Pages

Sunday, December 6, 2015

Outstanding Pinoy Teacher

By: Vin

Kakatapos lang ng World Teachers’ Month. At tuwing dadarating ang panahong ito hindi ko maiwasang maalala ang aking teacher --- ang isang teacher na napakalaki ng naging impluwensiya sa aking buhay.  At sa twing maalala ko siya may kung anong kirot sa aking puso na nagpapabalik sa lahat ng mga nakaraang pangyayari.  Hinding hindi ko siya makakalimutan.
        Kalagitnaan ng pasukan ng biglang magresign ang aming Chemistry teacher.  Na-aproove daw kasi yung visa niya papuntang Australia.  Nalungkot ang buong section namin dahil napakagaling at napakabait si Mrs Garcia.  Alam ko pati yung ibang section na may subjects sa kanya ay ganon din ang pakiramdam.  Pero wala naman kaming magagawa kaya nang nagkaroon ng school ng farewell party para sa kanya,  lahat kami ay nagpasalamat sa lahat ng natutunan namin mula sa kanya.
    At dahil kalagitnaan na nga ng school year ay hindi na kumuha ng bagong teacher ang school instead ay ibibigay na lamang daw ang load sa mga vacant teachers.  Naging substitute science teacher namin si Mr. John Jonas Villadiego.  Hindi kami pamilyar sa kanya dahil medyo may kalakihan ang aming school isang compound lang kasi ang high school at college,  hindi namin siya madalas makita.  Computer Teacher siya ng 4th Year kaya kung nakikita man namin siya ay nasa loob ng Computer Laboratory at hindi kami nagkakausap.  Iba kasi ang computer units  na ginagamit ng 4th  year sa lower years dahil may mga subjects sila sa hardware at networking unlike us na Microsoft office lamang ang pinag aaralan. At iba rin ang Computer Lab nila yung ginagamit ng college, bagamat same building lamang.  Seryoso at suplado ang impression namin sa kanya, kaya hindi kami masyadong happy na siya ang pumalit sa adviser namin. Teacher din siya ng Physics at Trigonometry.
    “I am Mr.  John Jonas Villadiego, your new Chemistry Teacher.  This is my 4th year of teaching in this institution now.  I will not tell you more about myself nor will let you introduce yourselves as you usually do.  Let us discover each and everyone of us as we go along with our lessons.” Ito ang makahulugan niyang umpisa sa first meeting namin.
    “Istrikto talaga ano?”
    “Mukang terror ah?”
    “Suplado nga gaya ng sabi nila”
    “Di yata uubra mga kalokohan natin dito…”
    “Siyempre sanay yan sa 4th  year kaya matapang.”
    Iyon ang naging bulungan namin sa loob ng classroom, bagamat napakahina ng usapan namin, dahil lahat kami at natatakot na marinig niya, alam kong aware siya sa nangyayari dahil tumingin siya sa gawi namin saka huminga ng malalim at nagsimula na ng klase.
    Medyo mahirap ang naiwan lesson sa amin ng umalis naming teacher at aminado kaming lahat na hindi namin kabisado ang lesson. Oxidation-Reduction-Reactions. Pero nagtataka ako na nang magsimula na siyang magturo, Yung Phlogiston Theory na hindi ko talaga maintindihan parang ang dali lamang pala.  Buhay na buhay ang klase at parang nagkukwentuhan lamang kami. 
Open siya sa mga questions at ini-entertain niya ang mga new ideas ng bawat isa.  Bagamat asiwa siya sa pagtawag ng mga names namin dahil hindi nga niya kami pinag introduce  ng mga sarili namin, parang napaka cooperative ng lahat na sinasabi sa kanya ang name ng mga gusto niyang tawagin. Nawala ang aking kaba at parang napaka interesting pati ng mga ginagamit niyang examples. Iba teaching strategy niya.  Hindi siya mahilig magsulat sa board pero ang dami niyang new ideas and visual aids kaya enjoy talaga ako sa pakikinig.   Natapos ang isang lingo at hangang-hanga ako sa kanya.
    Biyernes ng hapon gaya ng nakagawian magkakasama kami ng tropa ko sa paborito naming kainan hindi naman kalayuan sa aming school. 
    “Bro, pansin mo ba si Sir Jj, ang lupit magturo ano?” umpisa ni Aaron habang hinihintay namin ang aming order. Sir Jj ang nickname ni sir narinig namin yun sa ilang 4th  year na bumabati sa kanya pag nakikita siya kaya nakigaya na rin kami kahit kasi mga co-teachers niya yun din tawag sa kanya.
    “Sinabi mo pa, akala ko the best teacher na s Mam Garcia, may mas magaling pa pala sa kanya.” si JB naman ang biglang sumingit.
    “Ang galing niya kasi dati hindi ko maintindihan talaga yung  assigning oxidation numbers na yun, e sa kanya very easy lang pala…” si Laurence naman.
    “Feeling ko nga ang galing-galing ko na, imagine first time kong naka line of 9 sa quiz, at Chemistry pa ha…” muling banat ni Aaron.
    “Eto lamang yatang si Ian ang hindi impressed kay sir,”  singit ni Laurence.
    “E paano, favorite nyan si Mam Garcia, iyak nga yan nong umalis si Mam diba?” si Aaron ang best friend kong ubod ng kulit pero kahit ganon sa kanilang tatlo siya pina close ko nasasabi ko sa kanya lahat ng lihim ko at ganon din siya sa akin.  Hindi masyadong malayo ang bahay nila sa amin kaya madalas sabay kaming pumapasok dahil sa iisang paradahan lang ng jeep kami naghihintay ng sasakyan  At nagtawanan silang lahat.
    “Hindi ah, namiss ko lang siya, pero agree naman ako magaling si si Sir Jj, kahit nga ako biglang nadalian sa mga lessons natin e” Hindi ko lang masabi na akala ko ako lang ang na-impress sa kanya.  Noong una akala ko kasi sabik lamang ako sa Tatay kasi ang Daddy ko 3 years old pa lamang ako nang mag abroad.  Hindi ko pa alam yun noon kwento lamang ng Lola ko.  Grade 1 na ako noong sabihin ni Mommy na may asawa  ng iba ang Daddy ko kaya kailangan niyang iwan ako kay Lola para makapagtrabaho siya kasi kung hindi siya kikilos hindi kami kakain.  Lahat na ng klaseng trabaho pinasok ni Mommy,  Nagtitinda rin siya ng kung ano-anong produkto na madalas kong makita sa salas namin.  Hindi ko yun pinansin noon dahil hindi ko rin naman naiiintindihan.  Lumaki naman ako at nagkaisip na wala akong Daddy kaya hindi na rin bago sa akin.  Pero noong mag high school ako saka ako parang naghanap ng attention ng isang ama.  Although alam ko naman na mahal ako ni Mommy at inaasikaso naman ako ni Lola.  Minsan nainggit pa rin ako sa mga classmates kong nakikita kong hinahatid ng tatay nila o kaya naman ay nag aattend ng meeting ang parents.
