Pages

Monday, December 28, 2015

Bi the Sea (Part 3)

By: BM

Hindi man naging pormal na kami ni Will ay parang ganoon na din ang nagyari nang mga sumunod na buwan. Palagi kaming magkasama kapag walang trabaho. Tambay sa kabina o kahit sa inuman kapag saturday nights, kami lagi ang nahuhuli. Masasabi kong iyon ang pinakamasayang mga sandali ng buhay ko. Yung nararamdaman kong kahit pagod sa trabaho ay may magsasalsal sayo, chuchupa sa burat mo at hihimod sa butas mo. Haha. Loko lang mga ka KM. Pero yung totoo nun, habang papalapit ako dun sa katapusan ng kontrata ko ay mas lalo akong natatakot. Kinakabahan ako na tila ba ang nangyayari ay pawang panaginip lang lahat. Na nahihimbing lang ako at isang umaga tutunog ang alarm clock na gigising sakin sa katotohanang walang patutunguhan ang relasyon namin ni Will. Na hanggang sa barko na lang iyon. Babalik siya sa kanyang buhay at girlfriend at ako naman sa normal kong buhay. Kaya ang itinatanim ko na lamang sa isip ko ay ienjoy ang bawat araw na magkasama kaming dalawa.

Madalas na may nagrereto sakin na kasamahan ko sa kani kanilang kamag anak na babaeng kaedaran ko. Yung iba naman eh mismong anak nila. Mas maigi na raw na sa akin mapunta kesa iba na hindi sila siguradong may maibibigay na magandang buhay. May tama nga naman sila. Ang masaklap lang nun, hindi babae ang trip ko kaya pasensyahan na lang kami. Kung pwede ko lang bang sabihin na yung kamag anak na lang nilang lalake ireto papatusin ko pa.

Isa sa mga nagreto sakin ng anak niya ang kasamahan naming Chiefmate. 20 years old na yung babae at kakagraduate lang. Maganda si Andrea, mana sa Daddy niyang mestizo. Sexy at maputi. Yung tipong pang girlfriend material talaga. Dahil sa gusto ko ring pagbigyan si Chiefmate eh sinubukan kong i add sa fb at chinat. Ugaling bakla si Andrea kaya naaliw din ako sa kanya. Madalas din akong nakikipagkwentuhan kapag nagkakausap sila ng Daddy niya sa skype.

" Mukhang okay na kayo nung anak ni kamote (chiefmate) Jake ah." sabi ni Will nang minsang nasa kabina at naglalaro ng dota habang ako naman ay busy sa sinusulat ko.

" Huh? Wala yun." simpleng tugon ko at bumalik sa ginagawa.
" Maganda naman kasi yun. Kahit siguro ako lalake liligawan ko yun eh." mahinang sabi nito.

" May point ka jan brad eh. Minsan gumagana din utak mo noh? Ayos din ha. Shotain ko kaya?"excited na tanong ko kay Will at binitawan ang hawak kong ballpen.

" Inlove ka na ba sa kanya?" nagulat ako nang bigla siyang tumayo at lumapit saken. Seryoso ang mukha nito at namumula.

" Teka lang brad. Nagseselos ka ba? Seryoso? Babae yun oh. May puke. Tomboy ba ko?" medyo asar kong balik sa kanya.

Biglang kumalma ang mukha ni Will sa sinabi ko. Napangiti siya sa sinabi ko at biglang tumabi saken sa couch at sumandal sa balikat ko.

" Natatakot lang ako baka mainlove ka sa kanya. Hindi ka pa naman mahirap mahalin." paglalambing ni Will sabay hapulas ng mukha ko.

" Sige nga kung mahal mo ko dilaan mo nga kamay ko." panunukso ko sa kanya at iniangat ang kamay ko.

Nagulat ako ng bigla niya itong inabot at dinilaan ang palad ko na nagdulot ng matinding sensasyon. Nanginig ako at pilit ko itong binawi ngunit hindi ko magawa dahil sa lakas nito. Ipinasok niya ang mga daliri ko sa bibig niya at pinagsisipsip ito.

" Pwede na ba yan?" nakangiting wika ni Will pagkabitaw niya sa kamay ko.

