Pages

Sunday, May 3, 2020

Ang Pinsan kong Inosente (Part 10) FINALE

By: Ryan

Pagkalapag ko sa NAIA. Tinawagan ko agad si Jessica para kamustahin ang sitwasyon.

Pumara ako ng taxi upang dumirecho sa bahay nila.

Si tita ang nagbukas ng gate para makapasok ako.

Nang tuluyang makapasok nadatnan ko ang ilan sa mga tropa namin. Isa na doon si Enzo. Yumakap ako saglit kay Enzo at nakipagkamay sa ibang tropa namin.

Alam na din naman ni Enzo na uuwi ako kaya hindi na siya nagulat.

"Nasa kwarto bok. Nagpapahinga." Si Jake ang tinutukoy niya.

"Puntahan ko lang bok."

Saka ko sila iniwan at dumirecho ng kwarto ni Jake sa itaas.

Mabigat ang loob kong binuksan ang pinto ng kwarto niya. Mas lalong bumigat nang makita ko siya.

Natutulog.

Bubog sarado ang mukha. May benda sa bewang na may konting mantsa ng dugo. Na gaya nga nang nasabi ni Tita, nasaksak siya sa tagiliran. Mabuti na lamang daw ay walang napuruhan na vital organ.

Lumapit ako sa kama ng natutulog na si Jake. Umupo ako sa upuang nasa tabi nito.

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Naghari ang labis na awa sa puso ko. Pilit kong nilalabanan ang mga luhang gustong mag-umapaw.

Ang bata pa ni Jake para maranasan ang mga gantong bagay.

Gusto ko siyang gisingin para malaman niyang nandito na ang kuya Ryan niya. Sabihin na nandito na ako, babantayan at aalagaan ko siya

Tahimik kong pinagmasdan ang kalagayan niya. Gusto kong hawakan ang mukha niya, natakot lang ako baka masaktan siya kapag ginawa ko 'yon.

Inilayo ko muna ang tingin sa kanya at tumingala sa kisame upang mapigilan ang luhang kanina pa gustong lumabas.

Mga limang segundo saka ko pinahid ang mangilan-ngilang tubig na dumadampi sa gilid ng mata ko. Saka ko ibinalik ang tingin sa kanya.

Habang tinitingnan ko siya. Naglaro sa isip ko ang mga katanungang, paano kung natuluyan siyang patayin ng mga adik na yun? Paano kung bangkay na lang ni Jake ang naabutan ko?

Naging sanhi ito upang tuluyang bumuhos ang luha ko.

Hinding-hindi ko kakayanin yun.

Ang ibig sabihin lang, kapag nangyari yun ay hindi ko na siya maririnig na nagsasalita. Hindi ko na masisilayan ang mga mata niyang nagniningning kapag nakikita ako. Hindi ko na mararamdaman ang init ng mga yakap niya.

Hinayaan ko nang dumaloy ang mga luha ko, nang sa ganun gumaan ang pakiramdam ko.

Nagpapasalamat pa din ako dahil buhay siya.

Nagkusa ang kamay kong haplusin ang buhok niya. Kagaya ng ginagawa ko sa kanya dati sa tuwing natutulog siya.

"Ang gwapo mo ngayon ah." Mahina kong sabi sa natutulog na Jake habang haplos-haplos pa din ang buhok niya.

Napatawa ako ng mahina sa birong ako lang ang nakarinig.

Maya-maya ay nakaramdam na ako ng antok. Hindi ko nagawang matulog habang nasa biyahe dahil puro si Jake na lang ang bumabagabag sa isip ko.

Dahan-dahan kong pinuwesto ang upuan paharap sa study table na katabi lang din ng kama niya. Pinagcross ko ang mga bisig ko at ipinatong sa mesa kasunod ang pagpatong ng ulo ko doon.

Tuluyan na akong nilamon ng antok.

Nagising nalang ako ng isang ungol.

Si Jake.

Tinatawag niya ang pangalan ko.

Agad ko siyang tiningnan kung gising na ba siya.

Nakapikit pa din ang mga mata niya.

Binabangungot siya.

Agad ko siyang nilapitan at inuga-uga sa magkabilaang braso niya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Nagtama ang mga mata namin. Takot at pananabik ang nakita ko roon.

"KUYA!" Mabilis siyang yumakap sa akin habang lumuluha.

Tinugon ko ang yakap niya.

"Ssshhhh.... Nandito na si Kuya. Nasa tabi mo lang ako." Nagpipigil akong umiyak.

"Kuya." Mahinang sambit niya.

"Jake.. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Papikit-pikit ako ng mata. Malapit na kasing tumulo ang mga luha ko.

Hinaplos ko ang likuran niya upang patahanin. Pinaramdam ko talaga sa kanya na nasa tabi niya lang ako.

"Ssshhhhh..... Nandito lang ako... Nandito lang si kuya." Paulit-ulit kong sabi sa kanya.

Maya-maya ay naramdaman kong tumatahan na siya at kumakalas na sa pagkakayakap. Sinilip ko kung tuluyan na ba siyang nagising.

Nakapikit siya. Baka nanaginip lang siya. Dahan-dahan ko siyang pinahiga.

Nang masigurong natutulog siya, tumayo ako at lumabas ng kwarto upang makahinga dahil sa bigat na nararamdaman ko ng mga oras na yon.

Naisipan kong puntahan si Tita para makausap na din at magtanung-tanong.

Maya-maya din ay nagpaalam na akong uuwi upang magpakita kay mama at babalik din kaagad ako.

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~

Flashbacks (Nangyari ang mga ito way way before kami nagkaaminan ng nararamdaman sa isa't isa)

1:00 AM. Malamig ang gabi. Nasa bubungan kami ni Jake. Nakahiga sa rubbermat na nilatag namin doon na madalas naming gawin sa tuwing gusto namin makapagkwentuhan ng tahimik habang nagmamasid sa kalangitan.

Kwentuhan lang kami ng kung anu-ano. Hanggang sa dumako kami sa bagong GF niya daw.

"Ay sus! Sinasabi ko sayo, dalawang linggo lang itatagal ninyo!" Wika ko.

"Grabe ka naman kuya!"

"O sige, three weeks" dugtong ko.

Tumawa lang siya.

"Kilalang-kilala mo talaga ako kuya."

"Sa tagal na nating magkasama Jake. Kahit amoy ng utot mo kilala ko!"

Sabay kaming nagkatawanan.

"Sabi ko nga sayo, 'wag ka nang magkukuwento ng kung sinu-sinong syota mo, na alam ko namang hindi mo siseryosohin."

Pero ang isa sa dahilan kung bakit lagi kong sinasabi sa kanya yan, dahil ayokong marinig kung ano man ang ginagawa nila sa tuwing magkasama sila. 'Yon kasi ang mga panahong nakikipag-away ako lagi sa isip ko tungkol sa nararamdaman ko sa kanya.

"Kung may ipapakilala ka man sa akin, siguraduhin mong siya na ang mapapangasawa mo." Dugtong ko.

"Naalala mo pa si May? Yung ex mo na pinangakuan mong pakakasalan mo sa Vatican? Tingnan mo, hiniwalayan mo din?"

Tawanan ulit kami.

"Napakaisip bata ko pala dati kuya no?" Tanong niya.

"Hindi!" Kontra ko sa kanya.

"Hindi nga?" Tanong niya sakin.

"Hindi!.... hindi lang noon, hanggang ngayon." Sinabayan ko ng tawa.

Tumingin siya sa akin na nakangiti. Hindi naman ganoon kadilim ang paligid dahil naliliwanagan ito ng buwan, kaya nasilayan ko ang expression ng mukha niya. Nasilayan ko ang tingin niya sa akin na aliw na aliw sa pagtawa ko. Yung tingin niyang madaming ibig sabihin.

