Pages

Tuesday, May 26, 2020

SM Southmall (Part 5)

By: Carl

Una sa lahat, nais ko lang pong magpasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa istorya ko. Lubos po akong nagagalak sa mga feedbacks niyo; at the same time, sorry po kung natagalan ang pag submit ko. Gumawa po kase kami ng Ring para sa halfcourt dito sa bahay Hahaha. Hindi na po kase talaga namin kaya ni Iwi, sobrang nakakabagot na po. Btw nawa'y maging okay na po sana ang lahat, keep safe po sa inyo. Stay healthy, and Active! Maraming salamat po ulit.

Hindi na lamang ako kumibo at inayos ang aking pagkakaupo. Agad naman na pinaandar ni Iwi ang kotse, habang nakatulala sa daanan agad kong naalalang hindi pa pala ako naka-seatbelt.

"Hey! Buckle up yourself" masaya niyang utos. Agad ko namang sinunod ang utos niya ng walang imik. Maya-maya'y kinapkap ko ang earphone sa aking bulsa.

"Fuck!! Pagminamalas ka nga naman!" bulong ko sa sarili ko. Rason para ibaling ni Iwi ang atensyon niya saakin. "Nakalimutan mo earphone mo noh?" tanong niya habang suot-suot ang mapang-asar na ngiti. Tila nababanas na ako sa mga sandaling iyon, dahil isa din ako sa mga hindi nabubuhay kapag walang earphone sa biyahe. Pansamantalang natahimik ang kapaligiran, medyo naiilang na ako at lubos ko iyong ipinagtaka; dahil hindi ko lubos akalain na makakaramdam ako ng ganito sa taong madalas ko namang makasama. Ramdam kong nais niyang magtanong ngunit pinapangunahan siya ng kaba kaya't inunahan ko na lamang siya upang masira ang awkwardness na kinakaharap namin sa mga oras na iyon.

"M-may tugtog ka ba diyan?" malamig kong tanong

"O-oo, m-meron." pautal-utal niyang tugon. "G-gusto mo mag bluetooth ka nalang?" dagdag niya pa

Agad kong binuksan ang head unit o stereo ng kotse niya. "Saan yung bluetooth?" tanong ko. Agad niya naman iyong sinet-up. Mas lalo akong nakaramdam ng pagkayamot sa mga sandaling iyon dahil hindi mai-pair yung cp ko sa head unit. "Itong akin na nga lang kaya?" saad niya. Muli, hindi na ako umimik pa at huminga ng malalim

*Cue music - Alipin by Shamrock

Habang tinatahak ang daang-hari hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng tuwa. Isinandal ko ang aking ulo sa upuan at pinagmasdan ang mga village na aming nadadaanan.

['Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin]

Bigla akong napaayos ng upo, dahil medyo nabigla ako sa lyrics ng kanta.

['Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip]

Palihim ko siyang tinignan upang alamin kung napansin niya ba ang inasta ko. Medyo na coconscious na ako sa mga oras na iyon hahaha

[Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo
Ang sigaw nitong damdamin]

Kita sa maaliwalas niyang mukha ang kasiyahan. Sobrang nangulila din ako sa mga matatamis niyang ngiti, dahil ilang linggo din kaming hindi nagkibuan at sobrang dalang naming makita ang isa't isa.

[Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid]

Parang nais ko na lamang tumitig sa mukha niya hanggang makarating kami sa tagaytay. Pakiramdam ko'y matutunaw ako sa tuwing binabasa niya ang kaniyang mga labi at sinasabayan pa iyon ng paglunok na nagpapagalaw sa adams apple niya.

[Sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik]

Tila para akong binuhusan ng malamig na tubig nang bigla siyang tumingin sa akin. Halos hindi magkandamayaw ang puso ko sa pagtibok, dahilan upang mahirapan akong huminga.

"Bakit? Anong problema Cacarl?" seryoso niyang tanong. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at muling sumipat sa bintana, nadinig ko ang mahina niyang ngisi. "Huy! Anong meron sa mukha ko?" tanong niya ulit habang nakangiti. Parang inaasar ako ng gagong to

Ngunit hindi ako nagpapadala at kinakaya kong hindi lumingon sa kanya hangga't maaari dahil alam kong mahahalata niya ang kakaibang kilos ko. Nais ko nang sumabog at magpakain sa lupa, sobrang bilis na ng pintig ng puso ko. "Wala, narealized ko lang na mukha ka palang gago!" tugon ko sa kanya habang nakadungaw pa rin sa bintana. Sinuklian niya naman ito ng pag-ngisi

"Na-miss kita" saad niya.

