Pages

Saturday, May 16, 2020

Flicker (Part 50)

By: Loverboynicks

Kiel's POV Part 2

Halos kalahating oras na kaming magkayakap sa ibabaw ng kama nang maramdaman ko ang malalalim na paghinga ni Renz.

Nakatulog siya sa mga bisig ko at mas lalo ko siyang hinila palapit sa katawan ko. Hinaplos-haplos ko ang braso niya na nakayakap sa akin habang nakatitig ako sa kisame.

Nakatulala lamang ako doon at nag-iisip ng napakaraming bagay. Hanggang sa maglakbay ang isip ko patungo sa nakaraan.

4 Years Earlier

Nag-overtime ako sa restaurant ko dahil napakarami ng kailangan ayusin. Nagkaroon pa ng complain kanina sa pagkain na sineserve namin kaya mas natagalan kami sa pagsasara.

Sumakay ako sa kotse ko saka ko hinilot ang sentido ko. Sa totoo lang ay kanina pa masakit ang ulo ko pero dahil sa dami ng mga kailangan kong asikasuhin ay tiniis ko na lamang iyon.

Kasalukuyan akong nakayuko sa manibela ng sasakyan ko upang magpahinga sandali nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ko.

Text message iyon. Mabilis ko iyong dinampot sa pag-aakala na si Renz ang nagtext.

Natawa ako sa sarili ko. Bakit ko naman naisip iyon? Hindi naman nagtetext sa akin si Renz kung hindi ako ang unang magmemessage sa kanya.

Kumunot ang noo ko nang mabasa ko sa screen ang pangalan ni Kuya Jordan.

Mabilis kong binuksan iyon. Napaka unusual kasi ng text na iyon. Mula nang makipag-away ako sa bar at nakulong ako ay hindi na kami nag-usap pa ng maayos.

Mabuti na lamang at nakipag-areglo sa akin yung gagong boyfriend ni Gisele kaya nakalaya ako kaagad.

Paano wala naman maipagmamayabang. Puro angas lang naman at nakuhanan pa sa cctv na siya ang naunang sumugod sa akin.

Nasaan ka? Umuwi ka ngayon dito sa bahay. May kailangan kang makita. Iyon ang nilalaman ng text message niya.

May kabang bumundol sa dibdib ko nang mabasa ko iyon. Ilang sandali akong natulala sa labas ng sasakyan ko bago nagflash sa isipan ko ang isang hindi kanais-nais na eksena.

"Renz!" sambit ko sa pangalan niya saka ako nagmamadaling nagdrive pauwi sa bahay namin.

Halos paliparin ko na ang kotse ko makarating lamang ako kaagad sa bahay. Hindi ko pinansin ang mga red lights. Basta tuloy-tuloy lamang ako sa pagdadrive.

Bahala na kung mahuli man ako sa mga susunod na araw per kailangan ko na talagang makarating sa bahay.

Gabi na masyado kaya hindi na ganun kasikip ang mga kalsada. Daig ko pa ang nakikipagkarera sa bilis ng patakbo ko sa sasakyan.

Mahigit sampung minuto rin ang lumipas bago ako nakarating sa gate ng bahay namin. Hindi ko ka pinagkaabalahan pa na ipasok ang sasakyan.

Basta na lamang ako nagpark sa labas ng gate saka na ako nagmamadaling tumakbo papasok ng bahay.

Pagbukas ko pa lamang sa main door ay rinig na rinig ko na ang ingay na nagmumula sa itaas. Napahinto ako sa paghakbang at natigilan ako sa mga narinig ko.

"Hayop kang bakla ka pati asawa ka inaahas mo. Halika dito at kakalbuhin kitang hayop ka!" galit na galit na sigaw ni Ruth.

"Aray! Tita masakit po! Ahhhhhh! Aray! Araaaaaayyyyyy!" sigaw ni Renz.

Para akong sinuntok sa dibdib nang marinig ko ang boses ni Renz.

"Aray! Tita masakit po! Ahhhh! Maawa na po kayo." pakiusap niya ngunit hindi yata siya tinitigilan ni Ruth.

"Maawa?" galit na sigaw ni Ruth. "Kailanman ay hindi ako maaawa sa mga haliparot na katulad mo. Hayop ka! Asawa ko pa talaga ang nilandi mo. Papatayin kitang hayop ka!"

Sunud-sunod na mura ang narinig ko mula sa bibig ni Ruth kasabay ng mga daing at pagmamakaawa ni Renz.

Doon na ako natauhan at mabilis na akong tumakbo patungo sa hagdanan. Hindi ko marinig ang sinabi ni Dad pero ang isinagot ni Ruth ay dinig na dinig ko.

