Pages

Sunday, December 6, 2015

Indigo Chapters

By: Kier Andrei

Authors Note: Hi! It’s me again. :-) By the time I finished writing this, hindi pa naka-post iyong pangatlong kwentong isinulat ko na “Chances Are”, so gusto ko munang pasalamatan lahat ng mga nagtiyagang nagbasa ng “You Again” at “Somewhere Along The Line”. I hope you would enjoy “Chances Are” and this story.
This is way longer than the first three. Doble yata ang haba. Sinadya ko iyon dahil ito na rin po ang huling kwento na ipapasa ko para sa site na ito. I have enjoyed writing these stories and I do hope that you enjoyed reading them too.
Muli, maraming-maraming salamat po sa maganda ninyong pagtanggap sa mga sinulat ko. This site has shown me the warmest audience I have ever had when it comes to the things that I write. I really appreciate all of your comments.
To the moderator/s of this site, maraming salamat po sa opportunity. I can only imagine how you feel pagbukas ninyo noong world file nang mga isina-submit ko na pagkahahaba. :-)
Again, maraming salamat. :-)
I didn’t proofread this one either so pasensiya na po kung may mga mali-mali.
---------------------------------------------------------------------------------
“Noong umulan ng katangahan sa mundo, nauna ka talaga sa pilahan at may dala ka pang drum, ano?”
Kung nakamamatay lang siguro ang salita ay kanina pa ako nangisay sa lahat ng pinagsasabi ni Kristine. Nagamit na yata niya ang lahat ng murang alam niya sa akin. Mag-iisang oras na niya akong binubungangaan pero mukhang madami talaga siyang dalang bala kaya’t hindi pa rin tumitigil. Pakiramdam ko nga, literal na isinulat pa niya ang lahat ng iyon at saka iminemorya bago niya ako pinuntahan.
“Hindi kaya! Naka-swimming trunks ako at nagtampisaw sa baha.” Pambabara ko sa kanya na lalo niyang ikinainis. Ni hindi ako nakaimik sa sobrang sakit ng sampal na isinagot niya sa akin. Kung lumakas pa siguro iyon ng konti ay nawalan na ako ng malay.
Wala pang limang talampakan ang taas ni Kristine maliban na lamang kapag nakasunot ng high heels pero isang malaking pagkakamali ang maliitin siya. Kung ano ang iniliit niya ay ganoon din naman kalaki ang personalidad niya.
Siya iyong tipo ng babae na lilingunin ng kahit na sino dahil bukod sa maganda ay sexy din ang katawan. Lalo pa nga at madalas ding daring ang mga damit na suot niya. Huwag mo lang talagang gagalitin dahil hindi siya magdadalawang-isip na umbagin ka na akala mo ay isang tambay sa kanto. Naka-heels pa siya sa lagay na iyon kapag nagkataon.
“What the fuck are you thinking? O baka naman mas magandang tanungin kung nag-iisip ka pa ba?” Aniya habang dinuduro-duro ako. Mahilo-hilo pa ako sa ginawa niyang pagsampal sa akin kaya hindi ako nakasagot.
“James naman! Tinarantado ka na niya at lahat! Tapos ngayon, ikaw pa ang mag-aalaga sa kanya? Anak ng puta naman! Eh kahit si Rizal pagtatawanan na iyang katangahan mo eh!” Patuloy niyang litanya. Nagpakawala muna ako ng isang malalim na buntong-hininga bago ko siya hinarap.
“First, don’t slap me like that ever again if you don’t want me to press charges. Pangalawa, ano bang gusto mong gawin ko? Pabayaan na lang siya?” Tanong ko sa kanya. Gusto ko na sanang tumayo mula sa sofa kung saan ako naka-upo pero sigurado akong lalo lang kukulo ang dugo ni Kristine.
Malayong mas matangkad ako sa kanya sa taas kong mahigit anim na talampakan at isa sa pinakaayaw niya ay iyong kailangan niyang tingalain ang isang taong sinesermunan niya. Kaya nga kapag ganoong alam kong pupurgahin niya din lang ako ng sermon, uupo na lang ako. Mas maganda na kasi iyon kesa hintayin ko pang sikmuraan niya ako para lang hindi niya ako kailangang tingalain.
“Yes! I am more surprised na hindi ikaw ang sumagasa sa kanya! Gusto ko ngang ipahanap ang hulog ng langit na driver na iyon eh at bibigyan ko ng pabuya!” Gigil niyang sabi.
“Aling parte ba ng nanggaling sila ng estudyante niyang wala pang disi-otso sa isang motel ang hindi mo naintindihan at ipapaliwanag ko sa iyo? He let a freaking minor fuck his brain out! Kung ako lang ang tatanungin, dapat lang talagang masagasaan siya!” Dagdag pa ni Kristine.
Sa unang pagkakataon, gusto kong hilingin na sampalin na lang niya ako ng paulit-ulit kesa sa iparinig sa akin ang mga salitang iyon.
Hearing her say those words made everything so real that I can no longer deny it. Paul cheated on me. The worst part of it is learning about what happened from the policeman who called to inform me that he got hit by a car as he was getting out of the motel with the kid. In shock, isinugod din sa hospital ang bata dahil inatake ng asthma bigla, at pati iyon, ako din ang nag-asikaso.
I even had to pretend as the kid’s brother para lamang sana hindi na tawagan pa ng mga pulis ang mga magulang niya. Ang kaso, huli na ang lahat dahil natawagan na ng mga pulis ang mga magulang nito. At imbes na sunduin ang bata sa ospital, inihatid lamang ng mga magulang nito ang mga damit niya doon at sinabihang huwag nang magpapakita sa kanila.
“At talagang kailangang pati ang kalaguyo niya, aampunin mo? Ano bang akala mo sa bahay mo? Caritas Foundation? Boy’s Village?” Patuloy na litanya sa akin ni Kristine. “Eh punyeta naman, James! Mag-isip ka naman!”
“God! Kristine! He’s just sixteen! Anong gusto mong gawin ko? Iwanan siya doon? He made a mistake! Both of them did. Ano? Gagaya ako sa mga magulang niya na basta na lamang siya iiwan kung saan dahil lang sa nagkamali siya? I’m not that heartless!” Inis ko na ring sagot. Hindi nakakatulong ang pag-aalburuto ni Kristine sa dinami-dami ng gumugulo sa utak ko.
Halatang hindi niya inaasahan ang pagsagot kong iyon dahil natulala lang siyang napatingin sa akin. Ako man ay nagulat din sa sarili ko.
“You should be. Kahit ngayon lang. After what they did to you, you have every right to be heartless.” Mas mahinahon na sabi sa akin ni Kristine. Halatang-halata sa boses niya ang nadarama niyang awa para sa akin.
“What’s really going on in that crazy head of yours, James?” Tanong niya kapagdaka. Nginitian ko lang siya ng mapait bago ako nagsalita.
“I’m not really sure myself...” Sagot ko na lang.
Matagal-tagal din kaming natahimik ni Kristine. Tumabi na din siya sa akin sa may sofa sabay sandal ng ulo niya sa balikat ko. Pareho lang kaming nakatingin sa bintana, pinapanood ang pagpatak ng ulan.
“Are they going to be okay?”
Nilingon ko muna si Kristine para siguraduhing sa kanya talaga nanggaling ang tanong at saka ako napangiti. She maybe angry at Paul and the kid but that doesn’t really stop her from worrying about them. Pareho lang naman kasi kami eh, masakit magsalita pero malambot ang puso. Iyon nga lang, pagdating sa katangahan, mukhang mas lamang ako.
“I hope so.” Maikli kong sagot. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at pinilit na salubungin ang mga mata niya.
“And you?”
Pinilit kong ngumiti kahit pa nga gusto ko nang umiyak. “I’ll survive.”
Niyakap lang niya ako pagkatapos noon. Maya-maya pa, ay tahimik kaming bumalik sa panonood sa pagpatak ng ulan sa may bintana.
Hindi ko alam kung anong oras akong nakatulog ng gabing iyon pero umaga na ng magising ako. Ni hindi ko na nga namalayan na sa sofa na pala ako nakatulog. Hindi ko din matandaan kung nagpaalam ba sa akin si Kristine na uuwi o hindi. Malamang ay dahil na din iyon sa sobrang pagod at stress na naramdaman ko.
Paggising ko, naka-upo sa katapat kong upuan ang batang kasama ni Paul, nakatungong naghihintay na magising ako. Ni hindi man lang siya nagtaas ng mukha nang bumangon ako sa pagkakahiga sa sofa. Mas malamang sa hindi kasi ay alam na niya kung ano ang relasyon naming dalawa ng teacher niya. Nagkalat naman kasi sa buong bahay ang mga larawan namin ni Paul na magkasama at meron pang mga ilan doon na naghahalikan kami.
Pinasadahan ko lang siya ng tingin. Kung hindi ko nga lang talaga alam ang totoo, hindi ko aakalaing disi-sais pa lamang ang lalaki sa harapan ko. Kahit na halos nakayupyop na siya sa may upuan ay hindi maipagkakamaling matangkad siya at talagang malaking bulas. Sa unang tingin, hindi mo talaga masasabing fourth year high school pa lamang ito.
Masakit mang isipin ay nakikita ko kung paanong na-attract sa kanya si Paul. Paul had always been a sucker for his type. The kid was like a younger version of Akihiro Sato. Hindi na ako magtataka kapag nalaman kong may lahi siyang Hapon. He was also well-built for his age kaya nga nagtaka pa ako ng sabihan ako noong doctor na inatake siya ng asthma. Kung hindi ko pa nakita na nine-nebulize siya ay hindi pa ako maniniwala.
“Inatake ka pa ba kagabi?” Mahinahon kong tanong sa kanya. Tumango lang siya na hindi man lang nagtataas ng tingin. Napabuntong-hininga ako ng wala sa oras.
“Look at me.” Utos ko sa kanya na agad naman niyang sinunod. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya. Nangingilid na din ang luha niya ng mga oras na iyon. Ewan ko. Siguro nga malambot lang talaga ang puso ko dahil ng mga oras na iyon, wala akong ibang maramdaman para sa kanya kundi awa.
“I don’t even know your name.” Sabi ko sa kanya. Ilang beses muna siyang napalunok bago niya ako sinagot.
“Nowaki Sakuraga, sir.” Hindi man ako nagulat sa pangalan niya, nagulat naman ako sa baritonong boses niya. Kahit naman kasi nag-usap kami noong nakaraang gabi ay hindi ko iyon napansin. It was the last thing on my mind lalo pa nga at under observation si Paul. Kung hindi pa nga ako sinabihan ng kaibigan namin at co-teacher niya na si Ella na umuwi na muna para makapag-isip ng maayos ay hindi pa ako aalis ng hospital.
Tinitigan ko lang si Nowaki. Just like Paul when I first met him, he looked lost. Nakikitira lamang noon si Paul sa lola niya matapos mamatay sa aksidente ang mga magulang niya. Hindi pa man kami nakaka-graduate ng college ay namatay na din ang lola ni Paul dahil sa sakit. At tulad din ni Paul, wala na siyang ibang pupuntahan.
Siguro nga, sa aming tatlo, mas maswerte pa rin ako, dahil maliban sa tanong nina Mama kung kailangan na ba nila akong ipagpatayo ng parlor nang sabihin ko sa kanila ang preferences ko, wala akong ibang narinig. Pagka-graduate ko nga ng college, itong bahay na tinitirhan ko pa ang ibinigay nilang regalo. Ako ang nagdisenyo pero sila ang gumastos. They were always so supportive kung ano man ang gusto kong gawin sa buhay. Ang mahalaga daw, masaya ako.
Kaso, kami na ni Paul noon, at tulad ng mga tatanga-tangang in love, hindi ko kayang humiwalay sa kanya ng ganoon na lang. Kinunsinti naman ako ng mga magulang ko. They even asked Paul na sa bahay ko na lang tumira para hindi daw ako mag-isa pero desisyon namin ni Paul na huwag na lang muna lalo pa nga at pwede iyong maging dahilan ng pagkakatalsik niya sa eskwelahan kung saan siya nagtuturo.
Paul loved his job. Kaya siguro ganoon na din lang ang gulat ko na nagawa niyang makipag-relasyon sa isang estudyante.
Mahal nga niya siguro ang batang ito, anang isang parte ng isip ko habang nakatingin kay Nowaki. Masakit, pero iyon naman ang reyalidad. Paul was willing to risk everything for Nowaki, isang bagay na ni minsan, hindi niya nagawa para sa akin.
Pilit kong iwinaksi iyon sa isip ko at nagtungo sa kusina at saka nagsimulang maghanda ng kakainin namin. Ramdam ko ang pagsunod ni Nowaki ng tingin sa akin pero hindi ko na din iyon pinansin. Kailangan kong makabalik sa ospital para tignan ang lagay ni Paul. At alam ko rin na gusto siyang makita ni Nowaki.
Kumain lang kami ni Nowaki at nagbihis. Pagkatapos noon ay dumiretso na kami ng hospital. Hindi kami nag-uusap. Wala din naman akong maisip na pwede naming pag-usapan dahil iyong isang bagay na dapat naming paggugulan ng panahon at mahabang diskusyon, hindi pa ako handang harapin.
Tulog pa rin si Paul nang dumating kami at tulad noong una ko siyang makita, naninikip na naman ang dibdib ko. Sugat-sugat ang kaliwang parteng mukha niya at ng mga oras na iyon ay magang-maga pa rin. Iyon kasi ang tumama sa hood ng kotse matapos siyang mabangga. Natatakpan ng kumot ang mga binti niya pero kitang-kita na parang mas mataba ang kaliwa niyang binti adhil na din sa mga sling na inilagay doon. Bali ang mga buto niya doon at kailangang operahan.
Nangilid ang luha ko pero pilit kong pinaglabanan samatalang si Nowaki na mas malaki pa sa akin ay tuloy-tuloy na ang daloy ng luha sa pisngi niya. Sa totoo lang, gusto kong magalit sa kanilang dalawa pero hindi iyon ang kailangan nila sa akin ng mga oras na iyon.
“Kakausapin ko lang ang doktor.” Paalam ko kay Nowaki. Tumango lamang siya at naupo sa upuang nasa tabi ng kama ni Paul. Sabay na kaming lumabas ni Ella ng kwarto.
“Hindi mo kailangang gawin ito, James.” Mahinang sabi sa akin ni Ella ng makalayo kami sa kwarto. Tinignan ko lang siya at ngumiti ng malungkot.
“Siempre fiel,” sabi ko lang na ikinakunot ng noo niya. “Forever faithful. Iyan ang ipinangako ko sa kanya nang maging kami. He made a mistake, Ella, and he’s paying dearly for it. Ngayon ko pa ba siya iiwan kung kailan niya ako kailangang-kailangan?”
“But this is too much. Pati ba naman lalaki niya ikaw pa ang mag-aalaga? Kaibigan ko din si Paul pero sobrang katangahan naman yata nito, James. You don’t owe the kid anything.” Mahinahon pero may diing sabi sa akin ni Ella. Hinawakan pa niya ang mga kamay ko at pinisil.
“I can’t leave him like that, Ella. Ikaw din naman, iyon din ang gagawin mo kung ikaw ang nasa kalagayan ko. How can I leave a minor on his own after something like this? Isa pa, sigurado akong kapag nagising si Paul, hahanapin niya si Nowaki.” Sabi ko na lang.
“Even kindness has it’s limits, James. Ganoon mo na lang bat alga siya kamahal na pati pagkakamali niya, ikaw pa ang aako?” Naiiling niyang tanong sa akin.
“Hindi din. Mas takot lang akong mawala siya.” Sabi ko.
Paul was my college best friend. Magka-batch kami sa isang pribadong unibersidad sa may Espanya. Kahit magkaiba ang kurso, siya ay Education major samantalang ako ay Architecture, pareho kaming parte ng debate team. Nagparamdam na siya sa akin noong first year pa lang kami pero hindi ko pinansin.
