Pages

Monday, December 28, 2015

Tales of a Confused Teacher (Part 6)

By: Irvin

Samantalang hinawakan niya ang aking pisngi at maingat niyang inilalapit sa kanya.  Naramdaman ko ang pagtatagpo ng aming mga dila.  May kakaibang sarap at kiliti itong dala.  Parang may init na nagmumula sa kanyang bibig, tumutulay sa sa aking dila at pumapasok sa buo kong pagkatao na nagpapawala sa anumang katinuan meron ako ng mga sandaling iyon.  Nanlalamig ang aking mga kamay, samantalang dinig ko ang malakas na kabog ng aking dibdib, ganun pa man tila ba kung ano ang pakiramdam na iyon ay may kakaibang kiliti na ngayon ay bumabalot sa aking katawan.  Parang kusa itong bumigay at nagpaubaya dahil sa pagdating ng matagal na nitong gustong maranasan.  Patuloy kami sa ganoong  tagpo.  Mula sa ulo bumaba ang aking mga kamay sa kanyang batok samantalang naramdaman ko ang malikot niyang kamay sa aking likod.  Marahan niya itong hinahagod at maya-maya ay pumasok ito sa ilalim ng aking T-shirt at habang tumataas ang paghagod niya ay umaaangat ang aking damit.  Nakaramdam ako ng malamig na hangin nagmumula sa aircon.  Parang may kung anong liwanag na nag flash sa aking utak.  Bigla akong bumitaw sa kanya at naupo. 

“Sir, bakit po? Akala ko mahal ninyo ako bakit kayo….” Hindi ko na hinayaang tapusin pa niya ang sasabihin niya.

“Oo mahal kita, pero hindi dapat ganito, hindi ito pwede, mali ang ganito,” Hindi ko alam kung paano sasabihin dahil sa pagkalito. “Parehas tayong lalake at dapat sa babae tayo nagkakagusto dapat babae ang minamahal natin, iyon ang tama.”

“Pero sir, importante ba kung ano ang tama at ano ang mali.  Di ba ang mas mahalaga ay kung ano ang nararamdaman natin. Tayo naman ang nakakaalam kung ano ang tama at ano ang mali.”

“Hindi mo ako naiintindihan, teacher mo ako at estudyante kita, Iyon ang relasyon dapat meron tayo, ano na lamang ang iisipin ng mga tao pag nalaman nila ang ganito. Kahit sino ang makaalam nito walang magsasabi na tama ang ganito.  Lalo na sa part ko, mali talaga ito.” 

“Naiintindihan ko kayo sir, natatakot kayong malaman ng mga tao na pumatol kayo sa isang lalake at sa estudyante nyo pa,  Natatakot kayong masabihan na bakla.  Ako din sir, natatakot ako dahil alam ko pagtatawanan ako ng barkada ko at pati ng mga kaklase ko dahil dito.  Pero ano magagawa ko ito talaga nararamdaman ko.  Kaya nga kahit pabiro  ipinaparamdam ko sa inyo na mahal ko kayo sir, nag a I Love You ako sayo pero parang bale wala lang sayo.  Hindi ka man lang nag rereact kaya sinarili ko na lamang iyon.” 
“Ang ibig mong sabihin noon pa?” ang naitanong ko  naalala ko nga yung ilang beses siya nag I Love You pero hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang ibig niyang sabihin.

“Opo sir, ilang araw mula nang alagaan ninyo ako noong may sakit ako tapos lagi tayong magkasama at sabay kumakain.  Akala ko noong una sabik lamang ako sa pagmamahal ng isang kamag-anak,  yung parang tatay ba o kuya kasi hindi ko naranasan iyon.  Pero habang tumatagal nag iiba pakiramdam ko sa inyo.  Lagi ko na kayong hinahanap at ilang oras pa lang namimiss ko na kayo.  Pakiramdam ko na po fall na ako sayo sir.  Kaya nag search ako sa internet kung pwede bang mangyari na ang isang lalake ay magkagusto sa kapwa niya lalaki kahit hindi siya bakla.  Isa sa mga nakatawag ng pansin ko ay si Dra. Margie Holmes.  Sa isang article niya sinabi niya na nangyayari daw talaga ang ganon.  At hindi iyon abnormal at hindi rin psychological problem ang ganoong pakiramdam.  Marami naman daw kaso ng ganon kahit dito sa Pilipinas.  Sabi pa niya ang pagiging bisexual ay hindi choice ng isang tao na pwede kapag gusto mo at kung ayaw mo ay huwag. 

    Hindi ako makapaniwala na ginawa niya iyon, nag research pa talaga siya para hanapan ng sagot ang kanyang nararamdaman samantalang ako na teacher niya ay pinipilit sagutin ang mga tanong ko sa sariling paraan kaya hangga ngayon ay naguguluhan pa rin sa mga nangyayari.  Lihim akong humanga sa kanya.  Nang mapansin niya na nakikinig lamang ako nagpatuloy siya.

