Pages

Sunday, May 10, 2020

Unforeseen Heart

By: Reinhart

Hello everyone! I would just like to share this story of mine during my early college days. My name is Reinhart and currently nagw-work na ko around Makati. A little description siguro for me is I do have the type of body na tama lang, not too much fat nor skinny, I go with the gym din kasi minsan. For the face naman, I can say that I have the looks naman for someone to call it attractive. (I would like to apologize if di talaga maganda description ko and might as well to how I will tell this story hahaha).

First Year College.
Got transferred for some well-known university in Manila. BSBA-FM. Naka-dorm ako kaya naman day before first day of school, lumipat at inayos ko na mga gamit ko sa dorm. Dun ko nakilala ang roommate ko na si CJ, and luckily, we are on the same degree program and at the same time, blockmates pa. Nakakatuwa dahil at least may kaibigan na ako agad bago pumasok kinabukasan at may mahihingan ako ng tulong if ever nahirapan ako sa academics ko. Parehas kaming sociable ni CJ, kaya naman di kami nahirapan kilalanin ang isat isa. Matipuno si CJ, malaki ang katawan at sobrang gwapo din kung tutuusin. Pero sa panahon na ito, wala sa isip ko na magkakagusto ako sa kapwa ko lalaki. Kumain kami sa labas at nagkwentuhan hanggang sa napagpasiyahan namin na matulog na para hindi mahuli sa klase bukas.

First day of school. Puro orientation pa lang and makikita mong halos di rin magkakakilala lahat. Buti na lang at nakilala ko si CJ at di rin kami nahirapan makipagkilala sa mga kaklase namin, at nakabuo kami ng sarili naming grupo ng magkakaibigan. Isa na dun si Justin.
Halos parehas sila ng built ni CJ sadyang mas malaki and muscles ni Justin at nalamangan niya ito ng konti pag dating sa sex appeal. Lumipas ang ilang araw, weeks, ilang inom at aral din ang lumipas sa aming magt-tropa kaya lalo naming nakilala ang isat isa. Lahat kami naka dorm kaya wala namang problema pag madaling araw na kami nakakauwi. Hanggang sa isang araw, habang kami ay nasa inuman, parang nahuhulog na ko sa kay Justin. First time ko maramdaman yun sa isang lalaki kaya laking pagtataka ko. Clingy kasi si Justin, matalino at thoughtful din. Yung tipo ng tropa na aakbayan ka, hihiga sa balikat mo pag sobrang lasing na. Hindi ko talaga alam kung anong nagustuhan ko sa kanya, siguro nga dahil siya halos ang pinaka close ko sa tropa, silang dalawa ni CJ. Napagpasiyahan ko na bumalik na lang muna sa dorm at mauna na dahil baka dala lang sa kalasingan yun.

"Una na ko umuwi, di ko na kaya e" ang sabi ko.
"Bakit? Ang hina naman neto"wika ng isa kong ka tropa
"HAHAHA" tumawa na lang ako at umalis na hanabg sila ay patuloy pa din sa paginom.

Nakabalik na ko sa dorm, nagayos ng sarili at humiga na. Makalipas ang isang oras at kalahati ay nakatanggap ako ng tawag kay CJ.

"Rein, bumalik ka nga dito"
"Huh? Bakit nakapantulog na ko, ginising mo lang ako e"
"Di na kaya nila Justin, tulungan mo ko ihatid sila"
"Huh, ikaw na lang ba matino?"
"Oo eh dalian mo. Tumawag ka na kang pag nasa labas ka na."
"Sige sige"

Agad agad akong pumunta sa parking at kinuha ang sasakyan ko at pumunta sa kanila. Nakita kong nakaupo sa harap sila CJ.