Pero hindi lang pala ako ang humahanga sa kanya at sa kwentuhan namin nabanggit din nilang pati yung mga classmates namin babae ay tuwang tuwa kay sir. Kaya naisip ko totoo nga sigurong magaling si sir
    Sa paglipas ng araw, lalo kami o higit siguro ako na napalapit kay sir.  Kung sa loob ng room ay magaan ang pakiramdam namin sa kanya bilang guro at adviser, lalo na sa labas ng room.  Para namin siyang big brother, nakakabiruan at madalas ay nakakalaro ng basketball sa hapon na siyang libangan namin ng tropa ko.  Mas naging close kami at madalas ay nakakasama na rin namin siya sa tambayan naming kainan sa hapon.
    Kapag nasa labas kami hindi mo iisiping teacher namin siya, mag-aalis lamang siya ng long sleeves at maiiwan ang white T-shirt niya at muka na siyang classmate namin. Dahil ganon din kami nag tatanggal kami ng uniform at white T shirt lang na panloob ang maiiwan na pang taas. Masayahing tao rin siya lagi siyang nakangiti lalo na pag nagsasalita at napaka positibo sa lahat ng bagay.  Ang isa pang gustong gusto ko sa kanya ay ang galing niyang pumorma, Mapa casual o pormal suot niya ay bagay na bagay sa kanya.  Ang galing niyang mag match ng kulay ng damit.  Palibhasa walang uniform ang mga male teachers sa school namin o meron pala pero ang mga lalaking teachers ay hindi required magsuot dahil 2 lamang naman sila yung isa si Sir Castro ay P.E. Teacher,  kung kaya nakakaporma siya ng gusto niya.  Madalas siyang naka long sleeves at slacks na pants.  Sa taas niyang 5’ 9” parang siyang model ng damit pag nasa loob ng room.  Mahilig siya sa fit na damit kaya bakat ang matipuno niyang dibdib.  Ang maamo niyang mga mata at napakakinis na mukha na binagayan pa ng mapupulang labi.  Hunk talaga si Sir.  Kung sabagay sabi naman niya ay ilang Male Pageant na rin naman ang naipanalo niya noong nag-aaral pa siya at favorite din siyang kuning escort sa mga Sta Cruzan sa province nila. 
    Naging parte na talaga ng barkada namin si Sir,  Regular na namin siyang hinihintay sa hapon dahil 3:00 pm lang tapos na klase namin samantalang 4:00 pm siya nag a out.  Madalas ay sa may labas lamang kami ng faculty room kung saan may tambayan ang mga students doon kami naghihintay.

    O nandyan na mga alipores mo Sir Jj, sinusundo ka na…” ito ang madalas namin marinig sa mga teachers pag nakitang nakatambay na kami sa students’ lounge.  Ngingiti lamang siya at kikindat sa amin at ipagpapatuloy ang ginagawa niya.  Minsan nag checheck ng papel o nagreecord ng quizzes  minsan nag tetest ng mga activities for the next day.
    Sa aming magbabarkada ako ang pinaka close kay Sir, madalas kaming nagku kwentuhan kahit wala iyong iba kong tropa.  At dahil Officer ako ng Science Club madalas kami nagkakausap bukod pa sa magkakasama kami sa hapon.  Marami akong nalalaman tungkol sa kaniya.  Taga province siya at apo ng isang retired public school teacher.  Pareho kaming lumaki sa lola kaya siguro magkasundo kami.  Tatlo silang magkakapatid puro lalaki.  Yung panganay ay may asawa na, kasama ng Papa niya sa Canada at doon na rin nagta trabaho samantalang may sariling bahay na rin dito sa Pilipinas at doon nakatira ang asawa niya at 2 anak.  Yung bunso naman nila ay graduating sa College at pagka graduate ay susunod na rin sa Canada kasama ang Mama nila.
    “E ikaw sir, susunod ka rin ba sa kanila?” minsang usisa ko sa kanya habang nasa canteen kami. 
    “Nakow, hindi pa ngayon, dito ko gusto maging teacher, ito talaga pangarap ko at pangarap ni Lola para sa akin, I’m happy and contented here besides hindi ko pwedeng iwan gf ko dito baka ipagpalit ako non sa iba. “ ang biro niya.
    Ipinakilala na rin niya sa amin si Ate Mae, Med Tech sa isang Government Hospital dito sa Manila.  At totoo namang kailangan wag siyang iwan dahil napakaganda niya, sexy, mabait at alam kong mahal na mahal niya si Sir Jj. Bukambibig siya ni sir.   Bagay na bagay sila at mararamdaman mong happy sila pareho kapag magkasama. 
    “Uy Ian, wag ka masyadong magpapaniwala diyan sa sir mo ha, baka akala mo e totoo lahat sinasabi niyan, madami yang kalokohan.? Ang minsang pagbibiro niya na ikinakunot naman ng noo ni Sir.
    “Ha! Talaga Ate Mae, e ang lagi lamang naman niyang sinasabi e ang ganda-ganda nyo raw at love na love niya kayo. Di po ba yun totoo?”
    “Ah yun ba, sige maniwala ka sa kanya, totoo naman mga sinasabi niyan.” Sabay tawa ng malakas.
    “Asuss…at pag pabor sa kanya e totoo…” si Sir.  “O siya gabi, Babe, hatid muna natin si Ian bago kita ihatid sa inyo,  gabi na mahihirapan na tong makasakay.” Ngiti lang sagot ni Ate Mae,
    “Nako wag napo kaya ko namang mag commute, dati ko na naman tong ginagawa, Thanks na lang at thanks din sa meryenda.”
    Pero hindi sila pumayag, lalo na si Sir,  Iyon talaga ang gusto ko kay Sir sobrang asikaso niya sa amin o lalo na sa akin.  Madalas niyang sabihin na miss na niya ang bunso niyang kapatid at kapag nakikita niya ako ay parang nkikita niya ng kapatid niya dahil pareho medyo kulot ang buhok. Kaya very happy siya pag magkasama kami.
    Naging second home na namin ang bahay ni Sir.  Kapag weekend ay doon kami tumatambay para gumawa ng assignment o anumang school project.  Minsan nagdadala kami ng pagkain at doon kami sabay-sabay kakain, pero minsan ay nagluluto si Sir ng kahit anong meron siya.  Walang problema sa kanya kasi mag-isa lamang naman siyang nakatira doon.  Ayon sa kanya nabili raw ng parents nila ang bahay na iyon noong mag-aral ang kuya niya sa Manila.  Dahil first time na mapapalayo kaya napagpasyahan nilang magkaroon kahit maliit na bahay upang kahit anong oras ay pwede nilang dalawin ang kuya niya at doon din daw siya tumira noong nag-aaral pa siya.  Maganda ang bahay.  Mayroon itong 2 rooms, malaking salas at kitchen na kumpleto naman sa lahat ng gamit,  Sa salas kami madalas naka tambay dahil naroon ang TV at ang PC ni Sir. Pero ilang beses na rin kaming nakitulog dito.  At dahil maliit ang kama sa room naglalatag kami ng makapal na kumot sa sahig at tabi-tabi kaming apat ng barkada ko matulog. 
