Pages

Sunday, May 3, 2020

Brad Mahal Kita, Matagal Na (Part 4)

 By: GuessWho

Napatingin nalang ako kay Rey na kusang umupo sa harapan ng mesa ko. Dahan-dahan niyang inilapag ang tray na may lamang pagkain. Nasa canteen ako noon at kasalukuyang nagla-lunch.

"Brad, pakopya ng assignment mamaya." Panimula niya.

Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa pagsubo ng pagkain.

Alam ko naman ang talagang sadya niya. Mula kasi noong nangyari sa amin ni Luke ay hindi na ako muling nagsasama sa tropa. Lumipas ang sembreak at nasa pangalawang linggo na mula nang mag resume ang klase, pero hinding-hindi na ako lumapit sa kanila. Sigurado akong nagtataka sila sa inaasal ko. Mas minabuti kong mapag-isa na lang. Wala rin naman akong mukhang ihaharap kay Luke.

Mula noon ay school at kwarto na lang ang pinupuntahan ko. Kapag weekends minsan gumagawi ako sa karaoke bar na pinag-iinuman ko. Kapag nababagot ay naglalaro nalang ako ng online games na madalas kong laruin.

Maging sa loob ng class room ay ibinukod ko ang sarili at pumuwesto sa pinakasulok ng silid. Kailangan ko lang talagang umiwas. Ito ang mas nakakabuti.

"Anong kailangan mo? Derechahin mo na ako." Malamig kong tanong kay Rey.

"Ha?" Kunwa'y gulat niyang tugon.

Tiningnan ko siya ng matalim sa mata ng ilang segundo, ngunit hindi niya makuhang magsalita. Kaya dinampot ko ang bag ko at tumayo. Nang akmang lilisanin ko na ang lugar ay nagsalita siya.

"Teka lang brad." Aniya.

Lumingon ako sa kanya.

"Umupo ka muna. May itatanong lang talaga ako sayo."

Pabagsak akong umupo at tiningnan uli siya.

"Y-yung tropa kasi nagtataka. Bakit ka nga ba umiiwas sa amin?"

Nakatingin lang ako sa kanya.

"Si Luke tinatanong namin, wala rin daw siyang alam kung ano man ang dahilan mo." Pagpapatuloy niya.

Napayuko ako ng bahagya ng marinig ko ang pangalang yun.

"Bakit nga ba brad?" Patuloy niya.

"Gusto ko lang mapag-isa brad." Malamig kong tugon.

"Bakit nga?"

"Kailangan ba may dahilan? Gusto ko nga mapag-isa? Makulit ka din ano?" Pikon kong tugon sa tanong niya.

Tuluyan na akong tumayo at nilisan ang lugar.

Nang mag-uwian na ay nagtungo ako sa paborito kong tambayan at umupo sa paborito kong bench at nagsindi ng sigarilyo. Isinandal ko ang likod ko at tumingala.

Nag-isip.

Hanggang sa mga sandaling ito, hindi ko pa din nakakalimutan ang mga nangyari sa amin ni Luke. Habang tumatagal mas nag-iiba ang tingin ko sa kanya. Ilang beses ko man piliting labanan, hindi ko magawa. Yun ang hindi ko matanggap kaya pilit kong inilalayo ang sarili ko.

Ilang linggo na din akong hindi pinapatahimik kakaisip ko kay Luke. Siya lamang ang bukod tanging naglalaro sa isipan ko.

Ang totoo niya ay sobrang namimiss ko si Luke.

'Ano nga bang nangyayari sakin?' sa isip ko.

Napapailing na lang ako.

Tumayo na ako at hinithit ang huling buhay ng sigarilyong hawak ng dalawang daliri ko. Saka nagsimulang umuwi.

Nang marating ko ang kwarto ay agad akong nagbihis at nagtungo sa kabilang carinderia upang maghapunan. Mula noon, hindi na ako kumakain sa paborito kong carinderia dahil sa pag-iiwas kong makatagpo si Luke.