Nilibugan ako sa ginawa ni Will at bigla ko siyang hinalikan ng madiin. Pinasok ko ang dila ko sa mainit niyang bibig at lumaban din ito. Nakipagsipsipan at nakipag espadahan. Halos hindi kami parehas makahinga sa ginagawa namin. Humiga ako sa couch at hinila siya papunta saken habang tuloy pa rin ang laplapan. Hinubad ko ang pang itaas niya at hinimas ang kanyang katawan. Mula sa batok, leeg, utong at bumaba sa burat niya ang kamay ko. Hinubad niya din ang suot kong damit at dali daling siniil ng halik ang leeg ko.

Ahhhh..sarap Will...tu...loooy...mo laaanng...ahhh..

Nauutal na ko sa sarap ng ginagawang paglapa ni Will saken nang biglang may kumatok sa pinto. Buti na ang at nakalock ito kaya hindi nabuksan.  Tinulak ko si Will papasok sa banyo at itinapon sa kanya ang damit. Pasimple ko namang isinampay ang damit sa balikat at binuksan ang pinto.

" Oh brad, anong satin?" Tanong ko sa AB na kumatok.

( AB stands for Able-Bodied  Seaman, one of the deck ratings.)

" Third, nakita mo ba si Will? Hinahanap kasi siya ni Kapitan eh." sagot naman nito habang hawak hawak ang radyo( walkie takie ).

" Naku patay na brad. Nakita ko kanina nakadungaw dun sa dagat. Mukhang malungkot. Kinawayan ko nga parang malalim ang iniisip eh. " pagsisinungaling ko naman pero alam kong naririnig ng loko yung pinagsasabi ko sa loob ng CR.

" Ganun ba Third. Kanina pa kasi hindi mahanap eh." nag aalalang sabi naman niya.

" Naku brad. Public Address mo na lang para mabilis. Mahirap niyan tumalon na pala." seryoso kong paliwanag sa AB pero natatawa sa loob loob ko.

" Naku wag naman sana Third. Kawawa girlfriend nun. Palagi pa namang tinatawagan. Magpapakasal na nga ata pagbaba eh."

Hindi ko na narinig na nagpaalam ang AB at natulala na lang ako bigla. Tila binuhusan ako nang napakalamig na tubig sa narinig ko. Sa sobrang saya ko sa piling ni Will ay nakalimutan kong may naghihintay palang girlfriend ito sa lupa. Pumasok ako sa kabina habang hinayaang nakabukas ang pinto. Naupo ako sa couch. Tahimik na nag isip. Pilit kong pinaalala sa sarili ko ang estado ng relasyon namin ni Will. I tried convincing myself to stop overthinking and just enjoy every moment with him. Pero parang hindi ko na kayang gawin. Para kaming nasa kumunoy na parehas lamang lulubog at mababaon sa mga emosyon namin hanggang sa hindi na kami kapwa makaahon. Mahal ko na ang gagong to kaya dapat na naming gisingin ang isa't isa. Walang patutunguhan ang relasyong to. Ayokong makasira ng isang maayos na pagsasamang tulad ng sa kanila ni Karen. Alam ko ang pinagdaanan nila at ang mga pangarap kaya hindi ko matatanggap kung ako ang maging sanhi ng pagkawasak nito. Hindi ko mapigilan ang sarili kong maiyak dahil isinampal saken ang katotohanan. Katotohanang parehas naming kinalimutan.

" Loko ka talaga oh...parang gusto mo na ata akong tumalon dito ah...sana sinabi mong....."

Tumatawang lumabas si Will sa CR ngunit bigla na lang natigilan ng makita akong luhaan. Nilapitan niya ako at niyakap. Tinanong niya kung napano ako pero hindi ako sumagot.
Pinilit niya kong pagsalitain at mangiyak ngiyak na din siya pero tahimik pa rin ako.

" Your attention please. Your attention please. Will, kindly report to the bridge now."

Sinenyasan ko si Will na umalis at pumunta ng bridge at sumunod naman itong bakas sa mukha ang pagkabahala.

Napag alaman kong may ipinagawa si Kapitan kay Will nung hapong yun kaya hindi na nakapunta sa kabina. Lagi kasing sumasaglit yun dun bago matulog.

