Pages

Wednesday, April 25, 2018

Miguel My First Love (Part 2)

By: AB.Borromeo

Pumasok na siya ng CR at ako naman ay bumangon na sa aking kama, tangina! Basing-basa ng precum ang boxers ko na kulay grey, ano to? Nalabasan na ba ako? Umiling na lang ako at nag palit ng shorts.

Naghahanda ako ng hapunan naming dalawa ng lumabas siya ng CR.

Miguel: Tl, thank you pala dito sa pinahiram mong boxers tsaka yung susuotin ko mamaya sa shift. Wow, sarap nyan ah, marunong ka palang mag-luto?
Ako: Sus, alangan namang hayaan kitang magsuot ng maruming damit? Kumakain ka ng Sinigang na Baboy?
Miguel: Yown, paborito ko yan TL Brei!!!
Ako: Talaga, Sige mga 10 minutes pa..

Ngumiti na lang ito habang nagtutuyo siya ng buhok niya, palihim ko siyang tinitignan, panaginip lang nga ba ang lahat? Sana totoo na lang. Napa buntong-hininga na lang ako.

Miguel: May problem aka TL?
Ako: Wala naman Miggy, Oh bilisan mo na dyan para makakain na tayo, 7:45 na. Baka malate tayo.

Nag hain na ako at nag simula kaming kumain, nag-simula na din kaming makwentuhang dalawa, madaldal kami sa isa’t –isa, naikwento ko din na isa akong graduate ng HM na Kurso at yung mga previous work experience ko sa Bida ang Saya. Nagulat siya kasi hindi halatang HM Graduate ako, dahil nakapaka-angas ko daw sa floor. Well, totoo naman yun, nag magsimula ako as Call Center Agent, lagi akong nasa TOP, dahil na rin siguro sa pag pupursige ko, at tsaka, nagging way din yun para maging TLT agad ako. And hoping to be a TL soon. Sana nga eh. Nalaman ko ding Eng’g Graduate siya, actually licensed Mechanical Engineer siya. Napadpad lang naman siya sa BPO industry dahil sa mga kabarkada niya, at siempre mas malaki yung offer, napagplanuhan niya na din na after a year or two, aalis na din siya para i-pursue yung engineering career niya. Wow, so Engineer pala ang poging ito. Mas nakakaturn on.

Miguel: Top ka ba ngayon TL?
Ako: (namutla siguro ako sa tanong niya) What?
Miguel: I mean TOP TLT ka ba ngayon?
Ako: Ahhhh, yun ba? Yes! Running first ako ngayon, and hoping na ma continue ko pa sa batch niyo.
Miguel: (tumawa siya sa sagot ko) Alam mo TL, iba iba yung nasa isip mo! (tawa siya ulit) Sige hayaan mo, at gagawin ko yung best ko at i-encourage yung buong team na we should do our best! Para sayo TL!
Ako: Okay, thank you! Asahan ko yan.
Miguel: Ako TL, top ako….

Nagtinginan kaming dalawa, iba ang tingin niya sakin. At nag tawanin kaming dalawa. May throw pillow malapit sakin kaya binato ko sa kanya!
Ako: Gago!!!! (sapul siya mukha at patuloy lang ang tawanan naming dalawa)
Miguel: (tawa pa rin ng tawa) Ibig kong sabihin, Magta-Top din ako, top Agent, katulad mo.
Ako: Oh siya, taposin mo na yan at maliligo na din ako. Pwede bang ikaw na lang yung maghugas ng pinagkainan natin.
Miguel: Sure TL! (at nag salute pa yung mokong)

Naligo na ako, and normally hindi ko sinasara yung pintuan ng CR kaya habang nag sisimula akong magsabon ng biglaang pumasok si Miguel!!!

Miguel: TL, saan pala nakalagay yung sab----
Ako: (nagulat ako at napasigaw at nag takip ng harapan ko gamit ang aking mga kamay..) Putangina!!!! Ano ba naman Miguel!!!!!
Miguel: Hala TL, Sorry – Sorry ----

At dali dali siyang lumabas sa CR, habang ako na sa state of shock, nabosohon ba ako. Tangina!!! Nakakahiya!!!