    Masarap kasama si Sir, kahit ano pwedeng pag-usapan.  Mula sa sci-fi, fantasy, horror, anime, astronomy, politics, nature, religion, parang lahat kaya niyang sagutin.  Yung mga sinasabi niya kahit minsan alam mong joke pero parang pakikinggan mo pa rin. Parang pag siya nagsalita kahit sa loob ng room at pinapagsabihan niya kami, parang makikinig ka talaga. Hindi siya nakaka offend magsermon dahil ramdam mo na concern talaga siya.
    Lumipas pa ang mga araw at patapos na ang klase ang lahat ay abala sa pagko complete ng mga requirements para mapirmahan ang clearance.  Bihira din kami magkasama ng tropa ko dahil hindi kami magkakasama sa group kung saan may mga projects na kailangan tapusin.  Ako halos complete na ang pirma sa clearance ko at ang problema ko na lamang ay cashier.  Hindi ko alam kung aabot ang pera ni Mommy.  Thursday at Friday ang exam at Tuesday hindi na ako pumasok dahil wala naman ako gagawin.  Wala naman kami klase dahil nagrereview na lamang.  Yung iba naman ay nagpapapirma ng clearance.  Nagreview ako maghapon.  Wednesday tinamad na rin ako pumasok dahil alam ko naman na hindi ako makakakuha ng exam,.  Masama ang loob ko dahil kung hindi ako makakakuha ng exam bukas, ay Special Exam ang kukunin ko.  At makaka apekto yun sa rank ko sa honor roll.  Hindi ko alam gagawin ko, hindi ko naman makontak si Mommy.  Si lola naman alam kong walang magagawa.  Tanghali na ako lumabas ng kwarto, kumain lamang ako at pagkapaligo ay pumunta ako sa bilyaran at doon nagpalipas ng oras. 
 Malapit ng dumilim ng matanaw ko si Aaron,  Malayo pa kaya hindi ko makilala kung sino ang kasama.  Pero nabigla ako ng mapalapit sila.  Si Sir Jj, nakangiti. “Sir, good evening.” Bati ko agad sa kanya. “Pre, ano ka ba, bakit mo isinaman dito si Sir?” nanggigil pero pasimple kong tanong kay Aaron.
    “E kahapon ka pa hinahanap ni Sir, tas kanina, tinatawagan kita naka off phone mo, kaya nagpasama na lang siya, baka daw may sakit ka, E kung alam ko na nagbibilyar  kalang dapat sinama ko na si JB at Laurence para nagkapustahan na lamang tayo.”
    “Baliw ka ba, e kaya nga ako nandito  kasi….” Hindi ko na natapos
    “Kasi nagtatago ka, o bad trip ka na naman…. E dito ka lamang naman pumupunta pag bad trip ka diba?”
    Hindi ako makasagot dahil talagang itong bestfriend kahit kailan walang preno ang bibig. Nakita ko si Sir na pangiti-ngiti lamang at ramdam ang pagkainis ko kay Aaron.  Ang mokong naman ay babanat pa sana kaya inunahan ko na.
    “Eh, sir, tayo na sa bahay at makapag meryenda, naabala pati kayo, ayus lamang po ako, medyo tinanghali lamang ng gising kaya hindi ako nakapasok.” Palusot ko.
    “Anong meryenda hapunan na kaya, anong oras na oh,” sabat ni Aaron sabay pakita ng relo niya. “Di mo ba napansin madilim na?” Kung nagkataon na wala don si sir nasapak ko na tong taong to, kung kalian hindi ko alam gagawin saka naman banat ng banat.  Pero tiningnan ko pa rin siya ng masama.
    “Hindi ko alam kung bakit mag best friend kayo, e lagi namang kayung nagtatalo, kahit sa school lagi kayung magkasama pero kayo laging nag aasaran.” Nangingiting puna ni Sir amin.  Inakbayan ako ni Aaron.
    “E sir kahit naman ganito si Ian. Aba love na love ko to , nag iisang best friend ko to sa buong mundo  at ilalaban ko to ng pustahan kahit saan kami makarating.”
    “At ginawa mo akong manok, E kung hindi nga lang kita best friend e di ipinabugbog na kita sa mga tambay na yan.’ At inginuso ko mga hubad barong naka upo sa tagiliran ng bilyaran.
    “Naku naman bestfriend wala namanng ganyanan, madami pa akong pangarap sa buhay at kasama ka sa mga pangarap na yun promise.” Natatawa ako sa mga kagagaguhang banat talaga nitong si Aaron.  Si Sir naman halatang nagpipigil ng pagtatawa dahil nga maraming tao, pero alam ko sa loob niya ay aliw na aiiw siya sa mga kalokohan nitong mokong na to na kahit anong pilit kong alisin ang kamay sa balikat ko ay pilit na hinihigpitan ang pagkakakbay.  Lumapit siya sa amin saka lamang tinanggal ni Aaron kamay niya at medyo lumayo ng konti sa amin habang naglalakad kami pabalik sa bahay.
    “Ian, alam ko na ang dahlian, wag ka ng maglihim, nakausap ko na ang Lola mo at sinabi na niya ang totoo.” Ang halos pabulong niya.
    E sir kasi po, nangako naman si Mommy na gagawa siya ng paraan e, kaso nga lang hindi ko siya makontak.  E hindi rin naman po ako makakakuha ng exam bukas kaya hindi na ako pumasok kasi wala naman ako gagawin sa school.  Nagpasalamat ako at medyo busy si mokong sa pagtetext habang naglalakad kami o sinadya talaga niyang lumayo sa amin para makapag usap ng seryoso.
    Marami pa kaming napag usapan habang naglalakad mga bagay na hindi ko naku kwento sa kanya pag magkakasama kami dahil nahihiya ako lalo pa at tungkol sa pera. Medyo emotional na ako dahil ngayon ako nakakaramdam ng pagtatampo sa aking ama.  At naiinggit ako kay Sir dahil sa kwento niya napaka buti at napaka asikaso ng Papa niya sa kanilang magkakapatid, kabaligtaran ng Daddy ko na iniwan na lamang kami ni Mommy at hindi na namin alam kung ano ang nanagyari.
    “E complete naba pirma sa clearance mo?” pag-iiba niya ng usapan ng maramdaman ang pag-iiba ng boses ko.  Malapit na rin kami sa bahay namin.
    “Sir cashier na lamang po talaga, Last Friday pa po yun, kaya nong Monday wala na akong ginawa e wala rin naman ako makausap kasi busy na halos lahat kaya hindi na rin ako pumasok noong Tuesday.  Pero kung sakali pong darating si Mommy ngayon papasok po ako ng maaga bukas, 8:00 am pa naman ang exam makakahabol pa po ako.”
    “Magkano ba balance mo sa cashier?”
    “Sir yung last na statement of accounts ko po ay 7,000 pesos po.” Nakatungo ako habang nagsasalita.  Nasa terrace na kami noon.
