Pages

Sunday, December 13, 2015

Exit

By: Lance

Hi everyone, my story happened recently just before I came across this site. Dahil sa experience kong ito naghanap ako ng mga sitwasyon para I confirm kung tama ba ang nararamdaman ko and fortunately napasok ako dito and got inspired sa mga stories published here.

I thought I knew myself very well, at 26 marami na rin akong naging girlfriends and had experiences with them especially back in College.  My past relationship ended last January dahil ayokong payagan yung girlfriend ko to work abroad since we were planning to settle down this year.  Pero hindi siya pumayag at tinanggap ang challenge ko na pag umalis siya wala na kami.  To my regret akala ko matatakot siya at magdadalawang isip pero mas lalo gumulo kasi ang babaw daw ng point of view ko.  So in the end umalis pa rin at naiwan akong broken-hearted.  I resigned from my work dahil wala na akong  gana mag trabaho, for 5 months tambay lang ako sa bahay.  Then my cousin and best friend invited me to Dubai, Inayos niya pagkuha ng visa at tinulungan ako mag-apply.   At ok na rin kahit papaano naka move on din since new environment to para sa ain..

Exit ako sa isang island sa Iran to change my visa.  Visit visa lang kasi ako at nang makahanap ng employer ay kailangang mag exit.

Pagkababa namin ng airport bus na siyang naghatid sa amin from boarding area, diretso na kami sa plane.  Kami ang unang batch so naghintay pa kami ng may 30 minutes bago dumating yung second and last batch of passengers.  Habang pumapasok may napansin akong isang lalake.  Maganda yung mga mata niya, at halos kasing tangkad lang siguro kami.  Mahilig akong magtitingin sa mga pasahero kapag papasok/pasakay sila kahit sa bus ako sumasakay babae man o lalake.  Wala lang nakakawala lang ng inip.

Naupo agad siya pagkakita ng seat number niya, medyo malayo sa skin, naka white shirt siya at naka maong.  Since lahat naman kami mag-e exit kaya alam kong iyon din ang reason ng pagbiyahe niya. Hindi ko sinasadya pero madalas tinitingnan ko siya kahit balikat lang yung kita ko. Sa may aisle kasi seat niya. Mabilis lamang ang biyahe namin kasi malapit lang sa Dubai ang Qeshm Island.

Mabilis ang proseso nila sa immigration.  Since they don’t required visa, check lang ang passport then labas na kami.  Marami nga lang ang nahuli kasi yung iba naghiraman pa ng ballpen kasi may pina fill-out lang sila maliit na form. Basic info lang naman, name, nationality, birthday, passport number, etc.  Since lagi ako may ballpen sa bulsa kaya mabilis ako natapos. Sakto naman nakita ko agad bag ko kaya diretso ako palabas. May naghihintay na service sa harap kaya nang marinig ko yung name ng hotel, sumakay agad ako at pmwesto malapit sa may bintana, para di na ako uusod pag may sumakay. Tumungo ako ng kaunti kahit hindi naman ako inaantok para lang makapahinga, nang maramdaman kong may naupo sa dulo ng inuupuan ko.  Nang tingnan ko siya yung nakita ko kanina papasok sa airplane.  Hindi ko alam bakit parang ang saya ko nang makita ko ulit siya.  Paminsan-minsan sinusulyapan ko siya habang abala siya sa pagpapalit ng Simcard sa phone niya.  Maya-maya may lumapit na taga ibang lahi Pakistani yata at nakipag-usap sa driver. I just wish na umusod siya sa tabi ko, I know kasi yung mga  yun ay may hindi magandang amoy at kahit 3 months na ako sa Dubai, hindi pa rin ako masanay sa  amoy nila.  Luckily, umusod siya kaya nag move ako ng konti sa may window.  Maya-maya, nagtanong siya, “kuya pano mga luggage natin?” Kasi pinaiwan yun sa amin sa baba. Kahit hindi ko alam kung paano nga, medyo na excite ako kasi kinausap niya ako. “isasakay iyon pag paalis na tayo.” Naisip ko lamang iyon ang sabihin kasi tiyak namang hindi iyon iiwan sa airport.

Nae-excite ako, gusto ko siyang kausapin pa, pero wala naman ako alam na sasabihin.  Hinawi ko na lamang ang kurtina at tumingin sa labas, na kahit naman gabi na e maliwanag pa rin dahil sa malalaking ilaw sa airport.  Nang umandar na service namin, tumingin ako sa kanya.  Nakatingin siya sa unahan.  “Isinakay ba mga bag natin?” bulong ko sa kanya kahit hindi siya nakatingin sa akin. “Opo,” yun lang ang maikli niyang sagot.

Mahaba ang biyahe namin.  Minsan pag lumiliko ang sasakyan, napapahilig siya sa akin o minsan ay ako sa kanya.  After one hour sa biyaheng hindi ko naman makita ang dinadaanan dahil madilim nakarating din kami sa hotel.  Palibhasa most of the passengers ay sanay na mag exit o kung first time man ay may nag advise what to do, unike me ang cousin ko kasi ay may employment visa na nang umalis sa Pinas kaya hindi nag exit.  Nag group na sila ng 5, bago lumapit sa reception for check in para sama-sama sa room at hindi masingitan ng ibang lahi.  At dahil hindi namin alam ang ganon naiwan kami at  yung ilan na nakatingin sa kanila sa harapan habang  nag-tse check in.  Yung katabi ko sa plane ay nagsabi na sa akin, na sama kami sa room, tapos may kasama pa siyang isa, Katabi ko pa rin sa labas si Mr White T shirt kaya tinanong ko siya.  Dahil halata naman wala pa siyang kasama at gaya ko first time lamang din. “Ikaw, sasama ka ba sa amin?” tanong ko sa kanya.  “Opo kuya wala pa akong kasama e, wala din akong kilala.” Dahil parang kami na yata huling pumasok, at nakapag check in na lahat ay apat na lamang kaming naiwan.  So apat lamang kami sa room, inisip ko na lamang  na sana wala ng ibang lahi ang isama sa amin.  Nauna siya sa akin dahil inayos ko pa ang laptop ko habang naglalakad, sinusundan namin yung hotel personnel. Naghagdan lamang kami kasi 2-storey lamang naman yung building.

