Pages

Wednesday, May 6, 2020

SM Southmall (Part 3)

By: Carl

Pinilit ko paring tumayo dahil kakaiba na ang aking nararamdaman, at sobrang nahihirapan na akong huminga dahil sa mabilis na pag-tibok ng puso ko. Nang makatayo ay pinilit kong labanan ang pagkahilo at nanatiling umupo.

"Hoy gago! bumangon ka na jan! Malamig ang tiles!" Sabat ko 

Ngunit inilapag niya lamang ang braso nya sa sahig kasabay nito ang paghinga niya ng malalim. Pinakiramdaman ko ang tibok ng puso ko, at mabilis pa rin ang tibok nito. Habang nakatulala ako sa mga ilaw ng naglalakihang gusaling tanaw sa roofdeck namin, nagulat ako ng tanungin ako ni Iwi.

"Nagselos ka ba kanina?" 

"S-saan?" sagot ko. Narinig ko ang mahina niyang pag tawa.

"Pasensiya cacarl kung pinaghintay kita kanina, pakiramdam ko tuloy wala akong kwentang kaibigan." Agad naman akong nabigla sa sinabi niya. Sandaling natahimik ang kapaligiran. "Tara samahan mo ako, mag lugaw tayo" pakiusap niya.

"Gago ka pala eh, lalabas ka e hindi ka nga makatayo" may diin kong sagot. Agad niya akong hinawakan sa balikat upang kumuha ng pwersa para makatayo. "Sinong may sabing hindi ko kayang tumayo ha?" pagmamalaki niya sabay angat ng dalawang braso na para bang fnflex ang mga muscle niya di pa naman ganoon  kahubog.

"Andami mong alam para kang tanga" sabat ko sabay tawa

Pinilit kong makatayo kahit na medyo nawawala ako sa balanse. Pagewang-gewang kaming bumaba sa hagdanan magmula sa roofdeck hanggang makarating sa gate. Natatawa ako sa mga oras na iyon dahil para kaming ewan.
Pinipilit na makalabas ng bahay ng walang ingay na magagawa.  Pagkalabas ng gate, patuloy namin nilakad ang pagkahaba-habang kalsada ng aming village, anong oras na kasi noon kaya wala na ang mga pedicab.

"Naalala ko tuloy nung bata tayo, naglalakas loob kang ihatid ako kahit duwag kang umuwi ng mag-isa" pang-aasar niya sabay akbay saakin. Biglang nag flasback saakin lahat ng mga nakakatuwang pangyayaring naganap nung kami'y mga bata pa hahaha.

"Oo hinahatid kita tapos pagkadating sa inyo, ako naman ihahatid mo pabalik." sabat ko. Sabay kaming nagtawanan.

Madalas kase si Iwi sa bahay tumambay, bibihira lang kaming maglaro o makipag-laro sa labas dahil hindi sa pagmamayabang pero kumpleto kase kami sa laruan nung bata kami. Salitan at hiraman ang madalas naming gawin, lalo na sa mga gadgets. Naalala ko nung tinuli kami, sabay kaming tinuli ni Iwi kase nagpustahan kami noon na kung sinong iiyak ay hindi makakahiram ng ipad o maski ng ds buong linggo - at nanalo ako hahahaha.

"Kuya dalawang lugaw, may laman, may itlog, tas dalawang tokwa"

Ako na ang nag order ng lugaw dahil kahit papaano naman ay kaya ko pang alalayan ang sarili ko. Sa pinaka kanto umupo si Iwi, hindi ko napigilang mapangiti nung makita siyang nakaupo sa sulok at nakasandal. Tila nilalabanan niya ang pagkalasing tanaw mo iyon sa kanyang muka dahil pulado na ito at ang singkit niyang mga mata ay mas lalo pang gumuhit.

