Pages

Monday, December 5, 2016

Stained Canvas (Part 5) FINALE

By: Anonymous

Halos isang linggo akong nagkasakit matapos naming mag-away ni Yzza. I'm so exhausted dahil sa mga problemang kinakaharap ko. Kaya minabuti kong magpahinga. Magpahinga na walang nakakaabala trabaho man o si Lyndon. Pagkatapos ng ilang araw ay muli akong nagbalik sa trabaho upang asikasuhin ang mga naiwan ko. Halos ilang buwan din akong gulong gulo. Hindi ko na naiintindihan ang nangyayari sa hanap buhay ko. Nakakatorete pero wala akong magagawa kundi harapin ang lahat at maging matibay na lang. Kahit parang tinatakasan na ako ng bait.       

        Pagdating ko ng trabaho ay isa isang nakatingin saken ang mga tauhan ko. Hindi pa man ako nakakapasok ng opisina ko ay parang may sumalubong na kaagad na problema. "ANO BA!!!" sigaw ko sa isip ko. Maya maya pa ay dumating si Niel. Galing ito sa meeting at nang makita nya ako ay agad ako nitong hinatak papasok sa opisina.
        "What's going on?" tanong ko kay Niel.
        "Nagback out na si Ramon Diaz saten. Ilang beses ka raw nyang kinontact pero hindi ka raw sumasagot kaya naisip nya na hindi ka na interesado sa kanya. Kaya lumipat sya ng ibang kumpanya. Yung Ral Go, wala na tayong aasahan sa kanila dahil nakakita na sila ng bagong sponsorship. Well, hindi na naten sila kargo pero sayang dahil malaki ang pakinabang naten sa kanila. At hindi lang yan. Si Mr. Greenwood nagfile ng kaso sa kumpanya dahil ilang beses syang napostpone ng alis dahil sa meeting na hindi naman daw pala importante sayo."
        "Just forget about him. Madali lang naman lusutan yung kasong yun eh." sabi ko
        "Talaga?!" sarkastikong tanong ni Niel
        "What? What's your problem?" tanong ko
        "My problem? Let's see. I have no life! 'Coz I'm working my ass off 24/7 to keep the department going for a director who hasn't giving a shit to the department for months now! And now I'm trying to figure out, how I'm gonna pay my rent because my boss who also supposed to be my bestfriend can't even see that we might not make the payroll next week because the higher boss just decided to freeze all our salary for the next three months. 'coz the company doesn't get any help from this damn department. Alam mo pa ang sabi? Wala daw nagtatrabaho dito! Bakit daw sila magpapasahod sa mga taong wala naman silang napapala. How was that for a problem?" litanya nya at napatakip na lang ako sa mukha ko dahil hindi ko na nakita ang mga problemang 'to.
        "Gosh! I'm tapped out. We're done, baka idesolve na nila 'tong department." sabi ko

"No! You don't get to give up now! I came to work here because I believed in you. You were a visionary. So if anyone can fix this, YOU can, but you need to act. Do what you do best, bring out that great Idea. You can choose only one Darren, sink or swim it's up to you. And I will do everything you need, but do not just disappear on me!" sabi ni Niel pagkatapos ay lumabas na ito ng pinto. Parang gumuho ang buong mundo para saken. Wala kong matakbuhan dahil ultimo ang pamilya ko ay nagkakagulo rin. Syet! Ano na bang gagawin ko?

        Lakasan ng loob. Bahala na! Wala na akong pakealam sa kung anoman ang makikita ko. Ang target ko ngayon ay maibalik ang Ral Go sa kumpanya namen para maibalik ko rin ang tiwala nila saken. Kailangan ko nang kumilos bago pa tuluyang mahuli ang lahat. Kailangang mapapirma ko si Lyndon sa kontrata. Wala na akong pake sa anomang pupwedeng mangyare.

        Pagdating na pagdating ko pa lang sa bahay ni Lyndon ay sya na agad ang bumungad saken. Napakalaki ng ngiti nito nang makita ako. Hindi ko masabing may problema ako kaya naman ngumiti na lang din ako at inumpisahan ang plano kong papirmahin sya ng kontrata. Pero bago ko pa man magawa ay sinalubong nya kaagad ako at sinibasib ng halik.
        "Miss na miss kita." sabi nya at ngumiti lang ako. Pinagbigyan ko na lang sya sa gusto nyang mangyari kaya naman nauwi sa sex ang muling pagkikita namen.

