Pages

Thursday, April 5, 2018

Review Center Buddy (Part 2)

By: Tom
 
Nagising ako ng wala na si Miguel. Late na akong nagising. Naalala ko tuloy yung nangyari kagabi. MOVE ON SAYANG ANG TIME sabi ko sa sarili ko.
Dumaan na din ang maraming araw na wala siya. Nasanay na din ako. Naging busy nadin sa trabaho kaya naman nakakalimutan ko siya paminsan minsan. Sumasama parin naman ako sa mga inuman sessions ng mga katrabaho ko. Minsan sumasama nadin ako sa mga gala nila. Minsan out of town. Bastat travelling, dun ako nakakahanap ng peace of mind.

M: Hello po (text ni Miguel)
Nagulat ako dahil 3 4 months, nakatanggap ako ng text mula sa kanya.
Hindi ako nagreply, malay mo nawrong sent. Tsaka dapat di na ako nakikipagusap sa kanya. Pano nalang yung pagmomove on ko.

M: huy
Ang kulit.
A: yes Migs?
M: san ka?
A: andito sa Tagaytay (nasa condo)
M: ah ganun. Ok.
Tatanong sana ako kung bakit, kaso mas pinili kong di na magreply.
1 week later, nagtext na naman siya  saan daw ako. Sabi ko nasa Taytay at umuwi sa amin. Sabi biya ulit, OK.
1 week later na naman. Text ulit siya. Kulit talaga. Sabi ko nasa Baguio ako. Di na siya nagreply nun. Naisip kong bumaba at bumili ng chichiria sa malapit na convenience store sa baba. Di ko inaasahang makita si Miguel sa lobby ng condo ko. Tumigil muna ako sandali sa may elevator at hinintay na makalabas siya, kinakabahan at nagdadasal na dumiretso na siya ng labas. Ano ba kasing ginagawa niya dito? Habang nasa entrance na siya, bigla siyang lumingon nalang at nakita ako. Dahil sa gulat bigla akong tumalikod, pinidot yung elevator button. Pindot pindot pindot. Ayaw bumukas. Nakakagago ang sitwasyon na yun. Nakakahiya. Bumukas din elevator at nakapasok ako, kaya lang kumaripas si Miguel ng takbo papasok. So ayun andun kaming dalawa. -_-

Shets naman oh

M: sinungaling ka!

Hindi ako nagsalita, na parang wala akong nakikita.

M: uy tom ano bang ginagawa mo? Tagaytay? Baguio? Iniiwasan mo lang pala ako

*silence*

TING. Nasa floor na ako. Shit eh sumunod siya sa akin. Hinarangan niya pintuan ko, bale magkaharap na kami that time.
M: talk to me
A: ok.. Ok.. First of all, sorry dahil wala talaga akong plano makipagusap
M: shut up, dun tayo sa loob magusap wag dito
A: at bakit?
M: akin na yan

Kinuha niya susi sa akin at siya nagbukas, hinila niya ako papasok, nilock ang pintuan.

M: bakit mo ba ginagawa sa akin to?
A: ang alin ba (napansin kong mamula mula mga mata niya, amoy alak din. Patay, nakainom ata ang gago)

Napaupo siya sa sahig, sumandal sa pader, hinawakan ulo niya. Ano bang nangyayari sa kanya? Lumapit ako, tumabi nadin pero di ko dinikit katawan ko sa kanya. Inumpisahan ko siyang kausapin.

A: sorry. Okay?
M: 2 weeks ago pa ako pabalik balik dito. Gago ka.
A: bakit kasi di mo sinabi.
M: eh di ko pa nga sinabi eh nasa tagaytay ka na pala. Nasa Baguio ka na pala. Gago
A: walangya ka wag mo akong matawag tawag na gago!
M: sus.
A: seryoso na, bakit ba?
M: bale yung halik. Sorry di ko sinasadya

Natihimik ako

A: kalimutan mo na yun
M: sinubukan ko lang naman kung pwede kaso ayoko. Natakot lang ako kaya natulak kita. Straight ako diba? Kaya naman nagawa ko yon.
A: ok na nga naiintindihan ko.
M: sorry talaga.
A: Migs, okay na yun.