Pakiramdam ko'y sandaling tumigil ang ganap sa mundo. Ayokong mag-assume sa mga oras na iyon, kaya pinilit kong magbingi-bingihan. "Naririnig mo ba sinasabi ko?" tanong niya. Patuloy pa rin ako sa pagdungaw sa bintana, nililinlang ko ang aking isipan upang hindi ako madala sa mga salitang binibitawan niya. Huminto ang sasakyan dahil naka-pula ang traffic light.

"Ibig sabihin ba niyan okay na sayo na ganito tayo? Na hindi tayo ayos?" tanong niya. "Sabagay, andiyan na nga pala si Mico. Tutal mas nauna mo naman naging kaibigan yun kumpara saakin" dagdag niya pa habang nakakunot ang kilay.

"Tangina napaka-babaw mo kamo." saad ko. Tiyak akong hindi na rin maipinta ang mukha ko sa mga sandaling iyon dahil halo-halo na ang nararamdaman ko.

"Eh bakit nagbingi-bingihan ka lang kanina?! Nakakasama kaya ng loob! Sinabi kong namiss kita tapos parang wala lang sayo?!" tugon niya. 

"Ano bang gusto mong gawin ko?! Sige nga pre sabihin mo nga!" madiin kong tanong. Tila hindi ko na makontrol ang emosyon ko, naisin ko mang bumaba sa kotse niya ngunit hindi ako nagpadala sa pride. Dahil alam kong wala akong masasakyan kung bababa ako hahahaha at bibihira din ang dumadaan doon na yellow cab. Hindi ko din alam sa gagong to, ang layo-layo ng inikot.

"Ano?! Ano bang gusto mong gawin ko?!" tanong ko ulit habang nakatingin sa kanya. Agad din naman siyang tumingin saakin habang magkasalubong ang dalawang kilay at halatang inis siya dahil bakas iyon sa panga niya. Agad niyang binawi ang pagkakatingin niya saakin at agad nag focus sa pagmamaneho. Nag green light na ang traffic light kaya tuluyan niya na ding pinaandar ang sasakyan. Umayos ako ng pagkakaupo at huminga ng malalim.

Hindi ko maintindihan kay Iwi. Tila para kaming magjowang nag babangayan, pakiramdam ko tuloy isa itong palabas at nasa kalagitnaan na kami ng pelikula hahaha. Natigil ang tensyon ng biglang tumawag saakin si Mico.

"Hello pre?" sabat ni Mico

"Mics, andiyan na ba kayo? Ang bilis nyo naman gago ka!" tugon ko sabay tawa

"Wala pa Carl, pa-dasma palang kami. Kayo nasaan na?" 

"Daang hari parin, pero onti nalang to paps. Baka mahuli lang kami saglit." tugon ko. Natapos ang paguusap namin ni Mico at agad kong inilapag sa hita ko ang aking cellphone. "B-bago?" tanong ni Iwi

Nagtaka naman ako sa tanong niya. "Bago ang?" tanong ko rin. Agad niya namang isinenyas gamit nguso ang cellphone ko habang nakafocus sa pagmamaneho. "Ah, Oo. Nung nakaraang week lang to." tugon ko. "Ayos yan!" sabat niya.

Pagkarating sa Papa Doms agad naman kaming nagkita-kita. Sobrang daming tao nung time na yon kaya enjoy hahaha. Solid soundtrip ng mga DJ at legit! Talagang tinigasan ako sa mga chikas na nagkalat hahahah. Kaya nakampante ako kase sign yon na Lalaki pa rin ako at tinitigasan ako sa mga chikas. Hindi rin magkandamayaw mga mata ng mga tropa ko, tila busog na busog sila sa mga nakikita nila hahaha. Nagpadagdag nalang kami ng another table kase sobrang dami talagang tao at wala na kaming ma pwestuhan. Pagkaset na pagkaset ng table no hesitations kaming nagsi-upuan. "Tangina Uhaw na uhaw mga tropa ko ah" pangaalaska ni Jobert.