Katulad ng karamihan, in denial pa rin ako noong kapapasok ko ng kolehiyo. Iyon din ang dahilan kung bakit kahit ang bait-bait nina mama at papa, nagrebelde ako. Umabot pa nga sa punto na nabuntis ko ang girlfriend kong si Angie noong second year college pa lamang ako. Kung hindi nga lang siguro siya namatay sa panganganak ay malamang, may asawa pa rin ako hanggang sa ngayon.
I loved Angie and losing her broke me. Kung hindi pa siguro nakialam sina mama at papa, lalo na si Paul, pareho na kaming patay ni Thirdy ngayon. I wasn’t ready to be a father or a husband but I wasn’t ready to lose Angie as well.
Mga ilang buwan din na si Paul ang nag-alaga kay Thirdy hanggang sa tuluyan na lamang na kunin nina Mama at Papa si Thirdy sa akin. Patay na din naman ang mga magulang ni Angie noon bago pa man kami magkakilala kaya walang naging problema sa arrangement.
Paul was my light during those times. Naging abala ang mga magulang ko kay Thirdy habang ako naman ay nagpapakalunod sa lungkot. Iyong limang taon ko lang dapat sa kolehiyo ay nging piton g wala sa oras. Kung hindi pa siguro ako binantayan ni Paul ay baka tuluyan na akong hindi naka-graduate. Kahit noong makapagtapos na siya at makahanap ng trabaho, hindi pa rin niya ako iniwan.
Paul saw me go into a relationship and get out of it soon as I can for years pero hindi niya ako iniwan. It took me some time to realize that I was already in love with him and I waited until I graduated bago ko sinabi iyon sa kanya. Nang sabihin niyang ang tagal na niyang hinihintay iyon, pakiramdam ko ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo.
Naiintindihan ko naman na nitong mga nakaraang mga buwan ay halos wala na kaming panahon para sa isa’t-isa. Lalo na ako. Dumagsa kasi ang mga projects na ipinahawak sa akin ng architectural firm kung saan ako nagtratrabaho at kadalasan ay kung saan-saan ako napupunta.
Noong huli kaming magkita, nag-away pa kami dahil sa tinanggap ko iyong project sa Davao. Isang buwan din kasi iyon at pwede naman talagang iba na lamang ang humawak. Kaso, naunahan ako ng kagustuhang magpasikat sa kumpanya. Ambisyoso kasi ako eh. Gusto kong magkapangalan agad kahit pa nga mahigit isang taon pa lamang ako doon kaya itinuloy ko pa rin kahit ayaw niya. Sa isip ko kasi, kapag na-establish ko na ang pangalan ko, pwede na kaming magsama ng walang problema.
Wala pa akong isang oras na nakakarating, tumawag na iyong pulis para sabihin sa akin ang nangyari. Ni hindi ko alam na ako pala ang inilagay ni Paul na emergency contact person niya. Kung sa ibang pagkakataon pa siguro, tumalun-talon pa ako sa tuwa sa nalaman kong iyon.
Inoperahan din ng araw na iyon si Paul. Wala naman daw naging kumplikasyon pero kailangan daw na obserbahan lalo na at nang lumabas ang CT scan niya, may nakita silang blood clot sa kanyang utak. Kapag lumaki pa daw iyon ay kailangan muli siyang operahan.
Si Nowaki naman, pinapasok ko na ulit sa eskwelahan kinabukasan. Sumunod lang naman siya sa akin. Laking pasasalamat ko na lang na hindi nalaman ng eskwelahan ang eksaktong nangyari. Ang alam lang nila, papalabas ng motel si Paul pero hindi nila alam kung sino ang kasama nito. Mabuti nga at hindi nadamay ang pangalan ni Nowaki sa balitang lumabas dahil kapag nagkataon, pareho silang tanggal sa eskwelahan. Hindi din naman nagsalita ang mga magulang ni Nowaki.
“Tatlong buwan na lang, gagraduate ka na. Tapusin mo na iyan.” Sabi ko na lang kay Nowaki. Tango lang ang naging sagot niya sa akin.
Nalaman na din nina papa at mama ang nangyari kay Paul. Nagpadala pa sila ng pera para daw kung kulangin man ako, meron akong huhugutin. Hindi ko na sinabi sa kanila iyong tungkol kay Nowaki dahil alam kong masasaktan lang sila. They have loved Paul as a son.
Nagbabantay ako sa ospital noon nang magkamalay si Paul. Ang masakit, hindi pangalan ko ang tinawag niya kundi pangalan ni Nowaki. Sakto namang kararating ni Nowaki galing sa eskwelahan. Doon na kasi siya dumideretso madalas. Nakapikit pa si Paul noon kaya hindi niya alam na ako ang nasa tabi niya.
“Nowaki…” Ulit pa ni Paul. Daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig.
Nagpipigil ng luhang napatingin ako kay Nowaki bago ako tumayo at lumabas ng kwarto. Ramdam ko ang pagsunod niya ng tingin sa akin pero hindi ko na iyon pinansin. Isa lang ang gusto ko, ang makalayo sa kanilang dalawa.
Dirediretso akong naglakad hanggang sa makarating ako sa parking lot kung nasaan ang kotse ko. Pasakay na ako nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ella. Paglingon ko sa kanya, kitang-kita ko ang pag-aalala sa mukha niya.
Bigla akong tinakasan ng lakas at nanginig ang tuhod ko ng wala sa oras. Ni hindi ko na namalayan na nakaluhod na pala ako. Patakbong nilapitan ako ni Ella at saka niyakap.
“Oh my God! James! Anong nangyari? May nangyari ba kay Paul?” Sunod-sunod na tanong ni Ella pero nakatulala lang ako sa kanya.
“I lost him…” Sabi ko na ikinalaki ng mata niya. “He finally woke up and just when I thought that I have him again, I lost him for good.”
At sa unang pagkakaton, hinayaan kong maglandas ang mga luha sa aking pisngi. Ni wala akong pakialam sa mga nakakakita sa amin. Basta ang alam ko lang ng mga oras na iyon, ang sakit-sakit.
Dahil wala ako sa huwisyo, inihatid na ako ni Ella sa bahay. Siya na din ang nagmaneho dahil baka kung ano pa daw ang maisipan ko. Sakto namang pagdating sa bahay, pababa naman ng taxi si Thirdy at si Yaya Dolores.
“What are you doing here?” Tanong ko sa dalawa pero imbes na sumagot ay niyakap lang ako ng anak ko ng mahigpit saka ako hinalikan sa pisngi.
“My daddies need me now so I’m here.” Sabi lang niya habang nakayakap sa akin. Nakangiting nakatingin lang sa amin si Ella at Yaya Dolores.
“Alam ba nina Mama na nadito kayo?” tanong ko kay Yaya Dolores.
“Opo, sir. Sasamahan nga dapat nila kami kaso hindi makaalis ang Papa ninyo dahil sa may inaasikasong kaso. Hindi naman siya maiwan ng mama ninyo ng mag-isa doon kaya ako na lang ang ipinasama. Ilang araw na po kasing umiiyak ang batang iyan simula nang malaman niya na maaksidente si Sir Paul.” Paliwanag ni Yaya Dolores.
“Yaya! You’re fired!” Biglang singit ni Thirdy na nakasimangot. Pinanlakihan pa nito ng mata ang kanyang yaya. Napatawa tuloy ako ng wala sa oras.
“Ang daldaldaldal mo!” Dagdag pa ni Thirdy.
“You are not my amo! You cannot fire me!” Sagot din lang naman ni Yaya Dolores na pinanlakihan din ng mata si Thirdy. Lalo tuloy akong napahagalpak sa pagtawa. Nag-make face lang ang anak ko sa kanya.
“Is Daddy Paul going to be okay?”  Biglang tanong ni Thirdy, kita ang lungkot sa mga mata niya. Muli kong naalala ang nangyari kanina pero pinilit ko pa ring ngumiti para sa anak ko.
“Yes. Go inside and help yaya fix your room. Magpahinga muna kayo ni yaya tapos saka natin puntahan ang Daddy Paul mo.” Sabi ko kay Thirdy na agad naman niyang sinunod. Naiwan kami ni Ella sa may garahe na nakasunod lamang ng tingin sa dalawa.
“He’s going to grow up just like you and I’m not sure if that’s a good thing.” Sabi sa akin ni Ella, maya-maya.
“Para naman ang sama kong tao kung makapagsalita ka.” Sagot ko naman.
“Iyon na nga eh. Masyado kang mabait. Ilang taon na ba si Thirdy?”
“Seven next month.” Sagot ko sa kanya.
“Will you tell him?” Tanong ulit ni Ella. “About Nowaki and Paul, I mean. Siguradong magtataka iyon lalo at dito nakatira si Nowaki.”
“No. Tatawagan ko sina mama mamaya para sunduin din sila agad. Ayoko namang malaman niya kung gaano katanga ang tatay niya.”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Ella bago siya muling nagsalita. “Tayo pa ba naman ang maglolokohan, James? You’re kid is smart. He’s your kid after all. Malalaman at malalaman din niya ang totoo. You can’t protect Paul’s image in his mind for long.”
Ako naman ang napabuntong-hininga. Iyon ang problema ko kina Kristine at Ella, they know me too much.
“He’s too young to understand how fuck up the world is.” Sabi ko na lang. Hindi na din naman nagkomento pa si Ella. Nagpaalam na lang siya na babalik ng hospital. Dumiretso na din ako sa loob ng bahay. Pagdating ko ng kwarto, nakatulog na ako agad. Ni hindi man lang ako nakapagbihis.
Gabi na ng magising ako sa pagyugyog sa akin ni Thirdy.
“Daddy, there’s a guy outside saying he lives here.” Titig na titig siya sa akin. “Sabi ni yaya, huwag daw papasukin.”
Nahihilo pa ako at hindi ko agad naintindihan ang sinasabi ni Thirdy pero hinayaan ko siyang hilahin ako papalabas ng kwarto papunta sa sala. Nadatnan naming nakatayo sina Nowaki at Yaya Dolores sa may pintuan. May hawak pang kutsilyo si Yaya Dolores.
“Huwag mong ipilit ang pumasok kung ayaw mong gripuhan kita! Hoy totoy! Hindi ako nadadaan sa kagwapuhan mo. Malay ko kung magnanakaw ka? O di kaya rapist!” High pitch na sabi ni Yaya Dolores. Nakatangang nakatingin lang sa kanya si Nowaki.
“Yaya, baka siya pa ang bayaran mo para lang gahasahin ka.” Sabi ko na lang. Sabay pa silang napatingin sa akin.
“Who’s he?” Tanong sa akin ni Thirdy. Hindi ako agad nakasagot. Napatingin pa ako kay Nowaki na agad namang nag-iwas ng tingin.
“He’s Daddy Paul’s friend.” Sabi ko na lang saka hinarap si Nowaki. “Kumusta si Paul?”
“Nakatulog din ulit pag-alis mo. Hinahanap ka niya…” Halos pabulong na sagot ni Nowaki. Hindi ulit ako nakasagot agad. Naalala ko na naman kasi ang nangyari. Sasagot sana ako ng pabalang pero naalala kong nandoon si Yaya Dolores at Thirdy.
“I smell something fishy,” Sabi ni Yaya Dolores. Tinignan ko lang siya ng masama.
“Try mong mag-toothbrush.” Sagot ko na lang na ikinatawa ni Thirdy. Maging si Nowaki ay napangiti.
“Iyan! Iyan ang namana sa iyo ng anak mo eh!” Kunwari ay inis na sabi ni Yaya Dolores at saka kami iniwan na tatlo.
“Yaya! Sabi nga ni Teacher Magda, kapag pikon daw, talo.” Parang matanda pang sabi ni Thirdy. Hindi na siya pinansin ng kanyang yaya na bumalik na sa kusina.
“Pwede na ba akong pumasok?” Tanong ni Nowaki. Tumango lang ako. Agad naman siyang nilapitan ni Thirdy.
“I’m James Timotheo Briones III, Thirdy for short.” Bibong pakilala nito sa sarili. Napangiti na lang ako.
“Nowaki Sakuraga,” Nakangiti ding sagot ni Nowaki sa kanya bago ako nilingon. “Siya pala iyong sinasabi ni Paul. Magkamukha nga kayo.”
“No!” Apela ng anak ko. “Sabi ni lola, mas pogi ako. Bakla ka din?” Napanganga ako ng wala sa oras sa katabilan nang anak ko.
“Thirdy!” Saway ko sa kanya. Nangingiting nagpalipat-lipat lang ang tingin sa amin ni Nowaki.
“What? I’m just asking.” Sagot ni Thirdy sa akin bago muling hinarap si Nowaki. “So are you?”
“Bakit? Kapag sinabi ko bang oo, liligawan mo ako?” Pabirong sagot naman ni Nowaki sa kanya.
“No. I don’t like guys. I have a girlfriend.”
“You what?” Hindi ko naiwasan na tumaas ang tono ng boses ko.
“Why? You want me to have a boyfriend instead?” Pabalang pang sagot sa akin ni Thirdy. Napanganga na naman ako. Bigla ko tuloy naisip kung ganoon ako katabil noong bata ako.
“You’re six years old!” Halos pumiyok pa ako nang magsalita. “At kanino ka natutong sumagot ng ganyan?”
“Wala akong kinalaman diyan!” Singit ni Yaya Dolores mula sa kusina. “At kanino pa sana magmamana iyan kundi sa iyo, sa nanay mo, at sa tatay mo?”
“Yaya! You’re fired!” Inis kong sabi na ikinahagalpak lang ni Thirdy. Maging si Nowaki ay natawa na din.
Hinarap ko si Thirdy. “Go help yaya fix dinner at hindi iyang kung anu-ano ang pinagsasabi mo.”
Nag-make face pa si Thirdy bago ako sinunod. Nailing na lang ako. Kung ganito ako katabil noong bata ako, hindi na ako nagtataka na hindi na nabigla sina mama at papa nang umamin ako sa kanila.
“Mauubusan yata ako ng English sa anak niyo.” Napalingon ako kay Nowaki nang magsalita siya. Ngumiti na lang ako.
“English teacher kasi si mama at lawyer naman si papa. Kung hindi Tagalog ay English kami mag-usap sa bahay kaya nasanay.” Paliwanag ko.
“Parang ang laki niya para sa isang six years old.” Komento pa niya. “Halata ding matalino.”
“Kaya nga nakakatakot.” Sabi ko na lang habang pinapanood sina Yaya Dolores at Thirdy sa kusina. “If he grows up half as crazy as I was before, maaga akong mamatay sa kunsumisyon.”
Naramdaman ko ang biglang pagtitig sa akin ni Nowaki. Napalingon ako sa kanya ng wala sa oras.
“What?” Tanong ko sa kanya na ikinatawa niya. Noon ko lang siya natitigan ng maigi. Gwapo nga palang talaga ang mokong.
“Nagmana nga po yata sa inyo ang anak mo.” Sabi niyang nakangiti. Nginitian ko na lang din siya. Nang mga oras na iyon, kinalumutan ko muna kung gaano kakumplikado ang sitwasyon namin. Pinilit ko munang kalimutan kung sino nga ba si Nowaki sa buhay namin ni Paul. Sa unang pagkakaton sa loob halos dalawang linggo, pinili ko munang maging masaya.
Tama naman si Thirdy, kailangan ko siya. Para makalimot panandalian, para mabigyan ng pagkakataong makapag-isip ng maayos. Saka ko na lang muli haharapin ang lahat kapag nakauwi na si Thirdy sa probinsiya.
Pagkatapos kumain ay pilit nagyayaya si Thirdy na bisitahin si Paul. Ang sabi sa akin ni Nowaki, sinabihan daw siya ni Ella na siya muna ang magbabantay. Pinapasabi din daw ni Ella na bukas na kami bumisita ni Thirdy para makapagpahinga ng maayos. Tinawagan ko na lang si Ella para siguraduhin na wala silang kailangan. Si Third yang mas mahirap kong pinaliwanagan pero pumayag din naman sa huli.