    “O sige, eto ang 5,000. Bukas agahan mo sa school bibigay ko yung 2,000. Wala na akong cash ngayon.  Hindi kasi pwedeng mag issue ng cheque tiyak tatanungin ka bakit account ko yun.”
    “Nako sir, wag na po, nakakahiya naman po, baka naman dumating si Mommy makakagawa pa kami ng paraan.”
    “Huwag ka ng mahiya, basta siguraduhin mo na hindi ka mawawala sa Top 5. Magreview kang mabuti at huwag kang mag-alala wala namang makaalam nito” Saka ko lamang napansin na wala na pala si Aaron.  Umalis na ng hindi nagpapaalam.
    “E sir, hindi ko po talaga alam sasabihin ko.  Sobrang salamat po talaga, Bsata promise sir babayaran ko po ito”
    “Ang isipin mo ngayon ay mag-aral kang mabuti at lalong matutuwa ang Mommy mo kung nasa Top 5 ka pa rin. O paano tutuloy na ako, ipag paaalam mo na lang ako kay Lola. Good Luck sa exam.” At bahagya niya akong tinapik sa balikat bago tuluyang tumalikod.
    Nakaalis na siya pero nanatili pa rin akong nakatayo, tinatanaw ang palayu niyang sasakyan.  Hindi pa rin ako makapaniwala na ganoon si Sir.  Napakabuti niyang tao.  Hindi ko alam na may mga gaya pa pala niya.  Ang bait-bait talaga niya.  At gaya ng ipinangako ko sa kanya nag aral akong mabuti.  Noong Recognition sobrang tuwa ni Mommy at hindi matapos ang pasasalamat kay Sir dahil Top 3 ako sa Over-all ng  Third Year.
    Nang sumunod na school year, kami pa rin ang magkakabarkada, Graduating na kami. Class Adviser na namin si Sir. At dahil may utang ako sa kanya mnsan ay humihiwalay ako sa kanila kasi nahihiya ako bagamat hindi naman alam yun ng mga barkada ko. Pero madalas naman niyang sinasabi pag kaming dalawa lamang na huwag ko yung intindihin pag may pera na ako saka ko na lamang bayaran.  Kasya pa naman daw sweldo niya at hindi naman maluho si Ate Mae kaya wala naman siyang pinagkakagastusan na masyado. Pero nahihiya pa rin ako. Dahil dito si Aaron ang madalas niyang nakakasama.
    Minsan nasa kainan kami nang tanungin siya ni Aaron.  “Sir, parang nasa inyo na yata lahat.  Gwapo,,” sabay tawanan namin, tumingin si sir sa paligid kung may nakikinig saka nag senyas na wag kaming maingay, ganon kasi siya ka humble kahit alam naman namin na alam niya na gwapo siya hindi pa rin niya yun pinagyayabang. Nagpatuloy si Aaron. “Malakas sex appeal, magaling pumorma, matalino, mayaman, mabait, maganda at sexy ang gf, etc, etc….what else can you ask for?”  Bagamat nagtatakip siya ng tenga para kunwari ay hindi nadidinig sinasabi ni Aaron at ang tawanan namin nkangiti naman siya at halatang dinig niya lahat.
    “To be an outstanding teacher!” ang walang kagatul-gatol niyang sagot.  Naalala ko yun yung ini announce last month ng principal na program ng school.  Lahat daw ng teacher na more than three years na sa pagtuturo ay qualified at ginagawa lamang yun every 5 years.
    “Sir if you need our if you need our votes, paa at kamay namin iboboto namin to para sa inyo,” at itinaas pa nga ni  Aaron ang paa at kamay niya. “Di ba mga tsong sabay batok kina Jb at Laurence di ako abot ng kamay niya dahil malayu ako pero alam ko kung malapit lang ako ay binatukan din niya ako. Sabay taas naman din ng kamay ng dalawa na tumatango pa ang ulo. Nakitaas na rin ako ng kamay dahil lalo na sa pananaw ko talaga naman outstanding teacher siya. Tawang nang tawa si sir sa mga pinagagawa namin.
    “Thank you pero isang part lamang iyan ng proseso, may mga educational competencies, peer evaluation pati management may evaluation din.  Madami pagdadaanan yun, syempre ang dami pang senior sa akin sa school.“ Ang nakangiti pero alam kong nanghihinayang niyang paliwanag.
    E sir bakit naman gusto nyo pa yung award na yun e para sa amin naman at siguro sa lahat ng students e outstanding teacher naman talaga kayo, most outstanding pa nga e.” ang matapat kong paliwanang sa kanya. Halos sabay-sabay naman ang pagsang ayon ng tatlo.
    “I just want to prove to everyone and to myself that anyone can be happy and successful in his/her chosen career. Kasi ang alam ng marami mahirap pagsabayin ang happiness and success, marami kasing successful pero hindi naman happy at maraming happy na sa kanilang achievement kahit hindi successful.” Bagamat noong time na yun hindi masyadong maliwanag sa isipan namin o sa akin ang ibig niyang sabihin ramdam ko sa salita niya na gusto talaga niyang manalo.  At ibinulong ko sa sarili ko na sana si sir nga ang manalo kung ano man yung mga evaluations na sinasabi niya sana siya ang pinakamataas.
    Madalas pa rin kaming sama-sama nila sir, madali kaming makapag paalam sa parents namin basta sinabi naming si Sir Jj ang kasama.  Alam kasi ng buong school ang reputation ni sir, Hindi siya nag-iinom, hindi nagsisigarilyo.  Wala siya kahit anong bisyo maliban sa ang hilig niyang kumain.  Madalas nga naming biruin na siya lamang yung matakaw na hindi mataba dahil totoong may kalakasan siyang kumain na ayon sa kanya pagkain lamang at pagbili ng damit ang tanging bisyo niya kaya hayaan na lamang namin siya.  Iyon nga lamang pati kami nadadamay sa kakakain.  Pag magkakasama kami at may nakita siyang pagkain na gusto niya talaga  bibili siya.  Sa mga lakaran KKB kami pero ang bilis ng pakiramdam niya ramdam niya agad pag wala kaming pera at alam na namin iyon sasagutin niya kahit pa nga minsan ay ayaw namin, pinipilit pa rin niya.
    Pero yun ay sa mga mga panahong magkakasama kami.  Alam ko madalas pa rin sila nagkakasama kahit wala ako.  Dahil nga kasama ako sa honor may mga panahong kailangan kong pumunta sa school pag weekend o mag extend ng oras sa school na hindi ko naman sila mapilit dahil alam kong ma o Op lamang sila dahil hindi naman sila kasali don.  Isa pa hindi pa nga ako bayad sa kanya bagamat nakapaghulog na ako na konti malaki pa rin ang utang ko sa kanya.  Nagako naman si Mommy na babayaran yun makaluwag lang ng konti na parang hindi naman pansin ni Sir pag sinasabi ko. Pero nahihiya apa rin ako.  At dahil hindi nga nila ako napagkakasama madalas kong makita na si Aaron ang kasama niya kung kaya pag niyaya ko si Aaron madalas niyang sabihin na may pinapagawa pa si Sir o kaya ay may pupuntahan sila ni Sir kapag weekend.  Lihim akong naiinis sa kanya pag ganon dahil kahit naman nag aasaran kami ay nami miss ko pa rin ang bonding namin gaya ng  dati.