"Huminahon? Yung pagpatol mo noon sa malanding nanay ng haliparot na yan ay pinalampas ko pa. Pero hindi ito Benjie! Nakakadiri kayo!" umiiyak na sigaw ni Ruth.

Ilang sandali pa ay napalitan ng galit ang umiiyak na tinig ni Ruth kanina. "Nagsisisi ako na pinatuloy at pinakain pa kita dito sa pamamahay ko. Hindi ko alam na nag-aalaga pala ako ng baklang ahas! Wala kang utang loob Renz! Manang-mana ka sa nanay mong malandi!"

"Hindi malandi ang Mama ko!" matapang na sigaw naman ni Renz at mahahalata sa tinig niya na umiiyak na rin siya.

Sumunod ko na narinig ko ay ang matinding pagtatalo sa pagitan nina Dad at Ruth. Mabibilis ang mga hakbang ko na inakyat ko ang hagdan.

Nakita ko si Kuya Jordan sa tapat ng silid nina Dad. Nakangisi siya na parang demonyo habang aliw na aliw na pinapanood ang mga nagaganap sa loob.

Mabilis na akong humakbang patungo sa kinatatayuan ni Kuya Jordan at ang bumungad sa akin ay ang naiiyak na anyo ni Renz habang nakatingin siya kay Kuya.

Hubo't hubad silang dalawa ni Dad at hawak na ni Renz ang mga damit niya. Lumipat ang tingin niya sa akin at natataranta niyang isinuot ang brief at shorts niya.

Pagkatapos ay mabilis rin niyang pinulot ang damit niya pero napasulyap siya sa akin at nagtama ang paningin namin.

Sa mga sandaling iyon ay sigurado ako na mababakas na sa anyo ko ang labis na galit ko para kay Renz at para na rin kay Dad.

Pakiramdam ko ay ito na ang pinakamasakit na pagtataksil na naranasan ko sa buong buhay ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Gusto kong magalit nang husto. Gusto kong magwala. Gusto kong basagin ang nakangising mukha ni Kuya Jordan habang tuwang-tuwa siya sa mga nangyayari.

Gusto kong magalit kay Renz. Pero mas dapat akong magalit sa sarili ko dahil napakalaki kong tanga para umasa na magbabago si Renz at pahahalagahan niya ang kung ano mang relasyon mayroon kami.

Oo hindi ko pa siya niligawan nang pormal katulad ng binabalak ko na sanang simulan. Pero hindi ako nagkulang sa pagpaparamdam sa kanya na mahal ko siya at napakahalaga niya sa akin.

Kaya kong tanggapin magtaksil man siya nang ilang beses sa akin dahil given naman na teenager pa siya at mapusok ang mga kabataang nasa ganoong edad.

Pero ang kaalaman na si Dad ang nilandi niya ay hindi ko na kaya pang palampasin.

Matinding galit at pagkasuklam ang ipinakita ko sa kanya habang nakatitig ako sa kanya. Nakita ko naman ang pagkalito at pagsisisi sa mga mata niya pero hindi nababawasan ang galit na nararamdaman ko sa mga sandaling iyon.

"K-kuya Kiel!" sambit ni Renz sa pangalan ko.

Hindi ko na kaya pang pigilan ang temper ko at baka masaktan ko lang siya o kaya ay si Dad kaya mabilis na akong naglakad palayo sa silid na iyon.

Ngunit hindi ko inasahan na hahabulin ako ni Renz. Mas binilisan ko pa ang mga hakbang ko hanggang sa makarating ako sa garden.

Doon na niya ako naabutan. Gulung-gulo na ang utak ko nang mga sandaling iyon at napagbalingan ko akg pader na nasa harapan ko.

Malalakas na suntok na pinakawalan ko sa pader at hindi ako humint hanggang sa makita ko ang pagtagas ng dugo mula sa kamao ko na namamanhid na kasabay ng pamamanhid ng dibdib ko.

Mabilis namang nakalapit sa akin si Renz saka niya hinawakan ang braso ko upang icheck ang sugat ko pero mabilis ko siyang nahawakan sa magkabilang balikat saka ko siya malakas na naitulak kaya napasubsob siya sa may damuhan.

Natigilan pa ako nang makita kong nadaganan ng katawan niya ang isang braso niya. Shit! Baka mapilayan siya.

Sa kabila ng galit na nararamdaman ko ay hindi ko pa rin maiwasan na mag-alala sa kanya. Gusto ko siyang lapitan at icheck kung ayos lang ba siya ngunit napangunahan ako ng pride ko.