Pagpasok ng room nauna yung dalawa, at pakiramdaman kami kasi parang pareho kaming nag-aalangan magsalita.  Yung katabi ko sa plane, e diretso agad sa may window samantalang yung isa naman ay pinili yung first bed.  Si Mr White T-shirt ay kinuha yung 2nd  bed. So 3rd at 4th  na lang ang choices ko. Inisip ko kung tatabi ako don sa katabi ko sa plane o sa tabi niya.  Bigla ko na lamang naisip na gusto ko sa tabi niya.  Nilagay ko agad ang laptop don sa bed na katabi niya at naupo.  Nagtanggal na ako ng sapatos at inilagay ko sa ilalim.  Kinuha ko sa bag ko ang aking baong tsinelas.  “Kain muna tayo,” bagamat wala akong tinutukoy sa kanilang tatlo e siya ang sumagot, 

“Sige po kuya, gutom na nga ako e,” may binigay namang pagkain ang airlines kaya may kanya-kanya kaming food pack.  Palibhasa ako ang nasa gitna, nasa tapat ko yung table, inilapag ko yung pagkain don at maya-maya lumapit na silang tatlo.  Dalawa lamang ang bangko, kaya hindi na ako lumipat. Nakaupo pa rin ako sa bed.  Kumain na kami at pagkatapos ay nag unload ng aming mga gamit. 

As advised sa akin ng pinsan ko nagbaon ako ng pang dinner ko, nagluto muna ako ng adobo at nagbaon din ako ng kanin, may biscuit, noodles, at juice din akong dala. Pero hindi ko yun kinain dahil nga may binigay ang airlines, Nilagay ko na lamang sa ref.  Nauna na akong naligo sa kanila dahil mga 11 pm na yun,  since late pa ang Iran ng 30 minutes sa Dubai so 11:30 na, at sa oras na yun sa Dubai tulog na ako.  Pagkaligo ko, nahiga na ako.  Maya-maya bumaba yung dalawa, papa connect daw sa WiFi, may bayad kasi pa connect sa hotel na yun (yes, you read it right 15 aed per day bayad para maka connect sa super bagal nilang WiFi, hindi kaya ang FB at Skype, whatsapp lang nagagamit) kami na lamang ang naiwan sa room, since magkatabi kami, kinausap ko siya, Tanung-tanong saan siya sa Pinas, saan nag stay sa Dubai at kung anu-ano.   Nalaman kong taga Zambales siya at yung father niya kasama niya at malapit sila sa may Deira City pero yung area mismo hindi ako pamilyar dahil ang common lamang sa akin mga Metro Station, dahil nababasa ko pag sumasakay ako.   Nanonood kami ng TV habang nagkukuwentuhan.  Maya-maya nakaramdam na ako ng antok kaya inabot ko yung unan sa katabi kong bed na bakante, medyo dumapa ako at nakatulog na. 

Kinaumagahan, ako ang unang nagising, kahit anong puyat ko kasi nagigising ako ng 7:00 am kasi naiihi ako nga ganoong oras.   Naligo ako, at dinala ko ang laptop ko sa baba para magpa connect nagdala na rin ako ng pera. Pero nakaka dismaya na hindi pala pwede ang laptop, mobile phone lamang daw ang pwede kaya, naiinis akong bumalik sa room.  Naglaro na lamang ako sa phone ko ng kung anu-anong games. Pero kahit nagbayad ako hindi pa rin nakaka connect pag nasa room dapat bababa ka pa rin sa may lobby o kaya sa may corridor yun lamang mabagal.

Maya-maya, nagising na yung tatlo.  Nang magpa connect ako, sinabi sa akin ng receptionist na free daw ang breakfast so niyaya ko yung tatlo para kumain.  Pero nang bumaba kami, wala na, 7-8 lang pala ang schedule non, so balik kami sa room, In-offer ko na lamang pagsaluhan namin ang  baon ko tutal madami naman yun, mabuti na lamang at may dalang water heater si Mr White T-shirt kaya nag noodles na rin kami at nag share sa baon ko.

Wala kaming alam na gagawin that day, kaya nagyaya yung isa naming kasama na hanap kami ng net café.  Agree kami lahat para makalabas narinig daw nila na may City Centre don kaya doon kami pupunta. Sa pagka excited, ako ang naunang lumabas dahil naka ready na naman ako, e sila nag pants pa bawal kasi lumabas ang lalake ng naka shorts, 11 am na siguro non.  Sa baba ko na sila hinintay, Naglalakad na sila nang maalala kong nasa bulsa ng pants na suot ko kagabi ang wallet ko at wala akong pera.  Naisip ko malapit lamang naman siguro pupuntahan naming kaya hindi na ako bumalik.  Tanong-tanong kami saan ang City Centre at may isang oras na kaming naglalakad sa sobrang init ng araw pero wala pa din dahil ang mga locale pala doon ay mahina sa English, bihira ang nakakaintindi at lalong iilan ang kayang magsalita ng English

Masyado nang malayo nalalakad namin at talagang wala kaming makita.  Balak sana naming mag taxi na kaso iniisip naman namin na baka malapit lang ayon sa sagot ng mga napagtatanungan namin.  Dahil sa init bumili sila ng tubig hindi ako nakabili wala akong pera,  pero malalaki naman bote ng mineral water don, 2 lang binili nila.  Nakatalikod ako at nagtatanong don sa nakita kong lalakeng naka bike, nahihirapan akong intindihin yung sinasabi niya kasi hindi ko alam kung tatawid o liliko kasi ang gulo ng direction niya, paglingon ko sabi ni Mr White T shirt, “Kuya tubig,” inabot ko at uminom ako.  Tanong pa rin kami ng tanong hanggang makakita kami ng Shopping Mall pumasok kami pero walang computer shop.  May sinabi silang building left daw ng mall hinanap naming pero hindi namin makita. Kaya nagdecide kami bumalik na ng hotel dahil past 2:00 pm na noon gutom at pagod na kami.  Almost 3 hours na kaming naglalakad sa initan.  Kaya nag taxi na kami pabalik.