Napakasarap pagmasdan ng mukha niya na naliliwanagan ng buwan. Ngunit dahil ayokong iparamdam sa kanya ang nasa loob ko, binawi ko ang tingin at muling tumingin sa kalangitan.

"Ansaya mo ah!" Nakangiting sabi niya na nagpatigil sa pagtawa ko.

"Naalala ko lang kasi yung dating ikaw... Lalo na yung mga panahong gusto mong makipag close sa akin... Pero ayoko naman sayo noon... kaya ang ginagawa mo, ginugulo mo kami ni Jessica sa tuwing nagbi-videoke kami! Inaagaw mo yung mga kanta namin. Naalala mo pa yun?"

Originally kasi, kami ni Jessica (kapatid niya) ang magkasundo.

"Hahaha... oo. Tapos lagi kang naiinis, kaya tinutulak mo ako palabas ng bahay niyo?" Sabay tawa.

Sinabayan ko din siya sa pagtawa.

"Akalain mo, magkakasundo pala tayo." Wika ko na sinabayan ko ng pag-iling-iling.

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~

Sweet na Wirdo

Bakasyon noon, kaya madalas nasa bahay si Jake. Lagi kong katabi matulog, kasabay maligo at kung anu-ano pang kalokohan. Ito yung mga panahong madalas na may mangyari saming halikan at kalaswaan.

Gabi. Magkatabi kaming nakahiga sa kama ko.

"Huwag kang makulit Jake! Matutulog na ako!" Iritable kong sabi sa kanya, sabay talikod at talukbong ng kumot.

Paano ba naman, nagsisimula na namang makipagharutan, nag-iinit na naman siya. Sabi ko nga magjakol nalang siya at inaantok na ako.

Maya-maya ay sumaklob din siya sa kumot at dahan-dahang ginapang ang kamay niya patungo sa  tiyan ko at yumakap ng mahigpit. Ramdam ko ang pagdiin ng matigas na bagay sa puwitan ko.

'Pisting yawa' usal ng isip ko.

Wala talaga ako sa mood makipagharutan. Kaya malakas kong tinabig ang kamay niyang nakayakap sa akin at dumistansya. Nilagyan ko din ng unan ang pagitan namin para lang hindi ko maramdaman ang pagdikit ng matigas na bagay na yon.

Nakikipaglaban siya. Pilit niyang tinatanggal ang unan. Para makadikit ulit sa akin.

"ISA!" Singhal ko sa kanya.

Hindi pa din siya tumigil, hinimas ang puwitan ko. .

Alam ko ugali niya, hindi niya ako tatantanan sa pangungulit. Gusto laging nakadikit katawan niya sa katawan ko.

Dumistansiya ako at sinadyang magpatihulog sa kama at hinarap siya.

"DALAWA!" Bulyaw ko sa kanya.

"Karera na kasi tayo!" Sabi niya.

(Karera ang term namin kapag gusto naming sabay mag masturbate. At siyempre si Jake may pakana, mahilig sa code code na yan)

"Ayoko nga! Magjakol ka mag-isa mo!" Singhal ko sa kanya.

Tumahimik siya.

Bumalik ako sa paghiga at nilagyan ko uli ng unan ang pagitan namin. Muling nagtalukbong.

Pinakiramdaman ko siya. Hindi siya umiimik. Hindi rin siya gumagalaw. Mahabang katahimikan ang pumagitan.

Naisip ko, baka naoffend ko siya. Kasi kapag ako ang nag-aaya ng karera, hindi siya tumatanggi. Ayokong matulog na nagkakatampuhan kami.

Bumuntong hininga muna ako saka nagsalita.

"Jake?" Mahina kong wika ngunit alam kong maririnig niya.

Walang tugon na nagmula sa kanya. Muli ko siyang tinawag, sa pagkakataong ito ay pumihit ako paharap sa kanya.

"Jake?" Tinapik ko siya sa mukha. Mediyo may kadiliman dahil nakapatay na ang ilaw, kaya hindi ko masiyado maaninag ang mukha niya, pero tantiya ko naka dilat mata niya na nakatingin sa kisame.

Muli kong tinapik ang pisngi niya. Hindi siya umiimik. Mayamaya ay naramdaman kong nanginig ang buong katawan niya, na siyang kinagulat ko.

Kinabahan ako. Naalala ko, may history siya ng epilepsy noong kinder pa siya. Naikwento sa akin ng mama niya yon. Naubusan daw ng electrolytes kaya isinugod sa ospital.

Agad kong binuksan ang ilaw at buong pag-alalang bumalik sa kanya. Dahil sa maliwanag na, nakita ko ang itsura niyang nakatirik ang mata habang nakatingin sa kisame. Nanginginig ang buong kalamnan.

"JAKE! Hoy! Anong nagyari?!" Alalang tanong ko. Ngunit wala akong makuhang sagot.

Nagsimula na akong mataranta. Hindi alam ang gagawin. Kaya mabilis akong lumabas ng kwarto para katukin si mama sa kabilang kwarto.

"MA! MA! Si Jake inatake ata ng epilepsy!" Sigaw ko na sinabayan ng malakas na katok sa pinto ni mama.

Bumukas ang pinto. Iritableng mukha ni mama ang bumungad sakin, na pakamot-kamot sa batok sa pagkairita dahil sa naudlot na pagtulog.

"Ano?!" Iritable niyang tanong.

"Si Jake! Nanginginig ang katawan at.... tumitirik ang mata!" Taranta kong sabi.

"Naku!... matulog na kayo! Pinagti-tripan ka lang niyan!" Sabay padabog na pagsara ng pinto.

'Huh?' Litong tanong ng isip ko.

Dahil hindi naman naniwala si mama, tumakbo ako pabalik sa kwarto ko at naabutan ko si Jake sa parehong kalagayan.

Mabilis akong lumapit sa kanya. Tinapik-tapik ang pisngi at niyugyog ang katawan.

"Jake! Hindi na nakakatawa to!....Jake!"

Nagbago ang direksyon ng tingin niya. Nakatingin na siya sa may likuran ko na parang takot na takot. Nagsimulang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan noong biglang may tinuro siya sa likuran ko. Sa lugar kung saan nakatoon ang mga mata niya.

Dahan-dahan akong lumingon. Inaamin kong mediyo natakot ako sa inasta niya. Nang wala akong makita sa direksyon na tinuturo niya, binalik ko ang tingin sa kanya. Sa pagkakataong 'yon ay dalawang kamay ko na ang pinantapik ko sa pisngi niya. Mas mabilis ang pagtapik ko. Mediyo nilapit ko ang mukha ko at pasigaw na tinatawag ang pangalan niya.

Laking gulat ko nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Madiin. Hindi ako nakapagpumiglas dahil hawak niya ng dalawang kamay ang ulo ko.

Nang bumitaw na siya, bumulanghit siya ng tawa. Habang ako naman ay minura-mura siya.

Sa inis ko kinuha ko ang unan at idinagan ko sa mukha niya. Ngunit ang inis na yun ay mayamaya ay napalitan ng mahihina hanggang malakas na tawa.

Patuloy pa din ako sa pagmumura sa kanya, habang siya naman ay naghihingalong kinikiliti ako para bitawan ko ang unan na nakadagan sa mukha niya. Maya-maya ay tinanggal ko din at tiningnan ang mukha niyang naghahabol ng hininga na nakangiti.

Sa halip na magalit ako dahil sa pinagmukha niya akong tanga, di ko mapigilang mapangiti dahil sa itsura niya. Pailing-iling akong tinitigan siya. Saka dahan-dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya at siniil siya ng halik.

At sa pagkakataong iyon nagtagumpay siya sa pangungulit dahil automatic na pumaimbabaw ako sa kanya at nangyari ang gusto niyang mangyari.