        Nang matapos kami ay tsaka ko binaggit sa kanya ang kontrata. Bago nya pa ito mapirmahan ay may biglang kumatok sa pinto. Nagulat ako at ganun din sya.
        "Oh my, too early!" sambit nya "Pasok ka muna sa kwarto, may client ako eh." sabi nya saken sinunod ko naman sya kaagad at pumasok ako sa isang bakanteng kwarto. Sinilip ko kung sino yung dumating, naga-alala ako baka maunahan ako ng ibang kumpanya sa kanya. Pero nang makita ko kung sino ang dumating nabigla ako. Pakiramdam ko ay sinakal ako ng matindi. Si Yzza. Nakita kong nagpaikot ikot si Yzza at tumingin ng mga art work ni Lyndon.
        "Alam mo, magkakasundo kayo ng asawa ko. Mahilig din sya dito eh, actually ang maghanap ng mga artist na gaya mo ang trabaho nya." sabi ni Yzza
        "Ah, ganun ba? Ipakilala mo naman sya saken baka nga magkasundo kami." suhestyon ni Lyndon
        "Uhm, malabo ngayon eh, medyo busy sya. Maybe next time." sabi ni Yzza sabay ngiti.
        "Doc, I'm sorry pero sa ibang araw nyo na lang ituloy ang pamimili. Nandyan na po yung hinihintay naten." sabi ng kasama ni Yzza
        "Ah ok, so papano Mr. Ramos, next time na ulit. Napadaan lang talaga ako para icheck yung mga gawa mo at mukhang pasado naman. kailangan ko kasi ng ilang painting sa bagong tayong ospital samen eh." sabi ni Yzza
        "Ok Mrs. Punzalan. Ilalabas ko yung iba ko pang mga gawa next time. Sana mas mahaba na yung oras nyo nun." sabi ni Lyndon
        "Ok sige, I'll text you na lang ulit. Bye" paalam ni Yzza

        Pagkalabas ni Yzza ng pinto ay agad na binalikan ni Lyndon yung pipirmahan nya. Pinirmahan nya ito kaagad bago ako makalabas.
        "What are you doing?" tanong ko
        "What?" balik tanong nya na may ngiti sa mukha.
        "How did you get to know my wife?" tanong ko ulit
        "Ah, si Yzza ba? Maganda sya ah." sabi nya na may halong pang-aasar
        "Lyndon!" tawag ko sa kanya
        "Let's talk later, I should be going now 'coz I have a dinner.. ..With a client" sabi nya at agad syang lumabas ng pinto.
       
        Naiwan akong mag-isa sa bahay ni Lyndon. Pero agad din akong lumabas para ihabol ang kontrata at ipresent sa Ral Go. Inilock ko ang lahat ng pinto bago ako umalis. Tsaka ako tumungo sa opisina ng Ral Go.

        Wala akong nakuhang sagot mula sa Ral Go. Nakapending ang proposal ko at hihintayin pa raw ang instruction ng boss nila. Ako tuloy ang nagmumukhang tauhan dito. Pero hindi na ako nagpadala sa init ng ulo ko. Tutal kasalanan ko naman itong lahat eh. Kaya pinilit kong kumalma sa abot ng aking makakaya.

        Linggo ng umaga. Medyo tinanghali akong magising dahil wala rin naman akong pasok. Pinilit ko talagang magpahinga ng maayos para maging matino naman ang takbo ng isip ko. Pagbaba ko ng bahay ay nakita ko ang magi-ina kong bihis na bihis.
        "Oh! San kayo pupunta?" tanong ko
        "We're going to watch a movie." sagot ni Phoebe
        "Uhm, sandali lang sasama ako." sabi ko
        "Nope dad, we don't wanna miss the movie because of you." sabi ni Dalton
        "Siguradong matatagalan ka pa eh." sabi ni Yzza
        "I don't wanna miss the movie." dugtong ni Phoebe.
        "Ok guys, I'm fine. Go ahead and watch the movie." sabi ko
        "Are you sure, you're ok?" tanong ni Yzza
        "Of course, uhm. Magbebake na lang ako ng cookies para kainin pagbalik nyo." sabi ko
        "Yehey! Cookies!" sigaw ni Phoebe at agad na silang lumabas.
        "See you in a couple of hours." paalam ni Yzza

        Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang naranasan ang ganito. Ang maiwang mag-isa. Ampangit sa pakiramdam. Napakalungkot. Parang ngayon ko lang narerealize kung anong mga pagkakamali ang nagawa ko. Gaano kaya kalungkot si Lyndon? Ano kayang nararamdaman ni Yzza. Ano kayang iniisip ng mga anak ko. Lahat ng iyan ay pumasok sa utak ko.
       