Sa restaurant ng hotel kami kumain at hindi matapus-tapos ang kwentuhan namin lalo na nang malaman ng mga kasama namin ang aming experience .  Dahil hindi pa sila naliligong tatlo ay hinayaan ko na mauna na sila kahit gustung-gusto ko na rin talagang maligo ulit.  Nahiga kami, nang mag ring ang phone, dahil siya ang malapit sinagot niya. Tapos tumingin sa akin. “Kuya ano ba name ‘nong katabi ko yung naliligo?” tanong niya. “Hindi ko alam.”sagot ko sa kanya.  Saka ko lamang naisip na nakakatawa kami, kagabi pa kami magkakasama hindi pala kami nagpakilala sa isat-isa.  Yung katabi ko sa plane alam ko name, at tinatawag ko siya sa name niya pati ako tinatawag niya sa name ko.  Pero etong dalawa hindi ko alam ang name. 

Tumayo siya at lumapit sa may pinto ng CR at kumatok, “Kuya ano po name mo? Kasi hinahanap po nila Nick, kayo po ba si Nick, tanong niya.  Narinig kong binuksan ang pinto at sumagot.  “Brian ang name ko, baka yung sa Room 201, nadinig ko may tintawag silang Nick doon. “ sagot galing sa CR.  Sa loob  ko ah Brian pala ang  name niya.  Kinuha ulit niya ang phone at sinabing walang Nick sa room namin.

“Nakakatawa tayo ano, kagabi pa tayo magkasama at nag hiking na sa init, hindi pa natin alam mga name ng kasama natin.” Natatawa kong sabi sa kanya. Yung isa kasi e lumabas muna mag yoyosi daw. “Oo nga po, pero Lance po name mo kuya?”

“Oo, ikaw ano name mo, yung nasa CR Brian ba sabi niya?” “Joefrey po ang pangalan ko, opo, kuya yung sa dulo Jojo  po name niya ano?

“Yes, nakilala ko na siya sa plane magkatabi kami kaya alam ko na name niya.”

At iyon nagkwentuhan kami, I learned na may asawa na siya at isang anak, pero wala sa mukha niya, 21 pa lang siya at 19 siya nang nabuntis niya yung girlfriend niya kaya nahinto siya sa pag-aaral at nag work as waiter sa Pinas pero dahil kulang ang sweldo nakiusap siya sa father niya na nasa Dubai na hanapan siya na mapapasukan pero after one month wala pa din. Kaya exit muna.

Nagyaya yung dalawa na bumaba after ng dinner namin pero dahil sa pagod, sinabi kong matutulog na lamang ako.  Pero hindi naman ako makatulog kaya nakipag chat na lamang ako sa pinsan ko thru whatsapp.  Nang mapansin niyang busy ako nagpaalam siya na bababa din daw.  Pero maya-maya lamang ay bumalik dahil ang boring daw don.  Nagkwentuhan pa kami saglit bago ako nagyayang matulog.  Mababaw ang tulog ko kasi nagigising ako feeling ko nakatingin siya sa akin dahil manonood pa raw siya ng TV.  Kasi  mas malapit ako sa TV kesa kanya kaya pakiramdam ko nakatingin lagi siya.  Noong kinabukasan, maaga kami lahat nagising para umabot sa breakfast.  Pagkakain,  naligo siya, nahiga ulit kami at nagkwentuhan, Yung dalawa naman lagi nasa labas.  Minsan lumalabas siya dahil mag smoke daw siya.

Dahan-dahan nag-iiba na pakiramdam ko, minsan nag-iimagine ako na niyayakap niya ako, minsan pag naliligo ako, naiisip ko sabay kaming naliligo.  Nawi-weirduhan ako sa nararamdaman ko first time nangyari ssa akin ito.  Bakit lagi ko siyang naiisip? Parang tuwang-tuwa ako pag tinitingnan ko siya, kahit natutulog.  Ang ganda ng mata niya, ang tangos ng ilong, ang nipis ng labi. Ang kinis ng balat niya kahit hindi siya maputi.  Ang tingin ko sa kanya ang  gwapo-gwapo niya.  Di ko alam kung naiinggit ako sa kanya o nagkakagusto na ako.  Pero hindi pwede pareho kaming lalake. Bakit gano’n sanay naman ako na may nakakasama lalake sa loob ng room especially pag may seminar o iba pang activities.  Ngayon ko lamang naranasan ang ganito.  Parang nahihiya akong magbihis sa harap niya, pumapasok pa ako sa CR kung magpapalit ako ng pants.  Samantalang dati naman ay nagagawa ko yun kahit may kaharap na lalake hindi ako naiilang.

Nagtataka din ako sa kanya, kasi pag nasa labas kami hindi siya nagsasalita kaya madalas siyang binibiro na susian ko daw para magsalita.  Pero pag kaming dalawa lamang ang magkasama ang dami niyang kwento.  Parang ang saya niyang kasama.  Ang dami niyang kwento at tawa siya nang tawa pag nagbibiruan kami. Sa ilang araw naming pagku kwentuhan parang naikwento na yata naming lahat mula sa pagkabata, pag-aaral, girlfriends, hobbies, kalokohan nong nag-aaral pa, barkada, ambisyon, etc.   Minsan tinanong ko siya bakit ang tahimik niya pag iba ang kasama, sabi niya pag gusto niya kausap nagsasalita siya pero pag ayaw niya sa kausap kahit may sasabihin niya hindi niya sinasabi.

