Pages

Saturday, December 31, 2016

Akala ko Sur (Part 1)

By: Karl ng ZamboSur

“Bakit ka pa maghahanap ng iba eh andito naman ako?”
    Tumatak sa akin ang mga katagang iyan noong mga panahong sinabi ko sa kanya na gusto ko ang kaibigan niya.
    Ako nga pala si Karl, isang Grade 10 student dito sa isang liblib na barangay ng Zamboanga del Sur. Ordinaryo lang naman akong tao, ni hindi mo ako mahahalatang malamya ako hanggat naging close tayo.
    Gusto ko lang ibahagi ang aking kwento. Nagsimula ang lahat nang tinanggap ko sa aking sarili na hindi talaga ako isang straight guy. Opo, huli na yata, huli na ba?
    Dalawang sections lang ang Grade 10 dito sa amin. Nasa unang section ako at isa lamang akong tahimik na tao, yung tipong sasagot lang pag tinatanong.
    “Okay class, as I have told you, some of you will be paired with the other class for their remedial class.” Nakalimutan ko na ngayon na pala mag-start ang remedial class ng kabilang section kasi medyo iilan sa kanila ang bumagsak sa English class ni Ma’am. At oo, isa ako sa mga gagabay sa student na maaatasan sa akin. Pagkatapos ng last period which was at 4:00 pm, thirty minutes naming sasamahan ang aming kapartner.
    Siya si Jon, isang student na makulit, maangas, maingay, magulo. Complete (extreme) opposite kami. So noong magsisimula na kami, as usual, hindi agad nakapagstart dahil nga sa attributes niya na hindi seryoso. Ako naman na nagtitimpi, mas pinairal ko ang power of patience dahil ang goal ko talaga ay matulungan siya. Nagprovide naman ang guro namin ng handouts and I explained to him the thought of the story and instructed him to do the activity.
    Sa di inaasahang pagkakataon, hinubad niya ang kanyang polo at natira na lamang ang kanyang white sando. Wala naman talaga akong interest at first kaso itong magulong lalaking ito eh inakbayan ako noong di niya raw kayang sagutin ang mga tanong.
    “Since may alam ka naman dito, pwede bang ikaw na lang ang sumagot? Nahihirapan kasi talaga ako eh.” Sabi niya habang inaakbayan ako ng kaliwa niyang kamay.
    “Naku, paano ka matututo kung ako ang sasagot niyan?” Marahan ko siyang sinagot at tinanggal ang kamay niya.
    Wala nga siyang nagawa kundi sagutin ang mga tanong. Alam ko naman na nahihirapan siya ngunit hinahayaan ko lang upang kahit papaano ay matututo siya. Ginagabayan ko naman. Pinagmamasdan ko siya habang nagsusulat. Gwapo naman pala tong mokong na ito. Di ko lang napansin dahil nga sa medyo magulo siya. Tinititigan ko siya nang biglang lumingon siya sa akin, natatawa siya, pilit na pinipigilan. Hindi ko alam kung bakit basta na lang niya ako tinapik at tinanong kung paano sagutin ang pangatlong tanong.