        Pakiramdam ko ay unti unti nang nawawala saken ang lahat. Ang pamilya ko. Ang trabaho ko. Parang kahit sarili ko nawawala na saken. Bago pa tuluyang bawiin saken ang lahat ay kailangan ko nang kumilos. Kailangan kong mas maging matatag sa emosyon ko. Hindi ko hahayaang basta na lang kunin saken ang buong buhay ko.

        "Hi honey, still mad at me?" tanong ko kay Yzza
        "Look. I love you and you know that. I can't stay mad at you for a long time, I'm just waiting for you to be ok." sabi nya. Nilapitan ko sya at niyakap.
        "I'm so sorry. Mahal na mahal kita at hindi ko sinasadya yung mga nagawa ko." paghingi ko ng tawad.
        "Alam ko. Sorry din sa mga nasabi ko." sabi nya at bigla syang kumalas pagkakayakap namen at pinuntahan ang isang kahon na nakapatong sa ibabaw ng lames. Binuksan nya ito.
        "Ano yan?" tanong ko
        "Regalo, galing kay Mr. Lyndon Ramos. Wow! Napakaganda." sabi ni Yzza na ikinagulat ko. Hawak hawak nya ang isang punyal. Kilala ko iyon. Ginawa iyon ni Lyndon. Nakita ko na iyon ng ilang beses at maganda nga ang pagkakagawa nun.
        "Ahm.. Ba-bakit ka naman nya bibigyan ng regalo?" tanong ko
        "Bumili kasi ako ng painting nya para doon sa bagong tayong ospital. Natutuwa lang siguro sya kaya nagregalo. Medyo mabigat 'to ah. Mukhang mamahalin. Saan ko kaya idi-display 'to?" sabi nya.
        "Uhm, sa tingin ko delikado yan. Baka mapaglaruan ng mga bata. Ibalik mo na lang siguro." suhestyon ko.
        "Bakit? Sayang naman. Hindi naman tayo palaging mabibigyan ng ganito ng isang napakagaling na artist. I just remember. Kaya pala familiar saken ang pangalan nya, naging client mo ba sya?" tanong nya saken
        "Ahm, yeah before, but I terminated his contract. Ahm, for some reason." paliwanag ko
        "Ahy ganun? Sayang naman, napakagaling nya kaya. Anggaganda ng mga gawa nya." puri ni Yzza kay Lyndon. "Aha alam ko na, sa kwarto na lang naten 'to ilagay para hindi mapaglaruan ng mga bata. Maghahanap lang ako ng pwede paglagyan nito ah." paalam nya saken tsaka sya umakyat sa kwarto namen.

        Parang isang multo si Lyndon. Isang bangungot na hindi ko matakasan. Sa kabila ng mga kamalasang nangyayare saken dahil sa kanya ay hindi ko pa rin sya magawang alisin sa isip ko. Hindi ko pa rin sya magawang alisin sa buhay ko. Pero buo na ang loob ko. Huminga ako ng malalim at sinabi saking sarili na "Tama na 'to. Dapat nang matigil 'to."

        Napagpasyahan kong, sa huling pagkakataon ay pupunta ako kila Lyndon para tapusin na kung anoman ang namamagitan samen. Ito na lang ang tangi kong magagawa para isalba pa ang mga natitira saken. Ito na lang ang paraan ko para iiwas si Lyndon sa mas matindi pang sakit na maaari nyang maramdaman nang dahil saken. Siguro nga, minahal ko sya. Mahal ko sya kaya hindi ko magawang makawala sa anino nya. Pero hindi na ito nararapat. Ang katotohanan ay nasa harap ko na. May pamilya na akong dapat pangalagaan at wala nang maaari pang maging mas higit pa sa kanila. Napatay ko naman na noon pa ang ganitong klase ng damdamin ko nang pakasalan ko si Yzza. At sa pagkakataong ito ay papatayin ko ulit ito at hindi na kailan bubuhayin pang muli.

