Pages

Sunday, April 29, 2018

Kupal Versus Epal (Part 5)

By: md

DEN POV
Kahit anong gising at pasok ng maaga, lagi akong late pag dating kay kupal. Ewan ko ba? Dito na ata nakatira to eh. Mukang pinalitan na si manong guard. Minsan nagtataka ako kung hawak ba nya ang susi ng school namin.
Di ko sya binati at alam ko naman kasi ang magiging reaksyon nya. Kaya umupo ako ng tahimik. Pero talagang ginambala ako ng “friendly instinct” ko. At pilit na kinausap sya.
“sumali ka pala sa Basketball Team noh?” tanong ko
Di sya umimik at patuloy na nakatingin sa bintana
“ah eh so goodluck nalang sa game nyo” sinabi ko nalang para matapos na
“luck?” tanong nya
“di namin kailangan nun. Magaling ang team namin. Magaling ako at hindi ko iaasa ang pagkapanalo namin sa LUCK mo. Baka ang team nyo, kailangan ng luck para manalo muka naman kasi kayong mahihina eh.” Dugtong nya ng nakatingin pa rin sa bintana
“anong sabi mo” galit kong pagkakasabi.
Tumingin sya ng masama na lalong nagpainit ng dugo ko. Akmang tatayo na ako nang makarinig kami ng boses na aming kinabigla.
“Children behave” sabat ni mam Vicky na nasa gitna naming dalawa
Sa isip isip ko. May power ba si mam na teleportation at nagawa niyang lumitaw sa gitna naming dalawa?
“mamaya na kayo magaway malapit na ang klase natin okey?” bilin ni mam Vicky
Maya maya pa ay dumating na ang aming mga classmate. Napuno ang room. At tska nagsimulang magsalita si mam Vicky
“okey class I will arrange you alphabetically” announce nya.
Hmmmm Dela cruz ako eh. Sino kayang makakatabi ko. Letter D? D? D?. habang tumatagal napapaisip ako. Dalawa lang naman ang may surname na letter “D” sa classroom. Ako at si……

AL POV
Badtrip katabi ko si epal. Mamaya kopyahan pa ako neto. Bakit ba kasi naging Dela Cruz sya at De Hesus naman ako. Anak ng Toknene naman oh. Sa lahat naman ng makakatabi siya pa? ang malas naman. Mukang ngayon ko kailangan yung LUCK na sinasabi nya ha?
“okey we will be having a research paper. Magiging partner nyo ang katabi nyo” ngiting announcement ni mam
“what????” sabay naming tanong ni Den
“yes sir yes sir” pangaasar na sabi ni mam Vicky
“ehhh mam ano kasi eh….” Bago pa man matapos ang sinabi ni Den eh inunahan ko na sya
“ayoko po” matigas kong sagot.
“ay sorry mga sir no choice tayo or gusto nyong ideclare kong hindi kayo nagpasa ng research sa subject ko” ngiting explanation ni mam. Parang nang aasar pa. sabay kaming napasandal ni Den at walang nagawa.
“ okey class I will assign you the chemical that you will present” wika ni mam
At napunta samin ang NEON. Ang dali naman kayang kaya ko un magisa. Di ko naman kailangan ang tulong ni epal. Baka pumalpak pa ung research namin. Magugulpi ko pa sya.

DEN POV
Dela Cruz? De Hesus? Ang malas ko naman at ka partner ko si kupal. Pero no choice eh nanjan na yan. So ako na ang umapproach sa kanya para naman mapaghandaaan namin ung paggawa ng research.
“ku- este AL, kita tayo sa gym after ng praktis namin sa soccer ng 5pm para mapagusapan ung gagawin natin” yaya ko sa kanya
“okey” padabog nyang imik habang nakatingin sa notebook nya
Bastos talaga tong kupal na to. Nakakaasar.
Around 3pm, nagstart na ung praktis namin. Okey naman ang lahat. Malapit nang matapos ang praktis ng mga 430pm nang bigla akong maout-of-balance. Nagasgasan ang tuhod ko. Direderetso ang daloy ng dugo kaya dinala ako ng mga kateam ko sa clinic para ipawound dressing. Di ko na namalayan na 5:15pm na pala. Dali dali akong bumaba ng kama ng clinic para pumunta ng gym dahil baka kanina pa nagaantay si kupal. Sinamahan naman ako ni Jess kasi nga may injury ako. Mainipin pa naman un kaya binilisan ko na ang lakad kahit masakit ang tuhod ko. Dumating ako sa gym ng around 5:20pm at nakita ko syang nakaupo magisa sa bench. Agad akong lumapit para magsorry sana pero nakita ko syang nanginginig sa galit. Tumingin sya ng masama sakin paglapit ko.
“Al sorry late ako kasi-“ bago pa man matapos ang pagsasalita ko sinigawan nyan na ako. Galit na galit sya.
“alam mo bang kanina pa ako ditto? 20mins? Alam mo bang madami na sana akong nagawa nun? Galit nyang wika
“ahh eh sorry kasi-“ singit ko pero mas lalo syang nagalit.
“bahala ka sa buhay mo” sagot nya
Di na ako nakapagtimpi dahil narin siguro sa sakit ng tuhod ko dagdag pa ang kitid ng utak nya. Agad akong nagsalita.
“bahala talaga ako” bara ko sa kanya.
nakatalikod na ako nang biglang may naramdaman ako tumama sa ulo ko. Malakas yun. Akmang babagsak na ako buti nalang at naitakapak ko ang paa ko paharap kaya nakahanap ako ng balance.