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~

#ryejakescandal

"Bago tong phone mo kuya ah." Tukoy niya sa N95 Nokia na hawak-hawak niya.

Kasalukuyan akong gumagawa ng homework sa kwarto ko. Nakatalikod ako sa kanya at nakaharap sa study table. Habang siya ay nakasalampak sa kama ko at pinaglalaruan ang mobile phone.

"Sinanla lang sakin yan. Tutubusin din." Tugon ko habang nakatutok pa din ako sa homework ko.

"Ayos to ah!" Sabi niya habang busy kakalikot ng phone.

Patuloy lang ako sa paggawa ng homework. Mayamaya ay naramdaman kong lumapit siya at naglambing sa likuran ko. Dahil sa busy ako, hindi ko pinansin ang paglalandi niya.

Naramdaman kong uminit ang batok ko. Namalayan ko nalang na hinahalikan niya ito.

"Jake, maya na." Nanghihinang angal ko, mediyo nadadala sa sensasyong nararamdaman.

Napapangiting nakikiliti ako sa ginagawa niya pero di ko magawang bitawan ang ginagawa ko. Kaya hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya. Mayamaya ay labi ko na ang hinahalikan niya. Tuluyan na akong nadala ng sensayon, kaya tinigilan ko muna ang ginagawa ko. Nakapikit akong tumutugon sa halik niya. May katagalan din yon, bago ako tuluyang bumitaw.

Pagmulat ko ng mata, tawang tawa siya.

"Smile." Nakangiti niyang sabi. Habang turu-turo ang cellphone ko na nakapatong sa lamesa.

Napamura ako. Nagrerecord pala ang animal. Pilit kong inaagaw sa kanya yung phone pero di ako nagwagi. Tawa lang siya ng tawa habang pinapanood ang recorded scandal namin.

"Hindi ko phone yan. Sinanla lang sa akin yan!" Singhal ko sa kanya.

"Sinubukan ko lang naman. Buburahin ko din" Sabay tawa. "Halika kuya, panuorin mo.!" Tuwang-tuwa parin siya.

Napakamot ulo akong sumunod sa kanya. Pinanuod namin yung halikan. Natawa nalang din ako sa kalokohan niya. Saka namin binura ang video.

'Di lumagpas ng isang linggo ay tinubos na din ito ng may-ari. Sinigurado ko munang walang kahit anong ebidensiya ng kalokohan namin ni Jake, bago tuluyang binalik sa may-ari.

Nang mga panahon na yun, hindi pa ako ganoon ka techy. Late ko na nalamang pwede palang marecover ang mga deleted files. Patay na!

Hindi ko alam kung na-recover ba yun ng may-ari. Sana naman hindi.

Walang nakakaalam.

Mahabang panahon din akong hindi natahimik dahil sa scandal na yon. Hindi naman siguro kami makikilala sa video na yun. Bahala na..

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~

I gotcha bro! -part1

"Nakipagsuntukan ka na naman!" Panimulang bungad ko sa kanya.

Nagsumbong si tita sa akin na nakipag suntukan nga si Jake. Binugbog niya yung isang tropa namin.

Galing pa ako ng school noon at sinadya ko siyang puntahan sa bahay nila para sermunan. Nakasalampak siya sa sofa habang nanunuod ng TV. Habang ako naman ay nakatayo na hinuhusgahan siya. Daig ko pa ang tatay kung sermunan siya ng mga oras na 'yon.

Napansin kong hindi naman siya nakikinig sa akin. Kaya sinigawan ko siya.

"Jake! Hindi ako nagbibiro. Hindi ko gusto yang mga ganyang style mo!!"

Ang totoo naman talaga niyan ay nag-aalala lang ako baka mapahamak siya. Paano nalang kung madehado siya sa susunod.

"Si Darwin pa ang binugbog mo, mas malaki sayo 'yon! Feeling mo niyan ikaw na malakas? Katatakutan ka na ng lahat?"

"Ayos ah!" May pagka sarcastic niyang sagot, pero nakatuon pa din sa tv ang mga mata niya.

Napikon ako sa sinabi niya. Nabastos ako. Ako na nga itong nag-aalala, ako pa yung babastusin niya. Aba! Ako ata ang kuya dito.

Tiningnan ko siya ng masama. Saka nagsalita.

"Okay! Ayaw mo ng napagsasabihan ka?! Sige aalis na lang ako. Huwag mo akong pupuntahan sa bahay!"

Akmang tatalikod na ako saka siya nagsalita.

"Hindi mo man lang ako tanungin kung anong dahilan kung bakit ko sinuntok ang gagong 'yon?!" Pikon niyang sabi.

Mediyo natauhan ako sa sinabi niya. Bakit nga ba? Ganoon talaga kasi si kuya Ryan, palasermon.

Dahil mataas ang pride ko ay tinanong ko siya nang mediyo pikon ang dating ng tono.

"Bakit nga ba?" Singhal ko sa kanya.

"Eh binabastos ka nung gagong yun eh! Sa harapan ko pa. Kung tawagin ka niyang plastik at basura sa harapan ng mga tropa, ganun-ganun nalang?! Akala niya tatahimik lang ako?!" Bulalas niya.

'Aw' usal ng utak ko.

Nalaman kong nagalit daw sa akin itong si Darwin dahil dinali ko yung nililigawan niyang si Cathy. Kung tutuusin totoong may nangyari sa amin ni Cathy pero hindi ko naman alam na trip ni Darwin yun. Wala akong intensyong mang-agaw.

Kumalma ako na napahiya nung matapos siyang magsalaysay.

Nahihiya akong lumapit at tumabi sa inuupuan niya.

"Hehe... sorry buboy." Sabi ko, na sinabayan ng himas ko sa batok ko, kahit wala namang makati.

(Buboy tawag ko sa kanya kapag binibeybi ko siya)

Hindi siya kumibo. Magkasalubong ang kilay niyang makatuon sa TV. Mistulang batang nagtatampo.

"Oi!.. sorry na!" Nahihiya kong pangungulit.

Hindi pa din siya kumikibo.

Tinusok ko tagiliran niya, siniko lang ako ng kumag.

"Oo na.. daig mo pa si mama kung makaputak eh." Mahinahon niyang sabi.

"AW"

Napangiting aso na lang ako dahil sa kahihiyan.

~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~o~

I gotcha bro! -part2

"Daanin nalang natin sa magandang usapan"

"JAKE!!! Lumabas ka Pu#%^>*!# mo!" sinabayan ng kalampag sa gate ng bahay namin.

Sinilip ko ang wall clock, almost 2:00 am. Pahiga na sana ako noon, kakatapos ko lang manuod ng movie, habang si Jake naman ay lasing at mahimbing na nakahilata sa kama ko.

Lumabas ako para harapin ang kung sinumang kurimaw na nambubulahaw disoras ng gabi.

Si Darwin. Patuloy ang pagmumura niya at hinahamon niya ng suntukan si Jake. Napansin kong lasing siya.

Nang makalapit ako sa gate ay dali ko siyang sinita.

"Pre! Gabi na, nakakaabala ka ng mga natutulog.!" Sita ko sa kanya.

Nang makilala niya kung sino ako ay mas lalong sumama ang timpla ng mukha niya.

"Isa ka pang Pu#%^>*!# ka! Magpinsan nga kayo mga Pu#%^>*!#! Lumabas ka dito!"

Hindi ko gusto tabas ng dila nito ah. Nagsisimula ng uminit ang ulo ko. Lumabas ako ng gate at hinarap siya. Kaibigan ko ito pero kung talagang kailangan patutulugin ko to.

"Anong problema mo?!" Sita ko sa kanya.