        Binuo ko ang pasya ko at ginawa ko ang dapat kong gawin para ihinto na itong kalokohang sinimulan ko. Isang gabi ay pumunta ako sa bahay ni Lyndon para makausap ko sya ng masinsinan. Sa loob ng ilang linggo ay ngayon lang ulit ako nakabalik sa bahay nya. Medyo naging kakaiba ang pakiradam ko. Ang dating maayos na bahay ay maedyo magulo na ngayon. Parang napapabayaan na. Ito siguro ang naging resulta ng mga nagawa namen. Naiintindihan ko dahil ako man, naging magulo rin ang buhay dahil dito.

        Nakasara ang pinto. Kumatok ako at hinanap si Lyndon. Hindi nagtagal ay agad na bumukas ang pinto at tumambad saken ang nakahubad na si Lyndon.
        "Ahm, hi." bati ko sa kanya
        "Surprise! Kumusta?" sabi nya tsaka nya ako pinapasok sa loob.
        "Ahm, Lyndon pwede ba tayong mag-usap? May sasabihin lang akong mahalaga." sabi ko
        "Anong kontrata na naman yan? Hindi mo na ako kailangang kausapin, akin na at pipirmahan ko." sabi nya
        "Hindi, Hindi tungkol dun. Ahm, Lyndon nandito ako para. . .." putol nya sa sasabihin ko
        "Umupo ka muna." sabi nya at pumunta sya sa kusina. Pagbalik nito ay may dala na itong alak. "Pasensya ka na, umiinom kasi ako ngayon eh. Gusto mo ba?" alok nya
        "No thanks." sabi ko. Tsaka nya inilapag ang alak sa centre table at tumabi saken. Akmang hahalikan nya ako pero pinigilan ko ito kaagad.
        "Bakit Darren?" tanong nya
        "Ahm, nagpunta ako dito dahil gusto ko nang itigil ito. Tapusin na naten ang relasyong 'to." sabi ko
        "Ano?! Tapusin?! Relasyon?! Nagkaroon man lang ba tayo nun?" tanong nya
        "Lyndon..." pinutol nya
        "Darren! Tinanggap ko na lahat. Hindi mo ba nakikita? Hindi na kita hinahanapan ng rason kung bakit antagal mong nawala. Kung bakit ngayon ka lang. Kung saan ka nanggaling. I didn't ask even a single question. Wala kang narinig na reklamo. Hindi pa rin ba pupwede 'yun? Iiwan mo na lang ako basta?" sabi nya
        "Lyndon! I need you to hear me." sabi ko
        "I'm listening to you. I'm ready to listen to every words you gotta say. I asked you, what you want me to do. I want you to command me. I'm going to follow your words all the way to hell, but you said nothing! And now what?! Huh?! Sasabihin mo na lang saken na itigil na 'to?! Tangina Darren!" sigaw nya muli syang lumapit saken para halikan ako pero tumayo ako at lumayo sa kanya.
        "Wag kang lumapit saken." sabi ko habang unti unti syang lumalapit saken
        "Bakit Darren? Nandidiri ka na ba saken?" tanong nya.
        "No, Lyndon. I just want us to talk about this. Pag-usapan naten 'to ng maayos. Ayokong masaktan ka pa." sabi ko sa kanya.
        "Putang ina! Masaktan?! Nakasanayan ko nang masaktan Darren. Tiniis ko. Nagpakamanhid ako. Putang ina! Nagpakagago ako, makasama ka lang sa loob ng iilang oras. Tapos sasabihin mo ayaw mo akong masaktan. Hindii na mahalaga saken 'yun Darren. Ikaw lang, kahit masaktan pa ako ng ilang ulit basta dito ka lang! Dito ka lang sa tabi ko."
        "Hindi na pwede Lyndon. Nasisira na ang pamilya ko nang dahil dito. Nasisira na ang buhay ko. Hindi mo ba naiintindihan 'yun." sabi ko
        "Darren kailangan kita." pakiusap nya
        "Lyndon, please." sabi ko
        "Bakit mo ako pinatulan? Bakit pumayag kang makapasok ako sa buhay mo? Bakit hinayaan mong mahalin kita ng ganito? Tapos iiwan mo ako? Putang ina Darren, ano 'tong ginawa mo saken?" sigaw nya at unti unti na naman syang lumapit saken.
        "Lyndon." bulong ko sa kanya dahil awang awa ako sa kanya. "Sorry" paghingi ko ng tawad
        "Hindi ko alam kung anong kasalanan ko! Bakit ako nilalayuan ng mga taong minamahal ko! Nagmamahal lang ako ng totoo. Ano bang mali sa ginagawa ko?! Bakit basta basta na lang kayo papasok at lalabas sa buhay ko?! Bakit nyo ako iniiwan?! Putang ina!!! ANONG KASALANAN KO SA INYO!!!" sigaw nya ulit habang umiiyak
        "Don't come near me." sabi ko
        "Why? Scared of me now?! Tell me?! I'm fuckin asked you something!" tanong nya
        "Let's just talk about this ok? Just calm down." pakiusap ko
        "No. No. No. We're not gonna talk about shit anymore. Do you hear me?! We're not gonna talk about anything." sabi nya at nagmadali syang lumapit saken. Hinablot ko ang salamin na nakasabit sa dingding na malapit saken at ibinalibag ko iyon sa harap nya. Nagkabasag basag ito sa malilitit na piraso at kumalat sa daraanan nya.
        "You fuckin asshole. That was no nice! That was no nice!" gigil na gigil nyang pagsambit saken at patuloy syang naglakad papalapit saken at natapakan nya ang mga bubog. Tumuhog ang ilan sa mga basag na piraso ng salamin sa kaniyang paa. Iniangat nya ang kaniyang paa at nakita ko ang dugong nagmumula dito. Hinugot nya isa isa ang mga bubog sa paa nya.
        "Putang ina. Walang kasing sakit 'to." sabi nya na may galit na sa kanyang mukha. Nagpatuloy sya sa paglapit saken. Natatakot na talaga ako sa kanya kaya naman napatakbo na ako papasok sa workshop nya. "Where are you going babe?! Come to me, I love you. You can go on, fuck my life. Let's continue fuckin our lives Darren. You started it."
       