Pagkakain ay dumirecho ako sa karaoke bar na madalas kong puntahan upang uminom. Tutal, sabado naman bukas at walang pasok.

-----------------------------------------------------------------

Naisipan ni Zion na maghanap ng paraan upang makalimutan ang kung ano mang bagay na gumugulo sa isip niya.

Tinawagan niya si Trisha upang ayain na makipagtalik sa kanya. Para kay Zion, makakatulong ito upang mabawasan ang iniisip niya.

Si Trisha ay isa sa mga kababaihan na naghuhumaling kay Zion. Isa rin siya sa maswerteng babae na nakatalik ni Zion. Sa dinamidami ba naman ng babaeng nagkakandarapa sa kanya.

Masasabi nating maganda naman si Trisha ngunit siya yung tipong ganda lang ang ginagamit, hindi utak. Easy to get, ika nga nila.

Para kay Zion, normal lang ang mga ganitong bagay. Hindi siya nakikipag-commit ng kahit anong seryosong relasyon sa mga nagiging katalik niya. Hindi rin naman ito lingid sa kaalaman ng mga kababaihan. Para sa kanila, matikman lang si Zion ay langit na.

Sa Mall.

Seryoso ang mukha ni Zion na naglalakad. Habang parang sawa naman kung makapulupot si Trisha sa kanyang braso.

Napakadaldal pa nito na puro lang naman kaartehan ang mga sinasabi. Samantalang tango lang ang natatanggap niyang tugon mula kay Zion.

Hindi na kailangan ni Zion na maging sweet-talker para lang makaakit ng babae. Ang mismong presensya at pagiging brusko niya palang ay pinagkakaguluhan na.

Habang naghahanap sila ng restaurant na makakainan. Naaninag ni Zion ang pamilyar na pigura.

Si Luke.

Mabilis niyang hinatak si Trisha upang makapagtago sa stall ng isang kilalang bilihan ng relos. Naguguluhan man ang huli ay sumunod nalang ito sa kanya at sabay silang umupo sa gilid ng stall upang makapagtago.

"Bakit tayo nagtatago?." Naguguluhang tanong ni Trish.

"Basta! Wag kang maingay. Makisama ka nalang."

Naguguluhan man ay sumunod nalang din ito.

Maya-maya ay nagkandahaba ang leeg ni Zion at palinga-linga upang silipin ang kinaroroonan ni Luke. Ngunit hindi niya na ito nakita pa.

Bago pa man ay nakita na ni Luke si Zion na animo'y nagtatago sa gilid ng stall at may kasamang babae. Kaya agad niya itong pinuntahan. Sa bandang likuran siya nagtungo upang alamin kung bakit nagtatago si Zion at ang babae.

"Ehem!" Tumikhim si Luke upang tawagin ang atensyon ng dalawa, na noon ay nakikita niyang animong detective na may minamanmanan.

Gulat na napalingon si Zion nang makita si Luke, na halos nanlaki ang mga mata.

'Patay na!' Sabi ng isip ni Zion.

"Uy! Brad ikaw pala yan!" gulat na bati niya kay Luke.

Maya-maya ay binaling nito ang mga mata sa sahig na animo'y may hinahanap.

"Dito ba nahulog yung hikaw mo Trish?.... wala naman dito."

Puno ng pagtataka ang mukha ni Trish na nakatingin kay Zion.

Saka siya tumayo upang harapin si Luke na noon ay takang-taka sa ikinikilos niya.

Sumunod namang tumayo si Trish at pumulupot sa braso ni Zion.

"Hi Luke." Todong ngiti na bati ni trish kay Luke na halata namang nagpapa-cute.

Hindi naman na nakakapag takang kilala ni Trish si Luke, dahil isa din ito sa head-turner sa school at napag-uusapan ng mga kababaihan.

"Nakita mo na ba ang hinahanap mo?" Tanong ni Luke kay Zion.