Dahil sa nakatulog naman ako ng halos kalahating araw, inasikaso ko na iyong mga plano na hindi ko pa natatapos nang makatulog sina Thirdy at Yaya Dolores. Akala ko nga ay tulog na din si Nowaki kaya nagulat na lang ako nang dalhan niya ako ng kape sa kwarto.
“Salamat,” Sabi ko sa kanya pagkaabot niya ng kape. Hindi naman siya umalis agad at napansin ko ang pagtingin-tingin niya sa plano na nasa lamesa ko.
“Gusto mong makita ng maayos?” Tanong ko sa kanya. Nakangiting tumango lang siya bago lumapit. Nagpalit kami ng pwesto. Siya ang umupo at ako ang tumayo sa may likuran niya.
Hindi ko na namalayan na ipinapaliwanag ko na pala kay Nowaki buong plano. Mukha namang talagang interesado siya dahil kapag may mga hindi siya naiintindihan, talagang nagtatanong siya. Napansin ko rin na pamilyar na siya sa ibang mga konsepto doon.
“Bakit hindi na lang architecture ang kunin mo? You’d make a good architect.” Tanong ko sa kanya maya-maya. Alam ko naman kasing hindi magiging problema ang pera dahil nasabi na niya sa akin na kahit naman pinalayas siya ng mga magulang niya ay pinapadalhan pa rin siya ng pera ng mga ito.
“Hindi po kaya. Pagtungtong ko pa kasi ng eighteen, matitigil na din ang sustento ng biological father ko sa akin.” Walang gatol niyang sagot na ikinakunot ng noo ko.
“Entertainer po kasi dati si mama sa Japan. Nabuntis ng hapon kaya umuwi dito sa Pilipinas dahil may pamilya na iyong nakabuntis sa kanya. Si Tito George ang umako sa pagbubuntis niya kaya sila nagpakasal. Kaso, mapilit si mama na ipaako ako sa mismong tatay ko, kaya mabigat ang dugo sa akin ni Tito George. Kaya nga ng makahanap siya ng dahilan para palayasin ako sa bahay niya, hindi na siya nagdalawang isip. Isa pa, may sarili na din naman silang mga anak.” Kwento niya sa akin. Bigla tuloy akong naawa sa kanya.
“Kaya siguro ganoon na lang kabilis sa akin ang mapalapit kay Sir Paul,” Bigla niyang idinagdag na ikinasikip ng dibdib ko. Iyon na kasi iyong oras eh, iyong oras na pag-uusapan namin ang relasyon nilang dalawa. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko ng mga sandaling iyon.
Nowaki looked so vulnerable, like a child who realized that he did something wrong and is just waiting for the consequences. Hindi ko naiwasang bumilib sa tapang niya. I could easily kick him out pero heto siya at hinaharap pa rin ang isang bagay na ako mismo, hindi ko alam kung kaya kong harapin.
“Gaano na kayo katagal?” Tanong ko sa kanya na halos pabulong. Nag-iwas pa siya ng tingin bago siya sumagot.
“Two months…” Sagot niya. Daig ko pa ang sinikmuraan ng mga oras na iyon. Nangilid ang luha ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko pero hindi ko hinayaang bumagsak.
“Ayaw niya noong una pero naging makulit ako. Sabi pa niya, bata pa raw ako, na hindi ko pa daw alam ang sinasabi ko. Pati iyong tungkol sa inyo, sinabi niya sa akin. Akala niya siguro titigil ako pero hindi ako pumayag. Sinabi ko pa sa kanya na kaya kong ibigay lahat ng kaya mong ibigay sa kanya, na hihigitan ko pa lahat iyon.” Diresiretsong sabi ni Nowaki. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko mahanapan ang boses ko para magsalita.
“Ang kapal lang ng mukha ko. Ngayong nakilala na kita, saka ko lang nalaman na hindi man lang ako kumalahati sa iyo. Puro lang ako salita. Puro lang ako yabang. Pero pagdating sa ganitong pagkakataon, wala na nga akong magawa, pati ako umasa pa sa iyo. Ang kapal lang ng mukha ko.”
Hindi pa rin ako nakaimik. Kahit nasasaktan, damang-dama ko din kasi ang bigat na dinadala niya. Hindi mawala-wala sa isip ko na disisais pa lamang siya. He was just a kid. Imbes na magalit, lalo lang akong naawa sa kanya.
“We all make mistakes,” Sabi ko na lang dahil iyon lang naman ang pwede kong sabihin.
“Sorry at ginulo ko ang buhay ninyo…” Aniya ulit, gumagaralgal ang boses. “Kung alam ko lang---”
“Gagawin at gagawin mo pa rin ang ginawa mo.” Putol ko sa sasabihin niya. “You love him. You needed him. And as it turned out, he loved you and needed you too.”
Iyon na siguro ang pinakamasakit na bagay na inamin ko sa sarili ko. Pero iyon ang totoo. Mahal siya ni Paul. Kailangan siya ni Paul. At habang hindi pa kaya ni Nowaki na alagaan ang taong mahal namin, kailangan nila ako. Ang tanga lang di ba? Pero iyon ang totoo. At dahil mahal ko si Paul, handa kong tanggapin ang sitwasyon.
Magsasalita pa sana ako nang biglang tumunog ang telepono. Hindi ko pa man sinasagot iyon ay iba na ang pakiramdam ko.
“He was looking for you…” Sabi ni Ella mula sa kabilang linya pero hindi na niya naituloy pa ang gusto niyang sabihin dahil sa paghagulgol. Walang imik kong ibinaba ang telepono. Pakiramdam ko, naubusan ako ng lakas, iyong pakiramdam ng nalulunod o nasasakal tapos wala kang magawa kundi hintayin na lang na magdilim at matapos ang lahat.
“Anong nangya---” Hindi na naituloy pa ni Nowaki ang sasabihin niya dahil isang malakas na suntok ang pinadapo ko sa mukha niya. Sumadsad siya sa sahig sa sobrang lakas.
“GET OUT OF MY HOUSE!” Sigaw ko sa kanya na umalingawngaw sa buong kwarto.
Takot na takot na nakatingin lang siya sa akin hanggang sa manlaki ang mata niya, hindi sa takot kundi sa realization ng kung ano ang nangyari. Binalot ng lungkot ang buong mukha niya hanggang sa umabot sa kanyang mga mata kung saan parang ilog na biglang dumaloy ang mga luha. Pailing-iling siya habang nakatingin sa akin, ayaw maniwala.
“Hindi… Hindi totoo… Hindi….” Halos pabulong na sabi ni Nowaki, pinipilit tumayo pero sa tuwing itutukod niya ang kanyang mga braso para suportahan ang sarili niya, kusa iyong bumibigay. Gusto kong maawa sa kanya pero nangibabaw ang sakit na nararamdaman ko.
“You took him away from me… Pinatay mo na lang sana ako…” Mahina kong sabi saka pa laman tuluyang tumulo ang mga luha ko, saka pa lamang kumawala ang iyak ko. Paul was dead and I wasn’t even given the opportunity to give him a second chance. I wasn;t even given the chance to forgive him, to tell him that it was okay, to tell him that we’ll work things out. I would have taken him back, kahit na kasama pa si Nowaki sa kailangan kong tanggapin. But he was just gone.
Pagkatapos noon, wala na akong natandaaan. Alam kong nagkaroon ng burol, alam kong nagkaroon ng libing pero lahat ng iyon, hindi na malinaw sa akin. Ang sigurado ko lang, kahit sa lutang kong pag-iisip, ramdam na ramdam ko pa rin iyong sakit. Umabot na sa puntong sa sobrang sakit, wala na akong maramdaman pa.
“James… You have to eat…” Blanko lang ang tingin na ibinigay ko kay Mama. Ni hindi ko alam kung ilang araw o linggo na ang lumipas nang maging normal kahit papaano ang takbo ng utak ko. Nalaman ko na lang mula kay mama na magtatatlong buwan na pala akong nakakulong lang sa kwarto. Ni hindi ko pa nga alam na naiuwi na pala nila ako sa probinsiya.
Magsasalita sana ako nang bigla kong marinig ang boses ni Thirdy na tumatawa sa labas ng kwarto. Sa hindi ko malamang dahilan, biglang napuno ng galit ang dibdib ko at bigla akong nagsusumigaw. Ayaw kong makarinig ng tawa. Ng mga oras na iyon, para sa akin, walang sino man ang may karapatang maging masaya habang ako, hirap na hirap.
“Shut up! Shut up! SHUT UP!” Sigaw ko ng paulit-ulit habang takip-takip ko ang mga tenga ko. Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko at pumasok si Thirdy na alalang-alala. Nakasunod sa kanya si papa na hindi man lang  makatingin sa akin ng diretso.
“Anong karapatan niyong tumawa? Anong karapatan niyong maging masaya? Wala na si Paul! Patay na si Paul! Wala kayong---’ Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil sa unang pagkakataon sa buong buhay ko, isang malakas na sampal ang natanggap ko mula kay papa.
“THAT’S ENOUGH!” Galit niyang sabi sa akin.  Hinawakan pa niya ang kwelyo ko at inilapit ang mukha niya sa akin. “Man up or get out of my house! Wala akong anak na duwag!”
Kung hindi pa siya hinila ni mama ay baka hindi pa niya ako bibitawan.
“Hindi lang ikaw ang nasaktan, James…” Dagdag pa niya. “Hindi lang ikaw ang nawalan, tatandaan mo yan.”
Kumawala si papa mula sa pagkakahawak sa kanya ni mama at lumabas ng kwarto. Agad siyang sinundan ni mama kaya kaming dalawa na lang ni Thirdy ang naiwan sa kwarto. Nakatingin lang siya sa akin ng matagal.
“D-dad…” Nanginginig niyang sabi sa akin. “Please… I don’t want to lose you too…”
Noon lang ako parang nabuhusan ng malamig na tubig at nagising ng tuluyan. There he was, my seven year old son, telling me that he didn’t want to lose me too habang ako, parang tanga na hinayaang mawala sa sarili. Napahagulgol ako ng wala sa oras.
Dahan-dahang lumapit sa akin si Thirdy at saka ako niyakap ng mahigpit. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak lang ng umiyak.
Isang linggo pa akong nanatili sa bahay namin sa probinsiya bago ako nagpaalam kina mama na babalik na ng Maynila. Noong una ay ayaw pa nilang pumayag pero nagpumilit ako. Alam ko kasi sa sarili ko na kung gusto ko talagang makapagsimula ulit, kailangan ko munang bumalik sa lugar kung saan ko maaalala si Paul, kung saan ko siya minahal. Kailangan ko munang matanggap sa sarili ko na wala na talaga siya.
“Si Nowaki muna ang pinagbantay namin sa bahay mo habang nandito ka.” Maya-maya ay sabi ni papa na ikinagulat ko. Hindi ako umimik.
“He told us everything, James.” Mahinang sabi ni mama, nananantiya.
“And still, you let him stay.” Walang emosyon kong sabi.
“Because that’s what you would have done.” Malumanay na sagot ni papa.
Ngumiti ako ng mapait saka ko sinalubong ang tingin niya. “You’re giving me too much credit. Hindi ako ganoon kabait.”
“James…”
Si mama naman ang hinarap ko. “You better let him know that I’m going back and that he should pack his things.”
“James!” Saway sa akin ni papa pero sinalubong ko lang uli ang tingin niya.
“He took Paul away from me.” Maging ako ay nabigla sa kung gaano kalamig ang tono ko.
Hindi ko na sila binigyan pa ng pagkakataon na sumagot. Dumiretso ako sa kwarto at saka nagsimulang mag-empake. Kinabukasan, lulan na ako ng bus pabalik ng Maynila.
Buong akala ko, wala akong madadatnan sa bahay kaya nagulat ako nang pagpasok ko ay nadatnan kong nagluluto si Nowaki sa kusina. Tinignan lang niya ako panandalian at saka ibinalik ang atensiyon sa pagluluto.
Agad na kumulo ang dugo dahil doon. Pabalibag kong ibinaba ang dala kong mga gamit at agad siyang sinugod sa kusina.
“Anong ginagawa mo dito?” Sigaw ko sa kanya. Lalo pa akong nainis nang hindi man lang niya ako lingunin. Hinawakan ko ang balikat niya at saka pinilit na humarap sa akin.
“Putang-ina! Kinakausap kita!” Sabi ko sa kanya. Tinignan lang niya ako. Ni wala akong makitang kahit na anong emosyon sa kanya.
“Ang kapal din naman ng mukha mo eh.” Gigil na gigil kong sabi. “GET THE HELL OUT OF MY HOUSE!”
Wala pa rin siyang sinabi na kahit ano. Nakatingin lang siya sa akin. Kating-kati akong suntukin siya at pagsalitaan ng masama pero nawala din iyon sa kawalan niya ng reaksiyon.
Sa inis ko, itinulak ko na lang. Sa sobrang lakas noon, nasagi niya ang kaserolang ginagamit niya sa pagluto at natapunan ng sabaw ang braso niya. Panandalian siyang napangiwi sa sakit pero wala pa rin siyang sinasabi. Inayos pa niya ang pagkakalagay ng kaserola sa kalan bago pumunta sa may lababo para padaluyan ng tubig ang kanyang braso. Pinanood ko lang siya habang pangiwi-ngiwing iniinda ang sakit.
Nang hindi na ako makatiis, binalikan ko sa sala ang mga gamit ko at saka dali-daling dumiretso sa kwarto. Dahil na din siguro sa pagod dahil sa biyahe, nakatulog ako pagkalipas lang ng ilang minuto. Paglabas ko ng kwarto, wala na si Nowaki pero merong nakahaing pagkain sa lamesa. Tinakpan lang niya iyon ng pinggan. Ni hindi man lang ako nagdalawang isip na itapon ang mga iyon. Agad akong naligo at nagbihis at nagpunta sa opisina.
Sa awa naman ng Diyos, may trabaho pa akong binalikan. Alam naman kasi nila sa trabaho ang relasyon namin ni Paul kaya siguro hindi na din sila nagtaka na ganoon na lang ang naging reaksiyon ko sa pagkamatay niya. May ilan pa sa mga kasamahan ko ang lumapit at kinamusta ako pero sinabihan ko sila na kung maari, tratuhin nila ako ng normal.
Itinutok ko ang atensiyon ko sa mga trabahong kailangan kong matapos noong araw na iyon. Mabilis namang tumakbo ang oras. Papauwi na sana ako nang biglang tumawag sa akin si Kristine. Magkasama daw sila ni Ella at niyaya akong lumabas. Hindi na din ako tumanggi.
Ang kaso, pababa pa lang ako ng kotse sa coffee shop kung saan dapat kami magkikita-kita ay itinulak na nila ako pabalik ng kotse. Literal na hinintay pala nila ako sa may parking lot.
“Bakit?” Naguguluhang tanong ko sa kanila.
“Ang sakit mo sa mata.” Sagot lang ni Kristine. “Tara ng salon at gagawin ka muna naming tao.”
Tatanggi pa sana ako pero pinandilatan na nila akong dalawa. Hindi na lang ako umimik. Pagdating sa salon, doon ko lang nakita ng maayos ang sarili ko.
Ang laki ng ipinayat ko. Mahaba na din pala ang buhok ko na hindi ko man lang sinuklay ng maayos  pag-alis ko ng bahay. Medyo mahaba na din ang balbas at bigote ko.
“Gawin niyong tao ang animal na iyan.” Bilin pa ni Ella sa stylist at saka ako iniwan. Tinaasan ako ng kilay noong stylist pero nagkibit-balikat lang ako. Sa sobrang tagal, nakatulog pa ako sa upuan. Kung hindi pa ako ginising ng stylist ay baka tuluyan na akong doon nagpalipas ng gabi.
