Pages

Thursday, December 31, 2015

Once There was Love

By: Confused Teacher

Hi, I just want to thank first the KM admin for posting my stories and the readers as well for your positive feedbacks/comments.  They are really an inspirations for an amateur writer like me to receive such praises. Dati wala akong hilig magsulat hindi nga impressive ang grade ko sa composition but your comments/feedbacks encourage me  to continue writing.  For those who don’t  know I have sent several stories here like Ang Sakristan,  Sa Likod ng mga Bato, Outstanding Teacher, Exit, Tale of a Confused Teacher, etc. If you were asking why they have different authors it is because they were from different persons.  Merong personal friends ko, merong nakilala ko lamang sa site na ito. Ako lamang ang nagsulat ng stories nila based sa kwento nila sa akin.  May mga konti akong binago, like the names of the characters at ilang dialogue lalo na kung masyadong boring minsan yung exact settings para na rin safe but the storyline ay kung ano yung totoong nangyari. At sisinigurado kong nabasa muna nila at may approval sila bago ko isend sa admin.  My only story here is the Tale of a Confused Teacher pero sa mga susunod kong stories kung payag pa kayong magsend ako I will use Confused Teacher para alam ninyo kung sino nagsulat.  Here’s another story that really touched my heart.  Hope you’ll like it.  Enjoy reading

    “Sige po Tita, papunta na ako diyan.  Saglit lamang po magpapaalam ako.” Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.  Bagamat pinipilit kong magpakatatag pero parang gusto na ng utak kong bumigay.  Dali-dali akong pumunta sa nurse station at sakto naman naroon ang head nurse namin.  Nagpaalam agad ako na may emergency lamang at kailangan kong umuwi.  Ayoko sanang mag drive dahil parang hindi ko talaga kayang mag focus pero this is the fastest way para makarating agad ako dahil kung magko- commute ako ay tiyak na aabutin ako ng siyam-siyam kahit pa alanganing oras naman. Kaya kahit magulo at tuliro ang utak ko kailangang kong magpakatatag. 

    Dalawang taon na rin ang nakakalipas mula noon pero sariwa pa sa akin ang lahat na para bang ang bawat pangyayari, usapan at maging ang sakit ay narito pa rin. Parang kahapon lamang nangyari ang lahat. Ramdam ko pa rin ang lungkot at hindi ko alam hanggang kailan ko titiisin ang lahat ng ito.  Kung pwede lamang sumigaw, magwala, iuntog ang ulo ko sa sa batong kinauupuan ko ngayon.  Dahil maging ang batong ito ay nagpapaalala sa akin ng malungkot  na kahapon.  Gusto ko nang kalimutan ang lahat, tanggapin ang mga nangyari pero bakit ganon,
tila habang pinipilit kong gawin lalo lamang akong nahihirapan dahil ang totoo hindi ko pa rin siya nalilimutan at hindi  pa ako nakakamove on. Hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya.  Maraming gamot para maging matalas ang memorya ng tao pero bakit wala pang nadidiskubreng gamot kung paano makakalimot, paano mawala sa isip ang masakit na kahapon.  Kung meron lamang sana baka pinakyaw ko na. Hanggang kailan ko ba dadalhin ang pakiramdam  na ito?  Oo ayoko siyang kalimutan, dahil alam kong hindi mangyayari iyon, pero gusto ko ng kalimutan ang sakit na hanggang sa ngayon ay patuloy pa ring nabubuhay sa aking katauhan at pakiramdam ko unti-unting namang pumapatay sa akin. Anuman ang gawin ko, saan man ako pumunta anuman ang isipin ko laging naroon siya sa aking alaala.

    After almost 2 hours, nakarating na rin ako sa aking sadya, ang bahay nina Neil.  Hindi ko na naipasok sa gate ang sasakyan ko dahil sa pagmamadali.  Naka uniform pa rin ako galing kasi ako sa OJT.  Sanay na ako sa bahay nila  kaya tuluy-tuloy ako sa loob at umakyat sa hagdanan dahil nasa 2nd floor ang kwarto niya.  Pagbukas ko ng pinto,  sinalubong agad ako ng Mommy niya.  Niyakap at umiyak siya.  “Salamat Arjay at dumating ka hindi ko na alam ang gagawin ko.” Hinaplos ko lamang ang likod niya at tumuloy ako sa kama.  Naroon si Neil.  Natutulog may kumot siya hanggang bewang.  Naupo ako sa gilid ng kama sa may bandang tagiliran  niya at hinawakan ang kanyang kamay.  Pinisil-pisil ko ito habang nakatingin sa maaamo niyang mukha.  Medyo namayat na siya.  Ganoon pa man ay bakas pa rin sa mukha niya ang kagwapuhan.  Dahil nakapikit ay kita ang mahahaba niyang pilikmata na madalas niyang ipinagmamalaki na ginupit daw ng Mommy niya pagkapanganak pa lamang sa kanya kaya humaba ng ganon. Ang maninipis niyang labi at ang makinis niyang pisngi na  hindi man lamang nausuhan ng pimples.   Pero minsan-minsan nakikita kong napapangiwi ang mga labi niya tanda ng nararamdamang sakit.

    “Tita, kailan pa po siya natutulog? Dalhin na natin  siya sa hospital. Nahihirapan po siya kahit natutulog nagre-react ang katawan niya sa sakit.” bulong ko kay Tita na bagamat hindi nagsasalita patuloy ang pagpatak ng mga luha.

    “Arjay, anak iyon din ang gusto ko pero sabi ni Doc, mas makakasama sa kanya kung matagtag pa sa sasakyan.  Kumpleto naman ang medicine niya at maya-maya papunta na rin daw siya meron lamang siyang emergency.” sagot din naman niyang halos pabulong lamang.

    Naramdaman kong pinisil ni Neil ang aking mga kamay.  “Baby, bakit narito ka may pasok ka ah.  Di ba sabi ko naman sa iyo huwag kang nag-a absent, ayus lamang ako huwag mo akong alalahanin.” Paglingon ko gising na pala siya at pilit na ngumingiti sa akin bagamat alam kong nahihirapan siya. Tinakpan ko ng daliri ko ang mga labi niya.

   
“ Baby wala na akong pasok, out na ako kaya ako narito, miss na miss na kita kaya pagkagaling ko sa duty tumuloy na ako dito.  Gusto kasi kitang makita at gusto kong alagaan ka.” Pagsisinungaling ko. Kumunot ang noo niya alam kasi niya ang schedule ko kaya alam kong alam niyang hindi totoo ang sinasabi  ko.  Pero ngumiti ulit siya at pinisil ang kamay ko. 

    “Baby, ibangon mo nga ako, kanina pa yata ako nakahiga, gusto kong sumandal para makita kita ng maayos.” Inalalayan ko siya sa bandang likod niya at umusod naman siya pataas sa headboard, habang inaayos naman ni Tita ang mga unan sa kanyang ulo.  Pagkasandal niya ay ikiniling niya ang kanyang ulo at nakatulog ulit.

    “Tita, ano po ang nangyayari, bakit ganon tulog ulit siya? ang nagtataka kong baling sa Mommy niya.

    “Ganyan siya mula pa kahapon ng umaga, magigising saglit tapos, makakatulog na naman.  Sabi ni Doc, mangyayari daw talaga yun sa kanya  dahil kumalat na sa utak niya ang cancer.  Mahinang-mahina na ang katawan niya.  Natatakot ako Arjay.  Siya lamang ang buhay ko.  Ayoko pa sana anak, hindi ko pa  kayang mawala siya. Pero alam kong nahihirapan na siya kaya hindi ko na alam.“ At muli ay yumakap siya sa akin.