Dahan-dahan kong inilapag ang lugaw sa lamesa, at siya nama'y pinipilit na umupo ng tuwid. "Ano kaya pa?" tanong ko sabay tawa. Binigyan niya naman ako ng isang abot teynga na ngiti at nag thumbs up pa ang loko. "Tarantado ka talaga eh haha, tara kain na" Sabat ko. Habang tuluyan kaming kumakain ng lugaw sa lugawan na nakapuwesto sa gilid ng kalsada, tanging saya ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Pinagmamasdan ko siyang kumain at tila bang hirap na hirap sa pagnguya sa kadahilanang manhid sa alak ang kanyang katawan. Kasabay ng malamig na hangin ang mga busina ng mga kotseng dumadaan sa kalsada, tanging tuwa at saya lamang ang nakatatak sa aking puso; at nais kong sulitin ang bawat segundo nung gabing iyon.

"Pagtapos nito kape tayo sa 7/11" 

"Napakarami mo namang hiling Lerwick. Tangina baka mamaya hingian mo ako ng bahay at lupa" sagot ko in a sarcastic way

Tumigil siya sa pag-kain at tinitigan ako sa mata. "Kung may hihilingin ako sa huling pagkakataon, iyon ay sana habang buhay tayong ganito, habang buhay tayong magkasama,"

Tila nabilis ulit ang tibok ng puso ko kaya't pinilit kong inumin ang tubig na nakalagay sa aking baso upang hindi niya mahalatang nawawala ako sa wisyo.

"habang buhay tayong mag ffoodtrip, habang buhay tayong gagala, at habang buhay kitang kaibigan kaibigan, hanggang sa kamatayan." dagdag pa niya


tila para akong nalunod sa pagkakainom ng tubig dahil sa pagkabigla. Agad na namang napalitan ng lungkot ang sayang tinatamasa ko past few minutes ago.

"O-oo naman!! Maski sa langit magkasama tayo tuleg!!" sabat ko 

Tila nawalan ako ng ganang kumain, kaya inubos ko na lamang ang laman at tokwa na natira sa lugaw ko. Maya-maya'y tumawid na kami papuntang 7/11. Malapit lang ang 7/11 sa lugawan kaya nag walktrip nalang kami, tila naiirita pa rin ako sa paligid ko dahil sa nangyare kanina; pero natauhan ako, at naisip kong mali ang ginagawa ko. Mali na madismaya ako sa sinabi ng kaibigan ko dahil kaibigan niya naman talaga ako, at malabong mangyareng ang pagkakaibigan namin ay humatong sa pag-iibigan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan dahilan upang pagtinginan kami ng mga staff ng convenient store.

"Good morning po. Lasing na lasing kasama nyo sir ah" bungad ni kuya guard

Nginitian lang namin ang guard at patuloy na dumiretso sa cashier. Pagkatapos, bitbit ang kape - napagusapan naming inumin nalang ito habang naglalakad pabalik sa bahay. Saka ko na lamang ininom ang kape ko nung makarating na kami sa village. 

"Tangina ang init pa pala!" reklamo ko habang kinakagat ang labi sa pagkakapaso. Nginisihan lang ako ni Iwi sabay patuloy na hinigop ang kape niya. At dahil sabik na din akong inumin ang kape ko onti onti ko itong iniinom habang hinihipanan upang lumamig.

"Akin na nga yan. Palit tayo. Malamig na itong sakin" saad niya.

Pinipigilan ko ang sariling mawala ulit sa pagkawisyo, kaya tinanggihan ko siya. "Napakakulit mo din eh, nakikipag-palit na nga para makainom ka na" reklamo niya.

"Puta ayoko nga! Kanina mo pa yan nilalaklak edi wala rin akong maiinom diyan!" Tugon ko 

Hindi ko namalayang may humps na pala sa harapan ko. Sa sobrang kataasan ng pride ko natalisod ako, at oo tumapon ang kape sa kamay ko dahilan para mabitawan ko ang cup. Namanhid ang kamay ko ng ilang segundo at napalitan ito ng hapdi at kirot. Sa mga sandaling iyon hindi ko alam kung iindahin ko ba ang sakit o ipagsasawalang-bahala nalang ito dahil, halos tarantang taranta si Iwi sa nangyare. "PARA KA KASENG SIRA EH! SINABI KONG MAGPALIT NA DIBA!" pasigaw niyang sabat habang pinupunasan ang kamay ko gamit ang tshirt niya. Tila naramdaman ko nanaman ang puso kong kumakabog, kaya inialis ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya rason kaya lalo siyang nagalit.

