Pages

Sunday, December 25, 2016

My Royalty (Part 2)

By: loo

Wala akong nagawa kundi sumunod sa gusto niya at sinamahan ko nga siya. Inis na inis ako sa kaniya noong mga panahong iyon sa kadahilanang ayoko yung nauuto ako at napapasunod ng walang kalaban laban at habang kumakain siya ay nag iiSmirk siya na lalong nag painit ng dugo ko.

"Anong itinatawatawa mo jan?" Bulalas ko
"Ang Cute mo kasi pag nagagalit ka" ngiti niyang sagot
"T.I ka!" Sagot ko sabay irap sakaniya
"Oo na, kumain ka na malapit na mag time oh" sagot naman ni jayson na nakangiti at natatawa parin
"Alam mo kung mangaalaska ka lang, please wag ako! Mag hanap ka ng ibang mapag titripan mo!" Sabi ko sakaniya at sabay tayo at akmang aalis na ng bigla rin siyang tumayo palapit saakin, hinawakan niya ako sa kamay, nagulat ako at hindi makagalaw sa kaniyang ginawa, nakatitig siya saakin at wala akong magawa kundi titigan din ang kanyang maamong mukha, sumisikip ang dibdib ko nung mga panahong iyon hanggang sa palapit ng palapit ang kaniyang mukha. Alam ko na kung ano ang mga susunod na mangyayari, ipinikit ko ang aking mga mata at inihanda ang aking sarili sa mga susunod na mangyayari, nararamdaman ko na ang hanging hininga niya palapit saakin ng biglang....

*Kring! Kring! Kring* (opo tumunog po ang bell, at dun ako nahimasmasan idinilat ko ang aking mga mata at sa pag mulat ng mga ito nang hina ako at napag tanto ko na ako nalang pala mag-isa sa gitna ng canteen wala na si jayson, lumingon lingon ako sa paligid upang hanapin siya ngunit hindi ko siya nahagilap (ang sakit umasa bes akala ko first kiss ko na hindi pa pala! Naunsiyame bes! 😂)

Bumalik na lahat ng mga studyante sa kanilang mga silid ngunit ako'y nanatiling nakatayo sa gitna, nag-iisa, nag tatanong, naguguluhan at nahihiya sa sarili dahil umasa ako sa hindi naman dapat. Sinadya kong mag pa huli sa klase at nag isip.

"Ano ba jared! Kung ano-ano kasi iniisip mo! Naka rinig ka lang ng *subukan mong tumayo hahalikan kita* naniwala ka naman! Bakla ka ng taon!" Sabi ko saaking sarili,

"wala akong mukhang ihaharap sa kaniya, baka isipin pa niyang desperada ako sa mga halik niya! Hay nako hindi nga ba!?" At mas lalo akong nahiya sa mga naiisip ko, naiiyak na ako ngunit wala akong magawa, pumasok na ako sa aming silid, bago ako pumasok ay napa tingin ako sa bandang upuan niya, nakatingin din siya saakin walang ekspresyon ang kaniyang mga mukha, nakakahiya talaga...

"Mr. Ciriacruz why are you late?" Tanong sakin ng aming guro
"Bigla po kasing sumakit yung ulo ko kaya dumaan po muna ako sa clinic" palusot ko
"Oh i see, okay ka na ba hijo? Umupo ka na" sabi ng guro
"Opo maam, salamat po" tugon ko

Nag patuloy ang klase. Gusto ko lumingon sa bandang upuan niya kaso wala akong lakas ng loob baka kasi nakatingin din siya at baka isipin niyang may gusto ako sakaniya. Pag lipas ng ilang klase ay tumunog uli ang bell hudyat na ng *Lunch Break* unti-unting lumabas sa silid ang mga kamag-aral habang ako ay naiwan sa silid napako ang tingin sa kisame ng silid.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah" tanong ng isang lalaki na lumapit sakin
"Ha!?" Gulat kong sagot at sabay balik ng aking isip sa realidad ng buhay
"Lunch break na kaya! hindi kaba kakain?" Tanong niya sakin
"Siyempre kakain" sarkastikong sagot ko
"Alam mo wala kang mapapala kung mag susungit ka, imbes na mag karoon ka ng mga kaibigan baka mga kaaway pa, kaya better if maging friendly ka minsan." sabi niya sakin
"Wow makapag advice! Close ba tayo!? Ni hindi nga kita kilala" sagot ko
"By the way I'm Justin, see you sa canteen" pakilala niya sabay alis sa silid at ako na naman mag-isang naiwan, nanatili ako sa loob ng aming silid ng mga ilang minuto bago lumabas at nag tungo sa canteen. Pag dating ko sa canteen ay nakita ko si Jayson sa favorite spot ko kumakain. Nakatingin lang ako sa kaniya ng may tumawag saking pangalan.