    “Sabi niya kagabi maganda raw ang pakiramdam niya.  Binibiro pa nga ako na pupuntahan daw niya ako sa Manila ayaw ninyo lamang payagan kaya hindi siya nakapunta. Pero kapag nalingat daw kayo tatakas siya.”muli ay nagtataka kong tanong. Kumalas siya sa pagkakayakap at muli naming pinagmasdan ang maamo mukha ni Neil.

    “Kilala mo naman iyan, hanggang maililihim ang nararamdaman, titiisin para huwag tayong mag-alala sa kanya.”

    Si Neil ang boyfriend ko, una ko siyang nakita  noong first day namin sa college.  First time kong mapalayo sa aking mga kamag-anak at hindi ko alam ang gagawin ko.  Pareho kaming taga Laguna at magkalapit  bayan lamang kaya nong unang linggo namin madalas kaming nagkakasabay sa bus terminal.  Magkaiba kami ng course Nursing ako pero hindi ko pa alam dati ang sa kanya.  Kahit hindi naman kami magkakilala ay nagtatanguan kami pag nag tatama ang aming mga paningin at nag ngingitian.   Pareho siguro kaming walang boarding house kaya uwian. Iyon ang naisip ko. Kahit nagkikita kami sa pila ng pasahero bihira kaming magkasabay sa iisang bus.  Nang minsang magkatabi kami sa upuan sa bus nagkaroon kami ng pagkakataong magkwentuhan.

    “Bro, two weeks na tayong sabay lagi dito  pero ngayon lang tayo nakatyempo na magkatabi.” biglang bati niya sa akin. Hindi pa nga sana kami magkakatabi kung hindi may isang pasahero na bumaba at may nakalimutan daw, Kaya sumenyas ang kunduktor ng isa pang pasahero at saktong ako ang nasa unahan ng linya kaya ako ang sumakay.  Sa tabi niya ang bakante.  “Ako nga pala si Neil, taga Pagsanjan.” Nakangiti siya nang magsalita nang matagal-tagal na akong nakaupo sabay abot ng kamay niya.

    “Oo nga, Arjay, sa Lumban naman ako bro.” Inabot ko ang kamay niya at sinalubong siya ng ngiti. 
   
    “Ang lapit mo lamang pala sa amin.  Mauuna lamang ako ng ilang minutes bumaba sa iyo.”  tumango lamang ako kasi ngiting-ngiti siya.

    Nagkwentuhan pa kami ng kung anu-ano doon ko  nalaman na Accountancy ang course niya.  Solong anak at single parent ang mother niya  kasi nabuntis ng foreingner  sa resort na mina manage niya.  Kaso iniwan at hindi man lamang niya nakilala.  Naisip ko kaya pala ang ganda ng kutis niya pati ang tangos ng ilong niya ay hindi pangkaraniwan.  Napansin ko rin ang mahaba niyang pilikmata.  “Ikaw bro, taga Lumban ka ba talaga?” Oo, taga ro'n talaga ang parents ko  at doon na rin ako lumaki. Pero nasa abroad sila kaya madalas ay solo lang ako.” Sagot ko sa kanya.

    “Madalas ako sa Lumban bro, may mga tropa ako don kaya pag hindi busy pumapasyal ako don.” Tiningnan ko ulit ang mukha niya parang natutuwa talaga akong tingnan ang  napaka inosente niyang mukha, dagdag pa ang dark brown niyang mga mata. Ang cute talaga niyang tingnan. At ng isa pang gustong-gusto ko ay ang amoy niya.  Ang bango talaga niya.  Pamilyar sa akin ang amoy na iyon kasi minsan na akong pinadalhan ni Tita nang ganoong pabango.  Cool Water yun kaya madalas kong ipagbilin kay Mommy na ihanap ako pero iba naman ang ipinadadala.

    “Hoy loko, wag mo nga akong tingnan ng ganyan, hindi ako ganon, matitino ang barkada ko don, alam ko iniisip mo.” Sabay tapik sa braso ko.  Napatawa ako iba ang iniisip niyang dahilan ng pagtingin ko sa kanya.  May hindi kasi magandang image ang isang lugar sa bayan namin na kapag sinabi mong pupunta ka don ay iba ang iisipin ng makakarinig.  “Wala naman akong sinabi ah,” at tumawa na rin ako. Alam kong alam niya na nakuha ko ang ibig niyang sabihin pero hindi namin pwedeng sabihin dahil nasa bus nga kami.  Ganoon pa man alam kong nagkakaintindihan kami sa tawanan pa lamang.

    “Hindi nga bro, yung totoo?” ang pangungulit ko.

    “Loko, hindi talaga, promise.  Baka ikaw?”

    “Of course not, kahit minsan hindi ko sinubukan iyon dahil ayoko. Kaya never akong magiging ganon”

    Kung anu-ano ang pinag-usapan namin hanggang makarating kami ng terminal.  Pagsakay ko sa jeep sumakay din siya sa jeep na sinakyan ko bagamat alam kong hindi iyon dadaan don sa lugar nila.

    “Diba dapat Pagsanjan ang signboard ng sasakyan mo, bakit dito ka sumakay? Nagtataka kong tanong.

    “Wala lang para sabay lang tayo ulit usod ka ng konti don.” Sagot naman niya at naupo kaya umusod ako ng konti.

    “Mapapalayo ka niyan diba, kakaliwa na ‘to sa may simbahan.” Paalala ko pa rin sa kanya, bagamat natuwa ako kasi may kausap ako habang nagbibiyahe ulit sa jeep.

    “Maglalakad na lamang ako ng konti maaga pa naman,” Lihim naman akong napangiti, hindi ko alam pero gusto kong katabi pa siya ng mas matagal. Parang nasanay na ako sa amoy ng pabango niya.
   
    Mula noon, sa loob ng 3 weeks ay lagi kaming sabay umuuwi. Naghihintayan na kami sa may gate para sabay kami papuntang terminal.  Kaya lamang minsan inabot kami ng malakas na ulan.  Hindi naman baha kaya lamang ay maulan talaga kaya ang hirap ng makasakay dahil ang mga taxi driver ay nagsuplado na naman ayaw mamansin.  Nagpapa pilit na naman para magdagdag ka lamang ng bayad. After ng ilang oras nakasakay na rin kami sa bus, kaya lang as expected standing na.

    “Bro, mag hanap na kaya tayo ng matitirhan dito sa Manila, ang hirap pag laging ganito.” Ang bulong ko sa kanya nang nakasakay na kami.”

    “Gusto mo bang magboard?” Hindi ko alam kung nabigla siya sa sinabi ko kasi hindi siya nagingiti o bad trip lamang dahil sa nangyari.

    “Oo sana kasi look, basa ang mga shoes natin, baka magka amoy mga paa natin nito, at pati yata brief ko basa rin, ang lamig. Baka mabugok ‘to nilalamig na si jun-jun ko.” Pagpapatawa habang inginunguso ang baba ko,  kaya pati ibang kasakay namin napapatawa at nagbibiro din.

    “O sige, hanap tayo ng bahay bukas, mahaba naman break ko.” Yun lang nasabi niya  hindi kasi kami masyadong makapagkwentuhan dahil magkaside lang kami ang hirap humarap dahil ang dami naming standing. Wala naman kasing problem sa akin ang mag board dahil solo rin namn ako sa bahay dahil ang parents ko nasa abroad parehas.  Malapit lamang naman ang bahay namin sa mga tito at tita ko, pati na rin sa grandparents ko pero parang ganon pa rin mag-isa lamang din ako nakatira sa bahay. At after 2 days nakakita naman kami ng isang maayos na room na tama lamang sa aming dalawa.  Agad kaming nagbayad ng one month advance at one month deposit at nagplano na lilipat din sa darating na Linggo. 