Miguel: TL????
Ako: H-ha?
Miguel: Nasaan yung sabon? Pa-para sa p-plato?
Ako: S-sa may ibabaw nasa drawer..
Miguel: Okay, thank you TL, sorry ulit

Halos magkanda utal kaming dalawa, natameme ako ng ilang minute, at nang bumalik na ako sa wastong huwisyo, bumalik na ako sa paliligo ko, late na ako. Pucha!!! Dali dali akong nag bihis at siya din, at bumaba na kame ng unit ko at sumakay sa sasakyan. Wala kaming imikan simula ng insidenteng iyon, tumikham siya habang nasa byahe kami dahil sobrang awkward na.

Ako: Yes?
Miguel: TL, sorry ulit tungkol kanina ha?
Ako: Sus, para sa yun lang, di mo naman sinasadya diba?
Miguel: Siempre naman Tl, hindi. Pasensya kana ha?
Ako: Okay lang, katok ka naman kasi next time.
Miguel: Pero TL, ang laki at kinis ng pwetan mo.
Ako: (napa-preno ako kahit di traffic) What the fuck? Ano pa nakita mo?
Miguel: Parang timang to, lalaki ako, lalaki ka din, ano masama dun?
Ako: Ang daya!!!! (halos mag wild nako sa sasakyan)
Miguel: Oh siya siya, next time papakita ko pwet ko sayo para di unfair! Ano? Game???
Ako: Tangina mo (at tumawa na lang kaming dalawa)

Nakarating kami ng office at mabuti na din at hindi kami na late, panay pa rin ang daldal niya habang paakyat kami ng production floor, at daldal talaga, puro siya kwento sa achievement niya at puro tango lang ako, nakikinig din naman ako siempre, we decided na mag stay sa pantry together with my entire team, I even talked to them, I got to talk to Luis as well, marketing graduate siya sa isang Catholic School din ditto sa Bacolod, and ayun sobrang tawanan lang sa pantry at nag start na shift, nakaka proud dahil ang daming returns and take note, puro 100 lahat, we ended the day with 15 returns na puro 100, naka 4 100s si Miguel siya ang Highest/Top Agent for the day nakin. I can see that he really wanted to learn so much from the company and the products that we offer, naka pag benta din siya ng service. So bonus din yun sa kanya. Magaling siya, yung command ng language niya is excellent. So tambay ulit kame sa 7/11. And siempre si Miguel ulit kasama ko. Naninigarilyo ako while talking to him, pero nagulat ako sa ginawa niya, he took the cigarette, so I let him, akala ko mag sisigarilyo din siya, pero pinatay niya yung sigarilyo..

Ako: What? Bakit mo pinatay?
Miguel: Alam mo? Ang stressful na nga ng work mo, tapos nag sisigarilyo ka pa!!! Are you trying to get yourself killed?
Ako: and so?
Miguel: And so? Stop smoking! Kung magiging tenant mo na ako, you should stop smoking! I don’t like smoke!!!
Ako: and who told you na magiging tenant kita?
Miguel: Ako!!! Kaya ko namang mag bayad ng rental fee, magkano ba TL? Nag inquire ako kagabe, wala na daw available na unit  dun and since ang laki naman ng unit mo, dun na lang ako if you wont mind? Papagawa ako ng kasulatan, if you want?
 Napag isip isip ako, 10 thousand yung monthly rental ko, tapos wala pa yung tubig at kuryente, kung hati kame, malaki din masasave ko.

Ako: I’ll think about it. Uuwi ka na ba?
Miguel: Decide na please, since off ko naman ngayon dahil Friday na, please decide kana so that I can transfer na bukas.. Please?
Ako: Sige pag iisipan ko, text kita.
Miguel: Give me your number TL Brei.
Ako: 0910******* sige text moko ha, para makapag reply ako.
Miguel: Yown, Sige TL, uwi nako kasi hanap nako nila Mommy and Daddy, baka nagluto siguro.
Ako: Okay, sige ingat ka! Bye!!!

Tumayo siya at pinatong yung kamay niya sa Ulo ko at ginulo yung buhok ko! At umalis na siya. Bumuntong hininga na lang ako, am I falling in love with guy na ba? At umuwi na ko.

SEE PART 3, I hope you liked my first story and this one too. See you KMreaders sa next story ko.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This