Pagtingin ko sa salamin, nangilid na lang ang luha ko. Halatang mas payat kesa sa dati ang lalaking nakatingin sa akin. Malalim pa rin ang mga mata dahil sa kakulangan ng tulog. Kitang-kita din ang lungkot sa mga matang iyon pero kahit saang anggulo mo tignan, siya pa rin ang lalaking niliko at iniwanan ni Paul. It’s still me.
“Sir, isang ngiti na lang ang kulang, pak na pak na.” Sabi noong hairstylist na nakangti sa akin. Blankong tingin lang ang ibinigay ko sa kanya. Bigla tuloy nawala ang ngiti niya at nagkunwaring muling inaayos ang buhok ko.
Noon ko din lang napansin na gusot-gusot pala ang sunot kong polo long sleves. Ni hindi ko man lang napansin nang umalis ako ng bahay. Nailing na lang ako. It was like going back to the time when Angie died. Iyong mga panahong hindi man lang ako naliligo at nagkukulong lang. Pero hindi kagaya noon, wala na si Paul na magagalit sa akin. Wala na si Paul na hihila sa akin papunta ng banyo at pipiliting maligo. Wala na si Paul na maghahanda ng damit ko. Kung gusto kong maging maayos, kailangang ako naman mismo ang gumalaw.
Nakatitig lang ako sa salamin nang lapitan ako nina Kristine at Ella. Pareho silang nakangiti sa akin.
“I need a new shirt.” Sabi ko lang sa dalawa. Imbes na sumagot, itinaas lang nila ang isang paper bag mula sa isang kilalang shop. Sa unang pagkakataon, napangiti ako.
Hinarap ko ang hair dresser at nginitian bago magsalita. “Pwede ko bang magamit ang banyo ninyo?”
Natulala pa ang hair dresser sa akin bago tumango at saka itinuro ang daan papuntang banyo. Kinuha ko ang paper bag kay Kristine at saka dumiretso doon pero hindi nakaligtas sa akin ang sinabi ng hair dresser.
“Nalaglag yata ang panty ko bigla,” aniya na ikinatawa pa nina Kristine at Ella. Hindi ko na lang nilingon pero pasimple akong napangiti.
Hindi lang bagong polo shirt ang laman ng bag. May kasama pang khakhi short at deck shoes iyon. Napatingin tuloy ako sa suot kong pantaloon at sapatos. Napangiwi pa ako ng makitang may tastas pala iyong pantaloon. Napahagalpak na ako ng tuluyan nang makita kong hindi man lang pala magkapares ang suot kong medyas. Mabilis akong nagbihis at isinuot ang mga binili nila.
Normally, hindi ako nagsusuot ng mga bagong bili dahil sa makati pero ng mga oras na iyon, wala akong pakialam. Isa lang ang gusto kong mangyari, na mabago ang itsura ko. Tinignan ko pa ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas. Clothes do wonders. A good one can hide even the deepest pain.
Paglabas ko ng banyo, daig ko pa ang artistang pinagtitinginan.
“What?” Kunot ang noong tanong ko kina Kristine. Maging ang ibang kliyente kasi ng salon ay nakatingin na sa akin. Ngumiti lang si Kristine. Maging si Ella ay ganoon din.
“Welcome back to the land of the living,” sabi ni ella at saka ako niyakap ng mahigpit. Ang luka-luka, talagang hinawakan pa ang puwit ko at nanggigigil na pinisil iyon.
“Ay! Ay! Ano yan? Bakit hindi ako kasali?” Apela ni Kristine. Akala ko yayakap ang bruhita pero nakipisil din lang ng puwet. Nagtawanan tuloy ang mga tao sa salon.
“Hoy! Tigilan niyo ang puwet ko! Mga manyak!” Natatawa ko na din lang na saway sa kanila.
“So how does it feel?” Tanong ni Kristine maya-maya.
Tinignan ko lang silang dalawa. “Like I am starting over again.”
“Good. At bago ka muling maglumandi, susulitin muna namin. Tara na. Ilibre mo kami ng dinner!” Yakag sa akin ni Ella. Tumawa na din lang ako.
For one night, tinulungan ako ng dalawa na magsaya, tinulungang makalimot at kahit panandalian lang, nagawa ko iyon. Mabuti nga at nakauwi pa ako ng maayos sa sobrang kalasingan. Pagdating ko sa bahay, bagsak ako agad sa sofa at nakaidlip.
Naramdaman ko na lang na may tumutulong sa aking bumangon at inihatid ako sa kwarto. Ni hindi ako makamulat sa sobrang kalasingan pero pinilit ko. Alam kong guni-guni ko lang ang lahat pero napangiti ako nang makita ko ang mukha ni Paul nakangiti sa akin.
“You came back,” lasing kong sabi. Hindi siya sumagot. Ngumiti lang siya.
Pagdating namin sa kwarto, inihiga niya ako agad sa kama. Ewan, pero nablanko na ang utak ko ng mga oras na iyon. Tuloy-tuloy na ang tulog ko pagkatapos.
Kinabukasan, nagising ako na may naluto nang pagkain sa kusina. Nagtaka pa ako noong una hanggang sa maalala kong nandoon nga pala si Nowaki. Muling dumiretso sa basurahan ang niluto niya. Sakto pang itinatapon ko iyon nang pumasok sita galing sa labas. Tinignan lang niya iyon pero hindi nagkomento.
“Bakit nandito ka pa?” Tanong ko sa kanya. Noon ko lang napansin na may hawak siyang grass cutter at may mga damo-damo pa sa suot niyang shorts at basketball jersey.
Hindi niya uli ako sinagot. Dumiretso lang siya sa may ref at saka kumuha ng tubig saka muling lumabas. Kumulo na naman ang dugo ko ng wala sa oras kaya sinundan ko siya sa may likod ng bahay kung nasaan ang mini-garden. Sisigawan ko na sana siya nang makita kong nandoon din si Thirdy at si Yaya Dolores.
“Daddy!” Salubong sa akin ni Thirdy at saka yumakap sa akin. Nagpakarga pa siya sa akin na agad ko namang pinagbigyan. Iniabot lang ni Nowaki ang lalagyan ng tubig kay Yaya Dolores saka bumalik sa pagtatabas ng damo.
“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko kay Yaya Dolores.
“Nagmamaganda, bakit? Bawal?” Nakangiting banat sa akin ni Yaya Dolores. Natawa tuloy si Thirdy.
Tinignan ko lang ng masama si Yaya Dolores. Kung sa ibang tao lang siguro, natanggal na ito sa trabaho dahil sa mga ganoong banat niya. Pero high school pa lang kasi ako ay kasama na namin si Yaya Dolores kaya siguro, nasanay na din ako. Isa pa, kung sina mama nga, natitiis ang kataklesahan niya, ako pa kaya. Iadgdag na din kasi na kamag-anak din naman talaga namin siya.
“Yaya, that is so over you.” Natatawang sabi ng anak ko na ikinasimangot niya. “Ang sabi nga sa iyo ni Kuya Aki kanina, wala ka raw karapatang magmaganda ahil hindi ka daw maganda.”
Napanganga ako sa katabilan ni Thirdy. Pinanlakihan lang siya ng mata ni Yaya Dolores saka nito tinignan ng masama si Nowaki. Sinabihan ako ni Thirdy na ibaba na. Pagkababang-pagkababa, lumapit siya kay Nowaki.
“Kuya! Madaya ka naman. Sabi mo ako ang gagawa niyan!” Reklamo nito. Tumawal lang si Nowaki at iniabot ang grass cutter kay Thirdy.  Aapela pa sana ako pero hindi naman niya ito pinabayaang mag-isa bagkus ay parang hinayaan lang niyang ito ang humawak pero siya pa rin ang naggigiya noon.
Napatingin tuloy ako sa paligid bigla. Nagtaka pa ako nang mapansin na may mga bagong tanim doon at malayong maayos ang buong garden. Hindi ko din naman kasi iyon naasikaso kahit noong buhay pa si Paul. Hindi din naman nakatira sa bahay si Paul kaya maliban sa pagkuha ng magdadamo doon, talagang mukha lang siyang bakanteng lote sa likod. Kung hindi ko pa nga pinalagyan ng swing iyong punong nandoon at saka pinalagyan ng garden set, hindi iyon matatawag na garden.
Nagulat pa ako nang makitang may mga nakatanim ng mga rosas malapit sa dingding ng bahay. Kilala ko ang mga roasas na iyon pero hindi ko lang alam ang pangalan. Ganoon din kasi ang mga rosas na inaalagaan ni mama sa bahay namin sa probinsiya. Iyon bang maliliit na kulay pula ang bulaklak.
“Dinala iyan dito ng mama mo last month. Para naman daw magkakulay ang bahay mo.” Ani Yaya Dolores. Napansin niya yatang nakatingin ako sa mga iyon. Hindi ako umimik.
May iba pang mga halaman doon. Iyong iba, pamilyar ako, pero iyong iba, ni hindi ko na alam kung saan nanggaling. Napadako tuloy ako ng tingin kay Nowaki. Nakatingin din pala siya sa akin. Iyon nga lang at agad siyang nagbawi ng tingin at muling itinutok ang mata sa pagbabantay kay Thirdy.
“Yaya! Take pictures sabi ni lola!” Biglang sabi ni Thirdy. Para namang nagulat na biglang may naalala si Yaya Dolores at mabilis na inilabas nag isang digicam mula sa kanyang bulsa at nagsimulang kumuha ng pictures.
Naiiling na bumalik na lang ako sa loob ng bahay at saka tinawagan si Mama gamit ang landline. Agad naman siyang sumagot.
“At saan ka nanggaling kagabi? Bakit lasing na lasing kang dumating? Diyos ko, James, kung ganyan din lang ang gagawin mo, umuwi ka na lang dito!” Halos pasigaw niyang bungad sa akin. Hindi tuloy ako nakaimik agad.
“How did you---”
“Nag-post si Dolores ng picture mo sa Facebook! Ano, magkakaila ka pa?” Halos marindi ang tenga ko sa lakas ng boses ni mama. Nanlaki ang mata ko ng wala sa oras.
Agad kong kinuha ang cellphone ko at binuksan ang aking Facebook account. Ni hindi ko na kailangan pang tignan ang account ni Yaya Dolores dahil naka-tag ako sa picture na nai-upload niya. Muntik ko nang mabitawan ang hawak kong cellphone.
Maliban sa buwaka ng inang deskripsiyon na “my sexy alaga”, muntik na akong mapamura sa itsura ko sa picture. Nakahiga ako sa kama na walang ibang suot kundi boxer shorts kaya kitang-kita ang buo kong katawan. Namumula-mula pa ang dibdib at mukha ko sa kalasingan. At kung hindi pa iyon sapat, ang hayop na Kristine at Ella, nag-comment pa na tanggalin na daw iyong suot kong boxers.
“YAYA!” Sigaw ko sabay baba ng telepono at saka bumalik sa garden.
“Yes?” Nakangiti pang bungad sa akin ni Yaya Dolores. Hindi niya yata napansin agad ang galit sa mukha ko.
“Gusto mo pang sipain kita pabalik ng probinsiya?” Galit kong sabi sa kanya sabay pakita sa kanya ng picture ko sa cellphone. Lalapitan ko pa sana siya pero agad siyang nagtatakbo palapit kina Thirdy at Nowaki.
“Sir! Wala akong kasalanan! I did not kill anybody!” Sabi na niya na lalo kong ikinainis.
“Hindi ka nakakatawa!” Inis kong sagot sa kanya.
“Daddy…” Singit ni Thirdy.
“WHAT?!” Pabulyaw kong sagot. Saka lang ako nahimasmasan nang makita kong halos maiyak si Thirdy sa pagkabigla. Nahiya tuloy ako sa sarili ko. Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ko hinarap uli si Thirdy.
“I’m sorry…” Sabi ko sa aking anak pero mukha pa rin siyang takot na takot sa akin. Lalo tuloy akong nahiya na napagbuhusan ko siya ng inis.
“It was my idea…” Mahina niyang sabi sa akin. Napanganga na naman ako.
“Come here…” Sabi ko sa kanya ng mas malumanay. Kahit nag-aalangan ay lumapit siya sa akin. Naupo na ako para magpantay ang mukha naming dalawa. “Why would you do that?”
Napakagat pa siya ng labi bago siya sumagot. “Kasi sabi ni Yaya, you need a new boyfriend.”
Napatingin na naman ako kay Yaya Dolores na nagtago na naman sa likuran ni Nowaki.
“Thirdy, never listen to Yaya Dolores ever again, okay? Alam mo naman na maluwag ang turnilyo ng yaya mo. Paano na lang kapag nakita nila sa opisina namin ang picture na iyan? I could get fired.” Paliwanag ko sa aking anak.
“Hindi din! Tuwang-tuwa pa nga sila eh. Sexy architect, sabi pa nga noong isa.” Sabat ni Yaya Dolores. Isang masamang tingin lang ang ibinigay ko sa kanya.
“Sabi ko nga, buburahin ko na.” Sabi pa niya sabay labas ng sariling cellphone. Hindi na lang ako umimik. Ano pa nga bang magagawa ko eh nangyari na.
“Don’t do that ever again,” sabi ko na lang kay Thirdy.
Dahil summer vacation, hindi agad umuwi sina Thirdy at Yaya Dolores. Madalas din nilang kasama si Nowaki kaya hindi ko pa rin siya nakakausap tungkol sa pagtira niya doon. Winarningan na din ako nina mama na itatakwil daw nila ako kapag pinalayas ko si Nowaki.
“He just made a mistake.” Iyon ang huling sabi ni mama tungkol doon. Medyo napahiya pa ako dahil iyon din mismo ang linya ko kina Ella at Kristine dati.
Mag-iisang buwan na kaming magkakasama sa bahay nang madatnan kong mag-isa sa garden si Nowaki. Nagtaka pa ako nang makita ko siyang nakatitig lang sa puno doon.  Nasanay na din naman ako sa presensiya niya kaya madalas, hindi ko na lang siya pinapansin. Hindi ko din siya kinaausap.
Wala na sana akong balak na lapitan siya pero napansin kong yumuyugyog ang balikat niya, halatang umiiyak. Napalapit tuloy ako sa kanya ng wala sa oras. Oo at galit pa rin ako sa kanya pero hindi naman ako ganoon kamanhid para hindi mapansin na parang ang bigat-bigat ng dinadala niya. Kung napansin man niya ang paglapit ko ay hindi ko na alam dahil wala naman siyang ipinakitang indikasyon. Natigil lang ako sa paglalakad papalapit sa kanya nang makita ko kung ano ang tinitignan niya. Hindi pa man ay nangilid na ang luha ko.
Nakaukit sa puno ang pangalan naming dalawa ni Paul. Nakapagitna pa iyon sa isang puso at sa baba noon ay ang mga salitang “siempre fiel”. Nakokornihan ako sa mga ganoon bagay kaya isa lamang ang naisip ko na pwedeng maglagay noon doon, si Paul. Medyo nagtaka pa ako dahil may espasyo pa sa taas ng pangalan ni Paul, iyong tipong kasya pa ang isang pangalan.
“Ilang beses kong hiniling na sana ako na lang iyong nasagasaan, na ako na lang iyong namatay. Kasi kasalanan ko naman eh. Ginulo ko ang buhay ninyo.  Ginulo ko kung ano ang meron kayo. Akala ko kasi, kay Paul ko na mahahanapan iyong hindi ko naramdaman kahit minsan. Kasi siya lang ang nakakita sa akin. Kaya kahit na sabihing maramot, ipnaglaban ko siya. Kahit wala naman talaga akong karapatan. Kaya sorry. Alam kong hindi sapat iyon pero sorry.” Sabi niya saka ako iniwan doon.
Nilapitan ko ang puno at saka tinitigan ng maigi ang nakaukit doon. Hinayaan kong maglandas ang mga daliri ko sa bawat uka. Matagal na iyon at naghilom na din ang sukat sa puno. Pero katulad ng ibang sugat, hindi iyon nawala na hindi nag-iiwan ng pilat.
