Pages

Wednesday, December 14, 2016

Alak Theatro (Part 3)

By: Jhayson

“From Kenzo with <3”. Nagulat ako sa aking nabasa, ano nanaman bang paandar ng taong ito. Binuksan ko ang letter at ito ang nilalaman. “Hi Jhayson! Dinner date tayo mamaya, may sasabihin ako sayo”
Napaisip ako kung ano kaya yung sasabihin niya, pwede naman niya akong tawagan nalang. Dali-dali akong lumabas ng office at hinanap siya, ngunit ang tanging sagot lang ng kanyang mga kasama’y nag field daw siya. Nalungkot naman ako, nawala yung excitement ko, yung feeling na nais mo nang malaman pero may prolonging the agony pang eksena.
After a long tiring duty, salampak na ako sa kotse ko at started to drive home, that was aroung 5:30PM nang biglang nagring yung phone ko. Picture ni Kenzo ang nasa screen.
Ako: Yup Bro? (At bigla kong naalala ang kanyang letter, may dinner date pala kami)
Kenzo: Oh! Asan ka na?
Ako: Pauwi na (Pretending na diko na basa yung letter niya)
Kenzo: Wala ka bang nabasa sa desk mo? Blue na paper?
Ako: Wala naman? (Pretending parin)
Kenzo: Huh? Okay! Sige bro bye!

At naputol na yung line, naguilty tuloy ako, kaya I called him back! Inaaccept na niya yung call pero hindi siya nagsasalita.

Ako: Hello Kenzo, Joke lang, Oo nabasa ko, uwi lang ako magpapalit. Saan ba magkikita, date talaga?
Kenzo: (Parang nabuhayan ng loob sa tono ng boses niya) Uhmmm dito sa house!
Ako: Oh ok! With your parents? Birthday mo na ba, wag ka nga, layo pa?
Kenzo: Nope, just the two of us! wait kita! Bye!

At naputol na naman yung line, Napaisip nanaman ako bakit kaming dalawa lang? Anong meron? Hindi naman niya ako sinagot? Although nasa dulo ng isipan ko’y—uhmm Impossible!

Ding-Dong!
Habang nagdodorbell ako’y dama ko ang sobrang kaba sa dibdib ko, parang announcement ng Miss Universe? Grabe ang nararamdaman ko. “Kalma Jhayson-Kalma, 1 2 3 Kalma” at bumakas ang main door nila. Tanaw sa gate nila ang loob ng bahay, kaya nakita ko si kenzo agad. He’s wearing a white Polo shirt, Khaki jeans and a Vans shoes—Ang pogi niya, nakabrush up ang hair, na hindi ko nakikita sa office, dahil nakalugay ang bangs niya pag naka duty siya.

Kenzo: Hi!
Ako: Goodevening bro! (Pretending na im fine, pero super kabado, dahil una matino siya at hindi nakainom, ikalawa, date? Two of Us? Seryoso?)
Kenzo: Pasok ka bro, diretso lang.
Ako: Oh Bakit asan mga parents mo (Habang naglalakad patungo sa dining area)
Kenzo: They leave the country—for good, sa California.
Ako: Oh see, andoon si May diba? (Kapatid ni kenzo, bunso. Dalawa lang silang magkapatid)
Kenzo: Yup and the initial plan ay lahat kami (while offering a seat). Take a seat.

Simple lang ang nasa mesa, yung kanin at adobong manok na may patatas, na niluto daw niya at isang boteng softdrinks.

Ako: Ah yan ba sasabihin mo sa akin? Magreresign ka na? (Nabawasan yung kaba ko, medyo naliwanagan na ang aking isip)
Kenzo: Sana, Pero—(Sabay abot ng kanin) Kain muna tayo.

Nagkwentohan muna kami ng ibang bagay, na siya ang naginitiate. About sa work, sa family. Marami akong nalaman sa kanya. Parang getting to know each other, akala ko noong una kilalang kilala ko na siya, pero marami pa pala akong hindi alam, at ganun din daw siya sa akin.