    “Saka sir, marami daw mga ganon ang pinipiling itago ang nararamdaman dahil sa takot.  Iyon kasi ang norm, iyon ang idinidikta ng lipunan kung nasaan siya pero hindi sila nagiging masaya.  Kasi sa ginagawa nila ang pinapasaya nila ay ang mga taong nakapaligid sa kanila dahil nasusunod kung ano ang gusto nilang makita o mangyari.   In the end yung mga taong nagmamahalan nanatiling hindi masaya dahil hindi nila magawa ang bagay na gusto nila. Sir, wala naman po  tayong ginagawang masama hindi ba? Hindi ba tayo pwedeng maging masaya? Wala naman tayong sinasagasaan na karapatan ng iba.”

    Alam ko sa sarili ko na malaking bagay para sa akin ang narinig ko, malaking tulong ito upang buksan ang isipan ko tungkol sa ganito.  Pero aaminin ko hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin. ‘So ano ang plano mo?” iyon na lamang ang naitanong ko dahil pakiramdam ko ay mas tama ang mga sinasabi niya. Para akong nakikipag usap sa mas matanda sa akin o sa isang taong mas maured kesa sa akin.
   
    “Ewan ko po sir, hindi ko alam, masaya na ako na nalamang mahal mo rin ako.  Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito, akala ko noon hindi na mangyayari lalo na noong iniwasan mo ako, buti na lamang sir inamin mo rin na mahal mo ako. Dahil dito masayang-masaya ako sir.”

“Gaya nga ng sinabi mo, mahirap itago ang ganoong pakiramdam,” at muli ay tumabi ako sa kanya at muling yumakap. Magkatabi kaming nahiga, naramdaman kong ipinataong niya ang kanyang kamay sa dibdib ko.  Ginawa ko rin yun sa kanya, hanggang nagyakapan kami.  At natulog kaming magkayakap.

Umaga, pagkatapos kumain, nagpaalam siyang uuwi muna dahil maglilinis daw siya ng bahay at ilang araw na niyang napabayaan. Nakakahiya daw baka bigla ko siyang dalawin ang gulo ng bahay niya. “At talagang nag eexpect ka na dadalawin kita sa bahay mo ha,” natatawa kong sabi habang para naman siyang napahiya dahil napakamot na naman sa kanyang ulo. “Sige po sir, uwi muna ako, I love You sir!” Nginitian ko lamang siya at tumango ako.

    “Wala man lang I Love You too?” ang nakangiti pero kunwari ay nagtatampo niyang balik sa akin.  Hindi ako sumagot, pero nakangiti pa rin ako pinagmamasdan siya.  Alam ko maraming pagbabago ang mangyayari sa akin at sa buhay naming dalawa mula sa araw na ito. Malaking adjustment ito. Hindi pa ako handa pero kailangan dahil simula pa lamang ito  sa mga dapat kong asahan.  And I should expect the unexpected dahil kumpilikado itong pinasok namin at alam ko yun.

    Nagtext siya, pagdating sa bahay at inalam kung kumain na ako at kung ano na ang ginagawa ko.  Napaka sweet at napakalambing niya at halos naubos ang maghapon ko sa kasasagot sa kung anu-ano mga itinatanong niya.  Parang bumalik ako sa pagiging teen ager, Naalala ko mga naging girffriends ko noong high school at madalas nangingiti na lamang ako sa mga pick up lines na sinisend niya sa kin.

    Lunes ng umaga, nakita ko siya kahit malayo pa ako nakangiti na malapit sa guard house.      “I love You sir!” bati niya paglapit ko. “Ssshh, ano ka ba, pag may nakarinig sa iyo.” Pinandilatan ko siya pero pabulong lang ang pagsasalita ko. “E wala naman pong tao, “ magkatabi kami habang nag ta tap ng RFID namin. Wala naman talagang tao don dahil yung isang guard kapag ganoong oras ay nasa malapit sa kalsada upang i assist yung mga tumatawid.  Samantalang yung isa naman ay tiyak na nagbubukas ng mga rooms pati ng aircon.  Hindi naman kasi makakapasok ang sinuman kung hindi magta tap ng RFID at may kaagahan pa kaya ilan-ilan pa lamang ang pumapasok.
   
    ‘Kahit na dapat mag-ingat pa rin tayo, alam mo naman ang sitwasyon natin.  Kaya’t hanggang walang nakakaalam bukod sa ating dalawa, safe tayo, maging sa mga barkada mo dapat manatiling lihim ang kung anong meron tayo sa ngayon.” At pati sa  pagkilos natin dapat maingat din tayo.  Sapat na munang alam natin ang ating nararamdaman.”