Pagbalik ko sa loob ng bahay, wala na si Nowaki. Pinuntahan ko pa siya sa kwarto par asana kausapin pero wala din siya doon. Maging ang mga gamit niya, wala na din.
Nadatnan ako nina Thirdy at Yaya Dolores sa sala na nakatulala. Nagtaka pa ako dahil may dala silang balloons at cake.
“Umalis po ba si Kuya Aki?” Tanong sa akin ni Thirdy. Tumango lang ako.
“Anong oras daw po siya babalik. Gusto ko nang kainin iyong cake niya.” Sabi ni Thirdy saka tumabi sa akin. Inilabas naman ni Yaya Dolores ang cake at ipinatong sa lamesa sa harapan namin saka niya nilagyan ng kandila.
It was Nowaki’s birthday.
“Sandali at tatawagan ko kung nasaan ang batang iyon.” Sabi ni Yaya Dolores pero inilingan ko lang siya.
“He left. Hindi na siya babalik.” Sabi ko na lang. napatingin lang sa akin ang dalawa samantalang ako ay napatitig lang sa cake.
Mabilis na lumipas ang mga taon pagtapos ng pag-alis ni Nowaki. Ilang beses din akong inaway nina mama na hindi naniniwala nang sabihin kong kusa siyang umalis. Nang tumagal, hindi na din nila ako kinukulit tungkol doon. Itinutok ko na lang ang atensiyon ko sa pagtratrabaho. Hindi ko na inalam kung nasaan si Nowaki o kung ano na nag nangyari sa kanya.
May mga pagkakataong sumasagi siya sa isip ko pero ipinagwawalang-bahala ko na lang. Naging malaking parte siya ng buhay ko at kahit siguro gustuhin ko, hindi ko na mabubura iyon. Isa pa, sa tuwing pupupunta ako sa puntod ni Paul, nakikita ko na may mga bulaklak doon na malamang ay galing sa kanya.
Ang tanging alaala ko na lamang kay Nowaki ay ang garden na inalagaan niya. Dahil nanghihinayang din naman ako, kumuha na ako nang mag-aalaga doon na pumapasok lang tatlong beses sa isang linggo. Ako na din ang nagdidilig bago ako pumunta sa opisina.
Mahigit limang taon din ang lumipas. Dahil sa pagpupumilit ni Thirdy, sa akin na siya tumira. Dahil daw sa wala naman na yata akong balak na maghanap ng makakasama sa buhay, siya na lang daw ang mag-aalaga sa akin. Wala akong nagawa nang bigla na lamang siyang sumulpot sa bahay dala-dala ang mga gamit niya. Ini-enrol ko na lang siya sa high school na malapit sa bahay. At dahil nasa akin si Thirdy, kasama din si Yaya Dolores.
Maayos naman ang buhay naming tatlo, iyon nga lang at talagang maya’t maya pa rin akong nakukunsimisyon kay Yaya Dolores. Tumatanda kasi ng paurong. Sa dulo nga, maliban sa paglalaba at pagaasikaso sa bahay, mas mukha pang kami ang nag-aalaga sa kanya. Inisip na lang namin ni Thirdy na dahil iyon sa menopause.
Madalas ding bumisita sina mama at papa dahil wala na daw nangungulit sa kanila sa probinsiya. Hindi nga lang talaga maiwan ni papa ang legal practice niya doon kaya doon pa rin sila nakatira.
“Gusto niyo ng apo sa tuhod?” Pabirong tanong pa sa kanila ni Thirdy pero batok lang ang inabot niya kay Mama.
I had an okay life. Walang masyadong drama. Ang tanging highlights lang noon ay ang mga kalokohan ni Thirdy pero kuntento na ako. I didn’t look for a partner dahil pakiramdam ko, hindi ko na kaya pang magmahal pa ulit. Sex wasn’t a problem anyway.  Kahit naman kasi sabihing trenta’y uno na ako, hindi naman halata. Sabi nga nina Kristine, mag-hosto na lang daw ako sa Japan para mapagkakitaan ko pa ang katawang lupa ko kesa iyong para daw akong free-taste sa supermarket.
Isang gabi, dumating ako sa bahay na wala pa si Thirdy. Nang tanungin ko si Yaya Dolores, sinabi lang niya na nagpaalam si Thirdy na gagabihin taps tinulugan na ako. Wala akong choice kundi hintayin ang magaling kong anak.
Pasado ala-una na ng madaling araw nang may himintong sasakyan sa harapan ng bahay. Nagtitimpi nga galit na lumabas ako para tignan kung sino iyon. Sakto namang paglabas ko ng gate ay papalabas si Thirdy ng kotse na ngiting-ngiti.
“Guess who---”
“Do you even know how worried I was?” Hindi na naituloy pa ni Third yang sasabihin dahil naunahan ko na siya. Agad na nawala ang ngiti sa mukha niya. “Alam mo ba kung anong oras na?”
“Ahm… I’m sorry?” Sabi niya na nagpapa-cute sa akin. “Dad! Guess who---”
“Sino ang kasama mo?” Galit kong tanong sa kanya at napatingin sa kotse. Para akong namatanda nang makita ko si Nowaki. Lalo pa akong hindi nakapagsalita nang lumabas siya mula sa kotse at tumayo sa harapan ko.
Halos magkasing tangkad na kaming dalawa. At kung gwapo na siya noon, mas guwapo siya ngayon lalo pa nga at lalong gumanda ang katawan niya na hindi itinago ng suot niyang simpleng t-shirt at hapit na maong na pantalon. Alanganin ang pagkakangiti niya sa akin pero hindi siya nag-iwas ng tingin.
He looked more confident, almost bordering to arrogance, like a cockier version of that model Akihiro Sato. Lalong nag-init ang ulo ko.
“Kinuha mo na nga sa akin si Paul, pati ba naman anak ko, kukunin mo pa?” Wala sa sariling naibulalas ko. Tuluyang nawala ang ngiti niya at napalitan iyon ng sakit. Napasinghap pa siya.
“DAD!” Apela ni Thirdy.
“GO TO YOUR ROOM!” Sigaw ko sa kanya. Napatangang napatingin lang sa akin ang anak ko bago padabog na pumasok sa bahay. Saka ko pa lang uli hinarap si Nowaki.
“Don’t take my son away from me just because you can.’ Sabi ko sa kanya saka ko siya tinalikuran.
Isang linggo akong hindi kinausap ni Thirdy pagkatapos noon.  Ilang beses akong humingi ng paumanhin pero hindi niya ako pinapansin. At nang kausapin naman niya ako, daig ko pa ang sinampal.
“I lost my wallet sa mall. Tinatawagan ko kayo ni Yaya pero hindi kayo sumasagot kaya naglakad na lang ako. Nadaanan niya ako sa EDSA at nag-alok siyang ihatid na lang ako. He was actually on his way here to see you. Ni hindi niya alam na dito na ako nakatira. And just so you know, I’m not gay.” Walang gatol niyang sabi sa akin. Wala akong maisip na isagot.
“And you know what, dad. You should stop acting like you’re the only one who got hurt when Daddy Paul died. He was more of a father to me than you ever were.” Galit niyang sabi sa akin saka ako nilayasan. Nakatingin lang sa akin si Yaya Dolores.
Halos mahulog mula sa kinauupuan sa kakatawa sina Kristine at Ellen nang ikwento ko sa kanila ang nangyari. Anak ko nga daw talaga si Thirdy. Ang mga hinayupak, imbes na kampihan ako ay tinawagan pa ang anak ko para i-congratulate.
“Speaking of Nowaki, how is he?” Biglang tanong ni Ella.
“Malay ko.” Nakasimangot kong sagot.
“Siguro ang gwapo na lalo ng batang iyon. In fairness, muy delicioso na siya dati pa.” Dagdag pa ni Kristine.
“Ay true! Korek ka diyan friend. Sayang nga eh. Naku, kahit bata iyon, papatusin ko. Those abs! Niyeta, mare, laglag panty! And to think sixteen pa lang siya noon.” Sabi pa ni Ella. Tinignan ko lang siya ng masama.
“Eh kung isinusumbong ko kayo sa mga asawa ninyo?” Inis kong babala sa dalawa bago ko muling hinarap si Ella. “At paano mo namang nakita ang abs noong bata, aber?”
“Duh? Dito sa bahay mo. Hello, nadatnan ko kaya siyang naka-hubad baro sa may garden dati.” Sabi pa niya.
“Ay! Ako din! Nagtumbling ang matres ko, neng! Pawispaiwasan pa siya noong nakita ko glittering under the sun. Muntik ko nang hindi napigilan ang sarili ko.” Dagdag pa ni Kristine.
“Do you guys even here what you are saying?” Tanong ko sa dalawa. Napatngin pa ako sa umbok ng tiyan ni Kristine. Apat na buwan na kasi itong buntis. Pareho silang nakapag-asawa na ni Ella. “Lalo ka nang buntis ka! Abogada ka pa man din!”
“Ay bakit? Wala sa batas ang nagsasabing hindi pwedeng pagnasaan ang mga kalalakihan!” Nandidilat pa niyang sa bi sa akin. “If I know…” Makahulugan pa niyang sabi.
“Excuse me? Huwga niyo akong igaya sa inyo.” Sabi ko. “Mga makasalanan!”
“Sabi nang lalaking poster boy ng one night stand. Nagpa-check up ka na ba? Uso HIV ngayon.” Pambabara sa akin ni Ella.
“My sex life is none of your business!” Balik bara ko sa kanila. Nagkatinginan pa ang dalawa bago ako muling binara ni Kristine.
“Yet it seems to be every gay guy’s business in the metro.” Tinapunan ko lang siya ng blanking tingin. “You do realize na hindi magtatagal, iyang ipinagmamalaki mong katawang lupa ay tatanda rin. Baka gusto mo nang maghanap ng pangmatagalang partner.”
“I’ll pass.” Sagot ko lang. Ewan, may nakita siguro sila sa mukha ko dahil bigla silang napatitig sa akin.
“Paul is not coming back, James.” Biglang sabi ni Ella.
Bumuntong-hininga muna ako bago ako sumagot. “I know.”
Nang mga sumunod na araw, pansinin-dili pa rin ako ni Thirdy. Hinayaan ko na lang. Alam ko namang ako ang may kasalanan eh. Isa pa, kung tama ang hinala ng lahat na magkaugali kami, kahit kausapin ko siya, kung ayaw pa niya talaga, walang mangyayari.
Malapit nang mag-June nang sabihan ako ng boss namin na may bago daw na mag-a-apprentice sa kumpanya at ako ang naatasang maging isa sa mga supervisor ng mga ito. Tatlo naman kami kung tutuusin na magbabantay, isa para sa bawat apprentice. Umoo lang ako lalo pa nang malaman kong sa dati kong eskwelahan manggagaling ang mga iyon.
Kinalunesan pagkatapos sabihin sa akin, nadatnan ko ang dalawa kong kasama na kausap ang dalawa sa mga mag-a-apprentice sa amin sa conference room ng kumpanya. Isang babae at isang lalaki. Tinanong ko sila kung nasaan pa iyong isa. Ang sagot lang sa akin ay na-traffic daw. Iniabot sa akin ang isang kopya ng resume nilang tatlo pero hindi ko iyon binasa. Ang akin naman kasi, makakausap ko naman din sila.
Ipinunta ko muna ang mga gamit ko sa aking opisina. Kahit papaano naman, nagbunga na ang pagsusumikap ko. Isa na ako sa mga senior architects noong kumpanya. Pero dahil isa pa rin ako sa mga pinakabata, karaniwang sa akin napupunta iyong mga ayaw gawin noong mga mas ahead sa akin. Katulad na lamang noong pagiging supervisor noong mga apprentice. Wala namang problema sa akin iyon.
Pagbalik ko sa conference room. Wala pa rin iyong isa pang mag-a-apprentice. Nag-init tuloy ang ulo ko. Lalo pa nga at nagdesisyon na sila na ako ang hahawak doon.
“Mukhang magiging sakit sa ulo eh kaya ikaw na ang humawak,” Sabi sa akin noong isa na nakangisi. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na mangyayari iyon kaya hindi na ako tumanggi. Pangatlong taon na iyon na humahawak ako ng apprenticeship kaya nasanay na din ako na basta mukhang pasaway ang apprentice, sa akin ibinibigay. Hindi ko din alam pero ako kasi ang pinaka-istrikto sa aming lahat. Kaya nga sa tuwing may bago akong apprentice, binabansagan nila itong “The Sacrifice.”
Wala sa mood na tinignan ko ang mga resume. Muntik na akong mapamura nang makita ko kung sino ang magiging apprentice ko.
“Sorry, I’m late. Nasiraan po kasi sa may Guadalupe.” Sabi ng isang pamilyar na boses pagbukas na pagbukas ng pintuan ng conference room.
“Not an excuse, Mr. Sakuraga.” Malamig kong sabi kay Nowaki na tulalang napatingin sa akin. “I am now twenty minutes behind my site visit and that’s all because of you.”
Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko at nilampasan siya papalabas ng conference room. Tumigil lang ako sa paglalakad ng maramdaman kong hindi siya sumusunod. Muli ko siyang nilingon at saka tinignan. Mukha pa rin siyang namatanda na nakatingin lang sa akin.
“Sakuraga! Move your ass!” Sigaw ko sa kanya. Napatingin pa sa akin ang ibang empleyado. Narinig ko pang bumulong ang isa na kawawa naman ang bagong “Alay sa Demonyo.” Hindi ko na lang pinansin. Aminado naman ako na pagdating sa trabaho, talagang istrikto ako. Wala din namang nagrereklamo dahil nakikinabang ang kumpanya ng dahil doon.
Agad na tumakbo papalapit sa akin si Nowaki, hindi pa rin makapaniwala. Walang imik na sumabay lang siya sa akin na maglakad hanggang sa parking lot. Pagdating sa kotse ko, saka pa lamang siya nagsalita.
“Dala ko iyong kotse ko---” Natigil na siya sa pagsasalita nang tinaasan ko siya ng kilay.
“I’m not giving you another excuse to be late, Mr. Sakuraga. Get in.” Sabi ko lang. Napipilitan siyang sumakay na din sa kotse ko.
Buong biyahe na para siyang asong hindi matae sa kinauupuan. Maya’t maya siyang nag-aayos ng pagkakaupo. Hindi ko tuloy alam kung maiirita ba ako o matatawa. Halatang-halata din kasi ang pamumutla niya. Pakiramdam ko nga, anumang oras ay bigla na lang siyang hihimatayin sa nerbiyos. Nagkunwari na lang ako na hindi ko napapansin.
Pagdating sa site, ipinakilala ko lang siya sa engineer. Hindi nakaligtas sa akin ang awa sa mga mata nila kay Nowaki. Kilala na kasi ako pati ng mga ito. Sa pagkakaalam ko nga, sa kanila pa nanggaling iyong bansag na “The Sacrifice”. Imbes na mainis, pinanindigan ko na lang.
“Sa kanya niyo sabihin ang update nang makita natin kung may ibubuga ba.” Sabi ko sa inhenyero. Nanlalaki ang matang napatingin lang sa akin si Nowaki. Naiiling na sumunod naman ang inhenyero.
Aaminin ko, na-impress ako sa naging usapan nila, lalo na sa mga naging sagot ni Nowaki. Maging ang problema sa isang pillar sa harapan nang building ay agad niyang nahanapan ng solusyon. Kung tutuusin, hindi naman malaking bagay iyon para sa isang seasoned na arkitekto pero sa isang katulad ni Nowaki na gagraduate pa lamang, malaking bagay iyon. Madalas kasi ay theoretical lahat ng itinuturo sa unibersidad kaya minsan, walang masyadong alam ang mga estudyante sa practical na aplikasyon ng mga natutunan nila. Mabibilang ko sa mga daliri ng aking kamay kung lang beses lang akong sumabat para itama ang mga sinasabi niya.
Ganoon din ang nangyari sa dalawa pang site na pinuntahan namin. Hindi pa man kami nakakaalis ay halata na ang respeto sa kanya ng mga nakausap namin.
