Pages

Wednesday, December 14, 2016

Sayo Na Ang Korona (Part 2)

By: Devs

“Your car or mine?”

Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ang pang-aasar na ginagawa ngayon ni Sir Martin sa akin. May tatlumpung minuto pa bago matapos ang aming trabaho ngayong araw na ‘to. At may tatlumpung minuto pa din ako para pag-isipan kung talaga bang sasama ako o hindi sa swimming na ‘to. Nawawala na ako sa mood na sumama dahil sa walang pakundangan n’yang pang-aasar sa akin.

Pamula kasi nang matapos ang lunch break ay sa tuwing makakasalubong ko ito o di kaya naman ay pumupunta ito sa aming departamento ay lagi n’ya akong tinatanong ng kung kanino bang sasakyan ang gagamitin namin.
Hindi naman ito nakatakas sa pandinig ng iba kong kasamahan lalong lalo na sa malanding si Ken. “Bakla ka talaga ng taon! Iba ka gurl!”

Alam ko namang nang-aasar lang at hindi seryoso si Sir Martin sa tinatanong n’ya kaya mas pinipili ko nalang na hindi ito pansinin.

Yung totoo, who are you trying to convince? Sila o ikaw? Basag sa akin ng aking kokote. Huwag ka ngang plastic d’yan. Alam mo namang pinagtitripan ka ni Sir Martin, at alam mo din na kapag nang-trip ito’y tinutotoo n’ya.

“Ano ka ba, Ken. Kita mo namang hindi na makapag-isip ng ayos ‘tong si Lance.” Saway ni Irma kay Ken. “Hindi kasi n’ya alam kung pagsakay ni Sir Martin sa sasakyan nya ay dapat ba naka-trunks na s’ya o hubad all the way na.” Dugtong pa nito na ikinahagalpak ng dalawa.

“Guys, we are still in our working area and we still have approximately 24 minutes before our swimming. So please let me finish my job.” Inis kong sumbat sa kanila.

“Tama si Mr. Gamboa. Hindi n’yo dapat sinasayang ang binabayad sa inyo ng kumpanya.” Singit ng boses ng lalake mula sa pintuan. Agad ko naman itong nilingon at nakatingin sa akin si Sir Martin na animo’y nang-aasar pang lalo at may pagtaas-baba pa ng kanyang kilay.

Arrrghhhh!!!! Ano ba naman kasing nakain ng isang ‘to at ako ang pinagtitripan ng ganito! Sigaw ko sa aking isipan. Pasalamat ka at boss ka dito, kung hindi pinatulan ko na talaga lahat ng banat mo!!!!!

“Irma, hindi nalang ako sasama. Ibibigay ko sayo mamaya ‘yung spaghetti.” Bulong ko sa babaeng katabi ko.

“Sir Martin, hindi nalang daw po sasama si Lance.” Pagbuking sa akin ni Irma.

“Put…!!!” Hindi ko naiwasang maisantinig sa inis.
“If that’s the case, it would be nonsense for me to join you in your swimming, and also nonsense for me to make you all drunk, and most importantly, nonsense din na magbigay ako ng extra off sa inyo.” Sagot naman nito.

Anak ka ng tinapa! Ano bang trip mo at ginaganito mo ako!!?? Gusto ko sanang sabihin pero mas pinili kong manahimik.

“Ano ba ‘yan?! H’wag ganun, Sir.” Sambit ni Alex. “Nakaplano na kami ng langga ko para sa extra off ko eh. Bubuo na kasi kami ng baby.”

“Gago, hindi mo naman mabubuntis si Leo! Walang matres yon!” Si Ken na tinawanan naman ng lahat.

“Lance, naalala mo ‘yung sinabi ko sayo kanina? Alalahanin mong mabuti ang future mo dito kung hindi ka sasama.” Eto nanaman si Ken at pinagbabantaan ako.

“Fine. Fine. Fine. Sasama na!” Sagot ko rito.

