Pages

Sunday, December 13, 2015

Axcel Sports (Part 2)

By: Axcel

Nakatayo lang naman sa harap ko ang snobero, cold, suplado, hot, at gwapong si Gregory. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko, bigla kong napansin na nakahawak parin pala ang kamay niya sa kamay ko. Tinignan ko yun at binitawan niya ko, dapat pala di ko muna tinignan pabebe haha. “Kailangan kitang hilahin palabas ng gym, andami kasing tao. Di kita masosolo.” Sabi niya sakin na may masungit na boses at pabulong na sinabi ang huling parte pero narinig ko naman. “Ba-bakit mo ko kailangan dalhin dito?” Nauutal kong sabi, nasa may tago kasi kaming lugar medyo malayo na rin sa gym. Walang emosyon ang mga mata niya. “Gusto sana kitang yayain na sumali sa varsity team. Congrats pala. Ang galing mo.” Paasa, kala ko pa naman ano na, varsity thingy lang pala. Ang seryoso niya, parang bored na bored siyang kausap ako. “Sge ba kailan try out?” Sabi ko. Sinabi niya sakin ang schedule at niyaya ako sa canteen para bumili ng drinks.

Nagkwentuhan kami habang naglalakad. Suplado nga siya, minsan ako lang nagsasalita tatango tango lang siya. Napagmasdan ko tuloy ang kanyang kagwapuhan. Singkit na mata, magulong buhok, matangos na ilong, manipis at mapulang labi. “Huwag mo nga akong titigan ng ganyan.” Biglang sabi niya. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko dahil sa pagkapahiya. Tangina naman I have to act normal! “Sorry may dumi kasi, tara bili na tayo nauuhaw narin kasi ako.” Pagiiba ko ng usapan haha. Tinanong niya kung anong gusto ko, sabi ko ay tubig lang. Pero nagulat ako nung bumili siya ng 10 bottled mineral water! “Bakit andami ata?” Tanong ko. “Wala ka namang sinabi kung ilan yung dapat kong bilhin diba?” Sabi niya. Jusko bwisit tong taong to. Nagpasalamat parin naman ako sakanya at nagpaalam na rin siya.

Mukha tuloy akong waterboy. Dala ko lahat ng tubig na binili niya habang papasok sa gym. Hindi ko inakalang ganun siya kasuplado. Sinusubukan kong takpan ang mukha ko kasi nakakahiya, ang dami ko pa namang mga kakilala. At basketball game ang pupuntahan ko kaya mukha talaga akong water boy. “Pahingi naman ako ng isa, Axcel” Sabi ng pamilyar na boses. Humarap ako at nakita ko si Azrael. Ngumingisi ng nakakaloko. Binigyan ko siya ng isa, at maglalakad na sana ako palayo ng hawakan niya ang braso ko. “Bakit kasama mo si Gregory?” Seryosong tanong niya. “Nagusap kami.” Tugon ko. “Anong pinagusapan niyo?” “Azrael, ano ba sayo kung may pinagusapan kami? Wala ka nang pake dun.” Wrong move, masyado nakong bastos huhu. “Sorry, nacurious lang ako. Nakita ko kasi kung pano ka niya hinila palabas ng gym.”
Parang naguilty tuloy ako. Malungkot ang mga mata niya, ang buhok niyang katulad ng kay sendo ay bagay na bagay sakanya, at ang puti pa niya. “Okay lang, sorry din.” Sabi ko ng may pilit na ngiti. Kung si Azrael nalang kaya yung bago kong crush? Hahaha landi. Pero alam kong straight siya, pati naman siguro si Gregory. “Manonood ako ng game ng grade 8, tara sabay na tayo.” Sabi niya habang ngumingiti ng napakatamis. “Oo ba.” Sabi ko ng nakangiti din. Pagkatapos ay kinuha niya ang ibang tubig na dala ko. “Baka mapagkamalan kang waterboy hahahaha.” Tapos ay sabay kaming pumunta sa loob ng gym upang manood ng game.