Sinadya kong kumain ng late kinabukasan para hindi kami magkita ni Will. Doon na din ako kumain sa officers mess hall. Nilalock ko na din ang kabina kapag lumalabas ako. Hindi kami nagkita buong araw. Napakalaking pagbabago para sa akin yun. Sanay na kasi ako na umaga pa lang nasa kabina na ang kumag at nangungulit bago pumunta sa trabaho. Natapos din ang araw na hindi kami nagkita dahil deretso na ko kabina pagkakain.

Hindi ako makatulog nang gabing yun kaya dinaan ko na lang sa pagsusulat. Mag aalas onse na nang gabi nang biglang nagring ang telepono.

" Third Engineer speaking."

" Pwede bang pumunta ako jan Jake?" malumanay na tanong nito. Si Will ang tumawag at halatang nalulungkot.

" Masakit kasi ulo ko brad eh. Next time na lang."  malamig ko namang tugon ngunit sa loob ko ay gusto ko ring pumunta siya.

" Galit ka ba saken?" tanong nito na tila nangangarag na ang boses.

" Wala naman brad. Sige mauna na ko matulog."  paalam ko at biglang binaba ang telepono.

Bumalik ako sa pagsulat hanggang sa dalawin ako ng antok.

Ganoon pa din ang routine ko ng sumunod na mga araw at panay din ang tawag ni Will sa aken. Nung una ay nakakahanap ako ng palusot pero mga ilang araw ang nakalipas ay hindi ko na sinasagot hangga't hindi na din siya tumawag. Sa tuwing magsasalubong kami ay umiiwas ako at kung minsang may kasabayan siya ay ngumingiti na lang ako at bumabati.

Bumalik kami ni Will sa simpleng magkatrabaho na lang ang turingan. Kapag may sabado nights, hindi na ko nagpapaiwan at nagdadala na lang ng alak sa kabina kapag kinapos. Dinadaan ko na lang sa gitara minsan. Sa madaling sabi, naging boring ang life ko nung nagkalabuan kami ni Will.

May isang linggo na lang noon bago ako bumaba nang nag birthday si Will kaya nagkayayaang mag inom. Kami kami lang ng tropa. Wala yung mga indiano. Hindi naman pumunta lahat ng pinoy kaya konti lang kami. As usual gumawa na naman kami ng pulutan. Andun din si Will naghahanda. Nakikisabay din ako makipagbiruan pero mas inaatupag ko ang paggawa nung pulutan.

" Uuwi na pala kayo sa susunod na linggo Third." biglang sabi ni Will habang parehas kaming naghihiwa ng pansahog sa pulutan.

" Oo nga eh." matipid ko namang sagot.

Tumingin ako sa kanya at ngumiti. Napako ang tingin ko sa noo nitong naka band-aid. Bigla akong lumapit at hinawakan ang parteng iyon at hinaplos haplos. Nawala na sa isip ko na hindi lang kami ang naroon sa kusina.

" Napano to?" nag aalalang tanong ko.

" Wala yan. Maliit na sugat." sagot naman nito.

Hinawi niya ang kamay ko ngunit hindi niya ito binitawan bagkus ay hinawakan niya habang nakatingin sa akin. Yung titig na nagtatanong kung anong nangyari at nagkaganito kami. Kung bakit ako lumayo. ( Kung anong favorite color ko at kung anong kulay ng lipstick ang gusto ko..at kung ano ang size ng bra ko..loko lang..!commercial muna..kung makatiming din dba?) Bigla naman akong bumitaw at baka makita nung dalawang abala sa pagluluto.

Bago pa man matapos ang paghahanda ay umakyat na ko sa kabina at hinayaan na silang magligpit. Nanuod muna ako ng paborito kong series na " Criminal Minds". Nalibang ako sa kakanuod ng biglang nagring ang telepono. Si Robert iyon at nag aaya na dun sa inuman. Naghilamos muna ako at nagbihis ng sando.

Dalawang kasamahan namin ang nakasalubong ko nang pababa ako.

" San kayo? Tara shot tayo dun." nakangiting yaya ko sa kanila.

" Duty pa third. Samahan mo na lang sila dun." tugon naman ng isa at umakyat na.