"Kayo! Mga Pu#%^>*!# niyo!"

Nararamdaman ko ng lumalakas na ang aura ko, baka mayamaya nito ay magsusupersayan na ako.

Pilit kong kinakalma ang sarili ko.

"Pre, lasing ka. Umuwi ka na, ayaw kitang patulan. Pag-usapan nalang natin to bukas." Pinilit kong maging mahinahon.

Naniniwala kasi ako sa kasabihang "lahat ay nadadala sa magandang usapan". Kaya pilit kong huwag sabayan ang init niya.

"Eh! Duwag ka pala eh!" Bulyaw niya.

Mabilis siyang lumapit sa akin at nagbigay ng isang malakas na suntok. Mabuti ay nailagan ko ito.

'Matigas ulo ng isang to ah!' Sa isip ko.

Tuluyan na akong sumabog kaya nagpambuno kami. Binigyan ko ng isang malakas na suntok sa mukha at napaigtad siya. Bumawi siya at sinipa ako sa sikmura. Napabaluktot ako sa sakit ngunit agad na nakabawi at mabilis na lumapit sa kanya.

Mistula kaming nasa UFC ring. Nagpalitan ng suntok at sipa.

Dalawang suntok sa sikmura na sanhi ng pagkatumba niya. Ramdam niya sigurong dehado siya kaya mabilis siyang tumayo at tumakbong patingintingin sa paligid. Hanggang may nakita siyang pamalo at tumakbo pabalik sakin. Unang hataw niya ng pamalo nailagan ko. Pangalwang hataw ay sinalo ko ang bisig ko at tumama ito sa bandang siko. Napamura ako sa sakit. Pero agad akong bumawi at nahawakan ko ang pamalo. Sunud-sunod kong pinagsusuntok ang sikmura niya at isang malakas na suntok sa panga. Pang finale ay isang malakas na sipang tumama sa sikmura niya. Nanlupaypay siya at mayamaya ay tumayo. Paika-ikang tumakbo.

Hinintay ko kung babalik pa. Ngunit wala na akong nakitang anino niya. Malamang tanggap niya na ang pagkatalo.

Sa totoo niyan, dehado siya sa suntukan namin dahil lasing siya. Kung hindi lang siya lasing ay baka nahirapan din akong patumbahin siya.

Nagpasya na akong pumasok nalang ng bahay. Tanging mga alulong nalang ng asong nabulahaw ang narinig ko.

Mula noon, hindi na siya nagpakita pa sa tropa.

-------

Kinagabihan ay bumalik ako sa bahay nila Jake.

Nabanggit ni Tita na hindi pa naghahapunan si Jake, kaya ako na nagrepresenta na magdala ng pagkain niya sa kwarto.

Pagkabukas ko ng pinto, naabutan ko siyang mahimbing pa ring natutulog. Marahan kong isinara ang pinto at nagtungo sa katabing study table upang ilapag ang pagkain at tubig niya.

Nagdadalawang isip akong gisingin siya kaya umupo muna ako sa upuan na katabi lang din ng kama niya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya.

Naglaro sa isipan ko ang mga alala niya. Yung pakikipagbasag-ulo niya. Kung gaano siya ka agresibo kapag may kaaway siya. Kung gaano niya ako ipagtanggol kapag nililibak ako ng iba.

Handa siyang makipagpatayan para sa akin.

Bumigat ang loob ko nang isiping wala akong nagawa para ipagtanggol siya sa kung sino mang gumawa sa kaniya nito. Na kung tutuusin kaya ko ring sumalo ng bala para sa kanya.

'Mahal na mahal kita Jake..... sorry, lagi akong wala sa tabi mo sa tuwing kailangan mo ako..' bulong ng isip ko.

Dahil sa mga isipin na yun, hindi ko na naman mapigilang tumulo ang luha ko.

Dahan-dahang dumilat ang mata niya. Kaya agad kong pinawi ang luha ko. Sinalubong ko siya ng ngiti.

Nakita kong nabigla siya sa presensya ko. Pero mayamaya ay napalitan ito ng tuwa. Hindi man ganun kalawak ang ngiti niya, pero sa ningning ng mga mata niya alam kong masayang-masaya siya.

Ang mga luhang pinunasan ko ay nais muling mag-umapaw. Ngunit bago pa man nangyari yun. Lumapit na ako at yumakap sa kanya. Ipinatong ko ang mukha ko sa dibdib niya sa pwestong hindi niya ako nakikitang lumuluha.

Hinimas niya ang likod ko at ang isang palad niya ay humihimas sa ulo ko. Gustuhin niya mang gumanti ng yakap ay hindi niya magawa, dahil may iniinda siyang sakit.

Mag-iisang minuto akong nagmukmok sa dibdib niya. Saka siya nagsalita.

"Buhay pa ako, pero umiiyak ka na diyan." biro niya.

"Hindi ba pwedeng nag-alala lang?" Sagot ko sa tonong halatang umiiyak. Hindi pa rin ako nakaharap sa kanya.

Saka ko pasimpleng pinunasan luha ko at tuluyang humarap sa kanya. Pinilit kong ngumiti.

"Kamusta biyahe mo?" Pilit niyang pagsisimula ng usapan sa mahinang boses. Nahihimigan ko ang iniinda niyang sakit sa tuwing nagsasalita siya.

"Okay lang..... 'wag ka munang magsalita kung di mo pa kaya." Saka ko inabot ang pagkain na nasa mesa. Sumalok gamit ang kutsara.

"Eto, kumain ka na muna."

Ngiti lang ang tugon niya.

Saka ko siya dahan-dahang sinubuan na marahan niya namang nginuya. Pagkakuwa'y biglang...

"Sweet naman ng boyfriend ko." Biro niyang nakangiti.

Nabigla ako sa narinig. Kaya napakunot ang noo ko at tiningnan siya ng masama.

"Oi, ano?!... magtigil ka nga!.. Boyfriend ka diyan.... marinig ka pa ng mama mo.. mayayari ka... di ka ba nabibigla sa sinasabi mo?" Panenermon ko.

Nakakabigla din naman talaga ang sinabi niya. First time kong marinig na manggaling sa kanya ang salitang yan at hindi ko rin inaasahan na magbibiro siya ng ganun. Di ko nga alam kung kinilig ako o kinilabutan. Hindi naman sa ayaw ko, marahil hindi lang ako sanay. Mas sanay akong kuya tawag niya sakin. Sapat na sa akin yung alam namin nararamdaman sa isa't isa.

"Nabigla din ako eh.. ang awkward pala." Sinabayan ng mahinang tawa na nagpaaray sa kanya at marahan niyang hinawakan ang sugat niya sa tagiliran.

"Kita mo yan..!" Pailing-iling akong natawa.

"Isubo mo nalang to." Tukoy ko sa kutsarang may lamang pagkain.

"Ang alin kuya?.." muli siyang tumawa na may kasamang pag-aray.

Na-realized ko ang salitang nasabi ko na "isubo mo nalang to". Ginawan niya pala ng bastos na kahulugan

"Ay! Ga..go!" Natatawa kong pagmura sa kanya. Sabay salpak ng kutsara sa bibig niya.

Muli na naman siyang natawa at naging sanhi ng pagkasamid niya. Nagtalsikan tuloy ang mga kinain niya. Sa pagkakataong ito salitan ang pagtawa at malakas na pag-aaray ang lumalabas sa bibig niya.

Natatawa man ay dalidali kong inabot ang basong may tubig sa bibig niya. Kaagad niya itong ininom.

"Tsk tsk! Sige pa! Magpatawa ka pa!." Pailing-iling akong napangiti.

Patuloy ko lang siyang sinubuan hanggang halos maubos na ang pagkain niya.

