Pages

Sunday, December 13, 2015

Semicolon (Part 1)

By: G

Chapter 1: Sa lilim ng Punong Nara.

"Putang Ina nyo! Mga Hayop kayo! Mag si gising na kayo! Mga Gago kayo! Punyeta, kaya hindi tayo umunlad dahil sa ang kukupad nyo! Tang Ina! Tanghalina, bumangon na kayo!". Pasigaw na sabi ng aking Ina.

Nasanay na ako sa bawat umaga na ang aking almusal ay mura nahinahain samin ng aking Ina, mainit na suntok, masabaw na tadyak at malutong na samapal naman ang aking hapunan mula sa aking mapag-mahal na Ama. Ang sarap mabuhay. Tama ba?

Pag patak pala mang ng alas-otso ng umaga akoy lumalarga na para kumita ng pera, kasama ang aking mga kapatid, sa murang edad natuto akong dumiskarte sa buhay para may maiabot na tulong sa aking mga magulang, nandyan yung maglilinis ng sasakyan, mamamalimos, mag tatawag ng pasahero at marami pang iba. Kahit kailan hindi pa ko nakapasok ng paaralan, gayun din ang aking mga kapatid, "No read, No write" kung baga. Sabi kasi ng aking mga magulang gastos lamang daw yun at alam daw nilang wala akong matutunan.

 Panganay na anak ng isang 'Mama Sang' dating hostes at puta sa club, yan ang aking Ina, Adik, basagulero, sugalero, lasingero at babaero naman ang aking Ama. Napakatino ng aking mga magulang, Wala akong tulak kabigin sa kanila.

Isang umaga habang akoy nangangalakal aking natanaw kumpol ng mga bagong sibol na kabataan sa isang lilim ng Punong Nara at sa di kalayuan may mga binata't dalagang naglalakad patungo sa lugar ng mga bata, may lulang kariton mga aklat na basahin, panulat, papel at pangkulay matatanaw din ang malaking kaldero na palagay ko'y pagkain.

Nag patuloy ako sa aking pangangalakal; nag patuloy din ang takbo ng oras, muli akong hinatak ng aking mga paa patungo sa lugar na kung saan nag titipon ang mga bata sa ilalim ng lilim ng Punong Nara. Nang aking pag balik natanaw ko ang dalawa kong nakababatang kapatid na tila'y humaling na humaling sa kanilang ginagawa, may kung ano sa isip ko na nag wiwikang sila'y aking lapitan para malaman ang kanilang ginagawa.
Namalayan ko nalang ako'y nasa lilim na din ng Punong Nara, nag mamasid, nakikinig at sumusubaybay sa aking dalawang kapatid gayun din sa mga iba pang bata. Ang mga binata't dalaga ay nag patuloy sa kanilang pag tuturo.

Lumipas ang araw, linggo, buwan ng pag tityaga ng mga kapatid ko, at sila'y natutung mag basa at mag sulat. Ako'y nakadama ng inggit, nais ko ding matuto, "Ayaw kong mamatay na mangmang" sabi ko sa sarili ko.  Isang araw aking kinausap ang isa sa mga lalaking nag tuturo o umaasta na parang isang maestro.

Ang kanyang ngalan ay Alexis, matipunong lalaki, maputi, medyo bilugan ang mata, may matangos na ilong, pantay at mapuputing ngipin at mapupulang labi. Matangkad sya sakin ng dalawang pulgada, ako'y sumusakat lamang ng 5'6" at sya ay 5'8" hindi katulad kong madungis, kayumangi at katawang hubog ng kahirapan pero parehas kaming nasa disi otso pa lamang. Magalang na pinaunlakan naman nya ang aking pakiusap na ako'y turuang mag-basa, mag-sulat at bumilang ng palihim.