Iyon na lang ang tanging natitirang bala ko laban kay Renz. Ayokong pati iyon ay tuluyan ko nang isuko pa sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong ayos lang ang braso niya ay hindi naman pala iyon injured.

Sinadya kong patigasin ang anyo ko saka ko siya galit na sinigawan.

"Wag ko akong hahawakan Renz! Ilang beses na kitang inintindi sa mga kalandian mo. Napakatanga ko. Hindi ko alam kung bakit patuloy pa rin kitang hinahabol-habol kahit na alam ko na niloloko mo lang ako."

Bumakas ang lungkot sa mukha ni Renz pero sinikap ko na panatilihing galit ang anyo ko habang nakatitig ako sa kanya.

"Hayaan mo akong magpaliwanag." sabi niya

Pumalatak naman ako. "Puta naman Renz! Ano pa bang ipapaliwanag mo? Nahuli ka na nga ni Mama sa akto diba? Kaya sila nagkakagulo ngayon ni Dad sa taas."

Napatingala ako saka ako pumikit. Hinimas ko ang sentido ko pagkatapos ay muli ko siyang sinulyapan.

"Simula ngayon ay hindi na kita hahabulin pa Renz! Ngayon ay tanggap ko na ang katotohanan na kahit kailan ay hindi mo kayang suklian ang pagmamahal na binibigay ko sayo."

"Napakasinungaling mo! Pinaglaruan mo lang ako. Isa kang salot! Isang peste na sumalanta sa buong pamilya ko! At nagsisisi ako na binigyan pa kita ng lugar dito sa puso ko. Ngayon ay natauhan na ako. Hindi mo na ako mapapaikot pa sa mga kamay mong Gago ka!" galit kong litanya sa kanya.

Ilang sandali ko pang pinagmasdan si Renz habang nakasadlak siya sa damuhan bago ako mabilis na naglakad papasok sa loob ng bahay.

Nakasalubong ko pa ang hardinero namin na nakatingin sa akin. Binalewala ko siya. Wala akong pakialam nakita man niya o hindi ang ginawa ko kay Renz.

Nais ko lang ay makarating na kaagad sa silid ko dahil sumasakit na talaga ang ulo ko. Kanina pa ito masakit. Sa restaurant pa lang.

Matapos akong buntutan ni Natalie maghapon. Hindi ko alam kung ano ba ang mayroon sa babae ma yun at hindi na ako tinantanan kahit sinabi ko na sa kanya na hindi ko siya mahal.

Nakaakyat na ako sa hagdan nang mapahinto ako dahil nakasandal sa pintuan ng silid ko si Kuya Jordan. Nakacross arms pa siya at nakangiting nakatitig sa akin.

"Masakit ba Kiel?" nakangiting tanong niya.

"Wala ako sa mood pakipaggaguhan sayo ngayon Kuya." kalmado kong sagot saka na ako naglakad palapit sa kanya.

Hindi naman siya gumalaw sa kinasasandalan niya at nanatili lamang siyang nakamasid sa bawat kilos ko.

Huminto ako sa tapat niya saka ko siya marahas na itinulak para makapasok ako sa pintuan. Napasadsad siya sa matigas na pader at alam kong nasaktan siya sa ginawa ko.

Akma na akong papasok nang sugurin niya ako ng isang malakas na tadyak sa likuran ko kaya nadapa ako papasok sa loob ng silid ko.

Mabilis niyang maisara ang pintuan ng silid ko saka niya ako pinagsusuntok.

Lumaban ako at halos magpatayan kaming dalawa sa loob ng silid ko. Dahil soundproof ito ay siguradong walang makakarinig sa amin mula sa labas.

Malalakas na suntok ang pinadapo niya sa mukha ko at kung ilang beses niya akong pinapatamaan ay sinisigurado ko na ganun din ang bilang ng mga tama niya mula sa akin.

Halos mahigit dalawang minuto rin kaming nagsukatan ng lakas hanggang sa tuluyan na akong nadehado at putok ang labi ko nang tuluyan na akong magapi ni Kuya.

Napasigaw ako sa sakit nang diinan pa niya ang pagkakapilipit niya sa isang braso ko. Nang mapasigaw ako ay lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin saka siya pabagsak na humiga sa tabi ko.

Kapwa kami hinihingal habang nakatitig kami sa kisame. Walang salita na namagitan sa amin hanggang sa marinig ko ang pagtawa niya.

Napasulyap ako kay Kuya at nakita ko na nakatingin rin siya sa akin. Wala na ang galit sa mga mata niya at ang naroon ay amusement.

"Ganyan na ganyan rin ang naramdaman ko noon nang mahuli ko sa kandungan ng sariling kapatid ko ang babaeng minamahal ko."