    4th quarter na patapos na ulit ang school year.  Isa sa mga requirements namin sa Filipino 4 ay gagawa ng maikling talumpati parang farewell speech na irerecite sa stage sa harapan ng lahat ng 4th  Year.  Aminado naman ako na mahina ako sa talumpati at kahit ilang ulit na ako nag attempt na gumawa ay hindi ako masatisfy sa ginawa ko.  Naaalala ko si Sir,  nakita ko minsan sa room niya na may certificate siya na Orator of the Year at noong tinanong ko e siya rin daw ang gumawa noong piece na yun noong high school siya. Nanalo din siya sa National Level. Tama papaturo ako ng paggawa sa kaniya.  Kaya noong makita ko siya minsan sa laboratory na nag-iisa nilapitan ko agad siya.
    “Excuse me sir, busy ka ba, pwede ba akong mang abala? Ang  bati ko agad sa kanya.
    “Nope, not at all, nirereview ko lamang tong ginawang oratorical piece ni Aaron sa Filipino, daming error, tagalog na nga hirap na hirap pa mag express ng gustong sabihin. Akala kasi pag tagalog na e pwede na ganun-ganon lang hindi nakikinig pag nagdidiscuss.  Buti ka pa siguro tapos na.  nako, etong piece ni Aaron hindi talaga pwede baka pag inedit ko to wala ng matira sa idea niya, dapat ito kaharap siya pag gagawin para alam ko kung ano gusto niya sabihin dahil baka ang lumabas ay gawa ko ito, nakakahiya sa teacher ninyo.” Ang tila wala sa loob niyang sagot.  Nadismaya ako, naunahan na pala ako ni Aaron sa pagpapagawa.  Napatungo na lamang ako at hindi na nakapagsalita.
    “O ano pala sasabihin mo,? Kung yung tungkol sa pera sabi ko nman sayo wag mo masyadong problemahin yun , hayaan mo na muna yun, pag meron saka na,” ang parang wala sa loob niyang sagot tuloy ang pagma mark sa sa hawak na papel.
    “A, ok po sir pasensiya na po ulit,” at parang nanghihina ang tuhod kong lumabas.  Nakaramdam ako ng pag kainis lalo na kay Aaron.  Hindi ko alam kung bakit pero naiinis ako sa kanya.
    Sa pagdaan ng mga araw mas lalo kong binawasan ang pagsama sa kanila.  At dahil nga sa tinuturuan niya si Aaron maging sa pagdedeliver ng talumpati madalas ko silang makita.  Sa Laboratory, sa canteen, sa faculty room, kahit sa covered court nag pa practice sila. Lihim akong naiinggit sa kanila, pero wla naman ako magawa. Pag tinatawag naman nila ako sa hapon kahit wala na akong gagawin hindi ako sumasama, pag tinetext ako ni  Aaron pag weekend pupunta kay Sir para mag review nagdadahilan ako.  Hindi ko alam pero namimiss ko sila, si Aaron, si Jb si Laurence lalo na si Sir Jj, Pero ayoko silang nakikita.  Parang pag masaya sila naiinis ako dahil hindi ako masaya.
    Tapos na rin ang students evaluation para sa Outstanding teacher at ang balita namin si Sir ang nag top.  Hindi naman yun nakakataka dahil favorite siya ng mga students.  Na shortlist na rin daw mga nominees at dalawa na lang silang pinagpipilian.  Yung English Teacher namin na medyo lamang sa kanya in terms of Educational Background, BSE graduate major in English Top 10 sa LET, MA in English at   on going sa kanyang doctoral degree at nakapag facilitate na ng ilang Seminars ng Dep Ed on a National Level.  Samantalang si Sir naman ay  BSE graduate major in Science, LET passer din siya at may units sa Computer Technology kaya qualified magturo ng Computer Education, tapos na academics sa masteral pero hindi nag thesis.  Ayon sa bali-balita, dehado si Sir sa academic achievements pero in favor sa kanya mas maraming teachers at maging ang admin.  Halos excited ang lahat sa magiging result,  dahil alam ng lahat na pareho silang magaling at parehas naming teachers. At dahil patapos na rin ang school year hindi na masyadong busy ang bawat isa gaya ng dati mas marami e nag ku complete na lang ng mga requirements o nagpapapirma ng clearance.  Ako marami na rin napapirmahan at may ilang projects na ring isa submit.  Kailangan tapusin ko ng mas maaga para makapagstart ng magreview.  Ito ang hirap pag kasama ka sa Top  madaming pressures at expectations.
    Minsan nagsosolo ako sa canteen, PE naming noon pero wala si Sir Castro kaya hinayaan na lamang kami ng principal sa court para maglaro.  Wala akong gana maglaro kaya dahil hindi naman ako kakain nag review na lamang ako.
    “Huy, Ian, tingnan mo yung dalawa oh, ang cute tingnan ano parang mag-tatay talaga.” Hindi ko tiningnan kung sino nagsasalita dahil boses pa lamang ay alam ko nang si Joanna yun, yung madaldal na babae sa 3rd year tyak kasama na naman ang maarte niyang barkada na ubod ng lalakas makahalakhak. Hindi ko rin tiningnan ang itinuturo nila dahil alam kong sina Sir Jj yun, nakita ko silang apat na nakaupo sa may bench sa ilalim ng talisay, isa sa madalas naming tambayan.  Siguro nagpapaturo magtalumpati.
    “Ian, ang serious mo naman, ang cute nila ano, kaya mag tatay tawag sa kanila e, tingnan mo sila o ang sayang panoorin.” Isa na naman sa barkada ni Joanna ang nagsalita di ko lang sure kung sino dahil lumipat sila ng upuan dala ang mga chichiriya nila.
    Paglingon ko si Sir Jj at Aaron na lang pala ang nandon at parang tinuturuan nga niya pagtatalumpati.  At madidinig mo mnsan ang malakas nilang tawanan.  “Ano bang cute don e para nga silang mag siyotang naglalampungan…” ang wala sa loob kong sagot.
    “Ayy inggit ka ano, hahaha…” at sabay-sabay nagtawanan.
    “Bakit naman ako maiinggit, ano nakakainggit don e ako naman talaga lumalayo sa kanila,” wala rin pa sa loob kong sagot.
    “Di ba dati kayo ni Sir Jj ang close ano nangyari bakit hindi na ikaw ang kasama saka pati kina JB at Laurence di ka na madalas nakikitropa?