    “Opo sir, naiintindihan ko po.”    “In the meantime gawin nating normal ang lahat dito sa school
Hindi naman pwedeng mag iwasan tayo baka lalo naman silang magtaka, basta kung ano yung ginagawa natin dati ganon na lamang muna.” At naghiwalay kami dahil papunta siya sa room nila ako naman ay kumanan papunta sa faculty room.

    Sa paglipas ng araw naging maayos naman ang lahat, sa loob ng room walang kapuna-puna sa aming dalawa .  Masaya na ang mga kaklase niya dahil nakikita nila na nag-uusap na kami at mansan ay nakikipag biruan na ako sa kanila. Madalas din siya sa bahay lalo kung walang pasok.  Kung hindi naman ay nasa mall kami.  Hindi na iyon bago sa mga estudyante na nakakakita sa amin dahil dati na nila kami nakikitang ganon.

    Isang araw vacant ako pero wala ako gana magtrabaho.  May mga irerecord akong quizzes pero hindi ko iyon ginalaw.  Nang mag ring ang cell phone ko. Number ng Daddy ni Kenn Lloyd.  Pagka hello  ng caller nabosesan ko agad si Mr Suarez.

    “Yes Mr. Suarez, napatawag kayo? agad na bati ko sa kanya.  “Good morning sir, nakakaabala po ba ako sa inyo” tanong niya.  “No, in fact vacant po ako now at naghihintay pa for my next subject.”
   
    “May favor po kasi sana akong hihilingin sa inyo and I hope you don’t mind.  To cut it short sir, next week is Kenn Lloyd’s birthday and  because I heard good feedback about him I wanna surprise him with a party.   Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto ng batang iyan, everytime I ask him ang isinasagot ay ayos lang ako. Kaya naisip ko iyon.  But I can not do it on my own. Sana ay tulungan mo ako gawin iyon.” Ang paliwanang niya.

    “Mr Suarez I can not understand your point, what do you want me to do? Ang naitanong  ko sa kanya.

    “Gusto ko sanang iinvite iyong mga classmates and friends niya at kung available mga teachers niya it would be better, Kaya lang ikaw na sana  bahala sa lahat ng preparations.  I will send you money at ikaw na magplano kung paano mo gagawin.  I’ll find time to grace the party to personally greet him and thank you as well for all your help and support.  Nakukuwento naman niya tungkol sa iyo.”

    “Ah, ok sir, kung iyon po ang gusto ninyo, papatulong na lamang ako sa ilang classmates niya.” At pagkatapos ko ngang ibigay ang bank account number ko ay nagpaalam na siya at ipinaubaya na sa akin ang lahat.  Nang hapon ding iyon kinausap ko ang  si Claire, class president nila at ipinaliwanag ang lahat.  Pinag-usapan na rin namin kung paano makokontak yung mga barkada niya na hindi sa school nag-aaral.  At dahil nga next week na iyon mabuti na lamang at Friday kailangan naming madaliin ang preparations. Tinawagan ko yung may ari ng catering services malapit sa school dahil alam kong masarap silang magluto bukod pa sa may packages sila kasama na ang decorations at iba pang party needs.  Magiging mas madali para sa amin kung may makakatulong kami.  At pagkatapos kong alamin kung pasok sa budget ay nakipag close na ako ng transaction sa coordinator nila.  Samantala nang mga sumunod  araw ay palihim na kaming nag-uusap ng ilan niyang kaklase para sa mga updates.

    Friday gaya ng pinagkasunduan namin walang babanggit sa kanya ng tungkol sa kanyang birthday.   Maghapon ramdam ko ang mga pagpapansin niya, para bang  lagi siyang nagpapakita at nagpapa cute, ramdam din yun ng mga classmates niya.  Hindi rin ako sumabay sa pagkain ng tanghalian sinabi  ko na lamang na may gagawin ako.  Hapon,  4:00 pm uwian dahil may scouting.  Pumunta ako sa laboratory at ipinatawag ko doon si Kenn Lloyd.   Nauna na ang ilan niyang kaklse sa bahay niya.  Nakapasok sila doon dahil lihim kong kinuha ang duplicate key sa bahay niya last week nang pilitin ko siyang maglinis kami doon. Ayoko namang dumating mag bisita niya na magulo ang bahay niya.  Nagpalit kami ng kurtina pati mga bed sheet at nag general cleaning.   Ayaw sana niyang pumayag pero sinabi ko  na lamang na talagang madumi kaya pagtulungan namin ang paglilinis at sa susunod ay ako naman ang tulungan niya.

    “Kenn Lloyd, busy ka ba, papatulong sana akong mag sort ng mga glass slides.  Mag-iinventory kasi ako dahil darating daw ang mga taga FAPE next week para sa annual inspection.  Tinatamad ako bumalik bukas.”