"ANO BA CARL?! ANO BANG KADRAMAHAN NANAMAN TO?!" madiin niyang tanong. Nababalisa ako sa mga nangyayare.

"Wag na okay na." tugon ko.

"ISA! HUWAG MO KONG SISIMULAN NAYAYAMOT NAKO SAYO!" Sabat niya habang seryosong nakatitig sa mga mata ko. Pinagpilitan niya paring kunin ang kamay ko upang punasan ang mga daliri kong basang basa dahil sa kape. 

"Tignan mo buti naka sweater ka, paano kung hindi mo sinuot yan. Edi lapnos sana braso mo!" dagdag pa niya. Ngunit nagbago ang tono ng pananalita niya at tila may halo itong lambing. 

Muli ay kinalas ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nagpatuloy sa paglalakad. "Tara na, wala lang to" Nakita ko ang mukha niyang halatadong inis na inis at nakahinto parin sa iisang lugar. "Alam mo pasalamat ka nga, at concern ako sayo eh!" sigaw niya.

"Hindi kailangan! Hindi tayo mag jowa!!" Sagot ko habang patuloy na naglalakad.

Tila nabigla din ako sa nasabi ko sa mga sandaling iyon, nakaramdam ako ng kirot at pangangamba sa kung anong isasagot niya. Pero hindi naman na siya nagbato pa ng negatibong salita.

"Hintayin mo ako! Gago ka!" sagot niya sabay takbo para maabutan ako. "Pustahan bukas lapnos yan" dagdag niya pa sabay ngisi.

Natutuwa ako sa tuwing umaasta siya ng ganoon, dahil bakas na bakas parin sa kaniya ang pagiging isip bata. Pagkarating sa bahay hindi na ako nagdalawang isip pa at tuluyan nang humiga sa aking kama. Tila para akong nakalutang sa langit sa mga oras na yon dahil pasan-pasan ng malambot kong kama ang katawan kong manhid at masakit. Hinubad ko ang sweater, pawis na pawis ang katawan ko. "Iwi paabot nga remote ng aircon" utos ko. Agad niya naman iyong inabot, at dali dali kong binuksan ang aircon ko sa kwarto. Habang nakadapa, pinagmamasdan ko ang buwan na tanaw sa aking bintana at inaantay na dalawin ako ng antok. Biglang nagising ang diwa ko ng hablutin ni Iwi ang isa kong unan.

"Oh? anong trip mo nanaman?" tanong ko

Hindi na siya sumagot pa at patuloy na ibinagsak ang unan ko sa sahig. "Gusto mo talagang mag kasakit eh noh." pang-aalaska ko.

"Dito ka na sa kama!" dagdag ko pa.

Tila nagbingi-bingihan lang siya at patuloy na humiga sa sahig. Tinaasan niya nanamn pride niya, at wala na akong magagawa don. Bagkus ay tinignan ko nalang siya sabay balik sa pagkaka-dapa. Habang mahimbing na natutulog nagising ako ng may naramdaman akong tumabi saakin - si Iwi. Dahan-dahan niyang ipinasok ang katawan niya sa comforter. Sigurado akong giniginaw na ang loko kaya hindi nakatiis. Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy sa pagtulog.