    “E ayoko nga e naiinis ako pag kasama sila, kaya ako ang umiiwas sa kanila,” hindi ko alam wala yata akong mapaglabasan ng sama ng loob ko kaya pinatulan ko mga tsismosang ito.  Nagsasalita ako pero hindi ako tumitingin sa kanila dahil nakatutok ako sa librong binabasa ko. Kaya hindi ko alam kung sino sa kanila ang nagsasalita.
    “You mean may hmmm sa kanilang dalawa?”
    “Is there something we should know?
    “Aaron tell us the truth please…may dapat ba kaming malaman?
    Hindi ko alam ang isasagot ko napasubo ako sa mga daldalerang ito at wala na akong lusot. “It’s for you to find out, bakit hindi ninyo alamin” Sabay tayo at tinumbok ang pinto palabas. Tawag pa rin nang tawag ang tatlo at may kung ano anong sinasabi pero dahil nabubwisit ako hindi na ako lumingon kahit sumagot.
    Kinahapunan, maaga akong umuwi dahil ayokong sumabay sa kanila.  Diretso ako sa bahay.  Kinabukasan hindi na ako pumasok pero maghapon akong gumawa ng  project.  Monday tumawag yung isa kong ka group na sa kanila kami gumawa ng project nagpaalam na raw siya sa teacher namin na sa kanila gagawa kasi ayaw ipadala ng Mommy yung mga tools sa school.  Halos hatinggabi na rin kami natapos kaya masakit ang ulo ko kinabukasan.  Hindi rin ako pumasok.  Hapon ng may tumawag, kahit masakit ang ulo ko pinilit kong sinagot ang phone ko.
    “Hello Ian, where are you?” boses nung ng Secretary ng Science Club.
    “Sa bahay, masama pakiramdam ko, bakit?”
    “E paano appointment natin bukas sa DOST, di ba kailangan natin papirmahan yung proposal natin?”
    “Ayy oo nga pala, nalimutan ko e gawa na ba yung cover letter ng proposal? Papirmahan mo na please kita na lamang bukas ng umaga, hindi ko talaga kayang pumunta sa school pero pipilitin ko bukas na makasama, basta sabihan mo lahat ng officers dapat complete attendance tayo ha,”
    Okey boss, don’t be late kasi may pipirmahan ka din sa cover letter.
    Dahill sa dami na nangyari wala na akong contact sa mga barkada ko, dahil pagdating sa bahay tulog na agad ako. Pagod na talaga ako.  Friday na ng pumasok ako, hindi naman maaga pero kakaunti pa students mostly at may dalang libro o projects na tinatapos, nakita ko si Sir sa harap ng faculty room. Babatiin ko sana siya pero nagsalita agad siya seryoso mukha niya
    “Ian, lika usap muna tayo,” at naglakad siya. Sumunod ako sa kanya bagamat nagtataka ako.  Wala siyang imik, nauuna siya sa akin, alam ko kung saan tinutumbok namin.  Sa may likod ng stage, mayroon doong dalawang bench na magka parallel.  Lahat ng upuan paikot sa court ay single bench lang ito lang yung may magkaharap na dalawa. Minsan nagbibiruan kami na para yun sa magsiyotang nagbi break para magkaharap silang nag uusap.  Kaya bihira ang nauupo doon.  Pagdating sa upuan tumigil siya, naguguluhan pa rin ako pero naupo ako kahit nakatayo pa rin siya. Maya-maya naupo rin siya paharap sa akin. Nakatingin siya diretso sa akin.
    “Ian, ano kasalanan ko sayu, may ginawa ba akong masama?” namumula ang mata niya at ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mukha niya.
    “Sir wala po, wala po kayong ginawang masama, bakit po sir ano po bang nangyari? Hindi ko naiintindihan bakit ganyan tanong ninyo.” Naguguluhan talaga ako.
    Ikinuwento niya ang lahat kinausap siya ni Aaron noong isang gabi,  sabi daw ni Laurence may kumakalat na balita tungkol sa kanilang dalawa pero ayaw magbigay ni Laurence ng anumang detalye kaya kahit gabi na ay pumunta sila doon at inamin naman ni Laurence na narinig nga niya yun at sina Joanna ang nagbabalita at kinonfirm din ni Joanna na mismong ako ang nagsabi sa kanila.  Umiiyak na si sir habang nagkukuwento.  Tinanong daw niya si Laurence pati si Jb kasi habang papunta pala sila ay tinext na ni Aaron kaya nandon silang apat, kung may ginawa akong masama sa inyo o nagpakita ako ng masamang motibo sa ating pagkakaibigan.  Walang masabi  yung dalawa at kahit kailan hindi nila pinagdudahan ang samahan naming iyon. At kahit ako ang tanungin iyon din ang isasagot ko.
    “Pero Ian, bakit ikaw, of all people bakit sa’yu pa nanggaling, itinuring kitang kapatid, alam mo yun higit sa kanilang lahat, ikaw ang pinaka close sa akin, ikaw ang may alam kung ano ang totoo, kung may ganito mang issue ang inaasahan ko ikaw magtatanggol sa akin, dahil kilala mo ako.” Kahit punung puno ng luha mga mata niya pilit pa rin niya ipinapaunawa sa akin gusto niyang sabihin.  Awang-awa ako sa kanya pero mas nangingibabaw sa akin ang hiya at takot sa pwedeng mangyari pagkatapos.
    “Sir, I’m sorry, nainggit lamang po ako sa closeness ninyo ni Aaron. Sorry sir, kasalanan ko po talaga, hindi ko po alam kung ano sasabihin ko para mapatawad nyo ako, Sir suntukin nyo na lamang po ako, para kahit sa ganon makaganti kayo sa akin. Sir, sige na na po hindi po ako magrereklamo kahit ano gawin ninyo.”
    “Kahit naman gawin ko yun, Ian, wala namang magbabago, sirang-sira na ako, sinira mo buhay ko, buong buhay ko iningatan ko pangalan ko sa isang iglap lamang nasira. Ikaw  pa na itinuring ko bilang kapatid ang siyang gumawa nito sa akin, ang sakit Ian, ang sakit, sakit,” sabay tayo at iniwan niya ako.  Matagal na siyang nakaalis pero nakaupo pa rin ako, Lalo akong naguilty, dapat sana minura niya ako at sinumbatan, o isinumbong sa principal. Pero hindi kahit ramdam ko ang sakit ng ginawa ko sa kanya alam kong pilit pa rin niya akong inuunawa at iyon ang mas masakit para sa akin. Wala na akong maiiyak, parang hinang hina ang pakiramdam ko.  Hiniling ko na sana bumuka na lamang ang lupa at lamunin ako, Hindi ko alam kung anong mukha ihaharap ko sa mga tao. Gusto kong kausapin si Aaron pero ano sasabihin ko? Hindi ko alam ang gagawin ko.  Umuwi ako sa amin na hindi alam ang gagawin.  Kinahapunan bumalik ako sa school, nakita ko si Sir palabas ng Admin Building.  Awang-awa ako sa kanya kita sa mukha niya ang matinding kalungkutan.  Lalapitan ko sana siya pero diretso siya sa faculty room kaya naghintay na lamang ako sa tapat baka sakaling lumabas siya
    Nadinig ko ang ilang teachers sa may bintana na mahinang nag uusap na posibleng madis qualify si sir sa outstanding teacher may emergency meeting daw ngayung araw na ito ang Board of  Directors at iyon ang pag-uusapan.  Ramdam ko sa salita nila ang panghihinayang dahil alam nilang deserving si sir at bali-balita nga nila ay tapos na ang evaluation at si sir nga nag top. Pero lahat iyon ay mababalewala kapag nag desisyon ang board na disqualified siya at pwede pa siyang matanggal sa pagtuturo.  Muli kong naramdaman yung malakas na tibok ng aking dibdib. Hinfdi ko alam na ganoon pala kalaki ang epekto ng ginawa ko. Sising-sisi ako sa nangyari. Gusto kong sumigaw at mag sorry sa kanya pero hindi naman pwede.
