Pages

Friday, December 9, 2016

Sayo Na Ang Korona (Part 1)

By: Devs

It was September of 2015 when this happened. I am in a 1 year complicated relationship with a guy who has a girlfriend for 8 years by this time. Nando’n na kami sa sitwasyon kung saan ay nagpaplano na kami ng para sa aming dalawa at balak na niyang hiwalayan ang girlfriend niya at mas pipiliin na niya ako. We were planning to go abroad and get married there as soon as we establish our lives in whatever country we would be into. And we plan to make this happen in Canada or anywhere in the UK. (Alam n’yo naman doon kasi diba legal lahat doon.)

“Naka-book ka na ba for your IELTS?” Tanong niya sa akin.

“Hindi pa.” Matipid kong sagot.

“Ano ba naman ‘yan, Angel!?” Pagalit nitong balik sa akin. “Plano ako ng plano para sa ating dalawa, do your part! Pakiramdam ko tuloy ayaw mong ituloy mga plano natin!”

“It’s not that I don’t want to, you know that, Devs.” Maamo kong turan sa kanya. “I’m just thinking things out. Aalis na ang ate ko next month papuntang Dubai, alam mo naman ‘yan di’ba? Tapos ako na lang matitirang anak nila mommy dito. S’yempre hindi madali sakin to’.”

“Ano bang mas madali sa’yo? Yung iwan na ako o…”

“Don’t even push that!” Saway ko dito. Alam ko naman na kasi ang susunod niyang sasabihin, ang papiliin ako between him and my family.

“All I’m saying is hindi lang naman ikaw ang maiiwanan dito sa Pinas ang pamilya eh. Ako din naman di’ba? Don’t make this hard for both of us. Alam naman natin na parehas nating gusto ‘to, Angel.”

With his puppy eye look, who would not give in to his charm? I softly held his cheek and gave him a kiss on the lips.

“My mind isn’t clear tonight. Pwede bang ihatid mo na muna ako sa kotse ko. Uuwi nalang muna ako then will talk again tomorrow.” Sabi ko sa kanya tanda nang pagsuko ko sa pagtatalo namin kanina.

Inihatid niya ako sa aking kotse saka ako binigyan muli ng isang halik sa labi. “Text me when you got home, alright? I love you.” Sambit nito bago pa ako hayaang makapasok sa aking sasakyan.
Ako nga pala si Lance Ezekiel Gamboa, currently 26 years old. I’m not the head-turner type of person or a cutie/hotie guy. I’m just a typical, Filipino built person who looks older than my age. Chubby with a big heart sabi nga nila. (Pero hindi sa lahat ng oras.)

“Devs, birthday ni Oka ngayon, nag-aaya mag-inom sa kanila. I said yes already so we’re going.” Message ko sa kanya.

“Sige. See you later.” Reply naman nito sa akin.

I just woke up early in the morning and was about to take a bath when my phone rang. I did not even bother to look at who is calling because I am not expecting any call from anyone except him.

“Maaga pa para makipaglandian, Devs.” Sagot ko.

“Devs? Pangalan ng babae ‘yon ah. Nagbagong buhay ka na?”

Nataranta ako sa sumagot sa kabilang linya. Agad kong inilayo ang phone ko at tiningnan kung sino ang tumatawag ngunit ako’y bigo dahil his number is unregistered in my phone.

“S.sino ‘to?” Nabubulol kong balik dito. I can’t compose myself, kakagising ko lang.

Nakarinig muna ako ng malakas na hagalpak dito bago niya ako sagutin. “I heard you’re going to Oka’s birthday. I’ll be there too. See you then. And hopefully kasama mo ‘yang babae mo para malaman kung dapat nga ba s’ya sayo.”

There goes mister mystery guy cutting the line off which left me in mixed emotions (bothered, nervous, scared?) and speechless.

I am bothered, yes. Mystery man calling me on my private number, I didn’t even recognised his voice for Pete’s sake. And those words “And hopefully kasama mo ‘yang babae mo para malaman kung dapat nga ba s’ya sayo.”, who wouldn’t be?

Nervous, because clearly, this mystery guy doesn’t even exist in my life for quite some time now and it is an open threat. Who he is, is a threat already and he’s coming to Oka’s birthday which only means one thing, he is part of my past. (By the way, si Oka ay matagal ko nang kaibigan, long before I met my partner, and I last saw him was last year when I introduced my partner to him.)