Inumpisahan na nya ang palihim na pagtuturo sa akin, napili nyang oras ay alas kwatro. Pagkatapos ng aking pag babanat ng buto at maasikaso ang dapat tapusin sa bahay ako'y nag tutungo na sa aming tinakdang tagpuan para ako ay kanyang turuan. Matiyaga nya akong tinuturuan kahit napapansin ko na madalas ang pag hikab nya. Sa tuwing matatapos ang kanyang klase sya'y dumidiretso na sa aming lugar na kanyang napili para ako'y turuan.

Ako: Ayos ka lang ba? Mukang nais ng mag pahinga ng katawan at diwa mo?

Alexis: Oo naman ayos lamang ako. Huwag mo kong intindihin napagod lamang ako sa eskwela pero kaya ko pa.

Ako: Ganun ba? Sabihan mo ko kung napapagod kana't  gusto mo ng mag pahinga. Para maiayos ko na ang mga gamit.

Alexis: "Mapapagod lang ako pag hindi ko gusto ang aking ginagawa". Oo ika'y aking sasabihan pag nais ko ng magpahinga.

Ako: Maraming Salamat sa iyong pag tityaga.

Alexis: Ako ang dapat mag Pasalamat sa iyong pag titiwala. Maraming Salamat.

Lumipas ang mabilis na panahon. Ako ay nagagalak ng lubos ng maisakatuparan kong matutong mag sulat at mag basa. Ang unang tao na aking ginawan ng liham ay si alexis; Liham ng pag papasalamat. Ito ay malugod naman nyang tinangap.

Nag lalakad ako ng isang tanghali mga bandang alas dos y medya para mangalakal. Nang may kumalabit sa akin, ng aking lingunin ay si Alexis pala at syay nakangiti at mukang galing eskwela, maaliwalas ang muka.

Ako: Oh Alexis ikaw pala kamusta maestro?

Alexis: Ayos lamang ako. Nabasa ko na nga pala yung liham mo Mark, napakaganda ng lintaya. Salamat para sa magandang liham. At sya nga pala tigilan mo ang pag tawag sa akin ng maestro ako ay nahihiya.

Ako: Maraming Salamat talaga sa pag tatiyaga. Napakasarap mag basa at magsulat.

Alexis: Ako'y natutuwa ng ganyan ang iyong pakiramdam. Masaya akong makatulong. Gusto mo bang mag-aral?

Ako: Gusto ko sana kaso...

Alexis: Kaso ano? Anong bumabagabag sa iyo?

Ako: Nahihiya ako sa edad kong ito, para bang niluma na ng panahon at tsaka hindi ako papayagan ng aking magulang, sayang oras lang daw ang pumasok sa eskwela, mas-isipin ko daw ang kumakalam kong sikmura.

Alexis: Sus! Mark wag kang mahihiya, magiging inspirasyon ka pa nga sa iba na gustong matuto sa kabila ng iyong edad. Gusto mo bang ipag-paalam pa kita sa iyong magulang? At kumbinsihin sila na nais mong mag-aral. Sayang may bagong programa pamandin ang pinalatastas sa plaza nung nakaraan para sa libreng edukasyon. Kung hindi ako nagkakamali programa iyon ni Mayor.

Ako: Nako Alexis wag na. Maraming salamat nalamang. At yung tungkol sa mga magulang ko kalimutan mo nalang na ipagpaalam mo ko dahil buo ang kanilang loob na hindi ako ipapasok sa eskwelahan. Masaya na kong marunong na kong mag sulat, mag-basa at magbilang. Salamat sa iyo.

Alexis: Sana pag-isipin mo at kung sakaling mag bago ang iyong isip alam mo naman kung saan ako pupuntahan katok ka lang. Oh sya akoy mauuna baka ako'y hinahanap na ni Nanay. Paalam na muna.

Matapos ang tagpong iyon, may kung ano sa aking puso na nag-sasabing aking puntahan si Alexis para akoy mag-aral at pumasok sa eskwela. Pero nababagabag talaga ang aking isip na baka kung ano lang ang mangyari sakin, dahil sa ayaw ng aking mga magulang...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This