Pagbalik namin sa opisina kinahapunan, mukha na siyang hihimatayin sa pagod. Pinaghintay ko siya sa conference room kasama ng dalawa pang apprentice saka ako pumunta sa opisina ko. Nandoon nang naghihintay ang dalawa pang supervisor.
“So, how’s the sacrifice?” Tanong sa akin noong isa. Napaisip pa ako saglit bago ako sumagot.
“The gods would be happy to have him.” Sabi ko lang. Kunot ang noong napatingin lang sila sa akin.
“He did well.” Dagdag ko pa na totoo naman. Isa pa, hindi ko naman pwedeng ibahin ang resulta ng obserbasyon ko.
“Nari-realize mo bang ngayon ka lang may pinuring apprentice? Kadalasan, pagkatapos ng unang araw, gusto mo na silang ilibing ng buhay at gamiting alay sa pundasyon. And here I was waiting for you to have a breakdown. Medyo disappointing.” Sabi noong isa.
Napatigil ako sandali. “Wala akong magagawa kung hindi tatanga-tanga ang napunta sa akin ngayon.” Sabi ko na lang.
Nagpalitan lang muna kami ng initial assessment tungkol sa tatlo bago namin sila binalikan. Pagbalik namin sa conference room, kitang-kita ang takot sa mukha nilang tatlo, lalo na sa mukha ni Nowaki. Right there and then, he actually looked like his age.
“You all pass the initial assessment.” Sabi ko. Saka pa lamang sila nakahinga ng maluwag.
“In short, welcome to hell.” Sabi pa noong dalawa.
“Especially you, Mr. Sakuraga.” Dagdag pa noong isang supervisor. Napalunok ng wala sa oras si Nowaki. “Mr. Briones is one of our youngest and most brilliant architects here in the firm but he is also the devil’s incarnate.”
Ni hindi ko na kinontra ang sinabing iyon ng kasamahan ko. Iyon din naman kasi ang totoo. Ipinagpatuloy ko na lamang ang pagbibilin sa tatlo. Pagkatapos noon ay bumalik na ako sa opisina ko para kunin ang mga gamit na kakailanganin ko kinabukasan.
Kung paanong tinambakan ako ng trabaho ng mga boss namin noong kapapasok ko sa kumpanya, ganoon din ang ginawa ko kay Nowaki. Kung ibang tao lang siguro iyon ay sumuko na pero kahit na isang reklamo ay wala akong narinig. Kapag nagagalit ako ay nakatungo lang siya at hindi sumasagot kung hindi din lang kailangan. May mga pagkakataon din na namumura ko siya ng sobra-sobra lalo na kapag may ginawa siyang kapalpakan pero hindi siya nagreklamo kahit minsan.
Kung tutuusin, walang binatbat sa kanya ang mga kasabayan niyang nag-apprentice pero hindi ko pa rin siya tinigilan. Overtime kung overtime siya sa opisina. Hindi siya uuwi hanggat hindi pa ako umuuwi. Sa loob ng isang buwan na nakakasama ko siya, wala siyang naging reklamo kahit minsan.
Minsan, may kailangan kaming kausaping kliyente. Napagkasunduan namin na sa isang coffee shop na lamang magkita-kita. Patapos na ang usapan namin noong kliyente nang dumating siya. Laking pasasalamat ko na lang na may kopya ako noong mga files na kailangan namin dahil kung hindi, wala nang nangyari.
Hindi ko siya kinausap sa coffee shop pero pagdating namin ng kumpanya, agad ko siyang pinapasok sa opisina ko at pinasara ang pintuan. Pagkalapat na pagkalapat pa lamang noong pintuan ay sinisigawan ko na siya.
“Do you even know just how much we could have lost for your tardiness Mr. Sakuraga?” Galit kong sabi. “Millions! That was one of our biggest clients at pinili mo pa talaga ang araw na ito para maging late?”
“I’m sorry…” Mahina niyang sabi. Babarahin ko pa sana siya ulit nang bigla siyang mapaluhod. Noon ko lang napansin na nangangatog siya. Agad na nawala ang galit ko at napalitan iyon ng pag-aalala. Agad ko siyang nilapatan at saka inalalayang maka-upo. Noon ko lang nalaman na inaapoy siya ng lagnat.
Hindi na ako nagdalawang isip na dalhin siya sa ospital. Sa awa naman ng diyos, trangkaso lamang iyon. Sabi ng doctor, kailangan lang daw niyang magpahinga pero in-admit pa rin siya sa hospital dahil sa dehydration.
Ewan kung ano ang nakain ko at tinawagan ko si Thirdy para sabihin sa kanya ang nangyari. Dumiretso na tuloy doon si Thirdy pagkatapos ng kanyang klase.
“Is he going to be okay?” Tanong sa akin ni Thirdy, kitang-kita ang takot sa mga mata niya. Noon lang pumasok sa isip ko kung gaano kalalim ang sugat na iniwan ng pagkamatay ni Paul kay Thirdy. Muli, napahiya na naman ako sa sarili ko.
Basta ko na lamang niyakap si Thirdy nang mahigpit. Tama nga siya, mas naging ama pa sa kanya si Paul kesa sa akin. Ni hindi ko nakita na nahihirapan siya.
“He’s going to be okay. Kailangan lang siyang i-admit dahil sa dehydration.” Sabi ko na lang. Kumalas lang sa akin si Thirdy at tinignan ako.
“I’m sorry, dad. I didn’t mean what I said last time.” Sabi niya. Imbes na sumagot ay niyakap ko lang siya ulit. Sabay na naming pinuntahan si Nowaki sa kwarto niya. Sakto namang pagpasok namin doon ay nagbibihis siya ng pantaas. Napatanga pa ako nang makita ko ang hubad niyang katawan. Tama nga sina Ella, pamatay ang abs niya.
“It’s a good thing you’re gay, Kuya Aki.” Sabi ni Thirdy sa kanya. “kasi kapag nagkataon, dagdag ka pa sa kumpitensiya.”
Tawa lang ang isinagot ni Nowaki at itinuloy ang pagpapalit. Nilapitan siya ni Thirdy at nag-high five pa silang dalawa.
“So, kamusta na kayo ni Shiela?” Biglang tanong ni Nowaki sa anak ko. Bigla akong napakunot ng noo. “Ibinalik na ba niya iyong wallet mo?”
Nanlalaki ang matang pilit na tinakpan ni Third yang bunganga ni Nowaki pero huli na ang lahat. Tumikhim ako kaya napilitang lumingon sa akin si Thirdy, namumula ang mukha.
“Explain.” Sabi ko lang.
“Alam mo kuya, pahamak ka!” Angil pa ni Thirdy kay Nowaki na tinawanan lang ng huli.
“I’m waiting.” Dagdag ko. Napilitang salubungin ni Third yang mga tingin ko.
“Remember when you had your teleserye moment? May date kami ni Shiela noon. Kaso, nag-away kami. Ayun, nagalit siya at kinuha iyong wallet ko saka ako iniwan sa mall.” Sabi niya.
“And who’s Shiela? And what did you do para magalit siya?” Tanong ko lang ulit.
“Sabi ko kasi, ang babaw niya. She wanted to watch some chick flick eh may documentary na kasabay. Ayun, inaway niya ako.” Sagot lang ni Thirdy.
“Why would you even say that to a girl?” Natatawa kong tanong. Lumaki lang talaga si Thirdy pero talagang wala pa rin itong renda sa bunganga.
“It just came out.” Sabi niya na nakangiti na din. “And besides, I didn’t really like her. Siya naman ang nagyayang manood ng sine, pinagbigyan ko lang. Malay ko ba namang puro make-up din lang ang laman ng utak niya.”
“Are you sure you’re not gay?” Tanong ko pa sa kanya. Imbes na sumagot agad, itinaas pa niya ang t-shirt ni Nowaki at tinignan ang abs nito saka sinapo ang harapan.
“No. No reaction at all so yes, I am sure that I’m not gay.” Sagot ni Thirdy. Binatukan lang siya ni Nowaki.
“Umayos ka nga!” Saway ni Nowaki sa kanya sabay ayos ng t-shirt. Ewan pero parang bigla akong nanghinayang.
“So, how’s my dad as a boss? Maliban sa muntik ka na niyang patayin which isn’t surprising, ano pang meron? Does he have a boyfriend at work?” Sunod-sunod na tanong ni Thirdy kay Nowaki.
“You do realize that I’m here, right?” Sabi ko. Tinignan lang nila akong dalawa. Pilyong-pilyo ang pagkakangiti ni Thirdy samantalang si Nowaki naman ay halatang hindi alam ang isasagot.
“Just pretend he’s not here.” Sabi pa ni Thirdy kay Nowaki. “So give me some dirt. Akong bahala sa iyo.”
“Gusto mo akong matanggal?” Sagot lang sa kanya ni Nowaki na ikinataas ng kilay ko.
“And what exactly do you mean by that?” Tanong ko kay Nowaki. Napakagat siya ng labi ng wala sa oras.
“Dad! I’m hungry. Go get some food.” Biglang singit ni Thirdy.
“Pinapalayas mo ba ako?” Tanong ko kat Thirdy. Nagpa-cute lang ang loko-loko. Umiiling na umalis na din lang ako.
Kinabukasan ay lumabas na din sa ospital si Nowaki. Sinabihan ko na siyang huwag pumasok pero pumasok pa rin siya. Iniwanan ko na lang siya ng paperworks sa opisina para hindi na siya mabinat pa. Istrikto akong tao pero hindi ko naman itutulak sa kamatayan ang isang tao.
Pagbalik ko sa opisina, nandoon pa rin siya sa conference room kung saan ko siya iniwan at abalang nakatutok pa rin ang tingin niya sa kanyang laptop. Pagtingin ko sa relo ko, pasado alas-otso na ng gabi. Hindi niya ako napansin at hindi na din naman ako nag-abalang kunin ang pansin niya. Dumiretso ako sa sarili kong opisina saka inayos ang mga gamit ko.
Pagdaan ko sa conference room, wala siya sa loob pero nandoon ang laptop niya. Tamang-tama namang nakabukas iyon at nakita ko ang isang plano sa screen.  Dahil sa kuryusidad, pumasok ako at tinignan iyon. Google Sketch pa ang gamit niya kaya kitang-kita mo iyong 3D design. Lalo akong na-impress. Magaling talaga siyang magdisenyo. Napaka-modernong tignan noong building na ginawa niya pero kit among gamit lahat ng espasyo ng maayos.
Binutingting ko muna iyon para tignan iyong mga specifications, ang kaso, biglang nag-crash at nagsara iyong Goggle Sketch program at tumambad sa akin ang desktop niya. Imbes na mag-alala sa nangyari, natulala lang ako sa nakita kong wallpaper niya, walang iba kundi ang picture kong ini-upload ni Yaya Dolores noon sa Facebook.
“What are you doing!” Natitilihang sabi ni Nowaki na nasa likuran ko na pala. Agad niyang kinuha iyong laptop at namumulang inilagay sa bag niya.
“Nag-crash iyong Google Sketch…” Sabi ko na hindi makatingin sa kanya. Bigla akong napahiya sa pakikialam ko.
“Alam ko pong boss kita pero wala po kayong karapatan na pakialaman ang personal kong mga gamit.” Inis niyang sabi habang patuloy na inaayos ang mga gamit niya. Tulad ko ay hindi rin siya makatingin ng diretso.
Pasimple ko siyang tinignan at kitang-kita ko ang pamumula ng tenga niya. Lalo tuloy akong nahiya.
“I’m sorry,” Sabi ko na lang saka nagmamadaling umalis ng conference room. Narinig ko pa siyang napamura bago ako nakalabas ng mismong opisina.
Hanggang sa pagdating sa bahay ay hindi ko pa rin alam ang iisipin. Napansin iyon ni Thirdy kaya niya ako tinanong.
“He has my picture as his wallpaper.” Sagot ko lang na hindi nag-iisip. Kunot noong napatingin si Thirdy sa akin.
“Sino?” Tanong niya ulit.
Bago pa man ako nakasagot ay narinig ko na ang pagkatok sa may pintuan. Dali-daling tumayo si Thirdy mula sa sofa kung saan ko siya nadatnang nagbabasa.
“Dito pala magdi-dinner si Kuya Aki.” Sabi lang niya. Napatayo ako ng wala sa oras at napatingin sa may pintuan. Pagbukas noon, ang pulang-pulang si Nowaki ang pumasok. Nag-init din ang pisngi ko ng wala sa oras.
“Dito ka din lang pala pupunta, hindi ka pa sumabay.” Patay-malisya kong sabi. Nag-iwas lang ng tingin si Nowaki. Kunot noong napatingin lang sa amin si Thirdy.
“What’s happening---” Biglang nanlaki ang mga mata ni Thirdy at saka hinarap si Nowaki.
“You have dad’s picture as your wallpaper?” Halos pasigaw niyang tanong kay Nowaki. Lalo tuloy akong namula at sigurado akong ganoon din si Nowaki.
“Hoy! Wala kayo sa bundok! Huwag kayong magsigawan!” Saway ni Yaya Dolores mula sa kusina.
“Magbibihis lang ako.” Sabi ko na lang saka ako nagmamadaling pumasok ng sarili kong kwarto. “Tawagin niyo na lang ako kapag kakain na.”
“You have dad’s picture as your wallpaper!” Narinig ko pang sabi ulit ni Thirdy bago ako tuluyang nakapasok sa kwarto. Binuntunan pa niya iyon ng napakalakas na tawa.
Hindi naman nagtagal ay kinatok din ako ni Thirdy sa kwarto para sabihing kakain na. Nag-alangan pa akong lumabas lalo na ng makita ko ang nakakalokong ngiti niya. Hindi na lang ako umimik. Pagdating namin sa kusina, pati si Yaya Dolores ay kakaiba ang ngiti. Tangin si Nowaki lang ang mukhang hindi mapakali.
Naupo na lang ako at pagkatapos magdasal ay nagsimula nang kumain. Walang isa mang umiimik sa amin pero ilang beses kong nakitang nagbubulungan sina Thirdy at Yaya Dolores, ngiting-ngiti pareho.
“So, crush mo si dad?” Biglang tanong ni Thirdy. Sabay pa kaming nabulunan ni Nowaki. Agad kong kinuha ang baso ng tubig sa harapan ko at uminom. Nang makabawi ay saka ko pa lamang tinignan si Thirdy.
“Manners, Thirdy!” Saway ko sa kanya pero lalo lang ngimiti ang luko-luko.
“Oh come on, dad. I’m curious” Ngiting-ngiti niyang sabi sabay tingin ulit kay Nowaki. “So, which picture?”
Lalo akong namula sa tanong niyang iyon. Muli na namang nabulunan si Nowaki. Imbes na maawa ay sabay pang tumawa si Yaya Dolores at si Thirdy.
“Just shut up and eat your dinner.” Inis kong sabi. Ngiting-ngiti pa rin ang dalawa pero hindi naman na humirit pa.
Nang mga sumunod na araw, pareho kaming nag-aalangan ni Nowaki sa isa’t isa. Magkibuan man kami, saglit lang pero kitang-kita naman na hindi kami makatingin pareho. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko pero talagang nahihiya ako. Kung ibang tao siguro iyon, abot-abot na pang-aasar na ang nakuha niya sa akin pero dahil si Nowaki iyon, ilang na ilang ako.
Kalagitnaan na ng November nang magkaroon ng evaluation para sa performance nina Nowaki at mag-aanim na buwan na din siyang apprentice ko noon. Dalawang taon kasi ang apprenticeship nila sa amin at kada-anim na buwan ay inililipat sila sa ibang maghahandle. Kasama pa namin ang boss ng kumpanya na si Francis doon. Siya din kasi ang magdedesisyon kung kanino mapupunta ang mga apprentice namin.