Scared, I am not sure if it is still part of the equation but in consideration with the first two facts, I know I am scared. Scared maybe on what will the outcome be after tonight.

I got to work late that day, two hours late for the record. Alam kong nagising ako ng maaga, wala namang aberya sa daan, walang traffic at alam ko din na puputaktihin ako ng tanong ni Devs neto pag nalaman n’yang late ako.

At work, I think I am not at my best. Pakiramdam ko ay hindi ko matapos-tapos ang mga nakatambak na trabaho sa aking lamesa. Paulit-ulit kong iniisip kung sino nga ba ang lalaking tumawag kanina.

(Alam ko na! sabihin ko nalang kay devs na hindi na kami tutuloy!)

“Mr. Gamboa!?” Tawag pansin sa akin ng aking boss. “It is very unlikely seeing you like that, out of focus!”

“I’m sorry, sir.” Tanging naisagot ko lamang dito.

“Anong problema dito, Carl?” Nang tinginan ko kung sino ang nagsalita, hayun si Devs at mukhang aawayin nanaman ang boss ko.

“Wal…” Sasagot pa lamang ako ay sumingit na agad ang boss kong si Carl.

“Let me remind you that you’re not in the position to question my authority when it comes to my department.” Matapang na sagot naman ni Carl dito.

“I’m just asking you, Carl. Don’t over react. At siguro naman hindi ko na kailangang ipaalala sayo kung anong posisyon ko sa kumpanyang ito?” Sambit nito sabay tingin sa akin at ngumisi. “Now, can you tell me what is happening here?”

“Devs!” Singit ko sa kanila. “Don’t put me in a situation that you cannot fix!” Saway ko dito.

Matagal nang may iringan si Sir Carl at si Devs, hindi na rin ito kaila sa lahat ng empleyado. Sabay kasi silang nag-umpisa sa kumpanyang ito. According to gossips, si Carl daw talaga dapat ang nasa position ni devs ngayon, ‘yun nga lang ay kinailangang mag-leave ni Carl para sa isang bakasyon bago pa man maibigay sa kanya ang promotion. Nang makabalik naman ito ay nakuha na ni devs ang posisyon.

“Pagsabihan mo ‘yang jowa mong mang-aagaw na huwag nang makapunta-punta dito kung mahal pa n’ya ang trabaho n’ya!” Pagalit na sabi ni Carl bago nito kami tuluyang nilisan.

“What was that all about?” Tanong nito sa’kin nang makalayo si Carl.

“Hindi ba dapat ako ang magtanong sayo n’yan?” I tried making me sound like nothing happen. But I really can’t conceal it.

“Ikaw na nga ‘tong si-n-ave para hindi ka mapagalitan ng boss mo eh.” Him, saying this with his signature baby talk.

“Alam mo namang hindi ako napapagalitan ni Carl ever since di’ba? I can handle myself here. Go be in your department. Kaya ko sarili ko dito.” Inis ko pa ding sambit sa kanya.

Actually, I and Carl are good when it comes to work. I’m his best employee. Ngayon lang ako napansin ni Carl na parang wala sa mood magtrabaho. Siguro ay dala na rin ng pagtataka niya kaya na-call nya yung attention ko.

“Just forget it, pumunta lang ako dito to inform you na nakabili na ko ng pang regalo natin kay Oka para mamaya. Overnight naman ‘yon di’ba? Nagdala na kasi ako ng damit” Nakangisi nanaman nitong sambit na akala mo walang nangyari.

Paktay! Sambit ko sa aking isip.

“Tinatamad na kasi akong pumunta, devs. Parang medyo sumama ‘yung pakiramdam ko.”

“A plan is a plan. Barkada mo ‘yon. Last year pa kayo huling nagkita, birthday n’ya. Mawawala ka?” Tugon nito sa’kin.

“Bahala na mamaya. Pag-isipan ko muna. Balik na muna tayo sa work.”

“Okay, gel. Laters, baby! I love you!”

Hindi ko na ginawang sagutin pa ang sinabi nito at pinukol nalang ang aking sarili sa trabaho.