Hinintay ko lang maubos ang nginunguya niya para maisubo ko sa kanya ang huling pagkain na nasa kutsara. Nang bigla siyang nangseryoso at tinitigan ako na ipinagtaka ko.

"Oh.. Bakit?" Tanong ng pagtataka habang tinitigan ang seryoso niyang mukha.

Maya-maya ay ngumiti siya. Na mas lalo kong ipinagtaka.

"Okay ka lang ba?" Tanong kong naguguluhan sa asta niya.

Umiwas siya ng tingin pero nakangiti parin.

"Bakit nga?" Ulit ko.

"Uhmm.. wala naman.. masaya lang ako." Nakangiti parin siya ngunit hindi nakatingin sakin.

Napangiti nalang din akong tinitigan siya. Nakaramdam ako ng sobrang saya sa sinabi niya. Alam ko kung anong ibig niyang sabihin. Masaya siya at nasa tabi niya ako. Nakakailang parin yung ganitong pakiramdam, pero napaka fulfilling.

"Miss kita." Patuloy siyang nakangiti na hindi parin tumitingin. Tipid ngunit ubod ng tamis na salita.

Pakiramdam ko noon, isa akong teenager. Feeling ko nga nagba-blush ang mukha ko dahil nag-iinit ito. Sa kagustuhan kong itago ang ngiti na yun ay yumuko ako.

"Oh.. ngiting-ngiti ka diyan ah." Pang-aalaska niya.

Nakatingin na pala siya sakin.

Kunwari ay hindi ko pinansin ang sinabi niya. Natatameme ako. Kaya binaling ko nalang ang tingin sa kutsara at muling sinubo sa kanya.

"Oh.. kainin mo na yan. Dami mong sinasabi." Naiilang ngunit nakangiti kong sabi.

Nakarehistro sa mukha niya ang saya kahit na ngumunguya siya.

Matapos niyang kumain ay pinainom ko siya ng gamot. Tapos hinatid ko na sa kusina ang pinagkainan niya.

Napag desisyunan kong sa kwarto nalang niya matulog.

Natuwa naman siya sa desisyon ko.

Single size lang ang kama niya kaya sabi ko sa lapag na ako matutulog.

"Dito ka na kuya. Kasya naman tayo dito. Aayos nalang ako ng higa." Saka dahan-dahan siyang pumuwesto para magbigay ng espasyong mahihigaan ko.

"Sigurado ka?.. alam mo namang malikot akong matulog. Baka magalaw ko mga sugat mo." Pag-aalala kong tanong.

Tumango lang siya at tinapik-tapik ang espasyong nilaan niya.

Ngumiti ako. Gusto ko rin naman siyang makatabi.

Pareho na kaming nakatihaya sa mediyo masikip na kama. Hindi niya pa kasi kayang tumagilid ng higa dahil sa mga sugat niya.

Nagkamustahan kami. Kwentuhan ngunit iniwasan ko munang itanong sa kanya kung ano talaga ang nangyari sa kanya. May araw din para sa tanong kong yan.

Hanggang sa maya-maya ay nakaramdam na din ako ng antok. Saka nagpaalam sa kanya na matutulog na ako.

Pumihit ako paharap sa kanya at marahang yumakap. Iniwasan kong masagi ang sugat niya.

Napabuntong hininga ako sa kapanatagang naramdaman. Saka bumulong sa kanya.

"Miss din kita buboy.."

Hindi na siya sumagot pero ramdam kong nakangiti siya. Bilang ganti hinimas niya ng palad ang nakapulupot kong kamay sa katawan niya.

"Goodnight." Ika niya.

"Goodnight din." Mangitingiti kong sagot.

"I love you" dugtong ko.

"I love you more"

Lahat ng pangamba ko ay naglaho. Wala pa ding sing sarap ang pakiramdam na makasama mo ang mahal mo.

Nakatulog akong may ngiti sa labi.

---

Nakabalik na ako sa abroad.

Bago ako umalis, sinigurado ko munang okay si Jake. Humiling pa siya kung pwede ba raw na mag stay muna ako. Ngunit hindi napagbigyan dahil may trabaho akong kelangang balikan sa abroad.

Hindi pa siya tuluyang magaling noong umalis ako. Pero alam ko namang makakarecover din siya sa tamang panahon.

Napag-alaman ko, na ang dahilan ng nangyari sa kanya ay binalikan siya ng supplier niya noon ng marijuana dahil sa unfinished business (di ko nalang babanggitin, mediyo malawak ito at sensitive. Kung iniisip niyong bumalik siya sa bisyo, hindi na. Hindi na siya kailanman bumalik pa sa bisyo at nakakasiguro ako diyan)

Tiniyak niya rin sa akin na hindi na siya babalikan ng mga adik na'yon.

Pinangaralan ko siya bilang isang kuya.

---

Dalawang buwan ang mabilis na lumipas.

Magkachat kami ni Jake noon gamit ang mobile phone. Habang nakahiga ako sa kama ko.

"Kuya"

"Yow!" Nakangiti akong nagreply sa kanya.

"May sasabihin ako sayo"

"Ano yun?"

Matagal bago siya nagreply. Nakikita kong typing tapos maya-maya ay nawawala.

"Pwede ba tayo mag videocall?" Tanong niya.

Mukhang mahalaga ang sasabihin niya.

"Ah, paubos na kasi yung data ko. Bukas pa ako makakapagload. Baka maputol. Sabihin mo nalang dito sa chat. Mababasa ko naman."

"Kuya"

"Oh?" Nagtataka kong tanong.

" ='( " tanging reply niya.

"Ayos ka lang ba?" Nag-aalala kong tanong.

"I'm sorry ='( "

"Bakit ka nagsosorry?" Medyo kinabahan na ako.

Typing.... tapos mawawala. Typing.... mawawala.

Mediyo may katagalan siyang nagreply. Naisip ko baka naubusan na ako ng data. Kaya nag balance inquiry ako, may konti pa namang natira.

Saka nag pop-up ang message niya.

"Nakabuntis ako.='("

Natulala ako.

Dalawang salitang nakakawindang.

Mala unos ang emosyong naramdaman ko dahil sa dalawang salita na yan. Maraming katanungan ang naglaro sa isip ko. Kasabay ng pagtulo ng luha ko.

Alam ko namang dadating kami sa puntong yan, na magkakaroon kami ng asawa at anak. Hindi ko lang napaghandaan ang panahong yun. Hindi ko alam na mangyayare pala ng mas maaga yun. Wala siyang pasabi.

Hindi ako handa. Hindi ko makuhang sagutin ang chat niya.

"Kuya?" Huling message niya.

Ayoko munang malaman ang dahilan, kaya agad kong pinatay ang data ko upang hindi na ako makatanggap ng mensahe mula sa kanya.

Niyakap ko ang unan at isinubsob ang mukha ko. Nasalo ng unan ang lahat ng pighati at sakit na nararamdaman ko.

Ansakit.

Mistulang pinipiga at walang habas na tinusok-tusok ng karayom ang puso ko.

'Akala ko mahal niya ako...'

'Akala ko hindi niya ako sasaktan...'

Naglaro sa isipan ko ang masasayang alaala namin na mayamaya ay napalitan ng pait. Masagana at walang humpay ang pagtulo ng luha ko. Kung anong oras tumigil.. Hindi ko na alam.

Kinabukasan nagising akong mugto ang mga mata.

Tahimik akong nagtrabaho hanggang matapos ang buong araw.

Nag-iisip ng dapat gawin.

Kinagabihan ay naglakas loob akong balikang kausapin siya. Naka online siya.

Maraming messages na nagmula sa kanya noong binuksan ko ang messenger.

Nakasaad doon ang mga dahilan kung bakit nangyari yun. Ilang sorry din ang nabasa ko.