    Naging maayos naman ang buhay namin na magkasama sa room.  Medyo nakakailang lamang nong umpisa dahil pareho kaming solong anak at sanay sa malaking room.  Yun din siguro ang dahilan kaya magkasundo kami.  Isa pa  parehas kaming makalat sa room.  Hindi pwedeng galawin yung mga kalat namin kasi pag nabago ang ayos noon ay mahirap hanapin yung mga bagay na kami lang nakakaalam. 

    “My God, sure ba kayung room ito at hindi basurahan, ano ka ba naman Neil, yang mga kalat na iyan, okey lamang iyan sa bahay dahil nagsosolo ka, pero hanggang dito ganyan ka pa rin hindi ka ba nahihiya sa kasama mo, baka bigla kang iwan niyan.” Minsang biglaang dumalaw ang Mommy niya at nadatnang parehas kaming walang pasok.  Nakilala ko na rin naman ang Mommy niya dahil hinatid niya si Neil noong maglipat kami. Iiling lamang siya habang dinadampot ang mga damit namin na kung saan-saan nakapatong.

    “Ma, hindi po akin lahat iyan, ang iba niyan kay Arjay, akala nyo lamang organize iyan sa gamit, makalat din iyan. Tingnan mo ang cabinet niyan, mas magulo pa mga damit niyan kesa sa damit ko,” pagbibisto sa akin ni Neil. Napakamot na lamang ako ng ulo. Dahil totoo yun magulo talaga ang cabinet ko. Ang hirap kasi mag ayos, nakaka tamad.
   
“Sige, lumabas muna kayung dalawa, bumili kayu ng pagkain natin, Maglilinis muna ako dito at baka kung hindi man kayo magkasakit ay pagbahayan ng daga itong kwarto ninyong dalawa.” Wala na kaming nagawa dahil itinutulak talaga niya kami, kaya lumabas na kami na natatawa dahil talagang hindi matanggap ni Tita ang nakita niya.

    Pagbalik namin, malinis at mabango na ang room namin.  Nakatiklop ang mga damit ko sa cabinet,  nakaayos din ang mga marurumi naming damit sa loob ng laundry basket.  Hindi ko alam kung gaano kami katagal kasi,dahil nakabili siya ng laundry basket, nakita ko din sa sulok na may dalawang malilit na shoe rack at nakaayos doon ang mga sapatos namin pati yung mga tsinelas ay naka hanay ng magkaka partner unlike dati na hinahanap pa namin kung saan-saan ang partner noon bago maisuot.  Bagong palit din parehas ang cover ng kama namin at pati mga punda ng unan. 

    “Ma, baka hindi kami makatulog niyan, maninibago kami ni Arjay sa ginawa mo.” pagbibiro ni Neil, pagkapasok namin. Sinimangutan lamang siya ni tita kaya dumiretso kami sa kusina at napansin ko rin ang linis nito,  Inalis niya ang mga notes namin sa ref, pati mga food keepers ay nakita kong nakaayos sa isang tabi unlike dati na nilalagay lamang namin yun sa lagayan ng pinggan pagka hugas.   

    “Ano kaya kung dito ko na lamang patirahin si Cynthia para may taga linis kayo at taga luto na rin ng pagkain tutal wala na rin naman yung ginagawa sa atin mula kasi ng magboard ka ay bihira na rin akong kumain doon.  Usually ay sa umaga na lamang.” Ang suggestion ni tita habang kumakain kami.

    “Ma naman, ayoko nga, yung babae na yun parang ikaw din ginagawa akong baby non, ayus lamang naman kami dito , medyo busy lamang kaya hindi namin nagagawa ang maglinis.  Saka saan mo siya balak patulugin, iisang room ito alangan namang kasama namin siya dito at kanino siya tatabi.. hindi po pwede sa akin, unless gusto mo siyang maging manugang, at sine set up mo kami, ikaw talaga Ma ha..” Napatawa na rin ako kahit kita kong tumataas na naman ang kilay ng mommy niya.

    “Sira ka talaga Neil, puro ka kalokohan, natural ihahanap ko siya ng matitirhan, kahit ganon yun napaka conservative ng taong iyon.  Nagtanong na ako sa baba at may mga bed spaces naman sila diyan pwede ko siyang ipagrent na matutulugan sa gabi.” Ang naiinis na sagot ni Tita.

    “Basta Ma, no way, hindi pwede, hindi kami papayag ni Arjay, diba ‘tol?” at sinenyasan akong umoo kaya napatango na lamang ako.

    “Ewan ko sa inyong dalawa, bahala nga kayo, malaking bagay sana kung may taga luto na kayo at tagalinis dito, pati paglalaba hindi na kayo magpapa laundry sigurado pang malinis ang damit ninyo.  Pero kung ayaw ninyo ano ba magagawa ko.”

    At sa paglipas nga ng araw ay lalo kaming naging close ni Neil, madalas kung umuuwi kami kung hindi sa kanila ay sa amin kami nagpapalipas ng weekend.  Nakasanayan ko na rin ang mga pangaral ni tita dahil nga sabik din naman ako sa magulang kaya masaya ako bukod sa  naging kaibigan ko si Neil nagkaroon ako ng bagong mommy.. Habang tumatagal ay lalo kong napapansin ang kabaitan ni Neil.  Napaka lambing niya, hinihintay niya ako kapag maaga siyang nakakalabas.  Lagi rin siyang may pasalubong kung may pupuntahan sila ng mga kaklase niya. Alam niya ang paborito ko --- chocolate kaya hindi na ako nagtataka lagi siyang may chocolate at bigla niya akong aabutan pag nasa galaan kami, o kahit nasa room lamang kami. Hindi rin niya nakakalimutang kumustahin ako kung hindi kami nagkakasabay kumain sa tanghali.  Lagi niyang tinatanong kung okey lamang ako kapag hindi ako nagsasalita. Parang ang sarap niyang kasama.  Hindi ko alam kung ganon talaga ang pakiramdam ng may kapatid kasi parang ngayon ko lamang iyon naramdaman.

    Habang tumatagal nagbabago pakiramdam ko pero ayokong tanggapin sa sarili ko na parang mahal ko na siya.  Parang same feeling kasi na naramdaman ko 2 years ago, nong niliigawan ko ang girlfriend ko. Kami pa rin naman hanggang ng mga panahong iyon kaya lamang ay sa province siya nag-aaral kaya dumalang ang oras ng aming pagkikita. At lalo pang dumalang dahil minsan kina Neil ako umuuwi o siya naman ay sa amin.   Pero parehas na pakiramdam yung binabalik-balikan mo yung mga text niya.  Yung feeling na pag naalala mo yung mga ginagawa niya parati o mga jokes na hindi naman nakakatawa bigla ka na lamang mangingiti pag naalala.  Yung pag hindi siya nagtext o tumawag sa time na dati naman ginagawa niya ang ganon, parang nakakainis. Pero alam kong maling bigyan ko iyon ng ganoong kahulugan.  Hindi iyon totoo, alam ko sabik lamang ako sa kapatid at natagpuan ko iyon sa kanya. Ganon lamang din siya sa akin. Ito ang madalas kong sinasabi sa aking sarili.