        Pumasok sya sa loob ng madilim na workshop. Nagtago ako sa isang malaking painting na nandoon at nakikita ko syang hinahanap ako. Narinig ko ang boses nyang nakakatakot na dati ay kinagigiliwan ko. Pero ngayon ay nagpapanginig ng laman ko dahil sa takot.
        "Darren?! Where are you?! Come to me Darren, I'm not gonna hurt you. I could never ever fuckin do that." bulong nya habang patuloy akong hinahanap. Binuksan nya ang isang maliit na ilawan para lumiwanag kahit papano. At narinig ko ang tunog ng isang bakal na dinampot nya mula kung saan. Maya maya pa ay nagpatuloy sya sa paglalakad. Pinilit kong manahimik para hindi nya ako makita.
        "You know?! All I ever wanna do was to have some good sex with you, that's all. But you.. You made me want you.. You made me NEED YOU!" sabi nya
        "Remember the painting you saw after we had sex. Ipinipinta kita nung araw na 'yun. Naalala mo pa ba? Yung babaeng natatakot sa painting?! Sya! Sya ang mommy ko. Hindi man lang nya ako nakilala nung magkita kami. Wala syang pinagbago. Mahilig talaga sya sa lalake. Ultimo akong anak nya na hindi nya nakilala. Nagawa nyang gawing karelasyon. Hahaha, nakipagsex ako sa nanay ko. At pagkatapos kong ibigay sa kanya ang hinahanap nya. Pinatay ko sya. Dahil ayoko sa mga taong iniiwan na lang ako basta. Hahaha. But that's not gonna happen to you. I really love you so much Darren at hindi ko magagawang saktan ka." sabi nya habang naririnig ko ang ginagawa nyang pagsira sa mga ginawa nyang painting.
       
        Malapit na sya saken at hindi ko na alam ang gagawin ko. Takot na takot na ako. Nababaliw na ata si Lyndon. Ilang hakbang pa ay tinabig nya ang malaking painting na pinagtataguan ko. Nang makita nya ako ay napangiti sya.
        "No! Lyndon, please." pakiusap ko sa kanya habang nakaamba ang isang kutsilyo.
        "Come to me Darren!" sabi nya sabay akmang hahablutin nya na ako nang makarinig kami ng isang malakas na hiyaw
        "No!!!! Itigil mo yan, pabayaan mo ang asawa ko!!!" sabi ng hiyaw. Si Yzza.
        "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Yzza
        "Naiwan mo yung cellphone mo." at ipinakita nya saken yung cellphone ko.
       