Sabi nga niya, AYAW niya.

M: Ayokong mawala pagkalalaki ko. Alam mo yun. Kung alam mo lang Tom. Gabi gabi iniisip kita. Di ko maintindihan pero tuwing nakikita kita gustong gusto kitang yakapin. Halikan. Tangina di ko alam. Nababakla na ako. Ayoko ng ganto tom. Sorry.

Kaya pala. Naiintindihan ko, Miguel. Di niya maintindihan ang mga nagyayari sa kanya, kinuha ko ang kamay niya. Hinawakan at sinabing WALANG MASAMA SA GINAGAWA NIYA.

M: mahal mo pa ba ako?
A: Migs naman (MO PA BA, kung ganun alam niya talaga all this time)
M: Tom, sagot
A: pagsinabi ko na hindi?
M: masasaktan ako. Kasi mahal na mahal kita.

Natahimik ako. Di ako tumingin sa kanya.

A: ahem. ito ba ay prank lang ha
M: mahal kita
A: kasi di to magandang prank
M: mahal kita.

This time tumingin ako sa kanya.

M: Mahal na mahal PO kita.

Naghihintay ako na tumawa siya. Alam kung buking na ako, pero may slight parin akong takot na baka prank or pang asar lang to. Pero walang nangyari dahil hinalikan lang niya ako. Naghalikan kami passionately. I stopped and told him I LOVE YOU, NOON PA. We kissed again. Nakatulog kaming magkahawak ang kamay, nakasandal ako sa balikat niya. Nagising kami bandang 11 pm at naisipang bumaba at magkape.
M: so girlfriend na kita
A: di ako girl gago
M: sagwa kapag bf e
A: walang label nalang mas safe
M: e gusto ko official na tayo
A: gusto mo official tayo e boyfriend nga
M: pangit naman. Sige, ikaw nalang love ko.

Ang puso ko.... Ang puso ko!!!!

A: cory mo no
M: basta mahal kita
A: alam ko
M: eh ikaw
A: diba sinabi ko na sayo kanina
M: na?
A: alam mo ikaw ang corny mo
M: na ano nga
A: Miguel, I love you. Mahal kita. OK?
M: I love you too
A: tara na baba na tayo.

Nagkiss muna kami bago bumaba. Tapos pumunta ng cafe breton, nagusap magdamag. 12 mn magsasarado na, so naglakad lakad kami, siyempre di magkahawak kamay, ngunit panay kwento. Ang OA niya sa tutuo lang, panay I LOVE YOU, ako naman kahit naaasiwa na dahil sobrang paulitulit na, di maitago parin ang kilig. Grabe. Di ko inaasahang mangyayari sa amin yung ganun. Akalain mo, mamahalin din pala ako ni Miguel. All this time akala ko one sided love lang lahat, pero napaglaro talaga ang tadhana.

Live-in na kami ngayon ni Miguel. Siya lumipat sa akin, ok lang daw na mag commute siya araw2 papuntang makati bastat di na ako mahirapan. Hehe ang sweet talaga. Lesson: wag matakot magmahal. Ok lang na umasa, masakit oo, lalo na kapag di nasusuklian pagmamahal mo. Dahil umasa ka, ibig sabihin tunay kang nagmamahal. Ang tunay na pagmamahal naman ay hindi naghihintay ng kapalit. Alam kong weird yung sinabi ko, pero while umaasa ka, diyan mo nadedevelop puso mo, kung pano magmahal ng tutuo. At halimbawa dumating na yung taong nakalaan sayo, handa ka na, dahil naghintay ka.

Salamat sa pagbabasa. Alam kung maguko yung sinabi ko sa last part.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This