    Since thirty minutes lang ang inilaan sa remedial class, hindi niya natapos, actually karamihan sa kanila ay di natapos kaya napagpasyahan ni Ma’am na gawing assignment na lang at dapat ay maipapasa kinabukasan. So ayun nga, sinabi ko sa kanya na kelangan niyang tapusin sa bahay nila at i-checheck ko na lang bukas ng umaga bago niya i-submit. Kaso, ayaw niya.
    “Pwede bang sa inyo ko na lang tatapusin ito?” Nagulat ako nang sabihin ni Jon iyon sa akin. Hindi ako ready sa isasagot ko kaya natulala lang ako.
    “Sige na, please. Wala talaga akong alam dito at alam kong matutulungan mo ako.” Yung mukha niyang parang nagmamakaawa, kahit di bagay kasi ang laking tao tapos nagmamakaawa.
    Wala na akong nagawa, pumayag na lang ako at dali-dali niyang niligpit ang handouts, sinaksak lahat sa kanyang bag, at umalis bigla.
    “Huy! Yung polo mo naiwan!” Sigaw ko noong nasa may pintuan na siya. Bumalik naman siya, nagpasalamat at ang ikinagulantang ko ay….kumindat siya.
    Naku, nakupo, hindi ako handa sa mga tagpong iyon. Umalis na siya habang ako ay naiwan at pinarealize ko rin sa sarili ko na wala lang iyon.
    Kinagabihan, mga 6:30 na iyon, dumating siya. Maliit lang ang bahay namin at malapit lang naman sa kanila. Konting lakad lang kasi maliit lang ang barangay namin. Pinapasok ko na siya agad at alam na ng parents ko na darating siya. Pinaliwanag ko na sa kanila ang lahat at okay lang naman sa kanila. Nag-iisa lang akong anak kaya malapit talaga ako sa parents ko. Doon kami sa kwarto ko, maliit lang talaga ang kwarto ko, pagpasok mo, single bed na agad at sa side may isang maliit na table na gawa sa kawayan. Nauna akong pumasok at pagkapasok ko ay bigla siyang sumakay sa likod ko. Juicecolored, ang bigat niya at ang isa pa, may naramdaman ako sa likod ko, kasi ba naman ang nipis ng shorts niya. Wala lang yata yun sa kanya at dali-dali siyang bumaba at umupo sa bed ko.
    Makalipas ang isang oras, natapos rin niya ang assignment. Bigla akong napayuko kasi biglang sumakit ang ulo ko. Napansin niya yun. Uuwi na sana siya pero biglang nag-iba ang mukha ko kasi masakit talaga ang ulo ko.
    “Anong nangyari sa’yo?” Pag-aalala niya.
    “Okay lang ako, bigla lang sumakit ang ulo ko pero kaya ko to. Okay lang ako.” Saad ko, assuring him na okay lang talaga ako.
    “Pagaling ka ha, pahinga ka para gumaling ka agad. Sige, uuwi na ako Karl. Salamat talaga dito.” Hinatid ko siya sa labas ng pintuan at tuluyan na nga siyang umuwi.
    Kinabukasan, kahit hindi mabuti ang aking pakiramdam ay pumasok pa rin ako. Dahan-dahan lang akong naglalakad, malapit na sa classroom namin nang may biglang sumulpot sa tabi ko.
    “Uy, Karl! Mabuti at okay ka na.” Sabay akbay sa akin. “Teka, mainit ka ah, sigurado ka bang okay ka lang?” Tanong niya, yun bang tonong nag-aalala.
    “Ayoko kasing umabsent, kaya ko naman.” Mahina lamang ang aking sagot  dahil masama talaga ang aking pakiramdam.
    “Sige, mamayang hapon ulit ha?” Sabi niya at pumasok na siya sa classroom nila. Magkatabi lang ang classroom namin at mauuna ang sa kanila sa nilalakaran namin.
    After recess, biglang lalong sumama talaga ang pakiramdam ko at sinabi ko sa katabi ko na si Mike na humingi ng gamot sa teacher namin. Pumunta naman si Mike kay Ma’am at pagbalik niya, may dala na siyang gamot at isang basong tubig at pinainom ito sa akin. Ngunit sobrang init ko na talaga. Sinabi na lang ni Mike na umuwi na lang daw ako at magpapahinga. Hinatid ako ni Mike sa amin dahil ayaw niyang iwan akong mag-isa.
    Kinagabihan, biglang kinatok ng nanay ko ang pintuan ng aking kwarto dahil may mga bisita raw ako.
    “O Jon, Mike, naparito kayo?!”
    “Sabi kasi sa akin ni Mike na umuwi ka raw. Pinuntahan sana kita sa room niyo para sa remedial class pero sabi ni Mike na sinamahan ka raw niya pauwi.”
    “Ah oo, sinamahan ko na rin si Jon dito sa inyo Karl kasi gusto niyang bumisita sa’yo.”
    Tumingin ako kay Jon at ngumiti siya. Nagpasalamat ako sa kanilang dalawa ngunit iba talaga ang tinitibok ng aking puso para kay Jon. Sa mga panahong iyon, sobrang saya ko na nandun siya at kinakamusta ako. Kinabukasan, absent na talaga ako. Mga 8 am na ako nagising at may lagnat parin ako, pero di na gaano. Paglabas ko ng kwarto, laking gulat ko nang nadatnan ko sa sala si Jon, hindi nakauniporme.
    “Uy, mata na diay ka? Hapit na ka maulian?” (Uy, gising ka na pala? Malapit ka na bang gumaling?) Tanong niya using our vernacular, Visayan language.
    “Huy, nag-unsa man ka diri? Naa kay klase diba?” (Hoy, bakit ka andito? May pasok ka diba?) Gulat kong tugon.
    Pakamot-kamot siya sa kanyang ulo habang nagsasalita. “Ah eh, dili nako moskwela karon, diri lang ko, kuyugan lang tika.” (Ah eh, di na muna ako papasok ngayon, dito muna ako, sasamahan lang kita.)
    Inabot niya sa akin ang isang supot. Limang pirasong mangga, may hinog at may hilaw, kinuha niya raw sa kanilang puno. Inakyat niya kaninang umaga. Kasabay ng isang supot na iyon ay isang napakasayang pakiramdam na noon ko lang naranasan. At kasabay ng isang masayang pakiramdam ay isang malaking pagbabago sa aking puso’t isipan.
    I am scared of too much happiness because I know it won’t last.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This