Kinabukasan, niyaya ko siyang humanap ng ibang pagkain nagsasawa na ako sa pagkain sa resto kasi hindi talaga masarap kahit Pinay ang cook ang luto e pang Arabo yata ang lasa.  Lakad kami nang lakad, hanggang umabot kami sa tabing dagat.  Ang ganda sana magpa picture kaso naman nalow bat phone ko kaya phone niya ginamit namin.  May nakita akong guard at nagtanong ako kung saan ang City Centre at sakto malapit lang pala.  Pumunta kami doon at hinanap ang food court.  Nakita namin yung ilang kasama namin sa hotel kumakain din.  Nagyaya sila pumunta sa dagat, pero dahil galing na kami doon ay nag ikot na lamang kami sa mall.  Napagpasyahan naming bumili ng damit kasi ang baon namin ay good for 3-4 days lamang pareho kami pero dahil mukhang aabutin kami ng isang lingo kulang na ang damit namin.  Bawal naman maglaba sa hotel kung ipa laundry nakakatakot naman baka ihalo sa damit ng Patan.  Sabi ko sa kanya hanggang Thursday lang dala kong damit.  E siya din daw.  Ang problema, ayaw tumanggap ng dirham.  Sinabi ko na punta kami don sa mall na pinuntahan namin noong Monday dahil narinig ko tumatanggap doon ng dirham  Kaya lang yung boutique na may gusto kaming damit  tumatanggap ng dirham kaso dapat exact wala sila pansukli.  Kaya naghanap kami ng money changer.  At since may Iran Riyal na kami bumalik kami sa City Centre “Kuya, dapat makabalik  po tayo sa hotel before 9 pm,” bulong niya habang abala ako kakapili ng damit. Madilim na kasi sa labas noon at may curfew don based sa Islamic Government.  “Oo nga ano basta 7 pm, labas na tayo sa may nabili tayo o wala.”  Sakto naman before 7 pm, naubos na namin yung Riyal na ipinalit namin. Pareho binili namin na damit magkakaiba lang ng designs. Tig 3 pieces kami.

“Boi, mag tinapay na lamang tayo at softdrinks, busog pa ako ang dami nating kinain kanina.” Sinabi ko sa kanya habang nakapila kami para magbayad.  “Kuya, iyun nga din po sana sasabihin ko sayo e, kaya lang naisip ko pagod tayo baka gusto mo kumain ng marami.”

Kaya dumaan kami sa grocery at bumili ng 2 family size na Coke para na rin ma share sa kasama namin sa room. Lima na kasi kami may dumating na isa pa mabuti na lamang kabayan. Noong gabing iyon, alam ko sa sarili ko na may nararamdaman na akong iba sa kanya.  Inisip ko na sana parehas kami ng nararamdaman dahil parang masaya din siya na magkasama kami. Alam ko hindi lamang ako natutuwa makipagkwentuhan sa kanya, nararamdaman ko mahal ko na siya.  Maaring hindi kapani-paniwala pero iyon ang totoo.  Habang kumakain, hindi ko maiwasang tingnan siya.  At pag nakita niyang nakatingin ako sa kanya, papakita na naman niya ang nakakaakit niyang ngiti. At ganon din naman siya, madalas kong mahuli nakatingin din siya sa akin at ngingitian lang ako pag nag abot an gaming mga paningin. Dalawa lamang kasi kami hindi namin dinatnan yung tatlo.  Baka nasa ibang room at nakikipagkwentuhan.

 Kinabukasan bumalik kami sa dagat at nagpapicture, ang dami naming napag-usapan habang naglalaro ng buhangin.  Balik kami sa kwentuhan habang nagpipicture. “Kuya tingnan mo ginawa natin sa buhangin parang sampung tao ang naglaro dito sa lawak na ating nahukay at nagulong buhangin.” Napansin ko nga na parang pinag rambulan ng kung ilang tao ang tapat namin.  Mabuti na lamang at malayo yung mga naliligo sa amin. Tawanan naman kami. Kung saan-saan pa kami nag papicture puro solo.  Never kami nagpicture na kaming dalawa. Parang walang maglakas ng loob na magyaya na papicture kaming sabay.  “Kuya parang nakakahiya ano, puro ako reklamo kay Papa na hindi ako nag-eenjoy dito pero pag nakita niya mga pictures ko hindi maniniwala yun na hindi ako masaya.” Kwento niya.   “Ganito na lamang gawin natin i-upload natin mga pictures pero naka customized yung tayo lang pwedeng mag view” Pero ang totoong reason ko ay nakakahiya naman talaga kung may ibang mag view noon sa FB ko bakit iisang tao lang ang kasama sa pictures, ok lamang sana kung  marami.  “Opo kuya, ganon na lang din gagawin ko, at isinulat niya sa boarding pass ang FB account niya at iniabot sa akin. Alam ko ibig sabihin non. “’Ge pag balik natin sa Dubai, upload ko agad, hindi naman pwede sa hotel e.”

Kinagabihan, nasa baba kami at tinutukso siya ng mga babae na panis na raw ang laway, madalas ko siyang ipinagtatanggol sabi ko nagsasalita naman siya. Puro ngiti lamang siya at hindi nagsasalita.  Naiinis din ako pag nilalandi siya ng mga bakla.  Ang dami kasing bakla doon. Ewan ko rin kung bakit pag may umaakbay sa kanya bigla siya titingin sa akin.  Hindi ko alam kung ano ibig niyang sabihin noon.  Mga 11 pm,  palihim akong umalis habang busy ang ilan sa pagseselfie, Nahiga ako at nanood na lamang ng TV.  Wala pang 30 minutes, nasa room na rin siya. 

“O bakit eto ka na rin? Nagulat pa nga ako dahil nakatayo lang siya sa may tabi ng kama. “Umalis ka po kasi kuya, wala na akong makausap don.” Sabay higa sa kama niya, halos magkatabi na rin kami dahil pinagtabi namin ang kama para makadaan kami doon sa pagitan noong bago namin room mate, actually pag 4 beds lang dapat yung room kaya lang ginawa nilang 5 beds kaya masikp, so para magka space at makadaan kami sa kabila, pinaglapit namin.  Madalas kaming magkatinginan pag nagkukwentuhan kami, kasi liwanag na lang ng TV ilaw namin.  Wala naman yung tatlo kaya minsan napapalakas ang kwentuhan namin.  Mga 2:00 am, horror na ang palabas.  “Kuya manonood ka pa po?” “Kung ayaw mo na ayoko na rin manood.” Sagot ko. Nakita pinindot nya remote.  At nahiga na ulit.  “Hindi ka ba nanunuod ng horror?” tanong ko.  “Pag gabi kuya ayoko po kasi minsan napapanaginipan ko lalo pa at ganitong patay ang ilaw.” Mahina niyang sagot. “Ang laking tao duwag, hehe.” Panunukso ko.” Nanunuod din po ako pag araw, hindi lamang talaga pag gabi.”