"Oi jared!" Sigaw ng lalaki at lumingon naman ako sa pinanggalingan ng boses.
"Ikaw nanaman?" Sagot ko sakaniya
"Yes and why don't you join us here? May space pa naman dito" paanyaya ni justin sabay ngiti at turo sa bakanteng upuan sa tabi niya, napaisip ako saglit dahil ayoko sana ngunit wala pala akong choice dahil may nakaupo na sa spot ko, tinignan ko ang mga kasama niya at nagulat ako dahil kasama niya ang mga famous sa buong school mga grupo ng mga tinatawag naming mga commoner na "M8" or "Magic 8" [nag simula ang grupo nila since first year pa kami 3 lang sila noon hanggang sa nadagdagan sila hanggang walo na nga ngayon, binubuo sila ng 3 Fourth Year students *sila yung mga original, 2 Third Year, 2 Second Year at 1 First Year student at infairness medyo mailap makapasok sa group nila dahil dapat bago ka makapasok sa grupo nila ay una dapat Maraming nakakakilala sayo sa school (famous), pangalawa dapat mayaman ka, pangatlo dapat you have the good looks and laslty dapat ang average mo ay hindi bababa sa 95% yes sila yung mga mayayamang bratinella magaganda/gwapo at matatalino. Package deal kumbaga. (Hindi ako pasok sa grupo nila dahil lahat ng qualifications wala ako) okay back to the story.] nakangiti silang lahat saakin ngunit ang ipinag tataka ko ay bakit kasama nila si justin e hindi ko nga siya kilala pero wala na akong magawa lalo nung yung pinaka leader nila yung tumawag sakin.

"Oo nga naman! Join us!" Paanyaya ni carter, [si carter ang leader ng grupo crush ng campus, anak ng mayamang businessman na naka base sa amerika 98.6% ang average niya nung third year siya] kaya lumapit na ako sa kanila at naki upo simula na rin akong kumain.
"So Jared kamusta ka?" Tanong ni mike, [si mike ang co-leader ng grupo, guwapo pero mas gwapo si carter, anak ng nag mamay-ari ng malaking resort, 97.4% ang average]
"Okay naman po" magalang kong sagot
"Matanong ko lang ilan ang average mo last year?" Tanong ni Ryan, [si ryan ang cool na member joker ng grupo, mas gwapo kesa kay mike, may Farm Industry sila, 95% ang average]
"92.8% po" hiya kong sagot
"Bakit ka nahihiya?" Tanong nung kambal na miyembro si Nikky at Nikko, [Sila ay anak ng share holder sa kumpaniya nila carter, parehong head turner, si nikky ay sexy at si nikko naman ay may gym body. hunk kumbaga. Parehong may 96% average]
"Overwhelmed lang po siguro" sagot ko sabay ngiti
"Sus. Ikaw talaga, relax ka lang jan" sabi ni Carter
"So sino yun kuya? Boyfriend mo?" Tanong sakin ni bella sabay turo kay jayson, [si bella ang pinaka bata sa kanila first year, anak ng politician, matangkad at maganda. 96.3% ang average, valedictorian last year(grade 6)]

*ayun bibitinin ko muna kayo Merry Christmas and a Happy New Year!! Salamat sa mga nag babasa ng My Royalty Series pasensya na po kung medyo O.A minsan ang mga scenes or Baduy first time ko lang mag sulat e

No comments:

Post a Comment

Read More Like This