    Hindi ko makakalimutan kapag pauwi kami sa probinsiya.  nagsi share kami sa isang earphone at kung maganda ang kanta ay sasabayan namin ng mahina. Nagkakatawanan na lamang kami habang tulog ang mga pasahero.  Madalas pasimple siyang hihilig sa balikat ko at magtutulug-tulugan kaya malaya kong napagmamasdan ang kanyang mukha.

    Ang hilig din niyang magluto ng pagkain, palibhasa alam niyang matakaw ako sa mga pagkaing lutong bahay kaya gumagawa siya ng paraan na makapagluto.  Lahat ng paborito kong pagkain pinilit niyang matutunang lutuin kaya laging masarap ang kain ko. 

    “Alam mo ikaw ginagawa mo akong baby, sinisira mo ang diet ko.” madalas kong reklamo sa kanya pag napapadami ang kain ko. Na ngingitian lamang niya ako at hindi na sasagot. Wala naman ako magawa kasi pagdating namin galing sa school mabilis siyang naghahanda o kaya naman sa umaga nakaluto na siya kaya kakain na lamang ako.

    Minsan may project kami sa botany, alam kong mahihirapan ako dahil yung partner ko ay working student kaya wala akong maaasahan.  Hindi ko alam kung paano ko tatapusin.

    “Bro, huwag ka ng mamureblema sa project mo, alam ko kung paano iyan maaayos.  Trust me tutulungan kita. Kaya nang sumunod na weekend ay sa kanila kami umuwi.  Gaya ng nabanggit niya may lupa sila na papunta sa bundok.  Property iyon ng pamilya ng Mommy niya.  Karugtong iyon ng resort na mina-manage ng Mommy niya na family business nila.  Dala ang lahat naming kailangan, camera,  mga plastic na paglalagyan ng ibat-ibang dahon, pagkain namin at iba pa.  Ipinuwesto namin iyon sa isang bato na nakukublihan ng dalawang puno.  Nagsimula na akong magpipicture samantalang kumukuha siya ng sample ng mga dahon nilalagay sa plastic, pag alam niya ang tawag don ay nilalagyan niya ng label ang plastic.

    Tanghali na nang magpahinga kami dahil halos patapos na rin naman.  Napansin kong namumutla siya kaya pinaupo ko siya sa bato pagkatapos kong alisin ang mga gamit namin sa ibabaw.  Maya-maya ay nakita kong hinawakan niya ang kanyang ulo.

    “Bro, okey ka lamang ba, ano nangyari sa iyo?” natataranta kong tanong sa kanya.

    “Hindi na siya nakasagot at nawalan na siya ng malay.  First year pa lamang ako, at wala pa kaming training sa first aid o kahit anong life saving activity kaya hindi ko alam ang gagawin ko.  Naisipan kong tawagan ang Mommy niya, pero busy?”

    “Neil, Neil, anong nangyayari sa iyo.  Neil…” halos maiyak-iyak na ako habang hinihimas ko dibdib niya.  Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.  Maya-maya, nagmulat siya ng kanyang mga mata. Bigla ko siyang niyakap pagkabangon niya. Napaiyak ako

    “Shit, tinakot mo ako, akala ko kung ano na nangyari sa iyo?” Ayos ka lamang ba, o uminom ka muna ng tubig.” talagang tarantang-taranta ako

    “Bkit ka umiiyak bro, akala mo mamamatay na ako? Don’t worry hindi pa ako mamatay.” at nakuha pa talaga niyang magpacute sa akin.

    “At nakakapagbiro ka pa ng ganyan, kung alam mo lamang itsura mo kanina, ewan ko lamang kung hindi ka mag-alala.” Naiinis ako kasi parang wala lamang sa kanya ang mangyari.

    “Huwag ka na ngang mag-alala okey na ako oh, saka bakit ka ba natatakot na mamatay ako? Bigla siyang napangiti.  “Siguro bro, in love ka na sa akin ano kaya ayaw mong mamatay ako.” At tuluyan na siyang tumawa.

    “Baliw, kung anu-ano naiisip mo.  Ayusin na natin mga gamit natin para makauwi na rin tayo.” Pag-iwas ko sa kanya kasi pakiramdam ko namumula mukha ko at ayokong mapansin niya iyon.

    “Hindi nga bro, nai-inlove ka ba sa akin, kasi hindi ka makatingin ng diretso.” Pangungulit niya.

    “Ewan ko sayo, adik ka talaga, baka ikaw ang nai-inlove sa akin, kaya ka nawalan ng malay.” Lumaban ako ng asaran para hindi niya mapansin na talagang nahihiya ako.

    “Paano kung sabihin kong oo inlove ako sa’yo, in love na in love ako sayu, may magagawa ka ba?” Hindi ko alam kung nabigla ako sa sinabi niya o nabigla ako dahil bigla siyang yumakap mula sa likuran ko, kaya hindi ako nakapag salita. Bahagya ko lamang siyang nilingon.

    “O bakit natulala ka, akala mo kagaya mo ako, hindi kayang sabihin ang nararamdaman?”

    “Ano bang pinagsasabi mo, teka nga bitawan,  mo ako, para kang tanga Neil, ano ba pag may nakakita sa atin, nakakahiya iyang ginagawa mo, alisin mo nga yang kamay mo.” Pero kahit anong palis ko sa mga kamay niya lalo niyang hinihigpitan ang pagkakayakap sa akin.

    “Sabihin mo munang mahal mo ako bibitawan kita,” pang de dare niya sa akin.

    “E paano kung hindi iyon ang sabihin ko?” hindi ko alam kung nakuha niya ang ibig kong sabihin.

    “Di hahalikan muna kita saka kita yayakapin ng paharap, tapos papatunayan ko sayo na nagsisinungaling ka lamang” Sabay tawa ng malakas. Aaminin ko nagugustuhan ko ang yakap niya at nag-iiba ang pakiramdam ko sa twing dadampi sa leeg ko ang mainit niyang hininga. Parang kinikilabutan akong hindi ko maintindihan pero masarap sa pakiramdam.  Lalo pang pinapatindi ng amoy ng kanyang pabango na ang sarap amuyin habang nahahaluan ng natural na amoy niya.

    “Ano ba naman dare iyan aba, kakaloko. Bitawan mo kasi naiipit braso ko,” pero habang pumpiglas ako lalo niyang hinihigpitan ang pagkakayakap. “o, sige na. in love na ako sayu, oo na, dali bitawan mo na ako.” naramdaman ko dahan-dahan lumuwag ang mga braso niya hanggang bumagsak sa tagiliran ko mga kamay niya. Paupo na siya sa bato ng lingunin ko siya  halatang malungkot.

    “Hoy, serious ka ba, para tong tanga, bakit ka ba ganyan?

    “Hindi mo talaga ako mahal?” Nakatungo siya parang may kinukutkot sa bato.

    “Mahal siyempre, ikaw ang best friend ko”  at inakbayan ko siya.

    “Hanggang kaibigan lang ba talaga tingin mo sa akin? hindi na ba yun magbabago?” Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

    “Alam mo ang OA mo na, ano ba talaga, ano ba gusto mong sabihin,?” Pilit ko siyang iniharap sa akin saka ko lamang napansin na umiiyak na pala siya.

    “Pambihira, ano bang problema mo, bakit ka umiiyak? ano ba talaga?”