Sinuklian naman namin iyon ng halakhakan. "Tangina what now mga pre?!" tanong ni John. "Pulang kabayo ba tayo?" dagdag pa niya.

"I'm out! Auto pass sa Redhorse John" sabat ko. Well nainom naman ako ng RedHorse pero sadyang hindi ko lang talaga trip nung gabing yon. "Corona nalang?" tanong ni Lucas. Agad namang nagtaas ng kamay si Mics na ikinagulat namin.

"Boss!! 3 bucket ng Corona" saad ni Mico

Nagtinginan kaming lima sa pagkabigla. "Uy mics haha, teka kalmahan natin baka mashort tayo haha" sabat ko.

"Wait, magkano ba isang bucket ng corona?" tanong ni Mico sa lalaking nakaitim. Hindi ko alam kung bouncer siya o waiter basta malaking tao kase.

"650 po isang bucket 6 bottles po yun." tugon nung lalaki

"Okay mga pare ko! Lapag-lapag na tayo!" utos ni Jobert. Agad naglapag si Iwi ng 500, 300 naman kay John, 400 kay Lucas, 500 saakin. Agad naman naming ibinaling ang atensyon kay Berto akmang hinihintay ang lapag niya. "O ayan sige ibayad niyo na yan. Ako na bahala sa kwento" sabat ni Jobert rason para batukan siya ni Lucas.

"Tangina mo wala tayo sa kalye Berto!" saad ni John

"Ahm boss bali limang bucket na, naaccept ba kayo ng payment through card?" tanong ni Mico. Tumango naman yung lalaki  sabay alis. Nabigla ako sa ginawa ni Mico. "Okay dude! Im fucking speechless! Ikaw na ang bigtime!" sigaw ni Lucas. Dumating ang unang bucket, at hindi na kami nag dalawang isip na tagayin lahat ng yon. Mag-saya - yan lamang ang nasa isip namin nung gabi yon, reward sa lahat ng puyat, pagod, at tagumpay na dinanas namin. Sa kaliwang side nakaupo si Iwi, Lucas, at Berto. Habang kami naman nila Mico, at John ang nasa kanang side. Katapat ko si Iwi, sinadya kong tumapat sa kanya para kahit papaano alam ko at aware ako sa mga gagawin niya. 

"Tangina ang solid ng lasa! Pero parang wala tong tama" saad ko. Agad namang nagtawanan ang mga tropa ko, na dahilan kaya nagtaka ako. "Hintayin mo, mamaya mo makakamit ang amats na hinahanap mo." tugon ni John habang namumulutan. Mabilis din naman naming naubos ang una at pangalawang bucket, masasabi kong wala pa akong tama dahil kaya ko pa sarili ko, alam ko pa ginagawa ko. Pagkarating ng pangatlong bucket agad akong pinagbuksan ni Mico ng isang bote,  pagkaabot na pagkaabot nito saakin agad ko itong itinutok kay Iwi para sa makipag cheers. Tila wala siyang pakealam sa paligid niya habang nakasandal sa upuan at nakatingin saakin ng seryoso.

"Nasaan yung sayo? Cheers gago!!" sigaw ko. Hindi niya ako pinansin at lumingon paharap sa mga taong nagsasayawan. Halata sa mukha niyang hindi siya nag eenjoy, at parang may iniisip na problema; At dahil ayokong magpakain sa negativity kay Mico nalang ako nakipag banggaan bote.

"Ayos ba Cacarl?" tanong saakin ni Mico habang nakangiti. At dahil masyadong maingay ang paligid, inilapit ko na lamang ang mukha ko sa teynga niya upang lubusan niyang maintindihan ang sasabihin ko "Ayos na ayos! Maraming salamat kapatid!!" tugon ko sabay tapik sa balikat niya. May kanya-kanya nang mundo ang tropa ko, si Lucas at John may malalim na pinaguusapan hahaha halata mo iyon sa mga mukha nila dabil seryoso parang mga tanga, si Berto naman chill sa gilid habang ka-VC yung nililigawan niya, si Mico kausap ako habang si Iwi tahimik at patuloy paring nanonood sa mga sumasayaw.