Nang tumingin ako sa pintuan ay nand’on pa din si Sir Martin, itinaas pa nito ang dalawa n’yang kamay na nakatikom ang mga palad na animo’y nakapanalo sa laban. Nang mapansin nitong nakatingin ako sa kanya ay agad ko s’yang binigyan ng sarkastikong ngiti.

“Your car!” Sambit nito bago tuluyang naglaho sa pintuan.

Everyone is ready to leave except for one, Sir Martin. May mga dapat pa kasi itong pirmahan na ibinigay lamang ng accounting department sa kanya nung naka-pack na kami paalis. Syempre hindi ako pwedeng umalis dahil sabi niya ay sa akin daw s’ya sasabay.

“Uuna na kami, Lance. Okay lang ba?” Tanong ni Alex.

“Hintayin n’yo na ko, please.” Tugon ko dito.

“Eh matagal pa ata si Sir Martin, eh.” Balik nito sa’kin.

“Sige na nga!” Balik ko naman dito. “Irma, samahan mo ko maghintay kay Sir Martin.” Baling ko kay Irma.

“Ayaw ko nga, may seating arrangement na kami sa van ni Pao, noh. And besides, mas maganda kung masolo mo na ngayon si Sir Martin.” Usal nito sakin.

“Taamaaa!” Sambit ng tatlong bakla. “Kasi mamaya sa’min na s’ya!” Si Ken naman.

“Bye, Lance.” Si Alex muli, kasunod nito ay ang pagsakay nila sa van ni Pao.

Isa-isa silang sumakay sa van, at ang malanding si Irma, sa unahan pumwesto. Palibahasa ay matagal na nitong trip, or it’s much truthful to say na nililigawan n’ya si Pao. Wala namang kaso ito kay Pao dahil eligible bachelor naman ito at walang girlfriend. Minsan nga pinag-iisipan namin na bakla din ito dahil simula daw nang pumasok ito sa kumpanya ay wala pang nililigawan or ipinapakilalang babae sa kanila.

“Ganyan naman kayo eh, hindi makahanap ng suporta sa inyo.” Birong-banat ko sa kanila.

“Kaya nga kami aalis para suportahan ka kay Sir Martin!” Sigaw naman ni Alex.

“Kayo nga, huwag n’yong masyadong niloloko ‘yan si Lance, baka bumigay ‘yan eh madami pang hindi alam ‘yan kay sir Martin.” Ang narinig kong sambit ng isa sa loob ng van habang ito ay papalayo na sa akin.

Hindi ko na inabalang patigilin pa sila para alamin kung ano ang sinasabi nila dahil in the first place ay hindi naman ako interesado dito. I am not even into Sir Martin, they are just making issues para lang ba may pulutan siguro sila. And I don’t mind it dahil alam ko naman sa sarili kong hindi totoo.

Go convince yourself about that! Kontra ng aking isip.

Nagsindi ako ng sigarilyo habang naghihintay kay Sir Martin. Ang isa ay naging dalawa, hanggang ang dalawa ay umapat na. Wala pa din ni anino akong nakikita ni Sir Martin. I came to check on his car if it is still there, nand’on pa naman kaya alam kong nasa building pa ito.

I decided to go back sa floor namin to check on him. And yes, and’on pa nga s’ya sa table n’ya pero tapos na ito sa mga ginagawa n’ya. But it seems like he is still relaxing, I knocked on his door two times before I opened it.

“Oh, nand’yan ka pa pala?” Gulat nitong sambit.

“Opo, sir. Kasi akala ko sa’kin kayo sasabay?” Tugon  ko dito.

“Ay, oo nga pala. Buti nalang ipinaalala mo!” Nakangiting aso nitong banggit.

Shit! Sana hindi ko na sinabi! Dapat umalis na din ako kanina eh! Sigaw ko sa aking isip.

“Aalis na po ba tayo, sir?” Asar kong tanong sa kanya.

“Give me 2 minutes, hintayin mo na ko d’yan. Mabilis lang ako mag-ayos.” Sabi nito na parang nagmamadali na.