Maya-maya pareho kaming natahimik, naubos na yata ang topic.  Bigla niyang ini-on ang TV saka tumabi sa akin.  “O bakit mo ini-on?’ nagtataka kong tanong.  “May kasama naman po ako kuya para kasing gusto mong manood. At medyo isiniksik pa sarili niya sa akin. Madalas ko siyang lokohin kung ok lamang siya kasi nararamdaman ko malalim na hinga niya.  At madalas niyang isagot e, andiyan ka naman po kuya. Hehe.

Hindi ko na alam iisipin ko, aaminin ko medyo kinikilabutan ako hindi dahil sa pinapanood pero may iba akong nararamdaman,  parang gusto ko siyang yakapin.  Sa isip ko kung hahalikan ako ng taong ito parang hindi ako tatanggi.  O kung yakapin man nya ako parang ok lang.  Hanggang naramdaman naming may nagbubukas ng pinto, lumayo siya ng konti at nahiga, ibinaba ko naman unan ko at nahiga din ng patagilid at  patalikod sa kanya.

Nanood na rin yung dalawa pagkadating.  At nang matapos ay saka kami natulog.  Noong umaga, ginising ko siya para mag breakfast, alam kong hindi babangon agad yung tatlo dahil puyat.  Sanay na kami na dalawa lamang bumaba sa restaurant pag umaga. Lampas na rin ang breakfast dahil 10:30 na noon. “Kuya rest day tayo ngayon ah, masasakit hita ko dahil sa paglalakad.” Habang pababa kami. “Nako mahina pala tuhod mo boi, yun lamang suko ka na?” panunukso ko na hindi naman siya sumagot basta nakangiti lamang sa akin. Ang gwapo talaga niya sa loob ko lamang.  “Kuya tambay tayo sa labas mamaya tutal last night na natin huwag na tayo matulog.” “Kaya mo ba e ikaw ang antukin e, hirap mo nga gisingin sa umaga” at nagtawanan kami. Naunang dumating visa ko Wednesday night pa pero fully booked na hanggang Friday samantalang sa kanya e Friday morning dumating pero sabay kaming na book ng Saturday.

Hindi kami lumabas ng araw na iyon ako naglaro lamang sa laptop, siya naman ay natulog hanggang hapon. Mga 6 pm, ginising ko siya. “Boi, kain tayo gutom  na talaga ako. Nagwawala na ang mga alaga ko.”  Nagmulat lamang siya at ngumiti sa akin tapos ay nagtaklob ng kumot.  After 10 minutes hinila ko paa niya, pero nakataklob pa rin siya ng kumot , kaya hinila ko ang kumot niya.  “Saan po tayo kakain kuya? Basta huwag po  sa baba, ayoko sa pagkain nila.”

“Nagtanong pa e siya rin naman pala masusunod, hehe!” kunwari ay naiinis kong sagot

“E sige po kuya kung gusto mo don, ok lang.” “Hindi ah, niloloko lamang kita, dalian mo na diyan hindi ka pa naliligo, gutom na ako, sige na bangon na at bahagya ko siyang itinulak kaya napabangon na. Medyo natagalan din kami sa paghahanap ng makakain dahil ang hirap basahin ng menu nila hindi naman nila masagot kapag tinanong, ang hirap ding magtanong ng presyo dahil iba ang computation nila.

Tumambay kami kasama yung mga kasabayan naming dumating bagamat yung ilan ay nauna na nakabalik ng Dubai, Pero marami naman ang bagong dating.  Kung anu-ano topic namin, kung anu-ano kinakain. Tuwing kami ay nakatambay kung nasaan ako doon din siya tatabi kahit masikip.  Nang gabing iyon, malamig, pag humangin talagang ramdam mo sa balat, nagkataon namang muscle shirt suot ko dahil diretso na pantulog kaya nilalamig talaga ako.  Siya may manggas ang damit. Nararamdaman ko nilalapit niya katawan niya sa akin. Lalo pag napapatagilid ako pag kumukuha ng pagkain. Ramdam yata niya na giniginaw ako.  Maya-maya, nagpaalam siya sa akin na iihi daw siya.  Naiwan ako kausap yung isang babaeng taga Ilocos, naglalaro ng improvised cards ang mga kasama namin dahil bawal ang playing cards doon. After 30 minutes sumunod ako dahil naiihi din ako kasi nga malamig tapos umiinom ako ng juice, sila naman kape. Pagpasok ko ng room.

“Kuya, nood na lamang po tayo ng TV ang lamig doon,” nagsasalita siya kahit sa TV nakatingin.

“Oo nga ayoko na rin bumalik don, baka sipunin pa ako paalis na tayo bukas.” Sabay lundag sa kama ko. Dahil nakahiga habang nanonood ng TV madali akong inantok.  “Boi, tulog na ako, anong oras tayo gigising bukas?” tanong ko habang hinahatak ang kumot pataas.

“Mamaya na kuya, hindi pa ako inaantok, gising tayo ng mga 9 para may oras pa kasi di ba sabi mo po pizza kainin natin bukas, maghahanap pa tayo ‘non di pa  po natin alam saan ang bilihan, basta dapat by 12 ready na po tayo. Mamaya ka na matulog.”   

  “Asus! nag schedule e siya ang napakahirap gisingin. Pag hindi ka bumangon, ihuhulog kita diyan tiyak gising ka.” At nagtawanan kami.  Maya-maya, natahimik kami pareho, hindi ko alam kung ano ginagawa niya dahil nakaharap ako sa TV. Lumapit siya at idinikit ang katawan niya.  Nakaramdam ako ng kakaibang init.  Hindi ko alam kung galing sa katawan ko o sa katawan niya. Pero masarap ang pakiramdam.  Idinantay niya ang kamay niya sa dibdib ko.  Parang automatic akong humarap sa kanya at nagtama ang aming mga paningin maya-maya naglapat ang aming mga labi.  Noong una, dampi lamang hanggang dumiin at lumalim.  Hindi ko alam kung tama pero wala akong magawa, kusa na lamang akong nagpadala sa aming nararamdaman.  Tapos bigla kaming nagtawanan.  Maya-maya ay nagkatitigan ulit kami at nauwi sa halikan.  Mas mainit at mas may malisya na iyon dahil nag aabot na ang aming mga dila.  Nalalasahan ko na ang laway niya.  Naghahawakan na rin kami ng pisngi at maging ng batok.  Parang labi ng babae ang labi niya, manipis at malambot.  Napaka gentle niyang humalik parang punum puno ng sensation.  Ginalingan ko rin ang paghalik at napapaungol siya ng mahina.  Naiangat namin ng sabay ang aming mga damit sa akin madali lang sa kanya medyo nahirapan kasi naka sweat shirt siya.  Nang mapansin kong hubad na kami pareho, naisip ko ang pinto.  May kanya-kanya kaming susi kaya pwedeng bigla pumasok mga kasama namin.  Pero pwede iyong isara sa loob na hindi mabubuksan kahit may susi sa labas.  Tinakbo ko ang pintuan at nilock sa loob