"Iwi! Gusto mo sumayaw?" pasigaw kong tanong. Tinignan niya lamang ako at ibinaling ulit ang atensyon sa mga sumasayaw. "May problema ata si Lerwick?" tanong ni Mico. 

"Tol!!" sigaw ni Mico. Agad namang tumingin si Iwi sa kanya. Sumenyas si Mico ng thumbs-up, way para malaman kung ok ba siya. Sinuklian naman yon ni Iwi ng ngiti at nag thumbs-up din ito sa kanya. Basado ko na mga galawan ni Iwi kaya alam kong nagseselos na tong gagong to kase walang nakausap sa kanya. Agad akong tumayo at lumapit sa kanya, inilapit ko ang bibig ko sa teynga niya para marinig niya sasabihin ko.

"Tara na! Sayaw na tayo! Ayokong bubusangot ka buong gabi. Tsk! Wala kang mabibingwit na chikas niyan!" pagsusumamo ko. "Sasamahan mo ako?" seryoso niyang tanong. Sinuklian ko siya ng ngiti sagot sa mga tanong niya.

Agad din namang napalitan ng matamis na ngiti ang pagkabusangot niya at mabilis na tumayo. Habang hawak-hawak ko ang balikat niya gabay papunta sa mga nagkakasiyahan at nagsasayawang mga tao. Agad naming inilabas ang katangahan naming taglay at hindi na nagdalawang isip pang makipag sabayan sa mga nakapaligid saamin. Sa mga sandaling iyon, tila napawi lahat ng galit at inis sa taong katapat ko ngayon. Kasabay ng pagbabatuhan namin ng mga tawanan at kanya-kanyang kabaliwang steps tila bumalik sa ala-ala ko lahat ng masasayang ala-ala nung kami'y musmos pa lamang.

Sa mga sandaling din yon, napatunayan at nalaman ko ang sagot sa mga katanungang bumabagabag sa isipan ko. Kaya siguro ako nahumaling sa taong ito dahil ni minsan, never niyang ipiniramdam saakin na iba ako. Never niyang ipinaramdam na kaibigan niya lang talaga ako. Bagkus' hindi siya nag dalawang isip na damayan ako sa lahat, tila ang misyon niya mula noon at hanggang ngayon ay ang pasayahin ako.

Sandali akong yumuko upang punasan ang mga luhang nanliligid sa aking mga mata. "Bakit?" tanong niya. Pinilit kong magpanggap na napuwing ako, kahit hindi naman talaga upang makaligtas. "Napuwing ako gago hahahahaha" tugon ko. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala, "Gusto mo hipan ko?" seryoso niyang tanong.

Gustuhin ko mang sumang-ayon ngunit alam kong iba ang maaaring isipin ng mga taong kasama namin ngayon. Dahil una, hindi nila kami kilala. Pangalawa, wala silang ideya kung magkaano-ano kami ni Iwi. Ayos lang sana kung kami, kami lang magkakasama pero mahirap na. Lalo na't nasa realidad kami.

"Huwag na! Safe na hahaha" tugon ko sabay balik sa paglundag at pag sayaw. Nang nakaramdam ng pagod agad kaming bumalik sa upuan namin, at tuluyang inubos ang naiwan naming alak.

"Hoy pang-apat na namin to ano na kayo?!" sigaw ni Lucas sabay laklak sa baso

"Hahabol na lang kami!" tugon ko.

Akmang babalik ako sa upuan ko ng biglang hatakin ni Iwi tshirt ko. "Dito ka na umupo sa tabi ko." utos niya. "Walang bakante okay lang yan magkatapat naman tayo! Gago kala mo talaga lalayasan!" sabat ko.

Nabigla nalang ako ng palipatin niya si Lucas sa tabi ni Mico. "Doon ka nalang muna Luc! May pag-uusapan lang kami ni Cacarl." Agad namang lumipat si Lucas ng walang imik, tiyak akong pabor din sa kanya dahil magkausap sila ni Mico, nagtatanong kase si Mics ng mga tips para makapasa sa tryout ng varsity next sy.