    “Nako sir, may laro po kami ng mga 4th year, last week pa po namin yun pinag usapan tapos may sasabihin din sana ako sa inyo….”  Hindi pa siya natatapos magsalita ng pumasok si Jayvee.  “Excuse me sir, Kenn Lloyd, nandito ka lamang pala kung saan-saan kita hinanap, Pakisabi naman sa iba, hindi kami makakalaro ngayon may emergency meeting daw ang Journalism set na lang ulit natin next time.”  Lihim sa kanya, nabalitaan ko na yun kaya kinausap ko ang adviser ng Journalism na gawan ng paraan maging busy sila kasi alam ko apat sa mga players ay members ng club niya,  at dahil invited naman siya sa surprise birthday party ay naintindihan niya agad.

    Pagkaalis ni Jayvee, inulit ko sa kanya ang ipinagagawa ko.  “Since hindi pala tuloy laro ninyo, pwede mo na siguro akong tulungan ano?” ang tanong ko.

    “Sige po sir pero pagkatapos natin ay gusto ko sanang…” Hindi pa siya natatapos nang sumagot ako. “Pagkatapos mo tulungan mo naman ako hugasan iyong mga test tubes at ilagay natin sa racks para matuyo.’  Ibinabad ko na mga yan sa sabon para madali na matanggal dumi.” Napakamot siya ng ulo bagamat nakatalikod siya alam kong napapasimangot siya dahil may karamihan talaga yung pinapagawa ko.

    “O bakit, ayaw mo ba akong tulungan? E di sige pagkatapos ko nito e saka ko na lamang gagawin iyan.” Kunwari ay pagtatampo ko.  “Hindi naman po sir, naisip ko lang baka buong weekend ay narito ako ang dami kaya nito, bakit kasi yung mga Grade 8 na yun hindi ilagay sa kanilang box mga ginamit nila, may label naman ng section nila ang box, sa iba pa ilalagay.  Samantalang kami last year pinapagalitan ni Mam Gallardo pag di maayos paglalagay.” Bagamat nagrereklamo alam ko namang nag uumpisa na siyang mag sort, madali lamang naman sanang gawin yun dahil ihihiwalay lamang ang per section kaya lamang sa 5 sections meron ang Grade 8, maraming oras din kailangan.  Pero pwede naman hindi iyon gawin dahil gagawin yun ng Laboratory Aide bukas.  Kaya lamang ay paraan ko  para huwag muna siyang umuwi dahil hindi pa tapos ang paghahanda sa bahay niya.

    Tahimik siya sa ginagawa niya, “Yung mga walang nakalagay na section ihiwalay mo na lamang at ako na maglalagay kung saan, memorize ko naman section nila.” Sinabi ko lamang iyon para huwag siyang mainip.  Pero hindi siya sumagot.  Nalibang na rin ako sa ginagawa ko dahil talaga namang nag rereview ako ng inventory na ginawa ng laboratory Aide.  Nang masilip ko sa bintana na madilim na pala.  Kaagad ko siyang nilapitan.

   
“Ano tapos ka na ba diyan. ” “Sir konti na lamang po itong mga slides pero yung test tubes hindi ko pa nasisimulan.” “Okey na yan, tayo na madilim na pala sa labas.” Medyo napaawa ako sa kanya dahil ang dumi na ng suot niya pagharap sa akin.  “Sir simulan mo na yung test tubes pagkatapos ko nito tutulungan kita dalian na lamang natin para matapos agad, para hindi ka na po babalik bukas.” “Nako huwag na, tayo na gabi na oh, baka tayo na lamang naiwan dito sa school.” Hinawakan ko siya sa kamay para yayain na lumabas.  “E sige po sir, saglit lang maghuhugas lamang ako ng kamay.

Paglapit niya sa akin sa may table ready na akong umalis.  May dalawang naka sealed na paper bags sa table at dahil may dala akong laptop, kusa na lamang niyang kinuha ang mga yun at siya na rin nag off ng aircon.  Sa labas na ng room siya naghintay sa akin at habang nag la lock ako ng pinto.  “Sir tutal naman po gabi na, kain na lamang tayo sa labas, may sasabihin din po ako sa inyo kasi…” halos nahihiya na naman niyang sabi. Habang nakatingin sa ginagawa ko.

Naisip ko na masisira ang plano kung kakain pa kami sa labas dahil kakatext lang ni Claire na ready na ang lahat.  Naroon na rin iyong mga barkada niya at iyong ilang classmates na lamang nila na tumulong mag-ayos ang umuwi para magpalit ng damit ang hinihintay nila. May mga teachers na rin sa bahay.   “E kung sa bahay na lamang ninyo tayo magluto, diba sabi mo magluluto ka ng pininyahang manok, bakit hindi natin gawin ngayon may chicken ka sa ref nakita ko.” palusot ko sa kanya dahil excited na ako. Hindi niya napansin napapangitii ako kasi nag tatap kami ng RFID namin.