Nagbigay na kami ng kanikaniyang report kay Boss Frankie bago pa man namin hinarap sina Nowaki. Ganoon kasi talaga ang patakaran para makita kung saan pa namin ite-train ang mga apprentice namin.
“Mr. Sakuraga, is it okay with you to continue your apprenticeship with Architect Briones? He will be handling the new condo in Baguio and I think it would be good for you to be part of that as well.” Sabi ni Boss Frankie na hindi ko alam kung ikakatuwa ko o hindi.
Ang kay Boss Frankie kasi, gusto niya talagang matuto ang mga nag-a-apprentice sa amin para kung sakaling maganda ang performance, aalukin niya agad ng trabaho pagka-graduate. Kaya nga mapili din talaga sila ng tinatanggap na apprentice. Isa pa, sumusweldo na din naman kasi ang mga apprentice sa amin, hindi katulad sa ibang kumpanya. Kaya nga din siguro walang makapagreklamo kahit pa nga halos patayin na namin sila sa trabaho.
“If Architect Briones is okay with that, sir, then it’s okay with me as well.” Sagot lang ni Nowaki pero halatang-halata ang pamumula nito. Tinaasan ako ng kilay ni Boss Frankie pero nagpatay malisya lang ako at tumango. Ilang beses pang nagpalipat-lipat ang tingin ni Boss Frankie sa amin pero hindi na din naman siya nagkumento.
Pagkatapos noon ay naghanda na ako ng pagpunta ng Baguio. Isang linggo din kasi kami doon para tignan ng maayos iyong site at saka pa lamang namin aayusin iyong disenyo. Alam ko din na iyon na rin ang parang magiging final evaluation ni Nowaki kaya kailangan ko siyang isama. Sinabi ko na din na ang kotse ko na lang gagamitin natin at sa bahay na lang kami magkikita.
Ang kaso, noong araw na aalis kami, wala ding pasok sa eskwelahan si Thirdy at nakakaloko na naman ang ngiti niya sa amin. Hindi naman siya nagsasabi ng kung ano kaya akala ko ay wala nang mangyayari. Iyon pala, hinihintay lang niya na paalis na kami.
“Hoy Kuya Aki! Huwag mong lalapastanganin si dad ha! Unless kaya mong panagutan.” Bigla niyang bilin nang pareho na kaming nakasakay sa kotse ko. Napapindot tuloy ako sa busina ng wala sa oras.
“Thirdy!” Saway ko sa kanya. Namumulang tumawa lang si Nowaki.
“Joke lang. Iuwian niyo ako ng Igorota. Iyong maganda at pwedeng maging asawa.” Dagdag pa niya. Ginulo ko lang ang buhok ni Thirdy at saka kami umalis. Kumakaway pa ang luko-luko sa amin hanggang sa makalayo kami.
“Ilang babae din ang paiiyakin niya.” Natatawang sabi ni Nowaki. Napangiti na din ako.
“Sinabi mo pa. Alam mo bang naipa-guidance na iyan ng kaklase niya? Sinabihan ba naman kasi niya na saka na lang magpapansin sa kanya kapag marunong na iyong babae na mag-English ng maayos.” Kwento ko.
“Wala pa rin pala talaga siyang preno sa pagsasalita. Makakahanap din iyan ng katapat niya.” Komento ni Nowaki. Ngumiti lang ako.
Sa unang pagkakataon, nag-usap kami ni Nowaki. Nalaman ko na din na nang umalis pala siya sa bahay ay pinuntahan niya ang nanay niya at kinuha mula dito ang telepono ng tatay niya sa Japan. Noong una daw ay ayaw pa siyang kausapin nito pero pinagbantaan niyang pupunta siya sa Japan at magpapakilala sa pamilya nito kaya napilitan na din itong kausapin siya. Nag-usap sila na susuportahan nito ang pag-aaral niya. Hindi na ito makatanggi lalo na nang sabihin niya ang ginawa ng nanay niya sa kanya.
Iyon na din ang naging daan para kahit papaano ay magkalapit sila. Nagulat pa nga daw siya ng bigla itong bumisita sa Pilipinas para lamang kausapin siya ng personal. Ikinuha na din siya nito ng bahay. Maging ang kotseng ginagamit niya ay bigay din nito. Bago nga siya magsimulang mag-apprentice sa kumpanya ay dinala na din siya ng ama niya sa Japan para ipakilala sa mga anak niya doon. Namatay na din pala ang orihinal nitong asawa. Tinanggap din naman daw siya kahit papaano ng mga kapatid niya doon. Iyon nga lang at iyong mismong pamilya niya dito sa Pilipinas ang hindi na niya nakakausap.
“Mabuti naman at naging maayos na din pala ang buhay mo.” Sabi ko na lang.
“Ikaw? Kamusta ka?” Bigla niyang tanong sa akin. Hindi ako agad nakaimik.
“Okay naman. I’m getting there.” Matipid kong sagot sa kanya. Matagal din siyang hindi umumik. Nararamdaman kong tumitingin siya minsan pero hindi ako nagkumento. Naalala ko na namang na ginawa niyang wallpaper ang picture ko at biglang nag-init ang pisngi ko. Ayaw ko namang tanungin ang dahilan niya. Malay ko ba naman kasi kung napagtripan lang siya ng mga kasamahan namin sa opisina.
“Si Sir Frankie ang nagbigay noong picture mo. Para daw kapag sumusobra na ang kasungitan mo, meron daw akong mapagbuntunan ng inis.” Biglang sabi niya na para bang nababasa niya ang iniisip ko.
“Tarantado talaga ang matandang iyon.” Komento ko na lang.
Sa lahat kasi ng mga senior architects sa firm, si Sir Frankie ang pinakamalakas mang-asar. At dahil isa siya sa may-ari ng kumpanya, walang maka-kontra. Ito nga lang yata ang napakakaswal kung makipag-usap sa aming lahat. Iyong dalawa pa niyang partners doon, laging seryoso. Hindi lang yata masabihan ng mga ito si Boss Frankie dahil sa kanila namang lahat, si Boss Frankie din ang pinakamaring kliyenteng naipapasok. Maliban naman kasi sa maboka, isa ito sa pinakakilalang arkitekto sa bansa kaya hindi na ito kataka-taka.
Gusto ko sanang tanungin kung ganoon na lang ba kalaki ang inis niya at kailangan pa niyang gawing wallpapaer iyong picture ko pero ang awkward lang. Sa isip ko pa lang kasi, parang may iba nang ibig sabihin. Magmukha pa akong interesado.
Hindi nga ba? Tanong ng isang parte ng isip ko pero binalewala ko na lang iyon.
“Do you miss him?” Maya-maya ay tanong niya ulit. Nakunot pa ang noo ko panandalian hanggang sa maisip kong hindi si Sir Frankie kundi si Paul ang tinutukoy niya. Nakaramdam ako ng konting kurot sa dibdib.
“At times.” Sabi ko na lang dahil iyon naman ang totoo.
“Minsan, naiisip ko pa rin kung paano na kaya ang buhay namin kung buhay pa siya. Kung kami pa ba hanggang ngayon o kung kayo na ang nagsasama. May mga pagkakataon din na naiisip ko na lang na mas matatanggap ko pa na iniwan niya ako para sa iyo kesa iyong nawala na lang siya bigla. I would have been happy being his just friend if he lived.” Patuloy ko. Nakikinig lang siya.
“I wish I could have told him that it was okay, that I forgive him. Siguro, iyon din ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang galit ko noon. Dahil namatay siya na hindi ko man lang siya napatawad ng personal. I love him. At kahit siguro mahirap tanggapin, I’d rather see him happy with someone else kesa iyong ganito.” Dagdag ko pa. Nangingilid na naman ang luha ko.
“Alam naman niya iyon eh.” Sabi ni Nowaki. “Alam niyang mapapatawad mo siya. Iyon ang sabi niya ng gabing iyon. Ang sabi niya sa akin, mahal niya ako pero mas mahal ka niya, na kailangan ka niya kahit hindi mo na siya kailangan.”
Naihinto ko ng wala sa oras ang sasakyan. Mabuti na lamang at walang nakasunod sa amin. Ipinagilid ko iyon at hinarap siya.
“What are you saying?” Halos pumiyok ko pang tanong.
“Kaya lang naman niya ako pinatulan ay dahil sa lagi kang wala. Alam ko naman iyon simula pa lang. Pero kasi, sa akin, okay na iyon. Kasi kahit konti, mahal niya ako. Sapat na sa akin iyon. Alam ko din na hindi ka niya iiwan kapag pinapili ko siya kaya kahit minsan, hindi ko siya pinapili. Nakuntento ako sa kaya niyang ibigay. Ilang beses siyang nakikipaghiwalay sa akin. Sinabihan pa niya ako na bata pa ako at may mahahanap pa akong iba pero hindi ako pumayag. Siya kasi ang unang taong nagmahal sa akin kaya hindi ko siya mapakawalan. Siya lang ang meron ako ng mga panahong iyon. Kaya kahit kapiranggot lang ang kaya niyang ibigay, tinanggap ko iyon ng buong-buo.” Mahaba niyang sabi. Ngumiti pa siya sa akin ng mapait.
“Kaya nga noong nakilala kita, hiyang-hiya ako sa sarili ko. Kasi nakita ko kung bakit ka niya minahal ng ganoon na lang. Kaya nga noong kinausap ako nina mama mo na ako ang magbantay sa bahay mo kahit pa alam kong baka mapatay mo lang ako kapag bumalik ka, tinanggap ko iyon. Kasi, sa akin, kulang pa ang buhay ko na kapalit sa lahat ng nawala sa iyo ng dahil sa akin.” Dagdag pa niya.
“It was an accident.” Sabi ko pero umiling lang siya.
“Hindi mangyayari iyon kung hindi ko siya pinilit na magpunta sa motel noong araw na iyon. Alam ko kasing darating ka na at sabihin nang tarantado pero sinadya ko talaga iyon para kung sakaling may mangyari sa inyo pagdating mo, masasabi kong naunahan na kita. I was being a stupid kid. At namatay siya ng dahil doon.” Amin niya. Gulong-gulo ang isip ko pero isa lang ang maliwanag. Lahat kami, may mali, kahit si Paul, lalong-lalo na si Paul.
“Paul was being selfish. We all were.” Sabi ko na lang. Hindi ko alam kung kinailangan ko din lang marinig iyon mula mismo sa bibig ko sa loob ng mga nakalipas na taon dahil biglang parang gumaan ang bigat na nararamdaman ko. Pareho lang kaming natahimik.
“Galit ka pa rin ba sa akin?” Tanong niya maya-maya. Napaisip pa ako ng matagal bago ako sumagot.
“Konti. Magiging ipokrito naman ako kung sasabihin kong hindi. But it has been more than five years. I don’t hate you as much as I did before, probably because I don’t really blame you for what happened anymore. Pero andoon pa rin sa isip ko na naging kahati kita sa kanya. Hindi galit eh, kundi selos, at iyong idea na hindi ako naging sapat sa kanya.” Sagot ko at iyon ang totoo.
“Will we ever get over him?” Tanong niya sa akin. Napangiti ako ng wala sa oras. Noon ko lang kasi siya narinig na mag-English.
“Get over what happened, yes. But him? Probably not. You don’t stop loving someone just because they are gone. Sabi nga ni Paul dati, the heart is big enough to accommodate love of any size and kind and the only problem is that people try to limit it.” Sabi ko ng nakangiti.
Ngumiti din siya sa akin. Ewan pero biglang kumabog ang dibdib ko. Malamang ay dahil noon ko lang siya nakita na ngumiti ng ganoon. Kapag pala nakangiti siya, lalong lumilitaw ang pagka-Hapon niya. Nawawala kasi ng tuluyan ang mga mata niya.
“I miss him, sometimes.” Sabi niya sa akin. Lalo akong napangiti.
“Bakit?”
“Ngayon lang kita narinig na mag-English.” Sabi ko saka sinundan iyon ng tawa. Natawa na din lang siya.
“Ubos na nga baon ko eh.” Sabi lang niya.
Naging mas maayos na ang biyahe namin papuntang Baguio pagkatapos noon. Maging ang trabaho namin doon, parang ang bilis lang na natapos. Walang ilangan, walang iwasan. Para lang kaming magkaibigan na magkasama.
Dahil maaga naming natapos lahat ng kailangang ayusin sa Baguio, nagawa pa naming mamasyal. Tawa pa ako ng tawa kasi ang laki-laki niyang tao, takot pala siya sa multo. Halos hindi na niya ako binitawan noong pumasok kami sa White House sa Baguio. Nagpunta din kami ng Strawberry farm at flower farm.
Napangiti pa ako ng bigla siyang bumili ng dalawang nakapasong halaman na may puting bulaklak. Hindi ako pamilyar sa pangalan noon. Sinabi lang niya na carnation daw iyon. Inasar ko pa siya na napaka-clichƩ niya dahil bakla na nga siya, mahilig pa siya sa bulaklak.
“Para sa atin kaya ito.” Sabi niya sa akin. Akala ko nagbibiro lang siya kaya tumawa lang ako. Saka ko lang nalaman na seryoso siya nang ipaliwanag niya kung bakit.
“Ang white carnation kasi, ibig sabihin, bagong simula.” Sabi niya sa akin ng nakangiti habang iniaabot iyong isang paso. Nag-alangan pa akong tanggapin noong una pero tinanggap ko din. Ang ganda-ganda tuloy ng pagkakangiti niya.
“Are you hitting on me?” Pang-aasar ko ulit para hindi masyadong awkward. Napangiti tuloy pati iyong nagbebenta.
“Not yet. You’ll know when I do.” Sabi niya saka tumawa ng malakas. Nakitawa na din lang ako.
Pagbalik namin ng Maynila, siya pa mismo ang nagtanim noon sa garden. Itinapat pa niya talaga iyon sa may puno na inukitan ni Paul. Hindi naman ako kumontra. Napaka-symbolic kasi noong gesture. Ang kaso, hindi kami tinigilan ni Thirdy.
“Ang babaduy ninyo!” Pambabara pa niya sa amin. Tinawanan na lang namin siya. Akala ko doon na matatapos iyon. Nagulat na lang ako isang araw dahil pagpunta ko ng garden, napapalibutan na ng puting carnation iyong buong puno. Nang tanungin ko si Thirdy, ang sabi lang niya ay nagpunta doon si Nowaki ng tanghali at itinanim ang mga iyon.
“I wouldn’t mind.” Sabi pa niya na nagpakunot ng noo ko.
“Mind what?” Tanong ko sa kanya.
“If you and Kuya Aki starts dating.” Sabi niya ng nakangiti. “I think Daddy Paul would approve.”
Wala akong mahagilap na isasagot sa anak ko. Ngumiti na lang ako at napailing.
Ilang beses pa kaming nagpunta ng Baguio ni Nowaki sa loob ng sumunod na anim na buwan. At dahil madalas kaming magkasama, mas lalo ko siyang nakilala. He was mature for his age. Marahil ay dahil na din iyon sa lahat ng pinagdaanan niya. I was eleven years older than he was pero kapag nag-uusap kami, para lang kaming magkaedad. Kaya nga kapag wala siya sa opisina, hinahanap-hanap ko siya. I was slowly crossing the boundary between hate and love, alam ko iyon.
Iyon na din siguro ang nagtulak sa akin para tuluyan nang magpaalam kay Paul. Maaga akong umalis sa opisina at umuwi sa bahay. Nasa palengke si Yaya Dolores at nasa school pa ng mga oras na iyon si Thirdy kaya mag-isa ko lang.
Mula sa bodega ay inilabas ko lahat ng karton kung saan nakalagay ang mga gamit ni Paul. Inimis lang kasi iyon ni Yaya Dolores pagtapos mailibing si Paul. Ang bilin ko lang, huwag silang magtatapon ng kahit na ano pero simula nang mamatay si Paul ay noon ko lang uli titignan ang mga iyon.