Nabigla ako ng bigla akong akbayan ni Iwi. "So bale kamusta ka naman cacarl?" tanong ni Iwi. Ikinuwento ko naman lahat ng ganap nung linggong hindi kami ganoon nagkikibuan, syempre di ako pumayag na di rin siya mag kwento. "Ayun nung last tryout natin, niyaya ako ni Vien mag samgyup kasama mga kaklase niya tas mga jowa nila. Sobrang bagot na bagot nga ako eh." saad niya. Ikinabigla ko iyon, so bale iyon pala yung pinaguusapan nila nung nilalagay ko yung tubig ko sa bag. "Ayos yun ah, edi ang saya non! Lahat kayo mga fucking couples!" sabat ko sabay lagok ng alak.

"Nga pala? Kayo na ba? Sinagot ka na?" sunod-sunod kong tanong. Agad naman siyang tumingin saakin ng seryoso.

"Bakit mo naman natanong?"

Tila nablangko ako sa tanong niya saakin. "W-wala lang. Syempre bawal bang alamin, nakakasama ka naman ng loob ah. Ikaw ah naglilihim ka na saakin!" tugon ko.

"Oo, kami na Carl."

Wala na akong iba pang nailabas na salita. Tila bumilis kabog ng puso ko at pakiramdam ko unti-onti itong napupunit. Daig ko pa na-stroke. Sobra akong nagsisi at naiinis. Hindi ko din alam kung bakit ko pa tinanong. Muli akong napatingin sa kanya, tanaw ko ang mukha niyang seryoso at tila nagtataka. Bigla ko na lamang naramdaman ang pagpatak ng aking luha muka sa kaliwang mata. Tuloy-tuloy na itong nanligid sa mga mata ko halos nahihirapan na ako huminga sa mga sandaling iyon.

"O-okay ka lang?" tanong niya sabay lapag ng baso sa lamesa at nag focus sa akin. "Hoy carl, naiyak ka? Bakit?" tila natataranta na siya at halos hindi na alam ang gagawin ngunig pinipilit na parin akong icomfort. Sobrang ingay sa Papa Doms at sobrang daming ibat-ibang ilaw ang nagkikislapan kaya't hindi namin ganoon nakuha ang atensiyon ng tropa. 

At dahil alam niya nang umiiyak ako, hindi na ako ppwedeng magpalusot na napuwing ako. Tiyak akong magagasgas iyon. Kayat imbis na magpalusot, pinilit kong ngumiti ng abot teynga kahit na sobrang basag na basag ako deep inside. Bukod sa ngiti sinabayan ko iyon ng malakas at mabagal na tapik sa balikat niya.

"GAGO! TEARS OF JOY! HAHAHA! I CAN'T IMAGINE LERWICK!! IYAN NA, HINDI KA NA NAG-IISA." saad ko. "Napaluha tuloy ako gago ka! sobrang saya ko lang para sayo Iwi!" dagdag ko pa habang suot-suot parin ang  pekeng ngiti.

Bakas sa mukha niya ang pagaalinlangan, parang nagsisisi at nangangamba din siya. "S-salamat Carl." tugon niya sabay yuko. Wala pang ilang minuto ay agad niyang itinungga ang natirang alak mula sa kanyang baso. Wala na, basag na basag na ako; hindi ko alam kung kakayanin ko parin maging masaya ngayong gabi. Isa lamang natakbo sa utak ko, at iyon ay ang gusto ko na umuwi. Gusto ko nang mahiga at yakapin ang unan ko.

"Pa serve ko na ba yung last bucket Cacarl?" tanong ni Mico habang inuubos ang natitira niyang alak. Agad akong sumenyas ng ekis.

"Di ko na kaya Mics! Medyo basag na ako." Sigaw ko. Double meaning talaga nais kong iparating nito buti hindi nakahalata si Iwi kase dinugtungan ni Jobert.

"Talagang basag ka niyan, ikaw ba naman  sumayaw ng sumayaw bobo!" sigaw ni Berto sabay halakhak

"Hindi mo na ba talaga kaya?" tanong ulit saken ni Mico. Muli akong umiling. "Kayo ba? sayang yun." saad ni Mico

"Ayoko na din pre" sabat ni Lucas

"Pass na din ako" sabat din ni John

"Last ko na tong isang to Mics" sabat ni Berto

"Tayo na bahala sa last bucket pre" saad ni Lerwick kay Mico.

