Pages

Thursday, May 21, 2020

Wisik (Part 1)

By Daisuke02

Hi, ako nga pala si Shin, 23. This story will revolve sa tatlong tao at isa dun ay si random guy na nakilala ko nung enrolment namin back in college.

Shin’s POV

Potek naman oh ba’t ngayon pa umulan. Ang weird na talaga ng panahon ngayon. It’s summer and it’s raining like there is no tomorrow. Buti na lang nakashort ako which is usual na suot ko sa campus, pero yung sapatos talaga ang basang-basa. Yung university pala naman maulan lang ng konti babaha na. Nasa may gate ako ng school. Pinapahupa ko lang yung ulan at saka na ako papasok sa loob ng campus.

Habang inaantay na tumila ang ulan na parang ayaw ata. Biglang may sumagi sa akin na estudyante. So nahulog ko yung dala kong filler ng notebook. Alam nyo na ang nangyari. Oo basang basa siya. Nainis ako at nandun pa naman yung prinipare ko na schedule na ipapaenrol ko. As in biglang uminit pakiramdam ko. Peste yawa kasi ang laki laki ng space wala naman halos masyadong tao sa kinakakatayuan ko pero nasagi nya pa rin ako.

Akmang dadamputin ko na yung filler, nauhan nya akong kunin ‘yon. Winisik nya muna ng konti para maalis yung buo-buong tubig. Then inabot na niya sa akin. Hindi pa rin naaalis yung inis ko. Magsasalita na sana ako ng bigla siyang magsalita.

“Sorry, it’s my fault. Here, take this.” Ang lalim ng boses ni Kuya tapos bed voice pa. Tangina dapat nagagalit na ako ngayon. Kilala ako na sobrang dada pag galit. Pero itong si Kuya para may gayuma at natameme na lang si gago.
Medyo napatagal at yung pagtitig ko sa kanya. Mainit pa din ulo kaya bigla kong binawi yung tingin ko sa kanya at kinuha ko yung filler tapos kaya pala sabi nya take this, dahil may 50 pesos siyang inabot. Pakakuha ko. Nagsalita ulit siya.

“I know it may not even out, again sorry.” Isang kurap ayon lumayas na si Kuya. Kahit malakas ang ulan naglakad siya papasok ng campus.

Puta naman oh, ang bilis ng ganap hindi man lang ako nakapagtalak. I hate this. Itinabi ko yung 50 pesos at tiningnan ko yung page kung nasan nakasulat ang schedule ko sa filler. Ayun nga burado na dahil sinulat ko lang yun sa lapis. Oo college na ako pero lapis pa rin ang ginagamit ko pangsulat. Nagballpen lang ako pagexams at quizzes na.

After 20 minutes tumila na ang ulan. Kaya nakapasok na ako. Agad akong nagdalidali pumunta sa Registrar area para magenrol.

Nakita ko si Zach at agad naman itong lumapit sa akin.

“Hoy, bat ang tagal mo? At bakit mukhang hindi maipinta yang mukha mo?”
“Olats ‘Tol. Lakas ng ulan eh. Tapos pagminalas ka pa yung listahan ko nahulog ayon nabasa burado yung schedule na ginawa ko.”
“Congrats! Ang malas natin.”
“Oo na, hayop ka, idiin mo pa! Tulungan mo na lang ako.” Tumango na lang si Zach at sinabi na sumundo ako sa kanya sa loob ng Registrar’s office. Buti na lang may kaibigan akong volunteer ng office kung hindi nagkanda leche leche na buhay ko.

Sya nga pala, accounting major ako at sikat yung kurso na ito sa amin. Malingat ka lang ng konti ubos agad yung mga subjects. Pero ako din yung tipo ng estudyante na ayaw kung sumunod sa block section mas gusto kong kumuha ng mga sections na non-block para madami ako kilala at for future connections.  Advanced magisip.

Hindi naman ako nagtagal sa loob at natapos din yung enrolment ko. After nagbayad at umuwi na ako.

------
After two days, habang busy akong magreply sa mga message ng mga kaibigan at classmates ko sa messenger. Biglang may nagpopout na hindi ko kilalang tao. Yu Perez ang name. Viewed his profile. Hindi ko kilala. Ignored. Busy ako dahil itong si Zach may sinasabi sa akin.