    “Hindi pwedeng wala akong gagawin, bahala na” Hinanap ko si Joanna at ang kanyang barkada.  Nagka klase sila pero inexcuse ko.  Takot na takot ang tatlo lalo na ng ikwento ko ang mga narinig kong pag uusap ng ilang teachers sa tapat ng faculty room. pero ako pa rin ang sinisisi nila dahil talaga daw namang sinabi ko.  Gusto ko silang suntukin, gusto sapakin ang mga bibig nila o hilahin ang mga dila nila, pero nag timpi ako dahil lalo lamang lalaki ang problema.  Nag-usap kami, nagplano na kailangan naming itama ang lahat.
    Lunes, pagkatapos ng message ng principal, handa na ang lahat para pumasok sa kani-kanilang classrooms patakbo akong lumapit sa kanya, “Excuse me mam meron lamang po akong sasabihin.” Hindi ko na hinintay ang approval niya. Inabot ko ang mic. Nagbalikan naman sa hanay ang lahat, maging ang mga nabiglang teachers.
    “Good morning everyone, may gusto lamang po ako I clarify sa inyo.” Bagamat abot-abot ang kabog sa aking dibdib nilakasan ko ang loob . Iginala ko ang mga mata ko wala si sir. ramdam ko ang tension sa lahat ng mga naroroon dahil wala silang idea kung ano sasabihin ko.
    “Alam kong alam nating lahat kung ano ang issue na meron tayo ngayon, Alam ko kahit tahimik ang bawat isa sa loob ninyo ay naghihinala din kayo, pero marami sa atin, hindi na naghinala, estudyante o maging ang mga teachers,  we jumped into conclusion without investigation.  Opo alam nyo tinutukoy ko si Sir Jj, na judge na natin siya, at para sa atin guilty siya at masamang tao siya, at hindi pa yun masamang teacher siya,  pero inalam ba natin ang side niya.” Alam kong nakakunot ang noo ng principal namin pero di ko siya pinansin. “Hinanap ba natin ang totoo? Tinanong ba natin ang mga sangkot.  Tinapos na natin ang lahat,  May hatol na, dahil para sa atin guilty siya pero guilty ba talaga siya?  Sa school na ito natutunan ko na dapat bago mag desisyon o gumawa ng conclusion, a careful study and investigation should be done first. Bakit sa kaso ni sir nakarinig lamang tayo ng balita  my conclusion agad?
Huminga ako ng malalim. “Aaminin ko ako ang nagpasimula ng balitang iyon dahil nainggit ako sa kanila ni Aaron.” Narinig ko ang mga bulungan  ng mga students at ang mga teachers ay bahagyang pumunta sa unahan. “Opo, totoo nadinig ninyo, dati close kami ni sir, alam ninyong lahat iyan, pero this school year nahihiya akong sumama sa kanya kasi pinautang niya ako ng pambayad ng tuition fee ko noong isang taon at hangga ngayon hindi pa ako bayad. Nakakuha lamang ako ng fnal exams last year dahil pinautang niya ako, na kahit mga barkada ko hindi nila yun alam dahil ayaw ni sir na mapahiya ako sa kanila.” At tuluyan na akong napaiyak. “Dahil doon hindi ko matanggap na mas close pa sila Aaron, Jb at Laurence kesa sa sakin. Ang gusto ko ako ang laging kasama ni Sir,   Opo, kahit mga barkada ko sila kinainggitan ko sila, kaya naisipan ko silang siraan para magka hiwalay-hiwalay sila pero hindi ko naman inisip na aabot sa ganito.  Wala pong kasalanan si sir. Kung may dapat parusahan dapat ako yun dahil sa kin naman nagsimula ang lahat ng ito. “ Tumingin ako sa principal namin. “Mam kung dahil dito hindi ako makakagraduate , tanggap ko na po pero hindi ko po matatanggap na i-condemn at parusahan ninyo si sir sa kasalanang hindi naman totoo at hindi naman niya ginawa.”
    Biglang lumapit sina Joanna at ang barkada niya, at ipinaliwanag ang naging usapan namin at inamin na sila talaga ang nagsabi sa section nila na siya namang nagpakalat ng balita. Umiiyak na rin sila habang nagsasalita.
    Hindi nag komento ang principal namin.  PInapasok na niya ang lahat sa loob ng room at ako kasama ang barkada ni Joanna ay isinama niya sa office niya.  Isa lamang ang sinabi niya sa amin.  “Alam ba ninyo kung gaano kalaking eskandalo ang ginawa ninyo sa school at sa buhay ng mga nasangkot?”  Hindi na kami sumagot hindi ko na rin matandaan kung papaano nya kami dinismiss.
    Natapos ang lahat ng exam, sa loob ng lingong yun hindi ko nakita si sir, hindi ko rin nakausap si Aaron, Jb at Laurence, kapag lalapitan ko sila ay umiiwas sila sa akin.  Gusto ko magsorry, pero lumalayo sila.  Yung mga estudyante kapag nakakasalubong ko ay ramdam kong nagbubulungan.  Pinayagan akong makagraduate pero tinanggal ako sa Top 10.  Tanggap ko naman iyon dahil kasalanan ko.  Sina Joanna at ang barkada niya black listed na rin sa school ibig sabihin hindi na sila pwedeng mag-enroll ng 4th Year sa school na iyon.  Sobrang bigat ng kaparusahang tinanggap namin.  Pero mas masakit ang nangyari kay sir bagamat nagkaroon ng reconsideration ang board base na rin sa recommendation ng High School Faculty at si Sir Jj nga naging outstanding teacher.  Pero sabi ng mga teachers na nakausap ko.  Pagkatapos siyang ipinatawag sa Admin Office nagresign na siya although may one month pa naman siya minabuti na lamang niyang sa bahay gawin yung mga paper works hindi na siya bumalik sa school.  Yung mga personal na gamit niya ipinakisuyo na lamang kay Sir Castro na ipahatid sa bahay niya. 