Bilang nakakatanda, tinatagan ko ang loob ko. Kailangan kong maging kuya sa kanya. Kailangan niya ng mapagkukwentuhan. Kailangan kong iparamdam sa kanya na mahalaga siya.

Kahit na ang totoo niyan ay halos hindi ako makahinga sa sakit.

"Sorry naubusan ako ng data kagabi...Ganun ba?.. anong plano mo? Kelangan mong panindigan yan. Ako ang unang magagalit kapag di mo ginawa yun. Alam mo naman ang feeling ng broken family diba?"

(As I've mentioned sa chapter 1, hiwalay ang parents niya)

Unang reply ko sa kanya, na may kasamang pagsisinungaling. Ayokong isipin niya na nasaktan niya ako. Ayokong dumagdag sa isipin niya. Madami na siyang pinagdaanang hirap. Kahit man lang sa pamamagitan ng pagtikis ng nararamdaman ko ay makatulong sa kanya.

Ang totoo niyan, lumuluha ako habang nagrereply sa kanya.

"Galit silang lahat sa akin. Alam ko ikaw din."

Hindi ko man nakikita ang mukha niya, alam kong nababagabag siya.

"Hindi ka pa kasi tapos mag-aral, pero nakabuntis ka na. Natural lang na magalit sila. Tutal nandiyan na yan. Panagutan mo nalang Jake. Nandito lang si kuya okay? :-) "

" ='( " sagot niya.

"Sorry kuya =(."

"Okay lang yan. W.I nga diba? :-)"

Pilit kong pinaramdam sa kanya na okay lang. Kahit ang totoo ay hindi ko alam kung paano ko ihahandle ang emosyon ko.

"Magtino ka na, Daddy ka na. Congrats BTW =)"

" ='( " tanging reply niya.

"Wag ka nang malungkot." Reply ko.

"Paano ka?" Sagot niya.

Masaganang dumaloy ang luha mula sa mga mata ko.

"Sus! Wag mo akong isipin. Ang isipin mo yung mag-ina mo. Okay lang ako Jake. Wag mo akong alalahanin. Mas nauna akong ipinanganak kesa sayo... hehehe."

Natapos ang usapan namin. Nagsisisi daw siya sa katangahang nagawa niya. Hindi niya naman daw mahal ang babae. Nagkataong ang babae ang lapit ng lapit sa kanya, lalo noong mga panahon nagpapagaling pa siya. Hanggang sa hindi niya na control ang sarili niya at nangyari ang nangyari.

Ilang beses din siyang humingi ng tawad sa akin. Maraming beses din akong nagkunwaring hindi apektado sa nangyari.

Dapat gawin niya ang tama at gawin ko rin ang nararapat.

'MAGING KUYA NIYA' ang katotohanang pilit kong pinanghahawakan dati. Ito naman talaga ang dapat kong gampanang papel sa buhay niya.

'Sabi ko naman sayo, walang patutunguhan yang nararamdaman mo sa kanya. Noon pa kita pinipigilan, mas sinunod mo ang puso mo eh.'

Sobrang sakit.

Ansakit-sakit. Kung kailan alam na namin pareho na mahal namin ang isa't isa, saka pa nangyari ito.

Kung ilang araw akong lumuha at ilang gabing hindi makatulog ng maayos.. hindi ko na rin alam.

'Bakit ba minahal kita ng ganito?!'

Mga katanungang tanging hikbi ko lang ang tumutugon.

Nag-isip ako ng diversion para tuluyan kong makalimutan ang nararamdaman ko kay Jake.

Oo, nag desisyon akong kalimutan ang nararamdaman ko sa kanya. Gawin ang tama at magsimula.

Hanggang sa dumating yung araw na kinamusta ko si Jona sa UAE. Masayang masaya siya dahil naalala ko pa siyang kamustahin. Kwentuhan, kulitan at madalas na videocall.

Special pa din ang tingin ko kay Jona. Naging magkaibigan ulit kami. Malaking bagay na lagi ko siyang nakakausap. Kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko at onti-onting nawawala sa isip ko si Jake.

Hanggang sa dumating kami sa biruan na susundan ko siya sa UAE at maghahanap ako ng work doon. Na hindi kalaunan ay naging totoo nga.

Hindi ko tinapos ang contract ko sa Qatar. Lumipat ako ng UAE upang magsimula ng panibagong buhay.

Kasama si Jona.

Naging kami ni Jona. Bukas palad niya akong tinanggap. Sa kanya ako tumuloy hanggang sa nakahanap ako ng bagong trabaho.

Naging masaya ang pagsasama namin. Hanggang sa dumating ang panahon na tuluyan ko ng nakalimutan ang sakit na naramdaman ko ng dahil kay Jake.

Madalang narin kaming nakakapag-usap ni Jake.

Nang masiguro kong hindi lang panakip-butas si Jona para sa akin. Niyaya ko siyang magpakasal.

Tama, minahal ko na siya ng tuluyan. Sa pagkakataon na yun, buong-buo kong inalay ang puso sa kanya ng walang pag-aalinlangan.

Maswerte ako at si Jona ang napangasawa ko. Wala na akong mahihiling pa.

---------

"Hello baby! Ganda-ganda mo naman! Kamukha mo Daddy mo! Kakagigil ka!" Mahinang kurot sa pisngi at nakangiti kong wika sa cute kong pamangkin.

Karga-karga siya ng daddy niya.

"Mag-Bless ka sa Ninong Rye mo dali."

Sumunod naman ang cute na bata. Saka tuluyan siyang ibinaba ng daddy niya upang makipaglaro sa ibang pamangkin namin.

"Play ka muna diyan baby, okay?" Wika ng daddy niya.

Nasa province kaming lahat. Family reunion. Matatanda na kasi ang lolo at lola ko kaya napag-usapang doon nalang kami mag reunion.

Kakarating lang din from UAE. Sadly di ko kasama si Jona dahil hindi kami magkasabay ng bakasyon.

"Ilang taon na ba si baby Rhianne?" Tanong ko kay Jake.

Masaya naming pinagmamasdang nakikipaglaro si baby Rhianne sa ibang pinsan niyang maliliit din.

"Tatlo na Kuya! Marami ka ng utang na gifts sa kanya." Tugon ni Jake na sinabayan ng tawa.

Nakipagtawanan na din ako.

"Oo nga!.. mamaya iaabot ko ang pasalubong ko sa kanya. Si ate Jona mo ang namili nun." Nakangiti kong sabi.

Dinako ko ang tingin sa kanya na nakatingin din pala sakin.

Pinag-aralan ko ang itsura niya. Nagmatured ngunit taglay pa rin ang kapogihan.

May konting kirot akong naramdaman. In three years time, akala ko tuluyan ko ng makakalimutan. Mali pala ako.

Pilit kong isinantabi ang naramdaman ko na yon. Ayokong makita niya yon sa mata ko.

"Kamusta ka na naman?...Tatay na tatay ka na ah!" Masaya kong wika sa kanya.

"Ganun talaga kuya kapag may anak na." Sinabayan ng mahinang tawa.

Nginitian ko lang siya.

"Kamusta kayo ni ate Jona?"

"Eto, masaya kami. Maswerte ako sa kanya. Biruin mo antagal niya akong hinintay." nakangiti kong tugon.

"Oo nga eh." Pagsang-ayon niya. "Masaya ako para sa inyo." Nakangiti niyang sabi.

"Kailan kayo gagawa ng magiging kalaro ng baby Rhianne ko?" Segundang tanong niya.

"Yun nga, mababa kasi matres ng ate mo. Pero di kami sumusuko. Pasasaan ba't magkakaanak din kami." Sagot ko.

Tumango lang siya.

"Mabuti nga nahiram ko si baby sa mommy niya. Ayaw pumayag noong una kaya nagpatulong ako kay Jessica. Ayon pumayag din."