Apat lang silang nadatnan kong umiinom. Si Charlie, Robert, Birthday boy tsaka yung isang AB. Tumabi ako dun sa katsukaran kong AB at pumagitna sa kanila ni Charlie. Si Robert naman at Will ay nasa spot  namin lagi. Sa gilid. Nagbukas ako ng beer sabay kampay at sigaw ng " Happy Birthday". Sumabay naman ang lahat saken. Tumingin ako kay Will at ngumiti bago lumagok ng alak. Ngumiti din siya pabalik.
Tuloy-tuloy lang ang kantahan at inuman nang may panaka nakang yosi. Maya-maya pa ay umalis na sila Charlie at sumunod ang AB. Kami ulit magkakasamang naiwan. Mga last men standing kumbaga.

" Dito kayo brad para makita niyo maigi ang lyrics." pagyayaya ko sa dalawa na bigla ding lumipat sa table ko.

Pumwesto sa gitna namin ni Robert si Will. Sinabayan ko sa pagkanta si Robert at maya maya ay sumabay na din si Will. Kanta ni Bon Jovi yung nakasalang kaya parang all-time favorite yun. Nagtatawanan lang kaming tatlo habang nag iinuman. Tinanong ko si Will kung nakatawag na siya sa gf niya at umuo naman ito.

" Mga brad ihi lang ako ha." paalam ni Robert nang mag aala una na.

" Baka uwi-hi brad." tukso ko naman dito. Na siya ngang nangyari.

Naiwan kami ni Will na nag iinom.

" Sagarin na natin to at birthday mo naman brad." nakangiting sabi ko kay Will.

" Walang problema sakin. Ikaw lang tong nauuna lagi eh
. At nang-iiwan."

Tumahimik na lang ako at uminom dahil mukhang iba ang dating ng sinabing iyon ni Will. Kinuha niya ang remote at may kantang isinalang. Dinampot niya ang mic at akala ko'y ipapasa saken dahil yun ang madalas niyang ginagawa  pero nagulat akong kumanta ito. Sa unang pagkakataon ay kumanta siya sa Karaoke. At sa loob loob ko ay tila para saken ang kantang iyon. Harana kumbaga. (lakas maka dalagang pilipina dba?)

"...it's an ordinary song...
for a special guy like you
from a simple fool who's so inlove with you.."

Biglang nadurog ang puso ko nang marinig ang boses ni Will. Kahit sintunado ay tagos sa puso at damang dama niya ang kanta habang nakatingin saken. Dahil ayokong maiyak ay lagok lang ako ng lagok ng beer pero hindi ko na napigilan ang pagdausdos ng mga luha ko ng makita kong umiiyak na ito.

...but if you ever find yourself...tired of all the games you played...

Garalgal na ang boses niya at halos hindi na makakanta ng maayos dahil sa paghikbi. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Yumakap din si Will pabalik at binitawan ang mic. Wala kaming imikan at tanging mahigpit na yakap lang ang ibinigay sa isa't isa. Bumitaw ako at humarap sa kanya upang pahirin ang mga luha nito. Namumula ang mga mata niya at mukha. Gusto ko siyang halikan at sabihang magiging okay ang lahat para sa amin pero hindi ko ginawa. Awang awa ako sa aming dalawa at nanghihinayang. Pero naging praktikal ako. Mas inisip ko ang makakabuti para sa kanya. Niyakap ko siya ulit at nagpaalam na mauna na kong magpahinga. Hindi siya kumibo at hinatid na lang niya ko ng tingin palabas ng inuman habang siya ay naiwang luhaan.

Dadaong na ang barko bukas ng tanghali at baba na kami ng alas 4 ng hapon kaya nag ayos na ko ng gamit pauwi gabi pa lang pagkatapos ng hapunan. May flight details na din kasing dumating. Ewan ko ba kung bakit ang dapat masayang pakiramdam ko ay napalitan ng lungkot. Dahil siguro tuluyan na kaming maghihiwalay ni Will. Malabo na kasi kaming magsama ulit dahil sa dami ng barko.

Nang matapos ang pag iimpake ay nakita ko ang notebook na madalas kong sulatan. Tinawagan ko si Will sa telepono pero walang sumasagot. Pinuntahan ko sa kabina niya pero wala din. Pumasok ako sa kabina niya at nag iwan ng mensahe sa papel.

" Alis na ko bukas. Tambay sa kabina?"

Mag aalas 10 na ng may kumatok sa kabina. Dahil sa pattern ng katok ay nalaman ko agad na si Will yun.