        Nang akmang susugurin ako ulit ni Lyndon ay agad na tumakbo si Yzza sa kinaroroonan ni Lyndon at itinulak ito. Lumapit sya saken at tinulungan akong makatayo. Subalit bigla na lamang may humatak sa buhok nya. Si Lyndon na agad nakabawi sa kanyang pagkakatumba. Iwinasiwas ni Lyndon ang hawak nyang kutsilyo at tinamaan si Yzza sa braso. Iwinasiwas din ni Yzza ang kanyang braso at nagdulot din ito ng sugat kay Lyndon. Nakita kong hawak ni Yzza ang punyal na ginawa ni Lyndon.
        "Putang ina mo!!! Wag ang asawa ko!!!" sigaw ko at agad kong hinablot si Yzza mula sa pagkakahawak ni Lyndon. Dinala ko sya sa isang gilid at ako ang humarap kay Lyndon. Ibinigay saken ni Yzza ang punyal na hawak nya.

        "Darren, Mahal na mahal kita. Hindi mo ba nakikita?" mahinahong sambit ni Lyndon
        "Kung mahal mo ako. Hindi mo gagawin saken 'to Lyndon. Please just be calm." pakiusap ko
        "Darren. Mamamatay ako kapag nawala ka saken. Hindi ko kaya 'to please." sabi nya
        "I'm so sorry. Alam ko kasalanan ko 'to patawarin mo ako." hingi ko ng tawad
        "Mahal mo rin ako Darren diba? Sabihin mo yung totoo. Please. Alam kong mahal mo rin ako." sabi nya. Sa harap ng asawa ko. Sa harap ni Lyndon. Tutal nandito na rin lang, hindi na ako magsisinungaling sa nararamdaman ko. Kaya napatango ako nung tanungin ako ni Lyndon. Napatingin ako kay Yzza at napatakip ito ng kanyang bibig dahil sa pagkabigla. Napaiyak na lamang ito sa nalaman. Ipinasya kong magpakatotoo sa harap nila, hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin.

        "Sabihin mo Darren sino ang mas mahal mo samen ng asawa mo." tanong ni Lyndon. Sa pagkakataong ito ay nakasisiguro na ako sa nararamdaman ko. Kung sino ang mas mahal ko sa kanilang dalawa.
        "Darren?!" pagtatanong ni Yzza. Lumingon ako sa kanya pagkatapos ay ibinaling ko ang tingin ko kay Lyndon.
        "Mas mahal mo ako diba?" tanong ni Lyndon. Hindi ko nagawang sumagot. Maya maya pa ay may hinugot mula sa tagiliran nya si Lyndon. Baril. Itinutok nya ito sa kinaroroonan ni Yzza. Nanlaki ang mata ko sa pagkabigla.
        "Lyndon, No!" sigaw ko
        "Sinong mas mahal mo? Ako o ang asawa mo? Isa lang Darren, hindi pwedeng pareho kami." napalingon muli ako kay Yzza.
        "I Love You_______________________________________Lyndon." sabi ko at agad akong lumapit sa kanya. Niyakap ko sya ng mahigpit at binitawan nito ang hawak nyang baril. "Yzza! Takbo, bilis!" sabi ko at agad naman akong sinunod ng asawa ko. Lumabas sya ng workshop. Pagkatapos ay ibinalik ko ang pansin ko kay Lyndon.

