Pages

Thursday, December 22, 2016

Nocturnal (Part 1)

By: Trystane

"So how was he?" sabi ng babaeng nasa harap ko ngayon, halatang kating kati na pigain kung ano man ang dapat pigain sa akin.
"Kumusta si Georgey?" sagot ko naman na umaasang maiiba ko ang usapan.
"Nauna akong nagtanong Matt" oh hindi, di talaga titigil tong bratinelang to.
"You tell me the details and we can talk about my dog later" dagdag pa niya na akala  mo kung sinong boss. Sumipsip muna ako sa hot fudge smoothie ko bago ako nagsimula
"Well, I do not know much about him pero I can feel that he is nice"
"And?" tila ba nabitin na tanong niya.
"And, what?" pagtataka ko.
"Duh physical attributes you dummy" hay ineexpect ko na rin naman to.
"Well he's your typical guy, tall, jaw that when clenched pierces through your heart, with a "Hey I am happy go lucky" haircut, his teeth like centrum complete from a to zinc" napatawa ang bruha.
"Yeah, yeah the typical Matt-type" singit naman niya.
"Shh! and the eyes, reminds me of the chicos that we used to climb when we were little"
At sumingit muli ang pakielamera "Ay oo yung kina aling Gina hahahah naaalala ko pa nung sinigawan tayo nun, jusko menopause na ata yung matanda para chico lang hahahahah".
"Uh yung totoo akala ko akong nagkwekwento dito?" pambabara ko naman.
"Oh yeah, yeah hahaha sorry memories kasi" I rolled my eyes.
"Look Anj, this "I want to be with a guy" thing is impossible in this point in college, you know what I mean, distraction lang yan, isa pa natuto na ako" saad ko.
"Ay wow! hugot ba yan? pero kudos naman daw ambaet-baet niyo naman po koya, very studious! Falkfakan!" at pumalakpak nang parang tanga ang bruhilda.
"Say what you have to say pero totoo naman, we're in junior second semester pahirap na ng pahirap kaya mas kailangan nating magseryoso" tinitigan ko siya sa mata.
Siya naman ang umirap ngayon "Ugh why do you have to be so serious? Come on magsaya ka naman parang dati" sabi niya sabay balik tingin sa'kin.
"I've had enough of it and easy for you to say, matalino ka, maganda, maraming manliligaw" I replied siyang hagikhik naman ng bruha
"Ahihihi grebe siye hende nemen po, ushlight leng" sabi pa niya.
 "Aba at kailan ka pa tinubuan ng braces sa ngipin?" pambabara ko ulit.
"Hahahahaha I love you Matty ko" pangookray ng malandi.
"Ew stop that, hay umalis ka na nga!" pang-tataboy ko sa masamang elemento. "Hahahaha excuse me this is not your room or private property nasa cafe tayo noh" you don't have the right to banish me or something"
"Whatever"
"Hahahaha asar(with the maarteng r as in "awr") talo ka pala eh and Georgey is fine and still beautiful you can go pet him na lang if you ever visit home".

Matthias Fernandez Del Mundo resident of room 6 sa isang boarding house dalawang kanto ang layo mula sa isang University dito sa probinsya. Now in my third year in Bachelor of Science in Architecture course and I have an annoying-nosy-helluva brat bestfriend which comes in the form of Angelina Joanne Marie Ramos Vasquez (bleh ang haba nakakainis) and honestly she is like the perfect package of a girl a straight man needs but I don't swing that way kaya siguro comfortable siya sa akin. Mula noong aminin ko sa kanya yung preferences ko nung elementary kami di na niya ako pinatahimik at lagi na siyang nadikit sa akin.

"I've always wanted a gay bestfriend! Biyaya ka ng langit!"
kahit na naiirita ako sa kanya paminsan minsan ay masaya pa rin ako kasi parang nabunutan ako ng tinik sa ngalangala, akala ko kasi lalayuan na niya ako pero I was wrong, apparently gustong gusto pa ata niya at binansagan pa akong "blessing".
About my parents naman I think they know it already but I have not actually came out kasi feeling ko magiging awkward na yung ere sa bahay kung sakali, siguro pag ready na ako saka na lang ako aamin.