    “Bro, hindi mo ba nararamdaman, mahal kita, hindi lang bilang kaibigan, more than that, Unang kita ko pa lamang sa ‘yo iba na ang pakiramdam ko pero pinilit kong kalimutan pero no’ng lagi na tayong magkasama, wala na akong magawa..  Nilalabanan ko kasi alam ko namang lalake ako at kahit minsan hindi ako nagduda sa pagkatao ko.  Saka itinago ko ang nararamdaman ko kasi ayokong magalit ka, ayokong iwasan mo ako o pandirihan.  Ang hirap bro, araw-araw ang iniisip ko sana paggising ko wala na ‘tong bull shit na nararamdaman kong ito pero habang tumatagal lalo itong tumitinde kaya lalo naman akong nahihirapan dahil alam ko hindi ka ganon. ” At muli tumungo ulit siya at nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa bato kinauupunan namin.

    “Paano kung sabihin kong parehas lamang tayo ng nararamdaman. “ Tumingin siya sa akin kahit may luha ang mga mata niya.
   
    “Bro. please huwag mong gawin iyan dahil naaawa ka sa akin, lalo lamang akong masasaktan, hindi ko to sinabi para i-pressure ka.  Gaya ng sinabi mo bestfriend mo ako at masaya na ako don, sana lang bro, huwag kang magbago.  Huwag mo akong iwasan pagkatapos ng araw na ito.” at muli ay tumungo siya.

    “Hindi bro, totoo sinasabi ko, gaya mo ayoko lamang pansinin dahil natatakot ako na baka magalit ka at layuan ako. pero sure ako sa nararamdaman ko sa yo , mahal kita.” Ako na ang yumakap sa kanya. napaiyak na rin ako habang nakayakap sa kanya. matagal kaming nagyakapan at nang magbitiw kami ay para kaming mga baliw na nagtawanan.  habang pinupunasan ang mga luha sa isat-isa.

    Pero habang pinagmamasdan ko nang mga panahong iyon ang mukha niya, hindi ko na talaga mapigil ang pag-iyak. Gusto ko siyang pasayahin. Gusto kong mabawasan kahit konti ang sakit na nararamdaman niya, pero paano? Ano ang magagawa kung iyong mga duktor na specialist walang nagawa. Kung bakit ba kasi sa kanya pa lumitaw ang tumor na iyon.  Bakit ba nagiging totoo ang kasabihang pag mabait kinukuha agad ni Lord. Bakit ang mabubuting tao pa na gaya ni Neil? Hindi ko makakalimutan kung papaano ipinagtapat ni Tita sa akin ang kalagayan niya. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa amin sa kakahuyan nang minsang dumalaw siya sa boarding house at wala pa si Neil.

    “Arjay, alam kong hindi na iba sa iyo si Neil, at matagal nang ipinagtapat niya sa kin ang narararamdaman niya para sa iyo, Alam kong mahal ka ni Neil. At hindi man gaya ng nararamdaman niya alam kong mahalaga rin si Neil sa iyo kaya karapatan mong malaman ito. At labis ko iyong ipinagpapasalamat sa Diyos na nakilala ka niya.   Noong 2nd year high school  siya nakitaan siya ng brain tumor pagkatapos naming ipa check up dahil sa dumadalas na pagsakit ng ulo niya.  Kinailangan siyang operahan, naging maayos naman ang operasyon, at naging normal ang lahat.  pero bago mag graduation ng highschool muli siyang nakaramdam ng pananakit ng ulo kaya ibinalik ko siya sa duktor niya at yun nga nalaman na may cancer na pala siya.  Nabigla maging ang mga duktor sa mabilis na pag kalat ng cancer cells.  Hindi ko alam ang gagawin. Kahit ginagawa naman ng mga duktor ang lahat inamin nilang nahihirapan sila.  Pero umaasa pa rin kami na gagaling siya.  Ayoko sanang ipaalam sa kanya pero nagi guilty ako kaya ipinagtapat ko na rin.  Iyon nga ang dahilan kaya ayoko sana siyang payagan na mag board sa Maynila.  Gusto ko nakikita ko siya araw-araw para mabantayan siya. Pero nang sabihin niyang payagan ko na siya kasi nga gusto niyang makasama ka. Wala naman akong magawa, bihirang humingi ng favor sa akin ang batang iyan.  madalas ay kuntento na iyan kung ano ang gusto ko kasi nga lumaki naman siya na kami lamang ang magkasama.   Pinayagan ko na siya kahit sa paraang iyon man lamang ay mapasaya ko siya. Minsan na siyang nabigo noong makipag break ang girlfriend niya at ayoko na siyang masaktan muli. Gagawin ko ang lahat sumaya lamang ang anak ko Arjay.” Patuloy ang pagpatak ng mga luha niya kahit nagsasalita siya. Hindi ako nakasagot sa kanya pero maya-maya ipinagtapat ko sa kanya na mahal ko rin si Neil.  Niyakap niya ako at nagpasalamat. Sinabi ko kay Neil na alam ko na ang lahat.  Noong una napaiyak siya pero sinabi niyang tanggap na niya lalo pa at alam niyang dalawa na kami ng mommy niya na nagmamahal sa kanya.  At pagkatapos noon, pinag-usapan namin ang pagduduktor ko para hanapan ng gamot ang sakit niya. Sobrang saya niya dahil sabi niya mahal ko nga raw talaga siya.  At iyon  naman ang totoo gusto kong gamutin siya dahil mahal ko talaga siya.  Gusto ko pang makasama siya ng matagal.

    “Ang sakit, baby, dahil mahal na mahal na kita, ang sakit dahil lagi mo akong dinadamayan sa lahat ng problema ko, kapag nahihirapan ako lagi kang nakaalalay sa akin,  pero ngayong ikaw ang nahihirapan wala akong magawa, hanggang ganito tingnan lamang at bantayan ka. Kung pwede lamang maki-share sa nararamdaman mo ngayon ginawa ko na.”  Nakita kong nagmulat siya ng mata biglaan kaya hindi ko naiiiwas ang mata ko sa kanya.

    “Baby, bakit ka umiiyak, buhay pa naman ako ah.” pagpapatawa niya kahit kita sa mukha niya ang hirap. “Baby, kantahan mo naman ako, iyong favorite mong kantahin sa akin, diba sabi ko pag dumating ang right time na magpapakasal tayo iyon ang wedding song natin at ikaw ang kakanta non. ‘Kaya lang di na yata ako aabot sa araw na iyon.”

    “Baby, huwag naman, hihintayin natin ng sabay ang araw na iyon.”  dati kasi madalas naming kantahin yung Promise of Love pag nagkukunwari kaming kinakasal namin ang sarili namin sa kwartong iyon.  May organ  do’n at habang kumakanta ako ay tumutugtog naman siya saka kami magtatawanan at magyayakapan pagkatapos kumanta. Para kaming mga baliw na paulit-ulit naming isinusuot ang kunwaring wedding ring namin. Pero isang araw sinabi niya sa akin na sa susunod na kakantahin namin iyon dapat sa araw na ng kasal namin sa ibang bansa kung saan legal ang ganoong relasyon.   Pagkatapos noon doon na kami titira para hindi na namin kailangang itago sa ibang tao ang aming nararamdaman.

    “Sorry baby, baka hindi ko na yun mahintay, kaya please kantahan mo na ako. Gusto kong marinig iyon kahit ngayon lamang.  Gusto kong baunin sa pag-alis ko ang boses mo.  Diba sabi ko sa iyo ako ang no. 1 fan mo.  Hanggang ngayon baby fan mo pa rin ako kaya please kahit for the last time kantahan mo ako.”