Pagbalik ko walang sabi-sabi naghalikan kami, hanggang naramdaman ko na lamang na nagbabanggan ang gising na naming mga alaga.  Nagkatinginan kami, at nagkatawanan.  Kinindatan ko siya, pero ngumiti lamang siya.  “First time mo?” tanong ko.  Tumango siya, “Ako din e, pano ba yan hindi natin alam ang gagawin?” “Bahala na!” bulong niya, hinimas niya ang titi ko kahit may shorts pa ako, kinikilabutan ako sa kakaibang sarap na iyon na parang noon ko lamang naranasan.  Habang ang isang kamay niya ay dumapo sa nipples ko.  Napapaigtad ako sa kiliting dala ng ginagawa niya, napapaungol na rin ako.  Ginaya ko ang ginagawa niya, lahat ng ginagawa niya ginagawa ko, pero nang hinalikan ko siya sa may ilalim ng tenga, napaungol siya ng malakas.  Naroon pala ang kiliti niya.  Ginaya rin niya.  Malakas na ang ungol namin kapag napapadampi ang labi o dila namin sa bahaging may kiliti.  Hanggang tuluyan na naming naibaba ang aming mga shorts, Lumabas ang tigas naming mga tite. Hindi namin alam ang gagawin, pinaglapit namin at hinayaang maramdaman ang kakaibang init sa pagdidikit nila.  Nakakalunod ang pakiramdam.  Maya-maya ay hinawakan niya ng sabay ang mga titi namin saka marahang sinalsal na magkasabay.  Ibang klase ang sarap, lalo pa pinadudulas ng pinaghalong precum naming dalawa.  Parang nawala na ang hiya namin sa isat-isa.  Pag binitawan niya ay ako naman ang hahawak.  Napapaungol kami ng sabay tapos ay maghahalikan.  Naging automatic na pag nagpalit kami ay sa nipples naman lilipat ang kamay. 

“Ahhh…boi, sige pa ang sarap niyan…bilisan mo pa.” iyon lang nasasabi ko kapag nagbibitiwan kami sa halikan.

“Kuya, kuya, ahhhh, ang sarap po kuya….ahhh” yung paulit-ulit niyang sinasabi.

Tapos ay hinalikan niya ako mula leeg pababa, kiliting-kiliti ako lalo na nag sisipsipin niya nipples ko, pati pusod habang sinasalsal niya ng marahang marahan ang galit na galit kong titi. Dahil sa kakaibang pakiramdam na binigay niya sa akin, ginawa ko din yun, nagpapagulung-gulong kami sa dalawang kama.  Namimilipit siya sa sarap at kita ko sa mukha niya ang kakaibang sensasyong nararanasan.

Nagkatinginan kami at parehong napangiti. “69 tayo”, halos pabulong niyang sabi. Di na ako nagsalita, nang umikot siya alam ko na ibig sabihin.  Sa una e medyo naiillang ako tiningnan ko muna halos magkasing laki lamang kami ng ari, mas maputi lamang sa akin dahil mas maputi ako sa kanya, parehong may pagka pink ang ulo ng titi namin at alam ko parehong basang-basa sa pre cum.  Napa ahhh ako sa kakaibang init nang isubo niya ang ulo ng titi ko.  At sa pagbuka ng bibig ko, Kusang napapasok ang titi niya, kasi inilapit niya at siya man ay napa ahhh. Sa paglapat ng dila ko sa ulo ng titi niya, napapadiin ang balakang niya,  dahil ramdam naming parehas kung saan masarap, yun ang ginagawa namin.  Kung ano ginagawa niya na masarap, gagayahin ko, kung ano gawin ko gagayahin niya.  Minsan isusubo ng buo minsan ulo lang, minsan bayag naman, Lunod na lunod na kami sa kakaibang sarap na iyon.  Nang maramdaman kong lalong lumalaki ulo ng titi niya ay alam kong lalabasan na siya, kaya binagalan ko pagsipsip para umabot ako, pero nang maramdaman ko ang pagdating ng aking katas, binilisan ko na ang pagtaas baba at paghimas sa bayag singit at kung saan-saan pa na ginagawa rin niya.  Hanggang

“Boi. Ahhhhh….ayannnn naaaa. sarrappp…”

“Kuya, ayan na rin….ah shit…ang sarap kuya…..”

Di muna namin inalis mga titi namin, paghugot ng mga titi namin sa bibig, sinara ko ang bibig ko dahil hindi ko kayang lunukin, ang weird ng lasa. Pero alam ko my part din na pumasok na sa lalamunan ko, meron din sa sulok ng labi ko.  Nagkatinginan kami, sabay bangon ko kasabay siya diretso kami sa CR at niluwa sa sahig ang aming mga katas.  Tawanan kami at sabay na kaming naligo, at minsan-minsan ay naghahalikan.

Nakabihis na kami parehas when I unlocked the door baka naman magtaka sila kung sakaling pumasok.  Nahiga kami ng  magkatabi pero tumagilid siya paharap sa akin.  “Kuya, aaminin ko, unang kita ko pa lamang sa’yo iba na ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan bakit parang kinakabahan ako noong magkatabi tayo sa service, tapos sobrang saya ko po naman when you asked me kung sasama ako sa inyo sa room lalo na noong iyan pinili mong bed.  Yun po kasi talaga inisip ko sana hindi ka don sa kabila mahiga. First time po na nangyari sa akin ang ganito.  Sorry po kasi alam ko namang hanggang kapatid lang turing mo sa akin pero….” Tinakpan ko ng dalawang daliri ang labi niya.  “Sshhhh, kung ano man nararamdman mo ako din ganon, first time kong naramdaman yun kaya pinigilan ko, pero kahit nalilito ako noong una alam ko na ngayon mahal kita boi, hindi ko alam kung bakit, pero sigurado ako mahal kita.”