"Mabuti kung ganun.. para makita din nila lola ang apo nila sa tuhod." Wika ko.

Naikwento noon sakin ni Jake na hindi nagworkout ang relasyon nila ng mommy ni Rhianne.

Katahimikan.

"Parang kailan lang ano?" Wika ko na nakangiti habang nakatingin sa mga batang naglalaro.

Tumingin siya sakin at lumingon din ako sa kanya.

"Oo nga, andami nang nangyari sa mga buhay natin." Tugon niyang nakangiti pa din. Ngiting kulang. Ngiti ng kalungkutan.

Kinabukasan ay napagpasyahan naming magpipinsan na pumunta sa falls na pinupuntahan namin dati.

Naglalakad kami noon at napadaan sa lupain ng lolo at lola. Kung saan pinangarap namin ni Jake na pagtatayuan ng bahay namin na magkatabi.

Masaya kaming magpipinsan na nagkukwentuhan habang naglalakad.

Natahimik ako nang napadako ang tingin ko sa mismong parte ng lupain kung saan nagsimula kami ni Jake mangarap.

Mediyo nakaangat ito sa kapatagan at may matatayog na kawayan. Yun ang spot na pinili ko upang pagtayuan. Yung spot naman ni Jake ay hindi kalayuan, katabi naman ng puno ng mangga yung sa kanya. Mula sa lugar na yon matatanaw mo ang malawak na dagat.

Napabaling ang tingin ko kay Jake, na noon ay nakatingin din sa akin. Nasilayan ko ang lungkot doon.

Inilayo ko na lang ang tingin sa kanya at pilit na humabol sa kwentuhan ng ibang pinsan.

---

Kinabukasa'y dumalaw kami sa kilalang lighthouse ng probinsiyang yon.

Buong kamag-anakan kaming nagpunta doon.

Katulad ng dati, napakasarap parin sa feeling kapag nagtutungo doon. Iba't ibang sceneries ang masisilayan mo. Sariwang hangin na dinadala ng alon sa dalampasigan. Mga rock formations at iba pa.

Dumaan din kami sa part ng zigzag road. Kung saan naging bahagi narin ng alaala ko kasama si Jake.

Nang makarating kami sa mismong lighthouse halos hindi magkandaumayaw ang iba sa kakakuha ng picture. Yung iba sa kanila ay nagpictorials sa malapit sa bangin kung saan tanaw mo ang islet sa di kalayuan. Habang kaming magpipinsan ay napagkasunduan naming akyatin ang lighthouse.

Ipinaubaya muna ni Jake si Rhianne kay Jessica.

Apat kami ni Paul, Don at Jake na sabay-sabay umakyat. Nang marating ang pinakatuktok. Walang pagsidlan ng saya ang dalawang pinsan namin. Halos mapatid na ang mga litid kakasigaw dahil sa saya.

Mayamaya ay salitan na silang magpikyuran. Habang kami ni Jake ay tahimik lang na nakamasid sa malawak na karagatan. Kalahating metro ang layo niya sa akin.

Salitan kami ng sulyap sa isa't isa. Bagamat hindi naman kami magkagalit, hindi ko maipaliwanag kung bakit parang may balakid para makapag-usap kami ng normal.

Marahil siguro ay naging bahagi at saksi ang lugar na yon sa masasayang nakaraan namin ni Jake.

Halos sabay din kaming napabuntong-hininga na naging sanhi ng pagsalubong ng mga mata namin. Bahagya akong natawa na sinundan niya rin ng tawa.

"Nakakamiss dito kuya no?"Aniya

Tumingin siyang nakangiti. Ngunit mababanaag mo sa mata niya ang lungkot.

Naalala ko yung huling punta namin. Sabay naming pinagmamasdan ang tanawin habang nakayakap siya sa akin.

'Oo lecheka! Nakakamiss ka' sa isip ko.

Nakaramdam ako ng labis na pangungulila at ibinaling ang tingin sa parteng hindi nakikita ni Jake ang mga mata kong nalulumbay.

Saka kami tinawag ng dalawang tukmol para mag pictorials.

---

Kinabukasan.

Nagtungo kaming magkakamag-anak sa beach ng isa pa naming lola. Yun ang pinaka-araw ng reunion.

Abala ang lahat sa kanya-kanyang gawain. Yung iba ay naghahanda ng makakain. Ang mga makukulit na bulinggit ay naglalaro ng buhangin sa tabing dagat. Yung mga teenager ko namang mga pinsan ay nagba-volleyball.

Heto kaming tatlo ni Paul at Jake ang nakatoka sa paggi-grill.

"Maiwan ko muna kayo saglit, kukuha lang ako ng beer para sa ating tatlo." Ika ni Paul

Mas masarap nga namang uminom habang nag-iihaw.

Kaya naiwan kaming dalawa ni Jake. Pinapanood niya akong nagpapaningas ng uling. Nang makita kong bumabaga na ito, marahan ko itong pinaypayan.

"Ako na magpaypay kuya." presenta niya.

"Sige lang.. ako na Jake. Di ka marunong nito" Tanggi ko.

"Sige na, pasubok lang."

"Ako na nga!" Patuloy kong pinapaypayan.

Dahil matigas ang ulo niya. Pilit niyang inagaw ang pamaypay, na sakto namang nahawakan niya ang kamay ko. Kaya napatingin ako sa kanya. Nang makaramdam ako ng pagkailang, agad kong binawi ang kamay ko at ipinaubaya sa kanya ang pagpapaypay.

Hindi naman sa iniiwasan ko siya totally. Ang iniiwasan ko lang ay madikit sa kanya, napupukaw na naman kasi ang damdaming pilit kong kinakalimutan.

---

Mabilis na kinain ng dilim ang kanina lang ay kulay-kahel na kalangitan. Nagsimula na ring magningning ang animo'y nagyayabangan na mga bituin. Ang kalahating imahe naman ng buwan ang siyang nagbibigay liwanag sa bahaging iyon ng buhanginan kung saan ako nakahiga upang pagmasdan ang ganda ng kalawakan.

Mediyo nagpakalayo-layo ako sa kanila upang mapag-isa.

Ang kanang kamay ko ay mag tangan na isang bote ng beer. Habang yung kaliwa ay nagsisilbing unan.

Habang nakatingin sa kalawakan naaninag ko sa gilid ng mata ko ang papalapit na si Jake. May hawak din siyang bote ng beer.

Nang marating niya ang pwesto ko ay tahimik itong umupo.

"Kanina pa kita hinahanap, sabi ko na nga ba nandito ka lang." Sinundan ng paglagok ng beer.

"Ang ingay kasi dun, kaya lumayo muna ako." Sagot ko. Saka pumuwestong paupo. "Bakit mo nga pala ako hinahanap." Segunda ko.

Hindi muna siya umimik.

Maya-maya'y...

"Iniiwasan mo ba ako kuya?" Malamig ngunit mabigat ang dating ng tono niya.

"Tingin mo ba iniiwasan kita?" Balik tanong ko sa tanong niya.

"Tingin ko lang." Tipid niyang sagot.

"Hmmm... well. Hindi naman sa ganoon. Sabihin nalang natin na... dumidistansiya lang ng konti... Alam mo naman siguro ang dahilan no?."

Nagkatinginan kami saglit.. at sabay ding binawi.

Katahimikan.

Nag-isip ako ng paraan kung paano siya kakausapin ng maayos. Gusto ko ring magkaayos kami bago ako bumalik ng UAE. Yung maibalik man lang namin yung dati naming pinagsamahan bilang magpinsan.