"Ano bang nangyari, bakit naman nasobrahan kayo ng inom"
"Paano ba naman kasi, nagpapaimpress tong mga tropa natin dun sa mga babae na naging kalaro namin sa beer pong, e ang hina naman pala"
"O Rein, dito na pala yung unang sumuko sa inuman kanina e" wika ng isa naming tropa na si JM
"Oo nga hart, bakit ka ba kasi umalos agad" wika ni Justin. - Si Justin lang tumatawag sa aking ng hart. Ilang beses ko na din siya sinabihan na rein na lang ang itawag dahil tunig pambabae ang hart pero ayaw niya. Gusto niya daw na unique at siya lang ang makakatawag sa akin ng ganun. Wala naman siyang ibig sabihin nun. Sadyang mapaglaro lang talaha si Justin.
"Hay nako, sige na pasok na natin sila sa sasakyan"

Inihatid na namin sila sa kanya kanya nilamg dorm at hinuli namin si Justin dahil siya ang pinakamalapit sa dorm namin. Nakatulog na sa kotse si CJ kaya naman ako na lang din ang umulalay kay Justin pabalik sa room niya. Buti na lang at kilala na kami ng guard kaya hinayaan niya na ako na ihatid si Justin kahit walang guest card.

"Hart, bakot ka ba kasi biglang umalis, wala na tuloy nag-alaga sa amin, tuliyan tuloy kaming nalasing"
"Wag mo isisi sa akin yan Justin, mahina lang din talaga kayo sa inuman"
"Hahaha palabiro ka talaga hart, kaya gusto kita e"
Ewan ko kung anong meron, lagi naman niya yun sinasabi pero dun ko talaga na kumpirma na nahuhulig na talaga ang loob ko kay Justin. Pinagmasdan ko siya at lalo akong kinikilig na di maintindihan. Inalis ko ang aking atemsyon at tinuloy ang aming paguusap
"Sa susunod kasi pag di na kaya, wag na uminom"
"Yess po Boss hart"

Hanggang sa inilagay ko na siya sa kama pero hinila niya ako at napahiga sa ibabaw niya. Iba talaga ang tama niya pero parang lalong lumalakas ang appeal niya. Bago ako humiwalay sa kanya papatayo, bumulong siya at sinabing "Salamat hart". Damang dama ko yung init ng hininga niya noong mga panahon na yun. "Wala yun ano ka ba" ang sinabi ko at umalis na ko pars makauwi na kami ni CJ.

"O, bakit ang tagal mo" wika ni CJ
"Alam mo naman kung gaano kalaki katawan ni Justin, ang hirap kaya buhatin"
"Hahaha pasensya ka na di kita natulungan, may tama na din talaga kasi ako e"
"Ok lang, kinaya ko naman Hahaha"

Nakabalik na kami sa dorm at inayos na namin ang aming sarili sapagkat may pasok pa mamaya. Habang papasok, nakita namin si Justin kaya naman sumabay na siya papunta sa building namin. Ewan ko pero nahihiya na ko sa kanya at di ko maunawaan kaya naman nanahimik na lang ako.

"O bakit ang tahimik mo Hart" sabi ni Justin
"Ah, eh medyo napuyat lang"
"Pasensya na kagabi, ikaw pa naghatid sa aming lahat"
"Wala yun" at tumahimik ulit ako. Gusto ko maunawaan ang tunay kong nararamdaman para kay Justin kaya gusto ko munang lumayo at mag-isip kaya halos buong araw sa klase ay tahimik ako.

"Ok class, we are going to have a presentation that will form part of your preliminary examinations. It will be done by pair." Wika ng professor namin.