    Tumingin ako kay Tita, tumango lamang siya sa akin kahit pumapatak ang mga luha mula sa mata niya. Tumayo ako at lumapit sa organ kahit  mabigat na mabigat sa loob ko parang hindi ko kayang tumipa pero pinilit ko para sa kanya at nagsimula akong kumanta

I kneel beside you here today
I kneel beside you and I pray
That it's you, it's only you
Who will share my tomorrows and yesterdays
I searched a lifetime and found you
A bridge to forever I share with you
Open your heart and let me in
As I give you this promise of love...
I heard an angel say your name
Now I know my world's not the same
A little heaven is what you are
As we dream a thousand dreams not so far
And with the blessings from our Lord above
His light will guide us with a love
For you and me forevermore
As I give you this promise of love...
Now that I have you for my own
As God is our witness never let me go
Feel the love grow as we become one
One hand, one heart we are one soul...

    Habang kumakanta ako naramdaman ko nang yumakap siya sa may likod ko at sumabay sa akin sa pagkanta.  Nararamdaman ko na ang pagbabago ng boses ko dahil ang totoo  gusto kong  umiyak na lamang  pero pinipigil ko kaya kahit mahirap  ipinagpatuloy ko ang pagkanta.

I stand before you just a man
I need your help to understand

    Pero parang hindi ko na kayang ituloy ng pasubsob na  humilig siya sa  balikat ko at naramdaman ko nakatulog na naman siya. Inalalayan ko siya ng isang kamay at kahit mahirap ay pinilit kong tinapos ang kanta para sa kanya. Kahit paputul-putol na.

What is love without you
As I promise you this day and forever
This promise of love...

    Nang matapos ako sa pagkanta, dahan-dahan namin siyang ibinalik ni tita sa kama niya.  Nakita ko  naroon na pala sa loob yung 2 tita niya at ilang pinsan.  Naroon din si Jonell, ang bestfriend niya.  Kilala nila ako at alam nilang lahat ang tungkol sa amin.  Tanggap nila kami at natutuwa sila sa relasyon namin dahil hindi naman kami naging kahihiyan sa pamilya nila. Tinanguan lamang nila ako ng makita ko sila.  Nakatayo sila sa may tagiliran ng kama.

    Maya-maya nagmulat ulit siya ng mata. “Baby, pasensiya ka na hindi ko mapigil ang antok ko, parang hinihila ang mga mata ko sa pagpikit.” nginitian ko lamang siya kahit parang sasabog na ang dibdib ko. “Baby, mahinang-mahina na ang katawan ko, ramdam ko hindi na ako magtatagal.” halos pabulong niya sa akin.

    “No baby, gagaling ka pa, huwag kang magsalita ng ganyan, Kaya nga ako magdu duktor hindi ba, di ba yun ang pangako ko sa iyo. magigng espesyalista ako at hahanapan natin ng gamot ang sakit mo.  baby lumaban ka, kailangang gumaling ka, ayokong mawala ka, maawa ka naman sa amin ng mommy mo.  Alam mong kailangan ka pa namin. magdasal ka baby. magdarasal din kami, ipapakiusap natin sa Diyos na gumaling ka, magmamakaawa kami para mabuhay ka lamang.”

    “Pasensya ka na baby, gusto ko din sana kaso mahina na talaga ang katawan ko,   Nagpi-pray naman ako kaya lang parang iba ang gusto Niya.” Saglit siyang tumahimik, nakatingin lamang sa akin. “May dalawa sana akong requests sa ‘yo, sana mapagbigyan mo ako baby.” Tumango lamang ako kahit hindi ko alam kung ano request niya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya. “Baby ipagpatuloy mo ang pagduduktor ha, kahit wala na ako.  Tuparin mo pangarap mo hindi lamang para sa akin. para din sa iyong sarili. Alam ko gusto mo rin iyon.  Pag magaling na duktor ka na gamutin mo yung may ganitong sakit para sa akin.  Kasi ayoko ng may makaranas pa ng ganito.  Ang hirap baby.  Buti na lamang nariyan ka saka si Mommy na nagpapalakas ng loob ko.  Sorry baby, hindi ko na mahihintay ang graduation mo.  Hindi na natin magagawa plano nating bakasyon.  Pero hindi bale masaya na rin ako kasi gagraduate ka na. Ilang araw lamang magiging nurse ka na, tapos magiging doctor pa.  Gusto ko sanang makadalo sa graduation mo kaya lang hindi ko na yata kaya. Pero ipangako mo baby, magdu duktor ka ha?” sa isip ko ano pang silbi ng pagduduktor ko kung ang taong pinaglalaanan ko noon ay wala na.  Gusto ko lamang naman dati na maging nurse para masundan ko mom ko sa London kaya lamang ako magdu duktor para sa kanya. Kasi gusto kong gamutin siya at iyon ang pangako ko sa kanya,   pero paaano ko tatanggihan ang nakikiusap niyang mga mata. Kitang kita ko sa mga mata iyon ang kalungkutan dahil gaya ko gustong-gusto rin niyang matupad ko ang pangarap na iyon.  Hindi ko alam basta tumango lamang ako sabay pagtulo ng mga luha ko.

    Tiningnan niya ang mukha ko, kita ko sa kanya ang sobrang hirap.  Kaya lalong bumilis ang agos ng mga luha ko na hindi ko na kayang pigilan.  Gusto ko sanang itago sa kanya pero hindi ko na kaya. “Isa pa baby, kahit anong mangyari sa akin, huwag kang iiyak ha.” at pinunasan niya ng mga kamay niya ang mga luha sa pisngi ko. “Ayoko nang makita muli ang mga luhang iyan.  kasi kahit nasa kabilang buhay na ako pag nakita kong umiiyak ka malulungkot pa rin ako. Huwag ka nang iiyak ha, ayoko ng makita ang mga luhang iyan, ayokong makita kang nasasaktan dahil alam ko ako ang dahilan niyan.  kaya please baby wag kang iiyak  magagawa mo ba iyon?” Alam kong mahirap iyon at hindi ko alam kung kaya ko, pero hindi ko kayang biguin  ang kahilingan ng isang taong alam kong hirap na hirap na pero ako pa rin ang inaalala.  Sa kabila ng sakit na tinitiis  niya ay kapakanan ko pa rin ang nasa isip.  Tumungo ako at pinunasan ang natitirang luha sa mga mata ko.  Huminga ako ng malalim saka ako nagsalita. “Oo baby pangako.” Hindi ko na napigil ang sarili ko yumakap ako sa kanya pero gaya ng pangako ko hindi ako umiyak. Pinigil ko ang pagpatak ng mga luha ko kahit parang sasabog na ang dibdib ko sa sakit. “Salamat baby I love you.” bulong niya.  “I Love you more baby,” Hinalikan ko siya sa pisngi bago isinubsob ang mukha ko sa balikat niya. “Salamat sa lahat-lahat, yung panahong magkasama tayo ang pinakamasayang mga araw sa buhay ko, mag-iingat ka palagi ha, lagi mong tatandaan mahal na mahal kita nasaan man ako ikaw pa rin ang mamahalin ko, kayo lamang ni Mommy ang dahilan kaya ako nabuhay.” Halos pabulong na lamang ang mga salita niya sa akin.  Hindi ko na kaya, kumalas ako sa pagkakayakap at hinalikan ko siya sa noo.  Tumayo ako dumiretso sa pinto. Hindi ko siya nilingon, hindi ko kayang makita siyang ganon.  Lumabas ako gusto kong sumigaw.  Gusto kong pigilan ang lahat ng mga nangyayari. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo. Pero nang marinig ko na lumakas ang iyakan nila sa loob.  Napaupo ako sa sahig.  Hindi man nila sabihin alam ko ang kahulugan  noon. Pero hindi ako umiyak.  Hindi ko kayang biguin si Neil. Ang sakit-sakit, bakit siya pa, bakit sa amin pa nangyari ang ganito? Tumayo ako, bumaba ng hagdan, naglakad-lakad hindi ko alam kung saan ako pupunta. Pakiramdam ko mag-isa lamang ako ng panahong iyon.   Para akong baliw na dire-diretsong naglalakad kahit alam kong marami ang nakatingin sa aking dahil naka uniform pa ako.