My partner is Lucio Martin Regalado. He is 29 years old. Siya yung tipo ng lalaki na maliit nga pero matinik sa mga babae, at syempre sa mga katulad ko na din. He has a girlfriend; they are 8 years by this time already but are not very “mag-jowa” kung titingnan n’yo. Everybody knows about us, except his girlfriend, but no one has the gut to tell her about it, even her friends who work at the same company as we do.

You may be wondering why he calls me gel/angel, that is because he is the devil/devs in my life and I am, as he always says, the only good thing that has ever happened to him.

I really don’t know what to do, hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin kay devs na huwag nalang kaming pumunta sa birthday ni Oka. Everybody can notice that I am not in a good shape for work today because of it. Ilang kasamahan ko na din sa department namin ang nagtanong sa akin kung may problema o pinagdadaanan ako. Ang lagi ko lang sinasagot sa kanila ay pagod lang ako at masama ang pakiramdam ko.

Buong umaga akong nag-iisip, tila hindi mawala sa aking utak ang kanina’y tumawag sa akin. Ano ba naman kasing kinakatakot mo, Lance? Eh ano kung nand’un kung sino mang hukluban ang taong ‘yon? May Martin ka na di’ba? So why are you acting like that? Pagkausap sa’kin ng isang parte ng aking kokote.

Oo nga naman, bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Unang-una, hindi ko s’ya kilala. Pangalawa, akala n’ya babae si devs. At pangatlo, damn him, I already have a boyfriend!

Nasa ganoon akong pag-iisip nang lumitaw sa harap ko si devs.

“Kain na tayo?” Sambit nitong nakangiti.

“Busog pa ko, devs.” Maikli kong tugon dito.

“Lunch time na, oh” Balik nito kasabay ang pagturo nito sa orasan na nakasabit malapit sa pintuan. “Palibhasa kasi…”

“Eto na po, tatayo na. Ikaw naman hindi na mabiro.” Balik ko dito. I tried to sound like I am joking and I think it is effective, nakita ko nanaman kasi yung mga biloy nito sa kanyang pisngi hudyat ng kanyang pagkapanalo.

“Papilit ang angel ko, oh!” Pagbibiro pa nito na ikinatawa naman ng babaeng katabi ng aking table na si Irma.

“Ang lalandi n’yo! Una na nga ako sa inyo!?” Sambit pa nito at inunahan na kami ni Martin na pumunta sa cafeteria na agad din naman naming sinundan.

Harutan, ansyahan, libugan. Name it all, parang lahat na ata ng bagay napag-usapan na namin everytime na kumakain kami sa cafeteria kasama ang an gaming mga ka-trabaho. Well actually, dito naman kami nagsimula ni Martin, sa eksena sa cafeteria na nagsimula sa kanyang kahanginan.

“Pare, yosi tayo.” A decent looking guy just approached me and called me ‘Pare’.

Sino ba tong lalakeng ‘to at tinatawag akong pare? Tanong ko sa aking sarili.

“Sige lang, may hinihintay pa ako.” Trying to sound snobbish, hindi naman kasi ako kaladkarin na ayain lamang na manigarilyo eh agad sumasama.

“I insist, lagi kitang nakikita sa parking na nagyoyosi pero nag-iisa ka lang.” Pilit pa nito.

“No thanks, I’m not in the mood.” Me, trying to avoid him.

“Di’ba ikaw yung bago sa department ni Carl? So how was him as a boss?” Pangungulit pa nito sa’kin.

“Hey mister, even if I am craving for a stick of cigarette right now, I will not do it with you. I don’t even know your name; you didn’t even bother telling me that first before you started with all you ‘kahanginan’! Why don’t you smoke by yourself and just leave me alone!?” There it is, the mean me. I just can’t stand those very conceited person who thinks that he/she can talk to anyone most especially a stranger and tell their ‘kahanginan’ to everyone.

“Ay, hindi mo pala ako kilala?” Natatawa nitong balik sa akin. “Martin nga pala. You’re Lance, right?” Dugtong pa nito kasabay ang  pag-abot sa akin ng kanyang kanang kamay.

“You damn piece of sh… I don’t want to talk to you! Bye!” Sagot ko dito kasunod ang pagbilis ng aking lakad.