Lagpas alas-otso y media na nung nahagip ng mata ko ang orasan, linggo pa lang pero nandito na agad ako sa boarding house, tapos na akong maligo, kumain, mag-ayos, maglinis, mag-ayos, maglinis. Di ako sirang plaka at oo narinig niyo yun inuulit ulit ko ang pag-aayos at paglilinis, hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at talagang mula pa noong bata ako ay ayoko na ng magulo, gusto ko laging maayos at organisado ang lahat, planado ko ang lahat mula sa pagbu-budget ng pera, sa sched ng mga dapat kong gawin at anong oras, mga homework at projects agad kong tinatapos at pinapasa bago ang due para sa peace of mind ko na rin kasi hinding hindi talaga ako mapakali kapag magulo at di umaayon ang lahat sa plano ko. Nakahilata lang ako sa kama ko at dahil walang magawa ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naalimpungatan ako sa pagbukas ng pintuan, nakita ko ang isang imahe ng isang lalaki, "Kuya Ross?" aking sabi na pumipikit pikit pa sa antok, nang nagliwanag at luminaw na ang mga mata ko nakakita ako ng isang lalaki na di pamilyar at instinct ko na lang siguro na mapabalikwas at komprontahin ang lalaki, kinuha ko agad ang walis upang gawing sandata na pinakamalapit sa maaari kong maabot at sinigawan ang lalaki,

"Sino ka?! Anong ginagawa mo rito?!!". Napangiti lang ang lalaki ng mabini sa akin na para bang wala lang sa kanya ang pag-aamba ko ng walis na anumang oras ay pwede kong ipukpok sa ulo niya, tinaas niya ang dalawa niyang kamay na ikinahulog ng isang duplicate ng susi sa kwarto na may ibat-ibang keychain galing sa ibat-ibang lugar kasama pa ang ibang mga susi na hindi ko alam kung ano ang maaaring buksan, saka lamang nagsalita ang estranghero