"Ah..oo.. aa hindi pala. Hayaan mo na..." bakas ang pagkataranta sa mukha ni Zion.
"Nandito ka rin pala?" Segunda niya pa.

"May binili lang ako." Sabay muwestra sa hawak niyang paper bag.

"Nga pala Zi, pwede ba kita makausap saglit? Importante lang?" Seryosong tanong niya.

Bakas ang pag-aalangan sa mukha ni Zion. Kung tutuusin, wala siyang kinakatakutan, pero sa pagkakataong ito, sa harap ni Luke, nagmistula siyang bata na nahuling kumupit ng piso, sa shoulder bag ng nanay na nakasabit sa likod ng pinto.

Nagsalitan ang tingin niya kay Trish at Luke. Ngunit maya-maya ay nagsalita na rin.

"Ah.. Oo.. sige okay lang naman." Aniya.
"Trish mauna ka nang maghanap ng makakaininan. Tatawagan nalang kita." 

Maarteng nagtaas naman ng kilay si Trish ngunit wala naman siyang nagawa kundi sundin ang utos.

Nang makaalis si Trish ay agad nagtanong si Zion.

"Anong pag-uusapan natin brad?"

Humugot muna ng malalim na hininga si Luke saka nag salita.

"Iniiwasan mo ba ako?" Tipid na wika ni Luke.

Ibinaling ni Zion ang tingin sa ibang direksyon at pinili na wag sagutin ang tanong.

"Kung ang dahilan mo ay yung ginawa mo sa akin noong nakaraan.. wag mo nang isipin yun. Lasing ka lang nun."

Bakas ang pagkailang sa mukha ni Zion. Hindi alam kung magsasalita ba o hindi.

Tinapik ni Luke ang balikat nito.

"Sabi ko brad, wag mo nang isipin yun. Wala sa akin yun.. at wag kang mag-alala, wala akong pinagsabihan." Sinabayan pa ito ng mahinang tawa.

Bumuntong hininga si Zion.

"Oh paano brad! Magpakita ka na sa tropa. Namimiss ka na nila.. mauuna narin ako. Sundan mo na yung ka-date mo at mukhang takam na takam na sayo yun.. este mukhang gutom na gutom na yun." Kasabay ng tawa.

Tumango si Zion ngunit hindi parin ito makatingin ng derecho kay Luke.

"Sige brad! Sa lunes na lang." Ika ni Zion.

Nagdapo ang dalawang palad nila upang gawin ang shakehands na silang magtotropa lang ang nakakaalam.

"Salamat brad!"

"Wala yun!... sige, mauna na ako."

Tumango-tango lang si Zion. Naggawad ng isang kaway, saka namulsa.

Naiwan siyang natulala sa kakaisip habang napapailing at mayamaya'y napangiti. Saka kinuha ang phone sa bulsa upang tawagan si Trisha.

Lunes.

Magulo ang loob ng klase. Wala pa kasing guro. Makikita mo ang iba na nagbabasa at gumagawa ng assignment. Ang iba ay nagdadaldalan kabilang na din ang tropang M. (Malilibog)

Masayang pumasok sa silid si Zion na ikinagulat ng magtotropang M.

Agad naman siyang tumungo sa mga ito. Ngumiti at nakipagkamay sa lahat.

Gulat ang nakarehistro sa mga mukha nila. Habang si Luke naman ay makikita mong ngiting-ngiti sa kinauupuan niya dahil sa masayang presensya ni Zion na bumungad sa kanila.

Agad na sumeryoso ang mukha ni Zion dahil sa mga nakakairitang tingin sa kanya ng mga tropa niya.

"Bakit? Ngayon lang ba kayo nakakita ng gwapo?" Pang bibiro niya sa mga ito.

Nagkatinginan lang ang mga tropa niya sa pagkamangha. Ngunit agad namang nakabawi.

"Wala ka atang regla ngayon brad!" Natatawang pansin sa kanya ni Rey.