Agad naman ding nakapag ayos si sir Martin, agad din naming nilisan ang building at sumakay ng sasakyan. Sa loob ng sasakyan ay wala kaming imikan, binabaybay namin ang daan patungo sa LB. Kung tatantsahin ay may 45 minutes din ang layo ng aming patutunguhan kaya minabuti kong buksan nalang ang stereo ng sasakyan para at least hindi tahimik.

Habang nasa daan ay tila hindi mapakali si Sir Martin, andyan yung gagalawin n’ya yung labasan ng hangin, itatapat sa kung saan saan tapos ay ibabalik n’ya sa kanya. Bubuksan ang bintana tapos ay isasara din. Ililipat ang channel ng stereo pero ibabalik din. Parang bata! Sa isip-isip ko.

Naalarma lang ako nang bubuksan n’ya ang compartment na nasa harapan n’ya. Mayron kasi akong mga itinatagong bagay doon pera, mahahalagang dokumento, condom, lube at baril (for self defense).

“Don’t open that.” Saway ko dito.

“Bakit? Anong meron dito?” Akmang bubuksan na niya ito ngunit ako’y maagap, napigilan ko agad siya.

“Open that or I will leave you here. This is my car and it’s my rule.” Balik ko sa kanya.

“Strikto!” Sambit nito habang tumatawa. “Ano bang problema mo sa’kin at parang ang init-init mo sakin? Alam ko namang hot ako, siguro nag-i-init ka na talaga sa akin ‘noh?”

“’yang ka-angasan mo! ‘yan ang number one na inaayawan ko sa ugali ng tao!” Buska ko sa kanya. “Please be reminded na wala na tayo ngayon sa office kaya kahit anong gawin ko sayo ay hindi na counted sa performance ko.”

“Nakakatakot!” Sambit nito bago muling tumawa ng malakas. “I’m not scared of you, kilala kita, yung mga ganyang klaseng tao yung tipo na puro salita lang pero hindi ginagawa.”

“Don’t dare me, Martin!” me without giving him the courtesy of ‘sir’.

“Why don’t we pull over here and talk for a while. Hindi naman siguro tayo nagmamadali eh, di’ba?” Suhestyon niya.

I thought it was a great idea then, so I pulled over and stopped in the middle of nowhere.

“Okay, let’s talk.” Sambit ko pagkatigil ng sasakyan.

“Ask me anything and I would gladly answer your questions.” Tugon nito.

“Bakit napaka-angas mo!? Akala mo kaya mong paikutin lahat ng tao!?” Inis kong tanong sa kanya.

“The answer is simple. I came from a rich family, I have everything that I need and want.” Nakangising sagot nito sa akin.

“Why do you have to be that arrogant?!”

“I don’t see any arrogance on how I act with others.”

“Sorry, let me rephrase it, why do you have to be so arrogant to me??” Inis ko nang tugon dito.

“Dahil ikaw lang naman ‘yung unang tao na nakapagsuplado sa’kin. I got challenged, so since that day na sinabihan mo ako ng freak, I told myself that I would do anything NOT to please you.”

In all fair, habang nagsasalita siya ay nakatingin ako sa kanya at you can hear nothing but honesty in what he just said.

“And that’s a go signal for you to make my life hard in the company??”

“Hey, wala akong ginawa para pahirapin ang buhay mo sa kumpanya. Kung pinapahirapan kita, hindi ko inaprubahan ‘yung 2 consecuive months mo na employee of the month.” Tugon nito. “I just want a challenge in my life. It’s been so long since I had one.”

Naguguluhan ako sa taong ‘to. Akala mo kung sinong makapagsalita.

“Why don’t you just chill? Let’s just enjoy the night and look forward for a better future for the two of us?”

Ano daw? Two of us? Ano bang trip netong lalaking ‘to? Naguguluhan kong tanong sa aking sarili.

“Sir Martin, let me just say this straight to your face.” Nagpakawala muna ako ng isang buntong hininga bago ako nagsalitang muli. “You are not my type, and I’m pretty sure neither am I your type too. There’s no future for us if that is what you mean.”