“Ang tagal pa non sir, kain na lamang tayo, gutom na ako, saka ano naman e, parang date na rin natin?” talagang mahihirapan yata ako ah, malapit na kami sa sakayan ng tricycle. Pero dahil  may sinabi siyang date, nakaisip ako ng ibang dahilan.  “O sige dahil gusto mo magdate tayo, payag na ako pero  baka naman pwede ka muna magpalit ng damit kasi ang dumi ng suot mo, baka naman isipin ng mga tao na nakikipag date ako sa taong grasa.” Ang pangungulit ko.

“Grabe ka sir, taong grasa talaga? Saka hindi naman nila malalaman na nagde date tayo diba? Pero dahil first date natin to, okey po uuwi muna ako sa bahay tas pupunta na lang ako sa inyo, magmotor na lamang tayo para mas mabilis gabi na naman wala ng manghuhuli.”

“Aba hindi pwede, delikado yun, diretso na tayo sa bahay mo tapos hihintayin na lamang kita para safe, sige diyan ka na sa loob.” Agad kong sagot, sumakay ako ng tricycle sa angkasan sa likod ng driver, at sinabi yung lugar nila, wala na siyang nagawa kundi ang sumakay na rin  siya sa loob, sinadya kong huwag kaming magkatabi kasi nagtext ako na nasa kanto na kami kaya magready na sila.

Pagbaba namin ng tricycle, tahimik, patay ang ilaw, madilim as expected, kaya nabuksan niya ang gate ng walang nararamdaman.  Subalit nang malapit na sa pinto, biglang nagbukas lahat ng ilaw, naroon halos ang lahat niyang classmates may hawak na kani-kaniyang regalo, sa dulo ang mga co-teachers ko at sa isang side alam kong mga barkada niya kasi nakausap ko na ang isa sa kanila.  Sabay-sabay silang sumigaw ng Happy Birthday! May party popper din. At biglang tumugtog ng malakas.  Specheless siya,   pero ngiting-ngiti, iginala niya ang kanyang mga mata pati sa loob, pinagmasdan ang ilang party decorations, balloons, pati ang hanay ng mga trays ng pagkain na binabantayan ng mga caterers,  mayroon ding nagbi-video at photographer.

“Paano kayo nakapasok dito ha, ang dadaya ninyo ha kaya pala hindi ninyo ako pinapansin maghapon, pinagkakaisahan ninyo pala ako.” Tumingin siya sa mga teachers. “Pati naman sina mam at sir nakisabwat din talaga.’  Iyon lang ang nasabi niya pagkatapos maka recover sa pagkabigla.  Walang sumagot lahat nakangiti pero yung iba sa akin nakatingin.  “Sir ikaw may pakulo ng lahat ng ito ano? kaya pala kung anu-ano pinagawa mo sa akin sa lab, tapos ang dami mo palusot para umuwi na ako, last mo na yan sir ha.” At tawanan ang lahat. ‘Pati ang mga salbaheng ito isinama mo pa, hindi ko nga pinapapasok ang mga iyan dito kasi ang lilikot ng mga yan.” Halatang yung mga barkada niya ang tinutukoy kasi nakipag appear siya sa kanila na tawa naman ng tawa.

“Pero sir, may kasalanan ka, hindi mo man lang ako binigyan ng kahit konting hint, tingnan mo naman mga suot nila, eh sabi mo mukha na akong taong grasa, nakakahiya naman itsura ko oh. samantalang sila nakaporma” ang  parang batang pagrereklamo niya.

“E may pampalit ka namang dala, di magpalit ka na.” Makahulugan kong sagot sa kanya. Para namang nakuha niya ibig kong sabihin kasi nakatingin ako sa paper bag na hawak niya. Binuksan niya ang paper bag pero hindi inilabas ang laman. Dalawang T-shirt yun, pantalon at isang cap.  Pagkakitang damit nga,  “Pambihira talaga ang galing mo idol,  naloko mo ako don ah, mula sa school wala akong ka idi idea na damit pala itong dala ko, Ingat na ingat pa naman ako kasi akala ko napaka importante dahil sealed na sealed.

‘Bakit nagtanong ka ba? Ang natatawa kong pang-aasar habang tawa nang tawa rin ang lahat.