After namin kumain, nagligpit na kami ng mga pinagkainan. I did brush my teeth, kasi lagi kong baon ang kit ko, Then I decided na umupo muna sa sala at manood ng TV habang siya’y naghuhugas pa ng pinggan.  Sumagi sa isip ko yung sinabi niya, so magreresign na siya, at aalis? Nalungkot ako bigla dahil
For a long time, siya na yung parang close sa akin, in and out man sa work, kumbaga “best” friend, kapatid na nga turing namin sa isa’t isa. Bunso minsan tawag ko sa kanya, Kuya naman siya sa akin kahit na months lang pagitan nang mga birthday namin. Sino ipapalit ko sa position niya? Maghihire nanaman ba? Paano kaya itong bahay nila? Andami kong tanong nang bigla siyang umupo sa tabi ko.

Kenzo: Oh bat parang tulala ka jan?
Ako: Wala, napaisip lang ako, hindi bat magreresign ka?
Kenzo: Sino nagsabi sayo. I’m not leaving.
Ako: Huh? Akala ko ba magmimigrate na kayo sa California.
Kenzo: Oo, pero I decided to stay muna.
Ako: Muna?
Kenzo: Dahil I think may unfinished business pa ako dito.
Ako: Ano naming business yan?
Kenzo: Ang Mahalin Ka!
Ako: Ah? (Tinitigan ko siya ng nakakunot noo)
Kenzo: I think I love You Jhayson. Matagal na simula pa nang una kitang nakita simula ng nai-assign ako sa team mo.

Hindi ko alam paano magreact. First time ko na may magtatapat sa akin nang ganito. Kaya speechless ako. Kinikilig ako na kinakabahan sa nangyayari dahil, Oo mahal ko din siya noon pa pero ibinabaling ko lang lahat nang love na iyon sa friendship na meron kami—

Nang bigla niya akong hinalikan sa labi. At doon na tuluyang tumigil ang mundo ko, parang nakafreeze lahat sa paligid ko, at  kasabay nang pagalaw ng mga labi nami’y unti unting natutunaw ang paligid na parang nagslow motion. Oh may! Ano to! Is this L O V E? Nagiinit bigla ang katawan ko, nang bigla siyang tumigil.

Kenzo: I know, Mahal mo din ako, di ba?
Ako: Oo naman, pero di ko akalaing ganito?
Kenzo: Don’t worry, liligawan muna kita
—And he kiss me again passionately. After that, hanggang doon lang ang nangyari sa amin. Natulog narin ako doon. Kinabukasan nagluto ulit siya ng early breakfast namin. Ang sweet niya. Then, I went home para magpalit nang damit. Dinaanan ko ulit siya para sunduin.

Naging ganon ang set-up namin. Pag umuuwi kami may mga love letters din siya, simple notes lang, pero nakakakilig, yung to the bones. Hindi rin ako nagpapatalo kaya, sinusorpresa ko din siya pag weekend. Ako magluluto, para sa kanya, nagpapaligo sa mga alaga niyang aso. We go to church every Sunday then lunch-date narin after. Sabay kami mag gym. Parang lahat ng pupuntahan ay kasama ko siya.

After a month. Yun na nga official na kaming magBoyfriend, pero sympre patago. That was summer, kaya pumunta kami ng Baguio for vacation. Nagwish pa nga kami sa Mines View habang magkaholding hands. Bike sa burnham park. Andami naming memories magkasama kahit na ilang months palang kami, patunay jan ang Instagram accounts namin, pero sympre secret muna yun. Close ako sa family nila at ganun din siya kaya mahirap na kapag malaman nila.

Pero sabi nga lahat ng happiness may counterpart na kalungkotan.
After a year, nagresign na siya, at kailangan na niyang pumunta ng California. Yun ang pinaka hardest part para sa relationship namin. Super hirap lalo na noong ihahatid ko na siya sa airport 
Parang sasabog yung puso ko, hindi ako sanay na mawalay sa kanya, parang siya yung Vitamins ko every day. Mga a year din bago kami nakaadjust. Viber or Duo kami lagi magkausap. Maayos na rin ang work niya doon. Yung mga aso niya’y pinaadopt muna niya sa mga pinsan niya, at pinaupahan ang kanilang bahay. Pag may time, ako ang pumupunta doon para mabisita siya. Christmas or Birthday niya ganon.

Sa ngayon, 3 years na kami. Still Strong and Happy kahit LDR!

Hanggang dito nalang

No comments:

Post a Comment

Read More Like This