        Halos pumutok ang ulo ko sa biglaang pagsisisi nang makita ko syang nakangiti saken.
        "I love you Darren. I-I love you more than life itself. And I can still love you further. More than that." sabi nya. Hinigpitan ko pa lalo ang yakap sa kanya. Nag-umpisa nang umagos ang luha ko dahil sa ginawa ko. "Ugh!" si Lyndon.
        "I, I, I'm sorry Lyndon. I'm so sorry." paghingi ko ng tawad sa ginawa ko.
        "Do-d-don't cry babe. I-i-i-it's Ok." sambit nya sabay pinahid nya ang luhang nasa pisngi ko. "I-i-it's for the best right?" dugtong nya at napahugot ito ng malalim na hininga.
        "Di ko sinasadya. Lyndon." sabi ko sabay pinilit nyang ngumiti.
        "Si-s-siguro, hi-h-hindi ako para sa mundong 'to. Me-m-maybe sa ne-nextlife, d-do-doon siguro may magmamahal na saken." sabi nya na nanginginig na ang boses.
        "Shh! Wag ka nang magsalita please. Lalo ka lang mahihirapan." pakiusap ko sa kanya habang patuloy ang pag-agos ng luha ko sa aking pisngi.
        "H-hi-hintayin kita sa next life, wag, wag, wag kang masyadong matagal ah?!" bulong nya saken.
        "Oo, Oo hintayin mo ako sa next life." sabi ko
        "Dun, siguro. Dun, pwede mo na akong mahalin diba? Mamahalin na ako ng mga magulang ko diba? May magmamahal na saken?!" patanong nyang sambit habang lalong nanghihina ang kanyang boses.
        "Oo mamahalin ka na ng mga magulang mo doon, sigurado ako. Doon, ikaw lang ang mamahalin ko. Doon hahanapin kita. Doon hindi ko na lolokohin ang sarili ko. Pero sa pagkakataong ito Lyndon, patawarin mo muna ako please." sabi ko at nakita ko na naman ang marahang pagguhit ng ngiti sa kanyang mukha.
        "Thank you Darren." bulong nya saken bago sya tuluyang binawian ng buhay.       
       
        Tahimik. Sobrang tahimik. Nakabibinging katahimikan at tanging pigil kong hikbi lamang ang aking naririnig. Yakap kong mahigpit ang katawang may mabuting kaluluwa. Na walang ginawa kundi ang mahalin ako. Ang katawang nagapi ko sa isang napakatinding labanan. Natalo sya. Ngunit ang pagkatalo nya ay nangangahulugan din nang pagguho ng itinatagong kong mundo. Niluwagan ko ang pagkakayakap sa katawang pinaslang ko. Tsaka ko tinitigan ang mala-anghel nyang mukha nang makita ko 'yun. Nang makita ko 'yun tsaka ko lang naramdaman ang markang idinulot nya sa puso ko. Markang nasisiguro kong hindi na matatanggal kahit kelan.

        Napatingin ako sa katawan ni Lyndon at nakita ko ang punyal na ginawa nya na sya ring pumatay sa kanya. Itinarak ko sa kanya ang punyal nung sandaling yakapin ko sya ng mahigpit. Nung yakapin ko sya. Nung yakapin ko sya naramdaman ko ang matinding pagmamahal na ibinibigay nya saken. Ang pagmamahal na hindi ko kayang masuklian. Hanggang sa mga huling sandali ay hindi sya nagreklamo. Ang taong ito na ipinagkaloob saken ng kapalaran upang parusahan ako. Sya ang perpektong parusa na natanggap ko para sa mga karumal dumal na kasalanan ko.

        Ilang sandali pa ay narinig ko ang alingaw ngaw na nanggagaling sa sasakyaan ng mga pulis sa labas. Pumasok muli si Yzza sa workshop at nilapitan kami ni Lyndon.
        "Darren?!" patanong nyang tawag saken
        "Patay na sya Yzza. Patay na sya. Pinatay ko sya Yzza!" sabi ko sa kanya
        "No honey, it's a self defense right?! Ginawa mo 'yun para saken tama?!" tanong ulit nya.
        "No Yzza, wag mo nang hanapan ng alibi ang krimeng nagawa ko. It's not for you. I didn't do it for you Yzza. I love him so much that I could kill him. Ayoko nang masaktan pa sya nang dahil saken. Yzza, pagbabayaran ko sa batas ang ginawa ko." sabi ko at marahan syang naglakad upang ako ay yakapin.
        "Papano kami Darren?" tanong nya
        "Kunin mo lahat ng pera ko sa bangko. Magsimula kayo ng bagong buhay Yzza. Bagong buhay at kung sakali mang mabigyan pa ako ng pagkakataon dito. Babalikan ko kayo, kaya sana. Kaya sana kung makakapaghintay ka.. . . . " sabi ko
        "Of course honey. Hihintayin kita, hihintayin ka namen ng mga anak mo." paniniguro nya
        "Salamat."