“Suplado!” Pasigaw nitong sambit habang ako’y papalayo sa kanya.

I was very irritated that moment because of that guy. Lumabas ako ng building at dumiretso sa pangatlo sa pinakamalapit na tindahan sa building namin. Dito kasi tago ito at hindi madaling makita kung sakaling susundan n’ya ako. Nakakairita kasi!

Agad akong bumili ng sigarilyo at softdrinks at pumwesto sa upuan sa labas ng tindahan.

Lance, relax. May kalahating araw pa, dapat hindi busangot ‘yang mukha mo pagbalik mo sa office. I’m trying to calm myself down.

Hithit, buga, hithit, buga, sipsip sa soft drinks…

Hindi ko pa nakakalahati ang sigarilyo ko nang…

“Sinasabi ko na nga ba stalker kita eh.”

“What are you talking about, FREAK!?” Sambit ko dito, “I got here first, baka ikaw ang stalker d’yan! Feeling!”

“Excuse me, ako lang naman ang nagyoyosi dito sa tindahang ito sa loob ng opisina natin. Sabihin mo, you already saw me here once kaya dito ka dumiretso.” Nakangiting nang-aasar pa din nitong sambit. “Di’ba, aling Nelya?” Baling naman nito sa tindera,

“Oo nga, sir Martin.” Pagsakay naman ng tindera sa conceited na ito.

“Ay, pasensya na po, sir Martin!” Eksahirada kong balik sa kanya. “If that is really your name.” I whisper. “Hindi ko naman po kasi akalain na masusundan mo pa ako dito. Alis nalang po ako para naman hindi nakakahiya sa inyo.”

“Hindi naman kita pinapaalis, ah. C’mon, Lance, don’t be snobbish. I’m just here to make friends with you.” Pagpigil nito sa akin.

“No, sir, I insist. Aalis nalang po ako.” Kasunod ang muli kong pag-iwan sa kanya sa tindahan.

Nakakairita! Sigaw ko sa aking isip.

Agad akong nakabalik sa aking table para doon nalang magpahinga habang ako’y naghihintay ng oras para muling bumalik sa trabaho. Sakto namang nand’on din si Irma.

“Ano’t nakabusangot ‘yang mukha mo, Lance?” Pagpansin nito sa’kin.

“Wala, may bwisit lang d’yan sa labas. Akala mo kung sinong gwapo eh napakahangin naman.” Kasunod nito’y ang aking pagsalampak sa aking upuan.

“Sino naman ‘yan? Kakakain-kain lang eh nabuwisit ka kaagad.” Pag-uusisa pa nito.

“Ewan ko, Martin ata pangalan nung kumag na ‘yon.”

“Martin? As in Sir Lucio Martin Regalado?” Natataranta or should I say, excited n’yang tanong sakin.

“Ewan ko, hindi ko naman kilala ‘yung Lucio Mar… anla ewan!”

“If this Martin that you are talking about is Sir Lucio Martin Regalado, s’ya lang naman ang head of the heads ng floor na ‘to. S’ya lang naman ‘yung nag-a-approve ng salary mo. S’ya lang din naman ‘yung taong kakausapin mo kung may problema ka kay sir Carl. At s’ya lang din naman…”

“Shhhh. Tama na. Hindi pa din naman s’ya ang may ari ng kumpanyang ‘to kaya hindi ko s’ya dapat katakutan.” Irita kong tugon dito, but deep inside me, I feel like I just killed myself out there and I don’t ever want to see his face again. Nahihiya ako.

“Patapusin mo ako, s’ya lang din naman ang magsasabi sa may ari ng kumpanyang ito kung dapat kang mag-stay o dapat ka bang i-terminate.” Dahil sa sinabi n’yang ‘yon ay hindi na ako lalo pang nakapagsalita.

Days have passed by and I can already say that I did not kill myself out there. I’m still working in the company without any obligatory meeting with the CEO, or even a written warning for disrespecting a high official of the company. I can say that he did not take it personally, though lagi ko s’yang nakikitang dumadaan sa labas ng department namin, minsan maririnig ko kausap ni sir Carl at nagsisigawan sila.

Days became months. My employment on that company was smooth sailing; I became the employee of the month for 2 consecutive months. I am good at my job as well as with my workmates. Then workmates became family.