Walang pagaalinlangan ginawa nga nilang dalawa, yumuko na lamang ako para makaidlip. Nagising nalang ako nang bigla akong alalayan ni Mico. Tila lasing na lasing ako hindi ko alam kung bakit. Sobrang baba lang naman ng alcohol content nung Corona. Kahit ba naka apat na bote ako, di parin ako makapaniwala sa iniinda ko.

"Carl, kaya pa? Tara na." dahan-dahan akong iniangat ni Mico.

"Wait! Wait! Pa shot muna natin si Carl, wait!" utos ni Berto. Agad niya akong inabutan ng shot glass at para matapos na ang kagaguhan niya inistraight ko na iyon.

"TANGINA PRE ANO YAN?!" angal ko. Parang gusto kong sumuka dahil sobrang kapit ng lasa ng alak sa lalamunan at dila ko. "Last, last!!! Para kwitz tayong lahat dito!!" sabat ni Berto

Sinubukan kong umangal pero hindi ako nanalo. Pinilit ko na lamang ishot ang huling basong nirerequest niya. Ipinagdasal ko na sana hindi ako masuka, "PUTANGINA LAST NA YAN! SASAPAKIN KO NA MUKA MO PAG MAY KASUNOD PANG GAGO KA!" angal ko. Sobrang naw-weirduhan ako sa lasa ng alak na yun.

"TANGINA TALAGA ANO BA YAN?!" Agad na ngumiti si Mico. "Black Label yan Cacarl!" bulong niya saken. Maya-maya'y mas lalo kong naramdaman ang pagkahilo, tila dinuduyan ako habang naglalakad.

Sa sobrang kalasingan namin, nagdecide nalang kami na mag check in sa kilalang hotel, medyo malayo-layo siya sa papa doms. Bali dalawang kwarto ang kinuha namin since anim naman kami, tatlo sa isang kwarto. Para akong sabog habang naghihintay sa lobby. Wala na akong pakealam sa ganap sa paligid ko o sa kung anong itsura ko. Pagkarating na pagkarating sa kwarto agad kong isinubsob ang katawan ko sa kama. Sobrang bigat ng katawan ko.

"Dito na lang ako sa sofa" saad ni Lucas

Pinilit ko ang sarili kong humimlay, hindi ako mapakali sa nararamdaman ko. Init na init ako, at sobrang lagkit pa ng balat ko. Wala na akong choice kundi piliting maligo kahit hilong hilo ako. Nagmadali akong pumunta sa Bathroom para makaligo. Akmang haharangin ako ni Lucas

"Oh! Ako muna!!" sigaw ni Lucas

Binalewala ko na lamang siya at nagpatuloy parin sa  pagpasok sa kubeta. Pagkatapos na pagkatapos maligo medyo nahimasmasan ako, pero ramdam ko padin ang bigat ng katawan ko. Sandali akong umupo sa kama, habang pinupunasan ang aking buhok. Napagdesisyunan kong tumambay sa balcony ng kwarto namin. Tanaw mo dito ang taal at ang mga ilaw na sakop ng tagaytay. Dinig ko ang hiyawan at ingay nila Berto sa kabilang kwarto mula sa balcony, panigurado akong nagyoyosi nanaman si John dahil may nanggagaling na usok mula sa balcony nila.

Huminga ako ng malalim at muling nagisip-isip. Sobrang sakit parin ng puso ko, halos hindi parin mag sync in sa utak ko lahat ng ganap na nangyari kanina. Tutal dahil may rason naman na para umiwas ako kay Iwi at para putulin ang kakaibang nararamdaman kong ito. Siguro ito na rin yung tamang oras para isaksak ko sa kokote ko na hanggang doon nalang talaga tatakbo ang ganap namin sa isa't-isa. Hindi ko mapigilang hindi maiyak, buhat na din ng kalasingan. Pero kinaya kong ilabas lahat ng walang ginagawang ingay. Tutal dalawa lang naman kami ni Lucas dito sa kwarto, at naliligo siya. Balewala na saakin kung magtaka sila kung bakit namamaga mga mata ko bukas. Pinagpatuloy ko parin ang pagiyak, ngayon na lang ulit ako nasaktan at umiyak ng ganito. Tanda ko, nung una kong na experience ito; iyun yung mga araw na aalis sila mama at papa papuntang Amerika. Bilang isang batang ulilang-ulila sa kaniyang magulang, sobrang sakit sa tuwing bibitawan nila ang mga kamay ko. Upang dumako sa loob sa airport.