Agad agad namang naghanap ng pair ang aking mga kaklase. Makikipagpartner ako kay CJ dahil magkadorm kami kaya mas magiging madali ang pagtapos namin sa presentation. Papunta na sana ako hanggang -

"Hart, partner tayo ah" wika ni Justin
"Huh, e usually naman pag may gagawin sa acads lagi mong kasama si JM"
"Bakit nagseselos ka ba"
"Gago, gusto ko lang sana kapartner si Justin dahil magkadorm kami para matapos agad"
"Gago ka din, E ikaw nga gusto ko e"
Ayan na naman siya sa mga salita niya ewan ko ba at napatigil ako.
"O ayan ah, sinubmit ko na pangalan natin"
"Huh? Gago sige na nga"
"Hahaha alam ko namang di mo ko matatanggihan hart e"
"O ayan palit muna tayo partner Justin HAHAHA" wika ni CJ na papunta na din sa professor para i-submit ang pangalan nila ni JM.
Mahirap ang magiging presentation namin dahil parte ito ng prelims namin kaya dapat itong paghandaan talaga. Naisip ko na hindi rin magandang umiwas dahil lang sa ganung maliit na rason - at hindi pa din naman ako sure. Isasakripisyo ko ba pagkakaibigan namin dahil doon. Besides, dapat namin matapos ng maayos tong presentation, alam kong kaya namin.

Pagtapos ng klase, bago dapat namin simulan ang preparation sa presentation, napagpasiyahan namin na kunin ang sasakyan ni Justin sa pinaginuman namin kagabi. Nauna na ang iba naming tropa kaya naman sasakyan ni JM ang ginamit namin para pumunta dun. Kaming apat lang ang pumunta dahil kami kami din naman magpapartner para sa presentation. Nakuha na ni Justin ang kanyang sasakyan at papaalis na sana kami ng -

"O bakit diyan ka sasakay kay JM" wika ni Justin
"Huh, e diba babalik na tayo sa dorm"
"Rein, kami na lang muna gagamit ng dorm ha. para sa presentation since dapat iba iba tayo ng ideas, mahirap na mamaya kunin niyo pa yung amin" sabi ni CJ
"Oo nga Rein, diyan ka na lang din sumakay kay Justin at sa dorm niya na lang kayo magisip ng ideas for presentation" sabi naman ni JM
"Ah ganun ba, sige mamaya yung ideas pa namin yung kunin niyo e. Babalik na lang ako mamaya para kunin yung iba kong gamit" Napagpasiyahn ko naman ng wag iwasan si Justin pero ang lala naman siguro na magkasama kami na kaming dalawa lang. Nahihiya ako na hindi ko maintindihan. Umalis na kami at sumakay ako sa kotse ni Justin.

"Hart, bakit parang ang tahimik mo kanina"
"Huh, anong sinasabi mo?"
"Wala lang, kilala kaya kita, di ka naman ganun katahimik HAHA"
"Gago, ano ako ba pinakamaingay Hahaha"
"Wlaa akong sinabing ganun"
"Hahaha"
Tuloy lang pagtawa namin, sobrang naging light yung mood at hindi ko na naiisip na maging awkward sa harap niya. Sadyang masaya lang din talaga kasama si Justin. hanggang sa may sinabi siya -
"Akala ko kasi nananahimik ka dahil sa nangyari kagabi"
"Huh? Gago anong nangyari kagabi? Yung nawasak kayo? Hahaha"
"Gago hindi Hahaha, akala ko kasi anong nasabi ko sayo habang hinahatid mo ko."
"Alin yung sinabi mo na mahina ka sa inuman? Hahaha"
"Haha gago, buti naman pala kung ganun"

Nakapunta na kami sa dorm ni Justin. Wala ang mga ka dormmante ni Justin dahil umuwi sila sa kanilang mga bahay sapagkat long weekend. Kami naman ay sisimulan na din namin ang presentation dahil after this long weekend, presentation na ng bawat group. Sobra g ibang iba si Justin kapag acads ang pinaguusapan, nakikita mo takaga ang kanyang determinasyon at kagustuhan na maging maganda ang presentation

"Alam mo ang swerte ko pala ikaw partner ko HAHA grabe ang gaganda ng ideas mo" wika ko
"Siyempre sayo lang ako e"
"Hahah Gago" kinikilig na naman ako pero dapat patago lang. Di ko alam kung nahahalata niya pero pilit ko din takagang tinatago

"Alam mo hart, natutuwa din ako na ikaw partner ko, sobrang parehas kasi tayo pagdating sa acads e, feeling ko nga soulmates tayo"
"HAHAHA parang Gago talaga to"
"Kinikilig ka naman" alam kong mahilig siya magbiro ng ganito pero deep inside takot ako dahil hindi ko alam kung nahahalata niya talaga kayat tawa na lang yung naggawa ko.