AL POV
Ayoko sa lahat ung tinatalikran ako. Nabubuwisit ako pag ganun ang kausap ko. Nakatalikod na sya ng mawala ako sa katinuan ko. Kinuha ko ang bola ko at binato sa ulo nya ng malakas. Parang fast break ang dating. Gigil na gigil ako. Napatingin lahat ng tao sa gym. Mukang nakakaamoy sila ng away. At talagang ibibigay ko un.
Nakatalikod pa din sya nang napagdisiyunan kong tumalikod palayo. Wala akong mapapala sa taong to. Ako nalang ang gagawa ng research paper magisa.
“dyan ka na, wala akong mapapala sa loser na tulad- “ di pa man ako natatapos may naramdaman akong humampas sa ulo ko. Masakit. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganung sakit sa buong buhay ko. Sa angas kong to? Walang nagtatangkang galawin ako. Plus takot sila sa kayang gawin ng pamilya ko.
Muntik na akong mapatumba buti nalang at nakapagbalance ako. Lumingon ako ng masama nakita ko si epal na naka “kick Stance” kaya alam kong sya ang sumipa ng soccer ball sa ulo ko.

DEN POV
Ang sakit nun. Alam kong binato ni al sakin ang bola ng basketball. Matagal akong napahinto. Di ako makamove on sa nangyari. Nanginginig ako sa galit. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. Pagharap ko nakatalikod na sya at papaalis. Nawala ko sa sarili ko at kinuha ang bola ng soccer na hawak ni jess at sinipa to. pinuntirya ko ang ulo nya upang makaganti. Di naman ako nabigo at nakita kong galit na galit na sya.
Ang bilis nyang kumilos. Ambilis ng takbo nya. Nakita ko syang nasa harap ko. Naramdaman ko nalang na may kamao sa humalik sa kanang pisngi ko. Malakas. Masakit. Di na ako nakailag sa bilis nya. Naramdaman kong kumirot ang labi ko. Di ako nagkamali dumudugo ito. Nakita ko syang ngumisi.
Di ako sanay sa away. Mabigat un sa loob ako. Naramdaman kong may namumuong butil ng luha sa mga mata ko pero bago pa man ito tumulo agad akong tumalikod at tumakbo. Halo halo ang naramdaman kong sakit. Sakit ng tuhod sa pagkakadapa. Sakit ng ulo dahil sa hambas ng bola. Sakit ng pisngi at labi dahil suntok. At ang pinakamasakit ay ang sakit ng puso. Masakit dahil nagawa akong makasakit ng kapwa ko. Masakit dahil nasaktan ko sya. Masakit dahil gusto ko syang maging kaibigan pero pilit nyang nilalayo ang loob nya sa akin. Gusto ko nang umuwi at matutulog. Napapagod na ako.