Naghalikan pa ulit kami hanggang umayos na kami ng higa baka dumating na sila.  Nagkwentuhan kami at nalaman kong nagpapakiramdaman lang pala kami. Nagtatawanan kami pag inaalala yung mga tagpong iyon.  Nangingiti na lamang ako nang sasabihin niya, na natatakot siyang mahuli ko siyang nakatingin dahil baka magalit ako dahil parehong-pareho kami ng naiisip nang mga panahong iyon.  Past 3;00 am na siguro nang makatulog kami pagkatapos ng tila walang katapusang I Love You at I Love You More.

Nagising ako nang 7:00 am, tiningnan ko maamo niyang mukha. Ang sarap talaga niyang tingnan.  Hindi ko siya ginising bagkus natulog ulit ako.  Mga 9:30 nagising ulit ako, nag toothbrush agad ako, pagbalik ko sa bed ginising ko siya pero gaya ng dati nginitian lang niya ako at pabulong na nag I Love You.  Natawa ako sa ginawa niya.  Tapos ay nagtaklob siya ng kumot.  “Hoy. loko uuwi na tayo, tanghali na.” Pero lalo niyang hinigpitan ang hawak sa kumot.  Hinila ko ang kumot, pero binalik niya kaya lang di niya tinakpan muka niya at ngumiti lang. “Sige, ayan pa ang kumot ko oh, diyan ka na iiwan na kita,” Tawa siya nang tawa. “Amoy ano…. Hahaha” “ Aha, ganon ha? loko ka talaga,” luminga-linga ako baka gising na yung tatlo, pero naghihilik pa, bahagya ko siyang dinaganan sabay halik sa labi niya gumanti siya pero umangat agad ako mahirap na.

Bumangon na rin siya, naghanap kami ng pizza at medyo nahirapan kami kasi sa gabi pa pala yun. Kumain muna kami ng sandwich saka ulit nag ikot sa palengke isa lamang yung may available napakahirap pang kausap dahil di marunong mag English.  12:30 na kami nakarating sa room sinabihan ko siya na mauna ng maligo, pero sabi niya sabay na kami. “Gago ka talaga ano, basta bilisan mo na lamang para after mo kain na tayo. Mabilis lamang naman ako maligo e.” Walang tao sa room nang bumalik kami nasa restaurant siguro wala pa kasing visa mga yun.

Kaya lang parang busog pa ako kaya sinabi ko na baunin na lamang namin at sa airport na kumain kasi 2;00 pm  departure namin sa hotel pero 6:00 pm pa naman flight.  Kaya pagkaligo ko, nag pahinga lang ng konti.  Nag ayos  ng mga gamit at 1:45 bumaba na kami.  Nandon na yung mga kasamahan namin.  Paalaman sa mga wala pang visa.  Ang lungkot, parang ang dami na namin pinagsamahan sa loob ng 1 week. Picture taking nang tumawag yung driver, sakay na raw kami.  Yakapan, beso-beso, may naiiyak, may tumatawa, etc.  “Kita tayo sa Dubai.” Iyon ang huli kong naririnig sa kanila.

Sa sasakyan, magkatabi kami, biniro ko siya kasi sabi ko same position kami nong una kaming magkatabi. Iniabot ko sa kanya phone ko, “Save mo number mo, maghihiwalay na tayo hindi ko pa alam number mo.” “Di ka naman po nagtanong kuya, habang tinatype number niya.” Nginitian ko lamang siya.  Sa ilalim ng laptop, inabot niya ang kamay ko, ibinaba ko ang jacket, at magkahawak kamay kami.  Walang usapan habang binabaybay ng sasakyan namin ang malungkot na daan, may tabing dagat, may malawak na buhanginan, ilang nakadapong ibon at isang malungkot na camel. Wala kahit isang tao kang makikita.  Sa isip ko katapusan na ng panandaliang kasiyahan namin.

Pagka check in namin, humanap kami ng upuan at kumain,  “Huling date po natin kuya.” sabay bahagyang ngiti . Hindi ako ngumiti, “Mamiss kita boi promise!” bulong ko.  Muli isang mapait na ngiti iginanti niya sa akin.  Di siya nagsalita pero kita ko pamumuo ng luha sa mga mata niya. Ayoko siyang tingnan dahil ayokong maiyak. Tumungo ako at nagconcentrate sa pagkain.  Gusto kong maging maganda paghihiwalay namin, hindi man masaya iyong hindi naman sana ganito kasakit,  Pero kahit anong iwas ang gawin  ko nasasaktan ako kapag iniisip kong maghihiwalay na kami. Ang hirap tanggapin.

Pagkatapos nagpalitan kami ng sweet notes sa pamamagitan ng phone. Hindi halata ng mga katabi namin pero kapag natutuwa ako sa message niya titingin ako at kikindatan siya. Ganon din siya sa akin. Natatawa ako sa mga sinasabi niya. Napaka lambing niya. Minsan kiniliti niya ako sa tagiliran. Ang lakas pa naman ng kiliti ko don.  Muntik na ako mahulog sa bangko mabuti na lamang at ibang lahi katabi namin at walang pakialam sa amin. Tiningnan lamang kami na parang naiinis.  Di namin pinansin hindi naman naming siya kilala at hindi naman niya alam pinag-uusapan namin.

Magkatabi kami ng upuan sa airplane gaya ng nirequest ko ng mag check in kami.  After ng ilang selfies.  Bahagya siyang humilig sa akin habang nagdedemo mga cabin crew.  “Kuya, mahal na mahal  po kita,” bulong niya sa tenga ko.

“Mahal na mahal din kita boi, lagi mo yang tatandaan.” Inilapit ko labi ko sa tenga niya.

“Pero kuya, mahal ko rin asawa’t anak ko, ayoko silang masaktan, at ayokong masira pamilya ko”

Parang may kung anong bagay ang bumagsak sa ulo ko.  Hindi ako nagsalita.  Tumingin ako sa bintana at tiningnan ang mga ilaw na dahan-dahang lumiliit. Kagaya ng pagmamahalan namin, alam kong maiiwan na ang lahat sa lugar na yon. Ang lahat ay magiging isang bahagi na lamang ng matamis na alaala.  Ang hirap isipin, masakit, parang ang bigat sa dibdib, pero ano ang magagawa ko?

