--basta wait for me.

Di ko alam pero parang di niya sinabi ang dapat niyang sasabihin. Gusto ko sanang marinig pero lutang nadin ako, nakatulog at nagising nadin bandang 11am. Naglunch na kami, at namasyal ng konti. Malling lang naman. Hanggang sa sunakay na siya ng shuttle papuntang airport bandang 3pm. Casual goodbye lang ginawa namin, pero nagtext siya sa akin. SEE YOU SOON BABE. I replied, I Love You, Babe. Nag reply siya ng Smiling emoji.

Naging busy ako, ganun din siya. Malapit na kasi thesis defense. Kahit ganun, we maintained our communication. I asked him kung kelan Graduation nila. I secretly bought a ticket and a hotel, plano kung isurprise siya.

Minsan nakikita ko mga posts niyang pics. Nainis lang ako kasi di niya sinabing may partner pala siya sa thesis! Babae pa!

M: Akala ko ba maghihintay ka
B: Oo naman babe.
M: sino yung nasa pic?
B: Si Tricia yun thesis partner ko
M: Di mo sinabe
B: Uy nagseselos ang Babe ko
M: Buang haha hindi ah
B: Ikaw lang pramis

2 months later. Naging mailap communication namin pero ok lang naman din. Busy talaga siguro yun. Hanggang dumating na akong APRIL ***, nasa Cebu na ako. I tweeted him. Di siya nagreply. Sabe ko sa sarili ko, baka tulog pa. Puyat ata. So naghintay ako. Offline siya, kasi inactive siya simula pa last week. Anyare? Naghintay ako. 4pm, nagtext siya bigla.

B: Sorry ah kakagising lang.
M: Ok lang babe. Dito ako cebu. Sa *** Hotel.
B: Ha!? Di mo sinabe?
M: Surprise!
B: salamat :(
M: Sad?
B: ...
M: Hoy ano?
B: Kita tayo maya. Puntahan kita.

Parang tumalon puso ko nun. Nahhanda ako, everything hinanda ko sa pagdating niya. Napraning ako kakahintay hanggang sa marinig ko yung phone kong nag ring. Nasa baba na siya. Sinundo ko siya. I smiled, he looked stressed. Binalewala ko yun so pumunta na kami ng room. I congratulated him and gave him my gift.

M: Congratulations Babe. Ehto gift ko.
B: Uh sa..salamat...
M: Upset?
B: ...Gab.

Natigilan ako dahil may naramdaman akong mali. Mali. Mali.

M: something wrong.

I saw him, lumuhod, yumuko sa harapan ko. Umupo ako, pilit siuang pinatayo pero napaupo na din ako.

B: I'm sorry. This has to end.

Natameme ako. Tumigil lahat.

B: Kami na ni Tricia.

Talagang di agad nagregister lahat sa utak ko. Tumayo ako, umupo sa kama, tumayo at pumunta sa may bintana. Nakatanga sa city view at namanhid. I heard him apologized pero di talaga ako nagsalita. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako ng tahimik. Tangina ano yun!?

Narinig kong nag BANG yung pintuan. Umalis na siya. Habang ako, sumandal lang sa pader, naupo sa sahig, nakatanga, nakatingala, lumuluha, hinimas ko dibdib ko, minasahe kasi ang sakit eh. Sobrang sakit.

---

Months later, Naka move on na ako. Biro lang. Actually ang hirap. Four months nadin nakakaraan. Log out na ako sa twitter. Walang social media. Pilit kong kinalimutan lahat pero andun parin yung sakit.

Buti nalang may support system ako, yung pinsan kong nagiisang nakakaalam ng lahat. Siya kadamay ko. One time nag dinner kami sa bahay niya, dun ako sumabog talaga. Sana makalimutan ko na siya.

Kahit hirap, pilit akong bumabangon. Para kanino pa, edi para sa akin diba?

July. Birthday ko. Naging masaya naman lahat. The day after ng celebration was Sabado. Nagkataon na wala nanay ko for the whole week, nasa Manila. I invited my friends outside for some little celebration. So ayun, kinabukasan, nagising ako sa nakakaraming doorbell rings. Sino naman kaya yun. I opened the door, The gate, at parang nanaginip lang, pagbukas ko, it was Bradley, with a teddy bear.

- itutuloy

No comments:

Post a Comment

Read More Like This