Natigilan ako at muling naglaro sa isipan ko ang mga panahong binabanggit niya.

"Masakit Kiel. Napakasakit!" aniya saka siya muling tumitig sa kisame.

"Ikaw ba ang nagplano ng nangyari kanina?" seryosong tanong ko.

Muling sumulyap sa akin si Kuya Jordan at ilang sandali muna ang pinalipas niya bago siya sumagot.

"Binalak ko na akitin si Renz at galawin siya. Plano ko rin na kapag nangyari iyon ay kailangan mahuli mo kami sa akto katulad ng pagkahuli ko sa inyo ni Natalie noon."

"Pero nahirapan ako na isagawa iyon dahil sa tuwing sisimulan ko ang binabalak ko ay bigla ka na lamang sumusulpot." seryosong sabi niya.

Hindi na kami humihingal ngunit nanatili kaming nakahiga sa sahig habang nakatitig sa kawalan. Nag-uusap kami nang hindi nakatingin sa isa't isa.

"Ilang beses ko rin siyang inakit pero mailap si Renz. Hindi ko inakala na mahihirapan ako sa kanya dahil hindi naman lingid sa kaalaman ko na ginagawa rin siyang parausan ni Addy."

"Halos isang linggo akong nag-isip ng paraan kung paano ko siya mahuhuli sa bitag ko. Matiyaga akong nagmanman sa bawat kilos at galaw ninyong dalawa hanggang sa makita ko ang pagpasok nilang dalawa ni Dad sa silid nila ni Mama."

Hindi ako sumagot at hinintay ko ang mga susunod pang sasabihin ni Kuya Jordan.

"Nang makapasok sila ay alam kong may kakaibang mangyayari kaya mabilis akong tumawag kay Mama para magsumbong. Kasunod noon ay nagtext ako sayo para masaksihan mo ang lahat ng mangyayari."

Nakadama ako ng galit kay Kuya Jordan dahil sa mga ipinagtapat niya pero mabilis ring natunaw iyon nang muli siyang magsalita.

"Sa nakalipas na mga taon ay puno ng galit ang puso ko Kiel. Galit para sayo. Hindi ako matahimik sa gabi at wala akong ibang inisip kung hindi ang makaganti sayo."

Narinig kong humugot siya ng malalim na paghinga bago siya nagpatuloy sa pagsasalita.

"Ngunit ngayon na nakita ko kung paano ka nasaktan sa nangyari ay napanatag bigla ang kalooban ko. Kung anu-anong klase ng paghihiganti sayo ang pumasok sa kukote ko pero ito lang pala ang magpapagaan ng pakiramdam ko. Ang makitang naranasan mo kung ano ang naranasan ko."

"Nakakasiguro ako na kung gaano ako nasaktan noon ay ganun ka rin nasasaktan ngayon. Sa mga sandaling ito ay sincere ko nang sasabihin sayo na tuluyan na kitang napatawad sa mga kasalanan mo sa akin. Sana ay mapatawad mo rin ako sa mga nagawa kong kasalanan sayo."

Lumingon ako sa kanya. Nakatitig pa rin siya sa kisame at sa kauna-unahang pagkakataon mula nang mag-away kami ay nakita kong muli ang maamong anyo niya.

Nakikita ko na ulit ang Kuya ko na nakasama at naging kasangga at karamay ko sa lahat ng pagkakataon mula pagkabata hanggang sa paglaki namin.

Hindi ang Kuya ko na may kinikimkim na galit sa akin. Naging kalaban at karibal ko sa lahat ng bagay.

Kahit paano ay masasabi ko may mabuti rin palang naidulot ang masaklap na pangyayaring ito sa pamilya namin.

"Hindi mo naman kailangan humingi ng tawad sa akin Kuya. Ako lang ang may kasalanan sayo at pinagbayaran ko lang ang mga iyon." malumanay na sagot ko sa kanya.

"Mula pagkabata natin ay naging mabuting Kuya ka sa akin sa kabila ng katotohanan na hindi mo naman talaga ako tunay na kapatid." patuloy ko.

"Pero anong ginawa ko? Nagawa pa kitang traydorin. Kaya wala akong karapatan na magalit sayo naging malupit ka man sa akin sa mga nagdaang taon." dagdag ko pa.

Sumulyap na rin sa akin si Kuya Jordan saka siya ngumiti. "Kapatid kita Kiel. Mula nang iuwi ka ni Dad dito sa bahay na ito ay ipinangako ko na sa sarili ko na ituturing kitang tunay na kapatid ko dahil iisang dugo pa rin ang dumadaloy sa mga ugat natin."

No comments:

Post a Comment

Read More Like This