“Kuya, help me decide , anong gagawin ko, ayokong mawala ka kuya, I love you very much.” Hindi ako kumibo, hinayaan ko na lamang siyang nakahilig sa akin.

Sa ilalim ng jacket, nanatiling magkahawak ang aming mga kamay. Sigurado akong mahal ko siya pero alam ko ring  mali ang ginagawa namin kaya lang masakit isiping mawawala siya,  parang hindi ko kaya. Bakit sa kanya pa, bakit kasi hinayaan kong mahulog ang loob ko sa kanya? Alam ko namang sa umpisa pa lamang ay mali na ito at hindi pwedeng mangyari. Alam kong kumplikado pero nagpadala pa rin ako. Pero sa kabilang banda nagtatalo rin ang isip ko, masaya naman ako sa nangyari at hindi ko pinagsisisihan ang karanasang iyon. Mali nga siguro dahil sa sitwasyon namin pero para sa  dalawang taong nagmamahal hindi na siguro mahalaga kung ano ang mali at ano ang tama. Minsan-minsan hinihigpitan ko hawak ko sa kamay niya.  Gusto kong iparamdam sa kanya kahit sa paraang iyon ang pagmamahal ko.  Alam ko iyon din ibig niyang ipaalam sa ginagawa niya. Hindi kami nag-uusap.  Nakatingin siya sa unahan pero parang blangko ang paningin niya.  Parang sasandali at nag announce na we are about to descend at Dubai International Airport.  Huminga ako ng malalim at binitiwan ang kamay niya.  Umayos na rin siya ng upo.

Pagkalabas ng immigration hinintay ko siya sabay naming kinuha mga gamit namin.  May isang kubling lugar doon malapit sa CR.  “Gusto mo bang  tulungan kitang magdecide boi?”
Tumango siya.  Tinapik ko siya sa balikat.  “Eto na yun. Maghihiwalay na tayo.  Salamat sa lahat.  Salamat sa 7 araw na ipinadama mo sakin ang iyong pagmamahal.  Ang 7 araw na iyon na kasama ka ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko.  Naranasan kong magmahal at masaktan.  Pero hindi ko pinagsisihan na minahal kita. Sayang nga lamang at hanggang dito lamang iyon. Hindi kita malilimutan boi. Mahal na mahal kita.” At niyakap ko siya saglit.

“Kuya, ibig mong sabihin….” At nalaglag na ang mga luha mula sa mga mata niya.

“Oo, boi yun ang tama, umaasa sila sa’yo, wag mong sirain ang pamilya mo.  Buuin mo yan para sa sarili mo at para sa akin na rin. Wala silang kasalanan hindi sila dapat madamay sa pangyayaring ito.”

“Pero Kuya paano ka po, paano tayo,  paano pagmamahalan natin, hindi ko yata kaya. Ang hirap ng gusto mo.”

“Nauna sila sa buhay mo kaya wala tayong magagawa don.  Ganon talaga ang buhay hindi lahat pwedeng maging posible. Hindi lahat ng gusto natin pwedeng mangyari.  Kahit nagmamahalan tayo, hindi pwedeng maging tayo.  Tanggapin na lamang natin yun.” At napaiyak na rin ako kahit anong pigil ang gawin ko.

“Pero, magkikita pa rin tayo ha, magtetext pa rin tayo, tawagan mo ako kuya ha,  mag-uusap pa rin tayo kuya kapag pwede.” Pahabol niya. Hindi na ako sumagot. Pinipigil ko  na ang muling mapaiyak dahil dumarami na ang dumadaan papuntng CR..

Tahimik kaming naglakad papuntang Metro Station.  Pagdaan ng train, wala kaming imikang sumakay.  Una siyang bababa. Mga 5 stations ang difference namin ayon sa estimate ko. Gusto ko ng bumigay, parang gusto ko siyang yakapin, halikan at pigilang lumayo. Parang ayoko siyang bumaba.  Gusto kong umiyak at isigaw na mahal na mahal ko siya. Ang hirap, ang sakit! First time kong nagmahal sa gaya niya, at first time ding nasaktan ng ganito. Parang mas masakit pa ng makipag break ang gf ko sa akin. Parang ang hirap mag-isip ng tama. Pareho kaming nakatingin sa labas. Pero ako parang wala akong nakikita.  Pagdating sa next station, bago sumara ang pinto, tinapik ko siya sa balikat. “Boi, I Love You. Ingat ka palagi.” Bulong ko sa kanya sabay baba.  Naiwan siyang nakanganga. Tinatanaw ko pa ang train habang papalayo. Hanggang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.  Gaya ni Joefrey, alam kong tuluyan ng matatapos kung anuman ang nasimulan namin.  Ayoko ng patagalin pa, Tama na yon, tama na ang sakit, gusto ko sanang makasama pa siya kahit ilang minuto lamang, pero habang nakikita ko siyang nasasaktan lalo akong nahihirapan.  At lalo akong nagdadalawang isip na tanggaping tama ang aking desisyon. Ito ang totoo at ayoko ng mangarap pa dahil lalo lamang akong masasaktan.   Hanggang doon lamang talaga kami. At tuluyan ng pumatak ang luha mula sa aking mga mata.

“Boi, kung talagang tayo, gagawa ng paraan ang tadhana, pero sa ngayon, hindi natin pwedeng baguhin kung ano ang reality. Mahal na mahal kita at gusto ko sanang iparamdam iyon sa iyo, pero hindi talaga pwede, alam kong nahihirapan ka din pero wala tayong magagawa. Sorry pero ito ang pinakatamang pwede nating gawin, tapusin natin hanggang maaga dahil lalo lamang tayong mahihirapan kung patatagalin pa natin. Kung hindi ngayon baka sa next life natin pwede na. bago doon Malaya nating maipaparamdam ang pagmamahalang ito.   Hihintayin ko iyon, hihintayin kita boi”. Pinahid ko na  ang mga luha ko dahil narito na ang sumunod na train.

End

No comments:

Post a Comment

Read More Like This