It was July of 2014, tag-ulan na. 6 months in the company at nag-aya ang mga kasamahan ko sa department na magswimming sa LB. Weird right? Tag-ulan tapos saka sila nag-ayang magswimming. But I agreed with them, sabi ko pa ipagluluto ko sila ng spaghetti.

Again, days passed by until the day we are waiting for, the LB Night. Mapapansin mo naman sa elevator pa lang na may lakad kami. Lahat ba naman may dala-dalang malalaking bag at yung iba may mga dala pang kaldero. Lucky for me I have my own car so I don’t have to bring all my things upstairs.

“Wow, may lakad ata department n’yo ah!” Bungad samin ni Sir Martin.

“Opo, sir. Gusto n’yong sumama?” Malanding tugon dito ni Ken. Si ken ay yung perfect definition ng malandi at baklang-bakla kung manamit at kumilos.

“Kasama ba si Carl?” Tanong nito.

“Hindi po, sir. May lakad daw po sila ng family n’ya kaya hindi na sumama.” Tugon naman ng isa pa naming kasama sa department.

“Ahh, pwede, pwede. “ Balik muli nito sa amin. “Kaso meron ata ditong ayaw akong kasama. If gusto nyo akong kasama dapat sabihin n’ya mismo sa’kin na pwede akong sumama. You all have approximately 9 hours to guess and convince that person if you really want me to join.” Nakangiti, nang-aasar, at nang-sisira ng araw n’yang sambit.

“Sir, ang aga namang palaro n’yan, ano namang magiging premyo namin kung sakali?” Sagot ng isa pa na akala mo eh gustong-gusto talagang makasama si Sir Martin.

“You’ll get three prizes, one is I will join you, two is sasagutin ko ang alak n’yo, at sisiguraduhin kong lasing ang lahat, and finally, everyone who will be there will have a one day extra off for next month.” Clearly, he wants to join the swimming. Or should I say, he is doing this to annoy me.

Lahat ng kasamahan ko sa department ay naghiyawan, ang iba naman ay lumapit sa kanya at inaya s’ya isa-isa na sumama sa swimming. Ang iba naman ay nagbubulungan at inaalam kung sino nga ba ang tinutukoy nito sa kanyang pasaring.

“Nako, asa tayo d’yan kay sir!” Banat ng isa. “Paniguradong si sir Carl ang tinutukoy n’yan kaya ang lakas ng loob n’yan na magsabi kasi hindi naman n’ya talaga ibibigay yung sinabi n’ya.” Pagbibiro pa nito.

“No, alex. This has nothing to do with Carl.” Nakangiting sagot nito kay Alex, kasamahan din namin sa department. “Basta nandito na s’ya ngayon. And if he is willing to make me join your group, I would gladly give everything that I told you a while ago.”

Nakakabinging sigawan ang sumunod dito.

Is this a blackmail? Hindi ko naiwasang maitanong sa aking sarili. Alam ko namang ako ang tinutukoy n’ya.

“Everybody, settle down. Go back to your work. The offer expires at exactly 5 in the afternoon.” Sambit pa nito bago lumabas sa aming departamento.

I can hear everyone asking about whom the person is and only I and Irma knows that I am the one. Buti nalang late si Irma at hindi n’ya naabutan ang offer ni Sir Martin. Kung hindi, baka nangunguna pa s’ya na sabihin na ako ‘yon.

Hours have passed and clearly no one knows who that person is. They did not even bother asking me if I’m the one because they thought I am very friendly. Until…

“Teka, di’ba may sama ka ng loob kay Sir Martin?” Sambit ni Irma sa’kin. Kakatapos lang naming mag-lunch n’on at nagyoyosi kami ngayon sa parking.

Roughly 4 hours before the expiration of the offer.

“Anong sama ng loob?” Maang-maangan ko.

“Di’ba may issue kayo n’on? Yung sinasabi mong bwisit na lalaki sa labas ng building? Baka ikaw ‘yung tinutukoy n’ya?”

“Hindi naman siguro noh, limang buwan na nakakalipas n’on, Irma. Baka naman limot na n’ya yun.” Sagot ko dito.