Mula sa mga class records hanggang sa mga lapis at ballpen na ginagamit ni Paul ay kumpleto pa ang lahat ng iyon. Mga larawan naming dalawa at iba pang mga remembrance, pati iyong mga kinukulekta niyang tissue kapag lumalabas kami, nandoon lang lahat. Naalala kong lagi siyang may isinusulat sa mga tissue na iyon kaya iyon ang una kong binasa. Ang ilan sa mga iyon, lumang-luma na kaya ingat na ingat ako.
“He doesn’t even know how beautiful he is when he smiles.”
“Will he ever tell me that he loves me too?”
“May kanin siya sa baba niya pero wala akong balak sabihin. Mukha siyang bata.”
“He loves me. :-) Akala ko hindi ko na iyon maririnig kahit kailan. Kanina ko pa gustong tumalon sa tuwa.”
“I could get used to this, having coffee with him every morning.”
Madami pang ganoong mensahe na nakasulat sa mga tissue. Hula ko ay noong kasisimula pa lang namin iyon. Pero hindi nagtagal, nagbago ang mga nakasulat doon.
“Look at me, damn it. I’m here.”
“Please.. Just tell me if I did something wrong. Why are you being cold?”
“Do you still see me now that you don’t need me anymore?”
“I fucked up, James… And you don’t even see it…”
“Will I ever hear you say that you love me ever again?”
“He told me he loves me, James… He’s telling me things you have forgotten to say…”
Hindi ko na natapos na basahin pa ang mga iyon. Umiiyak na ako ng sobra-sobra. Nanginginig na ibinalik ko iyon sa karton at akmang aalis na ng maramdaman ko ang isang kamay sa balikat ko. Paglingon ko, nakita ko si Nowaki na nakatayo sa likod ko. Hinila lang niya ako at niyakap.
“Why didn’t he say anything?” Tanong ko kay Nowaki sa pagitan ng pag-iyak.
“He was afraid of asking you something you might not be able to give…” Sabi lang niya na lalong nagpatindi sa pag-iyak ko. Humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya at iyon ang eksenang nadatnan ni Thirdy. Walang sabi-sabing kinuha niya ang mga carton at inilabas ng bahay. Pareho lang kaming nakatingin ni Nowaki sa kanya. Halos madurog ang puso ko ng makita kong umiiyak si Thirdy.
“We can’t go on living with his ghost. I loved him too but enough is enough.” At bago pa kami maka-apela ni Nowaki, binuhusan na niya ang mga iyon ng gaas at saka sinunog. Ni hindi ko alam kung saan siya kumuha noon.
Nakatingin lang kaming tatlo doon habang unti-unting nilalamon ng apoy ang mga naiwang gamit ni Paul. Maya-maya ay lumapit sa amin si Thirdy at niyakap kaming pareho.
“This is the gayest thing I have ever done in my entire life!” Komento pa niya na ikinangiti ko. Ginulo ko lang ang buhok niya saka hinalikan siya sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ni Nowaki.
“Ewww! Kadiri kayong dalawa! Pwede huwag niyo akong idinadamay sa gay parade ninyo!” Sabi niya ng tumatawa saka kumawala sa amin. Pumasok na siya sa bahay kaya wala kaming nagawa ni Nowaki kundi tignan na lang siya.
“Mas mature pa siya sa atin na mag-isip,” Sabi ni Nowaki. Napatango na lang ako bago tinignan ang abo ng mga gamit ni Paul.
“And he actually left this for us to clean.” Sabi ko sabay nguso sa abo sa harapan ng bahay.
Naisipan ni Nowaki na ilagay ang mga abo doon sa may puno na parang pataba at hindi na din ako tumanggi.
Siguro nga ay iyon lamang ang kailangan namin dahil magmula ng araw na iyon, napapadalas na din ng pagdalaw si Nowaki sa bahay. Lagi siyang kinakantiyawan ni Thirdy na daig pa daw niya ang namamanhikan pero tinatawanan lang niya. Ako naman si gago, laging patay malisya lang. Wala naman kasi siyang sinasabi kaya hindi ako nag-a-assume.
Kahit na noong malipat na siya ng supervisor sa kumpanya para sa apprenticeship niya ay pumupunta pa rin siya sa bahay ng madalas na umabot hanggang sa matapos ang mahigit dalawang taon niyang pag-a-apprentice sa amin. Dalawang taon ng birthdays at iba pang holidays na kami ang kasama niya maliban sa isang linggong pagbisita niya sa tatay niya sa Japan.
Nagulat pa ako nang malaman ko na maliban pala sa apprenticeship ay naka-enrol na din siya ng masterals ng mga panahong iyon.
“Pwede ba kayong mag-attend ng graduation ko?” Tanong niya sa akin. Sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Thirdy.
“Dapat lang! Matapos mong magpahaging kay dad ng almost two years tapos hindi mo kami iimbitahin? Aba! Umayos ka!” Pambabara ni Thirdy dito.
“Hoy! Umayos ka nga!” Sabi ko kay Thirdy pero nandila lang siya sa akin.
“So, is that a yes?” Tanong niya sa akin. Tumango na lang ako.
Mismong graduation na niya ng malaman kong nagtapos pala siya ng masteral’s niya na suma cumlaude. Lalo tuloy akong bumilib sa kanya. Hindi biro ang naging apprenticeship niya sa amin kaya alam kong talagang pinaghirapan niya iyon. Kaya nga nang tinawag na siya para magsalita, isa sa ko sa pinakamalakas ang palakpak.
“My journey wasn’t simple. Lahat naman yata tayo ganoon ang simula. Wala naman kasing madali. More than seven years ago, I was at my lowest. Looking back, ni sa hinagap hindi ko man lang hinayaan ang sarili ko na mangarap na umabot sa ganito. During my last year in high school, nakatatak na sa utak ko na kumuha na lamang ng isang vocational course. Iyon lang kasi ang kaya ng pera ko noon. Those who knew my story back then wouldn’t be surprised to hear this. But since this is a time for celebration for everyone here, hindi ko na lang ikukwento dahil baka mag-iyakan pa tayo. To cut the long story short, I met three people. The first one saw me for who I am. The second one accepted me for who I am. At sa kanila ko inaalay ang lahat ng ito. To Sir Paul Alexander Baroga, kung nasaan ka man, maraming salamat. You saw me when I was invisible. To James Timotheo Briones III, Thirdy for short, he’s that cute high school kid somewhere at the back wearing a red polo long sleeves,” sabi niya nang nakangiti.
May ilan pang napalingon sa kinauupuan namin na ikinapula ni Thirdy pero imbes na magtaho ay kumaway pa.
“He’s single by the way,” dagdag pa niya na ikinatawa ng mga nadoon. “Buddy, thank you for accepting me for who I am. And I did say three people,”
Kahit malayo ay ramdam na ramdam ko ang pagkakatingin niya sa akin.
“The last person would be Architect James Timotheo Briones, Jr, the good loking guy sitting beside the cute kid earlier.” Muli na namang napatingin sa amin ang mga tao. Ngimiti na lang ako kahit na pulang-pula ang mukha ko sa hiya.
“Thank you, for showing me what true love is and teaching me things that I never even believed is possible in this world. One day, I wish I could find someone who would be able to love me, katulad nang kung paano mo siya minahal, katulad nang kung paano mo tinanggap ang lahat. And thank you for telling that kid that he would make a good architect even when you owe him nothing, even when he didn’t deserve your kindness.”
Madami pang sinabi si Nowaki pero lutang na ang utak ko ng mga oras na iyon. Feeling ko nabanggit din niya ang nanay at stepfather niya pati na din ang mga kapatid niya at tatay niyang nasa Japan. Pati nga yata si Boss Frankie ay nabanggit niya pero hindi ko na matandaan ng maayos. Paulit-ulit lang kasing naglalaro sa utak ko ang mga sinabi niya.
Bumalik lang sa katinuan ang utak ko ng biglang maghiyawan ang tao at napatingin sa akin, pumapalakpak. Maging si Thirdy ay ngiting-ngiti na nakatingin sa akin.
“What?” Tanong ko kay Thirdy, naguguluhan. Imbes na sagutin ay sumigaw si Thirdy.
“Rerun! Hindi niya narinig!” Bumalik tuloy ang tingin ko sa entablado kung saan nakatayo pa rin si Nowaki.
“I said I love you and I am willing to do everything to make you fall in love with me too.” Walang gatol na sabi niya sa microphone na naging dahilan ng lalong paglakas ng hiyawan sa auditorium. Napatangang nakatingin lang ako sa kanya. Nang makabawi, ngumiti lang ako.
Sa awa naman ng Diyos, natapos na din ang graduation na wala nang anumang eksena pa mula sa kung sino man. Pakiramdam ko nga, minumura na ako ng school administrators ng dahil doon. Pero isa din lang ang sigurado ko, wala na akong pakialam.
“Do you hate me now?” Alanganing tanong sa akin ni Nowaki nang lumapit sa amin. Inirapan ko lang siya samantalang niyakap siya ng mahigpit ni Thirdy.
“That was amazing! Now, kailangan ko ding maging valedictorian!” Sabi pa ni Thirdy.
“Subukan mo lang na gawin iyon at masasapak talaga kita.” Kastigo ko kay Thirdy pero pinadilaan niya lang ako.
“Sus! Just admit it, dad. Kinilig ka eh!” Sabi niya sa akin saka nagtago sa likuran ni Nowaki.
“Eh kung iyong allowance mo ang pakiligin ko palabas ng wallet mo ng isang buwan?” Banta ko sa kanya.
Tinignan lang nila akong dalawa. Pareho silang halatang nagpipigil ng tawa na nagkatinginan. Sabay pa nilang inilabas ang wallet nila at saka muling tumingin sa akin.
“I’ll support you.” Sabi pa ni Thirdy kay Nowaki bago ako hinarap. “Okay dad, let’s get it on. Five hundred for the top.”
Naglabas pa siya ng 500 pesos mulas a wallet niya. Naglabis din ng dalawang libo si Nowaki mula sa wallet niya.
“Five hundred for the pants, five hundred fro the socks, five hundred for the shoes, and five hundred for the boxers.” Ngiting-ngiting sabi ni Nowaki. Napakunot lang ako ng noo.
“Ata ka lang Kuya Aki? Ano to Divisoria, pakyawan?” Sabi pa ni Aki na lalong ikinakunot ng noo ko.
“I don’t get it.” Sabi ko.
“Dad, sabi mo pakikiligin mo ang allowance ko palabas ng wallet ko. So strip.” Pilyong-pilyong sabi ni Thirdy. “Although after the top, I’m out. I have no reason to see what made me.”
Sabay ko silang binatukan at walang nakaiwas sa kanilang dalawa. “Mga tarantado! Kung anu-anong sinasabi ninyo!”
Namumulang nauna na akong naglakad papunta ng parking lot. Kaso ang mga hayop, hindi pa pala tapos.
“Okay fine! One thousand each! Deal or no deal?” Sigaw pa ni Thirdy. Hindi ko man lang sila nilingon.
Dahil hindi nakauwi ang tatay niya at hindi man lang nagparamdam ang nanay niya at stepfather niya, sa bahay na siya nag-celebrate ng graduation. Sabi din kasi ni Thirdy na sulitin na na kasama siya dahil siguradong magiging abala siya sa pagre-review para sa board exams. Hindi na din naman ako tumanggi.
Maging sina Ella at Kristine ay sumama na din sa celebration, dala-dala ang kani-kanilang chikiting at asawa. Dumating din sina mama at papa para doon. May mga taga-opisina na din na dumating para makipag-celebrate kasama namin. Hindi nga lang nakarating si Boss Frankie pero nagpadala naman ng cake kasama ang isang card na nagsasabing kapag pumasa siya ng board, considered hired na si Nowaki sa kumpanya.
Nasa kalagitnaan kami ng celebration nang lumapit sa akin si Ella. Siniko pa niya ako.
“You might want to stop staring at him,” Buska niya sa akin. “Baka matunaw eh.”
Inismiran ko lang si Ella at hindi na itinanggi pa ang tinutukoy niya. Totoo naman kasi na simula pa doon sa auditorium hanggang sa makauwi kami ay pabalik-balik ang tingin ko kay Nowaki.
“He said he loves me, Ella…” Sabi ko sa kanya. “And I’m not sure if I should.”
“Should what?” Tanong niya sa akin.
“If I should let myself fall in love with him.” Walang gatol kong sagot.
“You’re being silly. You already have.” Sagot lang niya sabay marahang tinapik ang pisngi ko. “Paul would be happy.”
“Parang mahirap yatang paniwalaan iyon.” Sabi ko sa kanya. Hindi umimik si Ella bagkus ay may kinuha lang siya sa bag at iniabot sa akin. Isa iyong tissue na nakabalot pa sa isang plastic. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon. Ni hindi ko na kailangan pang ilabas sa plastic para basahin kung ano ang nakasulat duon.
“One day, they will find each other like they have found me and by then, we will all be happy…”
Iyon lamang ang nakasulat doon. Napakagat ako ng labi para pigilan ang pagdaloy ng mga luha ko. Sakto namang napatingin sa akin si Nowaki. Agad na rumehistro ang pag-aalala sa mukha niya ta lumapit sa akin.
“I’ll leave you two,” sabi ni Ella sa akin bago hinarap si Nowaki. “Congrats ulit!”
Hinalikan pa ni Ella si Nowaki bago tuluyang umalis.
“Are you okay?” Tanong sa akin ni Nowaki. Tumango lang ako at iniabot sa kanya ang hawak ko. Nanlaki ang mga mata niya habang binabasa iyon. Napatingin lang siya sa akin pagkatapos niyang basahin. Kinuha ko ulit sa kanya at saka hinawakan ang kamay niya saka ko siya iginiya papunta doon sa may puno. Nakatingin lang sa amin ang mga tao doon. Dumaan ako sa kung nasaan ang cake at kinuha ang kulsilyo na ginamit nila.
Pagdating sa may puno, kinailangan pa naming talunin iyong mga nakatanim na carnation. Natatawang sumunod din lang sa akin si Nowaki. Pagkalapit sa puno, naghukay na ako agad sa lupa. Nakakaintinding kinuha naman ni Nowaki iyong nakasupot na tissue sa isang kamay ko ay siya na mismo ang naglagay noon sa hinukay ko nang matapos. Pinagtulungan naming tabunan iyon.
Nang matapos kami, nakapalibot na sa amin ang mga tao. Akmang aalis na si Nowaki pero pinigilan ko siya at saka hinarap ang puno kung saan nakaukit ang pangalan namin ni Paul sa loob ng isang puso. Napangiti ako ng makita ang espasyo sa taas ng pangalan ni Paul. Para bang simula pa lang kasi ay alam na niya na darating ang araw na ito.
Ako na mismo ang nag-ukit ng pangalan ni Nowaki sa loob noong puso. Nakatangang nakatingin lang sa akin si Nowaki, nangingilid ang luha. Nang matapos, iniabot ko kay Ella ang kutsilyo at walang  sabi-sabing hinalikan si Nowaki sa harap nilang lahat. It would have been the most dramatic moment of my life kaso biglang sumingit ang balasubas kong anak.
“Ewww! Kadiri! Get a room!” Hiyaw niya sa amin na ikinatawa ng lahat.
Pero tama din lang siguro iyon, dahil sa dinami-dami ng dramang nangyari sa buhay namin, minsan, kailangan din naman ng konting sawa.
Right there and then, isang mabining hangin ang dumaan sa kinatatayuan naming dalawa. Nagkatinginan pa kami ni Nowaki at sabay na napangiti. Muli naming tinignan ang nakaukit sa puno kung saan nakaukit ang pangalan naming tatlo nina Paul.
Tama nga si Paul, the heart is big enough to accommodate any type and size of love there is in the world. Iyong tipong hindi mo kailangang magbura ng pangalan dahil laging meron at merong espasyo pang natitira para sa kung anumang uri ng pag-ibig pa ang dumating.
There is enough space for both the past and the present in everyone’s heart. There’s even enough space for the future. And never forgetting any kind of love that you have experienced is what forever faithful really means.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This