“Saglit lang ha, promise mabilis lang ito, babalik ako agad, huwag kayong aalis diyan ha.”tawanan ulit ang lahat kasi kitang kita sa mukha niya ang saya at excitement. Habang tumatakbo papasok sa kaniyang kwarto.  Pagbalik niya suot yung isang Von Dutch T-shirt na  black na my combination na white.  Dalawa kasi yun yung isa pure black.  Suot din yung binili kong pants, hindi ko alam kung ano ang ibibigay sa kanya dahil hindi pa ako nagreregalo sa lalake. Pero napapansin kong iyon ang brand ng madalas niyang isuot.  Ang gwapo niya, hindi maitatanggi, sakto sa kanya ang sukat pati ang kulay.  At lihim akong napangiti.  Paglabas pa lamang ng pinto nagsimula na ang lahat kumanta ng happy birthday to you…at igi nuide siya ni Claire papunta sa may cake.  At parang alam na naman niya ang gagawin, pagkatapos ng kanta pumikit siya saglit mukhang nag wish.  At pagmulat niya ay hinipan ang candle.  Palakpakan ang lahat.  “O sige po kain na tayo.”  Pinauna ng mga estudiyante ang mga teachers at lumapit siya sa kanila upang magpasalamat, tuwang-tuwa naman ang mga teachers sa kaniya.  Ganon din ang mga barkada niya.  Dahil maraming pagkain busog ang lahat, kahit nakailang ulit pang bumalik. At tuwang-tuwa sila sa parang bata na reaction ni Kenn Lloyd. Sinabihan ko rin siyang puntahan ang mga pinsan niya at ang Tita niya, at sa wakas nakilala ko rin sila.

8:00 pm, nakauwi na ang mga teachers, pati mga  barkada niya at ilang classmates na malalayo ang bahay.  Samantalang yung mga natira ay nakaisip mag laro.  Truth or Consequence daw kaya iniikot ang mga bangko at kumuha ng isang bote.  Pero may twist  kung kanino mapatapat ang pointer ng bote siya ang magtatanong kay Kenn Lloyd kung Truth or Consequence.  Panay reklamo ni Kenn Lloyd dahil bakit daw puro siya. “E kasi ikaw ang birthday boy, kaya ikaw ang bida ngayon,” paliwanag ni Camille.  Dahil wala namang magagawa ay pumayag na rin.  Kung anu-ano ang tinatanong nila na truth man o consequence ay nauuwi sa malakas na tawanan.

Isa sa mga consequences ang hindi ko malilimutan,  Yun ay nang sabihan siyang bigyan ng remembrance yung importanteng tao sa kaniya.  Tumingin siya sa akin, kinabahan ako. Pero hindi ako nagpahalata.  Tumayo siya at kumuha ng tatlong maliliit na red balloons at diretso sa lugar ni Paula. At iniabot iyon na hindi tumitingin pero nagkakamot ng ulo.  Panay kuha ng pictures ng mga classmates niya. Pati yung nagbi video ay tawa nang tawa. Nang biglang magsalita si Stephen yung makulit niyang katabi sa upuan sa classroom.  “Pwede pa bang mag truth?” Umoo naman ang lahat kahit kumokontra si Kenn Lloyd, wala na ring nagawa.  “Kenn, do you still love Paula?” Hiyawan ang lahat.  Kita ang pamumula sa mukha ni Kenn Lloyd lalo pa nga at maputi siya tapos maliwanag ang ilaw.  Sandali siyang tumungo at parang huminga ng malalim,  Kumamot muna siya sa ulo niya saka tumingin sa akin.  Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, pero nakita kong tumango siya ng bahagya sabay buka ng bibig niya ng yes, pero walang sound.  Hindi pumayag ang mga classmates niya na hindi nila marinig kaya nang marinig naman ay todo ang tilian ng mga babae ang mga lalake naman ay inaangat pa ang upuan at talagang kinikilig ang lahat. Nakaramdam ako ng matinding sakit.  Parang may kung anong sibat ang tuamama sa dibdib ko, ang bigat ng pakiramdam, nakangiti ako habang pinapanood sila na masayang-masaya pero ang bigat sa dibdib.  Kaya lang wala akong magawa, tama naman sila bagay na bagay ang dalawa, dahil pareho silang matangkad, maganda si Paula, sexy pa.  Si Kenn Lloyd naman ay gwapo.  Sila talaga ang dapat. 