"Okay ganito nalang, since napapansin kong hindi tayo kumportable.. at ayoko rin namang masayang ang pinagsamahan natin.. mag jack n' poy nalang tayo. Kung sino ang talo siya ang unang magsasalita... game ka?" Wika ko.

"Uhmmm.. sige." Pagkukumbinse siya sa sarili.

Jack N' poy... talo siya

"Miss kita." Sabi niya.

Napatawa ako na nailang ng bahagya. Napailing ako.

"Isa pa!"

Jack N' poy.. talo ulit siya.

"Ma... ma... mahal pa rin kita!"

Nawala ang ngiti ko at umiwas ng tingin sa kanya.

"Totoo!" Dugtong niya.

Tumungga ako ng beer at tumango-tango.

Alam ko naman na pareho parin kami ng nararamdaman.

Kagaya nga ng plano ko.. lilinawin ko na kung ano ang meron kami. Ngunit hindi ko aalisin sa utak ko na hindi na maaaring bumalik ang dati dahil may asawa na ako.

Humugot muna ako ng lakas at nagsalita.

"Actually...Ako din naman..." nakangiti akong tiningnan siya sabay bawi at muling uminom ng beer.

"Pero alam naman natin pareho ang sitwasyon natin Jake. Matatanda narin tayo.. maaaring mahal nga natin ang isa't isa, pero alam naman natin na hindi na maaari to diba?. May asawa na ako at magkakaroon ka din balang araw"

Tumango lang siya.

"I'm sorry..." huminto muna siya at uminom ng beer. "Sorry sa nagawa ko."

Nagkatitigan kami ng mga limang segundo. Sa loob ng limang segunda na yon, tanging mata lang namin ang nag-uusap.

Yumuko ako.

"Akala ko din nawala na yung nararamdaman ko sayo... pero.. pero etong muli kitang nakita. Bumalik lahat sa akin. Pati ung kirot... alam mo yon?.." huminto muna ako saglit. "Paki-explain nga sakin Jake kung anong meron sayo at bakit minahal kita ng ganito." Mangatal-ngatal na ang boses ko.

"Maging fair ka naman sa akin kuya.. yan din naman itatanong ko sayo.. hindi ko rin alam kung anong meron tayo. Kung bakit hanggang ngayon nandito ka parin.." sabay turo sa dibdib niya. "Ikaw mag explain.. ikaw ang Kuya." Pagdidiin niya.

Sa halip ay maluha, natawa nalang ako.

"Bakit nga ba?.." pailing-iling kong sabi.

Katahimikan..

"Okay! ganito na lang.. iwasan mo akong lambingin.. susubukan kong maging okay na tayo.. Ako pa rin ang Kuya at ikaw bunso... gaya ng dati.. okay ba?"

Tahimik siyang tumango. Maya-maya'y..

"Eh yung.. kiss.. pwede pa ba?" Tanong niya.

"Hindi na." Tugon ko.

Yumuko siya.

"Yakap?." Ngumiti siyang tumingin sakin.

Napangiti ako.

"Pag-iisipan ko pa.." tumawa ako.

"Daya nito."

"Oi.. oi.. kakasabi ko lang ah."

"Oh siya! Siya!" Aniya.

"Yung I love you?!" Pangungulit niya.

Napangiti ako.

"Pwede.. pero bilang kuya mo."

"Okay!..." tango-tango siya.

"Eh di,.... I love you Kuya!" Nakangiti siyang tumingin sakin.

"Hahaha baliw.."

Nagkunwari siyang malungkot dahil hindi ko sinagot I love you niya.

"Shhsss! Oo na.. oo na! I love you too!.. BUBOY!.. hahaha baliw!"

Diniinan ko ang salitang BUBOY.

Ngumiti naman siya.

"Nakapag-isip ka na ba?" Tanong niya.

"Nang alin?" Taka kong tanong.

"Yung tungkol sa yakap."

Natawa ako.

"Gusto mo ba talaga? Ha?!" Pang bubuska ko.

"Oo naman."

"Gusto mo ha? Ha?"

"Oo nga!"

Itinabi ko muna ang bote ko.

"Ahh gusto mo talaga ha.."

Mabilis ko siyang tinulak pahiga at nilundagan. Niyakap nang mahihigpit. Gumanti rin siya ng yakap.

Nang makaramdam na ako ng contentment ay kiniliti ko siya ng buong pwersa. Tawang tawa siya.

"Eto gusto mo to?" Tukoy ko sa pangingiliti sa kanya.

"Opo koya!"

Pagulong-gulong na kami sa buhanginan.

Tawanan. Di ako tumigil sa pangingiliti.

"Gusto mo pa?"

"Ahh.. sige pa koya!"

Tumigil ako at hinampas ko siya sa braso ng mahina, dahil yung pagkakasabi niya ay parang umuungol, na sa dalawang tao lang na nagse-sex mo naririnig.

Bumalik ako sa pagkakaupo na mangiti-ngiti.

"Adik ka talaga!!" Matawatawa kong sabi sa kanya.

Bumangon siyang hinihingal dahil sa katatawa.

Sa pagkakataon na yon, kahit hindi man masiyadong malinaw ang naging usapanan namin tungkol sa nararamdaman namin sa isa't isa. Alam kong pareho kaming masaya. Alam kong dadating ang araw na pareho naming matatanto kung ano talaga ang meron sa amin.

Isang bagay ang alam kong hindi mawawala sa amin kahit ilang taon pa ang lumipas. Yun ay ang BOND. Na lalong pinagtibay ng panahon. Na hindi kayang tibagin ng kahit ano mang unos.

Ang pagmamahalan namin kailanman ay hindi masusukat. Love is caring. Love is seeing someone happy. Love is understanding. Love is contentment. Love will never ask something in return. And true love will always be remembered.

Pareho naming babaunin ang masasayang alaala hanggang sa pagtanda. At ang pangakong hindi kailan man malilimutan.

W.I. Walang Iwanan.. hanggang sa huling segundo ng aming buhay.

----

Sa kasalukuyan...

Patuloy pa din ang pagiging close namin ni Jake. Lagi kaming nagkakamustahan kahit na madalas ay out of the country ako. Sa tuwing nagbabakasyon naman ako ay hindi pwedeng wala kaming bonding.

Hindi na nag-aral pang muli si Jake. Pero maganda na ang sitwasyon niya sa company na kung san siya nag tatrabaho. Nasa supervisory level na siya. Nabanggit niya ring mag-aaral ulit siya habang nagtatrabaho. May kinakasama na din siya ngayon at masayang masaya sila. Hindi magtatagal ay magpapakasal na rin.

Ako naman ay kasalukuyang nasa ibang bansa. Habang nasa pinas naman si Jona, busy sa pag-aalaga kay Baby Rye. Yup! Nagkaanak na rin kami sa wakas.

At yung usapan namin ni Jake na magpapatayo ng magkatabing bahay? We are still dreaming of having it done. Pinag-uusapan pa din namin and one day matutupad yun.

Hanggang dito nalang.....

Salamat sa pagsubaybay ng kwento ko at ang kwento ng Pinsan Kong Inosente na si Jake.

-----------WAKAS----------

A/N:

Maraming salamat sa matityagang nagbasa ng story ko at sa mga readers na naging kaibigan ko. Kayo ang patuloy na nagmotivate sakin para ipagpatuloy ito. MARAMING SALAMAT!

Pasensya na kayo kung mediyo nawala yung spark or emotion ng last chapter. Antagal ko kasing hindi nakapag sulat. Ilang taon din. Dahil dun nawala ako sa momentum.

Masaya pa rin ako at nabigyan ko ng wakas ang story. Para narin sa ikatatahimik ng ibang affected na readers sa katatanong kung ano ang nangyare after ng Chapter 9.

Hanggang sa muli!

Paalam!

PS: let me know kung ano masasabj niyo sa ending.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This