    Sa limang araw na burol hindi ko siya iniwan.  Nagpapaalam lamang ako sa kanya saglit  kapag maliligo ako at magpapalit ng damit.  Gusto kong umiyak pero ayokong biguin siya.  Nakikita ko ang mga tao, tahimik lamang nilang pinapanood ang bawat ginagawa ko.  Sobrang sakit ng nararamdaman ko at hindi ko alam kung papaano mababawasan ang sakit na iyon kahit kaunti lamang.  Madalas gusto ko siyang kausapin pero sa twing babalakin ko ramdam kong parang bubukal ang luha sa aking mga mata kaya, nakukuntento na lamang akong tingnan siya.  At kung minsan habang nakatingin ako at naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko ay iiwas ko na lamang ang mata ko sa kanya.  Ayokong makipag-usap kahit kanino, may mga classmates kami na nakikiramay pero ayoko silang kausapin dahil alam ko pag nagsalita ako hindi ko mapipigil ang mga luha ko.  Alam naman  nila ang tungkol sa amin kaya sigurado ako na  naiintindihan nila pinagdadaanan ko.  Pangatlong araw ng burol nang dumating ang Mommy ko.  Pinipilit niya akong kumain kahit kaunti kaya pinagbibigyan ko dahil alam ko namang nag aalala lamang siya sa akin.  Hindi ko na tinanong kung nasaan si Daddy dahil alam ko tutol siya sa relasyon namin ni Neil.  At kaya lamang hindi siya nagpapakita ng galit dahil kinausap siya ni Mommy.  Pero mula nang ipagtapat ko sa kanya ang tungkol sa amin, dumalang ang pakikipag usap niya sa akin at kung nakikipag-usap man hindi nababanggit ang tungkol dito. Naiintindihan ko naman iyon solong anak nila ako kaya disappointed siya sa naging desisyon ko. Kaya alam kong hindi siya darating.

    Sa araw ng libing blangko ang utak ko.  Hiningian ako ng speech ni Tita, pero hindi ko kayang magsalita. Umiling lamang ako.  Naintindihan naman niya na may pangako ako kay Neil na hindi ako iiyak kaya hinayaan lamang niya ako.  Kahit anong magagandang salita ang sinasabi nila tungkol sa kanya walang nagpapabago sa sakit na nararamdaman ko dahil anuman ang sabihin nila isa lamang ang tiyak, wala na si Neil at kailanman hindi na kami magkikita.  Hindi ko na siya mayayakap, hindi ko na maririnig ang pangungumusta niya pero ang pinakamasakit hindi ko na mararamdaman ang pagmamahal niya.

    “Baby, for more than 3 years, inispoiled mo ako, kaya ngayon ang sakit-sakit dahil hindi ko na alam paano mabuhay ng wala ka.  Hindi ko alam paano ako magsisimula muli.  Dahil hindi ko alam kung kaya kong mabuhay ng hindi ka kasama sinanay mo akong sa bawat oras na kailangan kita lagi kang narito. Kahit may sakit ka ako pa rin ang inaalala mo. Paano ko itutuloy ang buhay ko ngayong mag-isa na lamang ako. Alam mo namang sa’yu lamang ako kumukuha ng lakas.  dati kaya kong harapin kahit anong pagsubok kasi alam ko narito ka lagi sa aking likuran  at kapag bumagsak ako may magtatayo pero paano ako ngayon, kanino ako kakapit baby?”