"John pahingi nga isa. Nalalasahan mo parin ba yung Black Label? Sadista noh" saad ni Berto mula sa kabilang balcony. May harang ang bawat balcony sa hotel na ito, rason para hindi kami magkakitaan, kumbaga privacy. "Sino na naliligo?" tanong ni John.

"Si Mics. Pagtapos non ikaw na sumunod ha" tugon ni Berto

Nabigla ako sa narinig ko, "Kung silang tatlo ang magkasama sa kabilang kwarto ibig sabihin dalawa lang kami ni Lucas dito. Teka, ibig sabihin pinilit ni Iwi makauwi?" bulong ko sa sarili ko. Tanging kaba ang una kong naramdaman dahil alam kong maraming nainom si Lerwick at sure din akong hindi niya pa ganon kabisado ang kalsada.

Pinunasan ko luha ko, at nagmadaling pumasok para kunin ang cellphone ko. Pagpasok sa kwarto agad kong kinuha ang cellphone kong nakapatong sa sofa at mabilisang tinawagan si Iwi. Nabigla ako nang marinig ang ringtone niya mula sa aking likuran rason upang mapalingon ako. Kasabay ng mga salita at tugtog na nanggagaling sa T.V, matagal na nagtama ang aming mga mata. Tila bumibilis nanaman ang tibok ng puso ko, at mahahalata mong naghahabol ako ng hangin dahil sa tuloy-tuloy kong paghinga.

"Carl.."

iyun na lamang ang salitang kanyang nabigkas. Namumula ang mata niya at para siyang luluha. Walang pagaalinlangan niyang hinatak ang kamay ko dahilan upang mapapalapit ako sa kanya. Niyakap niya ako ng sobrang higpit, na para bang wala nang bukas. Sinubukan kong pumiglas ngunit mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap niya saakin. Ramdam ko ang tibok ng puso niya dahil magkadikit ang dibdib namin. Amoy na amoy ko parin ang alak sa kanya. "Yakapin mo lang ako." pagsusumamo niya, nanginginig ang boses niya na para bang hirap siyang magsalita. 

"Iwi mali to, hindi pwede ito." hindi na ako nakapagsalita pang muli dahil tuluyan nang pumatak sabay-sabay ang aking mga luha. Hindi ko alam kung dahil sa tuwa o dahil naguguluhan ako. Hinawakan niya ang aking ulo at idiniin ito sa kanyang balikat. "Shhh.. tama na." tugon niya.

Basang-basa na ang tshirt niya dahil sa luha ko, nais ko ng humahulgol. Hindi ko sukat akalain na mararanasan kong mayakap ng taong matagal ko nang pinapangarap. "Huwag ka nang umiyak, ayokong nakikita kitang lumuluha dahil saakin." malambing niyang diin habang patuloy na hinihimas ang buhok ko at patuloy paring nakayakap saakin. Agad akong kumalas, at tinignan siya sa mata.

"D-dapat B-bukas, G-gusto ko bukas. Pilitin mong dumistansya saakin. Nang sa gayon maisalba natin ang P-pagkakaibigan natin wick." pagsusumamo ko habang patuloy na lumuluha. "P-para ito sa atin, at para na din kay Vien. Ayokong masira ang pinagsamahan natin, at ayoko ding masira kayo ni Vien dahil saakin" dagdag ko pa. Nagulat ako nang bigla siyang ngumisi, kasabay ng paghalik sa aking noo.

"Walang iiwas."

"Walang isasalba"

"At walang masisira"

Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya. "A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko.  Pinunasan ko ang aking mga luha gamit ang tshirt na suot-suot ko, at tinulungan niya din akong punasan gamit ang kamay niya upang maalis ang mga luhang nanliligid sa mata ko.

"Walang kami ni Vien. At kailanman hindi na magiging kami." saad niya habang suot suot ang matatamis na ngiti.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This