Makalipas ang ilang oras at napgpasiyahan na namin kumain ng dinner sa labas at kunin na din yung gamit ko pang overnight dahil matatagalan din kami para sa presentation. Tinext ko na sila JM at CJ na pupunta kami sa dorm.

"Oh itago mo mga gamit natin JM. Mamaya kunin nitong dlaawang to" pabiro na sabi ni CJ
"Hoy, teka baka nakakalimutan mo na dorm ko din to HAHAA" pabiro ko ding sinabi
"Kamusta na ba sa inyo? May angawa naman ba kayo mga loko loko? Wika ni Justin
"Gago din tong si Justin e, Baka nga mas maganda pa yung amin kaysa sa inyo" sabi ni JM

Umalis na din kami sa dorm pagkatapos ko ayusin ang mga kailangan ko, dun din kasi mag oovernight si JM dahil din sa presentation. Tinuloy namin ang presentation hanggang mag alas dose na ng madaling araw kaya naman naisipan na din naming matulog at ipagpatuloy na lang ang presentation paggising.

"Matulog muna tayo hart"
"Oo nga, inaantok na din ako, wala na kong maisip na matino"

Papunta na sana ako sa itaas ng kama ni Justin , sapagkat ito ay double decl, nang bigla niya ulit ako hilain dahilan kung balit ako napahiga sa dibdib niya. Di ko rin nagawang tumayo agad at pinakiramdaman ko na lang din ang mga muscles niya sa dibdib. Hindi ko alam anong iniisip ko sa mga panahon na yun at bigla siyang nagsalita.

"Hart, o diba parang yung pwesto lang natin kagabi"
"Ano bang sinasabi mo, matulog na nga tayo"

pabangon na sana ako ng bigla niya kong niyakap na siyang kinagulat ko

"Hart, dito ka na matulog"
"Gago, ang daming kama na vacant tapos magtatabi pa tayo"
"Dali na, eto naman o"
"Bakit ba kasi?
"Wala, natatakot kasi ako na iwan mo ko"
"Gago, grabe matatakutin ka pala."
"Tanga hindi. Ang ibig ko sabihin ay ... tuluyan kang lumayo sa akin"
"Huh, di kita maintindihan" humiga na ako sa tabi niya pero di niya pa din inalis ang yakap niya.
"Hart, kasi nung huli nating inuman, akala ko lumayo ka sa akin e, paano ba naman pagkatapos kota akbayan at kausapin bigla ka na lang kasi umalis"
"Ganun ba, kasi Justin ... ang hirap i-explain e ... kasi parang -"

Bigla na lang akong hinalikan ni Justin. Nagulat ako pero hindi koo maitanggi ang aking nararamdaman kaya naman lumaban na din ako sa halikan. Sobrang galing niya makipaghalikan, di ko inakala na mangyayari sa amin yun.

"Hart, matagal na kitang gusto" laking gulat ko sa sinabi niya, di ko alam kung paano, kailan, ang daming tanong sa utak ko pero ang nasabi ko lamang ay -
"Kaya din ako umiwas nung gabing yun kasi may naramdaman ako sayo nun, di ko mapaliwanag pero -"

Bigla niya akong hinalikan. Di ako makapaniwala sa ginawa niya. Pero lumaban na din ako sa halikan hanggang sa may nangyari sa aming dalawa ni Justin.

"Matagal na kitang gusto hart, matagal ko ng gusto na may mangyari sa ating dalawa. Nag-enjoy ka ba?"
"Oo naman, basta ikaw Justin"
"Hart, I love you"
"I love you too, Justin"

-end-

No comments:

Post a Comment

Read More Like This