Pages

Sunday, December 18, 2016

My Royalty (Part 1)

By: loo

Ako si Jared, 23 years old, tubong Ilocos, chubby at 5'7" ang taas at isa akong gay at ito ang aking kwento.

Simula pa noong mag-ka-mulat ako ay alam ko nang iba ako sa mga pang karaniwang lalake alam ko na iba ako, hindi naman ako nahirapan sa Family ko dahil simula bata pa daw ako ay talagang halata na nila or sabihin na nating alam na talaga nila simula palang na gay ako, mahirap man daw tanggapin ay wala naman sila magagawa kaya tinanggap nalang nila na iba talaga ako, so alam na natin na wala akong problema sa pamilya tungkol sa pagiging binabae ko pero hindi ako tulad ng ibang bakla na nag dadamit babae puro pang lalake padin ang mga suot ko pero nasubukan ko na mag suot ng mga damit ng babae pero sa piling pag kakataon lang. Facial features ko? hindi naman sa pag mamayabang pero sige hindi na ako mag yayabang! Ahahahah peace!! ✌️ At ang kwento ko ay tungkol sa mga ganap sa buhay ko, and i'm telling you mababaduyan lang kayo hahaha... Yuph boring ang life ko... Umpisahan ko ang kwento ko noong 3rd year High School ako.

[ >start ]

Noong High School ako isa akong typical gay yung out kumbaga. As in alam ng buong school na gay ako, isa ako sa mga studyanteng may matatabang utak laging nasa top3 pambato ng Quiz Bee palagi. By the way Private School ako sister school ng St. Paul ang school ko. Super Masungit at OC

Favorite Subject: Science
Least Favorite: Math

Pasukan noon, incoming 3rd year ng makilala ko si Jayson transferee galing sa National School dito sa probinsya. Isa siyang perfect example ng Tall, Dark and Handsome!

Kring! Kring! Kring!
Hudyat na ng simula ng klase. Pag pasok ng aming adviser sa silid-aralan ay binati namin siya at agad naman niya kaming tinugunan ng magandang bati at pinaupo at sinabihan niya kaming may hihintayin daw kaming transferee at dahil sa star section kami saamin mapupunta ang transferee para na din daw mahawaan ng talino biro ng aming adviser at habang hinihintay namin siya ay sinabihan kami ng aming adviser na ibahagi sa mga kaibigan ang tungkol
sa aming nakalipas na bakasyon. Pero nakalimutan na niya yata na First day ng klase at marami pa saamin ang walang kakilala sa klase kaya ayun nganga. Lumipas ang kalahating oras ng pag hihintay ay dumating na din siya kasama ang aming guidance counselor.

Knock! Knock! At biglang pumasok ang counselor kasunod ang transferee.

"Good Morning Counselor" ang sabay sabay naming bati sa counselor.
"Good Morning Students, you may sit down, and i would like to introduce you to your new classmate. This is---" ang tugon ng counselor ng hindi siya pinatapos nung transferee"
"Jayson and Good Morning. Sorry Counselor for interrupting you but i think i can handle myself from here, alam ko kasi na marami pa po kayong tatapusin sa office niyo" pakilala ni jayson
"Thank you Hijo for understanding" tugon ng counselor kay jayson at nag excuse na ang counselor at sinabing totoo ang sinabi ni jayson na marami itong inaasikaso sa office niya kaya din natagalan sila bago naihatid si jayson saamin at umalis na nga siya sa silid.

"Hi again Classmates, I am Jayson Webster Ismael Wiseberg, you can call me "Jay" for short, a transferee from District National High School, friendly naman ako so sana may maging kaibigan agad ako dito, and please take good care of me." Pakilala muli ni jayson ng nakangiti. Hindi ko namalayan ang sarili ko na nakatulala na ako sa klase dahil sa maamong mukha ni jayson at matatamis na ngiti samahan pa nang pantay na mapuputing ngipin. At sinabihan kami ng adviser na gayahin si Jayson at mag pakilala sa harapan isa-isa.

"Hi Classmates, I'm Jared, if you're wondering yes I am gay para wala ng issue." pakilala ko ng matapos kaming mag pakilala lahat ay pinag-break kami ng aming adviser.

Sa canteen ay may favorite spot ako at yun ay sa gitna dahil sa hindi ko alam na dahilan ay iniiwasan ito ng karamihan, simula 1st year High ay doon na ako kumakain sa spot na yun. Kitang kita ka lahat ng mga tao sa canteen dahil mAlayo ang mga upuan at dahil sa gitna nga ito ay malaki ang space ko. Abala ko sa pagkain ng baon kong Tuna sandwich ng biglang may lumapit sakin.

"Hi ikaw si Jared diba? Classmate mo ko ako yung-" sabi ni jayson pero hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita at sinagot ng.
"Transferee, your name is jayson but i can call you "jay" but i will not, jayson is better and it suits your angelic face and your sweet smile looks like you're going to ask me if i can share this spot with you and fortunately i can share it  because this is school property and i don't own this spot so i guess yes you can sit down but you are not allowed to talk to me when your mouth is full while you eat and it doesn't mean we're friends" -putol ko sakanya, hindi na siya nakapag salita pa at ngumiti nalang at umupo at kumain.