    Nakaalis na silang lahat pero hindi ko pa rin kayang tumalikod. Gusto ko pa rin siyang samahan.  Parang hindi ko kayang iwan siyang mag-isa. Hindi ko kayang iwan siya sa malungkot na sementeryong iyon.  Nanatili lamang akong nakatayo at pinipilit tanggapin sa aking sarili na wala na akong magagawa.  Pero ang sakit-sakit.  Naramdaman ko  may umakbay sa akin.
    “Let him rest now.  Hindi naman niya gugustuhing makita kang ganyan.” Kahit hindi ko siya tingnan alam ko ang Daddy ko yun.  Sapat na para sa akin na dumating siya.  Niyakap ko siya  at niyakap din niya ako. Tinapik-tapik niya ang likod ko.  Gusto ko lang ng mga oras na iyon na humagulhol,  gustong isigaw ang lahat ng gusto kong sabihin. Gusto kong pakawalan ang lahat ng sakit sa kalooban ko.  Kaya lamang hindi ko magawa kaya hinigpitan ko na lamang ang yakap ko at  kahit papaano natuwa na rin ako dahil  dumating ang Daddy ko. Gusto kong magpasalamat sa kanya dahil kahit kaunti gumaan ang pakiramdam ko ngayong  alam ko hindi man niya sabihin nauunawaan na niya ako.
    Ngayon dalawang taon na ang nakakaraan, isa na akong Registered Nurse.  natupad ko na ang kalahati ng aming pangarap.  2nd year na rin ako sa Medicine Proper.  Ilang taon na lamang ay magiging duktor na ako.  Ang hirap pero alang-alang kay Neil kinakaya ko.  Nasa boarding house pa rin namin ang lahat ng gamit na naiwan niya.  Hindi ko pa rin binabago ang ayos ng aming kwarto.  Pag nagpalit ako ng cover ng aking kama at punda ng unan, kasabay ko pa ring pinapalitan yung sa kanya. Sa mga panahong parang susuko na ako sa dami ng ginagawa namin sa school, siya pa rin ang kinakausap ko.  Hindi man siya sumasagot basta maidaing ko sa lamang sa kanya gumagaan na pakiramdam ko.  Para man akong tanga na kumakausap sa wala naman, isinusumbong ko ang terror naming prof, mga pasaway kong partner sa projects, mga babaeng laging nagpapapansin at kung anu-ano pang kababawan masaya na ako sa ganon. Kapag nalulungkot ako sa gabi at namimiss ko siya, sa bed niya ako nahihiga. Hindi ko pa rin nakakalimutang puntahan ang lugar na ito.  Ang batong ito na naging saksi nang una naming aminin ang aming nararamdaman. Ang batong ito na siya ring naging saksi ng lahat ng sakit na aking pinagdaanan.  At ngayong 2nd death anniversary niya, pagkagaling sa sementeryo dito ako tumuloy alam na ni Tita yun at naiintindihan niya ako dahil dito pakiramdam ko kasama ko pa rin si Neil.  Pero narito pa rin ang sakit.  parang ang lahat ay kahapon lamang nangyari, marahil dahil hindi nga ako umiyak, sa loob ng dalawang taon, hindi pumatak ang luha ko. Kaya nananatili sa dibdib ko ang sakit. Pero gaya ng sinabi niya ayokong ma guilty siya ayokong maramdaman niyang siya ang dahilan ng mga luhang iyon.  Sapat na ang hirap na dinanas niya noong may sakit siya.  Gusto ko lamang ay makapahinga siya kung saan man siya naroron ngayon. Kakayanin at tatanggapin kong ako na lamang ang masaktan huwag na siya.  He deserves to be happy wherever he is.
    Saka ko lamang napansin na hapon na pala.  Gaya ng dati nalibang na naman ako sa pag alala sa aming nakaraan.  Sa lugar na ito ko nailalabas ang nararamdaman ko.  At pag narito ako nalilimutan ko ang oras. Hindi ko na magagawang dumaan sa bahay nila para magpaalam kay Tita  kahit alam kong umaasa siya dahil madalas kong ginagawa iyon sa tuwing papasyal ako sa batong ito at nagpapalipas ng oras. Magkukwentuhan kami at sasariwain ang magagandang alaala ni Neil. Hindi siya nagbago, para pa rin siyang totoong nanay ko.  Hindi pa rin nakakalimot magpaalala sa akin at minsan sa kanya rin ako kumukuha ng lakas para ipagpatuloy ang buhay sa kabila ng pinagdaraanan kong hirap at sakit, at sabi niya sa twing makikita niya ako parang nakikita pa rin niya si Neil at nagpapasalamat siya dahil kahit wala na siya ay hindi pa rin ako nakakalimot.  Kaya minsan-minsan ay nagrerequest siyang sa kanila ako magpalipas ng weekend.  At  kapag maluwag ang schedule ko ay pinagbibigyan ko naman siya.  Minsan naman ay gugulatin na lamang niya ako sa boarding house at may dalang pagkain o anumang prutas na kapanahunan sa aming lugar.
    Nag-apply ako na mag part time sa isang private hospital malapit sa aming school hindi lamang para magkaroon ng source of income kung hindi para na rin mabawasan ang oras ko sa pag-iisa.  At effective naman pagdating ko sa bahay at natapos ang ilang mga assignments namin, maliligo lamang ako at diretso na sa pagtulog.  Hindi ko naman kailangang malimutan siya dahil alam kong hindi mangyayari iyon pero kahit papaano nababawasan ang oras na malungkot ako. Isa pa kailangan ko rin ang ganitong exposure para na rin hindi ako mabigla sa nalalapit kong internship.
    Hindi ko maintindihan ng hapong iyon kung bakit parang balisa ang pakiramdam ko.  Wala naman kaming project o assignment na hindi ko tapos.  Wala namang masakit sa akin. Parang kinikilabutan ako na hindi ko maintindihan. Nag inat-inat ako para ma stretch mga muscles ko kasi parang pagod ako na hindi ko maipaliwanang.  Pumunta ako sa CR para maghilamos at didiretso na ako sa hospital para sa duty ko.  Bigla parang nakaramdam ako ng malamig na hangin sa batok ko kasabay ng pamilyar na pamilyar na amoy na parang sa malapit lamang nangggaling. Lumingon ako pero nag-iisa lamang ako.  Kinilabutan ako pero hindi ako natakot.  Kung si Neil man iyon, magpapasalamat pa ako, dahil mula nang mamatay siya ilang beses ko ng hiniling na magpakita siya o magparamdam man lamang pero walang nangyari.  Sa panaginip madalas ko siyang mapanaginipan pero more than that wala talaga. Gusto ko siyang makausap, gusto ko siyang makita dahil miss na miss ko na siya, sa loob ng dalawang taon ni minsan yata hindi siya nawala sa isip ko.   Nakiramdam ako pero pagkatapos ng ilang saglit nawala naman ang amoy.  Naisip ko imagination ko lamang ang lahat  pero bakit ganon, hindi naman niya birthday, hindi ngayon ang death aniiversary niya hindi rin iyon ang monthsary at lalong hindi namin anniversary. Nang masiguro kong wala naman iyon binalwala ko na lamang, lumabas ako at diretso sa parking lot. 
    Pagdating sa hospital, nakasalubong ko ang dalawang nurses na nagkukuwentuhan. Hindi nila ako napansin dahil busy sila parehas.
    “Ang gwapo no’ng pasyente sa ER ano yung naaksidente sa motor”
    “Oo at ang dimples grabe parang kay Alden Richards, pero super sungit ang hirap kausap”
    “Baka naman dahil sa may masakit sa katawan”
    “Nako ang suplado talaga, kita mo naman hindi ngumingiti saka konting gasgas lang naman wala namang major injury, kung sa iba nga iyon baka hindi na pumunta ng hospital e.”
    Pagkalampas nila, naisipan kong silipin, bagamat hindi ako ang duty sa ER pumasok ako hindi ko alam basta na-curious yata ako sa usapan ng dalawang nurses sa corridor.
    Pagpasok ko pa lamang muli na namang humalimuyak ang amoy ng Cool Water kaya kinilabutan na naman ako. Pinakiramdaman ko pero pabango talaga iyon ni Neil.  Nakita ko ang isang pasyente na kinakausap ng isang nurse mukhang mga kasing edad ko rin siya, nakatagilid siya kaya hindi ko masyadong makita ang mukha niya, pero parang nahihirapan ang nurse, mukhang ayaw magpa inject. Nang makita  ako ng nurse nakakunot na ang kanyang noo at kinausap ako.
    “Arjay, ikaw nga dito, ang hirap kausap, baka kaya mo.” alam kong pigil na pigil siya dahil alam niyang hindi siya pwedeng magpakita ng galit. Hindi man ako duty hindi naman bawal iyon.  Lumapit naman ako. Bahagya siyang umurong para makalapit ako sa pasyente.  Hindi ko alam kung sino sa amin ang nabigla.  Talagang kamukha siya ni Neil,  maliban sa dimples, Mula sa maninipis na labi, matangos na ilong, mahahabang pilik mata ay carbon copy talaga siya ni Neil pati ang hati ng buhok at kulay ng mata.  Hindi ako makapagsalita lalo na ng maamoy ko ang perfume niya ng malapitan.  Para gusto ko siyang yakapin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, nakatingin din siya sa akin marahil ay nagtataka sa naging reaction ko, kaya ako na ang unang nagsalita.
    “Ano ba masakit sa iyo sir?” nagtatanong ako pero iniiwasan kong tingnan ang mga mata niya, kunwari ay hinawakan ko ang braso niyang may gasgas at ini-examine. Pero sa totoo lamang kinikilabutan ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon.  Natatakot ba ako o na-e excite dahil sa totoo lang si Neil talaga ang nakikita ko sa kanya.
    “Kanina masakit ang mga binti ko pero ngayon parang ang puso ko na ang may problema.” Hindi ko alam kung nagpapatawa siya o ano pero sinakyan ko ang pagpapatawa niya.
    “Dapat pala sa heart center ka pumunta.” at tiningnan ko siya sa mga mata niya na halatang nagpapa-cute kuhang-kuha niya ang style ni Neil. Napangiti na lamang ako kasi alam ko namang sinasadya niya kasi nakangiti rin siya at nakatitig sa akin.
    “Bakit lalayo pa ako, alam ko namang narito ang magaling na nurse na mag-aalaga sa akin at narito ang gamot na kailangan ko.”  Sabay pisil sa kamay ko, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko, caught offguard.  Pakiramdam ko nagbubulungan ang mga tao sa ER.  Pero may hatid na kakaibang kiliti ang mga salitang iyon at kinikilig din ako, lalo pa at hawak niya ang isang  kamay ko. Kaya para hindi niya mahalata  bigla kong iniba ang topic.
    “Ang ibig kong sabihin sir, ano ba nararamdaman mo ngayon?” Pero iniiwas ko ang mata kong muling mapatingin sa kanya.  Pakiramdam ko kasi nanlalamig ako at sigurado ako namumula ang pisngi ko.
    “I think I’m in love.” at hinawakan niya ang isa ko pang kamay saka tumitig sa akin ang mapupungay niyang mga mata.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This