" Pasensya na Jake. May ginawa pa kasi. Mukhang handa kana ah." pambungad ni Will habang nakatingin sa mga gamit ko at umupo sa upuan.

" Oo nga eh. Hinanda ko na para diretso na baba bukas." sagot ko naman sa kanya. Nakaupo naman ako sa couch.

" So pano brad, ingat ka na lang dito sa barko ha. Tsaka wag patanga tanga. Yan tuloy nagkakasugat ka. Sayang ang artistahin mong mukha oh."

Ewan ko ba kung bakit kahit anong pigil ko sa pag iyak ay kusang tumulo ang luha sa aking mga mata. Tumabi si Will sa akin at sinandal ang ulo ko sa balikat niya at pagkatapos ay hinagod ang likod ko.

" Naku Jake hwag kang mag alala saken. Magiging okay
lang ako. Naku mas matanda pa nga ko sayo eh. Kaya ko to. Ikaw ang mag iingat tsaka dahan dahan sa lakas ng loob. Masyado ka kasing astigin eh." pilit namang pagpapakalma saken ni Will.

Pilit kong inayos ang sarili ko at kumalma.

" Teka lang brad. Diba sabi ko bubuuin ko yung kanta bago ako umalis?" sabi ko kay Will at tumango lang siya.

" Natapos ko na din. Sana magustuhan mo ha. Tsaka tang ina pag tumawa ka ihahampas ko sayo tong gitara." pabiro kong wika sa kanya sabay ngiti.

Inilapag ko sa harapang table ang notebook na may lyrics at chords. Nakatingin lang siya ng maigi at nakinig habang tinutogtog ko ang kanta naming dalawa. Tahimik siyang nakikinig nang maya maya ay  may mga luha nang umaagos sa kanyang mga mata. Napaiyak din ako habang nagigitara pero tuloy pa rin ako. Tinginan lang kaming dalawa habang nag iiyakan. Parang nanunuod ka lang ng telenovela kapag tinitingnan mo kami. Korny nga daw pero ganun talaga ang pag ibig. Korny..

...you laugh when i laugh
and you cry when i cry
but i hope to just see you smile
even when im tearing up inside...

...our roads would cross someday
and today's but a memory
i wish i could see you smiling
only then I could live again..

Ilan lang ito sa mga verses nung kanta. Awiting maaring parehas naming makakalimutan ngunit pinagsaluhan namin ang saya ng pagmamahal, sakit ng kabiguan, at pag asang isang araw pareho kaming magiging masaya kasama ang mga mahal namin. Nang mga sandaling iyon, parehas naming tinanggap na hindi para sa amin ang isa't isa. Na may nakatadhanang mas nararapat para sa amin. At kung sino man iyon, alam naming magiging buo na ang pagmamahal na ibibigay namin.

Bumalik na si Will sa kabina niya pagkatapos ngunit bago nun ay ibinigay ko din sa kanya ang mobile number ko sa Pinas. Sinabihan ko siyang bumisita sa bahay pagbaba at sumang ayon naman ito.

Mas pinili kong hindi na puntahan si Will nang paalis ako kinaumagahan dahil busy din sa turn over ng papalit sa akin. Nang pababa na ng gangway ay nalungkot ako. Biglang nagflashback lahat ng alaalang kasama si Will. Yung unang nasilayan ko ang kapogian niya at kung paano kami nagsalo sa ligaya. Mga tampuhan at kulitan. At pati ang masasakit na alaalang dulot ng pagbigay namin ng gap sa isa't isa. Hindi ko parin makalimutan kung pano kami unang naghalikan. Hindi ko inakalang may isang taong magmamahal saken tulad ni Will pero masaya ako at naramdaman ko yun kahit saglit lang. Yung kahit kakarampot lang na oras pero habangbuhay kong nanamnamin. Pasakay na ko sa service van na maghahatid samin sa airport ng may biglang sumigaw.

" Jake! tatawagan kita kapag nasa pinas na ko. Kita tayo ha? Ingat ka! " sobrang lakas na sigaw ni Will habang kumakaway siya tanda ng pagpapaalam.

Itinaas ko na lang ang aking kamay para tumugon. Isinarado ko ang pinto ng van at isinuot ang sunglasses para matakpan ang namumugto kong mga mata.

itutuloy...
itutuloy ko pa ba?

No comments:

Post a Comment

Read More Like This