"Why can't we be friends?" Tanong ni jayson habang kinakain ang baon niya. Ngunit hindi ko siya sinagot. Tuloy lang ako sa pag kain ng sandwich.
"I'm not bad you know" sabi ni jayson. Tuloy padin ako sa pag kain at hindi umiimik.
"Hello!???" Usisa ni jayson ngunit hindi ko parin siya kinakausap kahit kinakawayan na niya ako.
"You don't have to be silent, I can leave if you want" sabi ni jayson at saktong tapos na ako sa pag kain tumayo ako.

"First I never said we "Can't" be friends"
"Second I told you to not talk to me while your mouth is full when you eat #TableManners101"
"Third I never said that you're bad" sagot ko sakanya ng may pagka irita. Akmang aalis na ako ng tumayo siya at pinigilan niya ako sa braso.

"Please stay" pag mamakaawa ni jayson
"Ano bang problema mo?" Mataas na ang boses ko pero hininaan ko dahil ayoko gumawa ng eksena sa gitna mg canteen
"Wala akong kasama" sagot niya
"Hindi mo ikamamatay" masungit kong sagot at binitawan na niya ako at umalis na ako at nag tungo sa silid namin at natapos ang break at nag umpisa na ang sumunod na subject abala sa pag tuturo ang aming guro at busy naman ako sa pakikinig sa lecture niya ng may ipasa saakin yung katabi ko, isang papel na natupi sa apat.
"Ano 'to?" Tanong ko sa katabi
"Para daw sayo ipinapasa lang saakin" sagot niya
"Galing kanino?" Tanong ko
"Kay Jayson daw" sagot ng katabi ko
"O ibalik mo" sabi ko sabay balik nung papel.

Natapos ang klase sa hapon na puno ako ng kaalaman (naks ahaha) at umuwi ako agad sa bahay medyo malapit lang ang school sa bahay at may motor din ako isang pangunahing service ng mga estudyante dito sa probinsiya at pagka dating sa bahay ay binati ko ang aking mga magulang nag mano at humalik at dumiretso sa aking kwarto at ipinatong ko ang bag sa lamesa ko at nag bihis, nung natanggal ko na ang polo ko ay may nahulog na papel galing sa bulsa at may nakasulat na "To: Jared" pinulot ko at binuksan binasa ko ang nakasulat.

"Kahit masungit ka at kahit mahirap at imposibleng kaibiganin mo ko, i will do my best para maging kaibigan mo -jayson"

Napangiti ako sa nabasa ko hahaha kinilig ako sa totoo lang ngunit hindi ko dapat i-entertain ito dahil studies ang focus ko ayoko rin namang ma disappoint ang parents ko sakin. Nagising ako kinaumagahan sa tunog ng alarm 4:30 dahil nga maarte ako ay mag bababad ako sa CR at mag papa ganda lol... Ayoko kasi ng nag mamadali kaya maaga ako gumigising kahit pa 7:30 ang flag ceremony at hnd naman kalayuan ang school ko, ayun same rituals and things to be done before going to school pag kabihis ko ay dumiretso na ako sa school pag dating ko dun ay wala pang tao sa room namin kayat naisipan ko munang umidlip dahil maaga pa naman ang 6:00 na pagdating ko sa school may 1hr 30 minutes pa ako bago mag bell. Nagising ako sa pag-bukas ng pinto ng room at medyo nainis sa sinabi ng dumating.

"Like hell! Dito ka natulog? Hindi ka umuwi?" Tanong ng dumating. Nainis ako sa tanong niya ngunit nung makita ko kung sino nag tanong ay mas nainis ako lalo dahil si jayson yun.
"Wala kang paki-alam and FYI umuwi ako maaga lang ako dumating at napaidlip, anong oras naba?" Tanong ko kay jayson
"Oras na para mahalin mo ako!" Mahinang sagot niya.
"Ano? Lakasan mo di ko marinig" pag klaro ko
"Oras na para bumili ng sarili mong relo" sagot niya na nakatawa ngunit ikinainis ko lalo ay ang mga pilyo niyang ngiti na nakaka bighani.
"Okay! Whatever!" Sarkastiko kong sagot sakaniya sabay irap.
"7:10 na po highness" sabi niya sakin at lalo akong nainis sa pag tawag niya sakin ng highness.
"highness!!!??" Tanong ko sakaniya
"Uhm Highness, kataas-taasan hindi mo alam?" Pambabara niya
"Alam ko na ang Highness ay kataas-taasan hindi ako tanga" sagot ko
"E, bakit mo tinatanong ang highness, e, alam mo naman pala. Baliw!" Nang-iinis niyang sagot. Hindi ko na lamang siya sinagot dahil para sakin wala nang kwenta pa kung papatulan ko pa siya at naalala ko yung sulat niya sakin at lalo akong nairita at hindi ko na siya pinansin pa hanggang nag si datingan ang mga kaklase namin. At akala kong tapos na ang kalbaryo ko nung umagang yun ay mali pala ako dahil noong breaktime namin ay muli siyang naki share sa table na favorite spot ko ngunit bago pa siya makalapit saakin noon ay tumayo na ako kahit hnd ko pa tapos ang merienda ko at noong tatayo na ako ay hinila niya ako pa-upo sabay banta

"Subukan mo akong iwan dito hahalikan kita sa harapan ng mga estudyante dito" banta niya na ikinatakot ko at dali-dali akong umupo na ikinatuwa niya.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This