Zach: Hoy, balita ko pre, haba ng hair mo?
Shin: Huh?
Zach: Ex mo nagkakalat daw dun sa bagong bukas na bar sa may dulo.
Shin: Tapos?
Zach: Ay puta, over na agad. 2 weeks pa lang kayong break tapos ignored agad?
Shin: You know me Zach.
Zach: Ay iba. Lasing na daw at nagwawala.
Shin: Be it. His problem not mine.
Zach: Oi, hindi ka ba natatakot na ipagkalat nya na naging kayo?
Shin: Teh, go lang. Hayaan mo siya. Di nya kaya. Yung nga di ba dahilan kung bakit nagbreak kami, remember?
Zach: Sabagay. Pero what if ipagkalat nita, lams na. Nakainom.
Shin: Eh ‘di. Ikalat nya. Wala naman na akong paki kahit malaman pa ng buong university.
Zach: Sure?
Shin: Yep! 100%
Zach: Ay isang palakpakan naman diyan! Haba talaga ng hair mo kahit army cut ka. Yung korona ni Pia ipapasa na sayo.
Shin: Inamo!

So I assumed alam nyo na. Oo ang first jowa ko ay lalaki. Nagisang taon naman kami. Pero patago. Alam ko ang iba sainyong na nagbabasa dito ay dumating sa point na nakakapagod na ang pagtagong relasyon. Feeling mo kabit ka. Hindi man lang maipagmalaki sa buong universe na you are in a relationship with the person.

Yung nga nakipag break na ako sa kanya dahil toxic na. Ang daming bawal kong gawin pero siya free. Ang daming rules. Okay lang naman sa akin yung pero dumating na talaga ako sa point na gusto kong lumantad. Sabihin sa mundo na I am part of the third gender. Alam naman sa bahay kung ano ako. Medyo matagal yung acceptance pero naging okay naman na. Hindi din kasi ako yung tipo na magdadamit ng pambabae at magmamakeup. Normal gesture and actions lang. Please don’t take offense on it ha, I also respect yung mga tao na ginagawa yung magpagirl. If they are happy by expressing themselves that way go lang. Spread love.

Alam din sa bahay na may boyfriend ako. Pinakilala ko nga siya at okay naman yung trato ng pamilya ko sa kanya. Pero yun lang on the other side hindi kami legal. Sa tuwing mabobrought up yung topic na kalian ko makikilala pamilya nya at kung sasabihin na ba namin ang relasyon namin ang ending magaawa lang kami. Napuno na ako. So yun break na. May proper closure naman. Kaya ewan ko ba kung bakit nagkakalat siya sa bar ngayon.

By the way, si Zach pala ay ang nagiisa kong kaibigan na nakakaalam ng mga bagay tungkol sa jowa. Bisexual siya. Puro fling fling lang ang gago.

Change topic na kami ni Zach. Tapos yung nagchat kanina inignore ko na lang. Yaan mo sya. Bandang 8PM na napasarap yung mga kwentuhan naming ni Zach at iba ko pang mga kaibigan na biglang mainterrupt ako at nagriring ang phone. Tae yung ex ko tumatawag. Kinancel ko.

After seconds, naring na naman. Siya ulit. Cancelled. Paulit ulit mga 5 beses pa saka ko na sinagot. Nakakabadtrip na eh. Hindi makaintindi na ayaw ko na siyang kausapin. “ANO?!”, unang salita lumabas sa bibig ko at napalakas ata.

Medyo natagalan ng konti at siya tumugon. “Shin, sowwry na kung tu tu tumawag ako sa yyyyooooo. Alam koo naman na a a away mo na akong makita at makau uusap.” Hindi ko na nakayanan at sinabi. “Umayos ka nga garagal ka nang magsalita! Bakit ka ba tumawag?!” Ilang sandali na tumahimik at saka siya nagsali. “Sorry, lasing na lasing kasi ako ngayon. Hindi ko kayang umuwi. Please just this time, can you come and drive me home?” Nastress ako bigla at umiinit na naman ako ang ulo ko. Oo temperamental akong tao. “Yan! Dyan ka magaling. Maglalasing tapos ano bahala na si Batman. Dun ka humingi na tulong sa barkada mong binibida mo sa akin.” “Please Shin, wala sila iniwan nila ako. Tangina buhay.”

Naaway naman ako ng konti. Ang malas naman ng gago. Sumagi parin sa isip ko na oo nga pala walang ibang tao ang pinapahawak niya ng manibela ng kotse nya maliban sa akin at sa Kuya nya. Ugok talaga ‘to kahit kalian. Binaba ko ang phone at hindi ko sinabi sa kanya kung darating ako o hindi. I need time to think. Kaya chinat ko ulit si Zach.