“I-try mo na! Isang off din ‘yon tapos hindi pa tayo magbabayad sa alak, malaking tipid din ‘yon. Tapos…” Napatigil ito at nagmuwestra na parang kinikilig. “Tapos makakasama pa natin s’ya. Aaaahhhyyyyy!” Kinilig na po s’ya ladies and gentlemen.

“Ang landi mo, bes!” Balik ko dito.

“Bakit? Hindi mo ba inasam na makitang nakahubad si Sir Martin? Umamin kang bakla ka!!!”

“Excuse me, he is not my type!” Depensa ko sa aking sarili.

“Echusera! Kung hindi mo s’ya type, pupuntahan mo s’ya ngayon at aayain sa party mamaya!” Pag-dare nito sa’kin.

“Hindi nga kasi ako ‘yon, Irma!” Sagot ko rito.

“Ahh basta, I-try mo pa din!”

Naglakad na kami pabalik ng opisina. Doon ay naghihintay na ang mga kasamahan namin.

“Irma, ikaw ba ‘yung tinutukoy ni Sir Martin? Lahat kami sinubukan na namin s’yang ayain ng personal, kayong dalawa nalang ang hindi pa sumusubok.” Si Ken.

“Guys, kalma! Kilala ko na kung sinong tinutukoy ni Sir Martin. Walang iba kundi eto!” Sagot ni Irma kasunod ay ang pagturo sa akin.

“Weh? Pano mo naman nasabi?” Si Alex.

“Why don’t we let him try to talk to sir Martin and see if he really is the one.” Si Ken naman kasunod nito ay ang paghawak, or should I say, pagkaladkad nito sa akin papunta sa opisina ni Sir Martin.

“Hindi ako ‘yon, Ken. Tama na, nasasaktan naman ako.” Pagpumiglas ko dito.

“Arte neto! Andy’an na ang ulam, kakainin mo nalang, h’wag mong pahirapan ang sarili mo, bakla ka!” Mataray na sambit nito sa’kin. “Subukan mo lang!”

“Ayoko nga!” Tanggi ko dito.

“Kapag si Sir Martin my loves ay hindi nakasama sa’tin sa swimming mamaya, maghanda ka na ng resignation letter mo after ng swimming na ‘to. Kung hindi, gagawa kami lahat ng paraan para mapatalsik ka dito!” I can hear a threat from his voice.

Bago pa man ako makasagot sa sinabi niya ay agad na niyang nabuksan ang pintuan ni Sir Martin at itinulak ako papasok doon. I feel so helpless. Hindi ko alam kung pano ko sisimulan. There was an awkward silence that is starting to build between us.

“May sasabihin ka, Lance?” Pagbasag nito sa katahimikan.

“Ahm, ahm.” Nakayuko kong simula dito. “Kasi po sir, pwede po ba kayong sum…”

“OO NAMAN! Sabihin mo sa kanila good news, makukuha nila lahat ng sinabi ko kanina.” Singit na nito sa aking sinasabi. “So who’s car are we going to use later, yours or mine?” Dagdag pa nito.

“Whaaat??!!” Hindi ko makapaniwalang sagot sa kanya.

“Sige na, bumalik ka na d’on at ibalita sa kanila na sasama na ako.” Sambit nito habang itinutulak ako palabas ng kanyang opisina. Alam kong nakangiti s’ya at alam kong nang aasar pa sya at lalo pa mamaya.

Paglabas na paglabas ko ng opisina nito ay agad akong sinalubong ni Ken at ni Irma.

“Ano daw? Ano daw?” Sabay na sambit ng dalawa.

Hindi ko sila pinansin at agad na akong dumiretso sa aming department.

“Ano na? Ikaw nga ba ang hinahanap namin?” Si Alex.

“…”

“Aba magsalita ka, bes!” Si Irma.

“Oo na daw, sasama na daw s’ya at lahat ng sinabi n’ya kanina ay makukuha n’yo daw.” Matamlay kong tugon sa kanila.

Lahat naman ay nagsigawan, halatang-halatang excited sila sa aking ibinalita. Tuwang-tuwa dahil may alak na silang makukuha, may extra day off pa next month.

“Bakla ka ng taon! Eto na ang korona oh!” Si Ken kasabay ang pagmustra na parang nagpapasa ng korona.

Itutuloy…

No comments:

Post a Comment

Read More Like This