    Graduation Day.  Ang lungkot wala kaming adviser, Malapit ng matapos ang graduation march wala pa rin si sir.  Pero umaaasa akong darating siya alam ko bawat estudyante lalo na ang section namin ay naghihintay pa rin sa kanya.  Subalit natapos ang martsa namin wala siya.  Bakante ang upuan niya.  May surprise number ang section namin para sa kanya.  Wala ito sa program at kahit officer ako ng classroom namin hindi ko rin yun alam.  Sumama na lamang ako sa stage at puwesto sa bandang likuran. Walang kumakausap sa akin. Nang magsimula ng kantang Thanks to You.  Ang sakit, ang bawat salita sa kantang aming kinakanta ay parang sibat  na tumutusok sa puso ko.  Parang lahat sila sinusumbatan  ako.  Ang hindi nila alam kung nasasaktan sila lalo na ako, dahil sa aming lahat ako ang pinaka close kay sir at sa pagkakataong ito nais kong magpasalamat sa kanya sa lahat ng ginawa niya pero wala siya, ang mas masakit pa ako ang dahilan. Hindi ko alam kung gaano luhang na naipatak ko, mabuti na lamang at nasa likod ako. Sa kalagitnaan ng kanta,  nagsalita ang president namin, habang mahinang kumakanta sa background ang mga kaklase ko.
    “Sir, alam ko, alam naming lahat naririnig mo kami.  Alam ko hindi mo kami matitiis, nandiyan ka lamang sa paligid.  Sir gusto naming ipaabot sayo ang walang katapusan naming pasasalamat.  Sir kulang ang salita, kulang ang kanta para sabihin ang lahat ng gusto naming sabihin sayo.  Hindi ka lamang mabuting teacher sa amin.  Isa ka ring matapat na kaibigan at higit sa lahat naging mapagmahal na magulang na sa anumang oras ay handing dumamay.  Sa mahigit dalawang taon na nakasama ka namin sir, napakarami ng kabutihang naituro mo sa amin.  Hinding-hindi ka po namin malilimutan, Miss na miss ka na namin sir sana isang araw pag naglihom na ang sugat, nawala na ang pait at wala na ang kalungkutang ito magkita muli tayo at sariwain natin ang masasayang araw na pinagsamahan natin.  Lilipas ang lahat sir pero ang mga alaala at turo mo sa amin ay mananatili sa aming mga puso dahil  ikaw ang nag iisang Outstanding Teacher sa Puso naming lahat.  Sana sir….”
    Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil humagulhol na siya, habang sa baba ay patuloy ang pagkanta ng lahat.  Ang mga kaklase ko naman ay mahihinang singhot lamang ang maririnig. Maging mga kaklase kong lalake ay nakita ko ring nagpapahid ng luha. Hindi ko na matandaan kung paano natapos ang number na iyon at paano kami nakababa.  Ang natatandaan ko lamang ay nasa stage ang School President at ina aannounce ang Winner ng Search for Outstanding Teacher.  Dahil wala si sir, tinanggap ng aming principal ang plaque at isang sobre. Nagbigay siya ng maikling mensahe ng pasasalamat sa lahat ng teachers, nominated man o hinde.  At binatit din niya si Sir Jj at nag public apology.  Nabigla rin ako ng tawagin niya sina Aaron, Jb at Laurence para tanggapin ang parangal in behalf of Sir Jj.  Ang sakit-sakit dahil dapat kasama ako don.  Hindi sila ngsalita dahil kita sa mga mata nila ang mga luha.  Hawak ni  Aaron ang plaque at sobre itinaas niya iyon at sabay-sabay sumigaw ng Congratulations Sir! Para po talaga sayu to!.  Tumayo ang lahat pati ang mga magulang na naroon at nagpalakpakan.  Iyon na yata ang pinamatagal na standing ovation na nakita ko lahat ay pumapalakpak pero walang sumisigaw halos lahat ay tahimik na lumuluha.  Ang mga babae kong kaklase naman ay lumuluhang nagyakapan, samantalang ang mga lalake at tahimik na magkakakbay sa likod at nagpupunas ng luha. Ganoon din ang ibang sections. Ako mag-isa lamang umiiyak. Gusto ko sanang salubungin sina Aaron sa pagbaba, pero natakot akong baka mapahiya ako at mag create pa ng eksena.
    Natapos ang graduation na bakas sa bawat isa ang lungkot.  Ang bawat tingin nila sa akin ay parang puno ng sumbat pero wala silang sinasabi.  Paalaman, yakapan, batian.  Nakita ko si Aaron kausap si Jb at Laurence, lalapit sana ako sa kanila pero umalis si Jb at Laurence.  Paglingon ni Aaron nakalapit na ako sa kanya.  “Bro sorry,” umiiyak ako,  iyon ang unang pagkakataon na nagkausap kami mula ng mangyari ang lahat.  Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya, hindi naman siya tumanggi pero hinayaan lamang niya ako. Bumitiw na ako.  “Congrats!” bati ko sa kanya, isang matipid na ngiti ang isinagot niya sa akin.  Hindi ko makakalimutan ang tagpong iyon habang papalayo silang tatlo.  Naiwan akong mag-isa iyon ang huling kita ko sa mga kaibigan ko na apat na  taon kong nakasama sa loob ng paaralang iyon. Ang apat na taong pagkakaibigan na sinira ko lamang dahil sa makasarli kong dahilan. Umiyak pa rin ako dahil sa nangyari
    Ilang beses akong pumunta sa bahay ni Sir pero laging walang tao.  Hanggang may nakapagsabi sa akin na hindi na raw umuuwi doon si Sir.  Pinilit kong inalam ang address niya sa Laguna.  Subalit nang dumating ako, may isang buwan na raw nakakaalis ang mag-iina at tanging caretaker ang naiwan don.  Kinabukasan din pagkatapos ng graduation ng bunso niyang kapatid ay lumipad na sila patungong Canada. 
    Ang sakit-sakit,  hanggang ngayon ramdam ko pa ang sakit.  Hinanap ko si Sir Jj hindi lamang upang mag sorry.  Hiananp ko siya dahil gusto kong sabihing mahal na mahal ko siya.  Hindi ko maamin noon na nagseselos ako kaya ko nagawa ang lahat pero noon pa alam kong may iba akong pagtingin kay Sir. sayang nga lamang at hindi ko naipadama sa kanya, sa halip sakit ang ibinigay ko.  Sa ngayon isa na akong ganap na guro.  Pagkatapos kong pumasa sa LET natanggap ako sa isang public school dito sa Manila.  Piniplilit kong gayahin si Sir, pinilit kong maging mabuting guro.  Ipinapadama ko sa mga estudyante ko ang pagmamahal at pagmamalasakit na natutunan ko kay sir.  Pero kahit anong gawin ko, hindi ko kaya, hindi ko siya kayang pantayan.  Tama nga ang mga kaklase ko, nag-iisa si sir, Si Sir Jj ang nag iisang Outsanding Teacher.
Sa puso ko at isipan ko nag iisa ka Sir Jj.  Hindi ko alam hanggang kailan ko dadalhin ang sakit sa kaloobang ito.  Marahil hanggang may estudyante akong nakikita, mananatili ka puso ko . mahal na mahal kita Sir Jj.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This