AL POV
Ngumisi ako. Buti nga sa kanya. Tumakbo sya palayo pero pansin kong iika ika sya. Pero bakit ganun? Nung nakita ko ang mga mata nya? Nakaramdam ako ng awa at pagsisisi na dapat di ko na sya sinaktan.alam kong mali ako pero kasalanan nya naman un eh.
Biglang nawala si jess sa pagkakatulala nang makitang tumakbo si Den.
“tol bakit mo naman ginawa un? Nainjured kasi sya sa praktis kaya nalate sya. Dinala pa namin sya sa clinic para ipatingin ang sugat nya dahil dugo ng dugo. Kahit masakit ang tuhod nya, tumakbo pa sya dito para lang makausap ka. Ang bangis mo tol wala kang puso” galit na sabi ni Jess sabay kuha ng bola at umalis.
Natulala ako. Parang huminto ang oras. Kaya pala sya late dahil dun. Di ko man lang sya pinagexplain. Kaya pala iika ika sya tumakbo. Nakonsensya ako. Mataas ang pride ko pagdating sa mga ganito. Kahit ako ang mali wala kong pake alam. Wala sa bokabolaryo ko ang salitang SORRY. Pero bakit iba ngayon?
Nakuwi na ako sa bahay. Humiga sa kama pero di ako dinadalaw ng antok. Naiisip ko pa rin ang lahat at sana bumalik sa nakaraan para di ko nagawa yun sa kanya. Kamusta na kaya si epal? Okey kaya sya? 11pm na pero di parin ako inaantok dahil sa kakaisip.
“kailangan ko syang makausap bukas” sabi ko sa sarili. Pero teka sabado bukas. Patay kailangan kong malaman kung san sya nakatira para mapuntahan ko sya. Agad kong chinat si Mae at Mik kung alam nila pero hindi. Sabi naman nila ipagtatanong daw nila sa mga kaclose ni Den kung san sya nakatira. At di naman sila nabigo nakuha ko ang address nya ng walang kahirap hirap.
Need ko nang matulog. Bukas, pupunta ako sa kanila.

AL POV
Kinagabihan, balisang balisa ako. Ikot sa kanan. Paling sa kaliwa. Dadapa. Para bang hindi ako mapakali. Ano ba ito? Isip ako ng isip sa nangyari samin ni Epal kahapon. Haytz.
Kinuha ko ang aking cellphone at silpak ang headset upang magpatugtog. Napangiti naman ako nang saktong tumugtog ang kantang medyo nakakarelate ako.
    sorry na, kung nagalit ka
    di naman sinasadya
    kung may nasabi man ako,
    init lang ng ulo
pipilitin kung magbago
pangako sa iyo

“sorry na” by parokya ni edgar pala yun Hahaha.
Anak naman ng tokwa. Di talaga ako makatulog. Kahit nung after breakup namin ng Ex-Girlfriend ko di ako nakaramdam ng ganito. nagDOTA lang ako ng isang oras then after nung wala na. move on na kaagad. Pero bakit parang iba ngayon? nagDOTA na ako at nagLOL, naglevel up na kakalaro naiisp ko pa rin ang nangyari kahapon.
Maya maya pa ay nakaramdam ako na parang bumubigat na ang talukap ng mata ko. Huli kong tingin sa relo mga bandang alas-dos na ng madaling araw nun. Hinayaan ko nalang at di na lumaban para bukas makapunta ako kaila at makapag usap kami. “sana umaga na” yan ang huli kong naisip bago ako napunta sa mundo ng mga panaginip.
DEN POV
“Den gising na! madami nang tao dito oh?” sigaw ni mama habang nakatok.
Sa totoo lang, kanina pa ako gising. Di ko alam kung bakit late na nga ako natulog ay magigising pa ako ng maaga. Naisip ko na naman kasi yung nangyari kahapon sa gym. Natulala ako sandali bago bumangon. Ang tamlay ko ngayon araw. Nalulungkot ako di dahil sa di ako nakaganti ng sapak kay Kupal kung hindi dahil sa bigo ako. Bigo akong kaibiganin sya.
Agad akong nagtungo sa banyo upang mag hilamos. May naramdaman akong bahagyang kirot na nagmumula saking labi. “ ou nga pala pumutok ung labi ko dahil sa sapak niya” sabi ko sa sarili habang hawak ang aking labi. Pag katapos ay agad akong lumabas ng banyo upang magtungo sa aming karenderya para tumulong.
“oh anong nangyari sa nguso mo?” tanong ni papa habang nagsasandok ng kanin sa kumakaing customer namin.
“ah eh natamaan po ng bola ng soccer nung nagpraktis po kami, eto nga rin po nagasgasan din po ako sa tuhod oh? Hahaha” sagot ko nang may pekeng ngiti sa labi para di nila mahalata ang kalungkutan ko.
Ou nga pala. Derederetso ako kagabi sa aking kwarto pagkauwi sa bahay. Di ko na nga rin nakuhang kumain ng hapunan sa sobrang bigat ng nararamdaman ko na yun. Haytz nakakpagod nang magisip.
Kakaabot ko pa lang ng ulam sa suki namin ay may napansin akong pumaradang kotse sa tapat ng karenderya namin. Nagtaka ako. Pangmayaman ang sasakyan. Imposibleng kakain yan dito. Baka naman bibili ng ulam para lang ipakain sa aso nila. Mga mayayaman nga naman talaga. Di ko nalang pinansin kasi naiisip ko parin ang itsura ni epal habang nakangisi sya matapos nya akong suntukin.
Maya maya pa may isang lalaking bumaba na kotse. Naka jersey ito na kulay red. Nakalagay ang O1ES Dragons. Matangkad ito mga 5’11 maputi at bakas ang lapad ng balikat at laki ng muscle na tipong medyo malaki para sa edad nya. Nakashades sya kaya di ko maaninag ang itsura. yun ang unang beses na ganun nalang ako kung  humanga sa isang lalaki. Ung paghanga na sobrang inggit. Dahil sa may kotse sya at maganda ang hubog ng kanyang katawan  para sa edad niya.
Derederetso ung lalaki at nilagpasan ako. Ang bango nya. Amoy mamahaling pabango. Naamoy ko kahit isang dipa ang layo ko sa kanya nung dumaan sya. Tinignan ko sya habang na tingin sya ng ulam sa mga kalderong nakahalera sa tapat ni mama. Nakalagay sa likod ng jersey nya “DE HESUS 04”. Sa isip isip ko, “ aba magkaapelyido pa sila ng kupal na un ha?”.
Maya maya umupo na sya at pumewesto. Tinawag na ako ni mama para ihatid sa lalaki ung order nyang isang kanin at isang order ng adobo. Agad naman akong lumapit upang kunin ung order nya at ihatid sa kanya.
“ahmmm sir eto na po ung order nyo” sabi ko habang inihahain isa isa ang kanin ulam at libreng sabaw na karne ng baka na pinakuluan ng ilang araw.
Akmang patalikod na ako nang biglang nagsalita ung lalaki. Parang pamilyar sakin un boses pero di ko matandaan kung san ko narinig ang boses na yun.
“pwede bang pasuyo?” tanong nya.
Agad naman akong humarap at tinanong sya.
“ano po sir? Tubig o tissue ba sir?” tanong ko
Tinanggal ng lalaki ang shades nya sabay sabing “pwede ka bang makausap?”
Nagulat ako sa aking nasilayan.