“I just asked you to chill, that’s all.” Halata ang pagka-badtrip sa mukha neto. “Just drive and drop me anywhere so I can buy liquor for you, from there I can do commute going back to the office!”

Hala, anong nasabi ko at na-badtrip ‘to?

I got bothered but I started to drive again. There is really an obvious yet awkward silence between the both of us inside the car. I am driving slowly and safely, expecting him to talk before we see the nearest 7eleven along the road. Pero wala talaga. Na-badtrip ko nga ata talaga s’ya.

I yawned a little just to break the silence, but it is pretty obvious that I really got to his nerves this time.

“Gusto mong mag-drive, sir Martin?” Basag ko pang muli sa katahimikan.

I was expecting that he will just reply to what I had just said, but again, I failed.

“Sir.” Tawag pansin ko dito pero wala pa din.

I started to rethink what I have just said a while ago, thinking of what possible word have I said for him to be in this mood. Hindi ko maalala.

Baka naman mamaya okay na s’ya. Bulong ko sa’king sarili.

I just drove and drove more until I saw a 7eleven nearby. I asked him, “Sir, d’yan sa 7eleven, pwede na poba tayong bumili ng alak?”

He just looked at me and did not answer the question.

We are already in LB, at itong 7eleven na madadaanan naming ay alam kong huling 7eleven na bago kami makarating sa aming paroroonan. I decided not to stop at the said convenience store and just proceed to the resort. Baka kasi totohanin nanaman n’ya yung sabihin n’yang uuwi s’ya at ako nanaman ang mapagdiskitahan ng mga kasama ko sa trabaho.

As we were passing by the convenience store, he looked at me.

“Bakit hindi ka tumitigil?”

“Finally!” Sagot ko naman dito.

“Anong finally? Anong iinumin n’yo pagdating mo d’on?” tanong nito sa’kin.

“Finally, napagsalita na din kita!” Nakangiti kong sambit dito. “Pwede naman akong bumalik basta sabihin mo lang na hindi ka na uuwi.”

“So, ‘yun na ‘yon?”

“Anong ‘yun na ‘yon?” Takang balik ko dito.

“Wala man lang sorry? You just hurt my feelings.” Seryoso ang mukha nito na matamang nakatingin sa akin.

Arte!!?? Sigaw ko sa’king isip. “Sorry po, Sir Martin.” I know I sounded sarcastic but I think it just made the difference.

Nakita ko na kasi ‘yung biloy n’ya sa pisngi kaya alam ko na okay na s’ya.

“Babalik po ba tayo sa 7eleven to buy alak?” Nakangiti ko na ding tanong dito.

“Pwede naman.” Maikling tugon nito. At least nag-uusap na kami ulit.

Agad akong nag-U-turn sa daan at bumalik sa naturang convenience store. Agad naman s’yang bumaba dala-dala ang wallet n’ya. Inayos ko ang parking ng sasakyan ko saka pinatay ang makina at sumunod sa kanya.

“Anong trip kaya nilang inumin?” Tanong nito sa’kin.

“Nako sir, ngayon ko lang kasi sila makakasama sa inuman. Pero based sa mga post nila sa FB, parang lagi naman silang naka empi lights.” Tugon ko dito.

“Ahh, brandy.”

Agad naman n’yang pinuntahan ang bentahan ng alak. Nagulat nalang ako nang ang kinukua na niya ay puro Fundador. Limang bote nito.

“Ikaw? Anong trip mong inumin?” Balik tanong nito sa akin.

“Okay naman po ako kahit ano.” Usal ko dito.

“Hindi nga, anong gusto mong inumin? Kasi hindi ako umiinom ng brandy. Sinasama ako dito eh.”

“Ahh. Edi h’wag nalang po ‘yan ang bilhin natin. Baka trip din naman nila ‘yung trip n’yo?”

Waring walang narinig si sir Martin sa’kin. Dala-dala pa din niya ang limang bote ng Fundador.

“Whiskey, umiinom ka?”

“Jack’coke?” Nakangiti kong sambit sa kanya.

“Ano? Nandito pa lang tayo sa 7eleven gusto mo na agad akong jakulin?”