"Gusto mong reglahin yang ilong mo para tumigil ka?" Nakangiting biro ni Zion.

"Chill!" Wika naman ni Jerome.

Nagtawanan ang lahat.

"Mukhang maganda araw mo ngayon ah." Sabat naman ni JC.

"Naka score kasi yan nung isang gabi." Biro naman ni Luke.

Na naging sanhi ng pangangantiyaw ng lahat kay Zion.

Napangiti nalang siya na pailing-iling at marahan na umupo.

Sakto naman ang pagdating ng Prof nila sa Literature na si Ms. Domingo na kamukha ni Ms. Minchin.

Bago matapos ang klase ay naglahad ang prof nila ng assignment para sa susunod na Lunes.

"Okay class, I need you to find a partner.. Each pair will be portraying characters of a specific scene from a book or film that I will assign to you later... Okay? You may now find your partners."

Nagsimula nang mag-ingay ang buong klase upang maghanap ng kanya-kanyang partner.

"Zion brad! Tayo nalang partner." Pagtawag sa kanya ni Luke.

"Sige brad!" Masayang pagsang-ayon naman niya.

Nang matapos ang lahat sa paghahanap ng partners ay muling nagsalita si Ms. Minchin este si Ms. Domingo.

May inilabas itong fishbowl na may lamang mga nakarolyong papel. Ipinaliwanag niya na ang bawat papel na iyon ay naglalaman ng scenes na galing sa iba't ibang sikat na libro o palabas na kailangan nila i-perform sa harap ng klase sa susunod na lunes. In short, magiging pansamantalang artista sila sa Lunes.

Isa-isa silang nagpuntahan upang bumunot ng papel. Yung iba ay tuwang-tuwa dahil madali lang ang nabunot na scenes. Yung iba naman ay nadismaya dahil mahihirap ang scenes na napunta sa kanila.

Si Luke ang nagrepresenta na bumunot ng papel. Dahan-dahan siyang kumuha at nang makakuha ay dali-dali niya itong binuksan.

Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagkagulat.

"WHAT THE FU*K!!!!!!" nanlaki ang mata niya sa nakita.

"Excuse me?!! Did you just swear at me?!!" Wika ni Ms Minchin na noon ay nanlilisik ang mata.

"No! No!.. I'm sorry ma'am.. it's not you.." Napahimas siya ng batok.

"Can.. can I pick another one?"

"No!!" Pagmamatigas ni Ms. Domingo.

"But ma'am..."

"I said NOOOO!!"

Napakamot nalang si Luke sa pagkadismaya at nagtungo sa upuan niya.

"Luke, ano?? Madali lang ba yung sa atin??" Excited na tanong ni Zion.

"Ah.. mamaya ko nalang ipapakita sayo." Pailing-iling siya na nagligpit ng gamit at isinilid sa bag.

Napakunot-kilay nalang si Zion.

Habang kumakain sa cafeteria, napag-usapan ng magtotropa ang mga nabunot nilang scenes.

"Anong nabunot niyo ni JC?" Tanong ni Jerome kay Rey.

"Badtrip nga pare, ang hirap nung sa amin.. Scene sa How To Kill A Mocking Bird." Sagot ni Rey.

"Alam ko na kung anong role mo dun." Wika ni Jerome.

"Alam ko na yang sasabihin mo.. sasabihin mo ako yung Mocking Bird?" Sabi ni Rey na nakanguso.

"Tanga! Sa haba ng nguso mo.. ikaw yung baril!!!" Ani Jerome.

"G@GO!"

Tawanan.

"Ano ba sa inyo ni Marco?" Balik tanong ni Rey kay Jerome.

"Madali lang samin. The Death of Jack sa Titanic..Ako si Rose at siya naman si Jack..Andali lang ng linya ko." Sabay mimic ng line ni Rose.

"Jack... jack..." may papaos-paos pa siyang nalalaman.