Shin: Zachariiiaaass!
Zach: Anoooo, Luis Nicanor?!
Shin: Ex is totally wasted. Tumawag, humihingi na tulong at hindi na madrive pauwi.
Zach: Alam ko naman sagot mo. It’s a big NO
Shin: Naman, bahala siya. Ang laki nya na.
Zach: Sa pagkakatanda ko kasi malambing ka. Mabait. Pero alam kong demonyo ka.
Shin: Funny!
Zach: Hoy Shin, puntahan mo na. For the sake lang na kahit papano concern ka pa rin at ex mo.
Shin: Ay naku. Wag na.
Zach: Shiningang na manok mo. Puntahan mo na. Mapano ma yun. Sige na.
Shin: Dahil mapilit ka sige pupunta ako pero sasamahan mo ako.
Zach: Ay gago. Ba’t nadamay ako? Ika yung tinawagan tapos isasama mo pa ako.
Shin: Toinks! Alangan naman paglakarin mo ako paguwi mula sa kanila? Bundok ang subdivision nila at sa mga oras na ito wala ng sakayan.
Zach: Ah okay. Pasalamat wala akong lakad.
Shin: Kahit na may lakad. Kakaladkarin pa rin kita at alam kong fling fling lang yan.
Zach: Grabe hindi ba pwede magseryoso?
Shin: Hindi.
Zach: Ayaw pumunta ka magisa mo!
Shin: Ay sorry na babe. Di ka naman mabiro.
Zach: Inamo. Dali na.  Kumatok ka na lang kapag nasa baba ka na.
Shin: Copy!

Ang nadatna namin sab aging bukas na bar ay isang lalaki sa isang sulok. Nakayuko at nakasandal sa pader. Mukhang nalinisan na ng waiter ang table nito at nabayaran naman niya ang lahat. Natatawa lang ako tuwing maalala ko ito dahil hello 08:30 pa lang wasted na yung tao. Magsisimula pa lang kaya ang nightlife. Tinapik ko siya ng ilang beses at saka nagising.

Sabi ko asan ang susi at ihahatid ko na siya. Agad naman niyang kinap ang bulsa at ibinigay sa akin ang susi. Si Zach nakatingin lang sa amin. Pero alam ko ang takbo ng utak ng gago. Deep inside pinagtatawanan na kami nito. Humanda ka sa akin mamaya pa kahatid natin sa kanya.

Tinulungan naman ako ni Zach na akayin ang ex ko sa sasakyan niya. Nagconvoy lang sa akin si Zach gamit ang motor nito. Naihatid ko naman siya ng maayos sa kanila. Pagkapark ko ng kotse niya sa side ng bahay nila. Agad kong hinugot ang susi at ibinigay sa kanya. Gising na siya at mukhang nahimasmasan na ng konti. Medyo malayo rin kasi tong sa kanila. Parehas kami bumaba. Pagkalabas ko. Napatingin ako banda dako sa bahay nila.  Nakita ko ang Papa at Mama niya nakaupo sa may azotea nila. Binaliwa ko lang.

Tinungo ko kung saan nakapark si Zach at sumenyas na okay na aalis na kami. Nung malapit na akong umangkas. Hindi ko alam na sumunod pala ang mokong. Hinila niya kamay ko at hinarap sa kanya. Si Zach at ay nabigla. Sa isip ko, anong problema nito. Hinatid ko na nga at lahat lahat may ganap pang mageksena.

Nagsimula siyang magsalita. “Shin, thank you sa paghatid sa akin.” Tumango lang ako. Nagpatuloy pa din siya sa pagsalita pero malakas na ang boses niya ngayon na posibleng marinig kami ng mga magulang niya na mukhang nakatingin sa amin. “Sorry sa lahat lahat. I am an asshole! I still love you, Shin!” Out of nowhere bigla niya ako hinalikan. Gulat ako. Dilat ang mga mata ko at alam kong gulat din si Zach. Habang nakalapat pa labi niya sa akin, iginawi ko ang tingin sa azotea nila. Tama nga ako nakita kami ng magulang niya. Tinulak ko siya.

“LORENZO, ANO ‘TO?” isang malakas na sigaw mula sa azotea nila. Tumingin saglit si Enzo at muli akong kinausap. “Please Shin, let’s go back to the way we used to? I am begging you. Yan sa harap nila Mama at Papa ipinaalam ko sa kanila na ikaw ang mahal ko. Please come back to me.”

Tangina. Anong eksena ‘to? Hindi ko macomprehend ng maayos. Nagkatinginan lang kami ni Zach. Naririnig ko ang mga sinasabi ni Enzo pero hindi mapaprocess ng utak ko. Nabigla ako. Kaya kinalabit ko si Zach at sumenyas na umalis na kami. Nagets agad ni Zach kaya bigla niyang pinaharurot ang motor kahit hindi ko pa nasusuot ang helmet. Sa side mirror nakita kong tumatakbo at humahabol si Enzo. Shit I hate this night!

No comments:

Post a Comment

Read More Like This