---        Kung pagmamasdan ng iba ay nakasisiguro akong iisipin nila na gumagawa ako ng lusot para hindi ko maramdaman ang konsensya. Pero ito na lang kasi ang paraan ko para hayaang makaganti man lang si Lyndon saken. Napakarami kong kasalanan sa kanya. Dahil sa pagiging makasarili ko ay halos nasira ko na ang buhay nya at ang buhay ng pamilya ko. Ayos lang sana kung ako lang. Matatanggap ko pa iyon. Pero ang katotohanang isa akong kriminal ay habang buhay ko nang magiging tatak. Mula sa pisikal kong katawan hanggang sa kaibuturan ng marumi kong kaluluwa. Makasalanan ako.

        Last year ay pinakiusapan ko si Nielson at Yzza na bumuo ng isang non-government-organization. Ang layunin nito ay ang kumalap ng mga taong nagnanais magbagong buhay. Not necessarily nakakulong. Kahit sino basta gustong magbagong buhay. Hmm tunog christian ang dating pero hindi. Dahil ang ginagawa dito ay tulungang tuparin ang mga pangarap na naibaon na sa limot. Bigyan ng pag-asa ang mga nawawalan ng pag-asa. At tulungang makatayo ang mga taong pinabagsak na ng panahon. Dahil ito rin mismo ang ginagawa ko sa sarili ko ngayon.

        Sa tuwing pupunta sila Yzza dito ay parang nagiging buo ulit ang pamilya namen. Parang masaya kami ulit katulad ng dati. Well, bati na kami ni Dalton. At hindi na rin umiiyak si Phoebe sa tuwing makikita ako. Pag nandirito sila ay tumutulong ako sa pagtuturo.  Nagtuturo ako ng arts sa mga bilanggong may hilig dito. Sila Yzza at Nielson naman ay kung ano ano pang skills ang itinuturo sa iba.

        Pinanindigan ko ang responsibilidad ko sa aking pamilya. Minahal ko sila kagaya ng dati. Sa kabila ng kawalan ko ng kakayahang maitaguyod sila ay hindi naman ako nagkulang sa pinansyal at sa aspetong emosyonal. Palagi ko silang iniisip at inaalala. Binuo kong muli ang lahat ng pagmamahal ko sa kanila. Dahil ayokong magkulang. Ayokong maging walang kwenta.
---

        Sa gitna ng malalim na kalungkutan ay ramdam na ramdam ko ang lamig ng pader na sinasandalan ko. Ang pader ng bilangguang ito na matagal nang nagpaparusa saken. Patuloy kong tinatanggap ang kaparusahang ipinataw saken ng batas at ng langit. Pero sa kabila ng mahalumigmig at madilim na paligid ay nagaganap ang isang bagay na hindi ko kayang iwasan. Dumating na. Hindi ko na matatakasan. At nang mapagtanto ko ang lahat ay hindi ko mapigilan ang aking pagngiti.
.
.
"Naaalala ko sya." huling sambit ko sa aking sarili bago ako tuluyang tumahimik.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
        "Hi!" sambit ko
        "Hi din!" sabi nya sabay ngiti
        "Namiss kita sobra" sabi ko
        "Ako rin namiss kita kung alam mo lang. Bakit ka nandito?" tanong nya
        "Ahm, nandito na ako para mahalin ka, yun eh kung pwede pa." sabi ko
        "Pwede naman, kaso marami nang nagmamahal saken ngayon eh. Sumingit ka na lang." sabi nya
        "Ganun ba? Hays." sabi ko na biglang nalungkot ang mukha
        "Kasalanan mo yan, sabi ko sa'yo wag kang magtatagal eh." sisi nya saken
        "Eh sa natagalan eh, anong magagawa mo." inis ko
        "Tss! Halika nga dito, biro lang yun. Pangako ko sayo hihintayin kita diba?" sabi nya tsaka ako lumapit sa kanya. Niyakap nya ako at niyakap ko rin sya.

        "Mahal kita Darren." sabi nya
        "Mahal rin kita." sagot ko
        "Talaga?!" tanong nya
        "Totoo, maniwala ka." sagot ko
        "Hanggang kailan?" tanong nya
        "Walang hanggan." tugon ko
        "Walang hanggan?" tanong nya ulit. Ngumiti sya ng pagkatamis tamis at hinawakan ko ng mahigpit ang kamay nya. Pagkatapos ay nag-umpisa kaming maglakad sa parang ng walang hanggang kalayaan.

(Find Me - Boyce Avenue)

WAKAS...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This