Kinabukasan napag-usapan namin ni erpat na gumala dahil hindi pa kami nagkakaroon ng quality time simula nung makauwi siya dito sa pinas galing sa america, sa kadahilanang mas pinagtuunan niya ng pansin ang pag-aasikaso ng mga importanteng papeles. Sa Alabang Festival Mall kami gumala ni erpat. "San tayo kakain nak?" Tanong ni papa

Hindi ako mapili sa mga kinakainan namin simula pa noon, lalo na pag kasama ko sila mama at papa. Siguro nasanay lang ako na kuntento sa kung anong kakainin as long as ramdam ko presensya nila. Napagdesisyunan namin ni papa na kumain sa isang Japanese restaurant na located sa River Park. Sobrang saya ko sa mga sandaling iyon dahil madami kaming plano ni erpat na nakatakdang gawin para sa araw na yun. Habang namimili si Papa sa menu, naglakas loob akong magtanong.

"Pa, okay lang ba kung magpapabili ako bagong rubbershoes ngayon?" tanong ko.

Hindi naman nag hesitate si papa na pumayag at napagusapang after kumain nalang kami mamimili. Sinuklian ko naman iyon ng abot teynga na ngiti. Sobrang namiss kong magkaroon ng quality time kasama ang papa ko, tamang kwentuhan lang ang ginawa namin habang hinihintay ang inorder naming pagkain. Maya-maya'y nag vibrate ang cellphone ko kaya agad ko iyong kinuha sa aking bulsa upang alamin kung sino ang mag message saakin. Reminders lang pala, pinatong ko ang cellphone ko sa tabi ng aking baso, at ibinaling muli ang aking atensyon kay pala.

"Nag chat ang mama mo. Bilhan ko daw siya pasalubong - dried mangoes, at bagoong." saad ni papa rason bakit parehas kaming natuwa

"Oh? Anong nangyare sa cellphone mo? Basag na basag?" tanong ni papa

"Matagal na yan pa, nabitawan ko po sa field doon sa school. Ayon bumagsak sa mga batuhan pero okay pa naman po, kaya pa, gumagana pa." sagot ko habang nakangisi

Tila napalitan naman ng lungkot ang muka ng erpat ko. "Bibili tayo bago mamaya. Matagal mo narin namang gamit yan. Hindi puwedeng hindi tayo makakabili ngayong araw." saad ni papa

Pinilit ko siyang tanggihan dahil alam kong gastos nanaman. "Okay lang pa. Sapat na muna saakin ngayon yung sapatos." pangangatwiran ko. Ngunit parang hindi siya kuntento dito at mas lalong nalungkot ang muka.

"Hindi nak, bibilhin natin lahat ng needs mo ngayon. Just tell me lang kung ano ano pang kailangan mo para mabili natin today. Well kung hindi naman kaya today, then sa ibang araw." sabat ni papa.

"Nakakaguilty lang anak kase, may stable job naman kaming parehas ng mama mo. And the reason why nag ttrabaho kami ay para tustusan at ibigay lahat ng needs mo. Responsibilidad namin ito okay? Kaya kami nag trabaho hindi para sa sarili namin, kundi para sayo." dagdag pa niya.

Wala na akong nasabi pa. Tumango na lamang ako at sinuklian ng matamis na ngiti si Papa. Sobrang swerte ko sa kalagayan ko, lalo na sa magulang ko. Kahit may mga panahon na madalas akong nangungulila sa kanila, sobrang nagpapasalamat ako kase never silang nagkulang na pangaralan ako. Maya-maya pa ay dumating na yung order namin, unang sinerved saamin ay ang Red  iced tea. Habang Pinapatong ng waiter isa-isa ang mga pagkain sa lamesa namin, hindi ko alam kung bakit may nagudyok saaking sumilip sa bintana. Tabi kase ng bintana ang puwesto namin, sa di kalayuan tanaw ko ang isang lalaking nakaupo malapit sa puno. Nakangiti ito at bakas sa kanyang mga mata ang kasiyahang kanyang dala-dala. Napangiti ako at akmang magbabato na sana ng salita sa Papa ko, ngunit biglang napalitan ng lungkot ang pananabik na nararamdaman ko.

si Iwi ang lalaking tinutukoy ko. At oo, magkasama sila ni Vien.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This