Matagal pa silang naglaro, kung anu-ano na pinagawa kay Kenn, kumain ng malaking slice ng cake, uminom ng softdrinks, juice, sumayaw, kumanta, etc., at game na game naman ang loko na ginagawa lahat ng consequences.  Pasalamat na lamang ako at hindi napapatapat sa akin ang bote.  Pero nang mapatapat kay Paula ang bote, sigawan lahat parang hinihintay talaga nila,  sumenyas Joyce Anne na   tumahimik ang lahat.  “Guys, merong another twist ang game natin, ibalik natin sa dati yung game, kakasawa na si Kenn Lloyd na lang sumagot, sabay senyas ng peace kay Kenn Lloyd. Nakangiti naman si Kenn Lloyd at halatang natuwa.  “This time si Paula naman tatanungin natin pero wala ng consequence truth lang sasagutin niya agree ba kayo guys?” Siyempre lahat pumayag. “Paula, since umamin na si Kenn Lloyd na mahal ka pa niya, mahal mo pa rin ba siya?” lalong lumakas ang hiyawan nila.  Hindi ko na kaya, palihim akong tumayo at pumunta sa kitchen.  Ayoko ng marinig ang isasagot niya dahil alam kong masasaktan ako.  Pero dahil sa lakas ng tawanan kahit lumabas ako sa pinto ng kitchen, alam kong “yes” sagot ni Paula. Biglang tumulo ang mga luha ko.  Pero dali-dali ko iyong pinahid at naghilamos hindi ako dapat magka ganon.  Hindi nila dapat makita mga luhang iyon. Ayokong masira ang gabi niya.

Nakaalis na ang lahat, almost 12 na noon, nakaalis na rin mga nag cater at yung ibang dapat naming ayusin ay ayos na rin.  “O paano birthday boy, uuwi na ako, its been a long day, pahinga na muna tayo.  Babalik ako bukas tulungan kita tapusin mga iyan.” Bahagya ko siyang tinapik. Nakatalikod siya abala sa mga gifts, hinahawakan lamang niya pero wala namang binubuksan. 

“Sir, thank you sa lahat, hinding-hindi ko to makakalimutan, first time akong nag celebrate ng birthday ko, pati yung pagpunta ni Daddy kanina first time nangyari yun sa buhay ko.  Dati sa phone lamang kami nagkakausap o kung may importante siyang sasabihin sa isang tagong lugar niya ako pinaghihintay.  Pero kanina kinausap niya ako sa harapan ng maraming tao at tinawag na anak.  Ang saya-saya talaga sir.”

“Idea naman talaga niya yan e, kasi gusto ka niyang maging masaya, sabi ko naman sayo di ba, mahal ka ng Daddy mo.” “Pero sir, alam ko naman na  idea mo lahat ito at ikaw ng nag-isip ng details nito, nakausap ko na sina Claire at  Rose, sabi nila sinunod lamang nila instructions mo. Thank you talaga sir.” at ngiting-ngiti siya.

Pinipilit kong maging normal ang lahat pero ang hirap, kinokontrol ko emotion ko dahil parang bibigay na ako sa sakit, “Pero sir, sorry ha, alam ko hindi mo gusto yung  ginawa ko kanina, kaya lang gipitan na e, eto kasing si Stephen bakit humirit pa.” sabay hawak sa kamay ko.  Hindi ko alam kung nagawa kong ngumiti pero pinilit ko gaya ng sinabi ko ayokong masira ang gabi niya.

“Pero mahal mo ba talaga siya?” Kusang lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon na hindi ko pinag-ispan, nakatingin ako sa mga mata niya, pero huli na, hindi ako handa sa madidinig ko, ganon pa man hindi na pwedeng bawiin.  Nag-iwas  siya ng tingin sa akin at tumungo huminga muna siya ng malalim saka halos pabulong ang kanyang oo.  Wala akong  naisagot, gusto ko sanang sabihin bagay naman kayo o kaya e pano na tayo.  Pero walang lumabas sa bibig ko kaya tumalikod na lamang ako dahil hindi ko na kaya.  “Sige pahinga na tayo” at tinumbok ko na ang pinto palabas.

“Bigla siyang yumakap mula sa likuran ko. “Pero sir, mas mahal kita, mas mahal kita kesa sa kanya at kung papipiliin ako ikaw ang pipiliin ko dahil sa yo sigurado ako sa nararamdaman ko. At sigurado din akong mahal mo ako.  Kaya huwag ka ng malungkot hinding-hindi kita ipagpapalit sir.  Alam mo ba sir kung ano wish ko kanina, sabi ko sana habang buhay narito ka sa tabi ko, sana anuman mangyari hindi mo ako iiwan kasi ganon din ako sa yo”

“Yumakap na rin ako paharap sa kanya at nang makita niya mga luha ko, pinahid niya iyon ng daliri niya, saka ako kiniss sa labi.  Lumaban ako ng halikan, Mainit, maalab na halikan puno ng kasabikan.  Sa pamamagitan ng mga halik na iyon muli akong nangarap na may maganda pa rin sana  kaming hinaharap. Hanggang sa napaupo kami sa sopa, tuloy pa rin ang aming halikan kasabay ng pag-iinit ng aming mga labi ang pagkabuhay ng pagnanasa ng isang bahagi ng aming katawan, at ramdam naming pareho na may init na nais kumawala mula dito.  Pero kailangang maging matatag, hindi pa kami handa pareho.  Sapat ng masiguro namin ang pagmamahal namin sa isat-isa.  Sa ngayon iyon lang muna ang maari naming gawin.  Hanggang doon lamang muna kami.  Kaya naghiwalay din an gaming mga labi. Pero hindi man namin pinag-uusapan parang officially ay kami na mula ng araw na iyon. 