I know I sounded very clear when I said “jack’coke”. Ano nanaman bang pumasok sa kokote neto at nakapagsalita nanaman ng ganon.

I disregarded what he said and grab a bottle of Jack Daniels from the gondola (baka kasi ma-badtrip nanaman sakin eh). “Ilan po nito, sir?”

“Dalawa lang.” Tatawa-tawa nitong sagot sa akin.

Agad ko namang kinuha ang dalawang bote at idiniretso sa counter. Tutulungan ko sana s’ya sa bitbit n’ya pero maagap din ang isang ‘to at kasunod ko na pala. Siya na ang pinakausap ko sa kahero dahil siya din naman ang magbabayad.

“Padagdag na din ng dalawang box ng San Mig Lights na in-can, please.” Utos nito sa kahero. “Tsaka na din mga 6 bags of ice.”

“Lalasingin mo ba talaga kami mamaya?” Gulat kong tanong dito.

Hindi naman ako nito sinagot at binigyan lang ng nang-aasar na ngiti.

“Ay, shit!” Pagsigaw nito dahilan para mapatingin sa kanya ang mga tao.

“Bakit po?” Tanong sa kanya ng kahero.

“Do you have here a disposable underwear?” Deretsahang tanong nito sa kahero.

“Meron po, sir. Doon sa parte na ‘yon.” Sambit nito sabay ang pagturo sa isang corner sa loob ng convenience store na agad naman nitong pinuntahan.

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong hindi mapatawa. Sino ba naman kasing pupunta sa swimming na walang dalang underwear. Wait? Wala nga pala s’yang dalang bag kundi ‘yung dala-dala n’ya sa office kanina ah.

“H’wag kang tumawa d’yan. Tandaan mo, sabit lang ako dito.” Basag n’ya sa’kin.

“Fine! Pasensya na po sa aking pagtawa mahal na prinsipe.” Sarkastiko ngunit pabiro kong sagot sa kanya. “May dala akong extra na short d’yan at extra T-shirt, baka gusto mong hiramin.” Alok ko sa kanya.

“Ayaw ko nga, baka may putok ka pa!” Pagbibiro nito na ikinatawa naman ng kahero.

“Tawa-tawa ka d’yan!” Pansin ko sa kahero. “Baka gusto mong ikaw pagbuhatin ko n’yang mga pinamili naming.” Singhal ko pa.

“H’wag mong pinapansin ‘yan. May period ata kaya maligalig.” Tatawa-tawang sambit nito sa kahero.

“Ang sweet n’yo po. Bagay na bagay kayo. Nakakainggit.” Komento ng kahero.

“Excuse me!?” Agad kong baling sa kanila.

“Di’ba sabi ko sayo, mainit ulo, h’wag mo nang pinapansin ‘yan.”

Bago pa man ako masiraan ng bait sa dalawang ito ay tumalima na ako palabas ng convenience store nang hindi tinutulungan si Sir Martin. Nakakairita kasi ‘yung kahero, feeling close. Akalain ba naman na mag-jowa kami netong kumag na ‘to?!

Ay sus! Kinilig ka naman! Sambit ng isang parte ng aking utak

“HINDI KO S’YA TYPE!!!” Sigaw ko sa loob ng aking sasakyan.

Napansin ko na ang (feeling ko lang) baklang kahero na ito ay tinulungan na si Sir Martin sa pagbubuhat ng kanyang mga binili. Binuksan ko lang ang compartment sa likod pero hindi ko na inabala pang bumaba ng sasakyan para tulungan sila.

“Ang suplado mo daw sabi nung kahero. Sana daw pag bumalik ulit tayo dito eh wala ka ng menstration.” Tatawa-tawang sambit nito sa akin nang makapasok ito sa loob ng sasakyan.

“HA! HA! HA! VERY FUNNY!” This is the most sarcastic laugh and statement that I ever said in my life.

Wala naman itong ginawa kundi ang tumawa ng tumawa sa loob ng sasakyan hanggang sa makarating kami sa resort.

Itutuloy.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This