AL POV
Muntik na ako matawa sa panlalaki ng mata ni Epal. Mukha syang binuhusan ng malamig na tubig matapos kong sabihin yun at tanggalin ang shades ko. Magulat ata.
Di naman ako nahirapang hanapin ang bahay nila. Kilala pala sila sa lugar na yun. Sikat daw ang adobo ng mama nya na bukod sa mura na ay napakasarap at malinamnam pa.
“masubukan nga” bulong sakin sarili habang nagmamaneho ng kotse. Gutom na kasi ako eh. Nakalimutan kong magalmusal dahil sa pagmamadaling makapunta sa kanila upang humungi ng tawad.
Nang Makita ko ang karinderya nila, agad kong pinark ang kotse ko. Dapat nag motor nalang ako, masikip ang kalye nila para sa kotse ko. Hahaha. Maya maya natanaw ko na sya. Si Epal. Namimigay sya ng kanin at ulam dun sa customer nila. Sipag pala nya. Natulong sya kapag wala kaming pasok. Nakasando lang sya at parang boxer short na medyo mahaba. Bakas na bakas ang hubog ng balikat nya at muscle dahil na rin kulay nya. Napahanga ako sa itsura nyang yun. Gwapings pala si Epal kahit simple lang ang suot nya. Teka? Ano to? Crush ko na ba sya? Ok lang paghanga lang naman eh Hahaha.
Bumaba na ako ng kotse at dinaanan  sya. B uti nalang at di nya ako nakilala kaagad. Pumunta ako sa isang babae na pakiramdam ko ay ang mama nya. Di ko na nagawang mamili sa hanay ng mga kaldero dahil alam ko naman ang best seller nila dito.
“isang kanin nga po at isang order ng adobo” sabi ko sa mama nya
“oh sige iho, iaabot nalang sayo. Hanap ka na ng pwesto” sagot nya sakin
Agad naman itong sumigaw ng “Den” hudyat na ito ang mag aabot ng mga inorder ko.
Nakahanap na ako ng pwesto at umupo. Maya maya ay lumapit na si Epal para ihatid ang inorder ko. Mukang di pa rin nya ako nakikilala o baka naman patay malisya lang sya. Bago pa man sya maglakad paalis ay agad ko syang tinawag. Kinausap at tinanggal ang shades ko na kinagulat nya.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This