Sa pagdaan ng mga araw, ay alam kong nagkabalikan na sila, madalas silang tuksuhin kapag nagkakasabay sa pagsagot o kaya ay sa paglabas o pagpasok ng pintuan.  Madalas ko na rin silang nakikitang magkasama o nag-usap.  Sa mga panahong iyon na alam ni Kenn Lloyd na naroon ako, titingin lamang siya sa akin na parang nagpapaalam, kahit hindi siya magsalita alam kong sinasabi niyang “Don’t worry sir I love you more than her. “  kaya kahit papaano ay may assurance pa rin ako.  Hindi ako nakikinig sa mga tuksuhan nila at hindi rin ako nagtatanong tungkol kay Paula. Ayokong malaman kasi ayokong masaktan.  Dahil dito hindi ko alam kung anong klaseng girlfriend siya, isa lamang ang sure ako marami ang may gusto sa kanya.

Samantala dahil sa madalas nilang pagkikita wala naging issue sa amin ni Kenn Lloyd dahil ang alam nila girlfriend niya si Paula at teacher niya ako.  At dahil nga madalas silang magkasama, nabawasan ang oras ng aming pagkikita o kahit pagsabay umuwi.  Pero napaka thoughtful at napakalambing niya.  Madalas bigla na lamang siyang susulpot, at dahil nga kinuha ko duplicate ng susi ng bahay niya, hindi siya pumayag na hindi kunin din duplicate key ng bahay ko.  Minsan habang natutulog ako sa hapon, magigising na lamang ako na katabi ko siya at pinagmamasdan mukha ko.  Minsan naman habang nagluluto ako bigla siyang yayakap sa likod ko at hahalikan ako sa pisngi saka tatakbo palayo.  Pero ang hindi niya nalilimutan ay ang pagdadala ng fruits at chocolate at dahil pareho naming yung paborito at pagsasaluhan namin yun.  Kapag Friday madalas siya sa bahay, at dahil wala namang pasok kinabukasan nauubos ang oras naming kundi man sa panonood ng movies pagkain ay sa kung anu-anong harutan dahil napakahilig niyang mangiliti. At dahil gabi na madalas sa bahay na siya natutulog, kung hindi sa room ko ay sa guest room na gaya ng dati magkayakap kami matutulog pagkatapos ng isang mainit na halikan.  Madalas din siyang mag-iwan ng mga sweet notes sa gamit ko.  Yung maliliit na cards na may love messages.  Lagi tuloy ao tinutukso sa faculty room na naka move on na dahil may new lovelife na raw ako. 

Kung ako ang tatanungin, masaya na ako sa kung ano kami ngayon, walang pressure at walang komplikasyon, nakakakilos pa rin kami ng normal at walang iniiwasang mga mata.

December, patapos na ang taon, tapos na rin ang lahat ng exams.  Ang lahat ay abala sa paghahanda para sa Christmas Party.  Tapos na ang meeting ng Classroom Officers at ayon kay Camille, may naka assign na para sa  foods, games, etc yung sinking fund naman nila ang gagamitin kaya less contribution na. Nag volunteer na ako sa mga prizes at iba pang party needs gaya ng balloons, etc. At dahil half day ng araw na iyon sinabihan ko na si Kenn Lloyd umaga pa lamang na samahan niya ako sa pamimili after ng klase.

At dahil Christmas season na nga medyo punuan na sa mga Supermarket at mahirap na rin ang pagsakay.  Past 4:00 pm na kami nakalabas at bagamat magaan lamang ang dala namin pinili ko ng mag taxi kasi bulky ang dala namin at baka mahirapan kami mag jeep.  Pagbaba namin ng taxi sa tapat ng bahay ko may babaeng bumaba sa kotseng gray at sumalubong sa amin galing sa kabilang kalsada.  Malayo pa ay nakangiti na siya.  At hindi ako maaaring magkamali kilala ko nga siya. 

“Gigi, ikaw ba yan, anong ginagawa mo dito, Kelan ka pa dumating? ang sunud-sunod kong tanong.

“Ako nga, kakarating ko lamang kaninang umaga, pumunta nga ako sa school para i surprise ka kaya lang wala ka.  Kasi hindi ka naman nagrereply sa mgs mga PM ko sa’yo sa Facebook.  Luckily Miss Mendoza still recognizes me, its been three years since you introduced me to her. At siya nga nagsabi about tomorrow’s event at nasa supermarket daw kayo to buy that stuff.  So I decided to wait here and  personally bring you the good news, I know you’ll be glad to hear that.”

No comments:

Post a Comment

Read More Like This