"Dude, relax wala akong binabalak na masama" saka ko narinig ang pamilyar na tunog sa hagdan "Tok! Tok! Tok! Tok!" Di ako maaring magkamali iyon si Auntie Gloria na aming land lady kasama ang matutunog niyang bakya at base sa direksyon ng tunog tingin ko ay dito ang destinasyon niya. Hindi ko pa rin inalis ang matatalim kong tingin sa lalaki at sa wakas siyang dating ng aming landlady. Nagsimulang bumuka ang bibig ni Auntie Gloria
"Oh Matt nakilala mo na pala si Ado-"
 "Addie! Addie! you can call me Addie!" singit ng lalaki.
"Sino po ba to Auntie?" tugon ko naman
"I just told you, my name is Addie" singit na naman ng lalaki.
"Aba tinatanong ka ba? Si auntie yung tinanong ko diba?" pambabara ko na ikina-ngiwi naman niya.
"Tama na nga iyan, unang pagkikita niyo pa lamang nagbabangayan na kayo, Matt eto si Addie" sabay turo sa lalaki na sabay na pinataas ang kanyang dalawang kilay ng ilang beses "Siya na ang magiging roommate mo simula ngayon" dagdag pa ni Auntie na ikinagulat ko naman at ikinapula sa hiya, sa sobrang hiya nabitawan ko ang walis na hawak hawak ko nang dahan dahan at nang di ko na nakayanan ay bigla na lamang akong tumakbo palabas ng kwarto.
"Shit ang tanga ko"
"Normal lang naman yun diba?"
"Di ko kilala yung tao malay ko ba"
"Shit ba't ang gwapo niya"
Ay!! Susme bakit kasama yun sa monologue ko?! Patuloy pa rin ako sa pagkausap sa sarili ko nang biglang may tumapik sa balikat ko, nakita ko ang isang nakataas na kilay na Auntie Gloria.
"Auntie sorry po di ko naman alam na may bago na pala akong roommate, sorry sa inasal ko kanina" pagdidispensa ko.
"Naiintindihan ko ang reaksyon mo pero sa tingin ko ay may mas nangangailangan niyang paumanhin mo iho" saad niya na ikinatango ko naman. Dahan dahan akong bumalik sa kwarto, tinitignan ko yung doorknob at nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko iyon, sa huli nakuha ko rin ang lakas ng loob upang buksan ang pinto, hawak hawak ko na ang doorknob nang bigla itong bumukas na ikinawala ko ng balanse na nagkusa sakin na mapahawak sa kung anuman na siya ring nahila ko kasabay ng aking pagbagsak. It was silky like a cloth at nang tignan ko ay tela nga, ngunit may kasamang garter idagdag mo pa ang mga paang nakadikit dito, di maganda ang pakiramdam ko tungkol dito nang bigla na lamang akong mapatingin pataas at nakita ko si Addie ang aking bagong roommate, hubot hubad kasama ang ibong walang pakpak na namumugad sa dalawang itlog at nakapamewang pa at akala mo kung sinong hari na proud na proud sa pag-aari, NAHUBARAN KO SIYA!!! nahila ko ang boxer shorts niya nang di ko namamalayan nung mawala ako sa balanse kanina. Aligaga akong tumayo at tinakpan ang aking mukhang animoy bulkan na sasabog na sa hiya. Kanina ay para akong timang ngayon di ko na alam ang pwedeng itawag sa akin, ubos na ang dignidad ko. Binasag ng aking bagong kakwarto ang katahimikan
"Dude if you want it you could have just asked for it" sabay hagikhik ng walang hiya. "So-sor-sorry, di k-ko sinasadya" sabi ko na nakatakip pa rin ang kamay sa mukha "shit tangina tangina" sabi ko sa isip ko "pero ang laki ah" arghh eto nanaman ang bwisit kong subconscious.
"Hahahaha ikaw ah masyado kang mabilis eh kakakilala lang natin kanina" sabi pa niya na ikinainis ko na pero wala akong magawa hindi ko siya mabara ako na yung at fault dadagdagan ko pa ba?
"Okay! Okay! Just lift your boxers up now!" sabi ko na lang na di pa nagsusubside ang hiya.
"Sure" maikling tugon niya. Tinanggal ko na ang mga kamay ko at nagulat na lang at di pa pala niya inaayos ang boxers niya
"What the fuck man?!" singhal ko "ooh ang laki talaga" uh shut the fuck up subconscious. Saka ko ibinalik uli ang mga kamay ko sa aking mukha.
"Hahahahahha why so serious? dude pareho naman tayong lalaki" tugon naman niya na hindi parin tumitigil sa kakatawa.
"Can you just do it?! Please!" apila ko na ikinatigil niya sa kakatawa.
"Alright jeez, chill man" sabi naman niya kasabay ang tunog ng garter ng kanyang boxers na tumama sa kanyang kalamnan, totoo na talaga ito. Tinanggal ko na ang mga kamay ko for the second time at nakita ang nag-aaalalang mukha ng aking roommate. "Let's get inside" nasabi ko na lang at walang pag-aatubili niya akong sinundan. Napaupo ako sa aking kama at nagpakawala ng napakahaba ang napakalalim na hininga, nakatayo pa rin siya nang hubad baro at nakatitig lang sa akin.
"First of all I want to apologize about the thing that happened awhile ago, sorry talaga akala ko kasi magnanakaw ka o killer o si kamatayan tsaka kagigising ko lang noon maybe I was still half asleep" sunod sunod kong saad which made him smirk and snicker a bit,
"And about that thing not so long ago, hindi ko talaga sinasadya, hindi ako manyak at ayaw ko naman na isipin mong gusto kitang gapangin" pagtutuloy ko "wushuuu! mamatay?" Nangingialam na naman ang subconscious kong kumokota na sa akin. "Hahahah don't worry about that bro I was just kidding, hmm nagugutom na ako, paalis na sana ako kanina para kumain pero alam mo na you came in and-"
"Yeah, yeah I know" pagpuputol ko sa sasabihin niya.
"Teka, ha? Kakain ka nang nakaboxer shorts lang? Sa labas?" nalilitong tanong ko.
"Yeah what's so wrong about it?" inosenteng tanong naman niya.
"Everything is wrong about it! I don't know kung anong orientation ang meron ka growing up but you cannot just do it here" pageexplain ko naman sa parang taga ibang planeta kong kausap.
"Well what am I supposed to do then?" balik tanong niya sa akin.
"At least put on a shirt or a top" sagot ko na lang.
"But, I don't have any di pa dumadating si kuya Ambo, he's got all my stuff" sagot naman niya.
"How about your shirt awhile ago?"
"Mabaho na yun, it's all sweaty with all the roaming around I did around the place" "Okay fine, here" sabay kuha ng isang random na tank top sa drawer ko at ibinigay na rin sa kanya.

"Thanks....let's go"
"Ha?"
"Tara na sabi ko"
"Sasama ako?"
"You don't have a choice"
"At bakit naman?"
"May kasalanan ka pa sa akin, dalawa"
"I already apologized!"
"It's not enough, besides I am new here wala pa ako masyadong kakilala"
"Fine"
"Hahaha alright! Here's the deal, you are gonna be atoned for your sins by:
1. Having lunch with me
2. Giving me a tour in the city
"Oo na *badtrip"
"Ano yun?"
"Ah wala wala tara na po your highness"
"Hahahaha you are funny"

No comments:

Post a Comment

Read More Like This