"Tapos lulunurin ko si Marco sa asido." Sabay tawa.

"Tanga! Dagat yun!" Ani Marco.

Tawanan.

"Eh.. yung dalawang lovers diyan, ano yung sa inyo?" Tukoy ni Rey kila Luke at Zion.

Hindi umimik si Luke.

"Oo nga, ano sa atin brad?" Tanong ni Zion.

Dinukot ni Luke ang papel na nakarolyo sa bulsa. Agad itong hinablot ni Rey.

"RO-ROM."

Di natapos ni Rey ang pagbasa dahil mabilis itong inagaw ni Zion.

Nang buklatin ito ni Zion ay nanlaki ang mga mata niya.

"WHAT THE FU€K!!!" Napahawak si Zion sa kanyang bibig.

"Bakit? Patingin nga?" Binawi ito ni Rey.

Sabay-sabay naman itong tiningnan ng apat na tukmol.

"ROMEO AND JULIET (You Kiss By The Book Scene)" pagbasa ni Rey.

"WTF!!!!" Sabayang bigkas ng apat.

Sabay din silang napatingin kay Luke at Zion.

Pagkakuwa'y..

"BUWAHAHAHAHAHAHAHA" nag chorus pa ang apat.

Magkasabay na umuwi si Zion at Luke. Habang naglalakad ay walang nagsalita ni isa sa kanila hanggang nakarating na sila ng dorm.

Habang naghihintay ng elevator.

"Seryoso ba yun?" Tukoy ni Zion sa scene na kailangan nilang ganapin.

"Oo brad." Ani Luke.

"Hindi mo man lang pinapalitan?" Si Zion.

"Sinubukan ko na, ayaw ni Ms. Minchin. Kilala mo naman yun, mabagsik yun."

TING! at nagbukas ang elevator.

Sabay silang pumasok.

"Paano yun brad? May ano sa scene na yun... may..." hindi matapos tapos ni Zion ang gustong sabihin dahil sa pagkailang.

"Kiss?" Dugtong ni Luke

Tumango si Zion.

Napailing at napangiwi ng ngiti nalang si Luke. Nagmukha kasing bata si Zion na hindi mapakali.

Sabay bukas ng elevator at pareho silang lumabas.

Nang marating nila ang pintuan ng kwarto ni Zion.

"Oh paano brad, wag mo na muna isipin yan. Sa lunes pa naman yun. Panuorin mo nalang muna yung clip sa youtube, para familiar ka." wika ni Luke.

"Teka brad.." si Zion habang dumudukot ng susi sa bulsa.

Nang mabuksan ang pinto ay humarap siya kay Luke. Napayuko siyang naghihimas ng batok, saka nag salita.

"Sino si.. Juliet?" Nahihiyang tanong ni Zion.

Bakas na bakas sa mukha ni Zion ang pagkailang. Marahil dala ito ng mga nakaraan nilang 'halikan'.

"Gusto mo bang ikaw si Juliet?" Pang-aasar ni Luke.

"Ayoko brad! Masagwa." Natatawa niyang sagot.

"Alam ko namang yan ang sasabihin mo. Tsaka sa laki ng katawan mong yan, kahit mag wig ka. Magiging kamukha mo lang si Samson." Sabay tawa.

Natawa nalang din si Zion.

"Oh ROMEO...ROMEO! Aalis na si Juliet. Okay?" Wika ni Luke na sinadyang mag boses babae. Kumindat muna saka umalis.

Naiwang nagkakamot ng ulo si Zion.

A/N:

Pls don't forget to vote. Thanks
Susubukan kong mas madalas mag update. 😉

Anyway, okay ka lang sa inyo na mediyo gawin kong light ang story? Baka kasi naumay na kayo sa puro emotion hehe. Pls let me know para alm ko ang gagawin sa next updates.

And pasensya na kung naninibago kayo sa way ng pagsusulat ko.. sa tagal kong nawala kailangan ko na ulit mag practice.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This