Natapos ang game ng basketball at natalo sila. Uwian na kaya inayos ko na ang gamit ko. Palabas na sana ako ng gym ng nakita ko si Gregory na may kahalikan na babae. Playboy nga siya katulad ng mga naririnig ko. Hindi kasi yun yung babae na kalampungan niya nung nasa canteen kami. Nakita niya ko at bigla niyang tinigilan ang paghalik sa babae at lumapit sakin. “Hatid na kita.” Sabi niya habang nakangiti. Baliw ata to e. Kadiri sino sino hinahalikan. Ako never been touched, never been kissed. Bibigay ko lang to sa one and only haha. “Wag na, sge na nabitin ata yung babae hehe.” Sabi ko habang nakangiti. “Hindi okay lang yun hehe.” Baliw ata talaga to e. “Wag na nga.” Sabi ko at umalis ng mabilis upang di na niya ko makausap pa. Ewan pero parang nadisappoint ako sakanya.

Tuesday. Second day ng intrams. Kumakain ako at hinahanap ang ID ko ng biglang may nagtext sakin. Number lang. “Hi Axcel. Si Azrael to. Nasakin yung ID mo, nalaglag kahapon nung nagmadali kang umalis. Text back ASAP.” Kaya pala di ko makita yung ID ko. Paano ako papasok ng school niyan kaya tinext ko na siya.  “Kanina ko pa hinahanap ang ID ko, nasayo lang pala. Kita tayo sa gate ng school mamayang 7.” Reply ko, naghintay ako sandali tapos nagreply na siya. Malalaman niya ang number ko kasi mayroon non sa ID ko. “Ang aga aga gusto mokong makita. Namiss mo ata ako hehe. :)” Natawa naman ako sa feelingerong to haha. “Gago haha. Kailangan kitang makita ng maaga kasi di ako makakapasok ng school.” Sumakay nako sa sasakyan namin at papunta nakong school. Di ko namalayan na may 3 text na pala siya. “Sus reasons haha joke. Sge kita tayo. Papunta nakong school, ikaw?” “Axcel tagal mo magreply ah -_-” “Hoy replyan moko! Naghihintay ako.” Natawa ako haha. Nireplyan ko siya na malapit nako.

 Pagkababa ko palang sa sasakyan ay nakita ko na siya. Nakangiti at gwapong gwapo. “Good Morning! Pogi natin ah.” “Good Morning din.” Binigay niya ang ID ko at nagpasalamat ako. Sabay na kaming pumasok sa school. Wala pang gaanong tao. Andaming bumabati kay Azrael, kadalasan mga babae. “Handa ka na ba sa laro mamaya?” Sabi niya. Tinignan ko siya at nakatingin na siya sakin. “Oo naman, seniors kalaban natin diba? Ikaw handa ka na?” Magsasalita na sana siya ng biglang may yumakap sakanya na magandang babae. Nagbubulungan sila, feeling ko out of place ako kaya umalis nalang ako.

Pumunta nako sa court at naghanda na dahil morning ang laro namin. Nakita ko sila Brey, namiss ko na sila. Di ko pa pala nadesescribe mga mukha nila haha. Si Elijah, pinakamatalino samin, payatot pero gwapo. Si Troy, cute kasi medyo chubby. Pinakamatakaw haha. Si Brey, sobrang ganda. Daming nanliligaw kaso kilos lalaki haha. Nagkamustahan kami at ilang sandali lang ay tinawag na kami upang maglaro. “Go Axcel!!!” Sigaw nilang tatlo.

Hindi biro ang mga kalaban namin ngayon. Natalo nila ang Grade 9 kahapon, at natalo namin ang grade 7. Service ni Marvin, ka teammate namin. “Ba't ka nawala kanina?” Si Azrael. “Busy ka e.” At nireceive ng kalaban ang bola, sinet at inispike. Ang lakas kaya out. Nagseservice ulit si Marvin. “Hinanap kaya kita.” Sabi nanaman niya. “Ah okay.” Nagpatuloy tuloy ang laro. Nahirapan kami, pero nakakaya namin, dahil magaling din ang aking mga teammate. Nakuha namin ang first set, at nakuha nila ang second set. Race to 2 lang ang laro kasi masyadong matagal pag hanggang 3. Napansin kong medyo balisa maglaro si Azrael. Puro service error kasi kanina. Di ko namalayan na siya na pala ang magseservice. 13-14 ang score. 14 kami pang last point na. “Ayusin mo Az.” Sabi ko. “Iiwan mo lang ako.” Sabi niya ng nakanguso ang cute niya haha. Kung pasayahin ko kaya siya para umayos ang laro niya. Haha ano naman sasabihin ko? At bigla akong may naisip. “Pag nanalo tayo maglulunch tayo sa labas ng sabay.” Nagliwanag naman ang mukha niya. “Talaga?” Ngiting-ngiting tugon niya. “Pag nanalo tayo haha.” At nagservice na siya.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This